Pandora University: School fo...

By StellaiMaknae

40K 1.8K 722

A MUTANT is a human who possessed a genetic trait that allows them to naturally develop superhuman powers and... More

PANDORA UNIVERSITY
ONE: MOVING OUT
TWO: PANDORA
THREE: INTANGIBILITY VS INVISIBILITY
FOUR: FIRST DAY AS A STUDENT
FIVE: ICE OF TORNS
SIX: 50/50
SEVEN: CURIOSITY
EIGHT: DEEP DARKNESS
NINE: NIGHTMARE
TEN: MISSION
ELEVEN: BREATH-TAKING
TWELVE: A CHILDHOOD FRIEND
THIRTEEN: TEAMWORK
FOURTEEN: LIGHT INSIDE THE DARKNESS
SIXTEEN: BROTHER?
SEVENTEEN: MEMORIES
EIGHTEEN: JEALOUSY
NINETEEN: LIES
TWENTY : AEDAN
TWENTY-ONE: ABDUCTION
TWENTY-TWO: NO MATTER WHAT
TWENTY-THREE: SIRIUS AND THE VESSEL
TWENTY-FOUR: THE RESCUE
TWENTY-FIVE: SHE'S BACK
TWENTY SIX: THE FORCE

FIFTEEN: ODUCSE

1.2K 58 4
By StellaiMaknae







Napalingon ako sa paligid, madilim na naman. Ngunit wala akong nararamdamang kakaibang presensya, mukhang hindi naman delikado.


"Dad! Dad! Look!" Napalingon ako sa left side ko at nakita ang isang bata roon, nasisinagan sya ng araw, at mukhang nasa isang garden, nakatalikod ang bata sa akin at mukhang apat na taong gulang pa lamang ito dahil sa liit nya, nakaupo sya sa damuhan at nakapigtail braids.


Nanglaki ang mga mata ko ng lumapit ang pamilyar na lalake sa kanya, napaka pamilyar ng taong yun sa akin, because I have lived almost eighteen years of my life with him. Mas mukha pa itong bata at mas payat ngunit ganoon pa din ang itsura nito, mukha pang binata at makisig.


Nakangiting syang lumapit sa bata, "What are you doing princess?" Sabi nya bago naupo sa harapan nito, my eyebrows raised, 'Princess'? nag mamadali kong tinakbo ang pwesto nila .. Hindi ako makalapit ngunit nagawa kong umikot kung saan nakaharap na sa akin ang bata.


Gaya nga ng inaasahan ko, It was me. That was me when I was four years old, I know, cause I've seen my baby pictures and wala naman halos pinag bago ang mukha ko noon at ngayon, pumayat lang ako at nabawasan ng mabibintog na pisngi. But why am I seeing this? Am I dreaming?


"Look!" Nakabungisngis syang tumingin kay dad, bago muling tumingin sa kumpol ng iba't ibang kulay na mga bulaklak na nakapatong sa maliliit nyang palad. Itinapat nito ang isang kamay roon at unti unting itinaas, my eyebrows raised ng mag taasan ang mga bulaklak sa maliit nitong kamay, sumusunod ang mga ito sa bawat pag galaw ng kamay nito, maya maya pa ay itinutok nya ang kamay sa ulo ni dad at duon nag puntahan ang mga bulaklak, ibinaba nya ang kanyang kamay at unti unting nalaglag ang mga ito na tila sinabuyan ng confetti si dad.


Tumawa ang lalake at kinarga ang batang babae, "Napakagaling naman ng prinsesa ko" sabi nito at hinalikan ang bata sa noo, tuwang tuwa din naman ang bata sa reaksyon ng lalaki, And there I was standing inches away from where they are. I've always been a daddy's girl, so seeing this make me missed him more. Seeing my dad's genuine smile, full of love Every time he looks at me.
The girl looked around the place with a smile on her face, mukhang may hinahanap ito, and then her eyes started staring at something, her face became serious, I followed her gaze and saw a Tree not far from where they are, "look dad, I can also do this" Mayabang nitong sabi, tumingin si dad sa lugar kung saan sya nakatingin, maya maya pa ay nag umpisang manginig ang puno at yumanig ang lupa, bakas sa mukha ni dad ang pag tataka, hindi nag tagal ay nabunot ang mga ugat ng puno at lumutang ito pataas, malaki ang punong yun ngunit hindi naman kasing laki ng higante, sapat na ang laki nito upang magulat kameng pareho ni dad, na kayang bunutin ng isang bata ang puno sa lupa ng hindi man lang pinag papawisan.


