_________________________________________________
"Aidan..."
Halos pabulong kong tawag dito habang hingal na hingal. Kinakapos na din ako sa hininga at pawis na pawis na. Ang layo ba naman ng tinakbo ko?! Kulang na lang talaga lumawit ang dila ko. Hahaha.
"Oh Louie? Ba't ka nandito?" Nagtatakang tanong ni Aidan pero nakangiti naman.
Tumayo ito sa pagkakaupo at iniwan ang mga kasama na abala sa ginagawa. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pag-ismid ng isang babaeng kasama nito. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Wag niya akong uunahan baka hindi ko siya matantiya. Maganda siya pero mas maganda ako syempre. Lamang lang siya sa hinaharap. Oo tama ang iniisip mo. At hindi ko naman pinangarap ang magkaroon ng nakakalunod na boobs noh! Tsss.
"Lika nga dito. Ang pawis mo oh!" Lumapit naman ako at pinalagpas si Miss-May-Nakakalunod-na-Boobs habang kinuha nito ang maliit na towel sa bag at pinahid ang pawis ko sa noo. Inabutan din ako nito ng tubig. "Huwag mong kukunin ang towel sa likod mo para hindi ka matuyuan ng pawis," bilin pa nito.
Muntik ko na tuloy makalimutan ang tunay kong pakay kung bakit ako napunta doon. Ang sweet talaga nito. Hehehehe.
Lihim akong napabuntong-hininga.
Syet na malagkit.
Paano ko ba sasabihin dito na mahal ko siya? Nakakahiya kaya yon! Ba't ako mauuna magtapat eh babae ako?!
Badtrip naman kasi. Huwag lang masabing killjoy talaga.
Natalo ako sa pustahan namin nina Charlie at Chan-Chan. Sabi kasi nila mananalo daw ang school namin sa Interschool Math Quiz Bee. Malay ko bang si Mason ang representative nun?! Akala ko kasi ang nakalaban ko ng elementary ang representative eh lagi ko namang natatalo yun. Hindi ko kasi napanood ang quiz bee dahil nataong Sabado at hindi naman required panoorin kaya pinasya kong magself-defense class na lang. Tsaka malay ko ba na magaling yang si Mason. Hindi din naman nila nakwento na siya nga ang representative. Sa pagkakaalam ko, hindi naman active sa mga ganyan yan. Pero in fairness, bumilib ako sa nalaman. Matalino pala halos mga kapatid ni Charlie, bakit kaya hindi nito namana yon? Hanggang ngayon talaga palaisipan ko yun. Ang labo lang eh. Hahahaha.
Teka nga, balik tayo sa kasalukuyang sitwasyon ko.
"Ba't ka nga ulit nandito?" Pukaw ni Aidan sa saglit kong pagmuni-muni.
Naiihi na naman ako sa kaba. Ba't ko ba kasi ininom ang tubig? Hindi ko tuloy napansin na naubos ko ang laman ng tumbler niya. Huminga muna ako ng malalim. Bahala na. Sasabihin ko na talaga na mahal ko siya.
Kahit... nahihiya pa rin ako.
Paano kung mapahiya ako? Paano kung... hays!
Ba't kasi di pwedeng I like you muna. Dapat love agad?! Naman naman!
"Uhmm. Aidan..."
"O?" Naghihintay na tanong nito.
"A-Aidan k-asi..."
Nagulat ito ng hawakan ko ang dalawang kamay nito. Baka masuntok niya ako sa sasabihin ko eh. Mabuti na ang ready. Hahaha. De joke. Syempre di niya magagawa yon. Gusto ko lang ng makakapitan habang nangangatog ang tuhod ko.
Eto na talaga.
Huminga ako ng malalim.
"Alam mo bang ma-"
"Louieeeeeeeee!!!"
Sabay kaming napalingon ni Aidan kay Chan-Chan na pawis na pawis at tila lantang gulay na nakaupo tatlong metro ang layo mula samin. Muntik na akong matawa sa itsura niya. Tumakbo ba to?!
"O bakit? Hindi ko pa nasabi," sabi ko sabay taas ng ipod. Dapat kasi irerecord ko daw as proof na sinabi ko nga kay Aidan.
"Ang ano ba yon?" Tanong naman ni Aidan na pinaglipat-lipat ang tingin sa amin ni Chang.
"Ah Aidan, magtatanong lang si Louie kung a-ano... Kung ano... ang... ano... a-ang f-favorite flavor ng cake na gusto mo. Consequence niya kasi yon..." sabat ni Chan-Chan na may alanganing ngiti sa labi.
Nagtatakang napatingin ako kay Chan-Chan na may pagtatanong sa mga mata.
ANUDAW?!
Anong drama 'to ba't naging ganon?!
Pero parang gusto ko ding yakapin si Chang sa sinabi. Absuelto na ako. Hehehe. Nakakakaba na kaya. Ano kaya pumasok sa isip ng dalawa bakit biglang binawi ang consequence ko?
"Ahh. Yon ba. Blueberry Cheesecake," nakangiti namang sagot ni Aidan.
"Wow! Masarap nga yon!" Natakam tuloy ako dahil inimagine ko agad ang itsura ng cake. Gusto ko na din maging favorite cake yon. Hahaha.
"Oy Louie, malapit na matapos ang break kaya tara na. Sige Aidan," sabi ni Chang sabay hila sa kamay ko. Nagtataka man ay napilitan akong magpaalam kay Aidan at sumunod kay Chan-Chan. Halos kaladkarin na din kasi ako nito.
Nang malayo layo na kami ay hinarap ko na 'to.
"Hoy ano yon?!"
"Ano'ng ano yon? Pasalamat ka nga tinulungan ka eh," sagot nito.
Tinulungan niya nga akong hindi mapahiya pero nungka namang aaminin ko yon noh!
"Kung ang biglang pagsabat mo kung kelan na ready na ako at ang pagkakaladkad mo ng hindi ako nakapagpaalam ng maayos kay Aidan ay isang malaking tulong na, naku Chang! SA-LA-MAT HA?! Ambait mo talaga!"
"One day, you're going to thank me for doing that Louie. Believe me," makahulugang sabi nito.
Napaisip ako sa sinabi nito.
"Sus... Ah oo nga, sige thank you na din. Nalaman ko ang favorite flavor ng cake ni Aidan. Yon na lang ang pag-aaralan kong lutuin para sa nalalapit na birthday niya. Ang brilliant ko talaga!" Nangiti ng sabi ko dito at pinisil ang pisngi nito.
"Aray ano ba! Nahihibang ka na nga lang sa matanda pa sayo ng limang taon," paismid na komento nito.
"For once, be happy for me Chang. He's my everything," nangangarap na sabi ko dito habang tila nangingilabot naman ito sa reaksyon ko.
"Weirdo."
"Liking someone who's five years older than me makes me weird? Ikaw ang weird. Look what you just did. That isn't you," sagot ko naman dito.
Hindi ito kumibo.
Nainis tuloy ako sa biglang pagtahimik niya. May limitation ba magsalita to?! Nakakapanibago talaga ang ginawa niya kanina. Ba't siya bigla biglang susulpot? At ba't niya pinutol ang pagtatapat ko kay Aidan?
Hmmm. Something's fishy.
Hindi kaya...
Shit!
"Hoy lalaki, umamin ka nga! May gusto ka na ba sakin?!" Nanlalaki ang mga matang sabi ko dito.