A Fan's Fantasy

By YouNique09

165K 4.7K 544

Black Blade Series #1 Kay Leon Felizardo umiikot ang mundo ni Summer Aguirre. She is and always will be a sel... More

Prologue
Chapter One: Leon Blaine Felizardo
Chapter Two: Coffee Avenue
Chapter Three: Calliope Santos
Chapter Four: A Fan's Nightmare
Chapter Five: A Fan's Dream
Chapter Six: Curious
Chapter Eight: Moment
Chapter Nine: Olympus
Chapter Ten: Whirlwind
Epilogue: Light

Chapter Seven: Realization

11.5K 358 21
By YouNique09

Chapter Seven: Realization

"Ano ba Mirrel! Nakakahiya!" Mariing saway ni Summer sa kabigan habang hinihila ang sleeve ng t-shirt nito. She knew may binabalik si Mirrel nang mag aya ito na pumunta sa condo nila after nila pumunta sa shop kung saan sila nag papa-print ng shirts.

"Tumahimik ka kasi!" Inilapat naman ni Mirrel ang daliri sa labi at tinapunan ng masamang tingin si Summer.

"Hindi nga kasi siya lumalabas!" Ilang beses na niyang inulit iyon ngunit walang paawat talaga si Mirrel. Narito sila sa dulong hallway sa 16th nagtatago, waiting for Reigan Del Fierro.

"Mirrel naman eh" Napa kamot ng ulo si Summer. Nakakahiya naman kasi kung may maka kita sa kanila. Halatang may inaabangan dahil sa pwesto nila.

"Hindi nga kasi siya lumalabas, kulit naman nito!" Pag uulit ni Summer. Naka silip parin si Mirrel sa direksyon kung saan kitang kita ang pintuan ng unit ni Reigan.

"Malay mo ngayon lumabas siya..." pabulong na tugon ni Mirrel."Sabihin ko nga kay Dancel na i-stalk niya si Reigan"

"He hates stalkers diba?" Alam iyon ni Summer. Syempre she already stalked him.

"We should watch their game..." Mirrel wondered out loud, completely ignoring what Summer said.

"Diba quarterback siya? Almost always captain ang quarterbacks eh. I've seen him play noon, ang galing talaga niya. He should go pro pag graduate..."

Napa iling si Summer. Nagugutom na siya, wala pa siyang ulam dahil wala si Autumn sa unit. Umuwi ito sa kanila kaya siya lang mag isa for the weekend. Kakatapos lang ng prelims nila at pinag hahandaan niya ang reporting ngayon sa Bio and she's also busy with their upcoming activities on the said subject so her schedule is basically full parin for the upcoming weeks. Behind schedule na sila sa prelims kaya two weeks lang or so pwede na silang mag midterms.

Alam niyang magiging zombie na siya sa mga susunod na linggo. Hell weeks galore!

Sana pala nag dinner out na rin siya para hindi na siya hinatid pa ni Mirrel at hindi na nito naisipang mag aya na mag camp out sa labas ng unit ni Reigan.

"Nakakasalubong mo ba siya?"

"Oo pero ilang beses palang"

"Swerte mo talaga girl!" Mirrel gushed and peeked at Reigan's door again. "Sana ibili ako ng unit dito. Sarap tumira dito sa inyo! Ang daming famous! Kayo ni Autumn mga pasimpleng rich kids kayo eh."

Pasimpleng rich kids? TF?

"Mukhang hindi nga siya lalabas..." Ani Mirrel at binalik ang tingin kay Summer. "Tara don tayo sa 6th floor!"

"Ano namang gagawin natin don?" Hindi makapaniwalang bulaslas ni Summer. And here she thought tapos na. May balak pa pala ang kaibigan niya.

"Logan Dimaano!" Casual na sagot nito at hinila siya patungong elevator. They went 10 floors down kaya nang makarating sila sa 6th floor, ganon parin ang eksena. Nagtagago sila na parang spy.

