A Fan's Fantasy

By YouNique09

164K 4.7K 541

Black Blade Series #1 Kay Leon Felizardo umiikot ang mundo ni Summer Aguirre. She is and always will be a sel... More

Prologue
Chapter One: Leon Blaine Felizardo
Chapter Two: Coffee Avenue
Chapter Four: A Fan's Nightmare
Chapter Five: A Fan's Dream
Chapter Six: Curious
Chapter Seven: Realization
Chapter Eight: Moment
Chapter Nine: Olympus
Chapter Ten: Whirlwind
Epilogue: Light

Chapter Three: Calliope Santos

11.2K 328 19
By YouNique09

Chapter Three: Calliope Santos

"Hindi ko talaga alam kung paano mo ako nahila sa pakulo mong 'to," buntong hininga ni Autumn habang stuck sila ni Summer sa traffic patungong Herondale. "At hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag. This is damn pointless!"

"As if naman hahayaan mong mag isa ako don," ngisi ni Summer pabalik. "Tsaka tinanong ko lang naman kung may kilala kang Rixon eh."

"That name means bad news, Summer Lumiere." Buntong hininga muli ni Autumn nang umusad na ang traffic. "Hindi ko naman hahayaan na mag isa ka lang sa isang party. Baka pag uwi mo di ka na virgin or worse di ka na maka uwi. Papatayin ako nila Tita!"

Namula naman ang pisngi ni Summer. Walang preno talaga ang bibig ng kaibigan niyang ito.

"Bakit ba kasi ang sama ng aura mo don sa Rixon? Gwapo naman ah"

"Walang ubra sa'kin ang itsura at alam mo 'yon. Hindi mo naman kasi alam yung reputasyon ng lalaking yon kasi naka focus ka palagi d'yan sa Leon mo."

"Why? Ano ba reputation niya?" Naging curious na si Summer. It's not everyday na may kinaaayawang lalaki si Autumn and she's vocal about it.

"Kilala mo yung Parker diba?"

"Sino don?" Kunot noo niyang tanong. Dalawa kasi ang Parker sa DMU. Nauna niyang nakilala iyong isa dahil bagong member ito ng kanilang Basketball Team. Nakanuod siya ng practice game isang beses and there's no doubt magaling ito.

"Yung mahangin..."

"Pangalan please."

"Jace Ashton Parker," Nakatuon ang mata ni Autumn sa daan nang sinagot ito. "Best friend yon ni Rixon Travis Santos at kakambal naman ni Josh Ander Parker. Yung binaggit mo na bagong player ng SAU na pinag uusapan nila kanina sa cafe? Kaibigan rin nila yon. Si Logan Dimaano. Yung kasama ni Rixon na sabi mo kanina? Pinsan niya yon. Si Calliope Santos."

Nanlaki naman ang mata ni Summer. "Hala ka Autumn! Anong ginawa mo kanina nung naligo ako? Nag investigate ka agad? May lahi ka bang ninja? Bakit di mo sinasabi sa'kin?"

Hindi naman siya pinansin ni Autumn dahil mukhang may sasabihin pa ito. "Let's go back to the main point, I know he's bad news dahil magka ugali sila nung gunggong na Parker na 'yon!"

"Bakit parang ang laki ng galit mo sa kanila?" Summer narrowed her eyes at her friend.

"I hate players." Ang tanging naging sagot nito.

Alam ni Summer na maraming kinaayawan si Autumn. Isa na don ang prof nila sa Biology. Kaya nga madalas itong nag rereklamo sa mga bagay bagay. Maarte kasi talaga ito at walang preno ang bibig, palaban rin. Ngunit hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Rixon at Jace para ikagalit ni Autumn. Surely they did something because hindi naman basta basta magagalit si Autumn sa isang tao kung walang ginagawa sa kanya.

