HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

236M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 217

2.3M 55.3K 131K
By maxinejiji

CHAPTER 217

DEIN'S POV

"YOBOSEYO?" kabadong sinagot ni President Moon ang tawag sa kaniyang telepono.

Lahat kaming natira ay nasa mansyon nila. Ipinasundo kami mismo ni Maze para manatili sa iisang lugar. Wala ni isa samin ang nagdalawang-isip at sa halip ay agad na sumunod sa kaniya. Bagaman sama-sama, walang gumagawa ng ingay maski isa sa amin. Tahimik kaming nagharap-harap at pare-parehong nalunod sa malalim na pag-iisip.

Napahawak si mommy sa kamay ko, humawak din ako sa kaniya. Nararamdaman namin ang panginginig at takot ng isa't isa. Ang pananahimik ni Maze habang nakikinig sa kabilang linya ay dumaragdag sa takot namin. Takot na baka hindi namin magustuhan ang ibabalita ng tumawag.

"What is it?" kalmadong tanong ni More ngunit walang natanggap na sagot mula sa kaniyang asawa.

Napatitig ang lahat kay Maze, hinihintay na magsalita siya habang nakikinig pa rin sa kabilang linya. Nasaksihan naming lahat nang kumibot-kibot ang kaniyang labi. Titig na titig siya sa kung saan, deretso lang. Mababasa ang gulat sa kaniyang mga mata. Ngunit ang gulat niya ay hindi nagtagal, agad na napalitan ng galit.

Ang lahat ay kinabahan nang biglang mapatayo si President Moon. Ang isang kamay niya ay biglang kumuyom, habang ang isa na siyang may hawak ng telepono ay nagsimula nang manginig. Nanginig ang labi niya hanggang sa magtiim ang panga, at nagsimulang mangilid ang kaniyang luha sa kabila ng galit niyang mga mata.

Napatayo si More at atat na tinitigan ang asawa. Nahinto lang siya nang ibaba ni Maze ang linya at deretso ring tumingin sa kaniya. Hindi agad nagbitiw ng salita si Maze. Ilang beses pa siyang huminga nang malalim upang mapigilan ang nagbabadyang pagbagsak ng kaniyang mga luha.

"Malhe," bagaman mahina ay dinig naming ani More.

Tumitig si Maze sa mga mata ng asawa. Lalong nangilid ang mga luha sa kaniyang mga mata pero naro'n ang pagpipigil. Paulit-ulit siyang lumunok, nagtaas pa ng noo bago umayos ng tindig. Hindi na yata mawawala kay Maze ang elegante niyang kilos. Sa gano'ng paraan niya marahil pinalalakas ang loob.

"Hwejang-nimeun..." Iyon pa lang ang nasasabi ni Maze ay nahawakan na siya ni More sa magkabilang braso. Dahilan para hindi kayanin ni Maze ang gustong sabihin. Bigla na lang siyang napayakap sa asawa at nagsimulang umiyak.

Ano ang nangyari sa Chairman? God, please help us.

"Where are they?" mahinang tanong ni More pero mararamdaman doon ang gigil.

"Kararating lang nila sa BIS Hospital," ani Maze habang tahimik na umiiyak. Nakita ko ang paghigpit ng hawak ni More sa asawa.

Napalingon ako kay mommy, hindi ko naitago ang matinding pag-aalala ko. Gustong-gusto kong magtanong tungkol sa anak ko pero hindi sapat ang lakas ng aking loob. Nahihiya ako at natatakot. Hindi ko na kailangang kumpirmahin pa, mukhang may nangyaring hindi maganda. Wala akong nagawa kundi ang lumuha.

Walang sandaling sinayang sina Maze at More, agad nila kaming pinakilos. Sa daan papunta kung saan naro'n daw ang mga kasamahan namin ay nangibabaw ang nakabibinging katahimikan. Gamit ang limousine ay isinabay kami ng Moon. Hindi ko mapangalanan ang pakiramdam. Parang gusto kong himatayin kahit wala pa akong nalalaman. Tahimik lang ang lahat at nakatingin sa kung saan-saan. May kani-kaniyang mundo.

Wala pang beinte minutos ay narating namin ang BISH. Sa puso ko ay iyon na ang pinakamatagal na sandaling ibinyahe ko. Doon lang yata uli nakakilos ang lahat, nagsipaglingunan kami sa paligid.

Pinangingilidan na agad ako ng luha. Ang nagtatanong na paningin ko ay na kay President Moon, hinihintay kong sumagot siya pero nakatingala lang siya sa ospital. Muli akong napahawak kay mommy. Natatakot ako sa posibleng dahilan kung bakit dito na kami dumeretso.

Tapos na...may nangyari na. Ano ang nangyari? Bakit dito kami pumunta? Nasa'n ang anak ko? Kumusta ang asawa at kapatid ko? Paano ang iba pa? Diyos ko, sana ay ligtas silang lahat.

Gustong-gusto kong isigaw ang laman ng aking isip pero naiintindihan ko pa rin ang sitwasyon kahit na papaano. Umiiyak ang kalooban ko, naghihinagpis ang kaluluwa ko. Pakiramdam ko ay bibiglain na lang nila ako dahil hindi rin nila masabi kung ano ang nangyari.

Napatingin ako sa driver nang hindi pa rin ito humihinto. Doon ko nabatid na naghahanap ito ng mapaparadahan dahil masyadong mahaba ang sasakyan. Hindi na ako nakapaghintay pa, nagmadali na akong bumaba. Dumeretso agad ako sa E.R. upang doon ay muli lang matigilan.

"Randall!" sigaw ko nang mamataan ko agad ito. Hindi ako nahirapan dahil nasa bungad lang siya.

Nagawa niya akong harapin pero agad dumako sa kama ang paningin ko. Doon ay nakita ko sina Rhumzell at RD na nasa magkatabing kama. Parehong marungis at walang malay. Agad na kumabog ang puso ko, pakiramdam ko ay pinipiga ito. Kusang tumulo ang mga luha ko kasabay nang panginginig nga mga kalamnan ko. Napakasakit para sa 'kin na makita ang mga bata, lalo na ang anak ko sa gano'ng sitwasyon.

Hinarap ko si Randall at wala sa sariling pinaghahampas sa dibdib. "Ano ang nangyari? Ano ang nangyari sa kanila! Ano ang ginawa nila sa anak ko? Mga hayop sila! Bakit hindi mo agad sinabi, Randall!" sigaw ko. "Anong nangyari sa anak ko, Randall! Anong ginawa nila sa anak ko!" paghuhurumintado ko.

Tinanggap lang ni Randall ang galit ko hanggang sa ako na ang kusang huminto. "Hon, please, calm down," luhaang aniya. "They're fine now."

Natigilan ako ngunit hindi ang mga luha ko. Nilingon ko ang dalawang bata saka ako napatingin sa doktor sa tabi at tumitingin sa kanila. Nakangiti na ito at sandaling tinatapos ang ginagawa para lumapit sa 'kin.

"Salamat sa basic life support, naisalba agad ang buhay ng mga bata." Napapabuntong-hininga iyong sinabi ng doktor. "Ngunit ikinalulungkot ko ang tungkol sa mga kasama mo, Mr. Echavez. Excuse me. I have more patients to attend to."

Gulat kong nasundan ng tingin ang doktor at saka ako natitigilang napalingon kay Randall. Bahagya nang nakayuko ang ulo niya at hindi mahinto ang mga luha. Doon ko lang tuluyang natitigan ang kaniyang kabuuan at gusto ko agad magsisi dahil nadagdagan ko ang sakit ng katawan niya. Wala na halos paglagyan ang galos at pasa sa nakalantad na niyang balat. Gula-gulanit ang damit at halatang nanggaling sa hindi kanais-nais na sitwasyon. Kung hindi ko lang siya asawa ay pwede siyang mapagkamalang taong-grasa.

"Randall," nahawakan ko ang braso niya saka muling pinagmasdan ang kabuuan niya. "Honey... Honey, I'm sorry."

Pero ipinagtataka ko ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng luha niya. Kunot-noo ko siyang tinitigan, humihikbi siya at maya't maya ang pagpupunas ng luha at sipon na panay ang pagtulo sa kaniyang mukha. Sunod-sunod ang matunog na paghikbi niya at talagang umaangat ang mga balikat niya, pinahihirapan siyang magsalita. Noon ko lang ulit nakita si Randall na ganoon kaemosyonal at nasasaktan.

Siguro ay nag-alala siya nang todo para sa dalawang bata. Bakit ba hindi ko naisip 'yon? Dapat ay maging thankful pa ako dahil safe ang anak ko at kapatid niya.

"Honey, I'm sorry," yumakap ako sa kaniya.

Nang sandali ring iyon ay pumasok sina Maze at More, kasabay ng parents naming pareho ni Randall. Napalingon ako kay President Maze, sa unang pagkakataon ay nakita ko silang naghawak ng kamay ni More.

Lumapit agad sila sa 'min ni Randall. "Where is Chairman Moon?"

Luhaang tumingin si Randall kay More. Lalong tumindi ang pag-iyak at paghikbi niya, naging mas matunog, ibinabalik ako sa sandali kung saan ko siya unang nakita sa gano'ng sitwasyon. Nang mamatay ang daddy niya. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n na lang ang pagtindi ng pag-iyak niya. At huli na nang maisip ko ang lagay nila.

