Ikaw na ang Huli (slow minor...

By mugixcha

126K 5.4K 3.3K

During the 1899 Battle of Tirad Pass, General Gregorio Del Pilar was watching the movements of the enemy when... More

Author's Note
Disclaimer
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
Afterword/Credits/Etc.

XX

2.2K 120 85
By mugixcha

Nagbibiro lang naman ako nung sinabi kong 'Inom tayo uli!', pero mukhang sineryoso niya ang sinabi ko.

"Kung nais mong magpakalunod sa alak na kasama ako ay walang problema ngunit kung ika'y lalabas lang rin na kung sino ang ibang kasama, hindi ka maaaring lumagpas sa dalawa."

"E ba't naman dalawa lang?"

"Alam ko na ang iyong limitasyon sa pag-inom. Mapanganib rin sa iyo na magpaka-lasing sa labas lalo na kung hindi ako o si Paulo ang iyong kasama. Iyo bang naiintidihan ang aking sinabi?"

Tumango ako habang naka-peace sign (o pinapahiwatig na rin na dalawang bote lang ng beer ang iinumin ko). Teka paano kung bote ng soju? Mukhang ibang usapan pa yan ah.

Sa tono ng boses niya kanina naisip ko bigla yun 'General Torres, when General Del Pilar commands, you do not give orders.' at nirephrase ko sa utak ko ng: 'Miho, when General Del Pilar commands, you obey.'

---

Isang magandang araw ng Linggo, iniwan sa akin si Mimi, ang only-child ni Micha. May importante daw siyang dapat gawin at walang magbabantay sa bata. Hindi ito ang unang beses na nakasalamuha ko si Mimi kaya medyo naghanda na ako para pahabain ang pasensiya kong kadalasan ay mas-maiksi pa sa isang standard na Mongol pencil.

"Sigurado ka bang ok lang?"

"Oo, Micha, Ako na bahala dito kay Mimi."

"Mimi, pumunta na lang tayo sa park mamaya,libre kita ng dirty ice cream." Sa totoo lang naisip kong dalin ang bata sa zoo at kung saan pang kid-friendly na mga lugar kaso tinatamad akong lumayo.

"Ayaw ko!" Ang sabi niya ng nakasimangot. Itong batang to ay kamukha ni Dora the Explorer na sinapian ni Señora Santibañez.

Walang date ang Heneral ngayon kaya sumali siya sa pag-baby-sit. Walang nagawa si Mimi dahil dinala padin namin siya ni Goyong sa malapit na park kahit ayaw niya. Napakaraming tao at busy ang lahat kumain, dumaldal at mamili. Dahil sa kagustuhan ng bata na kumain ng cheese corn, binilan ko siya at kinain niya agad na kasing bilis ng piranha. Matapos kumain bigla niyang hinagis ang kalat sa damuhan. Nang makita, nagtangka akong pulutin ito para itapon bago siya pagsabihan pero pinigilan ako ni Goyong.

"Mimi, ang pagkakalat ng basura kung saan-saan ay hindi kailanman tama. Iyong pulutin ang iyong itinapon." Ang mahinahon ngunit striktong pag-sabi ng Heneral.

"Ayoko! Dirty na yan!" Bakas sa muka ng bata ang pandidiri.

Pinulot ni Goyong ang kalat at itinapon sa basurahan.

Maya-maya ay biglang nag-tantrums si Mimi at sinubukan naming patahanin.

"Tahan na. Ikaw nama'y hindi ko pinagagalitan. Kailangan mo matutunan ang mga ganitong bagay habang ika'y musmos pa lamang upang hindi masanay sa maling gawain."

Niyakap ni Goyong ang bata habang hinahaplos ang likod.

"Kapag ika'y nasanay sa mali ngayon, maari mo itong dalin hanggang sa paglaki. Sila'y huwag mong tularan." At tinuro ng Heneral ang grupo ng mga kabataan na hinahagis lang ang basura kung saan-saan.

"Kuya Greg, May mga tagalinis naman na pupulot sa kalat eh! Why do I need to do it?" Ang masungit na pagkakatanong ng bata.

"Kahit nariyan pa ang mga taga-linis, hindi ibig sabihin na tayo'y malayang magkakalat. Lahat ng mamamayan ng bansa ay may obligasyon upang alagaan ang ating kapaligiran hindi lamang ang mga taong may trabaho nuon. Kung ikaw ay may kamay at kaya ng abutin ang basurahan, mainam ng gawin kaysa maghintay ka pa na ibang tao ang gagawa nito."

"Sorry, Kuya Greg!" Aba! Anong nangyari sa pagiging spoiled brat niya? Ngayon ko lang siya narinig na nag-sorry!