"Kaya wag kang lalapit don ha? Ituon mo lang yung atensyon mo kay Leon." Autumn stressed. "Ang tanga ko rin kasi, e. Kung hindi ko sinabi sa'yo edi sana hindi mo pa sila kilala. Stupid, Autumn." Sinapok na nito ang sarili kaya natawa si Summer.

It's true, though. Hindi naman niya makikilala kung sino ang dalawa kung hindi sinabi ni Autumn. Kahit na nakikita niya si Rixon sa DMU hindi parin niya kilala ito. Malay ba niyang Player yon.

"Opo Ma'am. Kay Leon lang ako!" Summer gave her friend a mock salute at itinigil na nito ang sasakyan sa parking lot ng Prism.

"Hindi tayo mag tatagal ha? Pag nakita mo si Leon bibigyan lang kita ng oras para mag fangirl at makipag socialize sa club members mo tapos uuwi na rin tayo."

"Mas malala ka pa kay Mama, Autumn." Halakhak ni Summer. Her best friend can be a mother hen sometimes. She loved her for being that.

Sabay silang lumabas ng sasakyan. Kita na agad ni Summer ang iilang mga player ng SAU Wolves sa bandang entrance. Pati ang mga members ng Football Team nakita rin niya na papasok ng bar.

Nag text na sa kanya si Mirrel na naroon na sila sa loob. Hihiramin lang naman talaga niya ang sasakyan ni Autumn ngunit nag desisyon itong sumama kaya ayun. Nagkaroon siya ng driver.

Napansin agad ni Summer ang tingin sa kanila nang tumungo sila papasok. Well, kay Autumn lang dahil sa suot nitong itim na dress at napaka sexy pa nito. Habang siya naman ay naka high waisted ripped jeans at cropped top. Hindi naman siya nag effort pa sa kanyang outfit dahil wala naman siyang aakitin samantalang si Autumn ay natural nang manamit ng ganon para sa isang party.

"Andito ba daw sina Mirrel, sure naman akong hindi ka sasama sa'min."

"I'll just wander 'round, call me when you need anything. Wag kang lalayo. Uuwi rin tayo." Tinalikuran na siya ni Autumn. Hindi naman nag aalala si Summer sa kaibigan because Autumn's very familiar with parties. It's her scene after all.

Namataan naman niya ang iilang pack members na pumayag na sumama sa party'ng ito. Ang ilan ay hindi sumama dahil may pasok kinabukasan, mostly ang nakita niya ay ang mga originals. Ang mga higher years na.

"Andito rin ang Football Team ng DMU at mga members ng team natin!" Salubong ni Annica, isa sa pinaka malakas tumili sa kanila.

Tumango naman si Mirrel at nilibot ang tingin sa maingay na bar. "Nasa VIP Area sila! Hindi ko alam kung pwede 'don! Mukha kasing exclusive lang para sa kanila!" Pasigaw na sabi ni Mirrel.

"Grabe no? Kahit sila talaga yung palaging naglalaban sa finals at dakilang rivals, parang in good terms talaga sila!" Kinikilig na sabi ni Dancel. Siguro ay nakita nito kung paano maki salamuha ang mga students ng SAU at DMU.

"Syempre they're all good sports!" Tango ni Anne.

"Andyan na si Reigan del Fierro! Kararating lang!" Hingal na sabi ni Kristine nang patakbo itong lumapit sa kanila. Dalawang student ng SAU ang present sa pack nila ngayon, Si Dancel at Annica. Kakaonti lang talaga ngunit ayos na iyon kaysa sa wala.

Hindi naman sa dami ng fans ang basehan ng suporta. She can support Leon all on her own ngunit aaminin na niya na mas masaya na marami sila. Annica is also a Leon's girl, si Summer lang talaga ang pinaka original.

"Isa pa 'yong mailap!" Natatawang iling ni Mirrel. Crush kasi nito si Reigan, ang Quarterback/Captain ng Football team ng SAU.

"Ang sarap mapunta sa isang lugar na puro hot guys at magaling lahat sa sports!" Naka ngising sabi ni Annica na nagpatawa kay Summer.