Summer moaned in frustration. "Mirrel, siguro tinatawanan na tayo ng mga guards na nagbabantay sa security room ngayon."

"Huh? Bakit naman?"

"Puno kaya ng CCTV 'to! Malamang nakikita nila tayo!"

"San pa yung kanila dito?" tanong ni Mirrel. Completely ignoring what Summer said again.

"Hindi ko alam, ngayon pa nga lang ako nakatapak dito sa 6th floor!" she reasoned. "Parang awa mo na gutom na ko! Mag re-research pa ko para sa report namin oh!"

"Pssshh bukas mo na ngawin yon!" Mirrel waved her hands dismissively. "Ang sabi sakin ni Dancel, magkasama daw dito si Calliope tsaka si Logan, yung ang alam ng mga taga SAU. Na issue pa nga ata sila but Logan made it clear na friends lang sila. Close daw talaga sila eh, as in best friends close. Madalas daw sila makitang magkasama tuwing lunch minsan kasama naman ni Calliope sina Calixx, yung tropa ni Reigan, pero hindi naman sya mukhang close kay Reigan. Tsaka balita rin ngayon na taken na nga si Calliope. Sino kaya boyfriend niya? Baka naman sila talaga ni Logan? Tinatago lang nila no? Parang ang weird naman kasi kung magsasama sila sa iisang unit. Their families are pretty well off kaya alam kong kaya nilang bumili ng sarili nilang unit" she rambled.

"Mag transfer ka na nga lang sa SAU para masagot mo yang mga tanong mo"

"Di kaya ng pera namin yung tuition don"

"DMU"

"Parehas lang eh," sumimangot si Mirrel. "Balita ko may gwapong tourism student don sa inyo eh, freshman rin"

Oh for the love of everything that's holy! What can I say to make her shut up?!

"Napaka stalker mo talaga" inirapan ni Summer si Mirrel dahil sa mga pinagsasabi nito. Lahat nalang gwapo.

"Ikaw ba hindi?" naka ngising tugon nito. "Kilala mo yung tourism student?"

"Malay ko! Hindi ko naman kilala lahat ng students don!" Summer answered in exasperation ngunit nawala rin ang atensyon niya kay Mirrel nang may marinig siyang pagbukas ng pinto.

"Shit." Mabilis niyang hinila si Mirrel patungo sa sulok para walang maka kita sa kanila. Technically wala namang mali sa kanilang ginagawa pero nakakahiya parin kapag may maka kita sa kanila. They look like obsessive girls.

"I'd be torn, L. I seriously don't know what team I'll root for"

Napa takip ng bibig si Summer nang marinig niya ang boses ni Calliope Santos.

"I think I'll wear white nalang that day para neutral"

"Hindi pa naman sigurado kung makaka abot kami ng finals"

"Oh trust me makaka abot kayo! DMU and SAU last year din diba? Kayang kaya nyo yon!"

"Alis na tayo" Summer tugs on the end of Mirrel's shirt. Mas mabuti nang umalis sila kaysa makita pa sila ng dalawa and think of them as stalker, which they are.

"Act normal" Mariin niyang tinignan si Mirrel bago palabas ng sulok na pinagtataguan nila. Ang tanging daan lang naman para maka alis sila dito ay ang elevator at mukhang doon rin tutungo si Calliope at ang kausap nito, which she guessed is Logan Dimaano dahil sa bigat ng boses.

Napa singhap naman si Mirrel nang mahagip ng tingin ang dalawa. Summer acted normal na para bang kalalabas lang nila ng hallway na iyon at makakasalubong lang nila ang dalawa.

"Hey Summer, Mirrel"

She stiffened at Logan's voice, ganon din si Mirrel. Hindi niya inaasahang babatiin silang dalawa nito.

"Hey" Inayos pa niya ang kanyang boses kinawayan ang dalawa. Calliope eagerly waved back.

"I forgot you live here," naka ngiting sabi ni Calliope.