"Huwag ka ng humingi ng paumanhin, Mimi. Ipangako mo na lang sakin ay lalaki ka sa tama at magiging mabait parati sa iyong nanay Micha."

Hindi pinansin ng bata ang sinabi ng Heneral.

"Kuya Greg?"

"Ano iyon?"

"Pwede po ba ako na lang maging girlfriend mo?" Tumingin ito sakanya na parang nahihiya pero kitang-kita ang ngiti niya.

Utang na loob. Ano to? Bata palang naglalandi na?

"Mimi, ika'y masyado pang bata." Ang sabi ng Heneral matapos matawa.

"Bakit po?" Nagsimula ng magsungit ang bata. "Girlfriend niyo po ba si Ate Miho?"

Binuhat niya si Mimi at sinabing: "Tara, ika'y bibilhan ko na lamang ng dirty ice cream." Hinalikan niya ito sa pisngi na parang nanggigil habang tinititigan ako sa mata. Anong problema niya?

"Kuya Greg, gusto mo ba si Ate Miho? Panget siya kasi maliit mata niya! Kamukha siya ni Majin Boo!" 

Natawa si Goyong sa sinabi ng bata kahit hindi niya kilala sino si Majin Boo. Walanghiyang Dora, pati itsura ko dinamay!

"Mimi, ang mga kulay puting bulaklak sa parke ay iyo bang nakikita?" Tinuro niya ang nasa malayong nakahilerang mga bulaklak na hindi ko alam kung ano.

"Opo."

"Kasing ganda at 'sing dalisay ng mga iyan si Ate Miho."

Nagawa pang isingit ang pambobola! Speechless ako.

"Liar!" At nagsungit na naman ang bata dahil hindi niya matanggap na kasing ganda raw ng bulaklak si Majin Boo.

---

Kinalong ko si Mimi pero tumayo siya at gumulong ang perfectly shaped circle of chocolate ice cream sa puting palda ko. "Ayoko diyan kay Ate Miho!" at lumipat siya kay Goyong.

ANAK TALAGA NG. Kung di lang to bata, pinatulan ko na.

Habang nakaupo sa kanya si Mimi, pinunas ni Goyong ang tissue na kanyang hawak sa damit ko.

"Ako'y kukuha ng tubig at--"

"Huwag na, Goyong." Agad akong nagpasalamat at sinabing ako nalang maglilinis. Tumayo ako at binilhan ng panibagong ice-cream ang bata. Pagbalik ko biglang humingi siya ng tawad na para bang isang anghel.

"Ate Miho, I'm sorry."

"Ok lang, Mimi. Kainin mo na to, bago matunaw."

"Sabi sakin ni Kuya Greg, dapat daw ako mag-sorry sayo kasi nadumihan ko ang maganda mong skirt at dahil sinabi ko raw na panget ka!"

Ayun naman pala kasi, naturuan pala ng asal itong bata.

---

Dahil wala kaming ginawa kung hindi umikot lang sa park, pagdating ng bahay, patay sa tulog ang bata. Umupo ako sa sofa at iniligay ang ulo niya sa kandungan ko- hindi nagising si Mimi kahit inayos ko ang pagkakahiga niya.

"Si Mimi talaga kahit kelan ansungit sakin pero ngayon nakahanap ng gwapong taga-bantay, naging sobrang maamo. May matinding galit ata tong bata sa akin eh, di ko alam bakit."

Natawa si Goyong. "Miho, sa aking palagay, ika'y magiging magaling na ina."

"Biro ba yan?"

"Hindi iyon biro. Ika'y kanina ko pa pinagmamasdan. Kahit pilya itong bata ay iyong pinagtiyagaan. Ni hindi kita narinig mag-alsa ng boses sa kanya sa lahat ng kanyang mga kalokohan."

"Wala talaga akong pasensiya, sa totoo lang. Hindi ko din naman kasi kayang pagalitan itong anak ni Mimi, kung anak ko lang to baka dinisiplina ko na. Sa totoo lang, parang natatakot ako mag-asawa at mag-anak."

"Bakit naman?"

"E kasi wala naman makakapagsabi kung tatagal ang isang relasyon kahit pa kasal na tapos pagnagka-anak ka naman, sa panahon ngayon dapat may pera ka para palakihin siya. Parang sa ngayon, hindi ko maisip ang lahat ng iyon pag pinasok ko ang pag-pamilya. Ang hirap eh."

"Ngayon mo lang iyan nasasabi, Miho. Isang araw, pag iyong natagpuan na ang taong para sa iyo, baka taliwas sa iyong iniisip ang mangyari sa iyong buhay."

"Balak mo magpamilya, diba?"

Napangiti ang Heneral at sinabing "Oo." Binalak nga naman niya kasing pakasalan si Dolores dati pagnatapos ang digmaan.

