Chapter 49
Daniel's Point Of View
Matapos ipakilala sa akin ni Papa si err Hanie ay bumalik na din ako kaagad sa table ko. Naiilang ako kasi panay ang ngiti niya sa akin. Pero parang friendly lang talaga siya kaya ganun.
"Sir, sino 'yung chickababes sa office ni Sir?" usisa sa akin ni Seth.
Hindi pa nga nila alam na aalis na ako. Nitong mga nakaraang araw pa naman ay panay ang plano nila sa pag-babaksayon namin dapat sa Dakak. Hindi ko magawang makisali.
"Makaka-trabaho ko sa Italy." simpleng sagot ako.
Nakita ko ang pag-kunot ng noo niya.
"Italy? Ikaw ang ipapadala ni Sir?" tanong pa niya.
Nagkibitbalikat ako bilang sagot.
"Ayy. Kaya naman pala hindi sumasali sa plano aalis ka na. Matagal 'yun brad ah, pa'no 'yung mag-ina mo?" napaka daldal talaga nito.
"Alam mo ikaw, bumalik ka na lang muna sa trabaho. Magku-kwento ako mamayang hapon kapag uwian na." sagot ko sa kanya. Wala naman siyang nagawa dahil Boss niya pa din ako.
Itinuloy ko na ang pagta-trabaho nang may dumating at tumayo sa harap ko. Si Stephanie.
"Ahm. May kailangan ka?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Can I get your number para ma-contact kita. I mean tungkol sa trabaho." tumango ako bilang sagot. Hinila ko ang drawer ko para kumuha ng calling card.
"Salamat. I'll text you na lang." sabi niya saka tuluyang umalis.
Hooh.
"Ayos din pala 'yang magiging kasama mo. Siya pa talaga ang kumuha ng number mo." natatawang sabi ni Seth. Napatawa na lang din ako.
---
Ang daming ipinagawa sa akin ni Papa ngayon. Puspusan ang paghahandang ginagawa namin para sa pag-alis ko. Ang regular na uwi ko ay 4 p.m ngayon ay nago-over time pa ako ng dalawang oras.
"Sige na. Umuwi ka na't magpahinga." sabi sa akin ni Papa.
Sa pagod ko ay nag-mano na lamang ako saka umalis na din. Palagi na lamang akong pagod. Halos nawawalan na ako ng time sa mag-ina ko. Sana naman ay maka-bond ko sila ng ayos bago ako tuluyang umalis.
"Daddy!!" magiliw na salubong sa akin ni Jordan. Ibinaba ko ang case ko at binuhat siya.
"Hello. Kamusta? Pinahirapan mo na naman ba ang Mommy?" tanong ko sa kanya habang hinahalikan sa pisngi.
Lumabas naman si Kath galing kusina.
Lumapit siya sa aoin at hinalikan ako sa pisngi. Hindi aiya usually na ganito. Sinusulit lang daw niya habang hindi pa ako umaalis. Hehehe.
"Mag-palit ka muna ng damit para maka-kain na tayo. Mag-hahain na ako." kinuha niya si Baby at ako naman ay dumiretso sa kwarto para mag-palit ng damit.
Pagbaba ko sa kusina ay naka-handa na ang hapunan. Pagka-upo ko ay tumunog ang telepono ko.
From: +639876543210
Hi! This is Hanie. I-save mo number ko ha?
Isinave ko na number niya saka nag-reply.
To: Stephanie
Ahh. Sure.
Ibinaba ko na ang telepono at nag-simula na sa pagkain.
"Kailan pala ang luwas mo kila Tita?" tanong ni Kath.
"Baka sa Sunday. Gusto mong sumama?" umiling siya.
"Hindi na muna siguro. Walang kasama si Baby." sasagot na sana ako sa kanya nang tumunog na naman ang telepono ko.
From: Stephanie
Thanks!
Napa-buntong hininga ako saka siya ni-replyan.
