Seducing Drake Palma (PUBLISH...

By beeyotch

79.1M 1.5M 526K

"Drake Palma, humanda ka! I'm going to get you by hook or by crook!" Ito si Alys Perez, may pagka-loner, main... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Bonus Chapter
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Epilogue (1st Part)
Epilogue (2nd Part)

Chapter 54

956K 20.5K 5.5K
By beeyotch

Chapter 54

Tumalikod siya pagkasabi niya nun. Hindi ko alam kung bakit nagsalita pa ako. Hindi naman kasi talaga ako sumasagot pag ginaganito ako ni Drake eh. Medyo sanay na kasi talaga ako na ganito yung ugali niya.


"Drake," tawag ko ng mahina. Huminto siya sa paglalakad pero hindi pa din siya humaharap sa akin. "Galit ka ba talaga sa akin?"


Natahimik siya for about a minute, siguro iniisip niya din kung ano yung sasabihin niya. Alam niyo naman si Drake, minsan lang magsalita pero pag nagsalita, either kikiligin ka o masasaktan ka. Lagi namang either of the two lang yan.


"Why would I?"


"Kasi... kanina mo pa ako hindi tinitignan."


Humarap siya sa akin at nagsmirk. Hay, Alys. Eto na, masasaktan ka na naman sa sasabihin niya. Ang kulit ko din kasi! Bakit ba nagsalita pa ko? Dapat hinayaan ko na lang siya na umalis eh! Medyo masokista din kasi ako!


"Get over yourself, Alys. We're over, you said it yourself," sabi niya tapos pumasok na siya sa sasakyan niya.


Tama naman kasi, wala na kami pero bakit ganun siya umasta? Parang ang bitter niya! Haay, Alys. Magconcentrate ka na lang sa ibang bagay. Kung kami talaga ni Drake, magiging kami din. Hindi ko na kailangang mag effort.


Pumasok muna ako sa bahay, ang tagal naman kasi ni Marco eh.


"Ate Alys?" napatingin ako.


"Oy, Dilly bear! Bakit ka nandito?" sabi ko. Si Dillon, anak ni Tito Dave at Tita Sara. Hehehe baby bro ko din 'to. Magka age sila halos ni Dane eh, bale isa siya sa playmate ni Dane.


Naupo siya sa swing. "Dumaan si mama eh, may ibibigay yata kay Tita Dana. Ikaw, ate? Bakit ka nandito?"


Umiling ako. "Wala lang, hehehe."


"Tss. Sinungaling. Umiiyak ka, no?" sabi niya. "Susumbong kita kay Dane! Alam mo namang nagagalit yun pag umiiyak ka eh. Sino ba nagpaiyak sayo? Yung pangit na Drake na yun?"


"Ha? Bakit niyo kilala si Drake?!!"


Natawa si Dilly. "Ate naman, kami pa ni Dane? Basta, ate. Pag pinaiyak ka ulit nun, alam mo na," sabi niya tapos naglakad na siya papasok ng bahay. Nako, napakapa cool talaga niyang si jan Dillon Cruz! Siya yata ang anak ni daddy eh! Ang goody boy ni Tito Dave tapos super playboy ni Dilly!


Tahimik na naman akong naghihintay, nako. Ang late dumating niyang si Marco ha!


"Oy, Alys."


"Ay anak ng butiki!!"


Natawa naman siya. "Masyado ka namang magugulatin. Tara na, ice ka na ba?" sabi niya habang nakasandal sa puno dun. Jusko naman, ano ba ang meron sa mga Palma na iyan? Masyado silang hot!


Dahan dahan akong tumayo, medyo matagal na kasi akong nakaupo dito kaya namanhid na yung paa ko.


"A-aray," sabi ko nung patayo na ako.


Bigla namang lumapit si Tripp sa akin. "Uy, okay ka lang?"


Umiling ako. "Namamanhid yung paa ko..." sabi ko habang medyo pumipikit yung mata ko. Ang sakit kasi!!


"Aish, tara na nga," sabi niya tapos lumuhod siya ng nakatalikod sa akin. "Ano? Sakay na..."


Medyo ayokong sumakay. May memories kasi kami ni Drake ng piggy back ride eh T^T


"Oy, sasakay ka ba o hihilahin kita?"


"Eto naman! Oo na sasakay na!"


Sumakay ako sa likod niya tapos sinakal ko siya. "H-hoy! Bakit mo ako sinasakal?!"


"Ewan ko sayo! Maglakad ka na nga!" sabi ko tapos ipinatong ko na lang yung ulo ko sa balikat niya. Medyo malayo ang pathway mula garden hanggang gate kaya medyo malayo layo lalakarin ni Tripp. Bayaan na nga siya. Ang tagal niyang dumating eh, nakausap ko pa tuloy si Drake.


Nag usap muna kami ni Tripp habang naglalakad siya papunta sa sasakyan niya. Ewan ko kung ano ba ang dala niya, yung motorbike niya ba o yung kotse. Sana wag yung motor T^T


"Tripp."


"Hmm?"


"Kwento ka nga tungkol sa inyo ni Shaira."


