My Personal "BODY" Guard by s...

By spunchbob

1.7M 10.5K 2.2K

una sa lahat, binalaan kita, boring ang umpisa nito at puro kakornihan ang laman ng kalagitnaan nito wahaha... More

ATTENTION: (must read!!)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 3.5
Chapter 4
Chapter 4B
Chapter 5A
Chapter 5B
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 7B
Chapter 7B (restricted)
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10 (rape scene)
Chapter 10
Chapter 11
restricted
Chapter 12
Chapter 13A
must read! :))
Chapter 13 B
Chapter 13 C
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17A
Chapter 17B
Chapter 17C
....
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20A
Chapter 20B
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26A
Chapter 26B
Chapter 27A
Chapter 27B
Chapter 28
Chapter 28B
Chapter 29
Chapter 29B
Chapter 29C
Chapter 30
Chapter 30B
cool off </3
Chapter 31
Chapter 31B - [Si JunJun]
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 - Gabriel's POV
Chapter 37 B

Chapter 38

5.5K 74 39
By spunchbob

Chapter 38

Dennise's POV


"Mahal kita.." Bigla siyang napayuko. Habang ako nama'y natahimik at napahinto sa pagwawala ko laban sa ginawa niya sa akin kanina.


Hindi ko akalain na sa isang salitang iyon, mapapatahimik niya ako. Mapapatigil niya ako sa pagwawala ko at makukuha niya ng buong-buo ang atensyon ko. Tila nawala sa ala-ala ko na lasing at nakainom ako.


Para akong nabuhusan ng tubig sa narinig ko mula sa bibig niya. Ngayon lang. Ngayon ko lang narinig sa kanya na mahal niya ako.


Totoo ba?


Mahal niya ako?


"Mahal mo 'ko? Talaga ba? Oh edi wow! *ngumisi ako na parang flattered ako sa sinabi niya* isa na naman ba 'to sa pagpapanggap mo?" Hindi siya umimik. Nakatayo lang siya sa harap ko at nakayuko. Hindi ko alam kung anong reaksyon ng mukha niya sa kasalukuyan, nakangiti ba siya? Malungkot? Nakangisi o ano?


"Gabriel tulungan mo naman ako, alin ba.. O para mas madali, ilan ba sa mga salitang sinabi mo sa akin ang totoo?" Nakabibingi yung katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Hindi pa rin siya naimik.


Naglakad ako paalis sa kinatatayuan ko dahil mukhang wala ng patutunguhan yung pag-uusap naming dalawa. Pero bigla siyang nagsalita na nakapaghinto sa paglalakad ko palayo sa kanya..


"Pakinggan mo naman yung paliwanag ko, please?" Huwaaaaaaw! Big word. Pakinggan? Eh siya nga 'tong tahimik at walang imik 'di ba?


"Hindi mo kailangan magpaliwanag.." Utas ko sa kanya habang nakatalikod.


"Kailangan, para maunawaan mo kung bakit nangyayari ang lahat.." hinabol niya ako. Kasalukuyan niyang hawak yung braso ko para lingunin ko siya.. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ko, talagang pag gugustuhin niya ginagawa niya talaga no?


"Hindi na dahil alam ko na Gabriel.. Tama na please? Itigil mo na, kasi nasasaktan na ako.." Tinanggal ko yung kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko.


"Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan? Ikaw lang ang nasasaktan? Ikaw lang ang natatakot? T*ngina! Ako rin. *sinuklay niya sa mahaba-habang buhok niya yung kamay niya* pero gusto kong magpaliwanag. Gusto kong malaman mo kung bakit at kung ano yung totoo"


"At pagkatapos ano? Gaaad! Do you expect me to believe na mahal mo ako after hearing na pinaglalaruan mo lang yung nararamdaman ko? Umaasa ka pa ba na papakinggan ko pa yung reason mo? Babae ako Gabriel, nasasaktan"


"Exactly, babae ka kaya ka ganyan at nagkakaganyan. You assume things kahit hindi pa naririnig yung dahilan naming mga lalaki. Nasasaktan kayo kasi nag-aassume agad kayo. Puro kayo hinala. Tamang hinala.. Diyan naman kayo magaling e."


*pak*


"How dare you to say that? Umalis ka na! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo!" Mapiyok-piyok kong isinigaw sa kanya kasama ang isang lumalagutok na sampal.


