Training To Love (Published u...

By jonaxx

62.7M 1.4M 480K

Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng... More

Training To Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Special Chapter - Troy's POV
Wakas
Notes

Kabanata 40

967K 25.6K 9.2K
By jonaxx

Kabanata 40

Akala Ko

Gulong gulo ako. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang 'Earn me' na sinabi niya.

Tinalikuran niya ako at bumaling ulit siya sa sasakyan niya.

"Troy!" Tawag ko.

Pumasok na siya sa sasakyan. Tumakbo ako para pigilan siya.

"Paano ko gagawin!? Hindi ko alam paano!? Troy!" Hinila ko ang soot niya.

"You know the Art of Seduction, right? Why don't you try me?" Ngumisi siya.

It was a leering smile. Nanunuya din ang mga mata niya. Naghahamon. Napalunok ako nang narealize ang sinabi niya. I probably should review my notes.

"Erm... But you just said you love me... Why can't we be t-together?"

Umiling siya, "It's not that easy, Trisha."

Isasarado niya na sana ang pintuan pero pinigilan ko siya.

"Troy! Saan ka pupunta?"

"Bakit?" He smirked.

"G-Gusto ko lang malaman?" Sabi ko nang di nag iisip.

"Bakit gusto mong malaman?" Tumaas ang kilay niya.

"Antipatikong unggoy! Wa'g ka ngang pa hard to-"

Isasarado niya na sana yung pintuan. Nilagay ko ang kamay ko sa loob kaya naipit tuloy ako.

"AHH!" Sigaw ko. "Damn Shet! Ang sakit!"

Napalabas si Troy sa sasakyan niya para daluhan ako. Tinignan niya ang marks ng pintuan sa kamay ko.

"A-Ayos ka lang ba?"

Kainis 'tong si Troy! Gusto kong supalpalin pero hindi ko magawa kasi gusto kong magpa impress.

"Ang sakit." Sabi ko sabay as if inda sa sakit ng kamay ko.

Actually, hindi 'as if' dahil totoong masakit. Yun nga lang mas nagiging oa ako. Pumikit-pikit at suminghap ako sa sakit.

"Uhmmm.." Binawi ko ang kamay ko sa kanya.

Art of Seduction, huh? Sige! Tatanggapin ko ang hamon niya. Magiging kami rin ni Troy. Alam kong mali na maghabol sa kanya pero hindi ko naman yun gagawin dahil gaya ng sinabi ko, Art of Seduction. Let me show you how to do it, Troy Ezekiel S. Salazar.

"Okay lang ako." Yumuko ako. Charot naman! "Uuwi na lang ako, Troy. Sa bahay ko na lang ito gagamutin."

"Wala namang sugat ah?" Tumaas ang kilay niya.

Lumunok ako ng malakas para ma emphasize.

"Masakit sa loob. Baka mamaga ito. Uhm... Sige na." Tinalikuran ko siya.

Naglakad ako palayo. Naramdaman kong di parin siya umaalis sa kinatatayuan niya. Para bang hinihintay niya akong lumingon pero di ko ginawa. Suminghap na lang siya nang nakalayo na ako.

"Oh my God! HAAAAAAAAAAAY!" Buntong-hininga niya.

Tumakbo siyang bigla kaya napalingon ako. Hinila niya agad ako papuntang sasakyan niya.

"May pupuntahan pa ako. Hindi kita ihahatid sa inyo! Mag taxi ka na lang!" Aniya habang pinapapasok sa sasakyan niya.

"Huh? Uhm... Okay lang naman ako. Pwede namang sa labas na ako mag taxi o di kaya mag jeep."

Padabog niyang sinarado ang pintuan ko. Umikot siya para umupo sa driver's seat at pinaandar agad.

"Saan ka ba pupunta?" Tanong ko.

Masungit siyang sumulyap sakin. "None of your business."

"Ang sungit mo naman. Ikaw na nga yung may atraso sakin, ikaw pa 'tong-" Tumigil ako sa pagsasalita nang nakitang tinitigan niya na ako nang nakasumangot.

Mr. Araw Araw May Dalaw is back! But I didn't know I'll find him this sweet. Kahit na masungit siya at parang galit palagi sakin, sweet parin ang nakikita ko.

"Damn!" Pabulong niyang sinabi habang nagba-backing at nililiko ang sasakyan.

"Bakit?" Kumunot ang noo ko habang tinitignan siya.

