Ikaw na ang Huli (slow minor...

By mugixcha

125K 5.4K 3.3K

During the 1899 Battle of Tirad Pass, General Gregorio Del Pilar was watching the movements of the enemy when... More

Author's Note
Disclaimer
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
Afterword/Credits/Etc.

XIV

2.5K 133 21
By mugixcha

"Uy, kayo na munang bahala dyan ah. Alis na ako." Tinapik ko si Lawrence habang kausap si Goyong.

"Oo ba, Miho. Asahan mo ako lagi, 'wag si Greg!" sabay isang flying kiss mula sa kanya.

Humarang si Goyong at umarteng nahuli niya ang halik, kinrumple ito na parang papel at itinapon sa invisible na basurahan.

"Tangina, pare. Kala ko ididikit mo sa bibig mo!" Pinalo niya ang Heneral at natawa.

"Hindi pa ako nahihibang, Ginoo," ngising sagot ni Goyong.

Sanay na sanay na ako sa iba't ibang mga klase ng linya ni Lawrence. Napaka-childish din niya pero hindi ko din siya masisisi- mas bata siya ng limang taon sa'kin, pwede na rin siguro 'yun na excuse para sa kanyang asal. Minsan niloko niya na rin ako ng "Ms. Huang, sana ako na lang boyfriend mo! Ang swerte ko na siguro!". Dahil biruan lang, wala namang ibang nagsseryoso except kay Paulo na sinasabihan naman siya ng "Tigilan mo nga si Miho!".
Type kasi ng kaibigan ko si Lawrence-- matangkad, lean ang pangangatawan at gwapong chinito ang dating.

Nasanay na rin si Goyong sa mga birong pagpapa-cute niya dahil sa una palang ay nabanggit na ni Lawrence na ang type niyang mga babae ay yung mga long-haired sexy girls--at dahil dyan, hindi ako papasa sa taste niya. Nagkakasundo naman silang dalawa at minsan feeling ko nag-b-boy talk sila.

May pagka-playboy itong si Lawrence at 'di ko naiwasang balaan siya dati na 'wag idamay ang Heneral sa mga kalokohan niya. Parang delikado yung kombinasyon ng playboy ng kasalukuyan at playboy ng nakaraan, pero besides duon-- mukhang harmonious ang kanilang relationship sa loob at labas ng trabaho at masasabing maganda ang tandem nila.

"Goyong, kita na lang tayo uli mamaya."

"Mag-iingat ka, Binibini," sabi nito bago ngumiti.

'Pag nakikita kong ngumiti ng ganun si Goyong, hindi ko rin maiwasan mapangiti.

"Sila mag-ingat sakin. Bye!"

At tuluyan na akong lumabas ng coffee shop at dumiretso na sa dapat kong puntahan.

---

Tuwing hapon ng ganitong araw, busy ako mag-aral sa school. Hindi naman problema pagsabayin ang aral at trabaho dahil paiba-iba naman ang shifting sa coffee shop ni Pau.

After class, kailangan ko pang gumawa ng group homeworks kasama ng iba kong mga kaklase--minalas nga lang din talaga ako na sa dami-dami, ang isa pa sa mga kasama ko ay ang ex-boyfriend ko. Kahit na ganun, hindi ko parin hinahayaan na mag-interfere ang past sa kailangan naming tapusing mga skit at kung anu-ano pang dapat na ipasa sa teacher para pumasa.

Nang pauwi na, sinabayan akong maglakad ni Francis.

"Miho, if you can't accept me again as your boyfriend, pwede ba tayo maging friends na lang as for now? I'll wait for you. Liligawan kita uli."

"Bakit naman kasi dapat ibalik ang dati? Eh tapos na 'yon."

Tumigil siya sa harapan ko.

"Kasi I realized, ikaw lang talaga ang gusto ko. Hindi talaga si Irish," seryosong sagot niya.

"Wow, sorry. Late mo ng na-realize. Paano naman ako maniniwala? Diba nga iniwan mo 'ko sa ere?"

"I will prove it, kung ayaw mong maniwala."

Gusto ko ng itaas ang puting bandera at sumuko. Habang nagmamatigas ako lalo siyang mangungulit din. Sabi nga ni Goyong: "Habang nagmamatigas ang kalaban, lalo lamang nag-aalab ang damdamin ng mga Pilipino upang makamtan ang minimithing kalayaan. Kahit subukang pigilin, gagawa at gagawa sila ng paraan kahit pa hanggang sa kanilang kamatayan."

From persevering ex-boyfriend to Filipinos who fought during the war naman ngayon.

