HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

237M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 216

2.3M 53.2K 164K
By maxinejiji


CHAPTER 216

SIN'S POV

NGUMISI SIYA. "Hindi ko ugaling magsabi kung ano ang laman ng isip ko, Cargosin. Pero hindi ko nagustuhan ang ginawa mo sa kaibigan ko, lalo na sa mga bata." Tumiim ang kaniyang mukha.

"Mukha nga," nakangisi ko ring tugon. "Nangingilid na ang iyong mga luha at hindi ko malaman kung dahil ba iyan sa galit sa akin, o awa para sa mga bata."

Nakita ko kung paanong nagtiim ang bagang niya. Ang paningin niya sa akin ay lalong tumalim. Pero hindi ko magawang matakot dahil lalo akong natatawa. Muli niyang nilingon ang mga bata, gusto ko siyang kwestiyonin nang mabasa ko ro'n ang awa dahil salungat iyon sa kayabangan niya kanina.

Nagtaas ako ng noo, nagmamalaki nang todo. "Panimula pa lang iyan, Maxpein Moon. Maghuhurumintado ka sa mga kasunod. Ngayon kung wala kang planong iligtas ang mga bata ay hayaan mong paunlakan ko ang pagbisita mo." Itinaas ko ang aking kamay at saka pumitik ng dalawang beses.

Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa, nakangisi ako habang siya ay hindi kakitaan ng anumang ekspresyon sa mukha. Nang walang pagbabago ay muli akong pumitik. Nang wala pa ring lumabas sa mga tao ko ay aligaga akong lumingon sa aking paligid.

Sinabi nang sa isang pitik ko ay kailangan na nilang lumabas! Lintik!

"May hinahanap ka, Cargosin?" seryosong tanong ni Maxpein Moon.

Nagugulat akong lumingon sa kaniya. Ano'ng...ano ang ginawa niya sa mga tauhan ko? Nangunot nang todo ang aking noo at saka nagpatuloy sa paglingon sa kabuuan ng lugar na iyon pero walang lumalabas. Nakahanda ang bawat tauhan namin sa madidilim na parte ng parking lot. Nanonood at naghihintay ng aking hudyat sa kanilang pagsugod. Ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi ko alam kung nasaan ngayon.

Tiningnan ko siya, at gusto kong kilabutan nang mabasa ang matinding galit sa kaniyang mga mata. Kuyom na kuyom ang mga palad niya at ang mga paa ay tila handang-handa nang sumugod sa akin.

"Ano ang ginawa mo sa mga tauhan ko?" Itinago ko nang pilit ang panggigigil.

"Kailangan ko pa bang idetalye sa 'yo?" seryoso niyang tugon.

Matagal bago ako nakatugon. "Bilib naman talaga ako sa iyo. Napakahusay mo."

"Mahirap 'yang itanggi," walang emosyon niyang sabi.

Lalo akong ngumisi. "At inaasahan mong mas matutuwa ako dahil ganoon ang ginawa mo?"

Umiling siya nang nakangiwi. "Walang matutuwa kapag tahimik na itinumba ang mga tao niya, Cargosin." Bumuntong-hininga siya, nilingon ang madidilim na parte ng lugar na iyon bago muling tumingin sa 'kin. "Sa susunod ay asahan mo nang ganoon ang mangyayari sa kung sinumang humarang sa daraanan ko."

"Nakakabilib lang na wala akong narinig na kahit anong ingay."

"Masanay ka na. Kumikilos ako sa mga oras na hindi mo inaasahan. Masyado kang abala kaya wala kang naramdaman."

Ngumisi ako at nagsimulang magpalakad-lakad sa harapan niya. "Hindi ko malilimutan kung paanong naging ganoon kadali para sa iyong sugurin ang umuulang mga bala para lamang mailigtas si Chairman Enrile." Nanuot sa alaala ko ang sandaling iyon. "Hindi ko man lamang naisip na may kakaibang katauhan ang taong iyon, na siya ring kaharap ko ngayon." Nilingon ko siya at hindi man lang nagbago ang seryoso niyang mukha. "Hanga ako sa lakas ng loob mo, Maxpein Moon. Aminado akong hindi ganoon kadali na tumbasan ang lakas, galing at ang iyong bilis. Matalino ako kaya naisip kong may kahinaan ka rin, at ginamit ko ang katalinuhan kong iyon para pahirapan ka ngayon." Saka ako humalakhak. "Ano ngayon ang gagawin mo para maisalba ang buhay ng mga batang ito?"

Hindi siya nakasagot dahilan para lalo akong mapangiti habang nakatingin sa kaniya. Sa ganoong paraan kasi ay nadaragdagan ang tuwa ko dahil nakikita kong lalo siyang nagagalit. Pero natinag ako nang maramdaman kong may humawak sa paa ko. Nang magbaba ako ay naroon ang hirap na hirap na gumapang na si Randall. Mababasa ang matinding pagsusumamo at pagmamakaawa sa mukha niya. Ngunit gaya ni Maxpein Moon ay nginisihan ko lang siya at saka ko siya tinadyakan.

"Parang awa mo na, Cargosin!" lumuluhang sigaw ni Randall bagaman mahihimigan pa rin ang galit. "'Wag mong idamay dito ang mga bata!"

"Mukhang nakabawi ka na sa hirap at panghihina kahit papaano, ano, Randall?" nakangisi kong tugon.

Nilingon ko ang dalawang bata, gano'n na rin sina Christian at Eerah Anitha na nakasakay sa sasakyan kung saan nakagapos ang mga ito. Tumango ako na naging hudyat sa sabay nilang pagbaba.

Bahagyang iginilid ni Maxpein ang mukha, sa ganoong paraan binati ang presensya ng dalawa. Tumingin na naman siya sa akin matapos niyon. Seryosong-seryoso siya, walang mababasang emosyon sa kaniyang mukha.

"Hindi mo na ba kayang magyabang kaya puro pananahimik ka na lang?" napapangisi na ako hindi ko pa man natatapos ang tanong. "Nakita mo na't lahat ang mga bata, wala ka pa ring ginagawa. Diyan ako hindi nasanay, Maxpein."

"Kuya!" humahagulgol na sumigaw ang nakababatang kapatid ni Randall at kasabay niyon ay nangibabaw bigla ang nakabibinging pag-iyak ng paslit na bitbit nito.