To: Stephanie
No problem, Stephanie.
Ibaba ko pa lang ang telepono ko pero tumunog na naman.
From: Stephanie
Ano ka ba? Hanie na nga lang. Masyadong mahaba ang Stephanie eh.
To: Stephanie
Ahh. Ok, sige.
Kathryn's Point Of View
Nakatingin lang ako kay Daniel habang nagre-reply si Daniel. Hanggang dito ba naman sa hapag dala-dala niya ang trabaho niya? Hindi ba pwedeng itigil niya muna.
Napa-iling na lang ako saka dinala sa sink ang plato ko. Tapos na ako pero siya halos wala pa sa kalahati. Napatingin naman siya sa akin.
"Hala. Sorry, sige na. Magpahinga ka muna, ako na lang ang mag-huhugas ng pinagkainan." umiling ako.
"Ako na, hintayin ko na lang kita." hindi na siya sumagot at kumain na ulit.
Hindi pa siya nakaka dalawang subo ay tumunog na naman ang telepono niya. Agad siyang tumayo at lumayo ng konti at sinagot ang tawag.
"Hello, Honey." napa-titig ako kay Daniel na nakatalikod sa hindi kalayuan.
Honey?
"Ah. Yeah, I'm with my wife. Ok. See you tomorrow."
Bumalik na siya sa pagkaka-upo at tinapos ang pag-kain.
"Sino 'yun." tanong ko.
"Si Stephanie." sagot niya.
"Stephanie naman pala eh. Bakit kailangan 'honey' pa ang tawag mo?" inis kong tanong sa kanya.
Napa-tawa naman siya sa naging reaksyon ko. Uminom muna siya ng tubig saka tumayo at pumunta sa likod ko.
"Kath, hindi po 'yun Honey na H-o-n-e-y. Hanie as in H-a-n-i-e. Selos naman agad eh." sabi niya at hinalikan ang ulo ko.
Dinala niya ang pinagkainan niya sa lababo.
"Sigurado ka ha? Mag-loko ka lang talaga Daniel John." banta ko sa kanya.
Nagsimula na siya sa paghuhugas ng pinagkainan.
"Hindi nga po. Ikaw nga lang diba?" sabi niya.
"Hmp! Diyan ka na nga. Papatulugin ko na si Baby. Sunod ka na lang." kinuha ko na si Jordan sa high chair niya.
Hindi na gaano malikot 'to kasi antok na. Bibigyan ko lang siya ng gatas makakatulog na din.
Feeling ko ako si Praningning 'nung marinig ko 'yung babaeng kausap ni Daniel kanina. Nakaka-paranoid! Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nalaman kong may babaeng humahabol kay Daniel.
Matapos kong ipagtimpla ng gatas si Baby ay tumabi na ako sa kanya sa kama. Ipinatong ko ang ulo ko sa bisig ko at tumagilid. Mamaya ko na lang siya ililipat sa crib kapag nakatulog na. Pumasok si Daniel at tinabihan ako. Pumwesto siya sa likod ko at niyakap ako.
"Dito ka na matulog." bulong niya sa akin.
Umiling ako bilang sagot.
"Sa gitna naman si Baby eh. Sige na." sabi niya pa.
Umiling lang ulit.
"Bakit? Nag-tatampo ka? Humarap ka nga kinakausap kita eh." sabi niya. Pumihit ako paharap sa kanya. Magakaharap ang mga muka namin ngayon. "Sagot."
Hindi pa din ako nag-sasalita.
"Hoy. Ano ba? Hahalikan talaga kita kapag hindi ka pa sumagot." pangungulit niya.
"Nakaka-inis ka na! Ano ba?" inis kong sabi sa kanya.
"Oh! Galit na. Bakit ka nagagalit? Tungkol ba kay Stephanie?" mahinahon niyang sabi.
