Ikaw na ang Huli (slow minor...

By mugixcha

125K 5.4K 3.3K

During the 1899 Battle of Tirad Pass, General Gregorio Del Pilar was watching the movements of the enemy when... More

Author's Note
Disclaimer
I
II
III
IV
V
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
Afterword/Credits/Etc.

VI

3.1K 161 117
By mugixcha

Nagsimula na mag-trabaho si Goyong sa coffee shop ni Pau. Ang sabi sa'kin ng kaibigan ko, mabilis daw siyang matuto. Hindi na rin ako nabigla, alam kong 'piece of cake' lang 'yan para sa kanya. At sabi nga niya, sanay siya sa mga gawain kaya walang kaproble-problema. May mga napansin lang daw si Pau:

1. Minsan kapag tinitingnan niya ang limang piso, bigla siyang tumitigil saglit at nag-iisip.

Makakaget-over din siya siguro pag lumipas na ang mga buwan.

2. Yung pagsasalita niya ay minsan daw nakaka-bother.

Di naman daw 'yon malaking problema, minsan lang siguro nagtataka yung mga customers. Yung isang palagiang customer ng coffee shop, tinawag daw si Pau at sinabing: 'Bago lang siya? Ibang klaseng managalog. Tawag sa'kin Ginoo.'

Gumawa na lang ang kaibigan ko ng kung anong kwento- -na taga-Bulacan siya, may pagka-makata at mahilig gumawa ng mga tula. (Totoo naman nga na si Goyong ay taga-Bulacan.)

3. Yung ibang mga babae, pinag-i-interesan daw siya.

Hindi man nila yuon sinabi sa kaibigan ko, napansin niya na pinagtitinginan siya ng mga babae lalo na kapag grupo-grupo sila, pinag-u-usapan daw siya.

So, GGSS na naman siya siguro kung napansin niya 'yon? Wow. Hindi naman siguro lahat type siya 'di ba? 'Di na 'to ang lumang panahon, yung mga ibang babae ngayon gusto na din ng foreigner at yun mga tipong mixed. Pero akalain mo, nakikipagsabayan pa pala ang appeal niya sa modern world? Bangis!

Sa susunod na linggo, magsisimula na rin ako mag-trabaho ulit kela Pau. Binalaan niya ako tungkol sa isang bagay na ayokong marinig.

"Friend, andito si Tisoy nung isang araw."

"Anong sinabi mo?"

"Eh 'di siyempre, sabi ko wala ka... pero 'di ko naman sinabi na babalik ka na next week 'no!"

"Mabuti 'yan. Dapat 'di niya alam."

"Eh paano 'pag bumalik?"

"Bahala siya."

---

Naghuhugas ng pinggan ang Heneral. Napagusapan naming mag-take turns sa gawaing bahay. Mapilit siya eh. Eh 'di hindi na ako humindi.

"Huy, Goyong. Ano 'to? Sayo 'to?" Nakita ko may isang tissue na nakalapag sa mesa na may nakasulat na cellphone number.

"Ah, oo. Isang magandang dilag ang siyang nagbigay ng papel na iyan," sagot niya.

"Wow! Wow lang. Tatawagan mo?"

"Siguro'y papadalhan ko na lamang muna ng 'liham'." 

Lumingon siya sa'kin nang nakatawa.

Liham ang tawag niya sa "text message" dahil raw ito ang "makabagong liham".

Once a playboy, always a playboy? Porket naturuan ko ng mag-text, mag-t-text na. Aariba nanaman ang machismo life ni Del Pilar in the modern world.

Oh, Diyos ko!

Patawarin niyo sana ako, pero naiisip kong pa-sikretong basahin yung mga messages na i-s-send niya. Curious lang naman ako kung ganito yung format:

<Mahal kong (insert girl's name),

Malanding message (i.e. Ikaw ba ay naghapunan na? Kani-kanina lamang ay bigla kitang naisip at ako'y nangulila bigla sa iyong mga ngiti. Hawak-hawak ko pa rin at inaamoy ang lamuymoy na iyong binigay kung saan ang numero ng iyong telepono ay nakasulat. P.Dios! Sandali lamang! Ikaw ba ay tiyak na naghugas ng iyong mala-birheng mga kamay bago ito iniabot sa akin?)

Umaasa sa iyong sagot, Goyong>

Hindi ko maintindihan kung bakit sa tissue paper na galing banyo isinulat ng babae yung number niya eh pwede naman duon sa tissue sa mesa siya kumuha? Oo nga naman, walang basagan ng trip.