Umiling siya nang di tumitingin sakin.

Nakasimangot parin siya at magulo parin ang buhok habang nakatingin sa kalsada.

"Can't believe were inside my car again." Pasinghap niyang sinabi.

"Huh? Uhm... Teka, ano bang nangyari bakit ayaw mo ng gamiting yung Audi?"

Sumulyap siya sakin. Mas lalo pa yatang kumunot ang noo niya, "Ewan ko sayo."

"Huh? Kala mo naman pinasabog ko yun. Sinira ko lang naman ang mirror."

Umiling siya at di na umimik.

"Saan ba tayo?" Tanong ko.

"Ako lang! Hindi ka kasama!" Aniya.

"Sungit mo naman! Hmp! Saan mo ako ido-drop ng makapag hike na ako pauwi samin-"

"HIKE? Mag taxi ka nga!" Naagaw ko na naman ang atensyon niya.

"Hike na lang ako. La na ako pera eh. Naubos na kasi bumili pa ako ng pagkain ulit. Nahulog ko kasi diba?"

Umirap siya at biglang bumilis ang patakbo ng sasakyan.

"Troy naman! Wa'g mo akong idamay sa pagpapakamatay mo!" Sigaw ko nang muntik ulit kaming nabunggo.

Lagi kasi tong nangyayari pag mabilis ang patakbo niya. Binatukan ko na.

"Damn it, Trisha!" Inis siya sa pagbatok ko.

"Ang arte mo talaga. Ikaw na siguro pinaka maarteng lalaki na nakilala ko. Haaay!"

Pinark niya ang sasakyan niya sa harap ng Hybrid Square.

"Party?" Tanong ko.

"Hindi."

"Eh, ano?" Lumabas siya ng sasakyan.

Lumabas na rin ako at sinundan ko siya.

"Kakain lang." Aniya.

Sinundan ko siya. Ni hindi siya lumilingon sakin. Hindi niya naman ako pinapaalis.

"Okay? Pwedeng sumama? Ginugutom kasi ako."

"Hindi. Umuwi ka nalang." Aniya.

Inirapan ko siya kahit na nakatalikod siya at di niya ako nakikita. Pumasok siya sa isang restaurant na nag hahain ng lechon. Maraming tao sa loob nang pumasok din ako. May napapatingin talaga sa kanya sa sobrang lakas ng dating niya. Marami pang bumabati sa kanya. May iba ring napapatingin sakin. Yung iba nag bulung-bulungan, yung iba naman nakangisi.

"Hi Trisha!" May bumati pang lalaki sakin.

Inirapan ko na lang. Nakangisi kasi. Yung manyak na ngisi pa.

Nilingon ako ni Troy kaya nakita niya ag pag irap ko sa lalaking iyon. Napa half-smile siya at ibinaling ulit sa patutunguhan niya.

I should have known. Nang pumasok ako dito, alam ko dapat na pang barkada ang restaurant na ito. Dahil nang sa wakas ay nakarating na kami sa table nina Troy, nakita kong kumpleto ang mga sosyal na kaibigan niya. As usual, dress to kill parin ang nakahilerang babae dito. Yung mga lalaki naman, nakakapraning sa sobrang gwapo at yabang.

"Troy, dude!" Sabay high five sa lahat ng lalaki doon.

Tumaas agad ang kilay ng mga babae nang nakita ako. Hindi na ako lumapit. Napalunok na lang ako sa tabi. Pero napalunok na talaga ako ng sampung durian nang nakita kung saan umupo malapit si Troy.

Umupo siya sa tabi ni morenang may dimples.

Damn shet! Wala akong nagawa kundi tumunganga doon at mapaawang ang dibdib.

Hindi kaya yun ang bago niya? Sa tagal ng pagkakakilala ko kay Troy, hindi pa siya kailanman nag settle sa iisang babae lang. Parati iyong paiba-iba. Bakit ngayon iba ang kutob ko? Bakit parang palaging sila?

Nag ngitian pa yung dalawa. Maganda naman yung babae pero bakit naiinis ako sa kanya?

Hindi ko narin alam kung alin yung mas masaklap, yung may babae siyang pa iba-iba o may babae siyang iisa lang?

Napalunok ulit ako at napaatras.

Napatingin si Nash at Theo sakin. Pareho nilang tinignan ang busyng si Troy na nakikipag usap ng maigi sa morenang may dimples na yan.