Bigla siyang napatigil. Ano'ng problema nito?


"Ha? Bakit ka nagtatanong tungkol dun?"


Medyo niluwangan ko yung pagkakasakal ko sa kanya tapos nilipat ko yung ulo ko sa kabilang balikat niya. "Ewan, naccurious kasi ako sa inyong dalawa... Ano nga?"


Inadjust niya yung pagkakabuhat niya sa akin at nagcontinue siyang maglakad. "Ano pa ba yung gusto mong malaman? Sabi ko na nga, di ba? Niligawan ko dati yun..."


"Eeh... ano pa?"


"Aish, ang chismosa mo, alam mo ba yun?"


Natawa ako. Medyo masungit din si Tripp pag may time! Kahit na nagsusungit siya, nagpatuloy pa din siya sa sinasabi niya sa akin. "Ano pa ba? Tsk. Kainis ka naman eh. Ayoko na ngang isipin yun, tas ikaw naman pinapaalala mo na naman sa akin."


"Bakit? Mahal mo pa ba si Shaira kaya ka nahhurt?" sabi ko sa kanya. Haaay. Friend ko si Tripp, kahit na sabihin niya pa ng sabihin sa akin na may gusto siya sa akin, bakit parang naffeel ko na si Shaira talaga yung gusto niya? Or masyado lang akong nag aanalyze ng bagay bagay?


This time, binaba na ako ni Tripp sa lapag. Humarap siya sa akin tapos hinawakan niya yung magkabila kong balikat. "Alam mo, Zyril Perez, two years ago pa nung binasted ako ni Shaira. Ang gwapo ko lang, sa tingin mo magmumukmok ako ng sobrang tagal para lang sa ganun?"


"Aish, so ganon? Hindi mo din siya sineryoso? Playboy ka pala eh!"


Medyo nangiti siya kasi tinulak ko siya. "Playboy pa ba ako kung sa'yo lang naman ako seryoso?"


O__________O


"E-ewan ko sa'yo! Tara na nga!"


--


"Ayan na oh," sabi ni Tripp. Nandito na kami sa bahay nila Shaira, kaninang nagddrive siya, ang awkward namin! Hindi ko naman kasi alam kung paano ako magrereact sa mga sinabi niya kanina! Tama nga yata si Drake, ang flirt ko na!!


Bumukas automatic yung gate nila kaya naglakad na kami... Well, okay. Medyo natanaw ko na si Shaira dun sa pool area, naka two piece nakakaiyak!


Medyo napaatras naman ako. Hindi yata ako na inform na dapat naka swimming attire!!


"Oy, bakit ka huminto?" sabi ni Tripp, nabunggo ko kasi siya dahil napahinto nga ako.


"Tripp... dapat ba may dala din akong... uhm, two piece?" sabi ko sabay lunok. Hindi naman ako super demure, no! Naka pag two piece na naman ako kasi required yun pag nagbbeach kami nila mommy pero iba to! Hindi ko yata kayang magsuot ng kakapiranggot na tela sa harap ni Drake! Baka atakihin ako sa puso!


Tumango siya. "Oo? Di ba nasabi naman na magsswimming tayo?"


"Hala! Uuwi na lang ako!" sabi ko sabay talikod at naglakad na ako. Bukod sa wala akong dalang two piece at naka two piece si Shaira, naka board shorts lang si Drake! Jusko naman!


Hinabol ako ni Tripp. "Uy, Zy, okay lang naman kahit yan na lang suot mo," sabi niya sa akin sabay turo sa damit ko. Nakasuot kasi ako ng denim shorts na maigsi na din, white na sando at flip flops. Aba eto naman kasi talaga ang usual attire ko!


"Eh, kahit na. Pano ko uuwi? Alam mo namang umuwi ako ng basa?"


"May extra shirt ako, gusto mo yun na lang isuot mo ngayon para yan na lang ulit ang isuot mo pag uwi mo?" sabi niya sabay bukas sa bag niya tapos nilabas niya yung shirt niya na Batman. *O*


Hinawakan niya yung kamay ko tapos pumasok kami sa bahay nila Shaira. Aba feel at home si Tripp! Hindi na nagpapaalam, pasok na lang ng pasok!


"Bihis ka na, hihintayin kita dito..." sabi niya tapos isinarado niya yung pinto. Guest room pala 'to. Nagbihis na ako ng shirt ni Tripp, mahaba naman siya, mukha tuloy akong naka dress. =___=


Lumabas na ako, nung nakita ako ni Tripp, napangiti siya ng sobra.


"Tara nga dito," sabi niya sa akin tapos lumapit ako. Nagulat ako dahil niyakap niya ako. "Thanks, Zyril. Matagal ko na kasing pangarap na suotin ng babaeng gusto ko yung damit ko eh. Corny ba? Hehe. Sensya na."


Niyakap ko din siya pabalik. "Nukaba, sanay na ako sa kadramahan mo sa buhay," sabi ko.


"Aish, panira ka talaga," sabi niya tapos inalis niya yung yakap. "Tara na nga."


