Ikaw na ang Huli (slow minor...

By mugixcha

125K 5.4K 3.3K

During the 1899 Battle of Tirad Pass, General Gregorio Del Pilar was watching the movements of the enemy when... More

Author's Note
Disclaimer
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
Afterword/Credits/Etc.

XIII

2.4K 130 44
By mugixcha

Kinabukasan, hindi ako makatayo ng maayos mula sa pagkakahiga. Ambigat ng pakiramdam ko at ang lamig kahit hindi naman kami naka-aircon. Sinubukan ko na bumangon dahil kailangan ko pang mag-init ng agahan namin ni Goyong at baka ma-late pa kami sa trabaho.

Pagbangon ko ng kama, nagbibihis na ang Heneral. Bigla kong naalala naka-day off nga pala siya dahil nakita kong hindi uniform ang kanyang suot.

"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya.

"Oo, ininit ko na ang pagkain, ika'y kumain na rin. Pupuntahan ko lamang si Dolores saglit at ako'y babalik agad."

"Kaya naman pala ang gwapo ng Heneral, may lakad na naman pala."

Sa katunayan, wala naman bago sa suot niya para pansinin ko na may special sa itsura niya-- pero hindi ako nagbibiro sa sinabi ko. In love lang ata siya (kumbaga sa babae ito na ata un tinatawag na 'blooming') kaya mas kapansin-pansin ang kakaiba niyang aura na dumagdag sa karisma niya.

At umepal na naman ang isang malupit na bahing.

"Ikaw ba ay masama ang pakiramdam? Tila kahapon ka pa nagkakaganyan."

Napatingin ako sa orasan at na-realize ko na malapit na akong ma-late kaya nagpasya na akong mag-skip ng breakfast at maligo na.

"Wala 'no! Allergy lang 'to. Sige, maliligo na ako at sa shop na lang ako kakain. Ingat ka, ha!"

Dali-dali akong kumuha ng damit at tumakbo sa banyo. Taliwas sa normal na paniniwala, may mga nagsasabi din na mabuting maligo ng malamig na tubig pag may fever. Depende na rin siguro iyon sa katawan ng tao, pero ang isang dating kaklase ko ang nagsabi nito sa akin at subok na raw niya ang ganitong technique.

---

Pagbukas ko ng pinto matapos maligo, napa-"Susmaryosep!" ako. Nagulat ako kay Heneral na nakatayong parang statwa. Nakatingin siya sa'kin at naka-kunot ang noo.

"Akala ko umalis ka na! Anong ginagawa mo sa harap ng pinto ng banyo? Maglalabas ka ba ng sama ng loob kaya ka napabalik?"

Nilapitan niya ako at ipinatong ang palad sa noo ko.

"Panginoong Diyos! Tama nga ako, ikaw ay may sakit! Mukhang mataas ang iyong lagnat!"

"Okay lang 'yan, mamaya wala na 'yan. Teka, saan kayo magkikita ni Dolly?"

Hindi niya pinansin ang tanong ko.

"Ikaw ba'y may gamot na nakatago?"

"Hindi ako naggagamot kasi di ako nagkakasakit, madalang lang. Nako, sige na umalis ka na, baka mahuli ka pa. Bawal paghintayin ang babae." At tinulak ko siya ng dahan-dahan papuntang pintuan. "Gagamit ka pa ba ng banyo?"

Hindi niya pa rin ako sinagot.

"Ano ang dahilan kung bakit kailangan mo pang pumasok? Dumito ka na lang! Tayo'y magpalit na lamang, ako na ang papasok!" Ramdam ko ang inis sa kanyang boses.

"Sus, wala 'to 'no! Wag ka mag-alala!" Nilagay ko ang apron sa loob ng backpack at nagmadaling tumakbo sa pintuan. Nginitian ko siya at sabay takbo palabas ng bahay. Wala na akong pakialam kung 'di ko pa nasuklayan ang buhok ko, baka mahuli na ako sa pag time-in kung mag-aayos pa ako.

"Binibini!"

"Goyong, Pumunta ka na sa date mo! Bye-bye!"

Walang makakapigil sa'kin na pumasok. Sayang din ang sweldo at isa pa, ayoko na palitan ako ni Goyong. Ayokong maging abala para sa ibang tao.

