HATBABE?! Season 2

By hunnydew

492K 12.7K 7.3K

*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real expe... More

HAT-BABE?! Season 2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39

Chapter 30

7.2K 267 166
By hunnydew

Malaki na talaga ang goldfish memory ko.

Mantakin niyo, pumasa ako sa Theology! Lahat naman kami pumasa, pero kasi...dos ang grade ko! Mataas na 'yon! Lagi kasing 2.5 ang grade ko eh. Wala pang tumaas dun. Ngayon pa lang nangyari 'to!

Ang saya nga ni Mama nung sinabi ko sa kanya. Dapat ganun daw lagi kaya ipagpatuloy ko raw.

Ang kaso, hindi ko alam kung ano ang eksaktong ginawa ko. Tsk.

Basta pagkauwi ko at saktong wala pa sina Kuya Chuckie at Kuya Mac, sisilipin ko yung FB para alamin kung in-accept na ba ni Taki. Pero enko dun. Di yata active sa FB eh. Ilang linggo nang nakatengga yung friend request ko sa kanya, di pa rin tinatanggap. Ni-follow ko naman na siya, kaso...puro lyrics lang ng kanta tsaka repost ng quotes ang nandun. Eh yung mga pictures niya ang gusto kong makita. Puro naka-private naman.

Inisip ko na lang na baka busy siyang mag-aral. Kaya nag-aaral na lang din ako pansamantala.

Minsan nga nakakatulugan ko ang pagbabasa habang nakasandal kay Kuma-chan eh.

Pero ayun nga, parang mas madali na para sa goldfish memory kong makaalala at makaintindi ng mga bagay-bagay.

Nagsimula lang talaga yun nung tinatago ko sa loob ng punda ng unan o kaya ginagawa kong bookmark yung picture ni Mr. Smiley na may autograph niya. Akalain niyo, mabisa pala talaga yung technique ni Louie!

---

"Natapos ko na ring basahin ang sanaysay ninyong lahat," bungad ni Miss Grace pagkalapag niya ng mga gamit niya sa table. "Yung iba, masyadong siniseryoso. Hindi naman ito sociology class pero talagang inihambing niyo ang french fries sa pagkakaiba ng bawat tao..."

Habang nagsasalita siya, at nagtatawanan ang mga kaklase ko, hindi ako mapakali.

Nawawala kasi yung picture ni Taki na may dedication pa niya, huhuhu.

Ang alam ko, nasa pitaka ko 'yun eh! Naging ritwal ko na kasi yung paggising ko sa umaga, kukunin ko yung picture niya sa loob ng punda ng unan ko tas ilalagay ko sa pitaka ko, o kaya iiipit ko sa notebook. Pero binaliktad ko na't lahat ang bag ko, di pa rin lumilitaw.

"Ano ba 'yang hinahanap mo? Bubble gum ba?" bulong ni Martin kasi pinahawak ko sa kanya lahat ng gamit ko.

"De, lucky charm ko," mahinang bulong ko.

"...Meron ding iba sa inyo na isinalaysay kung paano niluluto ang french fries... pati mga sangkap, ilang minuto lulutuin, kung paano ang mabisang pagtanggal sa mantika..."

"Ano bang itsura?" tanong ulit ni Martin.

"Picture galing sa magazine na may autograph."

"Artista?"

"Oo," lukot ang mukha kong sabi sa kanya habang kinukuha ko ulit ang mga gamit ko sa kanya at nilagay ulit sa bag ko. Tapos yung pitaka ko ulit ang kinalkal ko kahit isa lang naman ang zipper at puro barya lang ang laman. Binukadkad ko rin yung kaisa-isang bente pesos na papel baka sakaling nasama ko dun pero wala rin eh. Huhu. Nasa'n na ba 'yon?

"...pinakanatuwa ako sa naghambing ng french fries mula sa sa McDo, Jollibee at kung anu-ano pang kainan..."

"Sinong artista? Anong pangalan?"

"Taki Grasa."

"Ha? Ngayon ko lang narinig. International celebrity ba galing Japan? Voice actor, ganon?"

"...pero ang pinakagusto niya, ay yung luto ng Mama niya na mas sumasarap daw kapag pinagsasaluhan ng buong pamilya."

