Ikaw na ang Huli (slow minor...

Autorstwa mugixcha

125K 5.4K 3.3K

During the 1899 Battle of Tirad Pass, General Gregorio Del Pilar was watching the movements of the enemy when... Więcej

Author's Note
Disclaimer
I
II
III
IV
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
Afterword/Credits/Etc.

V

3.4K 172 130
Autorstwa mugixcha

Nang gabing iyon pag-uwi namin sa bahay, bigla akong nagkaroon ng unexpected call mula sa taong ayokong kausapin.

"Hello?"

"Miho. It's me, Francis."

"Anong kailangan mo?"

Gusto ko ng ibaba. Ano na naman kailangan ng ungas na 'to?

"Can we talk?"

"Ano pa ba ginagawa natin, di ba to 'talk'?"

Minsan umiiral din ang pagiging pilosopo ko.

"I mean, mag-usap. Labas tayo. We need to talk."

Talk mo mukha mo.

"Busy ako."

"Since when?"

"Lately lang. Sige, bye."

Binabaan ko. Bwisit.

"Miho, may problema ba? Tila ikaw ay balisa. Sino ba ang iyong kaaway?" sabi ni Heneral na sa kasalukuyan ay nag-u-unat.

Pakiramdam ko nangangalay na siyang matulog sa sofa.

Narinig pala ako ni Goyong. Oo nga naman, maliit lang ang kwarto at ang lakas ng boses ko.

"Ahh, sorry. Ang ingay ko pala. Wala 'yon. Sorry, nagising yata kita. Matulog ka na uli. Magandang gabi."

Tinakpan ko ang sarili ko ng kumot at sinubukan ng matulog.

Ano na naman ba kasi ang kailangan ng Francis na 'yan?

---

Sa sumunod na mga araw, pinlano ko dalhin si Goyong sa labas at maglakad kung saan-saan. Maaraw at mahangin, para sa akin ito ang best weather at mukhang gusto rin ito ng Heneral.

Disyembre pa din at ramdam ang kalamigan sa umaga lalo na sa madaling araw tapos kapag dating ng tanghali ay minsan para ka pa ding nasa impyerno.

Tumatagtak ang pawis mo kahit buwan na ng ka-Paskuhan at na-i-inggit ka sa winter season ng ibang bansa kung saan pwede silang pumorma ng tinatawag na 'layering' at magtampisaw sa snow.

Hindi natin kasalanan na walang snow sa Pilipinas, pero sa ibang bagay tayo tiyak ay nagkasala at ito na ata ang resbak ni Mother Nature.

Pinagmasdan namin ang mga iba't ibang Christmas decorations ng bawat establishments na aming nadadaanan na siya namang nagtulak kay Goyong para mag-kwento tungkol sa mga experiences niya ng Pasko kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Ramdam na ramdam ko ang lungkot at pananabik sa kanyang boses. Dapat sana ilang Pasko pa na kasama niya ang kanyang mga magulang at mga kapatid o di kaya kasama din ng girlfriend niya kaso ang aga naman niyang naging busy sa pagtatanggol sa bansa na siya rin namang ikinamatay niya ng napaka-aga.

Ngayon, nakaramdam ako ng matinding guilt dahil mukhang ako ang makakasama niya sa mga special occasions at hindi ako worthy para maging kasama niya.

Naputol ang pagkkwento ng Heneral nang napansin namin na sa isang gilid ay may isang batang umiiyak sa harap ng kanyang nanay at tinuturo si Jollibee. Maya-maya ay bigla ng lumevel up ang tantrums niya at nagwawala na siya sa sahig. Sa harap naman namin mayroong batang sumisigaw ng "Jabi!" habang tinuturo din ang kainan na para bang gusto niyang pumasok sa loob.

"Tila mahal na mahal ng mga bata ang bubuyog na iyon."

"Ah si Jollibee, sikat na kainan 'yan dito. Ang may-ari ay isang lalaking Tsino na mamamayan ng Pilipinas- sa mabilis na salita, pag-aari ng isang Pilipino. Di lang sila yung dalawang bata na nakita ko na parang namamatay na sa harap ng magulang para makapasok lang sa loob."

"Ganuon ka rin ba nung ika'y bata pa?"

"Hindi eh. Wala akong maalalang nagwawala ako para kay Jollibee."

