Love and Trivia --hiatus--

By BlueSouland

962 18 4

Paano kung isa kang trivia girl at may nanligaw sayo? At lahat ng itanong mo sa kanyang trivia ay nasasagot n... More

prolouge
chapter 1: The girl who ask trivia to his suitors
chapter 2: Bryella Ann Hernandez?
chapter 3: Friends' instinct
chapter 4: First conversation
chapter 5: Jealous?
chapter 6: Number one suitor?
chapter 8: Fireworks
chapter 9: Family and relatives' vote
chapter 10: Enchanted
extra: First Year College! First Embarrassing moment?!

chapter 7: Heartbeat...again?

31 0 0
By BlueSouland

[Author’s POV]

Sorry po for this super late update. Gala galore po kasi these past few days. At dahil po diyan I’ll update 4 chapters. Mwahness!

Thank you nga po pala sa mga silent readers. And super thank you po kay ate ShanaG!!!!  Mwahness po sa iniyong lahat! :*

Chapter 7: Heartbeat…again?

[Brye’s part]

Nakalabas na sila Brye at Stephen sa boutique nang mapansin niyang hawak niya ang kamay nito. Binitiwan niya iyon at tumingin kay Stephen. Nakita niyang nakangiti ito na para bang tuwang tuwa sa paghawak niya sa kamay nito.

“Bakit ka nakangiti?” –mataray na tanong niya dito.

“Kinikilig kasi ako.” –sabi naman nito na nakapag-pabilis na naman sa heartbeat niya. He winked at her while smiling.

~~dugdug…dugdug…dugdug~~

Tumalikod siya dito at naglakad na papalayo. (SHEYT!)

“Wait lang, Brye!” –agad naman itong sumunod sa kanya. “San ka pupunta?”

“May bibilin lang akong libro sa national. Bilisan na natin para makauwi na tayo agad.” –sagot na lang niya para di nito mapansin na umiiwas siya.

“Uuwi na tayo agad? Ang aga naman.” –narinig niya pang reklamo nito.

“Bakit? May pwede pa ba tayong puntahan?” –tanong niya naman dito.

“Sa arcade.” –suggestion nito habang nakangiti pa rin.

Iniwas niya ulit ang tingin dito tsaka naglakad na ulit. “Pambata naman yan.” –Brye

“Bata pa naman tayo ha. You’re eighteen and I’m twenteen.” –confident pang sabi nito.

“Para kang baliw.” –sabi niya na lang.

Natuloy din sila sa arcade dahil na rin sa pagpupumilit nito. Pero bago yon ay dumaan muna sila sa National Bookstore para bilin ang kunwaring libro na bibilin niya.

Nang makarating sa arcade ay bumili ito ng maraming token at hinila siya sa isang machine na may dalawang baril. Kinuha nito ang dalawang baril at binigay sa kanya ang isa.

“Just shoot the zombies.” –utos naman nito sa kanya.

At yon nga ang ginawa nila. Tili siya ng tili sa tuwing malapit na kunwari sa kanila ang zombies. Tawa naman ito ng tawa dahil para siyang thirteen year old kung matakot sa mga kunwaring zombies na nasa loob ng screen. Marami ng nanonood sa kanila ng maubos ang mga token na binili nito.

“They looked good together.” –narinig niyang sabi ng isa sa mga taong nanonood sa kanila.

“I know, right? Para silang love team sa isang palabas.” –dagdag pa ng kausap nito.

“Let’s go?” –tawag pansin naman sa kanya ni Stephen.

Tumango lang siya dito at nauna ng naglakad. (Shemay! Ayaw ko man aminin but I really enjoyed his company).

“Gusto ko pa sanang bumili ng token kasi mukhang nag-eenjoy ka naman kakatili.” –Sabi nito at nang-asar pa. Sinimangutan niya lang ito.

“Bakit di ka bumili?” –naisipan niya itanong dito ng ngumiti lang ito.

“Kasi po gabi na. It’s already seven pm na kaya.” –Stephen

Napatingin siya sa wristwatch niya. Seven o’clock na nga at di niya man lang napansin na ganun na pala sila katagal magkasama ni Stephen.

“Okay.” –yon lang at naglakad na sila hanggang sa parking lot.

(Sheyt talaga! Wala nga pala akong sasakyan! Hyuu and Jee!!!! Nasan na ba kasi kayo???? Bakit niyo ako iniwan????). Kinuha niya ng cellphone niya para tawagan sila Hyuu at Jee.