"Si Leon andyan na ba?" Tanong ni Summer.

"Oo! Andun siya sa VIP kasama sina Saavedra!" Mabilis na turo ni Dancel sa direction ng VIP area.

"Pati sila Keanu andito rin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mirrel. "Grabe na ha! Anong klaseng celebration ba 'to? Hindi makatarungan na magsama silang lahat!"

Naudlot ang tawa ni Summer nang biglang nag dilim ang kanyang paningin. Naamoy niya ang isang pamilyar na pabango ngunit hindi niya talaga maalala kung kanino niya ito naamoy noon.

Hinawakan niya ang kamay na nakatakip sa kanyang mata. May bigla namang sumundot sa kanyang tagiliran kaya siya biglang napa hiyaw dahil sa kiliti. She jerked away at narinig niya ang isa ring pamilyar na tawa.

"What the---" Naputol ang sasabihin sana ni Summer nang makita niya ang dakilang Triplets ng Constantine High.

Si Sanz, Atlas, at Lake Dela Cruz.

"Sunshine!" Sabay na sabi ng tatlo at tinapon ang mga sarili nito sa kanya. Halos matumba naman si Summer dahil sa bigat nila.

Humalakhak siya as she spread her arms wide enough para mayakap ang tatlong baliw. Hindi parin nagbabago ang tawag ng mga ito sa kanya.

Sunshine ang tawag ng tatlo sa kanya dahil anila'y mataas daw ang sikat ng araw tuwing Summer. The sun shines bright!

She missed hanging out with these three. Patuloy parin naman ang contact nila sa isa't isa at sa pagkakaalam niya talaga ay nasa New Jersey ang tatlo.

The Dela Cruz Triplets are her best friends, kasama na doon si Autumn. Nakakalungkot lang dahil sa isang International School mag aaral ang tatlo at sa September pa ang kanilang pasukan kaya siguro naisipang magpalaboy laboy muna sa mundo. Hindi naman niya inaasahan na makita ang tatlo dito. Akala naman niya talaga kasi nasa New Jersey sila dahil iyon ang huling text ni Sanz sa kanya!

"Awww I missed you weirdos!" Ani Summer nang bumitaw na siya sa yakap. Nanatili namang naka yakap sa kanyang bewang si Lake, ang pinaka bata sa tatlo.

"Ang panget ng mga tao sa NJ." Ani Lake at bumitaw na rin. Tumaas naman ang kilay ni Summer.

"So pumunta lang talaga kayo 'don para husgahan yung mga tao?"

"Hindi naman," naka ngising sagot ni Sanz. Ito ang pinaka matanda, ito rin ang pinaka maloko.

Talagang hindi makikitang magkalahiwalay ang tatlong ito. Palagi silang All for one!

"Kailan pa kayo umuwi?"

"Kaninang umaga lang" Sagot ni Atlas. "Umuwi talaga kami para dito"

"Ganon na talaga ka big deal ang pag ce-celebrate ng first win of the season?"

"Hindi naman," ngisi muli ni Sanz. Talagang nakakaloko ang mga tingin nito.

Naalala bigla ni Summer ang mga kasama niya kaya bumalis siya dito para ipakilala. "Guys sila nga pala yung kasama ko sa Pack. Si Mirrel, Dancel, Kristine, Anne, at Anica!"

Nahihiyang kumaway ang mga babae sa tatlo and three smirked back.

"Andito si Autumn eh, nakita niyo na ba?"

"Hindi pa. Nag gagala siguro iyon. Pabayaan mo muna!" Ani Lake. Ito kasi ang pinaka close kay Autumn sa tatlo.

"Maiba lang, Sunshine. Anong ginagawa niyo dito?" tanong naman ni Sanz na mukha nang seryoso ngayon.