Hindi ko din alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba. Para kasing may hindi sinasabi si Daniel sa akin eh.
"Sino ba kasi 'yang Stephanie? Hindi ko naman siya nakilala dati ah." tanong ko.
Napa-buntong hininga lang siya.
"Bago lang siya. Sa katunayan ngayong araw lang siya pinakilala sa akin ni Papa." sagot niya.
"Bakit nasa kanya agad ang number mo?" usisa ko pa.
Napa-iwas siya ng tingin na para bang nagdadalawang isip kung sasabihin niya sa akin o hindi.
"Kasi kailangan sa trabaho. Tapos siya din 'yung makakatrabaho ko sa Italy." mahinang sagot niya pero naintindihan ko naman.
Sasagot na sana ako pero tumatak sa akin ang sinabi niya.
Makaka-trabaho sila?
"Bakit siya?" malungkot kong sabi.
May tiwala naman ako kay Daniel pero sa Stephanie na 'yan ay parang wala. Hindi ako nakaka-ramdam ng good vibes ngayon pang nalaman ko na babae ang makakasama niya.
Sinuklay-suklay niya ang buhok ko.
"Mahal, tiwala lang. Kakayanin natin 'to. Wala lang siya sa akin." siguro naramdaman niyang hindi ako komportable sa makakasama niya.
Sabi nga ni Yna umiikot ang mundo. Malay ba natin pagkalipas ng ilang taon na magkasama sila ay magka-developan. Hindi naman imposible.
Aaminin ko, threatened ako. Simula kasi 'nung naging kami parang naging territorial ako kay Daniel. Hindi naman ganito dati eh.
"Ang tahimik mo na. Nagseselos ka ba? Sabihin mo naman para magkaintindihan tayo." sabi niya.
Bumuntong hininga ako.
"Naiinis ako. Lalo na't babae pa ang makakasama mo. Syempre araw-araw mo siyang makakasama, malay ko ba kung ma-develope ka 'dun. Argh! Bakit kasi aalis ka pa." inis kong sabi sa kanya.
Nakita ko naman ang lungkot mata niya. Shet naman oh. Nakaka-guilty tuloy.
"Wala ka ba talagang tiwala sa akin?" seryosong tanong niya.
"Hindi naman sa wala. Pero diba? Hindi naman imposible." mahinahon ko nang sabi. Baka kapag tinaasan ko pa ang boses ko ay pagawayan pa namin.
"Para kasing wala. Sinabi ko sa'yong ikaw lang. Hindi pa ba sapat 'yun sa'yo? Hindi ka ba naniniwala sa akin? Akala ko ok na." tumayo siya at iniwan ako.
Napa-kagat ako ng labi sa nangyari. Kanina ok lang kami tapos ngayon nagkatampuhan na naman. Inilagay ko muna si Jordan sa crib saka ako lumabas para sundan siya.
Nakita ko siyang nakatayo sa may verada. Tahimik akong naglakad papalapit sa kanya. Niyakap ko siya mula sa likod at sinubsob ang ulo ko.
"Sorry na."
Hindi siya umimik. Lola akong naiiyak. Naninibago ata ako na pumasok sa isang relasyon kaya ako nagkaka-ganito.
"DJ, sorry na." pag-uulit ko.
Tinanggal niya ang pagkakayapos ng bisig ko sa kanya at hinarap ako.
"Sorry na. Napa-paranoid kasi ako. Sorry, hindi na mauulit." paiyak kong sabi sa kanya.
"Oh oh, iiyak na naman! Alam ko naman na naninibago ka lang. Dapat inintindi din muna kita." hinalikan niya ang noo ko saka ako niyakap.
"I love you and I trust you." sabi ko sa kanya.
"I love you too. Thank you for giving me your trust."
---
O.o May report pa ako. Siningit ko lang 'to. ^^✌
VOTES, COMMENTS and being a FAN is highly appreciated.
❤Alyssaxx
©2015