Falling for Ash Montesines

By elisestrella

1.8M 44.5K 7.4K

C O M P L E T E D --- "Falling for the Billionairess" as told from the POV of Meredith Balajadia. --- My nam... More

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Night 1
Author's Note

Twenty

36K 985 209
By elisestrella

KAHIT naging busy ang linggo namin ni Ash, parang hindi ko naramdaman masyado ang pagod. Excited din akong pumasok sa opisina pero mas excited akong umuwi dahil si Ash na ang naghahatid sa 'kin sa bahay.

Naging understanding naman siya nang sabihin ko sa kanya 'yung panlalambing ni Dad at sinigurado pang okay lang talaga na siya ang maghahatid sa 'kin sa bahay. Baka raw kasi hindi pala talaga okay sa tatay ko, ayaw naman daw niyang kontrahin si Daddy. It made me happy, knowing na iginagalang niya nang gan'un ang tatay ko.

Dahil si Ash ang naghahatid sa 'kin sa bahay, nakakapuslit kami ng date after office hours. I think balak niyang isa-isahin namin ang lahat ng restaurants sa Bonifacio High Street. I didn't mind. Kasi kapag d'un kami kumain, naglalakad-lakad pa kami bago kami umuwi. Ibig sabihin more time with him di ba?

Ngayon, Friday, hindi ko alam kung saan kami magpupunta. Nitong mga huling araw kasi sa kotse na kami nag-de-decide kung saan kami kakain. Saka I think mas special kapag Friday kasi mas matagal kaming puwedeng tumambay sa kung saan. Hindi namin kailangang magmadali umuwi dahil walang pasok kinabukasan.

I was finishing up a report nang kumatok si Ash sa office door ko.

"Ma'am," tawag niya at natawa ako.

"Ma'am talaga?"

He was smiling as he walked to my desk. "Habang nasa office tayo, ma'am ang itatawag ko sa 'yo. Updated contracts from Legal," sabi niya na ipinapakita sa 'kin ang hawak niyang mga papel. "Pa-check na lang daw po at pa-sign kung wala na kayong gustong baguhin."

"All right. Thanks."

Kinuha ko 'yun at sinimulang basahin. Nararamdaman kong nakatingin siya sa 'kin habang nakatayo sa tabi ng mesa ko. Tiningala ko siya.

"Anything else, Mr. Montesines?" tanong ko na mapagbiro ang tono.

"Wala na, ma'am," sabi niya bago tumungo at hinalikan ako sa tuktok ng ulo. Then, "Oo nga pala. May gig 'yung mga kabarkada ko mamaya. Punta tayo."

Wait, what? Gig?

"Ha? Anong oras?"

"After work," sabi niya na medyo hopeful ang hitsura at super cute na gusto ko lang siyang kurutin sa cheeks bago ibigay lahat ng gusto niya. Kainis!

"Wala akong dalang damit pang-bar o kung saan man nagkakaroon ng gig," I told him.

Pinagmasdan ni Ash ang suot ko. Casual ang dress code sa office kapag Friday kaya lang hindi ko kasi makuhang pumasok sa opisina nang naka-jeans kaya naka-skirt pa rin ako ngayon. Iyon lang, hindi ako naka-heels. I was wearing ballerina flats.

"Gawan natin ng paraan. P'wede namang maging bar clothes 'yang suot mo eh. Konting cleavage, a lot of leg..."

Tumawa ako nang kumindat siya. "Fine! Gagawan ko na lang ng paraan. God, ma-o-OP ako d'un, 'yung manang na nasa audience."

Pero sa totoo lang, my clothes were the least of my worries. Gig ng mga friends niya 'yun. Ipapakilala niya ako sa mga friends niya. Di ba nakakakaba? I mean 'yung daddy niya, madali 'yun kasi puwede ko siyang kausapin, negosyante sa negosyante. Ash had told me about his friends. Mga rocker sila na miyembro ng banda. May-ari ng bar 'yung isa. I rarely go to bars. When I do, kasama ko ang mga friends ko... at si Kuya Midel na driver/bodyguard.

Ano na lang ang iisipin ng mga rocker friends ni Ash na mukha namang di marunong mag-enjoy sa bar or gig ang date niya?

Tiningnan niya ulit 'yung suot ko at naalala ko kaagad 'yung sinabi ni Dad.

Mahirap supladuhan ang lalaking kung tingnan ang anak mo eh parang nakita niya rito ang lahat ng hinahanap niya sa buhay.

My stomach cramped.