"Naaaks! Hugot!"

"Hindi ko alam," mahina kong sagot kay Martin.

"Ha? Eh, paano mo nalamang artista?"

"'Wag ka ngang maraming tanong," asik ko sa kanya. "Baka mamaya mapagalitan pa tayo--"

"Charlotte Pelaez."

Napalunok ako ng laway. Si Martin kasi eh! Ang daldal! Nahuli pa tuloy ako. Suking-suki na ako kay Miss Grace kasi lagi niya akong nahuhuling nakikipagdaldalan sa mga katabi ko eh. "Po?"

"Tumayo ka at kunin mo itong sanaysay mo," utos niyang nakangiti. Agad naman akong sumunod at lumapit sa kanya. "Mahusay. Isa ka sa mga nakapagtala ng pinakamataas na marka."

Parang nagkaroon ng rambol sa loob ng klase habang tulala lang ako. "Po?"

"Apat kayong nakakuha ng 1.25 sa pagsulat ng sanaysay," ulit niya.

Ilang minuto talaga akong nakatitig sa papel ko, tas nagpabatok na rin ako kina Dennis, pero yun talaga yung grade ko eh! One point twenty five. Di ako namamalikmata!

"Binibining Grace! Anong himala ang nangyari? Paano naging highest si Charlie?"

"'Pag nabasa niyo ang sanaysay niya, maiintindihan niyo dahil alam niyong galing sa puso ang sinulat niya."

"Galing sa bituka po Ma'am dahil pagkain ang usapan, hahaha!"

Pero di ko na sila pinakinggan at maingat na itinupi yung papel ko bago tinago sa bag. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag highest ka sa isang test 'no? Kaya siguro talagang nag-aaral nang mabuti sina bespren pati si Mason. Kasi parang... ang laking achievement!

Sobrang natuwa sina Mama nung pinakita ko yung essay. Sa sobrang saya niya gusto niyang ipa-frame, hahaha! Sabi ni Papa sa album na lang daw kasi baka mapuno ko raw yung kwarto namin kung lahat na lang ng test paper na mataas ang grade ko, ipapa-frame ni Mama.

Kaya mahal ko sina Mama ko kasi may tiwala talaga sila sa'kin eh.

"Mabait siguro yung instructor na yun. Pangalan pa lang, mabait na eh," biro ni Kuya Chino.

Ngumuso ako. Grabeee. Ganun na ba talaga kaimposibleng makakuha ako ng mataas na grade?

"Sinong inspirasyon mo, Prinsesa at parang ganado ka yatang mag-aral?" nakangising tanong bigla ni Mama.

Agad namilog yung mga mata ko! Tas naramdaman kong uminit ang pisngi ko!

"Luh-luh-luh-luh-luh...bakit nangangamatis kang bata ka ha?" banta ni 'Ya Marcus.

"Eh kasi..."

Napasinghap sila. "Don't tell me, meron nga?"

Tinitigan nila akong lahat. Bago ako yumuko at tumango. Si Mama, pumalakpak tas nagpipigil tumili. Si Papa, tumawa lang. Si Kuya Chuckie, nag-walkout. Tas nagbulungan yung tatlong bugok. Sayang talaga wala si Mase, wala akong kakampi, huhu. Nataon pa talagang nandito lahat ng kuya namin, huhu.

"Chad! Kuha ka ng biodata!" Sigaw ni Kuya Marcus.

"Eeehh...kuya, 'waaag...diba sa mga gustong manligaw lang 'yon. Di naman nanliligaw 'yon. Di pa nga ako ina-accept sa FB..." nakanguso kong kwento.

"Eto ba 'yon?" tiim-bagang tanong ni Kuya Chuckie. Hawak na niya yung picture ni Taki na kanina ko pa hinahanap!

Pinagpasa-pasahan pa talaga nila! Tas inalipusta yung pangalan ni Taki kasi ambantot daw. Grabe talaga, huhu. Tas tinanong nila ako kung saan ko raw nakilala. Edi sempre sabi ko nakita ko lang sa magazine tas pina-autograph ko sa kaibigan ng pinsan ng kaklase ko. Baka mamaya 'pag nalaman nila kuya na kaibigan ni Hiro 'yon, ipabugbog pa nila. Nuuu.