"Stop it Stella, I don't like it!" Mariin na sabi ni Dad, he was mad, full of authority ang boses nito, tinatawag nya lamang ako sa pangalan ko kapag nagagalit sya, napalingon lingon sya sa paligid checking kung may mga tao bang nakakakita sa kanila.


Napatingin ang bata sa lalaki, tila nagulat ito na hindi nagustuhan ang kanyang ginawa, maya maya pa ay nag iba ang ekspresyon ng mukha ng bata at sumimangot.


"Don't ever do that again!" Dad scolded her, biglang na bago ang ekspresyon sa mukha ng bata, natakot ito at nanginig ang labi, tila pinipigilang umiyak, maya maya pa ay ngumawa na ito, ngunit hindi ang malakas na pag iyak nito ang nag pagulat sa amin ni dad, kundi ang lalong pag taas ng puno na kanina ay nakasteady lamang sa ere, tumaas pa ito at maya maya ay nag simulang manginig muli.


"Dad!" Sigaw ko, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.


"Stella?" Napalingon sya sa paligid bago muling napatingin sa batang karga karga na patuloy sa pag iyak.


Tinignan kong muli ang puno na ngayon ay nag kacrack na, nahuhulog na ang mga maliliit na balat ng kahoy mula roon.


"Dad! Umalis ka na dyan!" I yelled again, and once more he looked around the place, "The tree! Look at the tree!" Sigaw ko, I never expected na titingin nga sya sa puno, I frowned.


'C-can he hear me?' I thought, Pero agad nawala ang pag iisip ko ng biglang tumakbo si Dad at tinakpan ang ulo ng batang walang tigil sa pag iyak, and then, sumabog ang puno, nahati ito at nalaglag ang mga debris sa iba't ibang parte ng lugar.


"Stella!" Napalingon akong muli sa imahe ng aking ama na tumatakbo palayo dala dala ang batang patuloy ang pag iyak. Our eyes met "Always keep safe and comeback alive you hear me!" He yelled, I bit my lower lip as the tears started to pour out of my eyes, Nakikita nya nga ako.


I noddedand mumbled "I love you dad", Hindi ko alam kung narinig nya dahil medyo malayo na sya sa akin ngunit ngumiti sya, an assurance that he did heard what I said, and then everything turns into a blur dahil sa tubig na pinipigilan kong lumabas, I closed my eyes bago pinunasan ang luhang tumulo sa aking pisngi, Ng imulat kong muli ang mga mata ko ay wala na ako sa kadiliman, wala na din ang garden sa harapan ko.


My eyes were welcomed by the wooden ceiling, It was unfamiliar though.


My eyes landed on the window where the sunlight's coming from. Maaga pa, I sat up with a frown on my face. Nananaginip nga lang ako, Nakaupo ako sa kama at naramdaman ang pag tulo ng tubig mula sa aking mata, pinahid ko iyon ng aking kamay, hindi pa din nawala ang pakiramdam na meron ako sa panaginip ko, Miss ko na ang parents ko, I sighed.


Napatingin ako sa paligid, ng marealized kong hindi ito ang kwarto ko sa University "Nasaan ako?" Tanong ko sa sarili ko, walang ibang tao sa kwarto kundi ako. Wooden ang lahat ng gamit dito, and then I remembered.


"Nasa bahay pa kaya kame ng Blacksmith?" I stood up, binuksan ko ng dahan dahan ang pintuan ng kwarto, siguro naman ay walang kalaban na bubungad sa akin.