"I doubt it," he said with a soft smile. "Saka hindi naman kita iiwan d'un. Hindi ka ma-o-OP."

"Kinakabahan ako," amin ko. "Paano kung di ako magustuhan ng friends mo?"

He bent down over me, rubbing our noses together.

"They're going to love you" sabi niya sa 'kin na para bang may confidence sa abilidad kong i-charm ang mga kaibigan niya. "In fact, I'm pretty sure na may mababasag akong mukha mamaya sa sobrang pagka-like nila sa 'yo. Kaya sagutin mo na ako para maipakilala kitang girlfriend ko at wala nang magtangkang pumorma sa 'yo."

"'Yun pa rin?" biro ko, napapangiti.

"Hangga't hindi mo ko sinasagot."

I laughed and pushed him away, facing my computer again.

Gusto ko na, Ash, promise. Pero I think alam ko na kung ano ang hinihintay ko. I wanted to hear him tell me how he felt about me bago ko siya sagutin. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko, gan'un dapat. Hindi naman sa nagpapakipot pa rin ako. Alam mo naman kung ano ang idea ko ng "pagpapakipot" dito kay Montesines. Pero basta, feeling ko 'yun ang tama. Kaya mauna siya. Kapag sabihin niya sa 'kin na mahal niya ako, sasagutin ko na siya agad-agad. Siya na lang ang hinihintay ko.

FOR THE rest of the day, praning lang ang peg ko. Tumawag ako kay Alessa (kasi siya ang mahilig mag-bar), nanghihingi ng saklolo kasi nga kinakabahan ako. Nabanggit ko rin 'yung suot ko at sinabi niya ang sinabi ni Ash: more cleavage and more leg. I wasn't entirely comfortable with that.

Matapos mag-alala sa suot ko, sa friends naman ni Ash ako kinabahan. Paano talaga kung di nila ako gusto?

I checked my watch and saw na malapit nang mag-six. Huminga ako nang malalim kasi sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Then napalundag talaga ako nang mag-ring ang phone ko.

It was probably Ash kaya hindi ko na tiningnan ang display sa phone bago ko 'yun sinagot. "Hey! Aalis na ba tayo?"

"Meredith."

Muntik na akong bumuntong-hininga. "Hi, Craig."

"Glad I caught you. Nasa office pa ako and I was wondering kung gusto mong lumabas? I can pick you up, we can have dinner. Matagal na tayong hindi lumalabas eh."

"Don't you have a girlfriend to take out on a Friday night?" tanong ko na matabang ang tono.

Tumawa siya. "Yeah. So?"

What... the... fudge brownies? Anong "so"?

"Sige na, it'll be fun," pilit niya.

This time, bumuntong-hininga na talaga ako pero nagbukas ang pintuan ko at pumasok si Ash. Ayan na naman ang puso ko. Tuwing nakikita ko talaga siya...

"No, Craig," sabi ko sa phone. "I have plans."

I think I may have seen Ash's jaw start to tick. Sa kabilang linya, I think Craig may already have an idea that those plans involved Ash.

"Can't you cancel?" panlalambing niya na aaminin ko ay gumana noon. Ngayon, hindi na.

"No," I sighed.

"For me?"

"No," sabi ko na mas mariin na ang tono. "Look, I'm going to be late. I have to go. Bye, Craig."

"Wait—"

"Bye!" Ibinaba ko ang phone at naiinis na umiling. This time, I saw Ash's mouth twitch. Inirapan ko siya kunyari. "Hmp. Kinilig ka naman."

I laughed when he grinned.

Kinuha ko ang kikay kit ko mula sa middle drawer ng pedestal ko. "Sandali lang ha. Mag-aayos lang ako ng mukha."

"Di naman na kailangan," he called after me.

Hindi ko isinara ang pinto. Mag-re-retouch lang naman ako. Mayamaya ay nakatayo na siya sa pintuan. I glanced at him over the mirror. Nakasandal siya sa doorjamb, naka-krus ang mga braso sa dibdib niya. Casual lang ang ayos niya kaya di ko alam kung bakit ang sexy ng dating n'un sa 'kin.

Anyway, nagsimula akong mag-retouch. Light lang ang makeup ko sa umaga pero I think a night out at a bar called for smokey eyes and red lipstick. Maya't maya napapatingin ako sa kanya sa salamin. Ang seryoso niya habang pinapanood niya ako in a way na kung ito ang makita ni Daddy sa mukha niya kapag nakatingin siya sa 'kin, baka ma-ban siya sa bahay.