"Ayos lang kung international star o kung ano...malabong makadaupang-palad ni Prinsesa," nakangiting sabi ni Kuya Chad. Pero yun na naman yung ngiti niyang di abot sa mata kaya mas nakakatakot. Napalunok pa nga ako nang ilang beses kasi pakiramdam ko, hinuhuli niya kung magsisinungaling ako, huhu.

"Hayaan niyo lang si Charlotte kung magka-crush siya at doon makakuha ng inspirasyon." Si Papa ang nagsalita, tas tinanguan pa ako. "Ngayon lang ginanahang mag-aral at improving naman, tapos tututulan niyo pa. Masyado kayong mahigpit sa kapatid niyo. Bakit di niyo na lang suportahan."

Tumahimik bigla sa hapag-kainan. Mali, si Mama pala, humahagikgik.

"De, ganito na lang... kapag ganyan din ang grade mo sa College Algebra mo, ililibre kita sa  Sambokojin," sabi naman ni Kuya Mac.

Ako pa. Ako pa talaga ang hinamon niya. Sambokojin 'yon! Eat-all-you-can na naman!

Nagpuyat talaga ako halos araw-araw para sa midterms namin. Tinititigan ko na lang yung picture ni Taki kapag napapagod yung mata tsaka utak ko sa kakahanap ng X ni Y. Saan ba kasi pumupunta yung X na 'yon at pati tayo namumroblema sa paghahanap non? Tss.

At least ngayon, hinahayaan nilang nakadisplay sa mesa yung picture ni Taki. Di na yung tinatago ko pa sa kanila, hehehe. Pero kapag matutulog na ako, nilalagay ko pa rin sa ilalim ng unan ko para gumana ulit yung good luck.

---

Hindi ako nakakuha ng 1.25 sa college algebra midterms.

Pero!

Pumasa ako! 2.5 ang grade ko! At kasama ako sa mga nakapasa, huehue. Kalahati kasi ng klase namin ang bumagsak eh. Ang saya talaga! Parang sinaniban ako nina bespren tsaka ni Mase! Siguro kung ni-review nila ako, makukuha ko yung 1.75!

Wala akong libreng Sambokojin, pero masaya pa rin ako.

Dahil talaga 'to kay Taki eh. Tama lang na Lucky Charm ang bago kong code name para sa kanya, huehue. Pag in-accept talaga niya ako sa FB, aayain ko siyang lumabas para mapasalamatan ko.

Wala naman na akong narinig na kahit ano kina kuya kasi alam nilang good influence sa'kin si Lucky Charm Taki... In short... Lucky Taki...hehehehe. Pero di ko pa rin inaamin sa kanila kung sino talaga siya. Malay ko ba kung artista nga siya o ano. Pag talaga inaccept niya ako sa FB-

Saktong binuksan ko yung account ko pagkauwi sa bahay. At bumungad sa'kin yung suggested friends galing kay Kuya Mac! Akalain niyo, may FB na rin si Mason! Tas sempre, inadd ko siya at tinignan agad yung wall niya. Meron na kasi siyang post eh. Pero 'Uy' na may smiley lang. Kagagawa lang niya ng account niya, may 37 likes na agad! Marami palang friends 'yon?

Ay mali. Marunong palang magFB si Mase?!

At mas kagulat-gulat... NAGCOMMENT SI BESPREN LOUIE!

Di man lang nagsabi na may FB na rin pala siya! Sunud-sunod na yung comments sa pinakauna niyang status message! Edi sempre, ni-like ko muna yung status niya tas nag-comment na rin ako at sinabi kong i-like din niya yung mga pictures at status ko rin, huehuehue.

Tas bigla-bigla kong nakitang...NAGCOMMENT DIN SI TAKI!

Andayaaa! Bakit ganun? Nauna ako kay bespren ah, bakit di niya ako pinapansin, huhuhu.

Agad ko namang inalis yun sa isip ko. Baka ni-suggest ni Hiro si bespren kay Taki. Tas ngayon lang din nag-open ng account si Taki at inuna niyang sundin yung utos ni Hiro. Tas sempre marami rin siguro siyang friend request tas nabaon na yung sa'kin.