Napatawa si Summer, hindi alam ang isasagot. Hindi naman siya handa maka usap si Logan at Calliope. Yes, nag hahanda siya whenever she talks to people dahil ayaw niyang mag mumukha siyang tanga whenever she stutters. Good thing hindi pa nangyayari iyon sa harap ni Leon, it took a lot of years to practice.

"Nag gagala lang kami" sagot ni Mirrel.

Sakto namang nag bukas non ang elevator dahil may taong nag aabang rin nito na siyang pumindot. Pumasok na silang apat, hindi naman maitago ni Mirrel ang ngiti habang si Summer naman ay hindi kumportable.

"Uuwi kayo?" Walang hiyang tanong ni Mirrel. Muntik namang mapamura si Summer sa narinig.

Nahiya siya bigla. Iba naman kasi iyong fan tapos mang i-invade ka na ng personal space, kahit na tanong. May limits parin. Narito sila sa Delevinge Tower kung saan naka tira ang dalawa, that alone is enough to know na mahiya ka ng kaonti. Like 'don't ask for a picture' situation. May tamang panahon at lugar sa ganong bagay at hindi iyon ngayon ngunit hindi ata informed doon si Mirrel.

"Yep," Calliope smoothly answered. "Tapos na exams eh, kayo ba?"

"Meron pa amin eh, kayo Summer?" baling sa kanya ni Mirrel.

"Kakatapos lang" Napa kamot pa siya ng ulo nang sumagot. Mukha namang hindi naiinis so Calliope. Si Logan naman ay naka hilig lang sa pader ng elevator at nakikinig. Pinapakiramdaman talaga niya ang dalawa.

"Third year ka na diba, Mirrel?" Tanong ni Logan.

Halata namang nagulat doon si Mirrel but she composed herself at tumango.

"We should call you 'Ate' then" Hindi mapigilang sabi ni Summer. Natawa na rin siya dahil sa pag tawa ni Calliope, si Logan naman ay ngumiti, while Mirrel glared at her. Ayaw kasi nitong tinatawag na Ate. She used to call Mirrel 'Ate' noong nag sisimula palang sila ngunit agad rin siyang pinagsabihan nito.

"Anong course mo?" Tanong muli ni Calliope pagkatapos tumawa.

"BM, Marketing. Kayo?"

Summer's impressed. The conversation's going pretty well ngunit mukhang mapuputol na ito dahil nasa lobby na sila. Batid niya ay sa LG rin ang punta ng dalawa, doon rin naka park ang sasakyan ng kapatid ni Mirrel na ginamit niya patungo dito at sa mga pinuntahan pa nila kanina.

"BM din, Finance naman ako, Law naman sa kanya" Calliope hooked her thumb to Logan. "Ikaw Summer?"

"Psychology"

"Oh, ganon din course nung friend mo?"

"Yep."

"You're alone lang sa unit niyo?"

"How'd you know we live together?" medyo gulat niyang tanong pabalik. Calliope wasn't faltered though, lalo pa ngang lumaki ang ngiti nito.

"Naka sabay ko kayo dito noon so I thought..." she trailed with a shrug.

Mabagal na napatango si Summer. Hindi na alam ang susunod na sasabihin. Sakto namang bumukas na ang elevator at sabay silang lumabas.

"We have to go na, bye guys" Kumaway pa si Calliope habang si Logan naman ay ngumiti lang at naglakad na ang dalawa palayo.

"Shit ang ganda nya talaga"

Napa buntong hininga si Summer sa reaksyon ni Mirrel.

"Dami mong kalokohan Mirrel ha, dinamay mo pa ko"

"Asus! Maganda naman ang outcome! Paano kung kasama nila si Leon? Edi nag lupasay ka don sa elevator!"

"Ewan ko sa'yo! Ginutom mo ko kaya isabay mo ko palabas! Tinamad na kong mag luto dahil sa'yo"

Tumawa lang si Mirrel at pumasok na sa sasakyan.