Sabay-sabay kaming napalingon sa dalawang bata. Kaunti na lang ay mabibitawan na ni Rhumzell si RD. Mahuhulog na ang paslit at una ang ulo.

Napakilos si Maxpein papaharap sa mga ito. Ngunit hindi niya pa rin malaman kung ano ang gagawin. Nangunot ang noo niya pero awa ang mababasa sa mga mata niya. Ang bibig niya ay kumikibot-kibot pero hindi bumubuka para magsambit ng salita.

"Cargosin, nakikiusap ako sa 'yo!" Hindi ko napansing unti-unti nang nakakabangon si Randall bagaman hindi pa rin magawang tumayo para lumapit sa 'kin. "Pakawalan mo ang dalawang bata! Ako na lang!"

"Gunggong," pabulong kong singhal.

Kung pakakawalan ko ang dalawang iyan at haharapin ko kayong pareho ni Maxpein, ano sa tingin mo ang aking laban? Inutil!

Sa halip na sagutin siya ay hinarap ko si Maxpein na noon ay nakatanaw pa rin sa dalawang bata. "Ano ang gagawin mo, Maxpein Moon?" Tiningnan niya ako, ngumisi naman ako.

"Pakawalan mo ang dalawang bata." Hindi ako makaramdam ng takot sa paraan niya ng pag-uutos. Wala man lamang himig pakikiusap sapagkat nandoon ang awtorisadong tono.

Umiiling akong humalakhak. "Hindi mo talaga naiintindihan nang lubusan ang aming pakay para gawin ito, ano? Kung ganoon kadali kong ibibigay ang mga bata, ano pa ang saysay nang paghihirap naming makuha sila?" sinabi ko iyon sa paraan na para bang pilit ko iyong ipinaiintindi sa kaniya. "Pinaghirapan naming dakipin ang mga iyan, kaya paghirapan ninyong bawiin!"

"Cargosin, nakikiusap ako sa 'yo! Gagawin ko ang lahat!" Isinigaw niya iyon sa pagitan nang pag-ubo.

Naupo ako sa harap niya at dinakma siya sa panga. "Simple lang ang sinabi ko sa iyo kanina, hindi mo pa nagawa. Ngayon ay sinasabi mong gagawin mo ang lahat? Hangal!" pabato ko siyang binitiwan. "Sinabi kong huwag kang magsasama, hindi ka nadala sa banta!"

"Please, let them go!" pasigaw niya uling utos.

Doon ko na hindi napigilan ang galit. Kung mag-utos at makiusap sila ay para bang ganoon nila kami kadaling mapasusunod. At sa paraan nang pagkakatitig sa akin ni Maxpein ay para bang pinagbibigyan niya lang ako sa ganitong sitwasyon dahil paniguradong pahihirapan niya na naman ako kapag nagsimula na siyang kumilos. At lalo akong nagagalit dahil sa naiisip kong iyon. Gayong nararamdaman ko pa sa mukha at magkabilang balikat ko ang sakit nang pagkakasipa niya sa akin kanina lang.

"Naririndi na ako sa kaiiyak ng mga batang ito, Cargosin!" ani Eerah. Nakangisi ko naman siyang nilingon. Alam ko kasing sa ganoong paraan niya ginigipit si Randall, lalo na si Maxpein. "I don't like kids, especially when they're crying!" dagdag niya at saka hinugot mula sa likuran ang dalawang tanto niya at walang ano-ano ay tinagpas ang lubid na nasa gawing harapan niya at siya ring umaalalay sa pagkakagapos ng dalawang bata!

"No!" agad na palahaw ni Randall.

Nahulog si Rhumzell at kahanga-hangang sa murang edad niya ay nakapag-isip siya ng paraan para maiharang ang sarili at huwag masaktan ang paslit niyang pamangkin. Kailangang magpasalamat nina Randall at Maxpein sa akin dahil masiyadong mababa ang bumper dahilan para hindi masaktan ang dalawang bata, kompara sa sakit na gusto kong iparamdam sa kanila.

Gusto kong matuwa sa ginawa ni Eerah pero natinag ako sa biglaang pagkilos ni Maxpein papaharap sa mga ito. "Ang lahat ng nangyari ngayon ay ibabalik ko sa iyo nang higit pa sa gagawin mo, Eerah!" nanggigigil niyang sabi.

"Magagawa mo naman ba iyon?" mataray ngunit nakangising tanong ni Eerah.

"Nagawa ko na noon, hindi ako magdadalawang-isip na gawin ulit iyon ngayon."

Sumeryoso si Eerah. Sandaling nag-isip habang nakatitig kay Maxpein. "Tingnan natin," nagbabanta ang tinig niyang sabi.

Saka hinablot ang paa ng paslit at itaas iyon sa ere na para bang isang bagay at hindi tao. Dahil doon ay lalong umatungal sa pag-iyak ang anak ni Randall. At hindi doon nakontento si Eerah dahil iwinasiwas niya ang paslit dahilan sa lalong pag-atungal nito.

Maging ako ay nabigla sa ginawa ni Eerah, higit na ang dalawa pang narito sa tabi ko. Nagawang tumakbo ni Randall, nagkaroon bigla ng lakas. Pero bago pa man siya nakalapit ay iniharap na ni Eerah ang hawak na tanto sa anak nito upang pigilan siya. Nang akma namang hahakbang papalapit si Maxpein ay tinutukan ni Christian ng baril sa sentido sa Rhumzell habang na sa kaniya ang paningin.

"Mawawalan ng buhay ang dalawang paslit bago pa kayo makalapit," ani Eerah Anitha.

Walang nakasagot. Nanatiling nakatingin sina Randall at Maxpein kina Eerah at Christian, gano'n din naman ang mga ito sa kanila. Pare-pareho kaming nagpapakiramdaman sa gagawin ng bawat isa.

"Please, let the kids go! Please! Please let them go," muling pakiusap ni Randall habang nililingon kami nina Eerah at Christian. Pinagkikiskis ang parehong palad at handang lumuhod sa amin anumang oras.

"Ano ang gagawin mo, Maxpein Moon?" nakangisi uling tanong ko.

Galit niya akong nilingon, salubong na salubong ang mga kilay at tiim ang mga bagang. "Masiyadong bata ang mga iyan para magdanas ng ganito, Cargosin! Anong klaseng bayag ang meron ka para idamay sila?"

"Ano?" nagugulat kong tanong. Bigla ay gusto kong maglabas ng baril at paulanan siya hanggang sa makontento ako.