"Nabalitaan kasi namin na andito yung team para mag celebrate. Syempre dahil kami ang official fans club, kailangan present kami!" She answered for her members na mukhang hindi pa nakaka get over sa presensya ng tatlo.

Nakaka laglag panga naman kasi ang itsura ng tatlo at aminado silang lahat doon. Bless the Dela Cruz genes!

Hindi talaga boy deprived si Summer dahil simula palang ng high school ay kasama na niya ang tatlo habang si Autumn naman ay nung elementary pa! Sanay na siya sa presensya ng gwapo but she can't help but fangirl everytime. The fangirl in her has a strong spirit.

"Ah," Sanz said, understanding her answer. "You're here for Leon!"

"Para sa buong team, hindi lang sa kanya pero dahil talaga sa kanya ang pag punta ko dito" Halakhak ni Summer.

"Nasa VIP area sila!" Ani Atlas. "Doon rin ang punta namin, sama kayo?"

Mukhang nag bunyi naman ang mga babae sa aya ni Atlas dahil sa mga impit na tiling narinig ni Summer.

Tumango na rin siya at ngumiti.

"Kung su-swertihin ka nga naman talaga!" Kinurot ni Mirrel ang braso ni Summer at bumulong bago sumunod sa tatlo.

Nalaglag ang panga si Summer nang makarating sila sa VIP Area. Puno ito ng mga lalaki! May mga babae ring parang mga koala na naka palupot sa braso ng mga ito. Pamilyar ang ilang mga mukha sa kanya dahil sikat ang mga ito sa larangan ng sports.

"Wow..." hindi na niya maiwasang hindi sabihin ang katagang iyon.

The scene is really jaw dropping.

Halos matanggal naman ang kanyang balat sa pag kurot ni Mirrel kaya napa ngiwi siya sa sakit.

"Masakit Mirrel! Yung balat ko na nga lang yung maipagmamalaki ko sisirain mo pa!"

Hindi naman siya pinansin nito. They all scanned the room again, this time hinanap na niya yung ipinunta niya sa party'ng ito.

Namataan niya si Reigan del Fierro na kainuman ang iilang kaibigan. Si Calixx Salvador naman ay may kausap na babae na mukhang taga volleyball team. Nakita rin niya si Rixon Santos na katawanan ang dalawang Parker at si Logan Dimaano. May iilan pang kasama ang mga ito ngunit hindi na niya kilala.

Her eyes finally landed on Leon. Kasama ito nila Rixon.

Summer couldn't help but smile because of his reserved appearance dahil naka tayo lang ito sa harap ng isang high table at may alak na hawak but then naglaho rin ang kanyang ngiti nang lumapit dito si Calliope Santos.

Leon huggged her from the side at ginulo pa niya ang buhok nito. Summer's jaw dropped dahil hindi pa doon nagtapos ang eksena ng dalawa.

Ngayon lang niya nasilayan ang ganong klaseng ngiti sa labi ni Leon habang pinapakinggan nitong magsalita si Calliope.

"OMG girl!" Hindi makapaniwalang saad ni Mirrel. "Condolence!"

"Condolence agad, Mirrel?" Halakhak ni Dancel. "Malay natin friends lang sila."

"Oh no! Si Calliope Santos yun diba?" Ani Annica sabay turo sa kinaroroonan ng dalawa na ngayon ay nagtatawanan na.

"Taga SAU siya Summer! Part pa siya ng pub, sabi sa'kin ni Gina kinover daw nila yung first game. After non nakita niya daw na magkasama silang tatlo sa Hemlock's!"

"Tatlo?"

"Siya, si Leon, at Logan"

"So they're pretty close?"

"Mukhang hindi lang sila close!" Ani Dancel. "I heard maraming may gusto sa kanya, maganda kasi eh. Best friend pa niya si Chloe De Vera"

"Yung Fashion Designer?" Nanlaki ang mata ni Kristine.

"The one and only! Kung elite si Autumn, Summer. Mas elite sila! Eh si Autumn high class na yun ha!"