---

Minsan kapag wala na kaming ginagawa sa gabi, pinagmamasdan ko siya habang nakadungaw sa bintana. Parang ang lalim ng iniisip niya parati.

"Goyong, iniisip mo pa din ba ang digmaan?" Malamang iyon ang naiisip niya tuwing nakakakita ng limang piso.

"Imposibleng hindi ko iyon makalimutan. Bago ako makarating dito, iyon ang huling pangyayari sa aking buhay. Naruon na ako sa Tirad, handa na akong ibuwis ang aking buhay. Alam ko mahirap ang pagsasakripisyo, ngunit wala akong pinagsisihan sa lahat ng aking mga napag-desisyunan."

"Dahil walang makapagsasabi kung kailan ka babalik sa nakaraan o kung makakabalik ka pa ba, sana maging payapa at maligaya ang buhay mo sa ngayon."

Ang cheesy ko mang pakinggan, 'yon talaga ang gusto kong sabihin sa kanya.

"Maraming Salamat."

"'Pag nakabalik ka, wag mo kong kakalimutan ha?"

"Sigurado iyon, Binibini," aniya bago bahagyang ngumiti. "Akin palang naalala, ikaw ba ay mayroong isang blankong kwaderno?"

"Oo meron, nandyan pa nakatago yung ibang di ko pa nagagamit." Kinuha ko sa maliit kong book shelf ang isang black sign pen at itim na notebook. Pinagpag ko iyon at iniabot sa kanya.

Ito dapat yung gagamitin ko para sa 'Happy thoughts' diary ko way back nuong college, pero never ko nasimulan. Isang psychiatrist na aking nakilala ang nag-suggest na magtago ako ng isang diary kung saan maglalagay raw ako ng mga happy thoughts para mas ma-program daw ang utak kong mag-focus sa masasayang bagay.

Hindi ko pinaniwalaan ang method niya kaya hindi na ako bumalik sa kanya at kahit nag-attempt akong simulan ito, hanggang sa pagbili lang ng notebook ang nagawa ko.

Bigla akong na-curious kung para saan at naghahanap ng notebook ang Heneral. Umariba ang aking pagka-usisera.

"Para san 'yan, diyan mo ba lalagay lahat ng numero ng mga babaeng mababaliw sa'yo at kababaliwan mo rin?" pabiro kong tanong.

"Matalino ka talagang binibini! Maraming salamat pala rito."

---

Masaya ako na nakabalik na din ako bilang employee sa coffee shop ni Pau. Gustung-gusto ko kasi yung atmosphere. Hindi kalakihan ang lugar at ang cozy. Kahit hindi ganuong kalaki ang sweldo ko, at least may pera at natutulungan ko rin si Pau sa ibang kailangan para sa improvement ng kanyang business.

Sa panahon ngayon ang hirap maghanap ng trabaho at mahirap din maging choosy. Mahirap isisi lahat sa gobyerno at kailangan gumawa ng paraan para huwag magutom at may matuluyan.

Ang weird lang na kasabay ko si Goyong na nagttrabaho. Ngayon, habang wala pa akong klase, parehas kaming full-time pero magka-iba minsan ang schedule namin.

Kahit ganuon, parati pa din kaming sabay umuwi. Ang sabi nga niya kasi, hindi daw dapat nag-iisang umuwi ang babae kapag gabi. Kahit 'pag inaabot ako ng closing time at siya naman ay hanggang 6PM lang, matiyaga parin siyang naghihintay.

Pinapauwi ko na nga siya o kaya pinipilit mag-lakwatsa sa malapit na lugar kaso ayaw niya.

Clingy?

Meron na din naman siyang duplicate key sa apartment.

Isang gabi, dumating na rin ang inaasahan kong dumating.

"Naabutan din kita. Finally. Sabi ni Pau 'di ka na daw dito nag w-work. Eh andito ka naman pala! He lied to me," inis na sabi ni Francis.

"Anong he lied to you? Wala talaga ako dito ilang buwan na. Sige na, mauna na ko. Uuwi na kami."

"Kami? Who's going home with you?"

Biglang lumabas si Goyong mula sa coffee shop at kinawayan si Pau. Napatingin dito si Francis bago ibalik ang mga titig sa'kin.

"Him?" sabay turo niya kay Goyong.

Paglapit ni Goyong, tinitigan siya ni Francis mula ulo hanggang paa.

"Sumama ka sakin."

Hinatak ni Francis ang braso ko. Sira ulo talaga 'tong spoiled brat na 'to!

"Teka nga, bitawan mo ko! Uuwi na kami!"

