Miss Astig

By cursingfaeri

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... More

About the Book
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Twenty Five

56.4K 844 107
By cursingfaeri

__________________________________________________

Ilang linggo matapos ang insidente ng pagtawag ni Papa ay hindi na umulit iyon.

Siguro dahil din nagbago na ako ulit ng numero. Iphone na din ang cellphone ko. Yeah, pareho na kami ni Chang! Pero mas updated daw yung akin. Pareho lang naman na cellphone yun. Alam niyo naman si Mama, kung ano ang uso, iyon din ang meron ako. Sinabi ko din sa kanya ang napag-usapan namin ni Papa na kung tutuusin, ay wala naman talaga masyado.

Alam ko, napaka-immature ko talaga. Siguro nga. Pero masisisi niyo ba ako? Masisisi niyo ba na naging manhid na ko? Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung paano i-identify ang nararamdaman ko sa tao eh. Ang alam ko lang, may mga tao akong pinahahalagahan at handa akong makipagpatayan sa kanila kung kinakailangan. OA ba? De joke. Hahaha. Pero seryoso yun.

Rebellious stage ba ang highschool? Malamang oo. Pero alam ko sa sarili ko na kahit bata pa ako, alam ko ang ginagawa ko at handa akong harapin ano man ang kahihinathan nito. Nung nag-usap kami ni Mama tungkol kay Papa, hindi niya kailanman pinagtanggol ang sarili niya o sinabing huwag akong lalapit kay Papa dahil ganito siya o ganyan. Bagkus, sinabihan niya ako na pakinggan ko ang sasabihin niya kapag handa na akong makinig. Malaki na daw ako at ako mismo ang makakapagsabi kung sino ang mas paniniwalaan ko. Narinig ko naman daw kasi ang side niya. It's time to hear the other side of the story. Mas tumaas ang respeto ko kay Mama dahil doon. Siguro nga tama siya. Pero hindi pa talaga ako handa. Hindi muna ngayon.

Nakakatawa nga kasi galit talaga ang buong pamilya ni Mama kay Papa hanggang ngayon. Pinagsasabihan ako nila na huwag na huwag akong magpapakita o makikipagcommunicate sa kahit sino sa kanila. Kung totoong anak daw kasi ang turing niya sakin dapat dati pa siya nagparamdam. Bakit ngayon pa kung kailan dalaga na ako? Ni hindi nga daw niya naalalang magpadala ng pambili ko ng gatas dati ng halos nagkanda-leche leche ang buhay ni Mama, tapos ngayon magpapaka-Tatay siya sakin? Wag na daw. Kaya naman daw nila akong buhayin. At kaya naman nilang ibigay lahat ng gusto ko.

Masaya ako kasi sobrang concern nila sakin. Gets ko naman talaga ang point nila dahil kahit ako ay malalim din ang hinanakit ko sa kanya. Marahil ay gusto nga niyang bumawi pero sobrang huli na kasi ang lahat tingin ko. Masyado na akong nasaktan at masyado ko ng dinibdib ang mga pangyayari. Nasanay na ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kailangan.

At kailanman...

Hinding-hindi ko siya kakailanganin...

Pero masyado nga sigurong mapilit ang tadhana. O talagang pa-weather weather lang talaga si Papa na kung kailan niya lang ma-tripan magpaparamdam saka ka niya kukulitin?

Third year na kami.

Ambilis noh? Fifteen na pala ako.

At tingin ko, sa mga panahong ito, may mutual understanding na kami ni Aidan. Hehehe. Wag umepal, tingin ko lang naman eh. Bawal? Bawal?

Hindi niya sinasabi na gusto niya ko o mahal niya ako pero pinaparamdam niya naman kung gaano ako kahalaga sa kanya. Yung pasimpleng pagkakamusta niya, pagbibigay ng kung anu-anong gifts tuwing may okasyon o wala.

Okay sakin ang ganoon dahil kahit ako ay ganun din sa kanya. Ayoko din naman pumasok sa relasyon at makipagsabayan sa mga kaedad ko na nagbibilang ng boyfriends. Si Charlie nga batang-isip pa rin eh. Hahaha. At si Chang este Basti ay nagbibinata na talaga. Ewan ko kung may girlfriend na 'to, hindi na masyadong nagshe-share kasi. Kanya kanyangg trip lang talaga siguro.