"Dahil hindi ka manalo sa 'kin, idinamay mo ang walang muwang na mga bata? Gano'n ka kaduwag?"

"Huwag mong ubusin ang natitira kong pasensya, Maxpein," gigil kong sabi.

"Kung gano'n ay ako ang harapin mo! Paalisin mo ang mga bata dito, haharapin ko kayo nang walang alinlangan."

Ngumisi ako, ngunit sa likod niyon ay naro'n ang panggigigil kong masimulan ang laban. "Ano ang akala mo sa akin, utusan?"

"Mukha ka namang alipin, isipin na lang nating gano'n nga."

"Masyado kang mayabang!"

"Lubayan mo ang mga bata at tayo ang magtuos! Kahit kayong lahat laban sa akin, papayag ako. Paalpasin mo lang ang pagkakataon ng mga bata gaya nang pagpapatakas ko sa inyo, Cargosin."

"Tigilan mo ako!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nahablot ko ang baril mula sa aking likuran at deretso iyong itinutok sa kaniya.

"Pein..." Nadinig kong usal ni Randall.

Nanatili ang paningin namin ni Maxpein sa isa't isa. Tahimik siyang nanggigigil at gano'n din naman ako. Gusto kong purihin ang abilidad niya, hindi man lang siya nagitla sa ikinilos ko. Hindi man lang siya kinabahan sa baril na hawak ko.

"Ilalagay kita, kasama ng dalawang bata, sa iisang bangka. Lulubog ito anumang oras at isa lang ang maisasagip mo. Sino ang pipiliin mo," gitil kong sabi habang ang baril ay itinututok kay Maxpein.

"Cargosin, please! I am begging you!" palahaw ni Randall sa likuran ko ngunit hindi ko siya magawang pansinin.

Humakbang ako papalapit sa walang kilos na si Maxpein. "Sino ang pipiliin mo, Maxpein?"

Lumapit at lumuhod si Randall sakin, at halos halikan ang sementong kinatatayuan ko. "Parang awa mo na, Cargosin. Nakikiusap ako sa 'yo! Nagmamakaawa ako! Handa akong pagdusahan ang lahat, ibigay mo lang sa 'kin ang anak at kapatid ko!" muling pagsumamo niya.

"Sino ang pipiliin mo!" halos mabaliw na sigaw ko nang tuluyan akong makalapit kay Maxpein. Deretso kong itinutok sa lalamunan niya ang baril.

"Bakit pa ako mamimili kung kaya ko namang sagiping pareho?" singhal niya.

Huli na nang makita ko ang pagkilos niya! Higit na huli nang lahat bago ko maramdaman ang mga kamay niyang gumapos sa kamay ko kung nasaan ang baril. Pinilipit niya ang braso at pulsuhan ko at sa pagitan ng ilang segundo ay nagkapalit kami. Siniko niya ako upang tuluyang maagaw ang baril sa akin. Ang isa ko pang braso ay hinawakan niya nang sobrang higpit at siyang mismong isinuntok sa 'kin!

Mierda!

"Maxpein!" sigaw ni Eerah ngunit walang pumansin sa kaniya.

Nagawa kong makita si Maxpein ngunit hindi ang mga galamay niya nang mabilis niyang iikot ang sarili kong braso at isakal 'yon mismo sa 'kin. Kikilos sana ako paikot, sa gawing kapareho nang pagkakaikot niya ngunit nagawa niya rin iyong mabasa dahil padulas niyang pinaikot ang baril sa kaniyang palad at nang mahawakan ang puno niyon ay biglang inihampas sa batok ko ang hawakan! Sa pagitan ng isang segundo ay nararamdaman ko na ang malamig na bibig ng baril sa aking sentido. Maging sa isip ko ay hindi ko maidetalye ang mga kilos niya sa sobrang bilis. Sa aking paningin ay para iyong hangin.

"Buhay sa buhay, hindi ba?" Kahit ano pang pilit ni Maxpein na pakalmahin ang tinig ay hindi na siya nagtatagumpay. Nagkukumawala na ang galit sa kaniyang katawan at nasisiguro kong dahil iyon sa dalawang batang pinahihirapan namin.

"Let him go! Hindi ako magdadalawang-isip na kitilan ng buhay ang mga batang ito, Maxpein, I am warning you." Si Eerah na kanina pa ma'y gigil na gigil na rin.

Hindi ko magawang kumilos. Bagaman ang galit ko ay patuloy sa paglago, wala akong magawa. Kahit anong kilos ko ay nagagawang basahin ni Maxpein. Anumang galaw ko ay nagagawa niyang isahan na para bang lahat nang iyon ay nakasanayan niya nang makita sa akin. Sa huli ay ako ang nabibihag at nasasaktan.

"Hand me the kids and I'll let this evil go. Walang alinlangan ko ring kukunin ang buhay ni Cargosin bilang kapalit, Eerah, I am telling you." Ginaya ni Maxpein ang nagbabantang tono niya.

Naramdaman kong ipinuwesto ni Maxpein ang bibig ng baril sa mismong gitna ng sentido ko. Na para bang nakakalkula niya ang layo ng bibig niyon mula sa aking utak. Naramdaman ko ang hininga niya nang ilapit ang sariling bibig sa aking tainga.

"Gusto mong malaman ang isa pa sa mga talento ko, Cargosin?" bulong niya, iyong ako lang ang makaririnig. Lalo niyong binuhay ang galit ko. Ang pareho naming paningin ay nakina Eerah at Christian pa rin. "Kaya kong patayin kayong lahat dito, maging iyong nagtatago at nanonood sa atin ngayon. Nang walang nasasaktan ni isa sa amin, lalo na ako."

Minura ko siya sa salitang maiintindihan niya. Sobrang lakas, at gigil na gigil sa galit! "Kung gano'n ay bakit hindi mo pa gawin ngayon!" sigaw at saka nagkumawala! Iyon ay upang salubungin ko lamang muli ang malakas niyang sipa na siyang nakapagpatumba sa 'kin!

Itinutok niya nang deretso baril sa 'kin at walang alinlangang pinaputok iyon! Napasigaw ako sa gulat at kaba pero wala akong naramdamang kakaiba sa katawan ko. Maging sina Eerah at Christian ay napukol ako ng tingin, magkahalo ang gulat at kaba, pero wala kaming dapat na ipag-alala. Dahil ang tinamaan niya nang sadya ay ang sementong ilang sentimetro na lang layo sa aking tiyan.

