Ikaw na ang Huli (slow minor...

By mugixcha

125K 5.4K 3.3K

During the 1899 Battle of Tirad Pass, General Gregorio Del Pilar was watching the movements of the enemy when... More

Author's Note
Disclaimer
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
Afterword/Credits/Etc.

XII

2.4K 115 57
By mugixcha

Dumaan ang ilang araw at hindi na naulit na itinanong ng Heneral kung ako ba ay nagsselos. Dahil dyan, naisip ko:

1. DIOS MIO, buti na lang kung hindi baka magsinungaling ako ng di oras!

2. Maaga pa ba para ma-kumpira ang nararamdaman ng isang tao? Baka naman nagsselos lang ako dahil nasanay na ako parati na kasama si Heneral? (Napunta ako sa denial/confused stage bigla kung saan ang nararamdaman ko din ay kinkwestyon ko na.)

3. Nakalimutan niya lang kaya ako balikan tungkol duon?

4. O baka kinalimutan na niya kasi alam na niya ang sagot?

5. Wag sana yung #4. UTANG NA LOOB.

Ngayong malamig na hapon ay naglakad akong pauwi galing trabaho nang hindi kasama si Goyong. Half-day siya ngayon at naroon siya, kasama na naman si Dolly. Mukhang type pa rin naman niya siya kahit pa ang sabi niya magkaibang-magkaiba daw sila ng ugali ng sweetheart niya dati.

Kung hindi naman kasi siya interesado, hindi na niya iyon pagaaksayahan pa ng oras. Dinala na naman siya siguro ng babae sa bahay nila at ayoko na isipin pa ang pwedeng nagaganap sa mga oras na ito.

Nag-decide muna akong dumaan sa isang bookshop. Pag bored ako, isa ito sa mga lugar na pinupuntahan ko. Mabilis ko lang sinilip ang mga hanay ng libro at nakita ang 'Noli Me Tangere'. Maliban pa kay Goyong na isa sa mga tinitingala kong bayani ng Pilipinas (at inamin ko rin naman 'to sa kanya)-- hindi ko din maikakaila na malaki ang paghanga ko kay Jose Rizal at mahal ko ang mga gawa niya.

Habang tinitingnan ang iba pang mga libro, bigla kong naisip: Gugustuhin kaya ni Goyong na mabasa ang mga nakasulat tungkol sa kanya? Never pa namin ito napagusapan at hindi niya rin itinatanong sa akin.

Lumabas din ako agad dahil wala din akong balak bumili. Nang ako ay patawid na, biglang bumuhos ang ulan. Maaraw at maulan- may kinakasal nga kayang tikbalang? Pag-check sa bag, na-realize ko naiwan ko ang payong ko. Buti na lang ay mayroong tagapagligtas na waiting shed! Dali-dali akong tumakbo patungo duon.

"Miho?"

Paglingon ko sa gilid nakita ko si Dolly na hawak ang bukas niyang payong at sa gilid niya ay biglang sumilip si Goyong pagkatapos mabanggit ang pangalan ko.

"Ay, ikaw pala yan Dolly!"

Anong ginagawa nila rito?

"Miho! Hindi ka rin pala nakakauwi pa! Maulan at hindi ba't naiwan mo ang iyong payong?"

Nilapitan ako ng Heneral at pinagmasdan ang medyo basa kong uniform. Inayos niya ang ribbon ko sa kwelyo na hindi ko napansing nakatabingi na at pinunasan ang pisngi ko na may patak pala ng tubig galing sa ulan.

"Ah--Hindi ah! Tinatamad lang kasi ako kaninang buksan yung payong. O siya, 'di ba paalis na kayo?"

"Pupunta kami duon sa parking lot. Do you want to come with us?" ang yaya ni Dolly.

Third-wheel? No way!

"Hindi na, thanks Dolly!"

Tinitigan ako ni Goyong sa mata. "Ngunit bakit ka naririto at mukhang magpapatila ng ulan?"

"Ano kasi-- Ah! may hinihintay pa ako kaya mauna na kayo!"

"Sino? Si Francis ba ang iyong hinihintay?"

Wag ka nang matanong Heneral. Badtrip.

"Ah, oo! Tama! si Francis! Ingat kayo ha! Bye bye!"

"Hmm, okay. Take care, Miho." at kumapit si Dolly sa braso ni Goyong na hawak na ang payong.

"Ngunit--" Gusto pang humirit ng Heneral. Ang kulit!