Tulad ng dati, kami lang din ni Aidan ang nakakaalam ng pasimpleng paglabas-labas namin. Siguro nga natatakot din siya sa mga Kuya ko at iniisip din nito na masyado pa akong bata sa mga ganoong mga bagay. Ewan ko. Ang mahalaga naman, masaya ako kapag kasama ko siya eh. Yun lang naman yon di ba? I have a very loving family, a very supportive bestfriends and... Aidan? Enough inspiration to go through as I strive in reaching my dreams. Wala na yata akong mahihiling pa.

"There's a FedEx delivery to Miss Louie Antoinette Kwok."

Yeheyy, bumalik din sa kasalukuyan si Louie. May conversation din at laaasst! Na-bore kayo sa narration ko noh? Walang basagan men. Hahaha.

Napatingin ang lahat sa akin. Siniko ako ni Chang este Basti. Bahala nga siya. Chang pa rin ang gusto ko.

"What?! Can't you see I'm sketching here?" Bagot na sagot ko dito.

"Tawag ka ni Ma'am. Nakatingin na din mga kaklase natin, hindi ka nakikinig. Furious na yata si Ma'am," nandidilat ang mga matang sabi nito.

Asa naman siyang matatakot ako. May pa-furious furious pang nalalaman. Pwede namang galit na lang. Besides, the subject is Greek Mythology. English. Eh ilang beses ko ng nabasa ang librong iyon kaya saulado ko na halos ang dinidiscuss ni Ma'am. Naririnig ko naman ang mga sinabi niya ng pahapyaw eh. Masyado lang talagang worried tong si Chang.

Naputol ang pag-uusap namin ni Chang ng magsalita si Ma'am.

"Louie, care to share what you are doing while we are having our discussion here?"

Tumayo naman ako. "I-I'm s-sketching Ma'am." Oo na. Napahiya na ko. Kasalanan ko. Eh kaysa naman makatulog ako sa boredom? Gumawa na nga ako ng paraan pagagalitan pa ko. Huhu.

"You're sketching. Do you know that it's a sign of disrespect, not only to me but also to the whole class?"

"I-I'm sorry Ma'am." Nakatungong sagot ko. Nakakahiya. Hotseat.

"I'm a bit disappointed of your behavior considering that you're a top student. I won't confiscate your sketch pad if you could tell the whole class what we just talk about how your term exams would be..."

Kala naman  ni Ma'am mapapahiya niya ko ng lubusan. Sinabi ng nakikinig ako eh!

"We are having a character impersonation of any of the Greek Mythology characters instead of a periodic exams?" Confident na sagot ko. Nakikinig naman talaga ako. Inaantok lang talaga ako kapag alam ko na ang discussion kaya nag-iisketch na lang ako. Di ba mas bastos naman yung matulog kaysa mag-isketch? Hayys.

"Yes, correct. So what character would you choose and why?"

Napaisip ako. Sino ba? Parang ang OA naman kasi kapag kung sinong Goddesses ang piliin ko, hindi challenging.

"To make it more challenging... I'll choose Pandora. Why? Remember the Pandora's Box? She's known because of that box. But not everyone knew how Pandora became a legend. Well for me, she is. She was the first human woman. It was being said that each god help create her by giving her unique gifts. Both boon and bane. She was created as part of punishment of humanity. Her myth was too ancient that some might revised what was real..."

Lunok lunok din ng laway pag may time hehehehe.

"But what's the very story about Pandora's Box was when she opened it. Releasing all the evils of humanity... leaving only Hope inside... Many might have hated Pandora. But little did knew that she opened the box out of curiousity not because of any malicious act. But anyway, she was created as a punishment to humanity so she had already serve her purpose..."

Napangiti na ng tuluyan si Ma'am. "Now I believe that you really know your lesson."

But of course. Chos. Hahaha.

"You can take your package. It's like Pandora's box so it suits you," nakangiting dagdag nito.

"Package?"

Iminuestra nito ang maliit na box sa teacher's table. Nakasagot lang ako ng matino may package na ako? Ayos ah! Excited na kinuha ko naman iyon at pangiti ngiting dinala sa upuan. Maiinggit ka Chang!

Boring. Hindi siya nainggit. Tinignan lang ako nito. Ibato ko na lang kaya ang box ng magkareaksyon din ito kahit paminsan-minsan lang? Iiyak pa kaya 'to? Hahaha.