"Nasa'n si Randall!" sigaw ni Christian. Pare-pareho kaming naging aligaga sa paghahanap pero hindi ko magawang alisin nang matagal ang paningin ko kay Maxpein.

"'Wag mo 'kong tingnan ng ganiyan, Cargosin. Kabahan ka kapag ako ang nawala sa paningin mo," aniya sa napakalalim na tono, pinatataas ang mga balahibo ko.

"Hindi ko na talaga mahihigitan pa ang kayabangan mo, Maxpein Moon. Pero maniwala ka sa akin, sinisiguro ko sa iyo. Mayamaya lang ay pagsisisihan mo ang lahat ng ito. Ang bawat sakit na idinudulot ng kakayahan mo sa katawan ko ay pagsisisihan mo."

"Sa dami ng nakaharap ko ay kayo ang pinakamarami...at pinakamaraming sinasabi. Isip ko ang nagpaplano, katawan ko ang kumikilos. Hindi ako kasing-inutil mo."

Hindi ko inaasahang matapos niyang sabihin iyon ay itutulak niya ako palayo habang hawak pa rin ang braso ko. Nang hilahin niya ako pabalik sa kaniya ay nakita ko nang mabilis niyang iangat ang hita at wala akong nagawa para umiwas. Muli ay sinalubong ko ang matigas na tuhod niya. At nang hindi makontento ay ipinuwesto ang parehong kamay sa likuran ko at muli akong inumpog sa kaniyang tuhod!

Agad na gumapang ang matinding sakit mula sa puno ng nguso ko, sa gilid ng ilong ko hanggang sa aking noo. Nabasag ang ilong ko! Ah! Bago ko pa man magawang kumilos ay umalulong na ang tatlong magkakasunod na putok ng baril. Mula iyon kay Christian.

"Sa ginawa mo ay hiningan mo lang kami ng tulong," tinig ni Maxpein, si Christian ang kausap.

"Hanggang diyan ka na lang," ani Eerah.

Pero hindi nakinig si Maxpein at sa halip ay nagpatuloy sa paglalakad papalapit sa kanila. Itinutok muli ni Eerah ang tanto sa leeg ng paslit na noo'y patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Hilingin mong 'wag kang magkaro'n ng anak dahil kapag nagkataon ay hahanapin kita, ikaw at ang iyong pamilya, at ang ginawa ninyo sa mga batang ito ay gagawin ko rin mismo sa anak mo!"

Napanood ko nang padausdusin ni Maxpein ang sarili papunta sa ilalim ni Eerah Anitha! At walang alinlangang sinaksak siya sa binti gamit ang balisong na hindi ko alam kung saan nagmula! Nabitiwan ni Eerah ang sanggol at nasalo iyon ni Maxpein. Nang kumilos si Christian, akmang dadakmain sa leeg si Rhumzell, ay bigla na lang siyang napaabante dahil sa isang malakas na sipa mula sa kaniyang likuran. Nandoon si Randall, paulit-ulit na inaambaan nang hampas si Christian gamit ang bat. Bagaman mahina ay sinisikap humugot ng lakas para sa dalawang bata.

Agad na ginalugad ng kamay ko ang aking likuran, wala na akong anumang armas doon. Pumitik ako sa ere, at tumingin sa itaas kung nasaan ang mga nanonood sa amin. Iyon na ang hudyat ko at bawat pagbabagal nila ng kilos ay binubuhay lalo ang galit ko.

Animales, Taylor!

Prente akong naglakad, habang nakatingala at sinasalo ang tumutulong dugo mula sa aking ilong, papunta kung nasaan ang mga baseball bat. Ngunit nang hahawakan ko na iyon ay agad akong napailag dahil sa tama ng bala. Binaril ni Maxpein ang mismong bat! At sa aking pagkamangha ay nagagawa niyang sipain nang sipain si Eerah habang hawak ang paslit na bata.

Animales talaga sa galing ang lintik! Paano niya nagagawang bantayan ang tatlong taong kumikilos nang sabay, malapit o malayo man sa kaniya!

Nilingon ko siya pero ang mga paa niya ay abala kay Eerah Anitha. Napakabilis ng kamao, siko, tuhod at paa niya. Pero mahahalatang humahanap siya ng tyempo para makalapit kay Randall, walang kasinlikot ang mga mata ni Maxpein. Wala ring kasinlakas ang kaniyang pakiramdam. Lumiligid sa gawi ni Randall at nang hindi inaasaha'y maglandas ang likuran nila ni Christian ay bigla silang nagkapalit-palit ng kalaban.

Sinipa ni Christian si Maxpein, agad naman itong gumanti nang mas malakas pa sa ginawa niya. Ginamit ko ang pagkakataong iyon upang pulutin muli ang bat. Ngunit sa ikalawang pagkakataon ay tinamaan iyon ng baril!

"Mierda!" minura ko si Maxpein kasabay pa nang pagduduro.

Pero iyon na pala ang tyansa niyang maiabot sa ama ang paslit nito at parang damit na dinampot ang nakababatang kapatid ni Randall at pabatong itinulak papalapit dito.

"Pein!" kasabay ng pagtawag ni Randall ay ibinato niya ang bat. Gusto kong tumawa nang malakas sapagkat nasalo iyon ni Maxpein bago pa man lumingon.

At matapos niyon ay walang alinlangan siyang naglakad papalapit kina Eerah at Christian, sa kaliwang kamay ay ang baril habang sa kanan ay ang bat. Umatras nang umatras ang dalawa habang patuloy ang pag-abante niya. Sinulyapan ko si Randall, ang paningin niya ay nasa akin at humahanap din ng tyempo para makalayo sa lugar na iyon.

Pero nasa amin ang pagkakataon. Dahil bago pa man magawang hampasin ni Maxpein ang isa kina Eerah at Christian ay bumukas na ang ilaw sa dako kung saan sadyang umaatras ang dalawa kong kasama. Muli sa gawi ko ay kalmadong lumapit si Taylor at pabatong ibinigay sa akin si Maxrill. Nakapiring ang mga mata at nakagapos ang parehong kamay sa likuran.

Hinawakan ko ang bunsong Moon sa magkabilang balikat at pilit pinaglakad paabante. Wala pa ring ideya si Maxpein sa nangyayari.

"Who are you?" tanong ni Maxrill sa naiinis na tono ngunit halatang kabado. "Where is Taylor?"

"Sshh, you'll be fine soon," tugon ni Taylor.

"Taylor? What's going on?" muling usisa nito ngunit wala nang sumagot pa sa kaniya.

"Pein!" sigaw ni Randall. Inis ko siyang nilingon dahil sa ginawa niya ay mauudlot ang sorpresa ko sana!

"Noona?" pagtawag ni Maxrill sa pamilyar nilang punto nang pananalita.

Nakita ko kung paanong natigilan sa pag-abante pasugod kina Eerah at Christian si Maxpein Moon. Iyon pa lang ang ikinilos niya pero ang ngiti ko'y abot na sa langit.

Nararamdaman ko na ang tagumpay...

DEIB'S POV

"HELLO?" Lahat kami ay napalingon kay Tita Dayzelle sa lakas ng tinig niya. Pinanood namin ang bawat reaksyon sa mukha niya habang nakikinig sa kabilang linya. At kung nakamamatay lang ang paghihintay ay baka bumulagta na kaming lahat. Halos magaya namin ang mga reaksyon niya. Nanlalaki ang mga mata, bahagyang nakamaang at animong litong-lito na may halong pag-aalala.

"Tita, ano raw? Nakita na ba nila ang anak ko?" Hindi na nakapaghintay si Dein sa sasabihin nito.

Pero hindi natinag si Tita Dayzelle, at walang ano-ano'y nasapo niya ang sariling noo at saka umiyak nang umiyak. Agad na lumapit si Chairman Echavez at hinagod siya sa likuran.

"No... No! No! This can't be happening!" humahagulgol na ani Tita Dayzelle matapos ibaba ang linya.

"Ano raw iyon?" aligagang ani Chairman Enrile.

"Tumawag si Maze." Umiling nang umiling si Tita Dayzelle, yumuko sa magkabilang hita at saka doon nagpatuloy sa pag-iyak. "Maging sina Chairman Moon at ang bunsong kapatid nina Maxpein ay nawawala rin daw!" anunsyo niya habang ang paningin ay na kay Chairman Echavez.

Para akong ipinako sa kinatatayuan ko at titig na titig sa kaniya. Hindi ko mapaniwalaan ang narinig ko. Napatayo ang lahat ng naro'n, maliban kay Noona, at bahagyang lumapit kay Tita Dayzelle na para bang may magbabago kapag lumapit kami nang todo.

"No! No! Magwawala si Maxpein kapag may nangyaring masama sa pamilya niya!" nagpatuloy siya sa pag-iyak. "At natatakot ako sa posibleng galit na maramdaman ni Maxpein, dad!" Hinanap nito ang kamay ng ama na naroon sa harapan niya. "Dad, baka kung ano ang magawa ni Maxpein sa mga Rewis at sa huli ay ang dalawang bata ang balingan ng mga ito. Oh, my God! I'm already dying inside, seriously! Why is this happening? What is it that made them do this to us?"

Dahan-dahang napaupo si mommy na noon ay nasa dibdib ang mga kamay at patuloy na umiiyak. Si Noona ay sumabay sa alulong nang pag-iyak na pumupuno sa buong kwartong iyon. Kaming mga lalaki ay puro pag-aalala na lang ngunit wala ring magawa.

Hindi ko nagawang alisin agad ang paningin ko kay Tita Dayzelle. Hindi ko maintindihan kung bakit kakaiba ang dating sa 'kin ng mga sinabi niya. Nagdulot sa 'kin ng kilabot ang mga unang salitang sinabi niya.

Magwawala si Taguro? Dati ko naman nang nakitang nagwala si Taguro pero bakit parang kakaiba ang ibig sabihin ni tita?

Napatitig akong muli kay Tita Dayzelle. Iyak siya nang iyak at hindi madaling patahanin. "God! Why is this happening? Bakit wala man lang tayong magawa para tumulong!" nawawalan ng pag-asang aniya. "Mamamatay ako sa sobrang pag-aalala sa anak at apo ko!"

"Mom," wala sa sariling sabi ko. Lahat sila ay nakatingala na sa 'kin nang lumingon ako. "I want to help."

"Deib Lohr?"

"I want to help them." Tumingin ako sa mga mata ni mommy.

"Deib Lohr," nag-aalala siyang tumayo at lumapit sa 'kin. "No!"

"Mom, kailangan kong tumulong."

"At ano ang gagawin mo? Ano ang magagawa mo?" naghihisterya niyang tugon. "Alam mo kung ano ang lagay mo! Magtigil ka!"

"Mommy," hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.

Pilit kong pinipigilan ang pangingilid ng luha ko sa takot na lalong hindi niya ako payagan. Mas lalong hindi ko ipinakita ang takot na agad sumibol sa dibdib ko, nandito pa ako sa harap nila pero natatakot na ako.

"Gusto kong makatulong. Hindi ko alam ang gagawin ko pero baka may pwede akong gawin kapag nando'n na ako. Please."

"No!"

"I want to be there for Maxpein. I want to stay beside her, mom. 'Yon na lang ang pwede kong gawin ngayon. Please."

"Paano kung mapahamak ka?"

"Hindi ako pababayaan ni Maxpein, mommy."

"Kung aasa ka rin lang naman sa tulong niya ay maigi pang dumito ka na lang, Deib Lohr! Huwag mo nang ipahamak ang sarili mo!"

"Hanggang ganito na lang ba ako parati, mommy? Pamangkin ko 'yong nandoon!" Itinuro ko ang gawi ng pinto na para bang doon nga ang lugar kung nasaan ang mga bata ngayon.

"You don't know what you're saying, Deib Lohr!"

"Mom, please."

"You don't know what's going on, Deib Lohr! Hindi mo alam kung paanong kikilos at mag-iisip sa ganitong sitwasyon, anak!"

"Hayaan mo ang anak mo, Lacey," ani daddy. Nagugulat kaming napalingon sa kaniya.

"Nahihibang ka na ba, Lohrton? Paano kung mapahamak doon si Deib Lohr!" gilalas ni mommy. Galit na galit na siya.

"Babae ang inaasahan natin, Lacey, babae! Lalaki ang anak mo. Magtiwala ka naman." Mahihimigan ang magkahalong pakiusap at galit sa tinig ni daddy.

"Oh, God!" tinalikuran ako ni mommy sa sobrang galit. Sinapo niya ang mukha gamit ang parehong palad at saka umiyak nang umiyak. Nananatili siyang galit nang lingunin ako. "Go ahead and do whatever you want!"

Hindi ko na siya inalo, hindi ko na rin tinangkang lapitan pa siya. Dinampot ko na agad ang susi ng kotse ko sa mesa at saka nilingon ang ilang naro'n. Tinanguan ko si daddy at saka ko nilingon si Tita Dayzelle. Kahit hindi siya magsalita ay alam kong nag-aalala man siya sa 'kin ay hangad niya ang kaligtasan ko, naming lahat.

"Hindi nabanggit ni Maze kung saan ang punta nina Maxwell. But they are already searching the whole town. Galit na galit si Maxwell at hindi ko alam kung paano makakausap ito ngayon." Nagmamadaling lumapit sa 'kin si Tita Dayzelle para sabihin iyon. "Thanks for your braveness, Deib Lohr. Alam kong may magagawa ka para sa lahat. Please take care of yourself, hijo."

"I will, tita." Hinawakan ko siya sa ulo at saka ako tuluyang lumabas.

"Deib Lohr!" nadinig ko ang palahaw ni mommy.

Panigurado ring pinigilan agad ni daddy ang pagsunod nto sa 'kin dahil kung hindi ay baka naabutan na ako nito at muling pinigilan. Humigpit ang pagkakakapit ko sa susi habang naglalakad papalayo, at tiniis ang naririnig ko pang papahina nang papahinang paghagulgol ng mommy ko.

Nagmamadali akong bumaba papunta sa kotse ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng kakaiba at halo-halong pakiramdam ko. Basta na lang ako nagmaniobra at nagbukas ng makina. Nang paandarin ko ang sasakyan ay dinala ako nito sa daan papunta sa mansyon ng mga Moon.

Pero ganoon na lang ang pagkamangha ko. Talaga yatang nakatakdang mapasama ako kung saan naroon ngayon sina Taguro. Dahil hindi pa man ako nakalalayo nang tuluyan ay natanawan ko na ang kotse ni Mokz. Nasisiguro akong kaniya iyon dahil saulo ko ang plaka niya. Pero halos mapalingon ako sa bilis nang pagharurot ng sportscar sa unahan ni Mokz na siyang agad na nakalampas sa 'kin. Hindi ko nakita ang nagmamaneho pero napakalakas ng kutob kong si Maxwell ang nagmamay-ari niyon.

Agad akong umikot, wala akong pakialam sa trapikong naabala ko at sasakyang muntik pang mabundol. Nagmadali akong sumunod sa kanila. At hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin nang pagsunod. Ilang minuto lang ay napakalayo na namin, at gusto kong mainis dahil naghihingalo ang gas ko!

Not now! Please!

Nag-signal ako ng ilaw, hindi lang lima kundi walong beses para mapansin ako ni Mokz. Hndi ganoon kabilis bago ko maagaw ang atensyon niya dahil tutok siya sa mabilis na pagmamaneho. Binuksan niya ang bintana sa gawi niya at inilabas ang kaliwang kamay. Saka sumenyas na manguna at pumantay sa kaniya. Kumuha ako ng tyempo, iyong wala akong makakasabay, bago ako tuluyang tumabi kay Mokz gamit ang kabilang linya. Binuksan ko ang bintana sa kanan ko at saka palitan ang tingin na tumunghay doon.

"What are you doing?" gilalas ni Mokz na noon ay palitan din ang tingin.

"I want to help! But I'm running out of gas!"

Matagal bago siya nakatugon. "Open the window wider!"

Nanlaki ang mga mata ko at nagugulat na tumingin sa kaniya bago muling nilingon ang harapan. "What!"

"Open the window--wider!" sigaw niya kasabay nang pagsensyas.

Kumalabog sa kaba ang dibdib ko. Mukhang nakukuha ko na ang gusto niyang gawin. Noon ko lang gagawin iyon kapag nagkataon at kailangan kong magawa nang ayos iyon dahil gamit ko ang kabilang linya. Anumang oras ay pwede may humarurot na sasakyan pasalubong sa akin at mabangga ako.

Pero hindi ako nawalan ng tiwala kay Mokz. Agad kong nilakihan ang pagkakabukas ng bintana. Napanood ko kung paano niya bahagyang ginitgit ang gawi ko para mas mapalapit ang mga sasakyan namin. Noon ko lang napansin si Heurt mula sa likuran na humahalina sa pagmamaneho niya.

Damn it! Ano ba itong nangyayari!

Pakiramdam ko ay nasa kung anong action film na ako dahil ang nakikita kong paraan nang pagpasok ni Mokz sa bintana ko, gamit ang bintana niya, habang kaming dalawa ni Heurt ay nagtatantyahan nang pag-andar, ay sa palabas ko lang nakikita.

"Huminto ka sa gasolinahan matapos ang tatlong kilometro," kalmadong ani Mokz nang tuluyang makapasok sa kotse ko. Hindi ko nagawang sumagot, wala yatang ibang makakaintindi sa kaba na naramdaman ko dahil sa ginawa namin ngayon lang. Biglaan iyon at talagang nakakatakot para sa 'kin.

Pwede naman siguro kaming huminto sandali, bakit kailangang sa delikadong paraan pa siya pumasok sa kotse ko? Anong klaseng pamilya ba naman ang mga ito?

Wala sa hulog kung itatanong ko iyon ngayon. Seryoso masiyado si Mokz. Hindi niya nga halos maialis ang paningin sa sasakyan ni Maxwell na noon ay animong hari ng kalsada. Maging ang kabilang linya ay nagagawa niyang okupahin. Dahil lahat ng mga sasakyan ay nagsisipagtabihan na para bang isang malaking ambulansya ang sasakyan niya. Hindi man lang gumagamit ng busina, hindi gaya ni Heurt na nakaririndi ang pagpapaulit-ulit sa pagbusina tumabi lang ang bawat makakasalubong o nasa unahan niya.

Hindi ko pa man tuluyang naipaparada nang ayos sa gasolinahan ang kotse ay bumaba na si Mokz. Agad na kinuha ang gripo ng gas at kinatok ang gawi ng kotse ko kung saan iyon ipapasok. Ipinatong niya ang ilang piraso ng lilibuhing pera sa palad ng boy na noon ay gulat na gulat sa pagmamadali namin.