"Na-ko-conscious ako sa 'yo," sabi ko habang ibinabalik ang makeup sa kikay kit ko at kinuha na ang last ko laging inilalagay mula nang maisip kong baka kumalat sa mukha ni Ash 'yun kapag halikan niya ako, my lipstick.

Hindi sumagot si Ash. Nahirapan akong huminga nang magsimula siyang lumapit sa 'kin. Hindi ako nakakilos. His hands went to my hips to hitch me up to sit on the counter, then he stepped forward to stand between my legs.

It was the first time he did something this intimate. Nakakapanghina.

I watched him as he looked at me intently, intensely. He had hitched my skirt higher up my thighs when he pressed between them. Namula ako kasi sigurado ko kung ano 'yung nararamdaman ko kung saan magkadikit ang mga katawan namin.

"Mamaya na 'yung lipstick," sabi ni Ash, his voice rough and thick, before he kissed me. I smiled against his lips and wrapped my arms around his neck. It was a soft, sweet kiss... until he slid his tongue over my lips. Na-ignite yata lahat ng nerve-endings sa katawan ko. My mouth opened and he sank his tongue inside in a kiss that quickly became carnal. Humigpit ang yakap niya sa 'kin na para bang hindi na niya ako pakakawalan. Kumapit ako sa kanya nang mahigpit na mahigpit.

"Ash," hingal ko nang hilahin pa niya ako nang mas mahigpit sa kanya. "Hindi pa ba tayo late?"

"Hintayin nila tayo," sabi lang niya bago niya ako hinalikan ulit.

PINILIT kong relaxed lang ang kapit sa kamay ni Ash nang pumasok kami sa bar ng kaibigan niyang si Hank. Ayokong magmukhang clingy pero ayoko talaga siyang bitawan. Kinakabahan pa rin ako.

I've been to several bars before at iba-iba ang feel nila. This one was classy and comfortable at the same time. Hindi lang isa o dalawang celebrities ang nakasalubong namin ni Ash, pero isang barkada pa yata ng mga artista at models mula sa dalawang top TV stations. May ilan din akong mga acquaintances na nakabatian pero hindi ako nagtagal na nakipag-usap sa kanila.

Babae ang unang tumawag kay Ash. Of course. Automatic na humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Kung si It Girl iyon at halikan na naman siya nang walang pakundangan, mababalita talaga ako bukas na nanampal sa bar.

At 'wag mo nang ipaalalang hindi pa kami. Wala akong paki.

"Laura!" bati niya sa babaeng lumapit sa 'min para yumakap sa kanya. Tumungo si Ash, nagpahalik siya sa pisngi at ibinalot ang isang braso sa mga balikat ng babae.

Ugh! I rolled my eyes and tried to pull away. This time, siya naman ang kumapit sa 'kin. I looked at him coldly and he had the gall to look pleased by that.

Hinila niya ako palapit. "Laura, this is Meredith. Meredith, this is Laura." He grinned at me. "Asawa siya n'ung kabarkada ko, si Hank. They own this bar."

"Oh." Oh talaga. Hindi ko naitago 'yung relief. Shoot, buti at wala akong sinabi. Kundi napahiya ako! I smiled at inabot ko ang kamay kay Laura. "It's a pleaure to meet you."

"Hi!" sabi ni Laura gamit ang isang masaya at perky na tono. Nagulat ako at tumawa nang hilahin niya ako palapit at hinalikan din ako sa pisngi. "It's a pleasure to meet you too! Doon tayo sa table. Nag-dinner na ba kayo?"

"Hindi pa nga eh," sagot ni Ash.

"Naku, ikaw ginugutom mo pala si Meredith. Dali! Doon sa table."

Sumunod kami kay Laura. Nakahawak siya sa braso ko at excited na nagkukwento. Madaldal siya and I appreciated it kasi wala sa akin 'yung pressure na magkwento plus she's making me feel at ease.

"Dude!" tawag ng isang lalaki. Matangkad siya, cutie rin, medyo mas scruffy kay Ash, medyo mas mahaba nang kaunti ang buhok, at parang hindi nag-ahit kaninang umaga. Pero imbis na magmukhang mabantot, it only added to his appeal. Mukha siyang maloko... pilyo! 'Yun 'yung term, mukha siyang pilyo, mas pilyo kay Ash ko.

Sinundan ito ng ilang pang mga lalaki. Niyakap nilang lahat si Ash at nakita ko 'yung affection nila para sa kanya.

I think I already like them.