---

Mukang nag-give up na si Heneral dahil alam niyang matigas ang ulo ko. Sinuot ko na ang apron na parte ng aming uniform at lumabas para ayusin muna ang mga poster na nakakabit sa may bintana kasama si Pau.

Maya-maya ay may biglang humawak ng braso ko.

"Pilya!"

Si Goyong!

"Huy! Anong ginagawa mo dito?"

Nagkamali ako, kailan pa nga ba na basta-basta susuko ang isang bayani? Nauna lang pala ako sa kanya ng konti sa coffee shop nang dahil nagpalit pa siya ng khaki pants, long-sleeves at suot na rin niya ang necktie bago pumunta rito. Desidido talaga siyang palitan ako sa araw na 'to.

"Goyong! Kamusta?" Ang masayang bati ni Pau. "Wow! na-miss mo ba agad suotin ang uniform ng shop? 'Di ba wala kang pasok ngayon?"

"Paulo, ang Pilyang ito ay kailangan nang umuwi sapagkat siya'y may sakit. Papalitan ko na lamang siya ngayong araw."

"Huy, friend. Kala ko sipon lang 'yan?"Tiningnan ako ni Pau at nilagay ang kanyang kamay sa aking leeg para damahin kung mainit ako. "Aba, may fever ka nga!"

"May date si Goyong ngayon! Mamaya naghihintay na si Dolly sa kanya sa meeting place nila. Okay lang ako!"

"Hindi na iyon ang importante!"

Tiningnam ako ng masama ng Heneral.

Bigla na lang ako nakaramdam ng matinding hilo, yung pakiramdam na naparami ka na ng inom ng alak at biglang nawala ka na ng balanse. Bigla kong naramdaman ang mga kamay ni Goyong na nakahawak sa akin. Patay! Di ako pwedeng himatayin, baka mamaya sumbatan niya ako ng: "Punyeta! Hindi ba sinabi ko na blahblahblah".

At biglang nagdilim na ang buong paligid.

---

Dahan-dahan ko naimulat ang mga mata ko. Ano ng nangyare?

Bigla ko na lang narinig ang boses ni Goyong na may kausap.

"Sa susunod na lamang. Hindi ko maaaring iwan si Miho rito ng mag-isa."

Sinubukan kong bumangon sa pagkakahiga at nakita kong nakabalot pala ako ng kumot. Napakalamig pa din at parang naka-set sa high ang aircon. Nakita ko si Goyong na nagpipiga ng bimpo.

"Heneral!"

Nilapitan niya ako ng dala-dala ang palanggana na may tubig at ang bimpo.

"Mamaya matapos kumain, ika'y uminom ng gamot. Sa ngayon humiga ka at ilalagay ko muna ito sa iyong noo. Kanina dadalhin ka namin dapat sa ospital ngunit ang sabi ni Paulo mas nanaisin mo pa raw na mamatay kaysa humiga sa kama ng ospital. Inuwi na lamang muna kita at binilhan ng gamot. Naisipan ko na rin na ika'y dalhin sa ospital mamaya sa ayaw mo't sa gusto, kapag hindi pa bumuti ang iyong lagay."

"Goyong, paano sila Micha? Ilan sila ngayon duon?"

"Silang tatlo nila Paulo at Lawrence ay naroon ngayon. Wala kang dapat ipagalala. Ika'y mahiga na."

Dahil wala na akong lakas pa makipagdiskusyon at mag-usisa kung anong klaseng desisyon na naman itong ginawa niya, nahiga na lang ako na parang masunurin na bata bago niya ipatong ang basang bimpo sa noo ko.

Isa na ata ito sa pinaka-malalang lagnat na naramdaman ko. Siguro nuong bata pa ako nang huli itong nangyari. Na-dali ako ng ulan at hindi effective sakin ang maligo ng malamig na tubig kagaya ng instant remedy ng classmate ko. Totoo nga kaya ang sabi nilang 'pag minsan ka lang raw magkasakit, malupit naman daw kapag inatake ka?

Tumayo si Goyong at naging abala sa may kusina. Naglluto siya?

Lumapit siya sa akin na may dala-dala namang tasa. Teka anong nangyayari? Hindi pa naman ako baldado at kaya ko pa sigurong tumayo at maglakad!

"Kainin mo na ito." Wala akong gana pero sa tono ng beses niya kailangan kong sumunod. Ito kaya ang same tone of voice niya nuong nagsasalita siya sa mga tauhan niya?

