In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [44]

57K 2K 164
By chiXnita

Copyright © chiXnita

"BYE, MOM." Hinalikan ko siya sa pisngi at hinarap si Grant na sinundo ako para ihatid sa flower shop.

Nakauwi na kami kahapon. Anim na araw din ang naging road trip naming iyon. At hindi nga ako nagkamali ng hinala na may kinalaman sina mommy kung ba't nakidnap ako.

Kung dati halos ikadena nila ako para lang ilayo kay Grant, ngayon... kulang na lang pati kaluluwa ko ibenta nila kay Grant.

Hinawakan ni Grant ang aking siko para alalayan ako. Palabas na kami ng bahay nang tumikhim si daddy sa likod. "Sandali lang, Grant." Natigil kami at muling humarap.

May hawak si dad na coffee mug. Sumimsim siya rito. Nakasuot na siya ng office suit. Suot niya rin ang kanyang eyeglasses. Tumabi siya kay mommy na nakafloral dress. Nagsusuot din naman siya ng ganyang damit pero madalas uncanny outfits.

"You chose Xhaiden over Xyrene. Are you sure you aren't doing this because Xyrene is still unconscious? Or you're—"

"Dad!" hysterical na saway ko, nakasabay ko pa si mommy. Hindi pumasok sa isip ko na magagawa niyang itanong ang bagay na iyan. Kung si mommy maiintindihan ko pa. Akala ko ba okay na ang bagay na 'to? Akala ko ba hindi na sila manghihimasok sa gusto ko? "That's too unethical."

Dumiin ang hawak ni Grant sa'king siko. Napatingala ako sa kanya at mahigpit na hinawakan ang laylayan ng kanyang damit. Si mommy naman ay binubulungan si daddy. Only God knows what it is.

Nagreyna sa'min ang katahimikan. Pero naghari ang tensiyon na bumabalot sa paligid.

"We're going." Hinila ko si Grant pero nanatili siya sa kinatatayuan. Darn! Ang hina ko ba talaga? Matiim siyang nakatitig kay dad at gano'n din ito sa kanya. Na para bang may "usapang lalaki" sa titigan nila na silang dalawa lang ang nakakaintindi at hindi kami pwedeng sumali ni mommy. "Grant, let's—"

"Isn't it enough that I love you daughter?" he probed, plagiarizing the intensity of my father's voice. I bit my lower lip and shouted uncalled-for curses inside my head.

"Who? They're both my daughters, Grant. You love them and you knew from the start that you shouldn't." Ang sarcastic ng tono ni daddy. At gusto kong mainis sa kanya ngayon.

"Wow, Dad. You're going to be the villain here now?" Mas sarcastic ang tinig na ginamit ko. Kanina lang ang ganda ng mood ko pero ngayon sirang-sira na.

Hindi siya sumagot at tinitigan niya lang ako. Mababakas sa aura niyang nasaktan siya sa sinabi ko. He's so sensitive and he knew that I inherited it from him. But now he's being insensitive which is so unusual of him.

Hindi ko alam kung nagmamalasakit siya sa'kin o kay Xyrene, dahil nandito na si ate ngayon sa bahay namin, dalawang araw na.

Hinaplos ni mommy ang kanyang braso. "Dad, it's okay. Napagpasyahan na nating hindi na tayo mangingialam sa mga desisyon nila. Let them do what they want to," anito na unusual din. Nagkapalit ba sila ng katawan o pagkatao?

"You can call me a villain or even a crazy old freak. I wouldn't mind, baby. I agreed to that, honey, because I thought that my daughter's feelings changed already. But I was wrong and now I won't allow those things to happen again. Tama na ang isang pagkakamali. Tama nang nasaktan ang anak ko. Tama nang muntik na akong mawalan ng anak. Tama nang nakasakit ang anak ko. Tama na! Hindi ba pwedeng magpahinga na muna?"

"Then, what do you want me to do?" Napabitiw ako kay Grant. Madilim ang kanyang mga mata. He isn't afraid or even terrified. He's hurt.

Ako ang natakot. Mas natatakot ako sa kanya kaysa kay Dad.

"I can't change the past. I can't rebuild the damage that has been done. I'm sorry, Dad, 'coz I'm certain that I can't give you what you want. I love Heather. Alam 'yun ni Xyrene. Way... way back then. Pero bakit hanggang ngayon bawal pa rin? Hindi pa rin pwedeng maging kami? Lahat na lang... lahat na lang ng taong nakapaligid sa'min kontra sa'kin. Am I that really a depraved person? No... No one can ever dictate me now, even you. Hell no!"