Ipinakilala sila isa-isa sa 'kin ni Ash. Si Marlon pala 'yung scruffy guy, 'yung best friend niya. Then there's Hank, 'yung asawa ni Laura at ang may-ari ng bar, sina Ronald at Lester. May dalawa pa raw silang kabarkada pero dahil may trabaho daw ang mga 'yun, mamaya pa darating bago sila tumugtog.

Nang ipakilala ni Ash si Marlon sa 'kin, lumapit ito, hinawakan ako sa balikat at inilapit ang mukha sa 'kin para halikan ako. I would have moved back kasi di naman ako komportableng magpahalik na kaagad kahit pa kaibigan siya ni Ash pero naunahan ako ni Ash. Natawa ako nang saluhin niya ang mukha ni Marlon at itinulak 'yun palayo.

Yeah, gusto ko na sila.

Pinaupo kami ni Hank sa table na naka-reserve daw para sa 'min pero nagpaalam ako kay Ash.

"Ash, kailangan ko lang munang mag-CR," sabi ko na narinig pala ni Laura.

"Ay, halika! Samahan kita," sabi niya.

Alam mo naman ang mga girls, isang batalyon kung magpunta sa CR.

"Okay," sabi ko na nakangiti sa kanya bago ko ulit hinarap si Ash. Pinisil ko ang balikat niya. "Sandali lang kami."

"Sure."

Isinukbit ni Laura ang braso niya sa braso ko.

"Gaano katagal na kayo ni Ash?" malakas niyang tanong habang hinihila ako papunta sa isang pinto. Labas-masok doon ang mga empleyado at may nakasulat na para lang sa mga authorized persons ang pintuan.

"Hindi pa kami," sabi ko, nag-ba-blush.

"What?!" bulalas niya na namimilog ang mga mata sa 'kin. "Oh, my God, girl, bakit?"

Bakit nga ba? Bakit ko pa nga ba pinapatagal?

"Nagpapakipot pa ako," sagot ko at sabay kaming tumawa.

"Sabagay, tama 'yun," sabi ni Laura na kinukuskos ang braso ko. "I think masyadong madali para kay Ash ang manligaw. Ngingiti lang siya, hinahagisan na siya ng panties ng mga babae."

Napangiwi ako sa idea. Di pa naman ako naghahagis ng underwear pero ayoko rin ng idea na may ibang babaeng gagawa n'un kay Ash.

"Pero alam mo, iba ka," patuloy niya at siyempre naman, na-curious ako. "Basta. N'ung ipinakilala ka niya kanina, iba 'yung tono niya. He seems proud to be with you. And he looks and sounds very happy."

Napangiti ako. I think p'wede nga talaga kaming maging close friends nitong si Laura.

NAKAPATONG sa sandalan ng upuan ko ang isang braso ni Ash habang nagtatawanan kami sa mga kwento nina Marlon at Hank. Hindi na ako nagtataka kung bakit magkakaibigan sila. Pare-pareho sila ng sense of humor at halata ang closeness nila sa isa't isa. Tawa lang ako nang tawa at enjoy na enjoy sa pakikinig sa usapan nila.

Maya't maya, tumatayo si Laura para may i-check sa kusina at isinasama niya ako kasi nabanggit kong curious ako kung paano magpatakbo ng ganitong klaseng establishment. I got the full tour of the bar.

At nang magpaalam ang mga tutugtog para mag-check ng equipment backstage, ch-in-eer namin sila ni Laura.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Ash sa 'kin na halos nasa tainga ko na ang bibig nang makaalis ang mga kaibigan niya. Medyo malakas na kasi ang music kaya kailangan na naming magsigawan.

"Okay lang! Hindi ako mahilig sa bars pero okay ako dito," I told him honestly. "I like your friends."

"That's great!" sabi niya na mukhang natuwa. "They like you too."

Ngumiti ako sa kanya at inakbayan na niya ako. When I leaned close to him, he kissed my temple.

"Bakit pala hindi ka kasama sa kanila?" I asked curiously. Nabanggit kasi nila na high school pa lang sila, magkakasama na sila sa banda aside from Ash na forever daw audience. "Wala ka bang talent sa music?"

"Hindi ko siya passion."

Kukulitin ko pa sana siya tungkol doon pero lumabas na ng stage sina Marlon at nagtiliian na ang mga babae at nagmadaling lumapit sa stage area. Napatayo na kami ni Laura at nagsimula na ring tumili.

Nang magsimula ang set, nanatili sa likuran ko si Ash. He would hold my waist, my hips or my shoulders habang nanonood kami. Minsan yayakapin niya ako at sasandal ako sa kanya.

