chapter 1: The girl who ask trivia to his suitors

232 1 2
                                    

[Author's POV]

yeah guyses! it's already 1:33 am and still up to eat noodles with my kapatids and insan. mga trip nga naman pag bakasiyon. hahahaha

lets eat guys and hope you will like this first chapter of my story!!!! :))

Chapter 1: The girl who ask trivia to his suitors

 [Brye’s part]

“Hi Brye!” –bati ni Jeison kay Brye paglabas niya ng classroom nila. Naabutan niya itong naghihintay sa tapat ng pintuan ng classroom nila kasama ang kaibigan nitong si Richard.

Nginitian niya lang ito. (Eto na naman po siya). Matagal na itong nangungulit sa kanya tungkol sa ‘panliligaw’ nito sa kanya. Tama, ‘panliligaw’ daw dahil kung tutuusin isa lang naman ito sa mga lalaking gustong manligaw sa kanya dahil sa curiosity kung pano daw siya ‘magpaligaw’.

But she didn’t call it ‘ligaw’. Napagkakamali lang naman ang mga tao na ganun siya magpaligaw.

For her, asking those kinds ‘questions’ to them was just a way to show what kind of person she is.

“When do you want to ask a trivia to me? Wala na kong klase.” –Jeison

“Kahit ngayon na. San ba pwede?” –Brye, tsaka siya tumingin sa paligid. (Pagbigyan na nga ng matapos na. Humanda ka Jeison Martinez!)

“How about sa may bridge?” –Jeison

“Sure. Let’s go.” –Brye

Pumunta sila sa may bridge at nang makakita ng vacant bench pumunta sila dun at umupo. Sa school na pinapasukan niya ay may bridge kung saan may mga benches with table para maupuan ng mga student kapag break o vacant nila. Umupo ito sa harap niya.

Parang gustong pagsisihan ni Brye ang pagsama sa lalaking nasa harap ng makita niya itong ngumisi. (Hay! Bakit naman kasi nauna pa kong matapos sa quiz, dapat pala hinintay ko na lang sila Jiminnah!) Brye talked to herself.

Gustuhin niya man kasing hintayin sila Jiminnah sa labas ng classroom nila ay hindi pwede dahil pinagbabawal na tumambay sa labas ng classroom nila ang student na tapos na mag-quiz.

(Bahala na nga! Kahit naman iwasan ko tong Jeison na to mangungulit at mangungulit pa rin to. Bakit kasi ang ganda ko!!!! Hahahaha). Napangiti si Brye sa mga kabaliwang pinagsasabi sa sarili.

Akala ata ni Jeison ay siya ang nginingitian ni Brye kaya naman ngumiti din ito at nagpa-cute pa. Gwapo naman ito, oo. Pero kung gano ito kagwapo ay yon namang kabaliktaran ng ugali nito.

Hindi kasi nito alam na pinsan niya ang isa sa mga kaibigan nito. Hindi masiyadong ka-close ng pinsan niya ito kaya naman binalaan siya ng pinsan niya na wag magpapauto sa kagwapuhan nito.

Mayabang daw ito at babaero. He has a lot of girls everywhere, not just in their school. (Such a jerk!), sabi na lamang ni Brye sa sarili.

“So what’s the question, honey?’ –Jeison

(Aba’t! Pang-ilan na kaya ako sa mga babaeng tinawag niyang honey. Tama nga si insan, isa kang malaking bubuyog!!!!)  pinigilan niyang taasan ito ng kilay.

“Hmm. Do you think honeybees never sleep?” –tanong niya dito tutal naman ay isa itong bubuyog.

Nginitian pa siya nito bago sumagot. “I don’t think so. Sino bang ayaw matulog? Every living thing needs a rest so we should sleep.” –proud pang sagot nito sa kanya.

Tulad nga ng naisip niya, isa lang ito sa mga lalaking naku-curious at nacha-challenge sa kanya.

Dahil para sa kanya hindi naman mahalaga kung masasagot agad ang tanong niya. Mas mahalaga kung gagawa ito ng paraan para masagot iyon at malaman na rin nito kung anong sagot sa tanong niya.

Para sa kanya kung sanang inalam muna nito ang tamang sagot ibig sabihin ay totoong sincere ito sa panliligaw sa kanya. Ibig sabihin kasi non ay nakuha niya rin ang interes nito para malaman kung sino siya.

Hindi yung sasagot ito ng pagkayabng yabang pa hindi naman tama ang sagot. Malalaman niya din naman kasi kung hinulaan lang nito at sakaling tsumamba ito. Iba kasi ang pagkakasagot ng hinulaan sa alam talaga ang sagot.

“I’m sorry Jeison, but honeybees never sleep.” –tumayo na siya at nagsimulang maglakad pabalik sa classroom ng makitang nasa labas na sila Jiminnah. (Bastos na kung bastos pero mas malala naman ang pinag-gagagawa mo sa mga babaeng chini-cheat mo. At least, naiganti ko sila in my own way).

Nang makalapit kila Jiminnah ay niyaya niya na ang mga itong pumunta sa cafeteria at kumain.

“San ka tumambay, Brye?” –tanong ni Jiminnah ng makaupo na sila at makabili ng pagkain.

“Ah, wala tinanggal ko lang sa landas ko yung ewan na lalaking yon.” –Bryella

“You mean si Jeison?” –Hyoraine

“Yeah, isa siyang malaking bubuyog!!!!” –Bryella

Natawa naman ang dalawang kaibigan niya. “Bakit naman bubuyog?” –Hyoraine

Kinwento niya sa dalawa ang nangyari kanina at tawa ng tawa ang mga ito kung pano niya nilayasan si Jeison. Natawa na din siya, minsan kasi talaga ay lumalabas ang kamalditahan niya kapag alam niya kung gano kasama ang ugali ng isang tao.

Alam din kasi nila Jiminnah at Hyoraine kung anong klaseng tao si Jeison kaya naman di na nagulat ang mga ito sa kwento niya. Alam din nila kung anong hinahanap niya sa mga lalaking nagtatangkang manligaw sa kanya. Di naman siya pinapakailaman ng mga ito at kung tutuusin ay supportive pa nga sila.

Pagkatapos nilang kumain, magkwentuhan at tumawa ng tumawa ay pumasok na sila sa susunod nilang klase.

[Someone’s part]

“Yeah, isa siyang bubuyog!!!!” –narinig ni ______ na sabi ng babaeng nasa likod niya habang paupo siya.

(______’s table)

      ______

          Girl

   (Girl’s table)

“I ask him if honeybees never sleep, then he answered like this ‘I don’t think so. Sino bang ayaw matulog? Every living thing needs a rest so we should sleep’.” –he heard her as if she’s trying to talk like the guy they talking about.

Pinakinggan niya lang ang babae sa pagkukwento at napapangiti na lang sa tuwing parang inis na inis ito sa taong pinag-uusapan nila.

“He even called me honey… what the hell was that honey thingy…I mean, hello! I’m not like those girls he used to fling with…” –pinigilan ni ______ na matawa ng malakas dahil sa tila inis na inis na boses ng babae.

“I know, right? You Bryella Ann Sanchez who really hate his kinds and he even called you honey.” –nagulat si ______ sa pangalang binanggit ng isa pang babae.

(So this girl at my back is Bryella Ann Sanchez after all, the girl who ask trivia to his suitors).

[author's POV]

thanks for reading po. will update the chapter 2 and 3 tomorrow morning. :)

Love and Trivia --hiatus--Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon