Ikaw na ang Huli (slow minor...

By mugixcha

126K 5.4K 3.3K

During the 1899 Battle of Tirad Pass, General Gregorio Del Pilar was watching the movements of the enemy when... More

Author's Note
Disclaimer
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
Afterword/Credits/Etc.

XVIII

2.3K 119 34
By mugixcha

Ini-upo niya ako sa may sofa at kinwento ko sa kanya ang kamalasan ko kanina.

"Ok lang naman 'to, nagalusan lang ako ng konti!"

Balak ko sana hugasan lang ng sabon at tubig ang sugat pero nagpumilit siyang kunin ang bulak at hydrogen peroxide mula sa cabinet. Bakit kasi hindi ako nakabili ng betadine?

"Di na 'yan kailangan, Heneral!" Kinabahan ako.

"Tibayan ang iyong loob at nararapat ang sakit ay iyong tiisin!"

Nang ipinahid niya na ito, napakagat-labi ako. Pakiramdam ko ni-release niya si Pac-Man sa bote at kinakagat niya ng mabilis ang laman ko hanggang sa loob. Na-imagine ko na isa akong sugatang sundalo tapos si Goyong ang taga Cruz Roja na naggagamot sa akin. Gender bender! Naisip ko bigla ang maaaring itsura niya kung totoo nga na nag-cross dress siya sa Paombong raid.

"Tunay na matapang ang binibini."

Na-imagine ko bigla ang mga sugat na natatamo ng mga tao kapag may digmaan at parang gusto kong masuka sa pag-iisip kung gaano kasakit yung nararamdaman nila 'pag sila ay ginagamot.

"Walang panama ito sa mga sugat ng mga tao sa gyera. Mas masakit yung kanila," sabi ko sa kanya.

"Yuon ay 'singtulad din ng sakit twing nakikita ang mahal na bayan na hindi malaya," ang kanyang dugtong.

---

Nang gabing iyon, kinwento ko sa kanya na totoo ang sinasabi nila Pau na tungkol sa revenge. Hindi ko naman iyon sineryoso pero naisip ko, isang magandang paraan pala na ipakita na maayos ka pa din kahit wala na kayo ng dati mong boyfriend. Yung hindi ka nag-loshang dahil sa depression nuong iniwan ka niya para sa ibang babae.

Sinagot naman ako ni Goyong na talagang bagay sa akin ang damit at para daw akong babaeng-babae.

"Ngunit kahit pa sa aking harap ikaw lamang ay kasing simpleng tulad ng sa ngayo'y hindi ko pa rin maikakaila na gugustuhin kitang--"

"Gugustuhin mo 'ko na?"

"Ang nais kong sabihin ay..." Naubo siya bigla. "Kahit na ika'y hindi magbago ng pananamit tiyak gugustuhin ka pa rin niyang balikan dahil paminsan ang mga bagay na kay simple ay siyang pinakamaganda rito sa ating mundo."

"Kamusta naman si Dolly? Balak niyo na bang mag-pamilya?"

At natawa si Heneral. Akala siguro niya tatanungin ko na naman siya tungkol sa sex life niya. HINDI NA 'NO! AYOKO NA.

"Babalik rin si Dolores sa Amerika. Hindi ko alam kung paano namin itutuloy ito kung ganuon." Hindi ko gets kung nalulungkot ba siya kasi malungkot ang boses niya pero parang natatawa siya.

"Miho, siya ba ay nagbanggit tungkol sa kanyang salu-salo?"

"Ah oo, bakit kailan ba 'yon?"

"Sa loob ng dalawang buwan pa kung ako'y di nagkakamali. Maaari mo ba akong tulungan bumili ng maireregalo?"

"Oo naman. Kelan ba?"

"Bukas."

"Osige." Bukas agad? Di pwedeng next month? Excited ka, Heneral?

"Kung ika'y di na pala hirap maglakad." Bigla niya naalala ang sugat ko.

"Wala to! Ok lang no! Malayo sa bituka. Tara."

---

Kung iisipin, dapat sa mall na lang kami bumili ng ipangreregalo ni Goyong kay Dolly pero naisipan naming pumunta sa Intramuros. Since ang gusto naman niya daw bilhin ay something na Philippine-made at makaluma, in-assume ko na doon din siya makakahanap. I doubt kung magugustuhan yuon ni Dolly, pero siyempre di na ako mangengealam sa diskarte ni Lover boy.