"Sa Amerika?" Kung mag-papamilya sila ni Dolly, tiyak hindi papayag ang babae na dito tumira.

"Hindi. Dito."

"Ahh.." Nako, pano yon, sigurado di papayag si Dolly!

"Bagama't iyong sinabi na ika'y natatakot, hindi mo ba mas nanaisin na ika'y magkaroon ng katuwang sa buhay kaysa maging mag-isa?"

"Hmm.. gusto rin. Kung malalaman ko lang na walang bahid ng kasinungalingan ang pag-ibig sakin ng isang lalake at ganon rin ang nararamdaman ko para sa kanya, mas gugustuhin kong magkaroon ng katuwang sa buhay. Kung hindi rin matutupad ng lalake ang pangako niya ng panghabangbuhay, parang ayoko mag-aksaya ng panahon para gumawa ng saglit na mga alaala kasama siya dahil masakit kapag wala rin mangyayari sa huli. Para lang akong nag-aksaya ng oras kung ganuon at ayoko rin umasa ng matagal na panahon. Napaka-komplikado ng pag-ibig no, Heneral?"

"Simple lamang ang pag-ibig, Binibini. Marahil ang mga tao lang at ang halu-halong sitwasyon ang nagpapagulo at humahadlang sa paglilinaw ng mga bagay ukol rito, sa aking palagay."

---

Mga 9 PM na ng dumating si Micha.

"Pasensya na talaga ha? Naging makulit ba si Mimi?"

"Hindi naman masyado, medyo lang. Ayaw pa rin niya sakin. Ayun, nakatagpo ng gustong i-boyfriend."

"Ha? Nakipaglaro ba siya sa ibang mga bata kanina?"

"Hindi, si Greg daw gusto niyang i-boyfriend."

Natawa si Micha sa mga kinwento ko tungkol sa pagiging maldita ni Mimi at mga after 30 minutes ay nagpaalam na sila.

"Kuya Greg, please wait for me when I grow up. Kung hindi mo na po girlfriend si Ate Miho. Magiging mas maganda ako kesa sa kanya!" Bata palang competitive na! Sorry Mimi, hindi ako ang tunay na kalaban e.

Natawa ang nanay niya at si Goyong.

---

Sa sumunod na araw, Naging busy lang ako sa pagtrabaho at si Goyong naman ay naka day-off. Umaga ko siya ng huling makita at past 12 AM na ay hindi pa rin siya nakakauwi. Nagsimula akong mag-alala kaya tinawagan ko ang cellphone niya. Walang sagot. Maya-maya ay may kumatok. May susi naman siya, ba't di niya buksan? Pagbukas ng pintuan naruon ang isang lalakeng inaalalayan ang Heneral. Lasing na lasing siya at hirap maglakad kaya pala ipinahatid na ni Dolly si Goyong sa kanilang driver. Tinulungan ako ng lalake na ihiga siya sa kama at tinanong ko kung anong nangyari at kung bakit nagkaganito ang Heneral.

"Sorry Ma'am, di ko rin alam eh. Naalala ko lang sabi ni Ma'am Dolores ay naparami daw ng inom. Iyun lang po, sige una na po ako."

Pag-alis ng driver ni Dolly, hinubad ko na ang sapatos niya at dahan-dahang tinanggal ang long-sleeved polo na nakasuot pa rin sa kanya. Bakit naman siya naglasing ng ganito, parang hindi ata normal? Tatanggalin ko pa ba yung T-shirt niya? Wag na lang. Nagpasya akong matulog sa sofa na lang kaya inayos ko na ang hihigaan ko ng bigla siyang nagsalita.

"Dolores.. Iyan ay.. mali.."

Lumingon ako.

Lumapit ako sa kanya at naalala kong lagyan siya ng kumot.

"Si Miho.."

Natigil ako pagkarinig ng pangalan ko. Kasama ako sa panaginip niya?

"Anong si Miho?" Sinubukan ko siyang kausapin, baka sagutin ako.

"Si Miho ay.."

At mahabang katahimikan ang sumunod. Tapos na ang panaginip?

Lumuhod ako sa tabi ng kama at tinitigan siya. Napunta ang atensyon ko sa tumutubo niyang bigote. Bakit hindi lumalago ang bigote ni Goyong na katulad kela Heneral Luna? Ilang days ago na ng huli siyang nag-ahit ah.

Patawarin sana ako ng Diyos at lahat ng santo, pero hindi ko kayang pigilan ang curiousity ko sa kung anong itsura niya kung malago ang bigote niya. Kumuha ako ng pinturang itim at brush at nagpasyang guhitan siya ng Mr. Suave na bigote. Hindi man lang siya nagising kahit iniisip ko parang nakakakiliti ang bristles ng brush kapag tumatama sa balat. Ibig sabihin, sobra siyang tulog sa kalasingan. Na-realize ko na kaya pala hindi lumalago ang bigote niya kasi hindi masyadong bagay sa kanya yung ganuon! May dahilan talaga lahat at napatunayan ko ito sa simpleng pagbibiro sa lasing.