"Psstoy." Kinutusan ako ni Kuya Mac. "Pabor akong tumataas ang grade mo dahil sa Lucky Charm mo na 'yan ah. Pero di ako pabor na pinagpupuyatan mo ang pagsi-stalk sa kanya. Matulog ka na."

"Opo," nakabusangot kong sagot. Tas siya naman yung umupo. Hoooo...manonood na naman 'yun ng kung anu-ano. Hmp.

Kinuha ko yung picture ni Taki sa loob ng punda ng unan ko. At tinititigan yon. Sana i-accept na niya talaga ako.

"Huwag mong sasabihing hinahalikan mo yang picture niya, hahambalusin kita ng unan," banta ni Kuya Mac kahit di nakatingin sa'kin.

Sa sobrang gulat ko, naisuksok ko agad sa unan yung picture! Si Kuya Mac...pinaglihi yata sa pinya! May mata sa batok!

---

Dahil katatapos lang ng maulan na linggo...wala kaming drills sa ROTC pagsapit ng Sabado. Pero tumulong kaming maglinis sa loob at labas ng campus kasi nga maraming nagkalat na dahon, naglaglagang tangkay...tas maraming plastik na nagkalat! Grrr! Yun ang pinakamahirap linisin eh! Kasi bumabara sa mga kanal kaya mas bumabaha!

Yung half-day lang dapat namin na schedule, naging whole day tuloy! Kabanas talaga!

Ang dumi-dumi tuloy ng uniform ko! Sempre, ako rin maglalaba nun pagkauwi ko. Mas mahihirapan tuloy ako sa labada ko ngayon, hmp!

Sempre inuna ko na yung di na kailangang ibabad muna. Puti muna, tas de-kolor para di mahaluan ng kulay ang mga puti. Si Kuya Mac kasi dati, sa katamaran niya, sabay na nilabhan yung pula at puti..naging pink tuloy yung favorite niyang shirt, hahahaha. Tas habang naka-washing machine yung mga damit, mano-mano naman ang bra at panty. Kasi magiging bacon strips kung sa washing machine yon lalabhan.

Dalawang oras ang nakalipas bago ko natapos lahat! Tagaktak-pawis talaga! Naubos ko nga lahat ng alam kong kanta para di ako mabagot sa pagkusot-kusot. At buti na lang, nakauwi nang maaga si Kuya Chuckie para magluto kundi ako rin ang magluluto. Umalis kasi saglit sina Mama para mag-grocery kaya kami lang ni kuya Chuckie ang naiwan.

"Tapos ka na?" tanong niya sa'kin pagpasok ko galing likod-bahay. At dahil nawalan ako nang lakas, tumango na lang ako. "Magpahinga ka muna tapos maligo ka na."

Hinanda ko na lahat ng pamalit ko at nilapag sa kama--underwear, tas pambahay na shorts...tsaka itim na shirt na walang umaangkin kina kuya. Edi akin na lang. Medyo tinatamad pa ako kaya humilata muna ako sa kama...at kinuha ulit mula sa punda ng unan yung picture ni Taki.

"Kelan mo ba ako ia-accept?"

Ganito kaya yung nararamdaman nung mga nanliligaw tulad nina Kuya Chuckie tsaka ni Mason? Nakakaurat din maghintay ah. Tas babastedin din lang. Kung kilala ko lang sana sa personal yung mga nambasted kay Kuya Chuckie, gegerahin ko talaga. Ano bang mali kay Kuya Chuckie? Pogi naman ah. Marami pang alam na gawaing bahay. Pede nga yun sa tinatawag nilang house-husband eh, hehe. Tas 'yang Sapio Girl na 'yan, magkamali lang siyang bastedin si Mase...'kuu...ifa-firing squad ko siya!

Paano kaya kung in-ignore ni Taki yung request ko.

Makaligo na nga lang. Ayokong mabadtrip. Dapat happy lagi.

Kinuha ko na ang tuwalya at dumiretso sa banyo.

Habang nanginginig ako sa lamig ng tubig, napaisip ako. Kung meron akong kantang ide-dedicate kay Taki... Ano kaya?