I inhaled deeply bago tuluyang pinihit ang doorknob, nakahinga ako ng maluwag ng buhay pa ako pag tungtong ko sa labas ng kwarto.


Pero walang ibang tao? Nasaan na sila, mukhang ang kwarto kung nasaan ako ay nasa second floor ng bahay malapit sa may hagdanan.


I walked silently on the wooden floor, making sure na di ako makakagawa ng anu mang ingay, just in-case it's not fully safe.


Nabuksan ko na halos lahat ng kwarto sa second floor ng makarating ako sa dulo ng hallway, kung saan andoon ang red dimensional button at kung san may anino akong nakita noong na ambush kame dito.


I gulped, di ko alam kung bakit naglakad pa din ako patungo sa lugar na yun, It was another hallway pero wala ng mga kwarto, I was scared.


Natigilan ako, ng isang hagdang pababa ang nasa harapan ko patungo sa isang bakal na pintuan na hindi naman ganoon kalayo, makipot na ang daanan at mas lalong nadagdagan ang kaba ko.


Di ko alam kung bakit kahit takot na takot na ko tinuloy ko pa din? I guess mas curious ako kesa sa takot na nararamdaman ko.


I heaved a deep sigh ng makarating sa tapat ng bakal na pintuan. Para iyong pintuan para sa mga preso ngunit hindi mo makikita ang loob ng kwarto.


Kung ano ano ang pumasok sa utak ko, paano kung may halimaw pa lang nakakulong doon na inaalagaan ng taong dahilan kung bakit kame inatake?


"You have your gift Stella, you'll be fine" I whispered to myself bago marahang binuksan ang kwarto, nag papasalamat ako na wala itong ginawang anu mang tunog na maaring makaagaw sa atensyon ng kung sino mang nasa loob.


"Waaaah!" Nanglaki ang mga mata ko ng marinig ang pamilyar na boses na sumigaw galing sa loob.


Hindi na ako nakapag isip pa at tinulak ko ng todo ang pintuan.


"Blaze!" Pag aalala kong sigaw, sobrang lakas ng pag tulak ko na tumama ang pintuan sa dingding, hindi ko alam kung ang lakas ko ba o tinulungan ako ng gift ko para maitulak ang isang bakal na pintuan.


"Stella! Look ang cool!" Bungad sa akin ni Blaze na nakatayo malapit sa isang wooden table kung saan nakalagay ang mga weapons na palagay ko ay yung ibibigay sa amin ng Black Smith.


Hawak hawak nito ang isang sibat na mas matangkad pa sa kanya, showing off his ever so famous toothy grin, habang kaharap nya naman ang isang babae, na mukhang elf, nakasmirk ang babae sa akin.


Samantalang si Aedan naman ay nasa likod ng lamesa at nakatitig sa akin,kahit walang reaksyon ang mukha nito kitang kita ko sa mata nya ang pag tataka sa kinilos ko, habang si Lucy naman at Blood na nakaupo sa balikat nito, ay nakatitig sa akin dumbfounded dahil sa bigla kong pag pasok with fear flustered on my face, dagdag pa ng pag sigaw ko. Naramdaman ko ang biglang pag akyat ng dugo sa mukha ko dahil sa kahihiyan, nakatayo ako doon nakalapat ang isang kamay sa pintuan, habang ang isang kamay ay nakakuyom at nakahanda sa pag atake.


"Sa wakas gising ka na" The girl who looked like an elf clasped her hand together with a grin on her face


"Uh" I blinked three times, hindi ko alam ang sasabihin, I was totally embarassed, Paranoid kasi masyado Stella.


Agad din naman nawala ang awkwardness sa paligid ng biglang nag apoy ang hawak ni Blaze na sibat, mula sa kamay nito ay dumaloy ang kulay yellow orange na enerhiya patungo sa magkabilang dulo ng sibat, Parang nag niningas na lava ngunit hindi man lang sya napapaso, Ang talim ng sibat ay kulay pula ngunit makikita mo roon ang linya ng enerhiya na isang dangkal ang layo mula sa patalim, na tila pag na dikitan ka ay agad kang masusugatan kahit di pa ito bumabaon syo.