"Nung nakaraan lang sinabi mo wag ako magpakalasing pag kasama ang iba at dalawa lang bote inumin ko kasi sabi mo alam mo limitasyon ko. E ano nangyari ngayon? Di mo rin pala alam limitasyon mo! Papagalitan ba kita bukas? Pero sabagay.. girlfriend mo naman nga pala yung kasama mo kanina. Bakit ka ba nag-lasing ng ganyan?" Napabuntong-hininga ako at hinawakan ang kanyang buhok.

Kumakausap na naman ako ng taong tulog, pero this time, ok sana kung narinig niya yun sinabi ko. Kinuha ko ang cellphone at pinicture-an siya. Remembrance. Napangiti ako at hiniga ko ang ulo ko sa kama habang nakaupo ako sa sahig. Tinignan ko lang ang litrato niya hanggang sa napapapikit na ako sa antok.

---

"Binibini!"

May umalog ng balikat ko. Idinilat ko ang mata ko at na-realize na sa tabi ng kama pala ako nakatulog at nakakalat pa ang pintura at brush na ginamit ko nuong gabi.

"Punyeta! Ano ito?" At tinuro niya ang dinrawing kong bigote. Nakatulog pala ako ng di ko man lang nabura!

"Heneral, hindi ka ba nakakaramdam ng lungkot kapag hindi lumalago ang bigote mo?" Sinubukan ko nalang magtunog concerned para hindi obvious ang tunay kong pakay.

"Hindi, Binibini!"

"Amin na, buburahin ko!"

Naglakad siya papunta sa banyo at hinabol ko siya. Tinitigan niya ang sarili niya sa salamin.

"H-heneral, wag ka ng magalit!" Inalog ko ang braso niya.

Tinignan niya ako ng masama at sa oras na yun naisip ko na matitikman ko na ata ang ipapatay ng walang paglilitis ng dahil nilagyan ko siya ng bigote ng kagaya kay Luna.

"Mapagbiro ka talagang Binibini! Ika'y kailangang matuto ng leksyon! Maldita!"

Nagtakip ako ng mukha sa takot. Hinding-hindi na ako uulit na gawin ang bad ways ni Jigglypuff, pangako yan.

"Heneral, pangako, di na ko uulit! Gagawin ko lahat ng gusto mo! Wag ka na magalit!" Sinabi ko habang nakataas ang dalawa kong mga kamay.

"Lahat?"

"Oo.. Lahat.."

---

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Kamukha ko si Pringles. Handa pa naman ako mag-paalipin sa loob ng 24 hours, yun pala ito lang ang gusto niya.

"Heneral.." Yun na lang nasabi ko pagkatapos niyang drawingan ako ng bigote habang nanlilisik pa rin ang kaniyang mga mata na parang nagmumura ng 'Punyeta!'.

Tinitigan niya ako at maya-maya ay humalakhak.

"Tayo'y patas na, Binibini!"

"Hindi naman tayo patas eh, ampangit ng pagkakadrawing mo!"

At natawa kaming sabay.

Kumuha ako ng tissue at binasa. Nilapitan ko siya at tinanggal ang bakas ng kalokohan ko sa kanyang mukha.

"Patawad na Heneral! Ang totoo kasi, buburahin ko naman yun dapat agad, e nakatulog pala ako! Gusto ko lang kasi makita kung anong itsura mo kapag malago yung bigote."

"Tunay palang sineryoso mo ang galit ko kanina."

Ah, so joke yun? LINTIK.

"Ako'y wala ng kilalang Binibini na kasing-maldita at kasing-mapaglaro na kagaya mo."

"Masamang bagay ba yun?"

Nag-isip siya bago ako sagutin.

"Marahil ay magandang bagay rin. Ikaw ay mas hindi ko magagawang malimutan."

At hindi rin kita magagawang malimutan, lalo na yung picture mo sa phone ko, Heneral.






























Continue Reading

You'll Also Like

71.7K 2.6K 51
[COMPLETED TOP HISTORICAL FICTION NOVEL ] "30 Days With Mr. Weirdo" reached the highest rank #14 as of November 2017 in Historical Fiction! Check thi...
32.4M 823K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
Way Back To You By Eros

Historical Fiction

473K 35.5K 99
Si Juliet ay isang mag-aaral ng medisina sa kasulukuyang panahon at magtatapos na sana sa susunod na taon nang madawit siya nang hindi inaasahan sa p...
15.2M 487K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...