Isang sikat na kanta ang agad pumasok sa isip ko!

"Hey...I just met you, but  here's my number and call me maybe..."

Pwede, pwede. Kaso di naman kami nagpalitan ng number eh. Di nga ako ina-accept sa FB.

Napabuntong-hininga na lang ako. Makakanta na nga lang.

"Before you came into my life i miss you so baaaad... I miss you so baaaaad.. I miss you so so baaaaad!" Saka ako nagbuhos ng isang tabong tubig pagkatapos kong magsabon. "Wooh! Anlameg ng tubeeeg!"

Kaya pinagpatuloy ko ang pagkanta. Nakakabawas kaya ng lamig 'yon. Buti nga di ako napapasigaw talaga eh.

Ibahin ko kaya yung lyrics...

"Hey! I just met you, but this is craaaazyy! But here's my FB, so accept me maybe!"

Natatawa akong giniginaw kaya binilisan ko na ang paliligo at pagpupunas. Saka ko napansing di ko pala nadala sa banyo yung pamalit ko! Haist. Kaya agad na akong nagtapis at binuksan ang pinto habang kumakanta pa rin.

"Hey, i just met---"

"Huy ano ba?! Ang inga--"

Napahigpit talaga ang kapit ko sa tuwalya kahit wala naman akong masyadong tinatakpan nung nakita ko si Hiro sa labas ng banyo! "Waaaah!" Napaatras tuloy ako ulit sa banyo tas sinara nang kaunti yung pinto. "Kuya! May naninilip o!" sumbong ko.

"Wag kang feeling. May pahigpit-higpit ka pang nalalaman wala ka namang dibdib. Ang ingay mo sa banyo. Nabubulabog ang mga kapitbahay."

Eh bakit ba kasi nandito siya? "Ikaw na nga lang ang nakikinig, ikaw pa'ng magagalit." Maganda naman ang boses ko ah!

Tas sabi niya may kasalanan ako sa kanya kaya lumabas raw ako. Wala naman akong maalalang naging kasalanan ko. Etong si Hiro, lagi na lang akong pinagbibintangan. At dahil ayaw niyang umalis sa labas ng banyo..."Iabot mo na lang yung damit ko galing sa kwarto hehe. Nasa kama lang. Para makalabas na ako, huehue."

"Uutusan mo pa 'ko? Ikaw ang kumuha. Damit ko ba 'yon?" asik na naman niya.

Ang hilig niyang bumisita rito para maghasik ng bad mood. Pero di ako magpapaapekto. Happy dapat lagi. "Okeypayn."

Pagkalabas ko ng banyo, saktong kadarating naman nina Mama. Edi sempre, nagalit sa'kin kasi di pa raw ako nagbibihis. Kasalanan ko na naman! Eh kanina pa dapat ako nakapagbihis kung di lang tumengga sa labas ng banyo si Hiro! Tas ako pa ang mali. Alangang dun na lang ako sa banyo, edi nilamig naman ako! Tss.

Nagpakawala ulit ako ng buntong-hininga pagkalabas ni Mama at nakapagbihis naman ako agad. Kailangang laging happy, Charlie.

Kung may kanta ako para kay Hiro...yun ay...Titanium. Kahit anong pang-aapi ang gawin niya sa'kin, di ako magpapatalo! Muhahaha.

Dinaan ko na lang sa pagkanta ang inis ko kay Hiro. At talagang ni-timing ko pa sa chorus bago ako lumabas. "Shoot me down but I won't fall.. I am titaaaaa-niiii---uuuumm!"

"Charlotte, ayusin mo yung kama at dito matutulog si Hiro," utos ni Mama.

Sumunod na lang din ako para wala nang usapan. "Ah.. okey..." Nag-about-face ako papasok ulit ng kwarto para mag-ayos ng kamang tutulugan namin. "Shoot me down but I won't fall.. I am titaaaa---niii---uuuummm..."

Nakalimutan ko na yung ibang lyrics kaya nag-hum na lang ako. Pero naalala ko yung sinabi ng music teacher namin ng elementary. Minsan daw nakakatulong yung pagtaas-taas at pakumpas-kumpas ng kamay para maabot ang mataas na tono. Sakto, nasa bridge na 'ko.