Hinala ba yun? Narinig ng dalawang tenga ko ang lahat tapos hinala?

So ganun ba? Ganun ba ang tingin niya? Wth.


Nakahawak siya sa pisngi niya at nakangiwi. Masakit ba yung sampal ko? Well, deserved mo yan. Nakita kong seryoso at kalmado pa rin ang ekspresyon ng mukha niya at nakatingin pa rin sa akin.


"I guess, hindi ka pa nga handa para marinig lahat. Sige." Bigla siyang tumalikod at naglakad na palayo habang iniwan akong mag-isa sa parking lot.


Ilang minuto akong tumanga mula sa kinatatayuan ko. Inantay kong bumalik ako sa sarili ko at maabsorb yung nangyari. Ano b'ang sinasabi niya na kailangan niyang ipaliwanag lahat? Hindi pa ba enough na alam ko na yung totoo? Bakit kailangan pa niyang magpaliwanag? For what reason? Wala lang naman ako sa kanya 'di ba?


Oo na, sige na.. I admit. Nagsisisi talaga ako. Alam kong 'Yun na yung chance para malaman ko yung paliwanag niya pero hindi ko na naman siya pinakinggan. Pinairal ko na naman yung pride at galit ko sa kanya.


Bakit ba kasi ganun?


Kapag hindi ko siya kasama, gustong-gusto kong marinig yung explanations niya. Pero kapag magkasama at magkaharap na kaming dalawa naduduwag ako. Natatakot ako. At palagi ko siyang tinataboy palayo?


Paano kami magkakaayos kung isa sa amin yung nagtataas ng pride?


Kung isa sa amin, nagtatapang-tapangan pero kahinaan rin naman ang isa't isa?


Bumalik na ulit ako sa bar. Sa may entrance, nakita ko roon si Monic. Mukhang may inaantay.


"Haaaay! Buti naman nakita na rin kita" bungad niya noong masilayan niya ako palapit sa kanya

"How did you know that I'm here?"


"Syempre, I checked you out sa CR, found out na wala ka na dun. Tagal mo kasing nawala, nagworry kami.. Then, I waited for you dito" tinuro niya yung lugar na tinatapakan niya. Pero..


"Why do you need to wait for me here outside kung pwede namang antayin ako sa table natin sa loob?" 'Di ba? Hindi ko kasi maintindihan bakit kailangan niyang lumabas? NAPAKA-VIP ko naman yata sa kanya as friend, right?


"I want to go home na kasi, inantay kita syempre sa bahay ka namin matutulog. Ano girl? San mo gusto matulog ha? Gusto mo ba kila Ga---"


"FINE!" Pigil ko sa kanya bago pa niya banggitin yung salitang ayaw na ayaw ko munang marinig ngayon. Don't say bad words please. Fresh na fresh pa rin sa 'kin yung naging eksena namin kanina ni *badword*


"Pero.. 'Di ko pa pala nakikita yung fiancee ni Amy? Nasaan na pala sila? Si Peter? Si Amy?" Urirat ko sa kanya at nagbabalak sanang pumasok sa loob ng bar..


"Don't worry. They're fine. Pauwi na rin sila, nagpaalam na rin ako na we'll go ahead kasi lasing ka na and pagod naman ako. Mahirap magdrive kapag nadagdagan pa correct ko" pinigilan niya akong pumasok sa loob.


"What do you mean by correct? Huh?" Pagtataka kong tinanong sa kanya..


"Tama. Correct. Di ba iisa lang yun?" Inosente niyang isinagot sa akin. Hindi ko napigilan ang tawa ko. Juice colored! Hindi ko kinaya kaya napabira ako sa braso niya.

"Aray! Jusko! Makatawa wagas? Halika na nga girl, lasing ka na.." Hinaltak nya ako papunta sa kung saan niya pinark yung sasakyan niya.


Hindi na ako nagpabebe pa, pagod na rin ako. Masyadong maraming nangyari ngayong araw na kahit utak at puso ko hindi nakayanan.


Habang nasa sasakyan kami.. Tahimik lang. Hikab ako ng hikab pero parang gusto ko munang may pagsabihan ako ng mga nangyari sa parking lot kanina bago ako mapikit at makatulog sa byahe.

hindi ko na napigilang ikwento kay Monic yung nangyari kanina..


"Nagpunta siya kanina sa bar.." Pagsisimula ng kwento ko sa kanya..