Hmmm. Ano kaya laman nito. Hehehehe. Bakit naka-FedEx sealed ang tila maliit na treasure box? Sosyal si Ma'am ha. Pwede namang simpleng box lang. Nang tuluyan kong mabuksan ang box ay nawala ang ngiti ko. Napakunot-noo ako.

Puro cards ang laman at nakapangalan lahat sa akin. Mga sampung klase ng cards ang nandoon. There's a note saying that the pin is just my birthday. Sinara ko ulit ang box. Nang matapos ang klase ay lumapit ako kay Ma'am at nagtanong.

"Ma'am, ano po 'to? At sino po ang nagbigay?"

Nanlaki naman ang mata ni Ma'am sa nakita. "Those are ATM cards and Credit cards. I think the sender isn't mistaken. Nakapangalan sayo lahat eh. Why don't you call your family baka isa sa kanila ang nagpadala? Pano? I still need to go to the faculty room." Nagpasalamat na lang ako kay Ma'am.

Imposibleng si Mama ang nagpadala nito. Tumawag agad ako sa bahay.

"Tita Ayessa, nagpadala ba ng credit card si Mama sakin? I've got loads of them here sent via FedEx."

"...Baka sa Papa mo..." Sa totoo lang ang daming sinabi ni Tita pero yan lang ang natandaan ng utak ko at nagpanting agad ang tenga ko sa narinig. Nilinga ko kung may tao sa labas na kahina-hinala. Baka andun yung mga bodyguards niya pero wala.

Bwiset.

Paano ko mababalik 'to? Grrrr. Ginagalit niya talaga ako!

"Bestfriend, ano yan? Lunch na oh, kanina pa kita inaabangang dumaan sa classroom." Hindi ko napansin ang paglapit ni Charlie.

"Si Papa kasi.."

"Okay na kayo?" Nagulat na tanong nito. Talaga namang kagulat-gulat yon.

"Asa siya... Naiinis nga ako. Hays."

"Tara kain na tayo 'wag mo munang isipin yon, maiistress ka lang," sabi nito.

Sabagay. Tama naman siya. Pero gusto ko talagang gumanti kay Papa eh. Hindi pwede 'to. Ano akala  niya sakin, mukhang pera? Gago talaga.

"Charlie, ilan ba kayo sa klase?"

"Uhmm. Twenty eight siguro.. bakit naman?"

"Wala lang. Ano ba gusto mo, Jolibee o McDo?"

Nanlaki ang mata nito sa tuwa. "Libre mo bespren?! Jabee! Jabee!"

"Sige, lika samahan mo ko sa guidance, mag-oorder tayo. Itext mo si Chang maghintay sa classroom, wag kamo muna kumain para madami makain niya mamaya. Oorder lang tayo. Sabihan niya din kamo mga kaklase namin," sabi ko dito habang naglalakad.

Maganda ang plano ko. Nangingiti na nga ako sa evil plan ko at tila hindi naman pansin ni Charlie. Ni hindi nga nagtanong kung saan ako kukuha ng pambayad sa oorderin namin. Basta pagkain talaga!

"Sige sige! Ako bahala bespren hehehehehe! Oy, sali mo na din sina Nile at Mason ah. Tropa tropa naman eh...hehehe.."

"Ayos ka din eh.." naiiling na sagot ko.

"Kahit si Mase na lang lam mo kasi di na yata kumakain yon. Mabuti pa nga nung Vice siya dati eh pero ngayong President na siya, hay nakuu!"

"Oo na. Sali na silang dalawa.."

"Yes! Bait mo talaga bespren hehe!"

Hindi na din ito nanghahalik. Minsan nagha-hug pero kaswal na lang. Isang beses kasi.. yaaak! Nadaplis yung nguso niya sa kilid ng bibig ko. Gusto ko talagang masuka. Ayoko kayang isipin na first kiss yon! Gagang 'to. Masyado kasing kiti-kiti eh.

Medyo naawa naman ako kay Mason. Simula ng naging officer ito ng student council, hindi na din kami masyadong nagkakausap. As if naman close kami. Hahaha. Hindi na din kami nagpapansinan. Ulit. Iyong sa MOA last year ang huling pag-uusap namin. Iniiwasan ko din kasi siya. Lagi naman eh. Nahihiya kasi talaga ako sa kanya. Masyado kasing seryoso na.. basta. Nakakailang lang. Pag nagkakasalubong nga kami hindi ko alam kung mangingiti ba ako o ano. Hanggang sa wala na pala siya sa harap ko nagtatalo pa rin ang isip ko sa irereact ko. Hahahaha.