"Stone heart... machine gun.. firing at the ones who run... stone heart.. bullet proof glaa-ha-ha-ha-haaaasssss!"

Bigla ba namang may nambato ng unan! Sakto pa talaga sa ulo ko! "Aray ko naman!" Nilingon ko kung sino ang salarin. At hindi nga ako nagkamali. Si Hiro na naman. Kaya tuluyan na talagang napatid ang pisi ko. "Inaano ba kita?! Kanina ka pa ah. Panira ka talaga ng araw kahit kelan."

"Sabi mo isang libo ang paper cranes na niregalo mo. Bakit 999 lang, ha?"

Nuuu! Nalaman niya! "Eh? Binilang mo?" nagtataka kong tanong. Wala kasi sa itsura niya ang sisiguraduhing isang libo yun eh.

"Malamang, kaya ko nga nalaman di ba?" nandidilat niyang sagot.

Ayaw ko namang sabihing binigay ko kay Taki yung isa. "Ah eh.. ano... gawan na lang kita ngayon ng pang-1000. On the spot..." nagmadali akong kumuha ng scrap paper sa desk ni Kuya Chuckie.

Eh ayon, wag na raw. Di na raw siya interesado. Baka nga naman di nagkatotoo yung wish niya.

"Simula ngayon, lahat ng utos ko, susundin mo. May isang libong utos akong susundin mo."

Di ko na napigilang umangal. "Goraaaabeee! Isang libo?!" Baka naman patay na ako, inuutos-utusan pa niya ako! Ayoko nga! "Gagawan na lang kita ng isa pang paper crane mo para matupad na yung kung anong wish mo!" tinuloy ko na ang pagtutupi pero binato niya ulit ako ng isa pang unan.

"Wala na nga akong pakialam sa paper crane mo. Kasalanan mo 'yan. Pinagyabang mo pang isang libo, kulang naman."

Kasalanan ko nga naman. "De, ganito na lang. Sige, papayag ako.. sabihan mo lang si Taki na i-accept yung friend request ko, huehuehue."

"Full na ang account non," agad niyang sagot.

"Sige na kasi..." pilit ko na hinila-hila pa ang laylayan ng shirt niya. "Sabihin mo na sa kanya na i-accept ako. Bakit si bespren, friends na sila agad?" katwiran ko pa. Saka isang hiling lang yung akin kumpara naman sa isang libo niya! Napakadaya talaga.

"Ang kulit mo ah! Eh sa ayaw niya sa'yo dahil may ibang gusto yon!" asik niya.

Natigilan ako nang konti don. Pero nakabawi naman ako agad. "BAKET?! KRAS KO LANG NAMAN AH! MAY SINABI BA AKONG BAWAL SIYANG MAGKAGUSTO SA IBA? DI KO NAMAN SINABING PAKAKASALAN KO! Para accept lang ng friend request eh. Ansunget mo!"

Napaka talaga ni Hiro! Madalas talaga napapatid niya ang mahaba kong pasensiya! Bakit ba dumalaw pa siya rito kung mambabadtrip lang? Hmp! Kung di lang siya ka-close nina Kuya at nina Mama, sinipa ko na siya palabas eh.

Padabog kong pinulot yung mga unang binato niya at inayos ko na rin ang kama. Bahala siya sa isang libong utos niya. Tamad lang kasi eh. Hmp!

"Ito na! Matahimik ka lang, ang ingay mo. "I-accept mo nga ang request ni Charlotte Pelaez pre--"

Nung narinig ko talaga 'yon, napasinghap ako tas nagmadaling lumapit sa kanya habang nakangisi. "Charlie! Charlie Pelaez yung pangalan ko sa FB!"

Tas ayun na nga...sabi niya inaccept na raw ni Taki. Tignan ko na lang daw FB ko. Kaya nagmadali rin akong isindi yung jurassic naming PC. Grabe yung ngiti ko sa sobrang excitement! Inaccept na niya ako! Hihihi.

"Huy! ang ingay niyo na namang dalawa. Kakain na raw. Prinsesa! mamaya na 'yan. kumain muna tayo," tawag ni Kuya Mac.