Humikbi nang humikbi si Randall at walang sali-salitang nilingon ang huling hospital bed. Sabay-sabay naming nilingon ang gawing iyon at parang mga wala sa sariling nag-unahan papalapit.

Palibhasa'y may curtain sa pagitan ang mga kama, noon ko lang nakita sina Deib, Maxwell, Heurt, Mokz, Maxrill at Maxpein na nasa magkakasunod na kama. At ganoon pa ang gulat ko nang makita ko ang tinutukoy nilang si Lovemir sa sumunod na kama pa!

"What is he doing here?" galit kong singhal kay Randall, iyong kaming dalawa lang ang makaririnig. "He should be in jail, Randall!"

"Listen, honey. Please. 'Wag muna ngayon. Okay? We will talk later. I will tell you everything," umiiyak na sabi niya. Hinaplos niya ang pisngi ko habang ang mga daliri niya ay bahagyang nakapaloob sa aking buhok saka niya ako hinalikan sa noo.

Naguguluhan akong umiling. "What do you mean not now?"

Pero hindi ko na nagawang usisain pa siya nang umalingawngaw ang emosyonal na paghagulgol ni Maze. Kusang tumulo ang mga luha ko matapos marinig ang pag-iyak niya. Na para bang nakakahawa ang kaniyang pag-iyak. Iyon 'yong iyak na para bang umuungol nang sobrang lakas, pinatatahimik at pinaiiyak ang lahat nang nakaririnig at nakakakita.

Nagmadali akong pumunta sa kabila pang kama at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang Chairman--o kung si Chairman Moon nga ba iyon! Agad akong napaatras sa gulat.

"Oh, my God!" natakpan ko ang sarili kong bibig.

Gulat na gulat ako at hindi makapaniwala sa aking nakikita. Paulit-ulit kong pinunasan ang mga luha ko at saka muling tinitigan ang katawang nakahiga sa huling kama. Hindi ko na halos makilala dahil parang nalusaw ang kalahating bahagi ng katawan niya, mula ulo hanggang paa, bukod sa nangingitim pa. Ang pinakamatinding naapektuhan ay ang parte ng mukha. Hindi lang iyon dahil wala na sa ayos ang ibang parte ng katawan niya. Bali ang kaliwang hita at hindi na maayos ang pagkakakabit ng kanang braso sa balikat.

Parang nauupos na napaupo si More habang ang kamay ay nakahawak sa paa ng kaniyang ama, at doon ay lumuha nang lumuha. Matunog at punong-puno ng damdamin. Lalo pa akong nahawa. Gaya nila ay napahagulgol na lang din ako nang hindi ko namamalayan.

Napatalikod si mommy at umiiyak na yumakap kay daddy. Si Tita Dayzelle din ay umiyak nang umiyak sa tabi ng kaniyang ama. Habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nakikita at nang hindi ko na makayanang panoorin ang pagsasalba ng mga doktor kay Chairman Moon ay napayapos na lang din ako kay Randall.

"Hindi ko alam na nando'n din siya," humihikbing ani Randall. Napahigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya. "Hindi ko alam. I'm so sorry. Kung nalaman ko lang sana nang maaga..." Lalong napahagulgol ang lahat sa sinabi niya.

Hindi ko na magawang panoorin nang matagal ang ginagawa ng limang doktor na nakapalibot kay Chairman Moon. Naririnig ko ang paulit-ulit nilang pagmamadali para mapatibok muli ang puso ng senyor. Lalo kong naramdaman ang mahigpit na pagpiga sa puso ko. Kalunos-lunos ang hitsura ng Chairman at sinuman sa 'min ay hindi siya matagalang tingnan.

"Maxpein," tinig ni Tita Dayzelle.

Sabay-sabay kaming napalingon sa likuran ko at 'ayun nga si Maxpein na kunot na kunot ang noo. Marungis, mas maraming galos at sugat kompara kay Randall, wala sa sarili at tila may hinahanap. Nagkumahog siyang tingnan ang nasa likod ng mga kurtina hanggang sa makarating sa dulo.

"Chairman!" sigaw niya, panay ang lingon. "Chairman!" dagdag niya na mabilis pinangilidan ng mga luha.

Sandali kaming tiningnan ni Maxpein bago nilingon sina Maze at More na noon ay wala pa ring hinto sa pag-iyak. Napanood ko kung gaano kabilis nabahiran ng hapis at panlulumo ang mukha niya. Hinawi niya ang kurtina at tiningnan ang kabuuan ng Chairman.

Napahawak siya sa siderails at doon dahan-dahang bumagsak sa kaniyang mga paa. "An...dwae," iiling-iling, luhaan at nagagalit na bulong niya saka isinigaw ang salitang iyon nang pagkalakas-lakas.

Agad na tumayo si More at pinigilan ang anak nang akma itong yayakap sa Chairman. Nagpumilit si Maxpein na maabot ang kaniyang lolo. Pero sa sandaling iyon ay mas malakas sa kaniya si More dahil nagawa nitong pigilan siya sa paglapit.

Natahimik ang buong Emergency Room, tanging ang paghagulgol namin ang maririnig. Palakas nang palakas at mararamdaman ang matinding sakit na pinagdaraanan. Pero hindi namin malaman kung ano ang gagawin para maibsan ang sakit na pinagdudusahan nila. Wala kaming magawa kundi ang umiyak, masaktan at malungkot na lang.

"Lets bring him upstairs," anunsyo ng isang doktor mayamaya, agad na natigilan ang lahat.

"How is he?" aligagang tanong ni Chairman Enrile.

"He's..." Napabuntong-hininga ang doktor. "He needs to be monitored. He needs our full medical attention." Saka siya tumingin sa lahat ng naro'n.

Tumayo si Maxpein at lumapit sa kaniya. "I am begging you," hirap na hirap na aniya habang lumuluha. "Please...do everything."

Lumuha ako nang lumuha. Noon ko lang nakita si Pein na magmakaawa sa taong kaharap niya. Ngayon ko lang nakita si Pein na wala maski lakas ng loob. Ang Pein na nakikita ko ngayon ay walang lakas, walang abilidad, walang kapangyarihan kundi normal lang. Normal na taong nasasaktan dahil sa sitwasyon ng mahal niya sa buhay.

Huminga nang malalim ang doktor at emosyonal na tumingin sa kaniya. "We will do our best. This is not going to be easy, Ms. Del Valle. 80% of the Chairman's body was badly burned." Tumango ito at tinapik ang balikat ni Maxpein. "Prepare the isolation room," utos nito sa nurse.

Nagmadaling kumilos ang mga tao, lahat ay ang Chairman ang inaasikaso. Noon lang may nagsipagdatingang mga doktor para asikasuhin at tingnan ang iba pa naming mga kasamahan. Si Pein ay nagmatigas, ayaw niyang mahiga sa kama. At matagal bago siya napapayag na pumirmi sa wheel chair para matingnan at mabigyan ng oxygen. Hindi ko man lang makitang may iniinda siyang pisikal na sakit. Kahit ang ilan sa mga sugat niya ay may tumutulong dugo pa. May mga sugat siyang kailangang linisan agad, kailangang magamot at may kailangang matahi. Pero anuman sa mga iyon ay binale-wala ni Pein. Dahil ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ay makikita sa bawat luhang pumapatak sa kaniyang mga mata.

DEIB LOHR'S POV

"MOMMY," tawag ko nang magising ako.

"Deib Lohr, anak!" umiiyak siyang lumapit sa 'kin kasunod sina daddy at Noona.

"Nasa'n si Taguro?" agad kong iginala ang paningin ko.

Hindi nila ako sinagot. Umiyak agad sina mommy at Noona. Habang si daddy ay nag-iwas ng tingin sa 'kin. Pinilit kong tumayo kahit nararamdaman ko pa rin ang hilo. Hindi iyon 'yong hilo na nararamdaman ko kapag may tama ako ng alak. Kakaiba ito. Maging ang sakit sa iba't ibang parte ng katawan ko ay kakaiba. Nakapanghihina nang sobra at hinihila ako papahiga.

Pero pinili kong bumangon. Gusto kong makompirma na maayos ang lagay ni Taguro. Gusto ko siyang makita at makausap. Gusto kong malaman kung ano na ang nangyari.

"Nasa'n si Taguro, mommy?" gilalas ko.

"Nasa 'taas sila," humihikbing sabi niya. "How are you feeling?"

"I need to see her, mom," giit ko.

Tumango siya. "Makikita mo rin siya."

"Kumusta siya?"

"She's...she's fine," nagpupunas siya ng luha pero patuloy na may pumatak sa kaniyang mga mata. "Ikaw na lang ang hinihintay naming magising."

"Gusto kong makita si Taguro, mommy," kunot-noong sabi ko.

Muli naman siyang tumango. "Kaya mo na bang tumayo?" nag-aalala at naluluha pa ring tanong niya.

Nag-aalinlangan ako pero tumango na rin ako. Nang subukan kong tumayo ay lalo akong nahilo at kung hindi ako nasalo ni daddy ay baka natumba na ako. Agad na tumakbo si Noona at kumuha ng wheel chair. Inalalayan nila ako ni mommy paupo ro'n at saka kinuha ang kung ano-anong nakakabit sa 'kin.

"Nasa'n si Taguro?" muling tanong ko.

"Nasa 'taas siya, pupunta tayo ro'n," ani Noona.