"Tara, Greg." Hinatak siya ng babae at nag-lakad silang palayo. Buti na lang mukhang nagmamadali din si Dolly kung hindi baka hindi na ako tantanan ni Goyong.

Panay lingon ng Heneral na para bang sinasabi na: "Sinungaling ka, wala kang payong at wala kang kikitain!" Kulang na lang ay balikan niya ako pero mukhang may importante silang date ngayon.
Rainy day, mukang akma para sa isang romansa.

"Bleh!" at masayang pag-kaway na lang ang ginawa ko habang tumitingin pa rin siyang palikod.

Diyos ko, kailan ba titigil ang ulan? Dumilim na din ang langit. Tapos na bang ikasal ang tikbalang? Naiihi na ko. Pucha, bakit ganon? Ang sama ng timing!

Nagpasya na lang ako magpabasa sa ulan. Walang mangyayari kung maghihintay ako rito. Malakas ang loob ko dahil:

1. Wala akong cellphone na dala.

2. Malakas ang resistensya ko kaya hindi ako basta-basta magkakasakit. Sabi nila ang ambon pa nga raw ang nagpapasakit at yung maligo sa malakas na ulan ay hindi raw masama.

3. Iniisip ko ng umihi habang tumatakbo sa ulan --tutal baka hindi naman gaanong halata pagbasa na ako.

---

Sa awa ng mahabaging Diyos, umabot ako sa isang food establishment at duon naka-ihi. Pagkarating ng bahay, dali-dali akong naligo at nagpalit ng damit. Nagpainit ako ng tubig at ininom din ito.

Ang sarap din ng ganitong panahon, maulan at malamig. Ayoko lang 'pag naabutan sa labas pero mas pipiliin ko pa magpabasa na lang kesa naman pagtiyagaan kong maging epal kay Goyong at Dolly.

Humiga ako sa kama at naisip si Francis. Parang kelan lang nandito rin siya sa pwestong ito, nakahiga at kausap ako. Ngayong nagsimula na uli ako mag-aral ng Nihongo, magka-klase na naman kami. Dinasal ko na, na sana di na muna siya mag-enroll at malas ko lang na sabay na naman kami.

Ang magulang ni Francis ay nakatira din sa Japan. Kung sa Nagoya ang nanay ko, siya naman nasa Tokyo ang Filipina mother at American father niya.

Nuong naging kami, nag-plano kami ng maraming bagay kasama na ang posibilidad na manirahan sa Japan. Siyempre gagawin ko lang iyon dahil sa nanay ko at nagkataon lang din na anduon ang parents niya. So, kung sakaling parehas kaming pumasa sa graduate school duon, may pag-asa na ituloy ang aming relasyon dahil Shinkansen o bus lang ang sagot para kami ay magkita. Pero wala na ring silbeng maalala ang mga plano na iyon.

"Achooo!" Putragis, ano 'to, allergy?

At sumunod na ang singhot at mamaya isang serye ng pagbahing ang naganap.

---

Nag-luto na ako ng hapunan nang hindi pinapansin ang sipon. Adobong baboy na ginamitan ng pressure cooker. Tinignan ko ang orasan: 9:00 PM. Pauwi na kaya si Goyong? Siguro nag-dinner na rin siya sa labas.

Bumigat ang pakiramdam ko, parang ang ginaw din. Sarado naman ang aircon. Mukang magkakasakit na ako ng malupet.

Maya-maya ay biglang may kumatok, rinig ko ang pagpasok ng susi sa knob at ang pagkakaikot nito. Nagbukas ang pintuan at naruon ang Heneral.

"Uy, Goyong, kamusta ang date? Kumain ka na 'no? 'Pag gutom ka pa, may ulam pa!"

"Aminin mo nga sa akin, wala kang payong at wala ka ding kinita," seryosong sabi niya.

"Hmm, oo sinabi ko kay Francis next time na lang kami mag-usap!" Lumingon ako sa gilid at nakita ang payong ko na maayos na naka-tabi. "At 'yan, inayos ko na 'yan, natuyo na. O ano, dali, kwento na!"

Bigla na naman akong bumahing. Badtrip. "Excuse me. Sorry." at sumunod ang apat pa. Lintik.

"Masama ba ang iyong pakiramdam? Ika'y nagpabasa sa ulan kanina, hindi ba?" Sinilip niya yung basang uniform ko na naka-sabit.

"Nilabhan ko 'yan kanina, bored ako e. May allergy lang din ako ngayon."

Tumayo na ako para magligpit ng kinainan habang umupo sa sahig si Goyong at nagsimula magkwento.

"Ang sabi niya sa akin ay parang may naaalala raw siya sa nakaraan nuong ipinakita ko ang panyo. Bigyan ko pa raw siya ng kaunting oras at baka makatulong na parati kaming magkita para sa kanyang ala-ala. Maaaring nasa kanya na ang kasagutan na hinahanap ko. Ibang-iba man siya sa Dolores na nakilala ko ng nakaraan, kailangan ko malaman kung siya talaga ang babaeng iyon. Baka ang misteryo ng pagdating ko dito ay may kinalaman din sa kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon!"

Ramdam ko ang excitement sa boses ni Goyong.

Masaya ako na mukha siyang masaya pero bakit kinakabahan din ako? Parang may mali.

---

Tinawagan ko si Pau nang gabing iyon habang tulog na si Goyong.

"Gising ka pa, Pau?"

"Malamang, kausap mo na ko 'di ba, friend. Ikaw talaga!"

"Pau, matagal mo nang kilala si Dolly, 'di ba?"

"Nung college naging friends kami, 'yun lang. Bumalik naman uli siya sa States. Nagkaron na lang uli kami ng contact nung bago siya mag-bakasyon ngayon. Bakit? Nag-reresearch ka ba tungkol sa kanya?"

"Hindi naman, pero kasi sabi sakin ni Goyong parang daw may naaalala na si Dolly tungkol sa past nung pinakita sa kanya yuong panyo."

"Alam ko iniisip mo! 'Totoo kaya yung sinabi ni Dolly?', tama ba?"

Bumuntong-hininga ako.

"Sorry ah.. Baka masaktan ka, close friends pa naman kayo."

"Miho, okay lang, kahit friends kami hindi ko naman din masasabi kung ano tumatakbo sa isip niya, kaya hindi naman masama na naisip mo 'yan. Isa pa, natural lang isipin mo na ang weird. Well, weird nga na si Goyong ay nabuhay sa modern world at nakatira ngayon kasama mo, pero parang ang creepy na atang isipin na yung Dolly na kilala ko ay yun palang last love niya. OMG."

"Oo nga eh, paano kaya 'yun nangyari? Joke kaya 'yun? Ano kaya iniisip ni Dolly? Pano kung umasa si Goyong tapos hindi pala totoo? O pano kung totoo nga?"

"Friend."

"Ano?"

"Kalma. Tuluy-tuloy ka lang na nagsalita, parang di ka huminga. 'Di mo pansin?"

"Ay, sorry."

Napahalakhak si Pau.

"Isa ka pang weird e, Huang Miho! Gumising ka, girl!"

"Alam ko."

"Dahil 'yan kay Goyong 'di ba? Nag-aalala ka lang kasi sa kanya."

"Wala naman akong karapatang manghusga, malay nga natin asa kanya ang sagot. Tapos dahil duon makakabalik na si Goyong sa totoong buhay niya. Baka naman kasi isa 'to sa mga cheesy fantasy stories na ng dahil sa 'pag-iibigan ng dalawang taong nagmamahalan nuong past life nila' ay babalik sa ayos ang lahat."

"Alam mo friend, naisip ko, medyo questionable nga yung sinabi ni Dolly."

"'Di ka naniniwala sa kaibigan mo?"

"Pakiramdam ko lang parang may mali. Miho, ang alam ko kasi may boyfriend siya sa States! 'Di ko lang alam kung hanggang ngayon pa yun ha? Naisip ko alam niya na alam natin na lumalabas sila ni Goyong so kahit siguro itanong ko, 'di din sure kung honest siya sa sagot niya. Yung ibang kamalditahan niya alam ko, basta. Pero siyempre dahil magkakilala ang Dad niya at Dad ko, naging close din kami nung college after siyang maipakilala sa akin. May issues din siya sa family niya na minsan din niyang nabanggit sakin at yung sa mga boyfriend cheverloo niya."

"Ba't ko nga naman ba kasi iniinvolve ang sarili ko.."

At nahiga ako sa kama, lalong sumasakit ang ulo ko.

"Eh kasi nga nag-aalala ka diyan kay Heneral. Sabagay pangit nga naman na paasahin lang siya ni Dolly. Kahit kaninong tao naman, masamang gawin 'yon."

"Hay, Pau. Paano nga ba naging ganito ang lahat?"

"Itulog mo na lang yan, friend. 'Pag may nalaman ako, sasabihin ko sayo."