"Opo, 3 minutes! Pramis kuya!" sagot kong di siya nililingon.

Akala ko nga iniwan na nila ako eh. Pero nag-usap pa sila ni Hiro-

"Oy, picture ng lucky charm mo nasa sahig!"

Napabalikwas talaga ako at agad na tumayo! "Wah!" Tas nakita kong binigay ni Kuya yung picture kay Hiro! "Wah! Kuyaaaa!"

Iniwan na kami ni Kuya nang di man lang ako tinulungang makuha yung picture mula kay Hiro! Eh ang tangkad niya na kahit tumalon ako tas nakataas ang kamay niyang hawak yung picture, di ko talaga maaabot.

Pero di talaga ako tumigil! Tumalon-talon talaga ako para makuha sa kanya! Ayoko ngang makita niya yon! "Ibalik mo yaaaan!"

Tas tinulak pa niya ako kaya napaupo ako sa kama. Pero tumayo lang ulit ako. Nuuu! Dapat hindi niya makita 'yon! "Akin na! Malulukot mo!"

"Mas malulukot 'to 'pag hindi ka titigil. Itapon ko pa 'to eh."

Tumigil na ako nun kahit alam kong namumula na yung mukha ko sa hiya. "Eeh..waaag... kasi namaaaann..." Ano na lang ang iisipin niya kapag nakita niya 'yon? Huhuhu. Nuuuu.

"Teka nga lang eh. Sino ba kasi 'to." Tas binaliktad niya yung hawak niyang papel.

Humiga na ako sa kama at nagtakip ng unan sa mukha saka umungol. Doon lang talaga ako nakaramdam ng sobra sobra sobrang hiya.

Antagal pang di umimik ni Hiro. Waaahhh...ano na kaya ang iniisip niya. Sana di niya sabihin kay Taki.

"O. Good luck na lang."

Nagtaka pa ako. Akala ko hahalakhak siya eh. Pero pagsilip ko sa ilalim ng unan, nasa kama na yung litrato ni Taki tas palabas na siya ng kwarto. Agad kong kinuha yung picture pero di ko pa rin tinanggal yung unan sa mukha ko. "H-Hiro..."

Di ko nakita yung mukha niya pero yung direksiyon kasi ng bewang niya, alam kong lumingon siya.

"Ano.... w-wag mong sasabihin 'to kay Taki ah," pakiusap ko.

Wala naman din siyang ibang sinabi. O kung meron man, di ko na narinig kasi parang nabingi ako sa sobrang init ng mukha ko. Yung parang may nagri-ring sa tenga ko.

Magana na silang kumakain at nagkukwentuhan nung nakahuma na ako. Sinusubukan kong hulihin yung tingin ni Hiro pero umiiwas naman siya. O baka sobra lang niya talagang namiss sina Papa kaya sa kanila siya nakatutok.

Nung nakapagligpit na at nauna nang natulog sina Mama, nag-aya pang maglaro ng PS3 sina kuya kasama ni Hiro. Kaya nauna na rin ako sa kwarto...

Para malaman ko kung totoo ngang-

WAAAHHH....FRIENDS NA NGA TALAGA KAMI NI LUCKY TAKIII!

Sa sobrang saya ko... Nagpagulong-gulong muna ako sa kama hahaha. Bago ako nagpasalamat kay Taki.

Kaso ba naman! Ayaw magpost nung message ko!

Yun pala, nagkaproblema sa internet connection! Tsk!

Di bale, maaayos din yun. Ang importante, magkaibigan na kami, huehuehue.

Naalala ko na naman yung sinabi ni Hiro na may ibang gusto si Taki. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hindi naman ako nagtangkang maghiwa ulit ng sibuyas. Masaya lang talaga ang nararamdaman ko.

Yun nga lang...sana talaga hindi sabihin ni Hiro ang sikreto ko, huhu. Gagawin ko lahat ng utos niya 'wag lang niyang sabihin kay Taki!

===
A/N: Tinatamad akong magsulat dahil pasado ala una na ng umaga at gigising pa ako ng 5AM.
Enjoy this chapter na lang hahaha. Salamat ulit sa paghihintay :)

-Hunny

Posted on 7 October 2015, Wednesday

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...