Nasapo ko ang aking noo habang nakaupo sa wheel chair. Para akong maduduwal na hindi ko maintindihan. Hindi maayos ang lagay ng katawan ko at kung ano-anong hindi maipaliwanag na sakit ang nararamdaman ko. Pero kahit na ano pa 'yon, ang gusto ko lang ay makita si Taguro. Hindi ako kontento sa narinig kong nasa maayos na lagay siya. Kailangan ko ng kompirmasyon. Kailangang ako mismo ang makakita. Dahil hindi na biro ang pangyayari kanina kung saan halos lahat kami ay nasa bingit ng kamatayan.

"Naka-confine na ang mga bata. Ang ate mo ang tumitingin sa kanila, palitan silang mag-asawa. Ngayon ay si Manang ang naro'n para bantayan sila," sabi ni mommy habang panay ang pagsinghot. Iba na ang tono ng boses niya, parang may sakit at nangongongo pa. "Sina Randall at Maxwell ay nagmamatigas. Matapos ipagamot ang ilang sugat ay hindi na natigil sa pagbabantay. Iginigiit ng mga doktor na patingnan ang mga buto nila pero wala, matitigas ang ulo. Si Maxrill ay binabantayan ng kaniyang mommy, hindi ganoon kalala ang tinamo niya pero kailangan pa rin siyang bantayan. Mahina pala ang baga ng isang iyon. Maging siya ay naka-confine din."

Kumuyom ang mga palad ko nang manuot sa alaala ko ang nangyari. Hindi ko alam kung may ideya na sila sa naganap. Pero kung ako ang tatanungin ay hindi pa ako handang balikan iyon. Hindi ko pa kayang balikan ang sandaling iyon kahit sa alaala o kwento lang.

Tahimik ang floor nang lumabas kami sa elevator. Abala ang mga nurse at doktor sa station. Tiningnan lang nila kami at hinayaang pumunta kung saan namin gusto.

Nang kumaliwa kami sa kanto papunta sa mga kwarto ay tumambad sa 'kin ang mga kasamahan namin. Nando'n ang lahat, mga nakaupo sa bench at nakayuko sa kani-kanilang mga tuhod. Namataan ko agad si Taguro na noon ay hindi ko na mapangalanan pa kung anong emosyon ang mababasa sa mukha.

Lumingon sa 'kin sina Lolo Dei Min at Chairman Enrile, mapait na ngumiti sa 'kin. Nakahinga marahil nang maayos kahit paano dahil nagising na ako. Sina Chairman Echavez at Tita Dayzelle naman ay sandali akong tinanguan saka bumalik sa pagyuko. Kamangha-manghang naro'n na sina Mokz, Heurt, at Maxwell. Pare-parehong nakatingin sa pinto sa kanilang harapan. Tama ang sinabi ni mommy, marami pang kailangang gamutin sa kanila pero 'eto sila at animong naghihintay sa milagro. Dahil sa sandaling iyon ay batid ko na kung sino ang nasa likod ng kwartong iyon, si Chairman Moon.

Pinahinto ko si Noona sa mismong harap ni Taguro. Hindi man lang siya natinag at sa halip ay nanatili sa kung ano ang hitsura niya bago pa man ako dumating. Nakaupo at wala sa sarili. Malalim ang iniisip at nakakaawa ang hitsura. Bago na ang damit na suot niya pero nagmukha pa ring marumi iyon dahil nagmamantsa ang dugo niya.

Nanlulumo akong napatitig sa kaniya. "Taguro..." tahimik kong tawag pero hindi siya natinag. "Babe..." Hinawakan ko ang kamay niya at doon siya nag-angat ng tingin.

Tumitig siya sa 'kin at nakita ko ang mabilis na pangingilid ng mga luha niya. Umiling siya nang umiling at naramdaman ko ang paghigpit ng pagkapit niya sa mga kamay ko. Hindi niya magawang gagapin nang husto ang kamay ko, nanghihina pa rin siya. Pero nang maramdaman ko ang panginginig at panghihina niya ay alam kong kailangan niya ng kasama.

Sinikap kong tumayo, bago pa man ako matumba ay lumuhod na ako sa harap niya upang yakapin siya. Sa bisig ko ay umiyak siya nang umiyak. Iyong iyak nang nasasaktan. Iyong iyak na walang kakayahang huminto.

Ilang saglit pa ay umiyak na rin ang iba pang naro'n. Ang pinakamalakas na hikbi ay ang kay Tita Dayzelle.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag...kapag nawala ang lolo ko, Deib," umiiyak na sabi ni Taguro, naiipit ang paghinga sa pagitan ng ilang salita. Naghihirap ang kalooban at walang magawa.

"Let's pray for him, babe. He will be fine," pagbibigay ko ng lakas ng loob. Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinabi ko pero iyon lang ang nakayanan ko. Nang sandali ring iyon ay gusto kong sisihin ang sarili ko sa pagiging inutil sa t'wing papasok sa ganoong klase ng sitwasyon at wala akong nagagawa. Wala akong nagagawa maski para sa sarili ko.

Ipinatong ni Taguro ang magkabilang siko sa tuhod at ipinatong sa mga kamao ang dalawang mata niya. Iyon ang ginamit na pampunas sa kaniyang mga luha. Pero gaya ng iba ay patuloy sa pagdaloy ang hindi maubos niyang luha. Humihikbi si Taguro sa pag-iyak. Pero siya na yata ang pinakamasakit panoorin na umiyak. Dahil iyong paraan niya nang pag-iyak ay tahimik pero inilalabas ang sakit.

"Sir! Sir! Kailangan niyo pong--Sir!" nangibabaw ang tinig ng isang babae mula sa kaliwa dahilan para mapalingon kaming lahat do'n.

Gano'n na lang katindi ang galit na namuo sa puso ko nang makita ko si Lovemir. Nakasandal ang kanang bahagi ng katawan sa pader at sa gano'ng paraan naglalakad. Ang kaliwang kamay niya ay may hawak na jacket at nakasabit sa kaliwa rin niyang balikat. Kahit gano'n ay hindi matatakpan ang duguan niyang damit. Mukhang naasikaso na rin siya dahil sa gasa sa iba't ibang parte ng mukha at braso niya.

"Sir! Hindi pa po kayo pwedeng umalis!" nag-aalalang pigil sa kaniya ng nurse.

Doon nag-angat ng tingin si Lovemir at eksaktong tumama sa amin. Nakita ko agad ang pamumutla ng mukha niya bago siya magbaba ng tingin. Yumuko siya sandali, nag-ipon ng lakas bago nagpatuloy sa gano'ng paraan ng paglalakad. Gamit ang pader bilang alalay.

Nagsipagtayuan sina Mokz at Heurt bago siya makalapit. Si Noona ay akma ring susugod kay Lovemir pero agad siyang pinigilan ni Randall. May isang dipa ang layo bago siya huminto at muling nag-angat ng tingin sa 'min mula sa pagkakayuko.

"Sir, hindi makabubuti sa inyo ang umalis. Bumalik na ho kayo sa kwarto. Darating pa ang doktor para tingnan kayo, Sir," nag-aalalang pakiusap ng nurse. Halatang natatakot at hindi malaman ang gagawin para mapabalik siya sa kwarto. "Sir, pakiusap. Bumalik na ho kayo. Baka kung mapaano pa kayo."

Lumunok si Lovemir na noon ay sobra talaga ang pamumutla. Parang kapag nawalan pa siya ng isang kutsaritang dugo ay ikamamatay niya na.

Dahan-dahan niyang nilingon ang nurse at saka napipilitang ngumiti. Pero hindi nagtagal ang ngiti sa kaniyang labi dahil agad siyang napapikit, biglang may inindang sakit.

"Sir, bumalik na ho kayo sa kwarto ninyo. Ako ang mapapagalitan nito," pakiusap ng nurse na hindi malaman kung hahawakan ba siya o ano. Kakamot-kamot sa ulo at panay ang lingon sa harap at likod. "Sir naman, bumalik na tayo ro'n sa kwarto ninyo."

Pero hindi siya pinansin ni Lovemir at sa halip ay muli siyang lumingon sa 'min. Na kay Taguro ang tingin. Matagal akong tumitig kay Lovemir bago ko nilingon si Taguro. Kung kanina ay hindi ko alam kung anong awa pa ang mararamdaman ko sa kaniya, ngayon ay blangko na naman ang kaniyang mukha.

"Umalis ka na dito," sabi ni Taguro, si Lovemir ang kausap. Nananatili siyang nakayuko paharap sa akin pero lumalampas ang kaniyang tingin. "Umalis ka na dito bago ka pa mapatay ng pamilya ko. Umalis ka na, bago pa ako makatayo dito, Lovemir Limaco."

Nakatitig si Lovemir kay Taguro nang lingunin ko. Bahagya siyang ngumisi saka umiling bago muling napapikit dahil sa nararamdamang sakit. Hindi siya nagsalita, hindi niya sinagot si Taguro. Hinawakan niya ang dibdib at inihawak ang kamay sa pader bago lumayo ro'n. Dahan-dahan niyang tinulungan ang sariling makapaglakad papalapit sa 'min saka huminto.

Napatingin ako kay Taguro, sumasama na naman ang tingin sa kaniyang mga mata. Habang ang lahat ay mga nakatingin kay Lovemir at bagaman hindi kumikilos ay mahahalatang galit din. Ako naman ay hindi matukoy kung ano ang mararamdaman ko. Pero isa ang nasisiguro ko, naaawa ako kay Lovemir kahit papaano.