Nagpunta na kami papunta sa pool area pero nadaan pa din kami sa receiving room nila Shaira. Grabe, spoiled yata si Pugits. Ang laki nung portrait niya sa gitna ng sala!


"Wala bang kapatid si Shaira?" sabi ko.


Umiling si Tripp. "Meron sana dapat kaya lang nalaglag eh, kaya only child lang si Shai. Mabait naman yun, promise. Medyo maldita lang minsan," paliwanag ni Tripp.


Alam ko naman na mabait si Shaira, naging mean lang naman siya sa akin dahil kay Drake.


"Hey, Alys!" sabi ni Shaira. Kasalukuyan na naka dip ang mga paa niya sa pool habang si Drake, lumalangoy.


"H-hello din," sabi ko tapos medyo uncomfortably kong ibinaba yung shirt ni Tripp.


"I know that shirt! Kay Tripp yan, right?" sabi ni Shaira.


"Ah, oo eh."


Nagsmile siya sa akin at nag ok sign. "Omg super bagay kayo ni Tripp! And super sweet niya for him to allow you to wear his shirt!"


Medyo napa blush ako sa sinabi niya. Sasagot pa sana ako pero naunahan na ako ng mahiwagang tss ni Drake.


Pikit, Alys!!


Huhuhu. Masyadong tempting 'to!! Bakit kasi naka board shorts lang siya! Hindi ba pwedeng mag sando din siya like Tripp na naka black sando?!!


"Where's my towel?" sabi ni Drake. Medyo nagpout si Shaira. Pwedeng masuka? Hehehe joke lang po.


"Here, hubby," sabi ni Shaira tapos tumayo siya. Omo. Super sexy niya!! Bakit ganun?! Nahiya naman ang boobs ko!!


Lumapit siya kay Drake at pinunasan yung buhok ni Drake. Medyo ayokong makita yung eksena na iyon kaya tumalikod ako at lumapit sa swing. Naupo ako dun at nagswing ako ng sarili ko. Bahala sila dun.


Naupo din si Tripp sa tabi ko. "Alam mo, mas okay na makita mo na ganyan sila. Malay mo sa nakikita mo, malaman mo na para siya sa iba at ikaw naman, para talaga sakin?"


Medyo natawa ako. Ang seryoso kasi ng mukha niya! Hindi bagay!


Binatukan niya ako.


"Tss. Minsan na nga lang magseryoso, tinawanan pa ko. Ice ka din eh."


"Sorry na, nakakatawa ka kasi eh. Hehehe. Magsswimming ka ba? Langoy na, dito lang ako."


"Bakit? Hindi ka ba maliligo?"


Umiling ako. "Ayoko din eh. Sige na, ligo ka na."


Tumayo si Tripp at lumapit sa akin. Omo. Hindi ko gusto to!! "Tripp, kung may binabalak kang masama, ngayon pa lang sinasabi ko tigilan---- WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!"


Ang walangya, hinagis ako sa pool!!


Tawa ng tawa si Tripp sa akin, at nakahawak pa sa tyan niya sa sobrang tawa!! Ang sama ng ugali pag may time!! GRRRR!


"Miss Shaira..." May lumapit na maid sa kanya. "Phone po para sa inyo, kakausapin daw kayo ng dad niyo..."


Tumayo si Shaira at kinuha yung robe niya. "I'll just talk to my dad, ha? I'll be back later."


Pumasok siya sa loob at kaming tatlo ang naiwan. =___= Awkward! Bigla namang nagring yung phone ni Tripp.




"Aish," sabi niya na parang naiinis siya na nagring yung phone niya. "Kakausapin ko lang to, Zy, ha? Babalik ako agad," sabi niya tapos tinignan niya muna ng masama si Drake bago siya umalis.


Medyo awkward talaga eh!! Lumangoy ako papunta sa gilid at umahon ako mula sa pool. Si Drake? Ayun, nagpupunas pa din ng buhok niya. Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang ako papunta dun sa bag ni Tripp, may towel naman siguro dun. Okay lang naman siguro na pahiram ako?


"D-drake!" sabi ko. Hinatak kasi ako bigla ni Drake. "A-ano ba!" sabi ko. Isinandal niya ako dito sa likod ng puno. Hindi ko alam na may puno pala dito!


Nakatingin siya sa akin.


"Drake..."


Huminga siya ng malalim. "You told me you don't want me anymore so I'm trying to forget you. But why are you making it so impossible? D-amn it!" sabi niya.


"Hindi na----"


"Shut up," sabi niya tapos hinalikan niya ako.


And there, my knees go weak, I can't hardly speak. 

Continue Reading

You'll Also Like

119K 3.6K 11
The 366 Days is too many parts so, I decided to write another book to continue it. I can't able to add part. I'm forced to do this separated one. Tha...
1.1M 10.2K 94
I deserve a better ending.
ALORA By Mars

Spiritual

462 102 21
Ipinanganak si Alora sa Lupain ng Paglikha. Bilang isang Dahor, sila ay maglakbay patungong Lupain ng Kaluwalhatian upang makamit ang isang layunin...