Naningkit ang mga mata ko nang ngumiti si daddy. "Oh no... Don't be so serious, Grant. I'm just, you know... testing you?" Inilapag niya ang mug sa bilog na mesa rito sa porch at lumapit kay Grant. Tinapik niya ito sa braso. "I know you love Xhaiden, but once you hurt her again... I swear—"

"Oh God, Hellix! I curse to your tëstis, I'll cut your pënis into pieces, if you're not gonna zip your lips. Just shut up and go back inside. Let's eat!" Daling namutla si dad nang magtaas ng boses si mommy. Tinulak siya nito papasok sa loob. "Enjoy your day!" Lingon pa nito sa'min bago sila mawala sa'ming paningin.

Ilang sandali pa akong hindi kumurap bago tumingin kay Grant na laglag panga pa rin. Mas priceless ang reaksiyon niya kaysa sa'kin.

Nakalimutan ko lang naman kasi na trying hard si daddy sa pagiging villain.

Sumasabay kasi siya sa personalidad na meron si mom, kaya kadalasan ay nagmumukha siyang alien.

"It's dad. It's mom. They're just... you know, out of this biosphere creatures." Hinawakan ko siya sa braso. "Let's go. Malalate ka na." Sumunod siya sa'kin pero mukhang lumulutang pa rin ang isip. Aftershock ng pagiging weirdo ng parents ko.

"I'm thankful that you aren't like them," pabulong na komento niya habang pinagbubuksan ako ng pinto ng kanyang sasakyan. Simula raw kasi ngayon ay ihahatid sundo na niya ako papuntang flower-shop. Ako na may service. Ako na rin ang may "oh-so-hot-driver."

Tahimik kami sa biyahe. Lumilikot pa rin sa isipan ko ang sinabi niya kay daddy. Mahal niya ako. Nakakataba ng puso.

Nilingon ko si Grant. Nakatuon ang atensiyon niya sa pagmamaneho pero ang kanyang kanang kamay ay nasa ibabaw ng tuhod ko. Nakapatong lang pero ang kanyang hintuturo ay sumasabay sa bit ng tumutugtog sa stereo.

Lumunok ako at hinawakan ang kamay niya. Pinipilit niya lang umaktong normal pero malalim ang iniisip niya. Marahan kong pinisil ang kanyang palad at tumikhim. "I love you..." Baka sakaling mabawasan niyon ang bigat na nararamdaman niya.

Kilala ko talaga siya. Hindi masama ang intensiyon ni Dad, pero iniisip niya 'yon.

Lumingon siya at ngumiti. Hindi ako kumurap dahil bigla na lang nag-iba ang aura ng kanyang mukha. His eyes were dazzling; too many emotions to explain. My heart stroke fast just because he smiled. "I love you. More than you can ever imagine." He bent, bit his lower lip, and pouted it to kiss me.

I giggled and hit him hard. "Drive..." He frowned.

*.*.*.*.*

"G-GREEN..." NATIGIL ako sa pagpasok sa loob ng office ko. Nakaupo siya sa couch habang panay ang dial sa hawak na cellphone. Lumingon siya at tumayo. "W-What are you doing here?"

Lumapit siya. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Kinagat ko ang dila dahil 'yung ngiting 'yon ay halatang pilit.

Lumingon ako sa labas. Pasakay pa lang si Grant sa sasakyan. Oh God! Mabuti na lang hindi na siya nag-abalang pumasok sa shop.

Para akong aatakehin sa puso.

Nahagip ng mata ko si Pau. Humihingi ng paumanhin ang aura niya. Her eyes were saying... "I'm sorry, Ma'am. I couldn't resist Sir Ryder's charm."

Napailing na lang ako at sinarado ang pinto. Nilagpasan ko si Green at inilapag ang pouch sa mesa. I composed myself even though I'm really scared.

Hindi ako natatakot kay Green.

Sa sarili ko ako natatakot ngayon. Ang sabi ko, hindi ako gagawa ng bagay na makakasakit sa kanya. Pero sa pagkakataong 'to, kahit wala akong gawin at sabihin... alam kong nasasaktan siya.

At aaminin mo, sobrang laki ng kasalanan ko kahit siya ang bumitaw sa 'ming dalawa. Sinubukan ko naman, 'di ba?

Humakbang ako palapit sa kanya. Ibinuka ko ang bibig para humingi ng sorry.

"You don't have to say anything, Xhai..." putol niya sa 'kin 'di pa man ako nakakapagsalita. Nababasa niya yata ang tinatakbo ng utak ko ngayon.