"Sige, good night, Pau. Sorry ang abala ko lang ha." Bigla akong bumahing at sinilip kung nagising si Goyong.

"May sipon ka?"

"Ah, oo. Allergy ata."

"Si Heneral ba tulog na? Baka naririnig ka?"

"Kaya nga ko bumubulong eh para di siya magising, tulug na tulog siya."

"Sige, send mo ang good night kiss ko sa kanya, ok? Paki-lips to lips, kunwari ako ikaw."

"Baliw."

---

Hindi ako makatulog nang maayos nuong gabing iyon. Sino ba talaga si Dolly? Bakit nga ba pinapakealaman ko pa sila? Malay ko nga naman, baka sila talaga yung naka-destiny na mag-m-meet sa present time. Pero since may hiwaga na ngang naganap, di na malabong mangyari ang mga susunod pang hiwaga.

Diyos ko, wag mo sabihin mamaya darating din ang ibang tropa niya galing sa laban sa Tirad? Paano kung si Aguinaldo yung biglang dumating?

Kung sakali mang pinaglo-loko ni Dolly si Goyong, anong gagawin ko?

Paano kung totoo nga na siya ang past 'last love' ng Heneral?

Biglang sumama uli ang pakiramdam ko. Tiningnan ko ang natutulog na Heneral at nilapitan siya. Dahan-dahan akong umupo sa harap ng sofa at humarap sa kanya. Pinagmasdan ko siya at bumulong. "Psst, gising ka pa?"

Walang sagot.

Mabuti at tulug na tulog siya kung hindi baka narinig pa niya ang usapan namin ni Pau.

"Pwedeng-pwede ko na ngang pitikin yang ilong mo o kaya kurutin ang pisngi mo, pero bakit ganun? Hindi pa din kita maabot kahit kaya ko nang gawin lahat iyon sayo. Kung si Dolly nga ang sinasabi mong si Dolores, dapat maging masaya ako para sa'yo. Dapat kang bumalik sa kung saan ka nararapat..." Ang napakahina kong bulong sa harapan niya bago ang isang malalim na buntong-hininga.

"Heneral, anong dapat kong gawin? Wala akong karapatan at 'di ko rin sadya.. pero tama ka, nag-sselos nga ata ako.." Napatakip ako ng mukha gamit ang mga kamay ko na para bang nahihiya sa mga nasabi ko.

Bigla akong nababahing uli. Pinindot ko ang ilong ko bago pa matuloy mabugahan ang mukha niya. Effective na sneeze stopper ito, buti na lang mabilis ang kamay ko.

"Binibini..." Biglang dumilat ang Heneral.

"Putris!" Napa-urong ako sa pagkakaupo sa sahig dahil sa gulat.

"K-Kanina ka pa bang gising dyan?"

Para akong magkaka-heart attack.

"Bakit ka naririyan sa aking harapan? May problema ba?"

"Ah-- wala! Ano kasi, may lamok akong nakita na malapit sayo. B-binabantayan ko e. Ah! ayun!" Tumayo ako at nagpanggap na may hinahabol na lamok. Tangina, ang lame ata ng reason ko. Ok lang, basta may naisip na dahilan pwede na kesa wala.

Pumalakpak ako ng mga tatlong beses.

"Napatay ko na! Sige, okay na. Tulog ka na uli. Babalik na ako."

"Nais mong pitikin ang aking ilong?" tanong niya bago siya humikab.

"H-Ha? Saan mo naman.. nakuha 'yon?"

"Isang panaginip, marahil."

Pinikit na uli niya ang kanyang mga mata.

"Magandang gabi, Binibini. Maraming salamat. Matulog ka ng mahimbing."

Kasalanan ko din kung bakit pinakaba ko pa ang sarili ko. May speech effect pa kasi akong nalalaman sa harap ng taong tulog.

May narinig kaya siya?

Hindi ko na 'yon uulitin, 'nyemas.

Continue Reading

You'll Also Like

61.3K 2.4K 38
(Battle of Manila 1945, Post World War II to Contemporary History) Ilang buwan na ang nakalipas magmula nang mapunta si James Salvacion sa taong 1945...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.7M 294K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
221K 5.6K 44
HIGHEST RANKING: #1 IN HISTORICAL FICTION Paano kung ang ating pambansang bayani sa nakaraan ay ma-inlove sa isang artista sa hinaharap?
2.1M 69.7K 62
When saving lives is just one click of a mouse.