Kahit nahihirapan ay sinikap ni Lovemir na tumango saka tinulungan ang sariling makapaglakad. Humabol pa rin ang nurse sa kaniya pero sa huli ay wala na ring nagawa. May iba pang humabol kay Lovemir pero kinausap ni Chairman Enrile ang mga ito at sinabing hayaan na lang.

Napatitig ako kay Taguro. Hindi ko mapangalan ang emosyon na nakikita ko sa kaniya. Masyadong marami at halo-halo. Sa isip ko ay napakarami ko ring gustong gawin para aluin siya pero hindi ko na alam kung papaano. Nangingibabaw sa 'kin ang hiya. Hindi ko mapigilang isipin na kami ng pamilya ko ang dahilan kung bakit humantong ang lahat sa ganito.

Lihim kong sinulyapan si Chairman Enrile. Nasa kabilang hilera na sila ng bench at gaya namin ay payapang nag-iisip. Magkahawak ang mga kamay niya kung saan naro'n din ang kaniyang paningin. Hindi ko makita sa kaniya ang Chairman Enrile na kinatatakutan ko noon. Inosente ang dating ng lolo ko ngayon.

Ano ang nangyari, Chairman Enrile? Paanong umabot sa ganito? Ano ba ang ginawa mo?

Ilang sandali pa kaming nanatili sa gano'ng sitwasyon. Mga tahimik at naglalayag ang isip. Nang bumukas ang pinto sa harapan namin ay lumabas ang tatlong doktor. Pamilyar ang mga doktor na 'yon sa 'kin at kung hindi ako nagkakamali ay myembro sila ng stockholders at mga tanyag na doktor sa bansa. Ngayon ko lang sila nakitang humawak ng pasyente, sa ilang beses kong nadala dito sa BISH. Ganoon talaga siguro katindi ang sitwasyon ng Chairman.

Awtomatikong nagsipagtayuan ang lahat at humarap sa kanila, nangunguna sina Maxwell at Taguro. Agad akong kinabahan nang makita ko ang kakaibang reaksyon sa mata ng mga doktor. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang marinig ang kung ano mang sasabihin nila.

"Dok, okay na ho ba 'yong lolo ko?" umaasang tanong ni Taguro.

Napabuntong-hininga ang doktor. "He's still unconscious and we don't know yet kung kailan siya magkakaroon ng malay."

"Pero magkakamalay pa ho siya, 'di ba?"

Nagkatinginan ang tatlong doktor, halatang hindi alam kung paano ipapaliwanag ang laman ng isip. "Nagawa naming agapan ang ilan sa mga importanteng parte ng sistema ni Chairman Moon," lakas-loob na nagsalita ang isa sa tatlong tatlong.

Naging matunog ang paghinga naming lahat, nabuhayan ng pag-asa.

"Pero," agad niyang dagdag dahilan para muling tumutok ang lahat sa kaniya. "Hindi ko sinisiguro sa inyo na ligtas na siya ng isandaang porsyento, wala tayo maski sa kalahati niyon."

"Pero magagawan ninyo ng paraan 'yon, dok, 'di ba?" gumagaralgal na ang tinig ni Taguro bagaman sinisikap ngumiti. "Dok, hindi pwedeng mamatay ang lolo ko."

"Chairman Moon's condition is in critical stage and he needs a full-time senior doctor's observation and attention. Kayang-kaya naming ibigay buo naming atensyon pero ang katawan niya pa rin ang magdedesisyon."

"Ano ang ibig ninyong sabihin?"

"Mahina na ang lolo mo, Maxpein," pandederetso ng doktor sa seryoso at istriktong paraan.

Nagbaba ng paningin si Taguro, mula sa tagiliran niya ay nakikita ko ang pangingilid ng mga luha niya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kaniyang kamay para iparamdam sa kaniyang hindi siya nag-iisa.

"Matindi ang pinagdaanan niyang hirap," dagdag ng doktor na noon ay si Maxwell naman ang hinaharap. "Halos lahat ng organs niya ay apektado lalo na ang paghinga."

"Pwede ba namin siyang makita?" emosyonal na tanong ni Maxwell.

"Sa ganitong lagay niya ay matinding pag-iingat ang kailangan nating pare-pareho. Prone siya sa infection kaya limitadong tao lang ang hahayaan kong makapasok sa loob."

"We understand and thank you very much, Doctor Sullivan." Noon ko lang narinig ang matinding sinseridad ni Maxwell. Emosyonal at totoong nagpapasalamat.

"Sa ngayon ay hahayaan kong pumasok ang dalawa sa inyo. Mukhang hinihintay nga niya kayo," nakangiting sabi ng doktor. "Hangga't maaari sana ay isa ka ro'n, Maxwell."

Tumango si Maxwell saka nilingon si Taguro na noon palang nag-angat ng tingin sa kaniya. "Are you coming with me, Pein?"

Matagal na tumitig si Taguro sa kapatid. Mabilis na nangilid ang mga luha niya hanggang sa tumulo ang mga iyon. Nilingon niya ang nakasarang pinto. Tumitig siya ro'n na para bang lumalampas sa pinto ang kaniyang paningin at nagagawang panoorin ang lagay ni Chairman Moon. Ilang saglit pa ay nag-angat siya ng noo ay pinigilan ang sariling luha.

Saka siya tumango. "Let's go," mahinang aniya.

Pinagpalit sila ng damit, sinuotan ng kung ano-ano bago pinapasok kasama ng tatlong doktor. Nanatiling nakatayo ang lahat ng naiwan, nagpaikot-ikot sa labas ng kwarto. Binuksan ng isa sa mga doktor ang kurtina sa room window dahilan para makita namin ang nangyayari sa loob. May salaming dibisyon sa gilid ng kama ng Chairman, iyong kalahati lang ng katawan niya ang aming nakikita. Nag-unahan kaming tumayo at lumapit para sumilip sa may kaliitang bintana.

Itinuon ko ang paningin ko kay Taguro na noon ay makikita ang matinding panginginig. Hindi ako makapaniwalang posible palang manginig ang isang tao nang gano'n katindi. Sa layo ng distansya namin ay nasasaksihan ko ang pangangatal ng mga kamay at tuhod niya.

Hindi siya pinabayaan ni Maxwell, mula sa likuran ni Taguro ay hinawakan siya ng kapatid at bahagyang itinulak papalapit sa kama. Pero hindi pa man sila nagtatagal ay pareho na silang bumigay. Napatalikod si Maxwell at umiyak. Si Taguro naman ay natakpan ang bibig bagaman naka-mask at saka yumuko upang sa gano'ng posisyon ilabas ang paghihinagpis ng damdamin. Agad na naluha ang mga nanonood, isa na ako ro'n. Nagsipagyukuan ang pamilya ni Taguro, naging matunog ang pag-iyak ni President Moon.

Yumuko si Taguro, sumubok hawakan sa kamay ang Chairman pero pinigilan siya ng doktor. Wala siyang nagawa kundi titigan ito nang nakatagilid. Pinanood ko ang bawat pagbuka ng bibig ni Taguro nang magsimula itong kausapin ang lolo. Wala akong naririnig, hindi ko rin mabasa ang galaw ng labi niya dahil lahat sila ay mga naka-mask. Pero sa inaakto ni Taguro ay batid kong nagsasalita siya at pilit na kinakausap ang kaniyang lolo.

Ngunit hindi pa man nagtatagal ng isang buong minuto sa loob ang magkapatid ay sumenyas ang isa sa mga doktor. Bigla kaming naalarma nang umilaw ang serena sa ibabaw ng pinto at may bell na biglang nag-ring. Agad din kaming napalingon nang mula sa station ay nagsipagtakbuhan ang ilan sa mga medical staff papasok sa kwarto ni Chairman.

Nagugulat kaming nagtuon ng tingin kina Taguro at Maxwell. Sa isang iglap ay pinapanood ko na si Maxwell na pigilan ang kapatid na lumapit sa kama. Nagpupumiglas si Taguro pero naging mahigpit ang pagkakakapit ni Maxwell dito. Panay ang sigaw ni Taguro dahilan para magambala ang ilang mga pasyente at magsipagsilipan sa mga kwarto.

"What is going on!" bulalas ni Maze. Hindi na nito napigilan ang sariling sumabay sa nurse na papasok sa kwarto.

"CPR!" dinig naming sabi ng isang doktor nang tuluyan nang maiwang bukas ang pinto.

Sunod-sunod na nagsipagpasukan sina Maze, More, Heurt at Mokz sa kwarto ni Chairman Moon. Natutuliro akong sumunod at pumuwesto sa likuran ng mga nurse.

"Remove the dressings!" sumisigaw na ang mga doktor. "Remove the creams and oinments as much as you can."

Pero hindi pa man nakakakilos ang doktor na inutusan ng isa pa ay biglang nagkaroon ng pagbabago sa tunog ng machine na nakakabit sa Chairman. Agad na naalerto ang mga doktor at kung ano-ano ang ginawa sa senyor. Kahit anong pilit nilang itago sa 'min ang nangyayari ay nasasaksihan namin ang unti-unting pag-aagaw-buhay ni Chairman Moon.

"Oh, God! Please help him!" bulalas ni Maze.

"Chairman!" sigaw ni Taguro na pilit pa ring kumakawala mula sa pagkakayakap ni Maxwell.

"Doc, please let me help!" sigaw ni Maxwell.

"Mr. del Valle, you are not allowed to do anything," agad na humarang ang isa sa mga doktor para pigilan si Maxwell na makalapit.