"DELA CRUZ!" Tili ng isang babae kaya maraming napatingin sa entrance kung saan sila nakatayo kasama ng tatlo.

"Tara Sunshine! Dun tayo!" Aya ni Atlas at tinuro ang pwesto nila Leon kasama sina Rixon. Andon parin si Calliope Santos ngunit ang kausap na nito ngayon ay si Logan Dimaano.

Hindi sana papayag si Summer ngunit nahila na siya ni Atlas.

Napalunok siya nang tumingin ang mga ito sa pagdating nila.

"Girls!" Ani Vince. Hindi napansin ni Summer na narito pala ito. Medyo lumuwag naman ang kanyang loob nang makita si Vince.

"Upo kayo!" Sabi ng isang lalaki na di niya kilala. Nasiupuan naman ang ibang babae habag nanatili namang nakatayo si Summer dahil hawak parin ni Atlas ang kanyang kamay.

Dumako ang tingin niya kay Leon na andon parin sa table sa gilid. Nagulat siya nang makitang naka tingin na pala ito sa kanya ngunit umiwas rin agad.

"You're the girl from Coffee Ave. right?" Masayang tanong ni Calliope Santos.

Mabagal namang tumango si Summer. She felt like an outcast sa scene na ito samantalang ilang beses na niya itong nagawa.

"Guys, sila yung members ng pack namin." Pakilala ni Vince sabay turo sa mga babae na mukhang nahihiya. "Mirrel, Annica, Kristine, Dancel and syempre si Summer!" Kumindat pa si Vince nang sinabi ang pangalan ni Summer.

Sanz offered her a drink ngunit tumanggi siya. Hinila naman siya ni Atlas sa leather couch na malapit sa high table kung saan naroon si Leon.

"Ayaw mo talaga uminom?" Tanong ni Lake, offering her a drink again.

Mukhang na e-entertain naman ni Vince at ibang member ng basketball team ang kanilang fans dahil nagsipuntahan na ito sa kinauupuan nila Mirrel.

"Gusto mo bang masapak ni Autumn ng wala sa oras?" Halakhak ni Atlas at sumalampak sa tabi ni Summer.

Inilapag naman ni Sanz ang isang mamahaling alak sa kanilang harapan before smirking at Summer. "I'll just leave this here..."

"Gago ka talaga!" Halakhak ni Atlas sa kapatid.

"Don't tempt her." Matigas na sabi ni Leon bago uminom ng alak.

"Leon!" Tawa ni Lake. "Congrats pre!"

Tumango lang si Leon sa sinabi nito at ngumisi. Umawang naman ang bibig ni Summer dahil sa sinabi ni Leon?

Don't tempt her? Ako ba ang tinutukoy niya?! Ibig sabihin ayaw niya akong uminom?

"Thanks for the name," ngisi naman ni Rixon Santos na biglang nag materialize sa harap nila. Tinanggal naman ni Summer ang mata kay Leon at tinignan si Rixon.

"What name?" Tanong agad ni Lake.

Ngumisi lang si Rixon at sinalinan ang sarili ng alak na inilapag ni Sanz.

Summer shrunk in her seat. Iba't ibang usapan na ang lumitaw sa ere. Looks like the other girls are having fun.

Pinaggigitnaan naman siya ni Lake at Atlas habang si Sanz ay nakikipag sayawan na sa dance floor.

Napatalon si Summer nang may biglang humalik sa pisngi ni Lake.

Natawa naman siya nang makitang si Autumn iyon.

"Babe!" Hindi na tumayo si Lake dahil umupo na si Autumn sa hita nito.

Mukhang naagaw naman ni Autumn ang atensyon ng iba sa kanyang pag dating.

"The effect you have on people," puna ni Lake kay Autumn, napasin rin ito.

Hindi iyon pinansin ni Autumn instead tumingin ito kay Summer. "Did you drink?"

"No Ma'am. I've been a good girl while you were gone."

Tumango naman si Autumn at humilig sa dibdib ni Lake. "Missed you stupid head..."

Napa pikit pa ito. Mukhang naka inom na ang kanyang best friend. Good thing she knows how to drive. Makakauwi parin sila.

"You've been here for what? Thirty minutes? And you're already drunk?" Natatawang sabi ni Atlas kay Autumn.

"Oh shush!" Ngumuso si Autumn na naka pikit parin.

Pansin ni Summer kung gaano kabagay si Autumn sa scene na ito. Nadadala lang talaga siya sa pagka elite ni Autumn. Kung sino sino na kasi ang nakakakilala dito palagi naman silang magkasama kaya nakilala rin siya.

Hindi naman siya panget. She looks average, kahit na ganon may nakakapansin parin naman sa kanya.

"Autumn Cahello?"

Lumipad ang tingin ni Summer kay Jace Parker na ngayon ay naka kunot ang noo habang naka tingin kay Autumn at Lake.

Bigla namang dumilat si Autumn at hinila si Summer patayo.

"Autumn Cahello..." Ani naman ni Rixon na ngayon ay naka tabi na kay Jace.

"Tara na Summer, uwi na tayo. May quiz pa tayo sa Bio bukas!"

Mabilis namang pinakawalan ni Lake si Autumn kaya nahila agad siya nito. Hindi naman naka piglas si Summer kaya tanging kaway nalang ang naibigay niya kila Mirrel.

Lake mouthed 'Call me!' kaya tumango si Summer.

"How the hell did that stupid head know my name?" Naguguluhang sabi ni Autumn nang makarating sila sa parking lot.

Alam ni Summer na tinakasan nito si Jace at Rixon dahil Tuesday pa ang schedule ng bio nila. Monday palang bukas. And it looks like the alcohol's out of her system.

"Sino don? Si Jace o si Rixon?"

Summer felr guilty on Rixon's part. Siya kasi ang nagsabi sa pangalan ni Autumn.

"Si Rixon," Autumn stressed at binuksan ang pinto ng sasakyan para kay Summer. "I can't believe he remembers me..."

"Hindi kita maintindihan..." Ani Summer. "Oh and Autumn, you're really not that invisible..."

"God dammit!" Hinampas pa nito ang manibela sa inis.

Kumunot ang noo niya sa mga sinasabi ni Autumn, nagmumura na kasi ito.

She was about to ask what's wrong nang bigla niyang nakita si Vaughn na kumakaway sa sasakyan ni Autumn. Dahil hindi naman ito tinted, nakita rin siguro nito na naroon si Summer.

Itinaas ni Vaughn ang isang pulang t-shirt at sinenyasan si Summer na lumabas.

"Wait lang Autumn!" Excited niyang sabi at lumabas ng sasakyan. Sinalubong naman niya ng high five si Vaughn at yakap.

"Hulog ka ng langit Vaughn!"

Masayang tinignan ni Summer ang offcial pack shirt na may pirma ni Leon.

"Akala ko hindi na mababalik sa'kin 'to!"

"Pwede bang hindi?" Kindat ni Vaughn. "Pasalamat ka at maganda ang mood ni Leon at pinirmahan niya yan!"

"Thank you talaga sa inyo ni Dancel!"

Niyakap niya ang t-shirt na tumambay na sa locker ni Leon. She really can't believe her shirt was luckier than her.

Continue Reading

You'll Also Like

852K 40.6K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
334K 13K 95
[COMPLETED] Reminiscence: From Me To You Tell me a story. Tell me your story. On how you became distant from the people you loved, On how you becam...
3.5M 49.5K 72
Published Under Pop Fiction | Paperback available for PHP195 in bookstores nationwide. (Completed // UNEDITED) Si Jake Flynn ay isa sa pinakatanyag n...
18.7K 626 104
[COMPLETED] Zeia Franchesca is having a hard time moving on with her ex, but with the help of her friends, she eventually moves on. Until she met Gab...