Naisip ni Summer na sa malapit na fastfood chains nalang sa Coffee Avenue siya kumain para dumaan na rin dito at bumili ng pang midnight snack niya. Doon na rin siya binaba ni Mirrel, hindi na siya masasamahan nito dahil sa pupuntahan nitong biglaang family dinner. Tumawag pa ang Kuya nang nasa sasakyan.

Tanging phone at wallet lang ang dala ni Summer. Wala lang naman sa kanya ang mag commute. Pinili niya ang hindi masyadong matao at doon na kumain, pagkatapos ay tumungo na siya sa Coffee Avenue na nilakad niya nalang.

Pwede naman siyang tumambay dito at maki wifi lang tulad ng ginagawa minsan ni Autumn. Bukas pa naman ang shift niya.

Kinawayan niya si Sir Phen nang makita siya nito. Halos puno rin ang cafe.

"Napadaan ka?" Naka ngiting tanong nito sa kanya.

"Loner ako sa unit, Sir. Pa tambay po ha? Bibili naman ako mamaya"

Binati rin niya ang iilang kakilala na nag ta-trabaho ng oras na iyon, isa na doon si Patricia. Bawal naman siyang makigulo kaya umupo siya sa isang booth na malapit sa bintana. Alas siyete palang, medyo maaga pa. Pwede naman siyang mag tagal ng isang oras dito.

Hindi na niya natanong pa muli si Pat kung pumupunta pa rin si Leon dito tuwing gabi. Naisip niya tuloy na mag night shift nalang para makita ito kaso delikado dahil gabi na siya makakauwi at may pasok pa siya kinabukasan.

She did what she does best to kill time, stalking. Iyon nalang ang ginawa niya hanggang sa maudlot ito dahil sa pag tawag ni Lake.

"Ano?"

"Wala man lang 'hello'?"

"Arte mo. Oh 'Hello!', Masaya ka na? What do you want?"

Hindi niya naman inaasahan ang tawag ni Lake. Well, sanay na rin naman siya na bigla lang itong susulpot kasama ang dalawang kapatid.

"Sabi ni Babe mag isa ka lang kaya makikitulog kami!"

Ngumuso si Summer. Wala lang naman sa kanya iyon. Kilala naman ng mga magulang niya sina Lake kaya ayos lang kung maki tulog ito.

"Tabi kayong tatlo sa kama ni Autumn?" Halakhak ni Summer. Naisip na niya agad kung paano magsisiksikan ang tatlo sa iisang kama. King size lang naman ang kama ni Autumn tulad ng kanya. Paniguradong may malalaglag na isa sa kama.

"Akin yung kama, sa sofa yung dalawa"

"Ang sama mo!"

"Biro lang! Mamaya na natin isipin yang sleeping arrangement. Mag dadala kami ng movies. Mga bandang 9 pupunta na kami, asan ka ba?"

"Naka tambay sa Coffee Ave."

"Aba ayos ka rin eh, nakiki wifi ka lang dyan no?"

"Syempre! Bibili na rin ako ng makaka-kain."

"That's what I'm talkin' about! Cupcakes ha? Thank you and see yah later Sunshine!"

Napa iling siya nang binaba na nito ang tawag. Mukhang hindi na magiging boring ang gabi niya dahil makakasama niya ang tatlo.

Mga bandang 8:30 ay nag desisyon nang umuwi si Summer. Naalala niya ang pagkain para sa tatlo kaya namili muna siya ng cupcakes at iba pang mangangata bago umuwi.

"Pupunta yung crush mo ngayon" Ani Patricia, ang nag serve sa kanya.

"Si Leon? May schedule na siya dito?" Natatawang tugon ni Summer.

Tumango si Patricia. "Maya-maya lang papasok na 'yon dito. Maaga siya minsan pag sabado, minsan naman sobrang late na. Yung tipong sya yung last customer katulad nung naabutan mo siya. Minsan naman halos ilang linggo siyang hindi pupunta tapos lilitaw ulit."