"Please let me do something! Please! Please!" pagwawala ni Maxwell, halos itulak ang humarang na doktor para makapalapit siya sa Chairman. Ngunit nang sumenyas ang doktor sa dalawang lalaking nurse ay hinawakan ng mga ito upang pigilan sa paglapit si Maxwell.

"Buhayin mo siya, Maxwell!" hinawakan ni Taguro sa kwelyo ang kapatid. Umiiyak na pinagmakaawaan ito. "Buhayin mo si Chairman!"

Ngunit hindi na nagawang sumagot pa nito. "No! No! No!" sumigaw si Maxwell nang mangibabaw ang matining na tunog na iyon mula sa monitor. Na siya ring senyales sa tuluyang pagkalagot ng hininga at paghinto sa pagtibok ng puso ni Chairman Moon.

Natigil sa paghuhurumintado si Taguro. Hawak pa rin niya sa kwelyo si Maxwell pero nakalingon na siya kay Chairman Moon. Dahan-dahan niyang nabitiwan si Maxwell saka unti-unting hinarap ang kama. Gaya ng iba ay hindi makapaniwala si Taguro, hindi malaman kung anong reaksyon at emosyon ang ilalabas sa sandaling iyon.

Pinanood namin ang doktor na pakinggang muli ang tibok ng puso at paghinga ni Chairman Moon. Ibinuka rin nito ang mga mata ng senyor at tinapatan ng flashlight. Nang hindi tumugon ang Chairman ay bumuntong-hininga ito at lumunok. Tumingin muna siya kina Mokz, More at Maze bago nilingon ang nurse sa kaniyang tabi.

"I didn't expect it to be this early," nalilitong sabi ng doktor. "I am very sorry but we already did everything that we can." Saka ito bumaling sa nurse. "Time of death," mahinang sabi ng doktor saka tiningnan ang relo. "4:45 AM."

Sandali pang tumingin sa lahat ng naro'n ang mga doktor saka isa-isang nagsipag-alisan. Tinapik ni Doctor Sullivan sa balikat si Mokz saka kami tuluyang iniwan.

Naging matunog ang paghinga ni Maxwell, natitigilang nakatingin sa lolo. Unti-unti namang lumalakas ang pigil na paghagulgol ni Maze. Habang si Taguro ay dahan-dahang lumalapit sa kama ni Chairman Moon.

Napatitig ako sa Chairman. Nakapikit na ang mga mata niya at hindi ko magawang tagalan ang kahabag-habag niyang hitsura. Agad kong napunasan ang mga luha ko at saka ako nag-iwas ng tingin.

"Dad..." Lumapit si More at yinakap ang ama. Noon ko lang siya nakitang lumuha nang lumuha dahil sa matinding sakit na nadarama.

Napasigaw sa pag-iyak si Taguro, sumabay sa paghagulgol ang mga naro'n pati na rin ako. Kahit anong pag-alalay ni Maxwell ay hindi niya na magawang pigilan ang kapatid dahil na rin sa panghihina. Sumigaw nang sumigaw si Taguro, pilit na tinatawag ang kaniyang lolo pero wala na siyang natatanggap na tugon mula rito.

Napuno ang kwartong iyon ng pag-iyak, paghagulgol at pagluha. Paulit-ulit na nababanggit ang pagtawag sa Chairman pero nakalulungkot na ni isa sa kanila ay hindi na makatanggap pa ng tugon mula rito. Napakahirap paniwalaan na totoong wala na ito. Hindi mawala sa isip ko ang imahe nitong nakalingon at nakangiti sa akin.

Napaluha ako nang maalala ko ang huling sandali na nakita ko siyang nakangiti at nakatingin kay Taguro. Iyon na ang pinakamagandang ngiti niya na nakita ko. Na kahit may ilang dipa ang layo ay nakikita at naidedetalye ko sa isip. Malinaw na malinaw kong nakita ang maganda niyang ngiti at hindi ko na kailanman malilimutan iyon.

Kinuha ni Taguro ang kamay ni Chairman Moon at paulit-ulit iyong inihaplos sa pisngi nga. Napalunok ako habang pinipigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Bagaman sa ibang lenggwahe ay naiintindihan ko ang mga sinasabi niya. Paulit-ulit niyang pinakikiusapan ang Chairman na bumalik.

Mayamaya pa ay lumapit na rin si Maze. Hinawakan niya ang Chairman sa kabilang kamay at gaya ni Taguro ay inihawak sa kaniyang pisngi ang halos lusaw na nitong kamay. Gaya rin ni Taguro, pinakikiusapan niya itong magsalita at kausapin sila uli.

Pero halos beinte minutos na ang lumipas, nang nasa ganoon pa ring sitwasyon ang lahat, walang nagbago sa nangyayari. Totoong wala na ang Chairman ng mga Moon.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magkaganito!" umiiyak na gilalas ni Maze habang nakatingin kay Mokz.

Nananatili siyang nakaupo sa tabi ng Chairman, hawak pa rin ang kamay nito sa kaniyang pisngi. Luhaan man ay makikita ang paghihinagpis sa galit sa kaniyang mga mata.

Tumayo si Maze at hinarap ang ama. "Dad, bakit kailangang mangyari ito? Bakit umabot sa ganito?" umiiyak niyang tanong. "Bakit wala kayong ginawa?"

"Maze..." Sinubukang hawakan ni Mokz ang anak pero umiwas ito.

"Heurt?" umiiyak na pagtawag ni Maze. "This is impossible! Napakarami ninyo at..." Umiling siya nang umiling habang umiiyak at sapo-sapo ang noo. "Bakit humantong sa ganito? Hindi ko maintindihan! Hindi ko magawang paniwalaan!"

Nagbaba muna ng tingin si Heurt saka tinanaw ang pumanaw na Chairman. "Magmula pa lang dito sa ospital ay may nakasunod na sa 'tin, Maze. Sinundan nila tayo pauwi hanggang sa muli kaming umalis nang malaman nating wala ro'n ang Chairman at anak mo. Matagumpay naming pinasok ni Maxwell ang lugar pero wala pa man kaming nagagawa ay sinugod na nila kami. Kayang-kaya kong lumaban, Maze," tinitigan niya ito sa mga mata. "Pero nang banggitin nila sa 'min ang lagay ng Chairman ay hindi na ako kumilos pa."

"They told us the Chairman's situation," sabat ni Maxwell. "Kung alam ko lang na hindi totoong maraming bomba na nakakabit sa katawan niya...fuck!" Tumalikod si Maxwell at pinagsusuntok ang pader. Nang makontento ay yumuko siya ro'n at doon umiyak.

"Naging mahirap para sa 'min ang kumilos at lumaban dahil ginagamit nila ang Chairman. Sa sandaling iyon ay mas pinili kong maging inutil basta ligtas ang Chairman," dagdag ni Heurt. "Ngayon ko lang pinagsisisihang nagpadala ako sa panlilinlang nila."

Muli silang nagsipag-iyakan. Nilingon ko naman si Taguro na noon ay nakatingin lang sa Chairman at hinahayaan ang sariling lumuha. Minabuti kong iwan na muna ang pamilya nila sa kwartong iyon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nasasaktan ako, nalulungkot at nanghihinayang sa nangyari. Pero nangingibabaw talaga sa 'kin ang hiya.

Eksaktong tumayo si Chairman Enrile nang makalabas ako. "Sa tingin ko ay mas mabuti kong mauna na muna ako."

"Chairman," pabulong na sabi ni Lolo Dei Min.

Nilingon ni Chairman ang kwarto ni Chairman Moon. "Nalulungkot ako sa nangyari at hindi ko maiwasang sisihin ang aking sarili. Nahihiya akong harapin ang pamilyang ito, Dei Min. Pakiramdam ko ang lahat ay kasalanan ko."

"Alam nating hindi totoo iyan."

"Iparating mo na lamang ang aking pakikiramay, Dei Min. Mauuna na ako."

"Paano kung may mangyari sa inyo?" hindi ko napigilang magsalita. "Mas maganda kung magkakasama tayo. Mahirap maghiwa-hiwalay ngayon, Chairman."

"Kung mamamatay ako ay mamamatay ako, Deib Lohr."

"Chairman!"

Sinikap niyang ngumiti. "Sa tingin ko ay mas karapat-dapat akong mamatay kompara sa Chairman na iyon na talaga namang higit na mas inosente kompara sa akin."

"Oh, please, don't say that, Chairman," ani Noona.

"Hayaan ninyo na muna siguro ako. Iingatan ko ang aking sarili." Wala nang nakapigil pa sa Chairman nang maglakad papalayo.

"Sasamahan ko siya," ani Lolo Dei Min saka sumunod dito.

Nanlulumo akong napaupo. Sandali akong yumuko at nang maramdaman ko ang paglapit ni mommy ay saka ako nag-angat ng tingin. Napatitig ako sa kaniya pero hindi ko nagawang magsalita. Tumingin siya sa 'kin pero hindi rin siya nagsalita. Basta niya na lang ako yinakap at sabay kaming napaluha.

"DEIB... DEIB..." Nagising ako sa sunod-sunod na pag-uuga sa 'kin.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko pero nang maramdaman kong nakahiga ako ay bigla akong napabangon. Gulat kong iginala ang paningin ko, nasa kwarto ako ni RD, saka ko nilingon si Noona.

"Bakit nakatulog ako?" natutuliro kong tanong.

"Pagod ka, hindi imposible 'yon."

"Nasa'n si Taguro?"