Sa totoo lang, mahal ko ang Intramuros. Tuwing nagpupunta ako duon, ibang saya ang nararamdaman ko sa paglalakad ng pauli-ulit sa lugar na iyon. Never ako pumatol sa mga overpriced pedicab tour kasi mas gusto ko na-e-explore yung lugar habang naglalakad (pero ang totoo kuripot din ako) at every year akong pumupunta ever since college.

Manghang-mangha si Goyong sa mga pagbabagong kanyang mga nakita. Bakas na bakas din sa mukha niya ang matinding nostalgia pati din sa boses niya habang nagkkwento ng buhay-kolehiyo niya sa Ateneo.

"Ang Ateneo'y nasaan?"

"Nasa Quezon City, nalipat na siya eh. Pati ang Universidad de Santo Tomas ay wala na rin dito."

Kapag nasa Intramuros ako, minsan ay kinikilabutan ako pag naiisip ko ang mga nangyare sa lugar na ito-- ang mga bayani na nagsisipasok sa mga unibersidad, ang Battle of Manila, ang napakaraming mga namatay rito at kung anu-ano pa. Pero ngayon, kinikilabutan ako dahil nasa tabi ko ang estudyante ng Ateneong dating nakatayo rito sa Intramuros. Na-imagine ko siya bilang isang normal na taong papasok sa school at pag-uwi ay kasama ang kaibigang maglalakad patungo sa Tondo kung saan siya nakatira ng mga panahon na iyon. Ang buhok niya araw-araw ay paniguradong naka-ayos at ang uniform ay malinis tignan. Bigla kong naisip, sana naging magkaklase kami! Paano kung nuong college days ay biglang dumating si Heneral sa buhay ko?

1. Dahil B.S. Math ako at PhD sa Math (Bobo sa Math at Parating Hirap ng Dahil sa Math), baka natulungan niya ako sa arithmetic at algebra.

2. Marunong pa siyang mag-Spanish, so siguro pagnagkataon, na-practice ko yun maigi dati at di na ko bumagsak sa exam.

3. Papatirahin ko siya ng libre. Ang kapalit ay gagawin niya yung homeworks ko!

(Kinailangan ko na itigil ang exciting na wishful thinking na ito dahil ang user ng dating.)

Sinubukan kong i-summarize sa kanya ang mga nangyari sa lugar na ito, pero dahil hindi naman ako magaling sa ganito, pakiramdam ko napakarami kong na-skip-an na kwento sa pagbabago ng Intramuros. Gusto ko siyang dalin sa Intramuros Admin para may makausap man lang na baka kayang sabihin sa kanya lahat, kaso parang imposible namang mang-istorbo sa mismong oras na yun. Nag-give up ako pero mukang ok lang naman sa kanya at hindi raw big deal (kahit ramdam ko ang interes niya rito).

---

Pagpasok sa gift shop, tinignan namin ang display ng samu't saring Philippine-made na mga gamit, mula sa mga pamaypay, ethnic cloth products, native instruments, etc. Pinakita ko kay Goyong ang pinpropose kong iregalo niya kay Dolly-- ang sikat na "Barrel Man". Medyo convincing ako nuong una, kaso ng accidentally na-iangat niya ang barrel, napa-"Panginoon Diyos!" siya at natawa.

"Pilya ka talagang binibini!" At napa-iling na lang siya.

Sayang. Exciting sana kung natuloy na yun ang iniregalo niya. Tsk.

Kinuha ni Goyong ang isang pamaypay na may swirly design, flowers at ibon. Ito na sana ang reregalo niya kay Dolly pero naisip niya na isang native bracelet nalang ang bilhin. Baka na-feel niya na hindi gagana ang pamaypay sa pagpapapogi niya. Kinuha ko ang pamaypay at nilagay sa kanang kamay ko, binuksan at tinakip sa kalahati ng aking mukha bago ko binagalan ang pagpaypay.

"Ipinahihiwatig mo ba na ika'y maaring magka-nobyo, nais mong sundan ka ng lalakeng may gusto sa iyo, pagkatapos ikaw ay walang nararamdaman para sa kanya?"

"Wow! Ngayon ko lang na-testing ang 'fan language'! Wala siguro ni isang lalake sa modernong panahon ang makakabasa ng ginawa ko!"

"Paano mo ito nalaman?"