"Mokz, lima lang!" sabi ko nang hindi ito mag-atubiling punuin ang tanke ko.

Tinapik ni Mokz ang balikat ng boy at saka lumigid sa gawi ko. "I'll drive," aniya.

Walang alinlangan akong sumampa sa passenger's seat bago pa siya magsalita ulit. At dahil batid ko na kung gaano karami ang talento ng pamilyang ito, ay agad na rin akong nag-seatbelt. Hindi nga ako nagkamali, halos madilaan ko ang salamin sa harapan sa t'wing pumepreno si Mokz nang biglaan. Humahampas naman ang ulo ko sa upuan sa t'wing aarangkada na naman siya.

"May ideya ka ba kung saan tayo pupunta, Mokz?" tanong ko dahil panay lang ang pagderetso namin, kung lumiko man kami ay dahil ganoon din ang kalsada.

Hindi ako nakatanggap ng sagot sa kaniya. Paniguradong napakalalim ng iniisip niya sa ngayon at ayaw ko nang dumagdag pa.

Bahagyang kumalma ang kaba sa dibdib ko. Nabawasan din ang aking takot. Pero ang pag-aalala ko ay lalong tumitindi. Hindi ko alam kung sino ang una kong iisipin. Nag-aalala ako masiyado para sa dalawang bata, gano'n na rin kay Taguro. At hanggang sa sandaling iyon ay nagpapaulit-ulit sa pandinig ko ang mga sinabi ni Tita Dayzelle.

Magwawala si Maxpein kapag may nangyaring masama sa pamilya niya!

Pakiramdam ko ay iba ang kahulugan ng magwawala nang gamitin niya. Para bang iyon lang ang terminong pwede niyang gamitin sa posibleng gawin ni Taguro.

Hindi ko naiwasang mapatitig kay Mokz. Kung ako ang tatanungin ay normal lang naman sila. Lumalabas lang ang kaibahan nila sa t'wing may ganitong pangyayari na.

Sa sobrang pag-iisip ay 'ayun na naman tuloy sa 'kin ang kagustuhang alamin ang tunay na pagkatao ni Taguro. Ang katotohanan sa likod ng pagkatao ng pamilyang Moon.

Matapos ang pagkahaba-habang daan ay dumaan kami sa madilim na tunnel. Tanging ang ilaw mula sa mga sasakyang dumaraan ang nagbibigay liwanag. Pero wala ro'n ang atensyon ko. Ang nauna kasi naming dinaanan ay mapuno at wala masiyadong bahay. Ngayon naman ay narito kami sa sibilisadong lugar. Hindi ko man lang nalalamang may ganitong parte pala ang Laguna.

Nauna akong bumaba kay Mokz. Nasulyapan ko agad ang sasakyan niya at ang bagong-bagong sportscar ni Maxwell na basta na lang ipinarada. At agad akong bumalik sa huwisyo nang mamataan ko ang motor ni Taguro na ni minsan ay hindi ko kinakitaan ng alikabok pero punong-puno ng dumi ngayon. Sa sobrang itim kasi ng bawat parte ng motor ay masasalamin ang repleksyon nang sinumang tumingin doon.

"Where are they?" nag-aalala kong tanong nang tumabi sa 'kin si Mokz.

"I'm not sure yet," aniya at saka tinanaw ang mataas na gusaling nasa harapan namin.

Mukhang abandonado ang lugar na iyon. Maiitim na ang haligi at sira-sira na ang mga bintana. Bumabagsak na rin ang mga parte ng veranda na bawat kwarto ay meron. Siguro ay dati iyong apartelle. Hindi kasi nalalayo ro'n ang hitsura.

Nahinto lang ako sa pagtingala nang maramdaman ko ang bigat ni Mokz sa balikat ko. "Listen to me, son," seryosong aniya. Kinabahan naman agad ako. "Kahit na ano ang mangyari ay huwag mong pababayaan ang sarili mo. Natatandaan mo pa naman ang lahat ng itinuro ko, hindi ba?"

"Ha?" Napatango na lang ako. "Oo." Pero hindi na ako sigurado ngayon, kinakain ako ng kaba.

"Siguraduhin mong maski isang galos ay hindi ka dadapuan sapagkat kami ang malilintikan kay Maxpein." Seryoso siya nang sabihin iyon pero hindi ko maintindihan kung bakit may reaksyon sa puso ko na animong kiniliti ako.

Kinagat ko na lang ang sariling labi upang mapigilan ang pagngiti. At saka ako tumango. "Dito lang ako sa likod mo."

Lumaylay ang mga balikat niya. "Akala ko naman ay maaari na kitang ipain doon sa bungad." Itinuro niya ang entrada papasok sa parking lot at saka tumawa.

Nakuha niya pang magbiro? Magkakamag-anak nga talaga sila. Tch!

"Nasa itaas na sila Heurt." Sa 'taas naman siya tumuro. Noon ko naaninagan ang puti na taling ginamit paakyat.

Lalo akong napalunok. Doon ba kami dadaan? Hindi ko lubos na maisip ang sarili kong inaakyat ang gusaling iyon gamit ang tali na iyon. Hindi ako tiwala sa tali, kung si Mokz pa lang ay mukhang bibigay na iyon. Lalo akong kinabahan nang magsimulang luminga-linga si Mokz na para bang naghahanap ng magagamit na bagay panlaban.

Hindi ko yata kaya 'to.

May kung ano sa 'king hinihikayat akong umatras at magpaalam papalayo. Pero kakatwang ako rin mismo ang pumipigil sa sarili ko. Natural man ang makaramdaman ng takot, hindi naman normal para sa 'kin ang mga pangyayaring ganito. Pero nang sandaling maisip ko ang lagay nina RD at Rhumzell, Maxrill at Chairman Moon, kumuyom ang mga palad ko. Noon ko lang naaalala ang mga ginawa ng Rewis sa amin.

Nagkatotoo nga ang ikinakatakot ko. Sa huling paglagay ko ng bigat sa puting tali na ginamit namin sa pag-akyat ay bumigay iyon. Kasabay niyong nahulog ang ilang bakal na bahagi ng veranda na gumawa ng malakas na ingay. Dali-dali akong hinila papasok sa bintana ni Mokz. At gano'n na lang ang gulat ko nang may dalawang lalaking sumalubong sa 'min at akma kaming hahampasin!