Ngumuso si Summer sa sinabi ni Pat. Talaga palang madalas siya dito.

Ang alam niya na may training sina Leon tuwing Friday o kaya Sabado. She didn't know he had a thing for cafes. Kahit na pagod ay pumupunta parin siguro ito sa Coffee Avenue.

Ngumiti nalang si Summer at tinanggap ang order niya.

"Hindi mo na siya hihintayin?"

Natawa siya sa sinabi ni Pat. "Hindi rin naman niya ako papansinin, Pat."

Ngumiti lang ng makahulugan si Patricia. Nag paalam naman si Summer sa iba dahil kailangan na niyang umuwi. Wala pa namang susi ang tatlo, tatambay ito sa labas kapag nauna sila kaya mas magandang mauna na siya.

She was standing by the curb nang may tumigil na isang puting Fortuner sa kanyang harapan. Hindi na niya kailangan isipin kung kaninong sasakyan iyon.

Binaba ni Leon ang tinted na bintana and motioned for her to get in.

She stared at him with wide eyes. A wave of déjà vu hit her.

"You can totally pull off kidnapping with your looks" Napailing si Summer bago sumakay. Wala naman siyang choice, Leon doesn't take no for an answer.

Gusto niya sanang itanong kung madalas niya ba itong gawin, ang mag hatid ng babae kung saan o kaya ay sumusulpot nalang bigla but she decided against it.

Inilagay niya ang mga pinamili sa hita at nanahimik. Wala namang awkward air pero gusto niya yung nag uusap sila. Pangalawang beses na itong nangyari. Nakasakay siya muli sa sasakyan ni Leo. She bit her lip to stop the overflowing feels. Sinermonan niya ang kanyang inner fangirl dahil baka mag freak out sa kanya si Leon.

This is way better than standing next to him for a picture.

"May dadaanan lang ako sandali, ayos lang?" Leon glanced at her.

"It's your car" Summer pursed her lip. Kung magkakaroon siya ng sasakyan, ganito ang pipiliin niya.

She caught a glimpse of his smile ngunit mabilis rin itong nawala pero dahil naman doon ay napa ngiti siya. Bigla namang naagaw ng iPhone na naka connect sa sound system ang kanyang attention.

"What kind of music do you listen to?" She asked, spiking up a conversation. She loved the silence but gusto niya ring marinig ang boses ni Leon.

"I listen to all genres except Metal..."

"Even Classical?" Napa taas ng kilay si Summer. Sa mga nababasa niyang magazines noon, tipid lang ang mga sagot ni Leon pag interview. Doon niya nalalaman ang mga basic infos katulad ng mga likes at dislikes but she'd rather hear it from him mismo.

Tumango si Leon. "Even Classical"

"Sabi mo don sa Candy Mag interview niyo noon, you can play guitar."

"You've read those?" Leon raised his brow again.

"Of course, I'm not your fangirl for nothing you know"

Basta kung saan feature si Leon ay babasahin niya. She's got the magazines and newspapers all stacked up in one place. Clean and secured. At hindi niya ikinahihiya iyon.

"Bakit sa DMU ka nag aral?" Tanong ni Leon sa kanya. She felt giddy all of a sudden dahil feeling niya naging interisado si Leon sa buhay niya.

She's experiencing a lot of firsts right now.

"Hindi ako pumasa sa exam kaya nag DMU ako"

"You could always transfer. Tumatanggap naman ng transferees ang SAU"

Is he indirectly telling her to transfer?

"Siguro pag mag Masteral ako sa SAU na, para naman ma experience ko rin mag aral sa dream school ko" Tumawa siya. "Gusto ko kasi maging Professor kaya after finishing my degree mag aaral ulit ako"

She felt like she shared too much kaya medyo kinabahan siya sa kung ano ang isasagot ni Leon.