"Dahil ako si Poleng." At natawa siya dahil na-gets niya siguro yung fan joke ko.

"Ika'y maraming nalalaman patungkol sa nakaraan-- hindi kaya ikaw rin ay galing din duon na kasama ako?"

Oo nga naman, pwede rin, kung totoo talaga ang reincarnation.

---

"Goyong, di mo ba siya pipigilan na huwag na lang umalis?"

"Pinigilan na rin."

"Tapos?"

"Pag-iisipan raw ito ni Dolores."

"Ahh, edi pag di siya natuloy?"

Napa-buntong hininga ang heneral at napa-isip. Naramdaman kong bumilis ang takbo ng puso ko.

"Ako'y nagugulumihanan."

"Bakit, dahil ba parang hindi padin siya ang dati?"

"Isa na rin iyon sa mga kadahilanan."

"E diba, simula palang napansin mo na iyon?"

"Nagiging mapilit lang ako sapagkat umaasa ako na baka isang araw ay maalala niya ang lahat at ako'y kanyang makilala rin bilang ang Goyong ng nakaraan. Kung iyong makikita na ang isang tao'y kahawig ang itsura ng iyong mahal, hindi ba't gagawin mo rin ang lahat upang malaman kung siya iyon?"

Tumango ako. Siguro nga ganuon din ang gagawin ko.

"E ano pang ibang dahilan ba't ka nagugulumihanan?"

Natahimik siya.

Binayaran na niya ang regalo ni Dolly at lumabas na kami.

"Huy, di mo pa ko sinasagot." Nabitin ako, nakalimutan na ba niya akong sagutin?

Hinawakan niya ang kamay ko at tumawid kami.

---

For nostalgia's sake, napasakay kami ng calesa. Sa totoo lang minsan naaawa ako sa kabayo kaya ayokong sumasakay nito. Habang umaandar paikot ng Intramuros, nag-usap pa kami tungkol sa buhay estudyante niya at mga grades niya hanggang sa napunta ang usapan sa love life.

"Itutuloy mo ba ang higanti?"

"Hindi, naisip ko lang yun. Hindi ko naman balak gawin talaga na tipong may plano ako. Pero ayos din pala magsuot ng kagaya ng bigay ni Pau. Pakiramdam ko di rin masamang gawin paminsan. Ayoko lang yung sapatos na ganun. Pahamak eh!"

"Ika'y matanong ko lamang-- paano kung ang tunay na pag-ibig ay hindi dapat maramdaman dahil wala ring kasiguraduhan ang lahat?"

Iniisip niya na naman siguro yun kay Dolores.

"Subukan mo padin. Lahat naman ng bagay walang kasiguraduhan eh. Malay mo yun sa inyo ni Dolly ay--"

"Hindi mo ba pipigilan ang damdamin kung nalalaman mo na hindi ito maaari?"

"Hmm, depende."

At tinitigan niya ang mga mata ko na parang pinipilit niyang mahanap ang tamang sagot.

"Nasubukan mo na bang balikan ang nakaraan dahil naramdaman mong nariyan pa ang pag-ibig na buhay pa pala ngunit iyong napagtanto na parang mayroong mali?"

Humuhugot ba ang Heneral?

"Hindi pa eh. Teka, teka nga! May problema ka ba kay Dolly?" Tumingin siya sa labas at pumikit na parang dinadama niya ang hangin habang patuloy na umaandar ang kalesa.

Hindi na naman niya sinagot ang tanong ko. Naisip kong huwag mangulit kasi mukhang ang lalim ng iniisip niya. Baka kailangan niya ng time para sagutin ang tanong ko.

---

Pag-uwi, nanatiling tahimik lang si Goyong at naupo sa sofa. Habang mukhang ang lalim ng iniisip niya, kinuha ko ang gitara at naupo sa tabi niya. Dahil nasa mood akong kumanta, naisipan kong tumugtog ng isang Chinese song na matagal ko ng di nakakanta.

看不见你的笑 我怎么睡得着

Kan bu jian ni de xiao wo zen me shui de zhao

Paano ako matutulog ng hindi naaaninag ang iyong ngiti?