Napabuntong-hininga siya saka nilingon ang sofa. Napalingon din ako ro'n at natigilan nang makita si Taguro. Nakaupo siya at magkahawak ang mga kamay, walang emosyon at basta na lang nakayuko.

"Taguro..." pagtawag ko.

Umangat ang paningin niya sa 'kin nang hindi man lang iginagalaw ang ulo. Lumapit ako at lumuhod sa harapan niya. Magsasalita na sana ako nang makaramdam ako ng matitinding sakit sa iba't ibang parte ng katawan ko. Gusto kong mapasigaw nang pag-aray pero ang lahat ay pinigilan ko nang makita kong wala man lang nagamot maski isa sa mga sugat ni Taguro.

"Babe..." Hinawakan ko ang kamay niya.

Napatitig ako sa mukha niya, namumutla na siya at napakabilis na nangitim ang ilalim ng kaniyang mga mata. Hinawakan ko siya sa pisngi dahilan para magtama ang paningin namin. Mabilis siyang pinangiliran ng luha. Mayamaya lang ay nangunot na ang noo niya at kasabay niyon ay ang pag-iyak niya.

"Wala na ang Chairman, Deib," humihikbing sabi niya. "Pinatay nila ang lolo ko."

"Babe..."

"Ano ba'ng ginawa niya sa kanila para gawin nila 'to? Papatayin lang nila, bakit sa ganito katindi pang paraan? Hindi ko matanggap."

Naupo ako sa tabi niya saka ako yumakap. "I'm sorry, babe. I'm so sorry."

Hindi na ako nakatanggap ng sagot mula sa kaniya. Hinayaan ko lang siyang umiyak nang umiyak. Niyakap ko lang siya at hinaplos sa likod. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Pero sa puso ko ay nararamdaman ko ang sakit.

Nasa ganoon kaming sitwasyon nang bumukas ang pinto at tumambad si Maze. "Everything is set, we're going, Maxpein," aniya nang kay Taguro lang nakatingin. Hindi niya na rin kami hinayaang magsalita pa, muli siyang lumabas.

Pinahid ni Taguro ang mga luha saka tumayo. Hinarap ko siya, wala na akong mabasang emosyon. Ang kaninang emosyonal at nasasaktang Taguro sa harap ko ay bumalik sa dati nitong pagkatao.

"I'm sorry for what happened, Pein," ani Noona. Pero tiningnan lang siya ni Taguro.

"Babe," pabulong kong sabi. Hindi ako tiningnan ni Taguro pero lumingon siya nang bahagya sa gawi ko. "Kung kailangan mo 'ko ay nandito lang ako. Hindi man gaya ng paraang nagagawa mo pero hindi mawawala ang presensya ko."

Hindi man siya sumagot ay batid kong pinakinggan niya ang sinabi ko. Naglakad siya papalabas, sumunod naman agad ako. Ang mommy't daddy ko na lang ang naro'n bukod kay Noona. Sina More at Maze na lang din ang naro'n sa pamilya ni Taguro.

"Umuwi ka na muna, Maxpein," ani Maze. "Kailangan mong magpahinga. May darating na doktor doon para gamutin kayo ni Maxwell kung ayaw mo talagang manatili rito sa ospital. Nasa bahay na ang mga kapatid mo pati na rin ang direktor. Kami ng daddy mo ang aasikaso sa Chairman. Babalik kami sa mansyon kapag ayos na ang lahat. Kumain ka at bumawi ng lakas mo."

"Sige." Sa unang pagkakataon ay hindi ko narinig na tumutol si Taguro. Buong puso siyang pumayag sa lahat ng sinabi ni Maze.

"Magsiuwi na muna kayo," baling ni Maze sa lahat. "Ang sandaling ito ay para sa amin ng pamilya ko. Bukas ay pwede na kayong dumalaw sa Chairman."

"Our condolences," ani daddy.

Tumango lang sa kaniya si Maze saka bumaling sa 'kin. "Please stay with Maxpein, anak. She needs you."

"Yes, tita," kaswal na tugon ko.

Tahimik kaming nagsipagbabaan. Mas naging tahimik pa nang makasakay sa sasakyan. Pareho kaming nasa likuran ni Taguro. Sina Maze at More na lang, bukod sa driver, ang kasama namin sa sasakyan.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog, wala naman akong makitang orasan para malaman kung anong petsa na. Nangingibabaw sa pakiramdam ko ang sakit sa iba't ibang parte ng katawan ko pero wala akong magawa kundi pagtiisan ang lahat.

IBINABA kami nina Maze sa harap ng mansyon. May sinabi siya kay Taguro sa lenggwahe nila bago tuluyang umalis. Maglalakad na sana ako nang hindi ko maramdaman ang pagkilos ni Taguro. Sandali akong natigilan nang makita ko siyang iginagala ang buong paningin sa mansyon.

"Kung alam ko lang na sa ganitong kaikling panahon ko na lang siya makakasama, sana iginugol ko na 'yong mga oras na mas pinili kong malayo sa kanila," emosyonal niyang sabi habang patuloy na iginagala ang paningin. Hindi ko naman nagawang magsalita.

Sumunod ako nang tumuloy siya mayamaya. Hindi pa rin nahihinto sa paggala ang mga mata niya. Para bang bawat sulok ng lugar na 'yon ay may alaala siya sa Chairman. At ang mga alaalang iyon na binabalikan niya ngayon ang dahilan kung bakit hindi mawala ang lungkot sa mga mata ni Taguro. Iyon na ang pinakamatagal na sandaling nakita ko siya nang ganoon kalungkot.

"Oh, Noona!" si Maxrill ang nagbukas ng pinto para sa 'min.

Kakatwa ngunit kataka-takang masiglang-masigla siya na para bang walang pinagdaanang hindi kanais-nais na insidente. May mga gasa siya at benda sa ilang parte ng katawan pero hindi mababakasan sa mukha niyang meron siyang iniinda.

Inilinga muna ni Maxrill ang paningin sa likuran namin bago muling tiningnan ang kapatid. "Chairman, eoddiesseo, Noona?" inosente niyang tanong dahilan para mag-angat ng tingin si Taguro sa kaniya.

Inosenteng-inosenteng tingnan si Maxrill habang nagpapalitan ng tingin sa 'min. Si Taguro naman ay dahan-dahang naging malamlam ang mga mata. Parang anumang segundo ay maiiyak na naman siya.

"Where is Chairman, Noona?" muling tanong ni Maxrill nang hindi makatanggap ng sagot. "Noona, where is Chairman?"

"Maxrill," halatang hindi malaman ni Taguro ang sasabihin.

"Oh, Hee Yong, come here!" Naupo si Maxrill at hinintay makalapit ang aso.

Nilingon ko si Taguro. Pilit ang ngiti niya habang pinapanood ang kapatid. At nang makita niyang dila-dilaan ng aso si Maxrill sa mukha ay nakangiti siyang naluha. Agad niya iyong pinahiran nang tumayo si Maxrill at tuwang-tuwang tumingin sa 'min.

"Noona, where is Chairman? I need to show him something!" excited na sabi ni Maxrill.

"What is it?" tanong ni Taguro, pigil na pigil ang emosyon. Pilit na itinatago ang mga luha sa pagngiti.

"Wait," inilapag ni Maxrill ang aso at saka tumayo nang deretso. "Noona, look carefully, arasseo?"

"Arasseo," parang matatawa at maiiyak nang sabay na ani Taguro.

"Hee Yong, sit!" pasigaw na sabi ni Maxrill. "Oh!" nagmamalaking ipinakita ni Maxrill ang pagsunod ng aso.

Talagang hindi man lang kami pinapasok muna na para bang hindi na makapaghintay ang bagay na ipapakita niya.

Naupo nga ang aso matapos sabihin iyon ni Maxrill. Simple lang naman iyon pero napangiti rin ako. Napaka-cute ni Maxrill sa ganoong ugali bagaman masyado na siyang matanda para umasta nang gano'n. Cute din ang aso dahil nagagawa na nitong intindihin ang sariling amo.

"Hee Yong, jump!" muling utos ni Maxrill na agad namang sinunod ng aso.

Dalawang beses iyong tumalon dahilan para maging matunog ang pagngiti ni Taguro. Napalingon ako sa kaniya at hindi ko naiwasang mapangiti. Pakiramdam ko ay ilang taon ko siyang nakitang malungkot kahit na ang totoo ay ilang sandali palang.

"Hee Yong, bark!" utos ni Maxrill saka sinabayan ang asong kumahol. "He's really good, Noona! Hee Yong is very intelligent! Chairman should see this!" wala nang mas e-excited pa sa kaniya. "Noona?" Unti-unting nawala ang ngiti ni Maxrill.

Nilingon ko si Taguro. Ngunit bago ko pa man makita ang reaksyon niya ay bigla na siyang yumakap kay Maxrill. Tahimik siyang umikap habang humihigpit ang pagkakayakap sa kapatid.

"Are you crying, Noona?" mahinang tanong ni Maxrill, nakanguso. "Noona, are you crying?"

Sa sandaling iyon, kahit hindi tama, ay gusto kong matawa. Kung si Taguro ay may ugaling inuulit ang isinasagot, si Maxrill naman ay may ugaling binabaliktad ang sinasabi.

"Why are you crying, Noona?" nag-aalalang tanong ni Maxrill. Unti-unti niyang iniyayakap sa kapatid ang mga kamay saka hinagod ito sa likuran.