"Kahit di mo ako sagutin ngayon, I'll wait. Just think of our plans. Hindi ba we'll settle down sa Japan? That's why nag-aaral din tayo ngayon, for our future."

Wala na akong lakas makipagtalo pa dahil sumakit ang ulo ko sa kakaintindi ng lessons kanina pa.

"Sige, byebye na. Di mo na kelangan sumabay mula rito."

"I'll wait for you, Miho."

Dirediretso na lang ako maglakad at 'di na siya pinansin. Kung ganuon lang kabilis maghilom ang sugat sa loob at ganuon lang din kadali na ibalik ang tiwala, siguro pumayag na agad ako sa chance na hinihingi niya.

---

Pag-uwi, nagbukas ako ng Skype para i-check kung online ang nanay ko.

Offline.

Speaking of Skype, napakitaan ko na rin si Goyong ng gamit ng laptop at social networking sites. Wala akong Facebook pero pinakita ko sa kanya na kapag sinearch ang kanyang pangalan ay meron mga accounts. Bago pa siya magsabi ng "Isa itong panloloko!" o "Bakit nila ginagamit ang aking pagkatao upang maglagay ng ganitong mga mensahe?" sinabi ko na alam naman ng mga tao na fake accounts ito at un iba bilang pag-paparangal lang sa kanya.

Hindi na niya tinignan pa kung anong merong nasusulat tungkol sa kanya sa mga social networking sites-- parang hindi siya interesado. Taliwas ito duon sa naisip ko na ma-e-excite o magiging curious siya sa mga nakalagay sa kanya online. Akala ko din gugustuhin niyang malaman kung gaano kadami ang mga taga-hanga niya sa modern world.

Wala, pinanuod lang niya ako at pinakinggan ang pag-explain ko sa mga bagay na may kinalaman sa mga normal na pinagkakaabalahan ng mga tao sa paggamit ng internet.

Inexplain ko ang silbi ng 'likes', pag-post ng status at kung anu-ano pa. Nag-travel din ang isip ko na what if may instagram o FB na ang mga tao nuon sa Pilipinas? Ang #OOTD kaya ay tatawaging #AKNA? Ang Kasuotan Ngayong Araw. Mapupuno ba ng likes ang selfie ni Goyong? Babahain din kaya siya ng mga messages sa inbox ng mga babaeng nangungulit sa kanya?

Nakakatakot bigla isipin kung paano 'pag may social networking sites sa lumang panahon. Pero kung iisipin, baka di rin ito gamitin ng mga nationalistic na Pinoy dati dahil mula ang mga ito sa banyaga.

Naisip ko kung may pornographic sites na dati, pag-iinteresan din kaya ito ng mga lalakeng nasa kapanahunan ng raging hormones? Ano naman kayang klaseng pornograpiya ang mauuso nun? (Parang ayoko i-share kay Goyong 'yun tungkol sa pornography. Baka mamaya ay magkasala siya lalo dahil sa akin.)

"Sa lahat ng iyong sinabi, nakita ko naman ang tunay na kagandahan ng mga bagay na nauuso sa makabagong mundo. Ngunit akin lamang din napagtanto na maaaring pag-ugatan ng maraming kasamaan ang mga ito. Ang karapatan sa malayang pagpahayag ng saloobin ay maganda ngunit mapanganib din. Mukha rin ang karamihan ng mga tao ay mas hindi na kasing pribado ang buhay kesa sa mga tao nuon. Malalaman na agad ang kanilang mga paboritong pagkain, damit at kung anu-ano pa sa mga pinapaskil nila at kaagad rin naman sila ay maaaring husgahan sa bawat salitang kanilang bibitiwan."

Sumang-ayon ako sa kanya. Sinabi ko na hindi naman nga mapipigilan ma-associate ang mga pinpost ng mga tao sa kanilang pagkatao sa tunay na buhay dahil desisyon naman nila kung ano ang gusto nilang i-share sa buong mundo.

Kahit pa sabihin na natin na hindi mo naman talaga masisiguro parati ang pagkatao ng iba kung sa online profiles lang naman ang basehan mo. Marami na ding gulo na nagsimula online kaya hindi mali ang naisip ni Goyong sa mga sinabi ko.

---

Maya-maya biglang nag-online na ang kanina ko pang hinihintay at sinubukan ko siyang tawagan.

"Ma! Busy ka?"

"Miho, anak, kamusta? Hindi ako busy. Buti napatawag ka. Tara mag-usap tayo, may kailangan din akong sabihin sa iyo. Pero bago 'yan kwentuhan mo muna ako, ano na ang lagay mo?"

"Okay lang naman po, nagsimula na po uli ako mag-aral," sagot ko.

