CHRIS
"Hi we meet again."
Lumingon ako para makita kung kanino nanggaling ang boses na pamilyar sa akin.
Hindi na ako nagulat nang makita ko sila Bea at Sohe na kumakaway. I felt relieved when I saw them and kind of sad when I saw one person missing.
Sohe removed the lollipop from her mouth. Still the candy lover, I see. "Hi Chris! Welcome back!"
I waved awkwardly. "Hi."
Bigla silang yumakap sakin, "We missed you!"
Niyakap ko sila pabalik, "Me too." Naghiwalay na kami.
"So, where's...?" I didn't continue because I knew that they know who I'm talking about.
Nagkatinginan silang dalawa, "Busy kasi siya kaya hindi siya nakapunta. Hayaan mo, itetext ko siya mamaya para makapag reunion naman tayo! For now, gala muna tayo!" Hinala ako ni Bea habang sumunod lang sa amin si Sohe.
I'm glad to be back.
JAZ
Sinampal niya ako sa kaliwang pisngi, sa sobrang lakas napabaling ako sa kanan. "Bitch! Ikaw sumira ng brand new dress ko, ano?!" Galit na galit niyang bulalas.
Gusto ko siyang gantihan pero wala akong magawa, hindi pwede. Not when my 'dad' is here.
"Tsk, how should I know? Hindi ko naman kasalanan kung bakit amoy dog poop 'yang pabango mo kaya nginatngat ng daga." I rolled my eyes. Sayang, hindi niya pa nakikita yung nilagay kong dog poop sa closet niya. Yung dress pa talaga yung una niyang nakita. Sabagay, nakalagay naman yun sa kama niya kaya napansin niya agad.
"What?! Isusumbong kita kay daddy!"
I smirked. "You haven't seen your closet yet."
Nanlaki yung mata niya. "Lagot ka talaga!" Tumakbo siya.
The girl who slapped me a while ago was my younger step-sister. Isa lang naman siyang anak ng isang kabit. That's right, my dad had an affair. The reason why my mom comitted suicide. Hindi lang iyon, my mom also had an affair.
Naalala ko tuloy si Andrew. He became my boyfriend a year ago. I haven't had the time to introduce him with my parents because they're both busy. And when the time came and I introduced him. My mom got weird and awkward, same with Andrew. It turns out that anak pala ng kabit ni mom si Andrew. Dad was so mad he did everything to break us apart but we didn't. When my mom died and I broke up with him and the rest is history.
Maybe that's why I'm so bitter. Inalalabas ko na lamang ang galit ko sa barkada. I can't accept the fact that my dad had another child with a different woman and my mother also had an affair. And what's worst is seventeen years nila iyon tinatago. Hindi ko naman sila masisisi, their marriage is arranged. They didn't even had a child. Kaya noong mamatay si mommy dito na tumira sa mansyon ang kabit ni dad ganun na lamang ako itrato ng mag-ina.
Well, that's how humans are.
Dinner time. I hate this time the most. Kasi makakasabay ko sila kumain. Gusto ko sanang magstay dito sa kwarto pero hindi na ko bata kaya bumaba na ako ng hagdan at dumeretso sa hapag-kainan. There I saw Vanessa and her mom, Winslett.
Plastik na ngumiti si Winslett, "Hi, dear! You're right on time!" Nginitian ko siya pabalik kahit gusto kong itaas yung middle fonger ko. The hardships of being a good girl. Kailangan mo makisama.
Nginitian ko siya ng peke at umupo sa kanan na bahagi ni dad, opposite kung saan sila nakaupo.
I saw dad typing with his laptop. Business siguro. "Hi, dad." Hindi ako sinagot ni dad kaya nakita kong palihim akong tinawanan ni Vanessa.
Mayamaya dumating na yung pagkain kaya nagsimula na kami. "I heard you're still meeting with your old friends."
Is he talking about Sohe and Bea? "Yeah."
"Tinutuloy mo pa rin ba yung pagiging gangster mo?" Napatigil ako sa pagsubo. I'm not surprised that he knew, he's a powerful man. At alam kong sinusubaybayan niya ako palagi kahit saan man ako magpunta, he has his eyes everywhere.
Tinignan ko sila Vanessa at nakitang napatigil sila. Shocked, eh?
Umiling siya. He even tsked. "Pinalipat na kita ng university at lahat-lahat hindi ka pa rin tumitigil. Gangsters are thugs who don't know anything but fighting. It's not suitable for the heiress of the Miguel Conglomerate. You're an adult now so act like one."
"Hindi na ako gangster. I'm just meeting up with my old friends. Kilala mo naman sila, 'di ba? They're not a bad person."
"Not if they stole our supposed-to-be biggest client."