"Ginoo, mawalang galang na. Hindi mo siya kinakailangan kaladkarin upang sumama sa iyo. Wala ka bang natitirang respeto para sa mga kababaihan?" ang mahinahong pagkakasabi ng Heneral.

"Anong pinagsasabi mo? Hey Miho, sino 'tong pakialamero na to?"

Hinatak ulit ako ni Francis pero biglang tinulak siya ni Goyong.

"Marahil hindi ka rin marunong makaintindi!"

Naisip ko na lalabas niya ang kanyang baril pero oo nga pala, iniiwan lang niya yuon sa apartment dahil sa aking babala.

"Wait, don't tell me he's your boyfriend, Miho? So you're living with him?"

Natahimik ako. Hindi naman ako kabilang sa napakaraming girlfriend nitong si Heneral pero oo, we're living together. 'Yun ba ang sasagot ko?

"Siya ba Miho? Ang pinalit mo sa'kin?"

Hinawakan ni Goyong yung kamay kong nanlalamig sa kaba at galit.

"Huwag mo na uli siyang subukan saktan. Hindi ka na niya kailangan pang kausapin ukol sa mga bagay ng nakaraan sapagkat tapos na ang lahat ng namamagitan sa inyo. Wala kang karapatan para gumamit ng dahas upang gawin niya ang ayaw niya namang gawin. Hindi ganuon ang pagrespeto sa isang binibini. Pakatandaan mo iyan!"

Mas hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko at naglakad kaming palayo. Tama ba yung kwento ng lola ko na nuon daw kapag naghawakan daw ng kamay ang babae at lalake ay dapat ng ikasal?

"Wala na kami ni Irish!" pasigaw na sabi ni Francis.

So? Ano ibig sabihin niya? Babalikan niya ako?

Tuluy-tuloy lang ang lakad namin at walang ni-isa saming nagsalita pauwi.

Pag dating ng bahay, saktong tumawag si Pau.

"Miho, nakita ko 'yun kanina ha. Okay ka lang ba?"

Nakita pala niya at narinig ang lahat.

"Oo, okay lang. Salamat sa pangangamusta."

"Sige, see you tomorrow."

"Bye-bye."

---

"Heneral.." Ang awkward bigla. Parang hindi ko alam kung ano yung dapat kong sabihin.

"Patawad kanina. Ang pagpigil sa aking sarili ay hindi ko nagawa." 

"Salamat ah. Sorry din nadamay ka pa dun sa away namin."

"Ayaw ko lamang na binastos ka niya. Ngunit akin ding naisip, baka nararapat din na siya'y kausapin mo sapagkat pakiramdam ko, hindi siya titigil hangga't di kayo nagkakausap."

"Wala na ding dapat pag-usapan. Ewan." Humiga ako sa kama at tiningnan ang Heneral na nakaupo sa sofa.

"Kapag nangyaring binastos ka pa niya uli, sabihin mo lamang sa akin." Naglilinis siya ng kanyang gold-plated revolver habang sinasabi iyon ng nakangiti.

Walang nag-open topic tungkol sa hawak-kamay na moment nuong gabi na yon. Ano naman kaya pumasok sa isip niya para gawin iyon?

Siguro para lang iligtas ako sa moment na kailangan ko ng makaalis. For the sake na tumigil na si Francis.

Biglang nakaramdam ako ng urge magtanong kung totoo yung tungkol sa pagnaghawak ng kamay nuong lumang panahon ay dapat ng ikasal-- kasi baka nung bata ako pinaniwala lang ako ng lola ko duon para mag-ingat sa paghawak ng mga palad ng mga lalake na baka nanggaling ng banyo at hindi nag-hugas ng kanilang mga kamay.

Ang lola ko ay may OCD nuong siya'y tumanda na, natakot sa paghahawak ng kung anu-ano dahil daw may germs ang mga ito at namatay siya ng hindi siya gumaling.

Binura ko na lang muna ito pansamantala sa isip ko at itinulog na lang ang awkwardness na aking nararamdaman.

Continue Reading

You'll Also Like

43.1K 1.8K 73
❝prince nga, pangit naman ugali.❞ γ€€β–¬β–¬β–¬β–¬β–¬ γ€€stray kids' hwang hyunjin γ€€Β© geonpyak [12/30/18 - 02/10/19]
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70.6K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
61.3K 2.4K 38
(Battle of Manila 1945, Post World War II to Contemporary History) Ilang buwan na ang nakalipas magmula nang mapunta si James Salvacion sa taong 1945...
21.6K 765 109
❝love is game where gambling is required and there are few ways to win the game.❞ morpheus series: the sequel nct dream ff english-tagalog date star...