Pero wala siyang natanggap na sagot mula kay Taguro. Nasisiguro kong hindi alam ni Maxrill ang nangyari sa Chairman at hindi naman alam ni Taguro kung paanong sasabihin dito.

Pinakalma ni Taguro ang sarili matapos umiyak sa kapatid. Sa huli ay hindi niya rin sinagot ang tanong ni Maxrill at sa halip ay inutusan itong magpahinga. Sinabi rin niyang may lakad sila mayamaya kaya kailangan niya nang mahabang tulog. Agad na sumunod si Maxrill kahit pa halatang nag-aalala siya sa iniasta ni Taguro.

Hindi nagtagal ay bumaba sina Mokz at Maxwell kasama ang dalawang doktor na siya raw gagamot sa amin. Nang magsimula kaming asikusuhin ng mga doktor ay parang gusto ko nang magsisisi. Pakiramdam ko ay kakaunti ang anesthesia na bitbit nila dahil damang-dama ko ang sakit sa buong katawan ko. Hindi ko naman magawang magreklamo dahil walang kaimik-imik ang mga kasama ko.

"BAKIT hindi alam ni Maxrill ang nangyari sa Chairman?" tahimik na tanong ni Taguro nang pare-pareho na kaming nasa kusina.

Gusto ko sanang magpaalam na magpapahinga muna at mahihiga sa kama matapos ang mahabang oras nang pakikipaggamutan sa mga doktor, ang kaso ay nahihiya ako dahil sila ay mukhang walang iniinda. Kaya sa halip na namnamin ang sakit ay binale-wala ko na lang iyon gaya ng nakikita ko sa kanila.

"Hindi magawang sabihin ni Maze," si Mokz ang sumagot. "Wala rin akong kakayahang sabihin sa kaniya."

Napabuntong-hininga si Taguro. "Hindi rin ako nakapagsalita no'ng magtanong siya."

"Mabuti na nga lang at maaga siyang pinauwi ng doktor niya. Mabilis maka-recover sa ganitong sitwasyon ang katawan ni Maxrill. Maigi nang hindi niya nakita ang sitwasyon ni Chairman kanina."

Hindi sumagot si Taguro. Nanatili na naman silang tahimik sa mahabang sandali.

Halos maubos ko na ang kape ko nang muling magsalita si Maxwell. "What are we going to do now?" matamlay niyang tanong.

"Ang ibigay ang maayos na burol at libing para sa Chairman," ani Mokz. "Iyon ang pinakamahalaga ngayon."

"And after that?" dagdag tanong ni Maxwell.

Hindi na nagawang sumagot ni Mokz, napalingon siya kay Maxwell. Maging ako ay napalingon dito. Sa tono kasi nito nang pananalita ay para bang may gusto siyang gawin ngunit inaalam niya kung kagaya niyang mag-isip ang mga kaharap ngayon.

"I am going to kill them," biglang nagsalita si Taguro. "That's what will happen next."

"Pein..." Hindi makapaniwalang bulalas ni Maxwell.

"Maxpein, huwag kang magsalita nang ganiyan," nananaway ang tinig ni Mokz. "Alam mo ang mga batas natin at hindi ka maaaring kumitil ng buhay. Alam mo kung ano ang mangyayari sa iyo kapag nagkataon." Hinawakan ni Mokz ang kamay ng apo. "Tandaan mo ang mga sinabi ng Chairman sa iyo, Maxpein. Huwag mong buwagin ang mga salitang iyon nang dahil sa galit na nararamdaman mo. Mahigpit na ibinilin sa iyo ng Chairman na sundin ang mga batas--"

"Pinatay nila si Chairman Moon, Mokz!" napatayong singhal ni Taguro na siyang ikinagulat naming tatlo. "Pinatay nila ang lolo ko, Mokz! Pinatay nila ang lolo ko sa hindi makatarungang paraan--sabihin mo sa 'kin, anong batas pa ang susundin ko!" emosyonal at lumuluhang gilalas niya.

"Maxpein, calm down," kabadong pakiusap ni Mokz.

"I can't, Mokz," umiiling na tugon ni Taguro, titig na titig sa lolo.

"Alam mong walang kahihinatnan ang paghihiganti, Maxpein. Hindi makabubuti sa ating pare-pareho iyan. Pigilan mo ang galit mo. Ang magandang paraan ng paghihinganti ay huwag kang gumaya sa kaaway mo."

Hindi nagsalita si Taguro pero sa mga mata niya ay naro'n ang sagot. Mga sagot na taliwas sa mga sinabi ni Mokz. May sarili siyang isip. May kakayahan siya. May abilidad na hindi lahat ay nakukuha. At iyon ang pare-pareho naming ikinatatakot para sa kaniya. Lalo pa at punong-puno ng lungkot, paghihinagpis at galit ang kaniyang puso.

SIN'S POV

TINANAW KO ang mataas na building sa aking harapan. Isa sa maraming hall na naroon nakahimlay ang labi ng Chairman ng mga Moon. Nakapunta naman na ako sa ibang burol ngunit sadyang kakaiba ang sa mga Moon. Lalo tuloy akong natuwa.

Parati na lang may kakaiba sa pamilyang 'to. Mierda!

"May tatlong araw na ang nakalipas mula nang pumanaw ang Chairman," nakangiting sabi ni Taylor. "Siguro naman ay may kakayahan na silang humarap sa bisita?"

Halos puno ang space sa parking lot sa 'baba, nauna naman daw na mapuno ang nasa itaas ayon sa mga tiga-bantay. Ginabayan kami papasok ng bantay sa 'baba pero nagpaiwan din ito bago kami makasakay sa elevator. Nasa 18th floor ang hall kung saan nakalagak ang labi ni Chairman Moon. Ang dinig ko ay nakalaan ang buong floor para sa mga ito.

"Pasunurin mo agad ang mga tauhan natin, Cargosin." Mariin ang pananalita ng aking ama. Tumango naman agad ako. "Wala ni isa sa inyo ang maglalabas ng armas, malinaw?"

"Malinaw, Chairman." Sumagot kami nina Christian at Mark. Nananatili namang nakayuko si Eerah habang si Taylor ay nakatingala sa numerong nasa monitor. Sinamaan ko lang sila ng tingin.

"Siguraduhin mong walang papalpak sa mga tao mo, Mark. Kung ayaw mong isunod kita kay Chairman Moon," banta pa ng aking ama.

"Inihanda ko na sila, Chairman. Papasunod na rin ang mga iyon." Garalgal ang tinig ni Mark.

"Magpakatino kayo. Mahirap na, baka hindi tayo makalabas nang buhay rito," ngingisi-ngising sabi pa ng Chairman.

Bumukas ang elevator at bumungad sa 'min ang ilang mga tao, mukhang mga guard. Magaganda ang ngiti nito sa amin. Agad na lumapit si Taylor at ipinaalam ang pakay namin. Iginiya naman kami ng isa sa mga ito papunta sa Hall Number 3 kung saan umano naroon ang mga Moon. Walang kaalam-alam ang mga ito tungkol sa amin.

Mahaba ang floor, kaliwa't kanan naman ang mga hall. Buena familia lang ang may karapatang umukopa sa ganitong kagandang lugar. Malaking halaga ang kailangan. May red carpet sa entrada palang, at hindi ko inaasahang aabot pa iyon hanggang sa dulo ng nilalakaran naming pasilyo. Doon palang ay nakahilera na ang mga de-koronang bulaklak mula sa iba't ibang kilalang tao, na may mga sash pa.

"Chairman, narito na ang mga tauhan natin," mayamaya'y ani Mark. Sa likuran namin ay naroon ang walong tauhan namin, bitbit ang aming de-koronang bulaklak na para sa patay.

Mahirap pumunta sa ganitong lugar nang kami-kami lang, kaya pinasunod namin ang ilan sa mga tauhan. Lalo pa at kami ang dahilan kung bakit may ganitong kaganapan sa buhay ng mga Moon ngayon.

Nang tuluyan naming marating ang hall ay 'tsaka kami iniwan ng mga guard. Salamin ang pinto at dingding sa bukana ng hall kaya naman makikita agad ang pinakaloob. Napakaraming tao. May ilan kaming kilala ngunit lamang ang hindi namin nakikilala. Pawang mga nakasuot nang pormal at kagalang-galang kung tingnan. Kapansin-pansin pa ang maraming bilang ng bisita na mukhang may lahi, mga singkit gaya ng mga Moon. Ang paraan nang pagtingin ng mga ito sa amin ay nangingilala, nangungutya, nakaiinsulto at nakabababa ng pagkatao. Kung sulyapan nila kami ay para bang obligasyon naming ipaalam sa kanila kung sino kami. Na para bang kwestyonable kung bakit mayroong tulad namin sa ganoong sitwasyon. Masasabi kong walang ideya ang mga ito na kami ang nasa likod nang kamatayan ni Chairman Moon. Tuloy ay nais kong magwala dahil sa paraan nang pagkakatitig nila sa amin ng ilan ay para bang imposible na may kakilalang tulad namin ang pumanaw na Chairman.

Bakit ganito sila kung magsitingin sa amin? Para nila kaming pinandidirihan imbes na katakutan! Ganoon ba kami kahirap sa kanilang paningin? Mierda!

Mayamaya pa ay hinarang kami ng apat na lalaki, na pawang mga nakasuot ng itim na suit, sa bungad pa lang ng entrace. Mga naka-itim na shades din ang mga ito kaya nasisiguro kong tauhan na talaga ito ng mga Moon. Ibig sabihin ay malapit na talaga namin silang makaharap.