"Puro nalang business ang nasa isip mo. You don't even care. Ni hindi ka nga umiyak noong namatay si mommy. Hindi lang iyon, sa harap mo pa mismo ito nagpakamatay at wala ka man lang ginawa." Nandoon ako sa garden when I saw mom stab herself with a knife and jump at the balcony. I even saw Winslett and dad looking at her. I didn't have time to stop her because I was in my room.
"Are you done?" Ni hindi man niya inalis ang tingin niya sa laptop. "You're so noisy. You're really like your mother. Even though you are..."
I squinted my eyes. Okay! Ipamukha niya na hindi niya ako anak!
Inihampas ko yung kamay ko sa lamesa. "Bullshit!"
Tumakbo palabas ng mansyon. Buti na lang nasa labas yung sports car ko kaya kinuha ko yung susi sa bulsa ko at pinaharurot ito.
Pumunta ako sa TUC at nilabas lahat ng galit ko. Uminom ako, nagsayaw at nakipagbugbugan.
Sinasapak ko ng paulit-ulit itong lalaki na nasa nasa ilalim ko. When I was about to punch again may pumigil sa kamay ko.
"Stop. Can't you see? Duguan na yung mukha niya." I know that voice. Its Chris' na palaging may dalaw! Masungit kasi siya!
Tumayo ako at tinignan siya. "Wazzup!"
Bigla akong napaupo ng sampalin niya ako. "Wake up."
"Aray! You dare to sapak me! Don't you know me! I'm barbie!" Tumayo ako at akmang sasapakin siya pero sadyang mabilis siya kaya nasipa niya ako sa tagiliran. Tumama pa nga ako sa isa sa mga lamesa.
Pero hindi pa rin ako natitinag. Tumayo ako at sumugod sakanya. Pero sinipa niya na naman ako and because I'm so awesome, I blocked it. Haha! I'm the best! I blocked her attack!
Nginitian ko siya. "O, ano ka ngayon! Nablock kita! Boo yah!" Sinubukan kong ikutin yung paa niya pero nanlalambot na ako kaya nasipa niya na naman ako.
"Ouch! Mashakit yun ah! Bakit ba palagi mo na lang ako sinisipa! Kabayo ka baaaa? Are you a worse...hose...horse?!"
Kumapit ako sa isang stool bar para makatayo. For some reason nakakatawa yung kabayo. "Ahahaha! Kabayo! Ahahaha!"
Naramdaman kong lumapit siya. Kaya nagposition na ako. "Ano? Lalaban ka pa! You dare kick Barbie! Sa ngalan ng buwan! Paparusahan kita! Ha ya~!" Sinubukan ko siyang masipa pero hindi ko siya natamaan. Hala! Bakit parang dumami si Chris! Ninja ba siya?
Third Person's
Napailing si Chris sa inaakto ni Jaz. 'Lasing na talaga siya.' Sa isip-isip nito.
Tinamaan niya sa batok si Jaz para makatulog na ito. Binuhat niya ito at dinala sa kotse niya.
Malungkot niya itong tinignan. Binugbog niya ito sa pag-aakalang mababalik ito sa wisyo pero hindi ganun kadali iyon. Napabuntong-hininga siya. Ngayon alam niya na ang rason kung bakit siya ganyan. Kinwento nila Bea ang tungkol sa kalagayan niya.
Mga apat na buwan daw itong depressed kaya noong gumaling na ito naging ganito ang kinalabasan.
Just like me.Sa isip-isip niya.
Tinigil niya ang kotse niya sa isang parke na madalas na may nagpipicnic pero dahil madaling-araw na, walang katao-tao sa lugar na iyon.
Ilang minuto ang lumipas ng magising si Jaz. Nakahiga siya sa isang maladahon na lugar kaya bigla siyang napaupo.
"Good think you're awake." Nagulat siya ng may magsalita sa gilid niya. Si Chris na nakaupo at nakatanaw sa papataas na araw.
"Ah..." Napahawak si Jaz sa noo niya ng bigla itong sumakit. Naramdaman niya din ang pananakit ng kanang bewang niya pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakuha. She remembers some scenes from last night but it's blurry. The
Inabutan siya ni Chris ng plastic na may in-can na kape at aspirin. "Inumin mo ito para hindi masyadong sumakit yung ulo mo. Sorry nga pala kung nanakit yung bewang mo." Kumunot yung noo niya dahil hindi niya alam kung bakit ito nagsosorry pero sinunod niya ang sinabi nito.
Ilang minutong katahimikan ang namayani ng magsalita si Chris.
"So you had it tough..."
Tinignan ni Jaz ng deretso si Chris. "I'm sorry... I should have forgiven you a long time ago. But things came up and... Yeah..."
"Naiintindihan ko. Patawad din." Natahimik ulit silang dalawa.
"So..." Si Jaz ang unang nagsalita. "Friends?" Inilahad nito ang kamay niya. Ngumiti si Chris, "Best friends." Inabot nito ang kamay niya.
There, under the sunrise, they forgave each other and became friends again.