Nahigit ko ang hininga nang bigla niya akong niyakap nang sobrang higpit. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya. Napapikit na lang ako. 'Di ako makagalaw. 'Di ko alam kung ano'ng gagawin.

"Don't blame yourself. Wala kang kasalanan. 'Wag mong isipin na nagkamali kang pinatulan mo ako. Dahil sa pagkakamali mong 'yon... naging masaya ako." Hinihimas niya ang buhok ko. Hindi ko maiangat ang mga braso sa sobrang higpit ng yapos niya sa 'kin. "'Wag mo akong isipin. Okay lang ako. Magiging okay ako. Ako pa ba?" Tumawa siya.

Pero 'di ko magawang sumabay sa kanya. Biglang bumakas ang pinto. Tumambad sa paningin ko si Grant na daling nag-isang linya ang mga kilay nang makita kami. Naalarma ako.

"G-Green..." Gusto ko siyang itulak pero hindi niya ako hinayaan.

Idinikit niya ang labi sa gilid ng tainga ko at bumulong. "Makipagbalikan ka na sa kanya para hindi na ako umasang p'wede pang maging tayong dalawa." Kumalas siya sa 'kin. Ginulo ang buhok ko at tipid na ngumiti. Yumuko siya para bigyan ako ng mabilis na halik sa noo. "Be happy, Baby Girl."

Tumalikod si Green. 'Di na nagpaalam pa. Ni hindi niya ginawang sulyapan si Grant at dire-diretsong lumabas sa opisina.

Natulala ako.

Hinawakan ni Grant ang kamay ko at hinila ako palabas. Doon lang ako nabalik sa sarili. Muntik pang matumba si Fae pagbukas niya ng pinto. Sina Mina naman at Pau ay daling bumalik sa kani-kanilang pwesto.

"G-Grant, saan tayo pupunta?" Lumingon ako sa paligid at doon ko napansin ang kotse ni Green sa tabi ng company namin.

Napansin siguro ni Grant kanina kaya bumalik siya. Pero ako ang hindi niya pinapansin ngayon. Hila-hila niya lang ako palapit sa kanyang sasakyan.

Parang may nakaattach na bomba sa puso ko na anytime ay sasabog. Sobra akong kinakabahan. Lalo na at kitang-kita ko ang panginginig ng mga braso niya.

"Grant..." Kanina pa ako nauubusan ng hangin. Pero mas nahirapan akong humugot ng hininga nang bigla niya akong yakapin nang makapasok kami sa sasakyan. Napakahigpit. Mapuputol yata lahat ng ugat sa 'king leeg.

Niyayanig ang puso ko. Naririnig ko ang bawat kabog nung sa kanya. Mabilis ang pagtaas-baba ng kanyang balikat. Nakasubsob ang kanyang mukha sa bandang leeg ko.

Napabuga ako nang malalim na hininga at inilapat ang dalawang kamay sa likod niya. I don't know how to explain this kind of feeling. Pero hindi ako manhid.

Nasasaktan siya. Sinasaktan ko siya.

Humigpit ang yakap niya sa'kin. "N-Nagsisisi na ako ngayon kung bakit pa kita inuwi. I wanna hold you so tight. So tight that I don't wanna ever let go even just for a second."

"Grant..."

"I admit, I'm terrified I might lose you, Heather. I can't lose you. I don't wanna lose you. Pero bakit kahit ano'ng kapit ko, kahit ano'ng gawin ko, hindi nawawala ang takot sa loob ko na darating ang araw na iiwanan mo ako? Lumalaban naman ako. Bakit hindi ako nananalo?"

Ibinuka ko ang bibig pero walang lumabas na salita. Hinimas ko lang ang likod niya.

"Dahil ba lahat na lang ng taong nakapaligid sa'tin ay kontra sa'kin? Pati yata mundo, kinakalaban ako." Mahina siyang tumawa. Hindi ako nakaimik. Nanatili siyang nakayakap sa'kin habang nacoconscious ako kung ano'ng amoy ng leeg ko.

"I couldn't even think of better ways to keep you mine. I keep on fighting, running, even though there were so many hitches and scuffles on my way I needed to overcome and defeat just to reach you. And finally, nasa finish line na, naabot na kita, pero ang hindi ko alam may barrier pa pala. You were standing behind that barrier, and I don't know what to do anymore to break it. That's my greatest nightmare, Heather."

Nanginginig pa rin ang katawan niya. At 'di ko na alam kung paano siya papakalmahin.

"All I ever wish is to be happy... with you. To have a family... with you. To cook for you and of course for our kids, too. To give you all you need that will make you happy. All I need is you... be with you. Just you. But I couldn't grant my simple wish even though that's my name. Damnit!"