Nanglaki ang mga mata ko sa nakita.


"Sabi ko sayo ang cool ng Blazing Spear eh" Blaze showed his toothy grin at me while wiggling his eyebrows.


"Blazing Spear?" I frowned


"Yeah, Blaze and his Spear" Blaze pointed at himself bago itinaas ang sibat na hawak then he laughed out loud.

"Last mo na yan, Corny nito" Lucy rolled her eyes and shooked her head

"Bakit? Yun ipapangalan ko dito no! Cool kaya" Pag mamalaki pa ng lalaki

"Halika, Bilis!" Nagulat ako ng bigla akong hinila ng babaeng mukhang elf

"Ow, Di mo pa nga pala ako kilala. Ako si Vivi ang Black Smith ng bayang ito" Siguro ay na realize nya ang naging reaksyon ko.

"Black Smith? Master Black Smith? Ang bata mo naman" My eyebrows raised at di ko napigilan ang nasabi ko, iniisip ko kasi matandang lalaki ang Black Smith, mahabang puting buhok at balbas tapos malaking tao, But she's the opposite.

"I get that a lot" She giggled bago tumalikod at hinila akong muli palapit sa lamesa kung nasaan nakalagay ang mga weapons na tingin ko ay ibibigay nya ang ilan sa mga iyon, sa amin.


"Aedan, Show us your weapon, It's your turn to test it" Excited na sabi ni Vivi


Tahimik namang sinunod ni Aedan ang sinabi ng babae at kinuha ang isang pares ng bow and arrow, It was beautiful, Pag tinignan mo masasabing mong It belongs to Aedan talaga.


The bow is as white as a dove with a spiral gold design, yung hawakan sa gitna ay gold din. Yung lalagyan ng Arrows ay kakulay ng Bow with the same design, the Arrows inside are white as well, gold ang patalim nito kagaya ng feather na nasa dulo nito.

Kumuha sya ng isang arrow at inilagay sa bow, Itinutok nya ito sa malayo, He looked just like those characters na mapapanood sa mga palabas, Parang napaka galing nya sa pag hawak ng Bow and Arrow.

"Now put your energy on the arrow" Turo ng babae, seryoso na ang tono ng boses nito ngayon. Naging blueish white ang puting parte ng arrow habang nag karoon naman ng blueish white lining ang gold feathers at patalim nito, kumikinang ito na tila isang yelong nasinagan ng kaunti ng araw.


Lahat kame ay tahimik na nakatitig sa lalaki, He closed one of his eyes habang ang isa ay naka-focus na target kung saan sya lang ang may alam, "Now release it" Utos muli ni Vivi. Pinakawalan nya ang palaso, lahat kame ay napasunod ang tingin sa bumubulusok na pana, tumama ito sa bakal na pader ng kwarto, tumaas ang mga kilay ko ng imbis na maglalag ito dahil sa tigas ng bakal ay tumusok ito roon at mabilis na kumalat ang yelo sa pader.


Kung kay Blaze ay matatakot ka pag nakita mo dahil alam mong patay ka pag tinamaan noon, ang kay Aedan naman ay mapapatitig ka sa ganda.


"You can control how long the ice would travel through your target's body" Dagdag ni Vivi, napatingin ako kay Aedan at andoon na naman ang exciting smirk sa mukha nito everytime na nagagamit nya ang gift nya, nakatitig lang ito sa pinakawalang palaso, tumingin akong muli roon at patuloy pa rin ang pag laki ng yelo, Tumigil lamang ang pag galaw nito ng makabuo ito ng isang malaking snowflake, kung saan nasa gitna ang palaso na pinagmulan ng yelo.



'How can something so beautiful be so deadly'


I thought, kahit napaka ganda noon, panigurado akong mamamatay agad ang taong tatamaan noon, lalo na kung sa puso bumaon ang nag yeyelong palaso.