“Ako na maghahatid sayo.” –sabi naman sa kanya ni Stephen na nakasunod pa rin sa kanya ngayon.

Out of coverage ang cellphone ni Hyuu at Jee ng tawagan niya. “Thank you na lang. Pero I think kaya ko ng mag-commute.” –Brye

Biglang tumunog ang cellphone nito na sinagot naman nito agad. “Hello…okay…sige, eto siya.” –Sabi nito sa kausap at inabot sa kanya ang cellphone. “Kakausapin ka daw ni Hyuu.”

Inabot niya ang cellphone nito. “Hello, Hyuu.”

“Brye. I’m really sorry ah. Nauna na kong umalis may emergency lang talaga. Sumabay ka na lang kay Stephen pauwi.” –hingging paumanhin nito sa kabilang linya.

“Sige, okay lang. Ayos ka lang ba? Sinong kasama mo? Bakit kay Stephen ka tumawag?” –sunod-sunod na tanong niya dito.

“Okay lang ako. Tinawagan kasi ako ng leader namin para sa meeting namin. Kay Jesion tong cellphone na gamit ko dahil lowbat na ko.” –paliwanag naman nito.

“How about Jee? Di ko rin siya matawagan pati si kuya Drazen.” –Brye

“Nagtext siya sakin. Sabi niya mauna na daw tayong umuwi. May dadaanan lang daw siya.” –Hyuu

“Sige sige.” –nasabi niya na lang.

“Kay Stephen ka na sumabay ha.” –Hyuu

“Kaya ko na naman mag-commute.” –Brye

“Hay naku, Brye. Sige na, sumabay ka na. Di ako matatahimik kung magko-commute ka lang.” –pilit pa rin nito sa kanya.

“Sige na nga. Text mo ko kapag pauwi ka na ha.” –sabi niya na lang ulit.

Humarap siya kay Stephen na nakatingin sa kanya. Binalik niya dito ang cellphone nito. “I think I don’t have any choice. Pinapasabay na ko ni Hyuu sa’yo.” –Brye

“My pleasure.” –sabi nito habang nakangiti.

Habang nasa sasakyan ay tahimik lang siya. Tanging tugtog lang sa radio ng sasakyan nito ang maririnig sa loob ng sasakyan.

“Brye.” –tawag nito mayamaya sa kanya pero sa daan pa rin ang tingin.

“What?” –di masungit pero mas pormal na tanong niya dito.

“Napaka-serious mo naman. Kala ko pa naman medyo close na tayo.” –kunwaring tampo nito sa kanya.

“Ano bang gusto mo?” –nagsisismula na namang pagsususngit niya dito.

“Relax. I just want you to ask a trivia to me.” –nagulat siya sa sinabi nito kaya naman napatingin siya dito.

“Why?” –Brye

“Naisip ko lang. Pwedeng kapag nasagot ko ng tama ang mga trivia at sa bawat tamang sagot na yon ay ide-date kita.” –tinignan siya nito sandali tsaka ngumiti.

“Why? Date?” –tanong niya pa rin.

“I just thought that in that way mas makikilala kita. At least pinaghirapan ko din yung hihingin kong date sayo.” –Stephen

“So kaya ka nagpapatanong ng trivia ngayon ay dahil gusto mong makadate ako?” –Brye

“Yep. Wala naman tayong pareho gagawin during semester break. Right?” –Stephen

“Pero uuwi ako samin.” –Brye

“Susunduin kita sa iniyo.” –Stephen

“Pano kapag nakita ka ng parents ko at nagtanong?” –Brye

“Eh di magpapakilala akong number 1 handsome suitor mo.” –pagmamalaki pa nito.

“No need for number 1 handsome. Okay? Suitor will be fine.” –natatawa namang sabi niya dito.

“Thank you Lord!” –nagulat naman siya ng sabihin nito iyon.

“What was that for?” –nawiwirduhang tinignan niya ito.

“I’m just thankful that in just one day I saw you smiled and laughed, twice!” –nakangiting sabi nito tsaka lumingon sa kanya saglit.