"Ah huh.. And then?" halatang nabigla siya sa bigla kong pagsasalita.


"Bigla bigla niya akong hinaltak palabas ng bar, dinala ng sapilitan sa may parking lot.. We fought."

"Sino nanguna?"

"Edi siya. Kung 'di niya ko hinaltak ng biglaan edi sana 'di ko siya inaway"


"Eh 'di ikaw yung nanguna. Ikaw pala nang-away eh. Baka gusto ka lang niya makausap. Kasi, kung hindi ka ba niya hinaltak o kinuha ng sapilitan tapos sinabi niya lang na sumama ka sa kanya, sasama ka ba?"

"Hindi"


"See, ginawa niya lang yung paraan kung saan sigurado siya na sasama ka sa kanya.. Eh bakit daw ba nya yun ginawa?"

"I guess, para magpaliwanag?"


"OMG! Tapos ano, pinakinggan mo na siya?" Napalingon siya sa akin bigla at napangiti. Yun nga pala yung gusto niya. Gusto niyang pakinggan ko yung reasons ni Gabriel. Yung dahilan kung bakit niya ginagawa sa akin yung mga bagay tulad ng pagpapanggap niyang importante ako sa kanya.

"Hindi."


"WHAT?? Nireject mo na naman yung tao? Alam mo ba Dennise, hindi lahat ng tao sa lahat ng oras merong lakas ng loob para magpaliwanag. Minsan yung iba, sa unang try, kapag nabigo, hindi na ulit sumusubok sa takot na mareject ulit, pero ikaw ano.. Nasa harapan mo na, magpapaliwanag na, pero tinaboy mo pa?" Nagagalit niyang isinagot sa akin.


"Masisisi mo ba ako? I have pride. May galit din ako sa kanya na pilit bumabalik sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya." totoo naman eh. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na kapag nagkaharap kami, I will try to listen sa sasabihin niya pero kapag nandoon na ako sa puntong 'yun, nababahag ang buntot ko. Hindi ko maiwasang pairalin ang galit ko instead na pang-unawa.


"'Yan tayo sa pride na yan e. Bula lang 'yan, uy. Wag mong antayin na mawala lahat sa'yo ng dahil lang sa pride mong 'yan. At yung galit? Hindi ko maiaalis sa'yo yan girl, pero sana binigyan mo ng chance pakinggan yung sasabihin niya para atlis nasagot man lang yung mga tanong na gumugulo sa'yo simula noong nalaman mo yung totoo, I mean yung hinala mo. Hindi pa nga natin masabing totoo ngang niloloko at pinaglalaruan ka lang niya dahil hindi mo pa naman nalalaman at napapakinggan yung side niya" taas kilay niyang isinagot sa akin. Bakas sa mukha niya na naiinis siya sa ginawa ko. Ako rin naman, inis sa sarili ko. Ang tanga tanga ko! Pinairal ko ang dapat na hindi ko pairalin. I became selfish. Pinagkait ko kay Gabriel yung pagkakataon na magpaliwanag.


"Oo na, naiinis rin naman ako sa sarili ko. Hindi ko rin alam bakit hindi ko na naman siya pinagbigyan magpaliwanag. Pero he said, mahal niya ako.. Hindi na mahal na ata talaga kita kundi mahal kita yung sinabi niya" noong binantayan ko siya noong madaling araw, mahal na ata kita ang ibinulong niya di ba? Pero kanina, 1st time niyang sinabi sa akin ang salitang "mahal kita"


"REALLY?" Ngiting ngiti niyang isinagot sa akin. Hmm. It seems na hindi na siya asar kay Gabriel ah? At lumalabas pa lalo na botong boto siya kay Gabriel? Bakit? Anong meron?

"Pero hindi ako naniwala.."


"Ay, ayun lang.. Galit ka e. Mas pabor sa'yong umiral yung galit kesa pang-unawa eh." Bigla siyang nalungkot sa sinabi ko.. Bumalik na ang atensyon niya sa pagdadrive pauwi..


"Oo na, selfish na.. I'm just afraid na baka pinapaasa niya lang ako at palabas lang lahat yun. Kung may natutunan man ako? 'yun ay mahalin mo muna yung sarili mo bago ka magmahal ng iba ng sobra para naman kapag nasaktan ka, hindi sobra-sobra"

"girl, hugot na hugot ah!" wika niya bago ko pa mamalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay nila Monic.