你的声音这么近我却抱不到

Ni de sheng yin zhe me jin wo que bao bu dao

Ang iyong boses ay napakalapit ngunit hindi ko mahagkan

没有地球太阳还是会绕

Mei you di qiu tai yang hai shi hui rao

Ang araw ay patuloy na iikot kahit wala ang mundo

没有理由我也能自己走

Mei you li you wo ye neng zi ji zou

At gayun din na kaya kong mag-isang umalis ng walang rason

你要离开 我知道很简单

Ni yao li kai wo zhi dao hen jian dan

Gusto mong lumisan, at alam kong ito'y napakadali lamang

你说依赖 是我们的阻碍

Ni shuo yi lai shi wo men de zu ai

Ang umasa sa isa't isa ay isang hadlang sa atin, ito ang iyong sinabi

就算放开 但能不能别没收我的爱

Jiu suan fang kai dan neng bu neng bie mo shou wo de ai

Kung ika'y magpaparaya, hindi mo ba kayang tanggapin man lamang ang pag-ibig ko para sayo?

当作我最后才明白

Dang zuo wo zui hou cai ming bai

Magpapanggap na lamang na sa huli na ng malaman ko (na ako'y hindi mo na iniibig)

Matapos tumugtog, tinanong ako ng Heneral kung ano ang ibig sabihin ng awiting iyon. Nakikinig pala siya kahit mukhang busy siya mag-isip. Inamin ko na hindi ako magaling sa Chinese pero sinubukan kong iTagalog sa kanya ang kanta para lang may idea siya kung anong pinagsasabi ko kahit baka naman may mali sa pagkakaintindi ko. Sabi niya ay maganda raw ang pagkakakanta ko at ramdam raw niya ang lungkot sa aking boses. Itinanong din niya ang title na siya namang sinagot ko ng: "Cai Hong" o sa Tagalog ay "Bahaghari".

"Ang araw ay patuloy na iikot kahit walang mundo." Hindi ata siya naka-get over sa lyrics ng kanta ah at dinugtungan pa niya ng sarili niyang version. "..Habang ang mundo at ang mga tao'y hirap kung wala ang araw pati na rin ang buwan."

Tumigil siya at nag-isip pa. Gagawa na ba kami ng bagong version ng kantang ito?

"Ikaw ay isang buwan, kapag nawala ang araw at dumating ang dilim-- ikaw ang nariyan at nagsisilbing ilaw."

Teka, anong pinagsasabi ng Heneral? Ako raw? Si Dolly ba ang sun at ako ang moon? Two-timing ba to?

"Goyong, ano naman ibig sabihin nun? Parehas lang silang importante eh."

"Sa umaga at hapon na abala at buhay na buhay, nariyan ang nakakasilaw na araw na masayang bumabati sa kalangitan. Pag dating ng malamig na gabi-- tahimik at mas libre na ang isipan upang maglakbay sa kalungkutan, ligaya at takot sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Kasabay nito, nariyan ang hindi nakabubulag na sinag ng buwan sa itaas at siya namang dinadamayan ka sa bawat nararamdaman. Ngayon, iyong sabihin sa akin alin ang mas nanaisin mong makita pag ika'y tumingin sa kalangitan, ang araw o ang buwan?"

Natahimik ako. Putris. Inabot ng 10 seconds ang katahimikan. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

Isang malalim na buntong hininga mula sa Heneral. "Huwag mo na lang muna ito isipin."

At bigla siyang napangiti pagkatapos niyang maging masyadong seryoso kanina tungkol sa buwan at araw na yan.

"Ika'y matulog na. Sa susunod ay maaari ka bang umawit muli sa akin ng isang kantang pag-ibig?"

"O-Oo naman!" Nauutal ako dahil bigla akong kinabahan sa pinagsasabi niya. Paano ko makakalimutan ang tungkol sa buwan, e gabi na? Nasisilip ko ang buwan sa bintana. Bukas naman paggising ko, andun ang araw. Tangina, nakakapagpabagabag. Repeat 50x in my head hanggang sa ang problemahin ko na lang ay kung paanong hindi mabubuhol ang dila ko sa salitang iyon-- para lang di ko na maisip ang gusto niyang iparating kanina.

Continue Reading

You'll Also Like

853K 46.6K 83
Sophia D. Ark, an ordinary college student that loves reading fiction as its only way to escape her not-so-good reality. After dying in an unfortunat...
1.6M 30.1K 68
[Imperfect Girls Series #1] Getting married to a random stranger just because of a single mistake? That is what happened to Amaia Imogen Muñoz when...
62.2M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...