"Ayy! Mabuti 'yan! Akala ko 'di mo na itutuloy uli! Tama 'yan, para kapag lumipat ka na dito sa future, mas madadalian ka na."

"Kaso ayoko po tumira dyan eh."

"Bakit? 'Di mo ba ako gustong kasama, anak? Nasanay ka na bang mag-isa?" May pagtatampo sa tono ng boses niya.

"Hindi po 'no! Ayoko lang po iwanan ang Pilipinas."

"Aba, napaka-maka-bayan naman ng anak ko ha. Oo nga pala, Miho. Iingatan mo lagi sarili mo ha?"

"Oo naman po. Kayo din."

"Magiging busy pala ako sa susunod na mga buwan, baka mamaya ay 'di mo ako matawagan. Pero 'wag ka mag-alala tatawagan agad kita 'pag nasa ayos na ang lahat."

"May problema po ba?" Bigla akong naalarma sa salitang 'pag nasa ayos.'

Wala ba sa ayos ang buhay niya ngayon?

"Wala, anak. Basta sa susunod na lang. Okay?"

"Okay." Kilala ko siya, kahit maglupasay ako wala siyang sasabihin.

"Anak, kamusta si Francis?"

"Ma, wala na po kami."

"Ay, sorry, oo nga pala. Eh 'di na ba kayo nagkikita sa school?"

"Nagkikita po pero wala na 'yun!"

"May bago ka na bang boyfriend?"

"Wala, Ma. Wala akong boyfriend."

"Kagabi nakausap ko si Pau sa FB!" At dahil wala nga akong FB, sila ni Pau ang friends duon at minsan sa kanya ako kinakamusta. "Nabanggit sa'kin na may bago daw kayong kaibigan."

"Ah oo, Ma, isa syang ba--" Natigil ako. "Bae. Uhh, Ba-baero." Muntik ko na sabihin ang salitang 'bayani'.

"Ano 'yun?"

"Ay, wala po. I mean, ambait po niyang tao. Sana ma-meet niyo siya. Matapang, mabait at nationalistic."

"Sounds like aktibista yang new friend niyo, hija!"

"Anyway, Ma. Tawagan niyo po ako agad pag 'di ka na busy. Promise mo po yan ha?"

"Oo naman. Sorry ha, hija! Kailangan ko na palang ibaba, Love you! Tatawagan kita uli sa susunod, Miho. Hintayin mo lang."

"Okay! love you too, Ma."

At ng matapos ang tawag, hindi ako mapakali. Ano naman kayang pagkakaabalahan niya? Sa tunog ng boses niya, lalo akong kinabahan.

---

Pagdating ni Goyong galing trabaho, ipinatong niya ang isang plastic na may lamang mga kakanin.

"O, saan galing 'yan?"

"Ang mga iyan ay galing kay Paulo. Ang inay raw ni Jon-Jon ay galing sa byahe at siya raw ay naguwi ng maraming pasalubong."

Nakwento ko sa Heneral na nuong bata pa ako ay nakita kong gumagawa ng isang uri ng kakanin ang aking nanay, na siya rin naman pala niyang na-experience.

Sabi niya tumutulong daw siyang mag-lako ng mga tindang kakanin ng kanyang inay. Ang mga nostalgic na kwento na ito ay nakakapangilabot isipin dahil higit 100 na taon na lumipas ang mga ito-- maliban pa sa talagang nalulungkot ako tuwing naaalala ko ang sinapit niya. Inimagine ko sa aking isipan ang isang inosenteng Goyong na nagtitinda ng kakanin. Sinong makapagsasabi na ang batang iyon ay mag-aalay ng kanyang buhay para sa bayan?

Sa kalagitnaan ng pagkain ng Biko na may latik, napag-usapan namin si Pau. Nagkwentuhan daw sila bago umuwi kanina.

"Mukhang ang iyong kaibigan ay umiibig."

"Nako, oo nga eh, sabi ko sa kanya, mag-ingat siya sa mga ganyan."

"Kanina ay marami siyang na-i-kwento sa akin ukol sa iyo. Hinayaan ko siyang magkwento sapagkat mukang nakaka-aliw naman ang kanyang mga istorya.  Kagaya nalang kung bakit raw pang-Hapon ang pangalan mo samantalang ang apelyido mo naman ay pang-Tsino, kung bakit ganyan raw ang gupit ng iyong buhok, kung ano ang ugat kung bakit ayaw mo humiga sa kama ng ospital at kung anu-ano pa."

Ilan kayang trivia tungkol sa'kin ang na-share ni Pau?

"Sa wikang Espanyol nga pala, ang iyong pangalan ay parang ang pinaiksing 'Mi Hijo', na ibig sabihin ay 'aking anak na lalake'."