“Ano namang meron sa tawa ko? At kung maka-thank you Lord ka diyan.” –Brye

“Aba! Sa panahon ngayon lalo na ata kapag ako kasama mo eh lagi kang badtrip.” –Stephen

Nangiti naman siya sa sinabi nito dahil totoo naman iyon. “You’re just weird.” –Brye

Nag-kwentuhan at nagtanong lang siya dito ng isang trivia na nasagot naman nito bago sila tuluyang nakarating sa condo unit nila Hyuu at Jee.

“Thanks for the company and ride, Stephen.” –pasasalamat niya dito ng makababa sila pareho sa sasakyan nito.

“You’re always welcome, Brye.” –Stephen

“Sige. Bye.” –tatalikod na sana siya para pumasok sa building nila ng magsalita pa ito.

“I’ll text you then. Bye!” –Stephen

“You have my number?” –nagtatakang tanong niya dito dahil wala naman siyang natatandaan na binigay niya ang number niya dito.

“Yeah.” –yon lang tsaka siya hinarap sa entrance ng condo building nila. “Pumasok ka na. gabi na oh. I need to go na rin.”

Tsaka na ito nagmadaling pumasok sa sasakyan at umalis. Pumasok na lang siya sa building nila at kapag nagtext na ito tsaka niya na lang tatanungin kung pano nito nakuha ang number niya. Imposible kais na kila Hyuu at Jee niya iyon nakuha dahil magkakasama sila kanina at di nawala sa paningin niya si Stephen habang kasama niya ito. At bakit pa nito iyon kukunin sa iba kung magkasama na naman sila kanina.

(Baka last time pa sa bar niya nakuha?) Naisip niya mayamaya. (Imposible din. Last 2 weeks pa yon eh.)

[Stephen’s part]

Habang nagda-drive si Stephen ay nag-ring ang cellphone niya. Nilagay niya sa tenga niya ang earphone tsaka sinagot ang tawag.

“Hello.” –Stephen

“How’s your date with Brye?” –narinig niyang tanong ni Hyuu sa kabilang linya. Di man lang ito nag ‘hi’ sa kanya at dirediretsong nagtanong agad.

“Great. I really have fun with her.” –sagot niya naman dito ng nakangiti pa.

“Halata nga.” –Hyuu

“How about your date with Jeison?” –tanong niya naman dito ng may konting pang-aasar. Alam niya kasi na asar it okay Jeison.

“Nah. Just forget about us.” –naimagine niya pang sumimangot ito habang sinabi nito iyon. “Sige. Kinumusta ko lang yung date niyo ni Brye. Don’t forget our deal. Huwag na huwag mong lolokohin si Brye kundi lagot ka samin ni Jee.”

“Yes ma’am!” –Stephen

“Bye.” –Hyuu

“Bye!” –paalam niya din dito tsaka tinanggal ang earphone na nakapasak sa tenga. Napangiti naman siya ng maalala ang mga nangyari ngayong araw.

Hindi aksidenteng nagkita lang silang anim sa Jollibee dahil sinadya nila iyon. Tinext siya ni Jee na nandun sila at pumunta. Hindi naman iyon nahalata ni Brye dahil nagulat rin si Hyuu at Jee sa dalawang kasama niya.

Pagkatapos kumain habang nagpapalipas ng oras sa Jollibee ay katext niya si Jee at Hyuu kung pano sila mahihiwalay ni Brye sa mga ito. Naisip nilang papasok sila sa isang boutique at kapag hindi na ito nakatingin ay tsaka aalis sila Hyuu para iwan sila ni Brye doon.

Pero dahil sa hindi inaasahang pag-aaway nila Jee at Drazen ay nagulo ang plano nila. Pero dahil na rin sa kautakan ni Hyuu ay ginawa pa nitong excuse yon para mag-walk out din ito na ikinasunod naman ni Jeison. Kaya naiwan sila ni Brye doon na tinawag naman nila ni Hyuu at Jee na date.

Tungkol naman sa cellphone number ni Brye ay matagal na niya iyong nakuha noon pa lang sa bar last 2 weeks. Di niya lang ito tinetext dahil alam niyang busy ito para sa final exams ng mga ito at nagbabasabasa na rin siya noon ng mga trivia para kung magkikita o itetext man niya ito ay ready siya.

[Author’s POV]

Wiiihhh!!!! Natapos din sa wakas. Di ko lang po alam kung magugustuhan niyo. ^_^#

Continue Reading

You'll Also Like

83.4K 4.9K 18
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
7.4M 202K 42
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2M 136K 48
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
163K 3.4K 21
Dice and Madisson