Tinalikuran ko na lang sila. Imbes na magbabad dito para masaktan, siguro ang dapat kong gawin ngayon ay i-plot na kung paano ko siya maakit. Gagamitin ko ang Art of Seduction pero dapat may adlib din ako. Kung pinaglalaruan niya lang ako para makapag higanti, at least I tried.

Masakit pero wala akong magagawa. Ako ang nagdala sa sarili kong mga paa dito. Masakit pero at least I tried. No regrets. Sinabi niyang mahal niya ako, I have to have faith in that. Pero minsan talaga, kulang pag salita lang, kailangang may gawa. Kailangang maramdaman.

Damn! This is hurting me! But I'm not going to give up without putting a fight. Tatanggapin ko ang hamon niya. I will endure the pain because I deserve it.

*Kriiiiing*

Hindi ko namalayang nakalayo na pala ako sa Hybrid Square. Dinala ako ng paa ko dito sa sakayan ng taxi. Hindi pa ako pumapara. Naglalakad lang ako na parang alam ko kung saan patungo pero ang totoo, hindi naman talaga.

"Hello?"

"Nasan ka?"

Napatingin ako sa cellphone ko. Unknown number. Pero boses iyon ni Troy.

"New number? Ni register mo parin ang number ko k-kahit nagbago ka ng cellphone."

"Hindi." Simple niyang sinabi. "Ano ba! Nasan ka sabi?"

"K-Kung ganun, uhm, memorize mo?"

Natahimik siya ng ilang sandali. Naiiyak ako habang iniisip at pinapanaginip na memorize niya ang number ko. Number ko lang ang memorize ko. Hindi kay mama, hindi kay papa, ni hindi sa kanya, hindi rin kay Jayden noon. Pero siya, memorize niya ang number ko!

"Nasan ka ba kasi?" Inulit niya ang tanong.

"Ewan ko. Nakalayo na ako ng Hybrid. Bakit?"

Agad niyang pinutol ang linya namin.

"Weird." Sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ko ang cellphone ko.

"What the heck are you waiting for?" Sigaw niya kung saan.

Natulala ako nang nakita ko ang sasakyan niya sa harapan ko. Nakapark pala siya sa harapan ko at nakababa pa ang salamin ng front seat.

"Get in! I'll drive you home!"

Abot langit ang saya ko. WHAAAAAT?

Pumasok agad ako sa loob nang nanggigigil.

"Really?" Masaya kong sinigaw. "Oh my gosh! Thank you, Troy!" Niyakap ko siya.

He stiffened.

"Get off me." Aniya.

"Sungit talaga!" Sabi ko at binitiwan siya. "Happy lang naman ako."

"Kung sa ibang tao ka ma happy, yayakapin mo rin?" Sungit niya.

"Hindi, Troy. Syempre, sayo lang."

Umawang ang bibig niya. Naghintay ako sa sasabihin niya pero di na siya nagsalita ulit. Tinikom niya na lang ang bibig niya at tahimik na nagdrive.

"Akala ko ba mag didinner ka with them?" Tanong ko sa kalagitnaan ng traffic.

Ngumuso siya pero di umimik.

"Uhmmm. Sino ba yung morenang may dimples at maganda?"

Sumulyap siya sakin, "Bakit?"

"Nagtatanong lang." Sabi ko.

"None of your business."

Umirap na lang ako.

How will I get in his heart? How will I really melt the walls of Troy? Yes! Pumasok siya sa puso ko. Pero sa ngayon, ako pala yung Trojan Horse. Ako ang papasok sa walls ng puso ni Troy. Sana, tulad ng sa story, matalo ko siya. Sana... mapasuko ko siya sa pakikibaka niyang wa'g akong papasukin.

"Akala ko ba makikipag dinner ka kasama siya? Akala ko ba ako lang yung uuwi? Akala ko ba-"

"Believe me, Trisha. Akala ko rin. Kaya tumahimik ka na lang. Don't stir up my mind too much. Kakarating ko lang ng Pinas, ikaw na agad ang inaatupag ko. Damn this!" Umiling siya.

Continue Reading

You'll Also Like

199K 7.5K 33
Isang lalaki na halos igugol na ang kaniyang buong oras sa paglalaro ng mga computer games ay malolove at first sight sa isang bakla na may maamong m...
2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.1M 48K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.
1.1M 56.5K 152
Okay but first, who are you? An epistolary.