Inilayo niya ako nang bahagya sa kanya at ipinaloob sa kanyang mga palad ang mukha ko. Hindi ako kumukurap. Kasi baka 'pag pikit ko'y may tumulo na lang na luha.

Hindi siya umiiyak. Ngunit sobrang pula ng kanyang mga mata. Ang bigat sa bawat katagang binitiwan niya'y sapat ng dahilan para maramdaman kong sobrang nasasaktan siya.

Na hindi lang ako 'yong nasasaktan. Hindi ko naisip na nasasaktan din siya... sobra-sobra.

Tama si Tita Brenda. Lahat ng mga sinabi niya'y totoo. Sobrang selfish ko pala talaga. Sarili ko lang ang iniisip ko.

I didn't consider the feelings of the people around me. Lalo na ang nararamdaman ng taong mahal ko.

Takot akong masaktan. Takot akong maiwan. Pero hindi ko napapansin na sa ginagawa ko'y mas lumalaki at tumitibay lang 'yung barrier sa'ming pagitan. Pati mga taong nakapaligid sa'min nadadamay na.

I was so selfish. Damn egotistic.

Huli ko lang din narealize kung ano talaga ang huling pinapagawa sa'kin ni Tita Brenda. That wasn't really "Handling Grant." I realized that it was "Seeking for his real feelings". When you find it, feel it; and when you feel it... grant it back.

Love has no rules. But it always "should be" about the feelings of both parties.

Kapag nagmahal ka hindi mo kailangan ng rason kung bakit mahal mo siya; kung bakit mahal ka niya. Hindi mo kailangang magbilang kung sino'ng mas nagmamahal sa inyong dalawa. Hindi mo kailangang magtanong kung kailan ka niya natutunang mahalin. Hindi mo kailangang lumingon sa past n'yo kasi masasaktan n'yo lang ang isa't isa.

Let it be! Stick with what you have, right now, with the one who's currently loving you; with the one who's willing to be happy with you, just for you.

Iyon ang natutunan ko.

Bumuntong-hininga ako at hinawakan ang likod ng kanyang ulo. Hinimas ko ang kanyang buhok. Wala siyang wax o kung ano man na malagkit na inilalagay. Pero ang lambot at mabango.

Masaya ako. Sobrang saya ko kasi ang open na niya sa'kin ngayon. There's no nightmare. No barrier between us. Just me... and him. Only us.

"I'm going to be selfish here, but I beg you, Heather... come out from that zone already and be with me. P-Please... be with me."

Hinawi ko ang buhok sa gilid ng kanyang noo at hinalikan siya rito. "I'm sorry, Grant. I'm so hard to love." Pinaliguan ko siya ng halik. Gusto niya 'tong ginagawa sa'kin at ang gaan sa pakiramdam kasi nagagawa ko rin 'to sa kanya. Magwawala talaga ako sa oras na may ibang gumawa nito.

I'm obsessed with him? Let it be... wala akong paki!

Bigla siyang nag-angat ng ulo kaya ang halik ko'y tumama sa tuktok ng ilong niya. Naistatwa ako saglit dahilan para mahalikan niya ako sa mga labi.

Ngumiti siya. "It's okay, Minnie. I love too hard. And fuc—"

Hinalikan ko siya at pinandilatan. "Shut up!"

Ipinilig niya ang ulo. His eyes were glowing. Great! Nacorner na talaga ako. Natrap na ang daga!

"So, tayo na ulit?" He's teasing me. Hindi ko tuloy maisip kung nagdrama lang ba siya katulad ng ginawa ni daddy kanina.

Kinagat ko ang labi at ipinilig din ang ulo. Tumingin ako sa itaas ng kotse kahit alam ko na ang isasagot ko. No more questions. Kinabig ko na lang ang ulo niya para bigyan siya nang malalim na halik.

I'm all in. I'd say... Yes and give in.

--

#IAR #InaREALationSHIT

Click the ★ button.

Continue Reading

You'll Also Like

16M 74.7K 21
Available na po sa bookstores. NATIONWIDE. Grab your copy now! :) Price: P175.00 175 pages Taglish Psicom Publishing Book 1: Sadist Lover (published...
1.8M 30K 14
Collection of my one-shot stories written from 2011-2016. Book cover by Taryn [@soundthealarm]
68.3K 1K 68
Kevin wants his wife to have her own sense of individuality. He wanted her to spread her wings and achieve her own dreams. He's happy to see her happ...
29.1K 292 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...