*****



Few days had passed. Naging tahimik ang buhay ko. Pumapasok ako ng school kasama si Monic. Natutunan ko rin kung paano deadmahin lahat ng sisira ng araw ko, nandyan yung mga chismosa, mga bastos, gag*, basta halo-halo..


Habang tumatagal mas nawawalan ako ng pakialam sa kanila. What the hell?! Sino ba sila para magpaapekto ako?


Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita. Hindi ko alam kung sinasadya niya na layuan ako or what. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil hindi ko siya nagawang pakinggan noong humanap siya ng pagkakataon. Pero kung nagpapamiss man siya, ang masasabi ko lang, oo na.. EFECTIVE.


palaging si Monic ang kasama ko, minsan nga nahihiya na ako kasi pakiramdam ko nagiging hadlang ako sa mga plano nila ni Eric. Hindi sila makalabas ng sila lang kasi mawawalan naman ako ng kasama. Kahit na minsan sinasabi kong okay lang ako kahit wala sila ayaw pa rin nila akong iwan.


Speaking of Eric, kahit madalas kong nakikita yan at nakakasama, never nagtanong yan or nagkwento about Gabriel because he knows siguro na makakasira lang ng mood ko pag binanggit niya yung tropa niya? Never ko rin naman siyang tinanong kung nasaan na yung kaibigan niyang mapagpanggap.


"Mons, kailan tayo magkikita ulit nila Amy?" out of nowhere naitanong ko kay Monic. Tambay lang kami ngayon sa isang milk tea shop near the university. Tapos na kasi parehas ang klase namin, inaantay lang namin si Eric.


"sa tamang panaho-o-o-on" sagot niya

"araaay naman Dennise" sinapok ko kasi siya, kakanuod ng Aldub ginagaya na si Lola Nidora sa pagsasalita..


"kasi naman. Ang seryoso ng tanong ko, tas magpapakalola Nidora ka d'yan. Seryosohan 'to, uy!" hahaha! Pati ako nahahawa na tuloy

"'to naman, ang KJ KJ!"

"so going back to my question, kailan tayo maghang-out ulit?" pag-uulit ko ng tanong sa kanya


"you'll be surprised. One day, nasa bahay mo na kami" yeah. You heared her right. I went back to our house yesterday. Feel ko kasi sobrang abala na ako kay Monic sa pagtira ko sa bahay nila though I didn't directly inform her that reason kung bakit ako umalis. Sinabi ko lang na siguro dapat na akong umuwi. Hindi na rin nagulat si papa sa pagbabalik ko. Kaninong bahay pa ba ako uuwi 'di ba?


Niyakap niya ako pauwi. Mala-the prodigal daughter lang ang eksena dahil pinagpaluto pa niya ako sa mga kasambahay namin ng mga pagkain dahil sa wakas raw nagbalik na ang kaisa-isa niyang anak.


Halatang nagulat din ang lahat ng tao sa bahay sa behavior ko dahil hindi na ako nag-eemote at umiiyak. Syempre naman, bakit ko naman ipagkakait pa sa sarili ko ang pagmumove on at ang pagiging masaya?


"kailan naman yan? Sa tamang panahon pa rin?" sagot ko kay Monic.

"shungaks, basta kung kelan libre si Amy. Alam mo naman, maraming ginagawa yung tao."

"pahiram phone.."


"bakit? Wala ka bang phone?" ofcourse I have. Binigyan ako ng bagong phone ni papa. Yung mansanas na may kagat. :) yung dati kong phone na kaparehas nung kay Gab-- uhh nevermind, tinabi ko muna sa drawer ko. Nagbago na rin ako ng number at iilan pa lang ang nakakaalam.

"di pwedeng makikitawag?"


"sinong tatawagan mo? Naka-plan ka naman 'di ba?" iaabot na niya sa akin yung phone niya ng bigla ko itong hinablot.


"password?" sh*t kasi. Papassword password pa. May scandal ba sila ni Eric dito?


"akina nga. Atat atat mo kasi. Hablot kaagad 'di ba uso maghintay?" kinuha niya yung phone tas ibinalik ulit sa akin. "oh ayan, happy? Ano ba kasing kailangan mo sa phone ko eh meron ka namang phone?"