"Ma'am, pwede pong makisuyo. Kasi hindi ko alam pano mag-order sa Jolibee nung delivery? Pangmaramihan po sana eh."

Tinulungan naman kami nito. Nasa guidance office na kasi kami.

"Bespren yung akin dalawang chicken, extra large fries, large coke, dalawang order ng spaghetti tapos.."

"Kalma lang Charlie, uubusin natin ang pagkain ng Jolibee. Kalma lang," natatawang sabi ko dito.

Nang umorder ako ay literal na napanganga ang guidance counselor namin. Tinanong ko kasi sa Jolibee kung ilan ang kaya nilang ideliver agad sa oras na yon at kung sa pang-ilang tao. Twenty minutes to wait lang daw. May malapit naman kasi talagang Jolibee sa school. Sabi ko lahat ng order upsize at ideliver sa school agad dahil gutom na. I-deliver na din lahat ng available na niluto. Lahat ng happy meals at toys, lahat ng desserts, lahat ng pagkain na available.

Umabot ng 200 thousand ang bill namin. Kasya sa 250 people na matatakaw gaya ni Charlie ang inorder ko. Hahaha. Complete with all the desserts, drinks at mga extras pa. Natuwa pa nga ang manager at binigyan pa kami ng mga freebies. Dapat lang di ba? Ang swerte niya kaya today na naging customer niya ko.

Tuwang tuwa pa si Charlie dahil sabi ko, iuwi niya ang mga free toys. Tuwang-tuwa din naman ako. Basta lang. Natutuwa lang ako sa nangyayari. Hahaha.

Ang kaso, bawal pala ang credit card na bayad. Iyon daw yung isang pirma lang dapat. Ang hassle tuloy. Nagpasama kami ni Charlie sa guard para makapagwithdraw. Hanep pa kasi pareho kaming first time, hindi namin alam paano hahahaha! Yung isang ATM hanggang 50 thousand lang ang kayang i-withdraw kaya halos nakapagwithdraw ako sa apat na ATMs. Pero nakakatuwang experience. Balak ko din ibalik ang lahat ng receipts at cards kay Papa. Gusto ko lang talagang inisin siya. Wala naman akong balak kumain ng pagkain na galing sa pera niya.

Nang dumating ang order ay pinakain namin iyon sa buong klase. Para lang akong nagpa-feeding program. Mascot na lang talaga ang kulang, children's party na. Binigyan din ang mga kaklase ni Charlie, ilang faculty staff at pati na din ang guidance counselor namin at ang assistant nito. Sinabihan ko din sina Charlie na bigyan si Manong Guard na tumulong samin kanina. Tinext ko din mga pinsan ko na daanan yung pagkain nila sa classroom. Ginulo pa ni Kuya Kurt ang buhok ko. Sobrang maloko ko daw talaga. Sus. Natuwa naman sila eh, libreng food. Sayang nga kasi hindi makukuha ni Aidan ng personal ang pagkain, iaabot na lang nina Kuya Justin. Sobrang busy daw kasi sina Kuya J sa thesis. Graduating kasi.

Masaya at busog na busog ang lahat. Nung nagtanong sila kung ano ang meron ay sinabi ko na lang na late birthday treat ko kasi hindi naman natataon na may pasok ang birthday ko eh. At June na yun. I was born in May. Summer. Kaya madalas, sa bahay o sa labas lang ang celebration at family lang kasama ko. Tsaka lately, nasa Japan kami ni Mama pag summer dahil nagdi-drift driving ako. Kinaadikan ko na yata. Hehehe.

Nagulat ako ng personal pang pumunta sa classroom si Mason para magpasalamat. Pati kasi mga officers nito pinadalhan namin ng pagkain. Pati kaklase nito. Wala din kasing uubos nun eh. Kasama nito si Nile na kasalukuyang nakikipagkulitan kina Chang at Charlie.

"Uhm..Louie, belated. Thank you sa food," nakangiting sabi ni Mason. Ayan pati si Mason tuloy napaniwala na late birthday treat ko nga haha.