Dahil doon ay lalo naming naagaw ang atensyon ng mga naroon, lalo nila kaming pinagtinginan. Nagbubulungan na naman sila at kahit naririnig ko ay wala akong maintindihan dahil iba ang kanilang lenggwahe. Lalo rin akong nainsulto dahil naninindak ang tingin sa amin ng mga tauhan, ipinakikita nang sadya ang mga armas sa kanilang mga baywang.

"Paumanhin ngunit hindi kayo imbitado," anang isa sa mga tauhan.

"Ako si Chairman Rewis," sagot naman ng aking ama. "Imbitado man ako o hindi ay desisyon kong pumunta rito. At kung hindi ninyo kami pauunlakan ay pasasabugin ko ang lugar na ito." Halos pabulong niya iyong sinabi upang huwag magambala ang mga makaiintindi.

Ngumisi ako nang makitang nasindak ang may pinakamalaking katawan sa mga tauhan. Bagaman masama pa rin ang tingin nito sa aking ama ay wala siyang nagawa kundi ang bumuntong-hininga.

Tumabi ang apat na tauhan at binigyan kami ng daan papasok. Makikitang labag na labag iyon sa kanilang kalooban, kabado sa posibleng kahantungan sa pagpapapasok nila sa amin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang isa sa mga iyon na agad may itinawag sa telepono.

Agad na namang nangibabaw ang bulungang hindi ko pa rin maunawaan, mukhang kinukuwestyon ang aming katauhan. Pinanonood kaming maglakad hanggang sa tuluyan kaming pagbuksan ng pinto papasok sa pinakaloob ng hall.

Awtomatiko akong napangisi nang sa wakas ay tuluyan ko nang nakita ang mahabang silya na madalas kong makita kapag may patay o kung hindi naman ay sa mga kapilya. Higit pa akong napangisi nang makita ko sa harapan ng mga silyang iyon ang malaking larawan nang namayapang Chairman. Napakaganda ng kaniyang ngiti at talaga namang mukhang kagalang-galang. Pinalilibutan ang larawan nang nangangalingasaw sa bango at iba't ibang uri ng bulaklak. Ngunit kakatwang wala akong makitang ataul, pawang ang mga bulaklak at iyong litrato lamang. Malaki ang espasyo sa harapan, nasa tatlong dipa ang pagitan ng litrato ng Chairman sa mahahabang silya na nasa pinakaunahan. May malaking carpet pa sa pinakagitna ng espasyo na iyon, na siyang nasa harapan mismo ng larawan. Kakaiba. Ngayon lang ako nakakita nang ganoong klase ng paglalamay.

Maliwanag ang kabuuan ng hall. Gusto ko na namang matawa dahil kung ako ang tatanongin ay mukha iyong launching ng kung anumang imbensyon ng Chairman. Nagkalat kasi ang naglalakihan niyang litrato na nakapatong sa kahoy na standee. Meron sa harapan, sa magkabilang gilid, hanggang sa likurang bahagi ng hall. Kung hindi marahil sa katahimikan ay posible ko ring maisip na nasa isang exhibition ako.

Walang nakaramdam sa pagpasok namin. Nananatiling nakatalikod sa aming gawi ang mga naroon. Nakita ko ang isa sa mga tauhan ng mga Moon na lumapit upang bumulong kay Mokz. Ilang saglit pa ay nilingon na kami nito kaya agad kaming nagsipagtanguhan nang may sikretong ngisi sa mga labi. Nagmamalaki ang noo ng aking ama nang umayos kami ng tindig, habang nakatingin kay Director Mokz.

Dahil naman doon ay agad ding nagsipaglingunan sa gawi namin ang iba pang myembro ng mga Moon; sina Maze Moon, Maximor Moon, Maxwell, Maxrill, Heurt, at ilan pang kapamilya ng mga ito. Bukod doon ay naroon ang kompletong pamilya ng mga Enrile, maliban kay Deib Lohr. Maging ang mga Echavez ay kompleto ro'n.

Ang ilan sa malalapit na tao sa mga Moon ay naroon din ngunit kapansin-pansing wala roon si Maxpein. Ilang beses siyang hinanap ng aking mga mata ngunit hindi ko siya nakita.

Pawang mga nakaputi ang bawat tao na aking makita, simple pero kakatwang elegante pa ring tingnan. Mga nakasuot ng sunglass ang karamihan maliban kay Director Mokz na noon ay puti ang salamin. Hindi tuloy namin masaksihan nang lubusan ang pagdadalamhati at pamumugto sa kanilang mga mata. Bagay na talaga namang pinanabikan kong makita nang sobra.

Nakakasuya!

Isa-isa kaming tiningnan ni Director Mokz, nagsipagngitihan naman kami sa kaniya. Nasa unahan namin ang aking ama, nakahilera kami nina Taylor, Christian, Mark at Eerah sa kaniyang likuran. At sa amin namang likuran ay naroon ang aming mga tauhan.

Nagsipagtayuan na nang tuluyan ang lahat ng mga Moon, kasama na si Heurt. Humilera sila sa pantay na pantay na linya, pantay na pantay ang mga balikat, at saka deretsong tumingin sa amin. Sa paraan nang pagkakatitig nila sa amin ay para bang may digmaan na handa nilang simulan anumang oras. Hindi ko naman na inaaasahang ikatutuwa nila ang pagparito namin ngunit nasanay ako sa pagiging sarkastiko nila. Inaasahan kong makikipag-asaran sila sa amin gaya nang madalas nilang gawin sa t'wing magkakaharap-harap kami. Ngunit ni isa sa mga senyales na madalas nilang ipakita noon ay hindi ko makita ni maramdaman ngayon. Nakapaninibago.

Kung ganoon ay talagang malaking pagbabago ang idinulot nang pagkawala ng Chairman nila? Nakakatuwa!

Hindi ko maitago ang tuwa, tuloy ay napangisi ako lalo. Isa-isa ko rin silang tiningnan kahit pa wala akong makitang reaksyon sa mga Moon. Ang takot ay naroon sa iba pang bisita sa lugar, pero ang atensyon ko ay pilit kong itinutuon sa mga Moon.

Naging exciting ang paghihiganti na ito dahil sa mga Moon, dapat ko silang pasalamatan.

"Nakikiramay ako at aking buong pamilya sa pamamaalam ng inyong mahal sa buhay," anang aking ama, nakangisi sa nakaiinsultong paraan.

"Hanggang diyan ka na lang," ani Director Mokz nang akmang hahakbang papalapit ang aking ama. Ang kaninang seryoso niya lang na mukha ay unti-unti nang tumatalim ngayon, bagay na ngayon ko lang nakita.

"Hindi mo man lang ba kami hahayaang makaharap si Chairman Moon?" nang-aasar ang tinig ni daddy.

"Ano ang karapatan ninyong pumarito?"

"Narito kami para dalawin ang Chairman at makidalamhati sa inyo."

"Nakalimutan ninyo na bang kayo ang nagdala sa kaniya rito?"

"Kami ba?" sarkastikong natawa ang aking ama. "Hindi mo kami masisisi, Director Mokz. Hindi marunong makisama ang iyong apo."

"Dahil sa ginawa mo ay ikaw na mismo ang nagdala sa buong pamilya mo sa hukay," seryosong ani Mokz. Galit na galit ang mga mata. Dahilan para matigilan ang aking ama. "Matitikman ninyo ang bagsik ng mga Moon."

"Makakaalis na kayo," pormal na ani Maze.

"Sige, aalis kami," nakangising sagot ng aking ama. "Iyon ay kapag nakita ko na si Maxpein. Nasaan na nga ba siya?" lalo pang lumawak ang pagkakangisi niya.

"Nariyan siya...sa likuran mo," kaswal na sagot ni Mokz dahilan para matigilan kaming lahat at agad na mapalingon!

At doon ay nakita nga namin si Maxpein! Deretso siyang nakatingin kay Taylor habang hawak sa leeg ang isa sa mga tauhan namin. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang ang lahat ng tauhan ay mga wala nang malay!

Hindi ako makapaniwala. Sa loob ng sandaling iyon ay wala akong narinig maski katiting na ingay. At nasisiguro kong gano'n din ang mga kasamahan ko sapagkat ni isa sa 'min ay hindi nag-alis ng tingin kay Mokz.

Napatitig ako sa mga tauhan, kakaiba ang kanilang mga hitsura. Agad na nagkarambola ang kaba sa dibdib ko nang maisip ko ang lagay ng mga ito. Nilingon ko si Mark at gano'n na lang uli ang gulat ko nang masaksihan ko pa siyang mangisay sa paghihingalo. At nang subukan kong lumapit ay humugot si Maxpein mula sa likurang bulsa.

Napaatras ako at galit na tumitig sa kaniya. "Iputok mo!" hamon ko. Ngunit agad ko iyong pinagsisihan nang walang ano-ano ay paputukan niya nga ako sa hita! "Mierda!"

Agad na nagkagulo ang lahat at nagsipagtakbuhan. Ang mga tauhan nila ay hindi man lang kumilos na para bang alam na ng mga ito ang mga dapat at hindi dapat gawin. Pinalibutan kami nina Taylor at Christian pero kulang na kulang sila para protektahan kami.

~ To Be Continued. . . ~

c


Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
93.7M 2.8M 69
Love Trilogy #1 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, phy...
1.9M 132K 47
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
20M 699K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...