Walang anu-ano'y, idinial ko ang number ni Amy. Nag-ring naman agad ito..


(hello?) boses ng isang lalaki ang sumagot.


"hi, sino to? Wrong number ba ako? I'm looking for Amy"



("Kael, give me back my phone")

("it's her") narinig ko ng mahina sa kabilang linya

(ah.. Hello? Dennise? Ikaw ba to o si Monic?) sagot bigla ni Amy mula sa kabilang linya.


Wait lang ha. Naguguluhan ako. How did it happen na nahulaan agad ni Amy na ako yung tumawag? I'm using Monic's phone right?


"yes it's me, Dennise. Uy.. Sino yung kanina?"

"ah, yung fiancee ko. Pasensya ka na ah. Siya yung nakasagot kasi nasa kusina ako kanina" paliwanag niya


Yung fiancee niya? Kilala ang boses ko? As far as I know, hindi pa kami nagkikita or nagkakausap? At pagkakaalam ko, I'm using Monic's phone di ba? But nevermind.. Maybe, I'm just overthinking..


"Uhh, okay? Anyway, kailan ka free?" Tanong ko sa kanya. Just want to bond with them, boring kasi sa bahay, wala man lang akong mapagkaabalahan. Hirap ng only child. Tapos, loveless pa. PWE! Di ako bitter!


"Ahmm, pwede balikan kita? May asikasuhin lang ako saglit. Tignan ko yung schedule ko kung kelan ako free.. Pasensya na Dennise ah!"


"Uy Amy, anu ka ba! Ayos lang noh! Pasensya na rin sa abala.. Anyway, sige. Will be waiting for your call. Forward ko sa'yo yung number ko. Byeee!" I ended the call and handed back Monic's phone.



"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya ng makita kong parang may kung ano siyang iniisip..

"Ahh, wala. So si Amy pala yun. Sino yung sumagot nung una?" Tanong niya

"Yung fiancee ni Amy.."


"And?"

"Medyo nagtaka lang ako kasi paghello ni Amy, alam niyang ako yung nasa line knowing na I'm using your phone. Isn't weird?"


"Maybe?" Nag-aalinlangan niyang sagot.


"So tell me, nagmeet na ba kami before ng fiancee ni Amy? His voice looks so familiar. You know.."


"We'll see kapag nagkita na kayo ni Kael.." Kibit balikat niyang sagot


"Ahh, so Kael is the name huh?"

"Yep-- ohh, eto na pala si Bae" napalingon ako sa direksyon kung saan siya nakatingin.


Natulala ako sa nakita ko..



I saw him..


Ngayon ko lang ulit siya nakita at nakakapanibago dahil clean cut na siya ngayon. Pinaputol na niya yung mahaba-haba niyang buhok..


He looks so handsome.. Uhh wait-- nawawala na naman ako sa sarili ko. No way!


Binabawi ko yung sinabi ko..


Ang pangit niya lalo.


Nakita ko na nakangiti niyang kausap si Eric sa labas tapos luminga-linga siya sa milk tea shop hanggang sa nakita niya kami ni Monic.


Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung saakin rin ba siya nakatingin tapos napakaway siya. Kumaway rin naman ako. Pero nagulat ako ng ganun din ang ginawa ni Monic.


Sa madaling sabi, hindi ako yung tinatanaw niya sa loob ng shop, hindi ako yung kinawayan niya kundi si Monic.


I'm invisible?


K.


:(


Bakit tila kumirot ang puso ko?


'Wag kang tanga Dennise, kasalanan mo yan. Tinaboy mo siya palayo tapos ngayon mag-aassume ka na magtatry siya ulit na lumapit ulit sa'yo?' Sabi ko sa isip ko..


Di lahat ng tao manhid sa rejections. Yung iba pala talaga, sa una lang, susuko na. Pero 'di ba ang totoong nagmamahal, ilang beses ka man ireject ng mahal mo, wala kang pakialam basta mahal mo siya at handa mong patunayan na mahal mo talaga siya? Tama ba ako?

At ngayon ko napatunayan, ang assumera ko lang pala talaga..


I thought, he was looking at me..


:(


Mukhang wala talaga siyang balak pasadahan ako ng kanyang atensyon dahil hindi man lang dumadapo kahit isang tingin niya sa akin. As if hindi niya ako nakikita na kasama ni Monic sa loob ng shop.