"Marahil nuong bata ka, nais mo kumain sa mga banyagang kainan kaya isinantabi mo ang maliit mong interes para kay 'Jollibee', Aminin mo. Hindi naman kita parurusahan."

"Hindi no!" Pero ang totoo kasi niyan mas-type ko yun A&W at Mcdo simula bata pa ako, sinikreto ko na lang sa aking sarili.

"Ang mga bata'y nakakaramdam na mayroon silang bagay na gustong matamo, ngunit ito'y hindi nila magawa sapagkat alam nilang ito'y nakadepende sa kanilang ina. Kung mas malaki na sila, mas may kakayahan at mas alam na nila ang mga gagawin ay maari nila makamtan ang nais ngunit dahil sila'y maliit pa- ang pag-subok na makamtan ito sa maliit na paraan ay kanilang ginagawa. Marahil ito rin ang naramdaman ng lahat ng Pilipinong nakipaglaban sa panahon ng gyera. Alam nila na maaaring hindi nila matatamo ang minimithing kalayaan ngunit sa maliit na paraan ay sinubukan pa rin nila ng buong tapang kahit pa nagmamatigas ang kalaban."

From kids throwing tantrums because of Jollibee na na-i-konek sa Filipinos who fought during the war.

I'm speechless.

---

Dinala ko si Goyong sa isang open park at niyayang umupo duon. Bago ako bumili ng dirty ice cream, in-explain ko sa kanya ang mga possible reasons kung bakit tinawag na dirty ang pagkain na kakainin namin. Naalala ko bigla na ipakitang mabuti sa kanya ang ibang mga perang dala ko.

"Tignan mo oh, si Quezon at Aguinaldo." At mukhang namangha siya sa kanyang nakita. Naglabas pa ako ng iba. "Si Rizal, Bonifacio at Mabini."

"Yuong akin ay nasaan?"

Nagpigil ako ng tawa.

"Wala e. Di ka pwede ilagay sa pera baka di na namin ipambayad."

Natawa siya. Na-gets niya siguro ang gusto kong sabihin.

---

"Nasaan pala ang mga magulang mo? Bakit nag-iisa ka lamang nakatira duon?"

"Namatay na ang tatay ko, bata pa lang ako. Yung nanay ko nasa-Japan, nagttrabaho. OFW. Overseas Filipino Worker. Manggagawa sa ibang bansa. Sabi nila ang mga makabagong bayani daw ay OFW. Ibig sabihin, yung nanay ko makabagong bayani tapos yung katabi ko ngayon, bayani. Wow. Puro bayani."

"Kinalulungkot ko marinig ang tungkol sa kamatayan ng iyong ama. Hindi rin ganuong kaganda ang iyong sitwasyon na wala ang iyong ina, ngunit matapang ka pa ding namumuhay sa pang-araw-araw ng nag-iisa ka lamang. Walang nag-aalaga sayo at marunong kang tumayo sa sarili mong mga paa habang ang iyong ina, naruon sa ibang bansa at nagsisikap ding magtrabaho upang mabigyan kayo ng magandang bukas."

Pinigilan ko maiyak. Hindi alam ni Goyong ang mga pinagdaanan ko pero kung ikukumpara sa pinagdaanan niya, walang wala itong mga pinagdaanan ko. Kumbaga parang ako, nangati lang ang tenga ko, pero siya, inoperahan yung tenga kasi na-infect. Parang ganun kalaki ang agwat ng paghihirap.

Sa kalagitnaan ng pagkain ng ice cream, May nakita kaming naglalampungan sa may harap. Kinikiliti nung guy yung girl tapos maya-maya hinahalikan na kung saan-saan. Tapos si girl naman parang naiihi sa kilig. Parang gusto kong tumayo at abutan ng 200 pang-motel dagdagan nalang nila 'pag kulang.

Paglingon ko kay Heneral, nahuli ko siyang tumitingin ng pasimple duon sa palabas. Siniko ko siya sa tagiliran.

"Sa panahon ngayon ay ganyan na ba? " Nagpipigil siya ng tawa.

"Oo, meron mga gumagawa ng ganyan. 'Di makapagpigil. Tss. Ah, alam ko na kung bakit ka natatawa, naaalala mo sarili mo at yung isang daang mga kasintahan mo, 'no? Nung dati kasi hindi pa ganyan ang pag-papakita ng pag-ibig na tipong nasa harap ng maraming tao, hindi ba? Kaya sa mga lihim na lugar niyo lang ginagawa. Teka, Ilan ba talaga sila?"