"Salamat, Heneral." Aabutin ko na ang tasa ngunit inangat niya ang kutsara at nilapit sakin.

"Huy, ano ba, wag mo kong baby-hin!" Pakiramdam ko namula ang pisngi ko sa hiya.

"Huwag ka nang dumaldal, binibini at ito'y kainin na." Sumunod na lang ako uli. Sa seryosong itsura niya parang hindi magandang mag-biro o mag-inarte sa kanya ngayon.

Lugaw? Marunong siyang magluto? Ay, oo nga, kung naging houseboy siya sa tiyahin niya- malamang kahit ang simpleng pagluluto ay marunong siya. Hindi ako sanay ng sinusubuan dahil kahit may sakit, alam kong may kamay pa rin naman akong naigagalaw. Napapikit na lang ako dahil sa sobrang hiya. Hindi ko ata kayang tingnan ang mukha niya na nasa harapan ko ngayon.

"Binibini, bakit ipinikit mo ang iyong mga mata?"

"Ay, sorry." Dinilat ko na ang mga mata ko, naisip ko mukha pala akong tanga na sinusubuan nang nakapikit.

Nang maubos ko na, iniabot niya sa'kin ang gamot at isang basong tubig na siya ding ininom ko agad.

"Magpahinga ka na muna ulit."

"Salamat, Goyong. Anong oras ka pala uuwi?"

"Hindi na ako aalis," seryosong sagot niya sa akin.

"Pero-"

"Huwag nang kung anu-ano pang sinasabi, binibini. Ika'y matulog na." In other words: Miho, shut up and stop being annoying.

Sa totoo lang, nagdadasal ako ng matindi na huwag niya akong dalin sa ospital mamaya kaya kailangan gumaling na ako.

Buti na lang at naisipan 'yon sabihin ni Pau kanina kahit pa nawalan na ako ng malay. Ayong-ayoko ng amoy sa loob, lalo na ang pakiramdam kapag nakahiga ka sa kama ng ospital at nakatitig sa kisame habang may swero ang kamay.

---

Muli akong nagising at naramdaman na may kakaiba sa kamay ko.

Diyos ko! Asa ospital na ba ako at naka-swero na?

Pagtingin ko, naruon pala at nakapatong nang bahagya ang kaliwang kamay ng natutulog na Heneral. Kung totoo nga talaga ang sinabi ng lola ko-- kung unang panahon ito, baka ikinasal na kami. Gusto ko untugin ang ulo ko para tumigil mag-isip ng kung ano.

Naramdaman niya ata ang pag-galaw ko kaya bigla rin siyang nagising. Dali-dali naman niyang chineck kung mainit pa ako. Hindi na ako nakaramdam ng lamig, sa katunay naiinitan ako-- dahil na din siguro nakatakip ako ng makapal na kumot.

Sabi nila effective daw ito pangtanggal din ng lagnat- ang pagpawisan. Ramdam kong basang-basa ang katawan ko ng pawis. Tumayo ang Heneral at kumuha ng aking damit (pati panloob) at iniabot sakin. Na-Maria Clara moment ako sa hiya.

"Heto, ikaw muna ay magpalit. Maya-maya siguro ay bubuti na ang iyong pakiramdam. Ituloy mo lamang ang pag-inom ng gamot."

Tumalikod siya para makapag-bihis ako.

"Salamat at patawad, Heneral."

Humarap siya bigla habang nasa kalagitnaan ako ng pagbu-butones ng aking damit.

"Matigas kasi ang iyong ulo! Ang akala mo lamang na ang maliliit na bagay na hindi dapat indahin ay siya ding makakapahamak sa iyo! Ikaw pa ay umaastang malakas parati at hindi mo kayang aminin na may oras na kailangan mo din ng ibang tao para ika'y tulungan!"

Galit ang Heneral.

Sa totoo lang, hindi naman ako over-sensitive na tao pero nung sinasabi niya iyon, nalunod ako sa isang ibang klaseng pakiramdam.

Nuong bata ako, ilang beses akong pinagalitan at napalo na ng magulang pero nabibilang ko lang sa aking mga daliri ang mga beses na iniyakan ko iyon. Hindi ko malaman kung nasa boses, sa tono o sa mismong mga salita ng Heneral, pero may kakaibang impact na bigla na lamang nagpalabas ng luha sa mga mata ko.