"You've got your plans all set then?" Sinulyapan siya nito. "Bakit naman gusto mo maging Professor?"

Ngumiti doon si Summer. "College Students need hope, gusto kong maging katulad ng English Prof ko. Inspiring siya and at the same time marami rin akong natututunan. Minsan kasi nangdadarag nalang yung ibang Prof eh, wala na silang paki alam sa personal life ng isang student. Malay mo depressed pala yung student kaya siya ganon ss klase tapos dadagdagan pa ng sermon ng Prof at dami ng gagawin, mas gugustuhin ko nalang na lamunun ako ng lupa non. Professors need to be considerate and understanding. They have to teach students life lessons too"

"You want to give people hope?"

Tumango si Summer. "Sabi nga ni Gwen Stacy 'We have to be greater than what we suffer' and she asked us to be hope. Kung sa nagbibigay maliit na bagay lang iyon pero sa tatanggap at malaking bagay yon. Masarap sa feeling na naka tulong ka kahit papaano diba? I just want to lift up lost spirits with inspiring words and teach them stuff at the same time. Mas gugustuhin ko pang matutunan nila o matandaan nila ang lahat ng sasabihin ko kaysa sa ituturo ko"

"You're really something, Summer Lumiere"

Nahiya si Summer. Feeling siya nag over share siya but Leon looked okay with what she said.
Mukhang nasasanay na sila sa presensya ng isa't isa.

Nakita niya na palapit sila sa isang cafe. Naka tingin lang siya sa labas hanggang sa itigil ni Leon ang sasakyan sa isang bakanteng spot. Tinanggal niya ang kanyang seatbelt sabay ng kay Leon at lumabas.

"Bakit hindi ka nalang sa Coffee Avenue bumili?" Tanong niya at sumunod dito papasok. Leon held the door open for her para siya ang mauna.

Na inlove agad si Summer dahil vintage ang interior ng cafe.

Paris 1995 ang pangalan nito.

"I go cafe hopping when I have nothing do to" Leon said, admiring the interior too.

Summer laughed at that. Kung bar hopping ang trip ng iba then cafe hopping naman kay Leon. That is seriously a turn on for her.

Leon doesn't have a thing for cafes, he has a thing for coffee and Summer loved that.

"You just drive around and find a cafe?" Tanong ni Summer. Sinamahan niya si Leon sa counter.

Tumango naman ito. Mukha namang wala rin itong paki alam na mag share ng information. Summer could sell this info pero hindi niya gagawin. Lahat ng moment nila ay exclusive lang for her.

"That's pretty cool..." she can't help but sigh. Leon's really not like other guys.

Nakangiti siya habang tinitignan itong umorder.

She has admired Leon since the day she first saw him play. Mas nauna niyang napansin ang galing nito sa basketball kaysa sa itsura nito and para sa kanya malaking bagay iyon dahil hindi niya hinahangaan si Leon dahil lang gwapo ito. Marami sa mga bagay na ginagawa niya ngayon ay konektado dito. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa buhay niya kung wala ang pack, ang buong SAU Wolves, at si Leon. Her life became interesting when Leon entered the picture.

I'll be damned if I tell myself I'm not in love with him.


Continue Reading

You'll Also Like

62.3K 1.1K 57
Poisoned apples don't always fall off from a tree, but also from a beauty. And guess what? I fell in love with a beauty. ********** If Maui...
683K 18.1K 30
Bata pa lang ay ibig nang makalaya ni Akina Kobayashi sa palasyong naging hawla niya. Hindi man niya nais na iwanan at takasan ang mga magulang niya...
3.1M 67.4K 35
Del Russo Series #3 *** Dr. Creed Isaiah Del Russo had everything. Money, looks, and the love of his life, Dr. Jillian Klairo Esperensa. A beautiful...
4.8M 140K 66
"Another school year starts in Sinclaire Academy, do you dare to enter again?" - I suggest you read Sinclaire Academy before reading this. Just so yo...