"Ahh. Wala yun," nakangiting sagot ko. Natatawa lang kasi ako. Kanina pa kasi sila bumabati ng belated. Kung alam niyo lang.

Kasalukuyan akong nasa labas ng classroom. Nagpapahangin. Naiinggit na din kasi ako sa maganang pagsubo ng mga kaklase ko. Ayoko talaga kumain nun. Paninindigan ko ang gutom kahit kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Wala akong balak kumain ng pagkain na galing sa pera ni Papa.

"Ba't parang hindi ka naman kumain?" nagtatakang tanong nito. Siya lang yata ang nakapansin nun. 

Nagkibit balikat ako. "Busog pa ako eh," sabi ko na lang.

"Naku baka malipasan ka ng gutom. Tara sa canteen," sabi nito sabay hila sakin. Wow ha. Nakakagulat talaga 'tong si Mason minsan. Ngayon na nga lang kami ulit nagkita 'tos... pero hehehehe... syempre, nagpahila na din ako. Gutom na naman talaga ako eh. Mabuti na lang hindi niya inofer ang pagkain sa Jollibee, tatanggi talaga ako pag nagkataon.

Pasimple kong nilingon sina Charlie at Chang na tila abala pa rin sa pakikipagkulitan kay Nile. Nagpapabidahan na ang mga 'to kung sino ang magaling magmake face. Hindi man lang niya napansin na wala na ako. Grabe talaga. Siguro may feelings pa 'to kay Nile. Tsss. Nakita ko din namang lumingon si Chang pero agad ding ibinalik sa dalawa ang atensyon.

Pagdating sa canteen, umorder si Mason ng isang serve ng kanin, tinolang manok, leche flan at pineapple juice.

"Hindi ka kakain?" Tanong ko dito.

Umiling naman ito. "Sayo yan. Busog na ko. Kumain ako nung pinadala mo sa office di ba?"

"Ah.." tanging nasabi ko. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Nilantakan ko agad ang nakahain.

Napapangiti naman si Mason sakin. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Wala. Kakaiba ka pala kumain kapag busog. Paano na lang pag gutom ka pala?"

Lihim naman akong napahiya. Tusukin ko to ng tinidor eh. Pamukha talaga ang kasibaan ko? Nahiya na tuloy akong mag-extra rice. Babawi na nga lang ako sa bahay. Hahaha.

Mga five minutes ay ubos ko na lahat ng pagkain. Wala na akong pakialam sa digestion process at kung ilang chew dapat nginunguya. Kanina pa nagugutom mga alaga ko sa tiyan ba't pa ako mag-iinarte?

"Gusto mo pa ba?"

Sana. Talikod ka muna kakain pa ko. Hahaha. Kaso nahihiya na ko kaya umiling na lang ako. "Thank you."

"Pinakain mo kaya mga officer ko. It's the least that I can do," sabi nito.

"Sira. Hindi mo naman responsibilidad na pakainin ako."

"Hindi mo din naman responsibilidad na pakainin ako..." sagot nito.

Namula ako ng mapagtanto ko ang sinabi niya. Nawawala ang logic ko pag kausap ko tong lalaking to kainis!

"So..uhm-"

Tumayo ako. Ayoko na. Ayokong humaba pa ang diskusyon namin. I have a feeling that something's wrong. Something's going on and I'm afraid to figure it out kaya pwede ba, tigilan niyo na ko?!

"KUYA. Thank you ulit. Aalis na po ako. Ingat. Hehe!"

Hindi ko na siya nilingon. Nakakahiya ka Louie. Ang bastos mo na naman. Pinakain ka na nga ng tao.

Eh bakit ba? Sa nahiya ako ulit bigla sa kanya eh. Kayo kaya dun?!

Continue Reading

You'll Also Like

51.2K 2.4K 30
Caught In The Temptation : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidde...
146K 3.1K 50
Ano nga ba ang panganib na dulot nang pagiging GANGSTER sa pamilya ni ZOE AT ALVIN? Start: Feb 13 2014 End: April 27 2016 Thank you for still voting...
2.6M 69.9K 33
Gorgeous, Rich, and Bitch-- Three words describe this girl. Her dad sent her in their own university for her to study. Then, she pretend to be a nerd...
4.3M 96.5K 74
"Living in the dark side of the world isn't easy. Everyday is a fight. Every second is a riddle, and every minute is death. And being the boss makes...