Hindi na niya napigilan pang tumawa. "Hindi iyon isang-daan! Pinaparatangan mo ako ng isang kasinungaling, Binibini!"

Playboy! Kala mo 'di ko alam 'yon?

"Sa bawat lugar na mapuntahan mo, may kasintahan ka daw. Ayos ka rin eh, 'no. Matinik. Gwapo mo."

"YOLO," ang matalinong hirit niya. Natawa na lang ako. Badtrip. Kada-lipat ng lugar, GGSS siya siguro!

"Baka naman mamaya sa lahat ng lugar na mapuntahan natin, humanap ka ng babae. Tsk tsk, wag mo dalin ang lumang nakasanayan, utang na loob!"

"Nagkalat ang mga mayuyuming Binibini sa modernong Pilipinas."

Tiningnan niya ang dumaang babae na naka-mini skirt.

"Ang mga makabagong damit ay tila nakakanibago. Kagaya niyan: manipis at mas kaunting tela ang ginamit, hapit at kitang-kita ang bawat kurba."

At talagang inobserbahan niya itong maigi na parang isang bagong kakilala na kinikilatis.

"Eh 'di, ansaya mo."

Natawa siya.

"Miho, Ikaw ba ay may kasintahan?"

"Wala. Wala na. Wag mo tatanong sakin kung ilan, hindi 'yon kasing dami ng sa'yo."

"Yung Ginoo na kausap mo nuong isang gabi at mula sa iyong boses, ay tila bagang punung-puno ka ng pagkamuhi sa pagkatao niya, siya ba ang dati mong nobyo?"

Para akong na-hot seat. Ano 'to, revenge sa pang-uusisa ko kanina?

"Oo, wala na kami. Manloloko 'yon. May ibang babae. Iniwan ako sa ere. Ayun, tapos na yung usapan."

"May nararamdaman ka pa ba para sakanya?"

"Oo naman 'no! Galit."

"Sige."

"Anong, sige?"

"Miho, sa susunod, ikaw naman ang bibilhan ko nitong tinatawag na dirty ice cream. Salamat."

Iniba niya ba yung usapan?

Sa mga oras na iyon, pakiramdam ko mas magaan na ang loob ko sa kanya. Para na siyang isang kaibigan o kapatid.

Maliban kay Pau, wala naman akong ibang taong pinagkakatiwalaan at sinasabihan ng kwento ng buhay ko. Ngayon, sa taong nasa tabi ko, alam ko na pwede ko siyang pagkatiwalaan ng lahat ng bagay kagaya ni Pau.

Sa suot niyang jeans and shirt, isa na lamang siyang normal na lalake na nabubuhay sa modernong panahon.

Hanggang kailan kaya siya mabubuhay kasama ko?

Hanggang kailan kaya siya titira kasama ako?

Sa totoo lang, hindi naman ako konserbatibo para pandirihan na may kasama akong lalake sa bahay. Hindi nga lang maganda sa mata ng ibang tao, pero wala naman kaming ginagawang masama.

Bukal sa loob ko na tulungan siya. Hindi dahil isa siyang bayani. Nangyari na lang na natagpuan niya ako sa ganung paraan kaya parang wala akong dahilan para hindi siya tulungan.

Mali nga na hinusgahan namin siya agad ni Pau nuong asa Candon kami, pero hindi naman kami masisisi. Sa panahon ngayon, napakaraming gago sa paligid.
Hindi madali ang magtiwala dahil mas maraming gumagawa ng masama kesa mabuti.

Alam kong mabait at isang taong marangal si Goyong at wala siyang gagawing masama. Hindi na ito ang unang panahon na kailangan niyang pumatay at mamatay para sa leader at sa bayan. Ang kailangan na lang niyang gawin ay mabuhay ng tahimik.

Kung hindi, hindi ba't sayang naman ang second life?

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

1.1M 70.6K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
49.7K 1.1K 32
Highest Rank: #19 in Historical Fiction (04/09/18) #1 in Kasaysayan #7 in History #1 in History(08/12/19) #5 philippines (10/16/21) Paano kung ang is...
85K 3.5K 33
An accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Ra...
21.6K 765 109
❝love is game where gambling is required and there are few ways to win the game.❞ morpheus series: the sequel nct dream ff english-tagalog date star...