Dali-dali kong pinunasan ito at baka pa makita niya, pero huli na ang lahat at nahalata niya ako.

"Inisip ko lang na kung sa ganito kaliit na sitwasyon ay pabaya ka at matagal ka ng naninirahan ng mag-isa lamang, marahil ay ilang beses mo ng muntik ipinahamak ang iyong sarili!"

Sa totoo lang, baka nga tama siya. Nasanay akong mabuhay at tumayo sa sarili kong mga paa para mag-survive na walang kasamang magulang at sa napakaraming bagay, ako talaga ay napaka-careless na nauuwi nga naman minsan sa mga tinatawag kong kamalasan.

Tuluy-tuloy lang akong naiyak nang tahimik. Baka na rin dahil feeling ko na-hassle pa siya sa nangyari at di ako sanay na makaabala ng ibang tao. Kahit dati, nuong kami pa ni Francis ay wala siya naging problema sa akin. Walang araw na kinailangan niya akong alagaan at isang tabi ang kanyang mga dapat gawin para lang sa akin. Madalas, ako ang marunong maghintay, mag-alaga at ayusin ang busy schedule ko para sa kanya nuong kami pang dalawa.

Lumapit ang Heneral, pinunasan ang mga luha ko at sinabing "Tahan na.". Humingi siya ng sorry dahil napaiyak niya ako.

"Patawad! Dahil sakin hindi ka nakaalis...Patawad din dahil matigas ang ulo ko..."

"Ang mga lakad na ganuon ay pwede namang ipagpaliban. Hindi iyon ang mas importante." Kalmado na uli ang tono ng kanyang boses.

"Ipangako mo na iingatan mo ang iyong sarili." Hinawakan ng dalawa niyang kamay ang sa akin.

Tumango ako at tiningnan ang seryoso niyang mukha.

"Kung hindi, hayaan mo na lang sa akin ang lahat at ako na lamang ang gagawa nito para sa iyo."

Hinawakan niya ang damit ko na bigla kong ikinagulat. Ibinutones niya ang mula sa gitna hanggang pataas dahil nakalimutan ko na palang gawin iyon matapos maapektuhan sa sinabi niya. Ginawa niya ito nang walang bahid ng malisya na para bang ito ay napaka-normal niya lang na paraan ng pag-aalaga.

---

Pagdating ng gabi, sa awa ng Diyos hindi na ako kinailangan pang dalhin sa ospital. Habang nasa kama, iniisip ko pa rin ang sinabi ni Goyong.

"Ipangako mo na iingatan mo ang iyong sarili. Kung hindi, hayaan mo na lang sa akin ang lahat at ako na lamang ang gagawa nito para sa iyo."

Pinikit ko ang mga mata ko at nagsabi ng maiksing dasal ng pasasalamat sa Diyos dahil binigyan niya ako ng pagkakataong magkaroon ng (strikto at mapag-arugang) kapatid kagaya ng Heneral.

Ang mga salitang iyon ay parang linya na galing sa pelikula na nilagyan ng makatotohanang emosyon at sinabi mismo sa aking harapan.

Gaano nga kayang ka-seryoso ang Heneral sa kanyang sinabi? Hindi ko kaagad mapapaniwalaan ang lahat ng matatamis na salita sa mundong ito, pero tiyak ang linya na kanyang sinabi ay hindi ko na makakalimutan. Mananatili lang iyon sa puso at isipan ko na para bang isang quote mula sa paborito kong libro o linya sa isa sa mga awit na gustung-gusto ko.

Continue Reading

You'll Also Like

24.4K 1.2K 11
Sa hindi inaasahang pangyayari, nahulog sa puno si Lavender dahil nasira ang sangang tinutuntungan niya dito. Pagkagising niya mula sa pagkakahulog n...
49.7K 1.1K 32
Highest Rank: #19 in Historical Fiction (04/09/18) #1 in Kasaysayan #7 in History #1 in History(08/12/19) #5 philippines (10/16/21) Paano kung ang is...
21.6K 765 109
❝love is game where gambling is required and there are few ways to win the game.❞ morpheus series: the sequel nct dream ff english-tagalog date star...
221K 5.6K 44
HIGHEST RANKING: #1 IN HISTORICAL FICTION Paano kung ang ating pambansang bayani sa nakaraan ay ma-inlove sa isang artista sa hinaharap?