Sa totoo lang, enjoy na enjoy ako sa show. Ang galing ng banda. Ang galing nilang tumugtog at ang ganda at sexy ng boses ni Marlon.

Sa susunod na punta ko, isasama ko ang mga friends ko. Mag-e-enjoy sila rito. Hindi kasi siya 'yung walang class na bar. Masarap pa ang pagkain at I'm sure aalagaan kami ng mga may-ari. Isa pa, gusto kong mapanood nila ang banda. Bebenta ang mga boys na 'to sa music-(and musician) crazy kong mga kaibigan.

"Thank you!" sabi ni Marlon sa mic at nagtilian ang mga girls. "Thank you! I hope you enjoyed the show. Gusto pa ba ninyo?"

Tumili na rin kami ni Laura na parang hardcore fangirls.

"Sige, sige. Ito last na 'to," sabi ulit ni Marlon. "Itong kantang 'to, naisip lang namin kanina sa likod. Nanonood kasi 'yung isang best friend namin. He's with his date. Dude, Ash." Itinaas ni Marlon ang isang kamao na para bang nakikipag-fist bump. "This is for you and Meredith."

"Oh my God!" tili ko, kilig na kilig, habang nakasandal sa dibdib ni Ash. Ngayon lang kasi may nag-dedicate ng kanta sa 'kin.

Nagsimula silang tumugtog at nagsimulang kumanta si Marlon. Hindi pamilyar sa 'kin 'yung kanta kaya pinakinggan ko talaga 'yung lyrics.

Time is going by so much faster than I

And I'm starting to regret

not spending all of it with you

Now I'm wondering why I've kept this bottled inside

So I'm starting to regret not selling all of it to you

So if I haven't yet, I've gotta let you know...

Oh, wow! Parang alam ni Marlon ang nararamdaman ko! Nilingon ko si Ash. His arm was across my chest kaya hawak ko 'yung braso niya. Nakatingin siya sa stage kaya inangat ko ang kamay ko at idinantay iyon sa panga niya para tumungo siya sa 'kin.

"Do you want to dance?" I asked although hindi ko alam kung saan ko nakuha 'yung lakas ng loob.

I watched his face as he slowly turned me around to face him. Ayun na naman 'yung init sa mga mata niya. I wrapped my arms around his neck and he pulled me closer with his arms around my waist. Isinandal ko ang pisngi ko sa balikat niya at pumikit ako when he started to lead me into a slow dance.

It was probably the most romantic moment of my life.

And then, he started to sing. He was singing! At ang ganda ng boses niya!

Gulat akong nag-angat ng mukha para tingnan siya. "You can sing! Sabi mo wala kang talent sa music!"

He looked embarrassed. Kung may ilaw lang siguro, baka nakita ko siyang nag-blush.

"Sabi ko hindi ko siya passion," he clarified sheepishly with a shy, boyish smile. "Di ko sinabing wala akong talent."

Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. Habang nakatayo kami sa gitna ng isang madilim na bar, napapalibutan ng nagtitiliang mga babae at malakas na music, siya lang ang nakikita ko. Siya lang ang naririnig ko.

Siya lang. And that was when I finally admitted that yes, I have fallen for Ash Montesines.

"Oh, shit," I whispered, helpless against the tidal wave of emotions that suddenly swamped me when the proverbial dam burst. Then my fingers were in his hair and I was pulling his head down so I could kiss him.

I moaned when our lips met, when his mouth opened over mine. Parang nahihilo ako. Hindi ako makahinga. Nanginginig ang buo kong katawan at kailangan kong kumapit sa kanya kasi kung hindi, matutumba ako. Na-overwhelm ako.

Pero siguro ganito talaga kapag unang beses mong sabihin kahit sa sarili mo lang, kahit matagal mo naman nang alam, na mahal na mahal mo na ang isang tao.

Continue Reading

You'll Also Like

469K 10.7K 44
Ano'ng gagawin mo kung magiging mapanganib ang pag-ibig na itinakda para sa iyo? Kakapit ka pa ba at ipaglalaban ito kahit na ang kapalit ay kamataya...
22.5M 329K 58
Lagi na lang atang mananatiling NBSB at birhen si Athalia nang dahil sa epal at napaka-overprotective na si Eleven, ang lalakeng BEST FRIEND ng kanya...
1.9M 87.1K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
19M 202K 76
This story is now published under Summit Media's SIZZLE. Available in all leading bookstores and stores nationwide.