Hindi ko na hinayaang magpadala ang sarili ko sa badtrip na naramdaman ko sa hindi pagpansin sa akin ni Gabriel kaya hindi ko na nilingon pa ang labas kung nasaan sila ni Eric. I keep myself busy by looking on my phone.

Nagfacebook ako.

Hanggang sa nakita ko sa newsfeed ko..


Amy is engaged to Kael Reyes.


So Reyes pala ang surname ni Kael. I was about to stalk his profile when Eric came in at bigla akong hinaltak ni Monic.


"Ohhh, bakit bakit?" Tanong ko sa kanya ng makuha niya ang buong atensyon ko. Ano ba yan! Bigla-biglang eeksena.

"Tara naaaa! Uwi na tayo, hahatid tayo ni Eric" tumingin tingin muna ako sa gilid gilid, nagbabaka sakali na pumasok si Gabriel.


Kaso, wala siya..


He left ng ganun ganun na lang? As in?


"Unbelievable!" Bigla kong naibulalas sa inis na nararamdaman ko.


"Fine, let's go." Yaya ko sa kanila saka nagmadaling lumabas ng shop dala dala ang bag ko.


Grabe lang talaga. Iniiwasan niya talaga ako. Nakakainis! Grr!


Bakit nga ba ako naiinis? Dapat ba akong mainis? Anong karapatan kong mainis? Grrr!


"Hoy babae! Napakabilis 'mong maglakad. My God! Nakakaistress ha! Napano ka ba?" Bulyaw sa akin ni Monic ng maabutan niya ako sa mabilis kong paglalakad! Badtrip ako.


"Nakakainis kasi eh!"


"Oh bat ka naiinis? Inaano kita?" Wag niyo akong i-provoke, beast mode ako!


"Hindi ikaw" sagot ko sabay irap.


"Eh sino, si Eric?" Takte. Wag kang slow ngayon please. Beast mode ako..


"Grrrrrr" napataas na yung dalawa kong kamay sa inis.


"Ahh, gets! Hayaan mo na yun, time heals everything. Hindi ka lang sanay kaya kailangan mong masanay. Kasalanan mo rin naman kaya wag kang mainis d'yan" I dunno how to answer her back.

I know, it's my fault.


Wala akong karapatan magdemand na bigyan niya ako ng atensyon dahil hindi ko rin naman deserved yun dahil nung nakiusap siya para kunin ang atensyon ko at pang-unawa ko, hindi ko siya pinagbigyan.

So ganito pala.


Ganito ang pakiramdam ng rejected. Hindi man directly pero, I feel so rejected. Masakit!


"Kaya nga naiinis ako eh! Naiinis ako sa sarili ko!!!" Why on earth do I need to feel this kind of pain? Why am I hurting? Does it mean, may puwang na talaga siya sa puso ko?


"Bakit ba kailangan masaktan ako ng ganito?"


"I guess, para matuto? Para marealize mo yung pagkakamaling nagawa mo? Para magsisi? Para malaman mo na hindi dapat palaging siya na lang, hindi palaging ikaw na lang, kundi dapat patas kayong dalawa?" Sagot niya. Minsan talaga naiisip ko, bakit ang daming alam ni Monic noh? Ganun ba siya katotoong magmahal para malaman lahat ng 'to?


"Siguro nga.." Nanahimik na ako when we reached Eric's car.


Laging ganito ang setup pag uwian, it's either kay Eric kami sasakay, o sa car ni Monic. Basta kung same schedule kami, we'll go home together, pero kapag iba-iba ang schedule, nagpapasundo ako kay Manong Romy.


And usually kapag kay Eric ako sumasabay pauwi, sa back seat ang pwesto ko since si Monic yung sa frontseat. Matic nayun!


Pagsakay ko sa kotse ni Eric sa parking lot ng inis na inis sa sarili ko, napalingon ako sa katabing sasakyan.


At..



At..



O___O



I saw a familiar face..



(c) neodge

A/N:

Halaaaaa! Sino kaya yun? Sino kaya yung nakita ni Dennise? Hahahahaha! Hanggang sa muli solid readers! Nangonti man kayo, hindi ko kayo bibiguin sa istoryang hindi niyo pinagsawaang antayin ng ilang taon. Lalo na sa readers since 2012! Hahahaha!

Kapit lang, orayt? Mwah! :*


Continue Reading

You'll Also Like

855K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...