''My turn!" Nag mamadaling sabi ni Lucy, lumapit ito sa lamesa at kinuha ang pares ng silver knuckle blades na nandoon, may design na skeleton ang dulo ng blades at may pa zigzag namang design ang gitna nito, lumipad naman si Blood palapit sa akin at naupo sa balikat ko.


Matapos ang ilang segundo "Astig!" Manghang manghang reaction ni Lucy, Nagkaroon ng purple linings ang gilid ng blades nito, siguro yun ang kulay ng enerhiya ni Lucy, parang purple lazers.


"Very good, Now put down your weapons" Confident na ngiti ni Vivi


Sinunod naman nila ang sinabi nito at ibinababa ang mga armas sa lamesang nasa harapan nila.


"Now, Blaze. Kunin mo yung kay Lucy" Dagdag ni Vivi


Nakangiti namang sinunod ni Blaze ang sinabi ng dalaga "Woah!" Sabay sabay kameng nagulat maliban kay Vivi na nakangiti at kay Aedan na tumaas lamang ang mga kilay. Noong hawakan kasi ni Blaze ang weapon ni Lucy, Lumagpas lamang ang kamay nya roon kagaya ng gift nito.


"Your weapons are made specially for you, Gawa ang mga ito sa espesyal na bato ng Oducse Kaya naman walang ibang makakahawak nito kundi kayo lamang, Siguro naman alam nyo ang mangyayare when you try touching Aedan's or Blaze's weapons" Nakasmirk na sabi ni Vivi, napatango na lamang kame, paniguradong masusunog o mag yeyelo ang taong hahawak ng weapons nila, nakakatakot.


"And for the last one, since hindi pa nahahawakan ni Stella ang kanya hindi pa sya nakikilala nito, so once na dumikit na ito kahit kaunti sa balat nya, wala ng pwedeng humawak noon" Kinuha ni Vivi ang isang golden tiara sa lamesa, na may sapphire flower stones na magkakahiwalay na nakaattach roon, lumapit sya sa akin at inilagay ito sa noo ko.


"This can be used as a boomerang, pero mas nag fo-focus ito sa pag gamit mo ng gift mo, Since your gift comes from your mind, tutulungan ka nito sa pag control ng gift mo, para hindi mo maibuhos lahat ng lakas mo, you just have to learn kung paano papadaluyin ang enerhiya mo rito" Vivi explained the moment na nakita nya ang pag tataka sa mukha ko.


"Malakas ka na Stella, hindi mo na kelangan ng armas para protektahan ang sarili mo" She whispered and smiled at me, I just stared at her, Ako malakas?


"Okay na ba lahat?" Vivi clasped her hands together at tumingin sa aming lahat, sasagot na sana kame ng bigla syang nag salitang muli


"I forgot" Napapitik ito ng daliri at muling lumapit sa lamesa "Lucy, Could you give this to Pandora pag balik nyo ng university?" Lumapit sya kay Lucy at inabot ang isang bagay na naka balot sa isang tela.


"It's for your brother's, he's been here pero nung mga time na yun di ko nagawang tapusin to" Tila ingat si Vivi na banggitin ang mga salitang iyon, na realize ko kung bakit ng mag iba ang itsura ni Lucy at ni Blaze


Naging malungkot ang mukha ng mga ito, huminga ng malalim si Lucy bago nya inabot ang hawak ni Vivi, "Remember hindi nyo pwedeng hawakan ito ng wala ang telang bumabalot dito" Pag papaalala ni Vivi. Tumango kameng lahat.


"Gusto ko pang makaabot sa Pandora's Fair, malayo pa lalakbayin naten. Tara na" Tila bumalik naman ang sigla ni Lucy, kinuha nya ang weapon nya at nag yaya na palabas ng kwarto.


Pero ramdam ko, ramdam ko na malungkot sya. Hindi ko alam na may Brother si Lucy, Kung ganoon nasaan na sya?















Continue Reading

You'll Also Like

174K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...