At may trivia din si Goyong.

"Sakto. Lalake."

"Sabihin mo nga binibini, bakit maliban sa kanya ay wala ka ng iba pang malalapit na kaibigan?"

Nagtataka pala siya kung bakit wala akong ibang group of friends.

"Marami akong mga kaibigan nuon, pero wala na sila ngayon. Lahat ng mga nakadikit sa akin ay parang gusto akong hilahing pababa kaya natakot ako at sinara ang pintuan sa pakikipagkaibigan sa marami nuong tumanda na ako."

"Paano mo nasabing hinihila ka nilang pababa? Tila kumunoy ang iyong mga dating kaibigan," ani Goyong.

"Meron kasing tinatawag na Utak Talangka na isang pangit na ugali ng mga Pilipino, kung saan ang pag-asenso ng isang tao ay kinaiinggitan ng ibang tao. Dahil dyan, gagawa sila ng paraan upang ang asensadong tao ay hahatakin nilang pababa para 'di magtagumpay. Ang mga naging kaibigan ko ay nagkataon na may ganuong tipo ng pagiisip. Unang una naman, walang dapat kainggitan sa akin kaya't hindi ko rin sigurado kung ito nga ba ang dahilan. Ngunit baka nakaramdam lang sila ng inis sa pagkatao ko dahil masyado kong sineryoso ang pag-aaral nuon at nakatawag ng pansin ng mga nakakataas kaya gumawa sila ng paraan upang hatakin akong pababa mula sa mga plano ko sa buhay. Dahil madali akong mag-alala sa ibang mga bagay, nagawa nilang magtagumpay para mawala ang aking konsentrasyon. Pinagbintangan nila ako na isa akong mandaraya at nagpakita ng ebidensya na kailanma'y wala akong kinalaman. Nakita ko kung gano ka-makasarili ang mga tao na ang mga sarili lang nila ang nais nilang makitang masaya. Hindi ko din lubos maisip paano 'yon nangyari at bakit, pero yun ang naiwan sa aking alaala. Dinala ko 'yun hanggang sa ngayon kaya naging mailap ako sa mga tao. Ngunit si Pau, nakitaan ko siya ng ugaling iba sa kanilang lahat. Maaaring minsan sira ang kanyang ulo pero hinding hindi siya naghangad na bumagsak ako."

"Tunay nga naman mahirap magtiwala at ako'y panatag na nakahanap ka ng totoong kaibigan sa katauhan ni Pau. Ang mga tao nga nama'y karamihang makasarili. Hindi ko na rin ikinagulat ang iyong mga sinabi. Kung ganuon, si Ginoong Francis din ba'y nakitaan mo ng kakaibang pag-uugali na siyang nagtulak sa iyo upang ibigay din sa kanya ang iyong pag-ibig-- nuong nakaraan?"

"Hmm, oo din. Naging mabait siyang kaibigan, ngunit sana hanggang duon na lang iyon lahat. Siguro hindi pa magiging medyo komplikado lahat sa ngayon."

Minsan talaga ang mga bagay ay mas mabuti pang iniiwan sa kanilang pinaka-simple at original na state kesa minu-move pa sa next level na siya ring nag-bibigay pa ng problema.

Kung sa pag-ibig naman, sabi nila, you'll never know kung 'di mo susubukan, kaya siguro natulak din ako na ibigay ang 'oo' ko sa panunuyo ni Francis kahit pa may kutob ako na mas okay kung mananatili na lang kami as friends simula dati pa.

"Ang importante naman ngayon sa akin ay naryan kayo ni Pau. Kuntento na ako."

Nasulyapan ko ang bigla niyang pag-ngiti habang siya ay nakatitig sa tinidor na hawak niya.

Continue Reading

You'll Also Like

165K 7.6K 36
•Highest Ranks• #13 Historical Fiction #1 Rizal #1 Ibarra #1 StarCrossed #4 History #1 NoliMeTangere #1 PhilippineHistory #1...
11.1K 350 43
Si Alfonso Alessandro ay ang pang-apat sa limang anak ng isa sa mga kilala, pinakamayaman, at pinakamaimpluwensyang angkan sa Pueblo Buenavista. Haba...
49.7K 1.1K 32
Highest Rank: #19 in Historical Fiction (04/09/18) #1 in Kasaysayan #7 in History #1 in History(08/12/19) #5 philippines (10/16/21) Paano kung ang is...
61.3K 2.4K 38
(Battle of Manila 1945, Post World War II to Contemporary History) Ilang buwan na ang nakalipas magmula nang mapunta si James Salvacion sa taong 1945...