Agad na sinalag ni Mokz ang isa at sinipa naman ang isa pa. Naramdaman ko agad ang panginginig ng mga kamay at tuhod ko. Pero bago pa man ako lamuning muli ng takot ay nadampot ko na ang sirang bangko at inihampas iyon sa kanila. Akma kong hahampasin uli ang mga ito nang matigilan ako sa pagkilos ni Mokz. Siniko niya ang isa sa mukha at puwersahang pinatalikod sa kaniya. May kung ano siyang pinindot sa ibabang bahagi ng likod nito at saka tinadyakan papalayo. Ang isa naman ay basta na lang nakatulog matapos niyang tadyakan sa batok at dibdib.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya.

"Oo," kabado pa rin akong tumango.

"Ta--" Hindi niya nagawang tapusin ang sasabihin nang umalulong ang apat na magkakasunod na tunog ng baril.

"Sina RD at Rhumzell, Mokz," napakapit ako sa kaniya.

"Babawiin natin sila," paniniguro niya at saka nanguna sa daan.

Sobrang dilim. Hindi nga ako nagkamali, isa iyong apartelle dahil sa hitsura ng kwartong iyon na pinasok namin. Paglabas ay nasa pasilyo na kami at naro'n ang sunod-sunod na pinto ng iba pang kwarto.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Mokz. Parehong handa kung may biglang umatake sa 'min. Pero tahimik naming narating ang dulong bahagi ng pasilyo. Nagawa rin naming bumaba sa dalawang palapag nang walang hinaharap. Pareho lang kaming nakikiramdam sa paligid at hinahanap ang kinaroroonan nina Taguro at iba pa naming kasama.

"Wala na 'kong naririnig na ingay, Mokz. Nag-aalala ako, baka kung ano na ang nangyari?" sabi ko mayamaya nang hindi ako makatiis. Walang sandaling hindi ako napraning. Kung ano-ano ang tumatakbo sa isip ko sa kabila nang pagiging alerto.

Nagpalinga-linga muna si Mokz bago tumingin sa 'kin. "Sana ay walang nangyari." Mababasa ang pag-aalala sa mga mata niya. "May tiwala ako sa kay Maxpein."

Bagaman gano'n ang sinabi niya ay hindi nabawasan ang kaba ko. Parang lalo pa ngang tumindi dahil ang lahat ay iniasa na naman sa kaniya. Bagay na magpahanggang sa ngayon ay hindi ko maintindihan.

"Dito tayo," mahinang aniya.

Lumiko kami papunta sa emergency exit door. Pero ganoon na lang ang gulat ko nang may humila bigla kay Mokz matapos niyang buksan iyon. Napaatras ako nang makita ko ang makahulugan niyang tingin sa akin. Napanood ko pa nang sumubok siyang lumaban hanggang sa tumumba nang bigla siyang kuryentehin!

Shit!

Umatras uli ako nang umabante papunta sa 'kin ang dalawang lalaking may taklob na itim sa mukha. Ngunit nahinto ako nang may mabundol ako sa aking likuran. Hindi ko na nagawa pang kumilos dahil batid kong isa iyong tao.

"Sumama ka na lang nang tahimik sa amin kung ayaw mong mapahamak." Hindi pamilyar sa 'kin ang tinig. Wala akong lakas ng loob para lingunin at alamin kung sino iyon.

Pinaggitnaan ako ng dalawang lalaking may taklob sa mukha at inakay sa sino. Saka nila ako kinaladkad papalabas sa emergency exit door. Maging si Mokz ay binuhat nila gamit ang dalawang braso saka kinaladkad.

Bagaman madilim ay nabatid ko agad na nasa parking lot kami. Gano'n na lang ang pagkamangha ko nang makita ang lahat ng hinahanap ko doon. Nando'n ang mga Rewis, ang ilan sa mga tauhan nila, maliban kay Lovemir na agad hinanap ng mga mata ko. Naro'n din sina Taguro, Randall at dalawang bata, maging sina Maxrill, Heurt at Maxwell, na noon ay parehong nakataas ang kamay sa ere dahil may nakatutok na baril sa likuran, sentido at harapan.

Nasaan si Chairman Moon? Agad na hinagilap ng mga mata ko ang senyor pero wala akong makita.

Pumalakpak si Eerah at naglakad papalapit sa amin nang makababa ako. Hindi ko inaasahan ang biglaan niyang pagsampal sa 'kin!

"Sayang, wala ang lolo at ate mo. E, di sana kompleto na tayo?" aniya at saka akmang sasampalin uli ako pero umilag na ako. "How are you, Lohr?"

Nagtiim ang bagang ko. Gusto ko siyang duraan at murahin nang murahin pero nasisiguro kong makasasama lang iyon sa sitwasyon. Sa halip ay tiniis ko na lang nang muli niyang padapuin ang palad sa 'kin. At nang akma niya akong susuntukin ay napatalon siya nang may lumangitngit na bagay sa likuran niya. Sabay kaming napalingon sa kaliwa at 'ayun si Taguro na masamang-masama na ang tingin sa kaniya. Nagbato ng kung ano para pigilan si Eerah.

Hinarap siya ni Eerah. "Talagang malakas pa rin ang loob mo, 'no?" sarkastikong aniya. "Sa ganitong karaming mahal mo sa buhay? Paano mo sila maililigtas nang buhay!"

Humalakhak si Cargosin at sinenyasan ang mga may hawak sa 'kin. Nang makalapit ako sa kaniya ay basta na lang niya akong tinuhod at dinagukan sa likod. Sinadya kong hindi gumawa ng anumang ingay, kahit masakit talaga ang mga iyon, para lang 'wag magipit sa pagdedesisyon si Taguro. Gustong-gusto kong lumaban pero hanggang sa sandaling iyon ay ang sitwasyon ang nasa isip ko. Kung makakatulong ba ako o makadaragdag lang sa gulo.

Sinabunutan niya ako at pinatingala. "Anong pakiramdam nang pinapanood mo ang paghihirap ng mga mahal mo, Maxpein?" tanong niya.

"Bitawan mo siya," utos ni Taguro. Napatitig ako sa kaniya. Noon ko lang uli nakita ang matinding galit sa kaniyang mga mata.

Walang ano-ano ay bigla akong siniko ni Cargosin at sa gitna mismo ng dibdib ko iyon tumama! Napayuko ako kasabay ng pag-ubo sa sobrang sakit niyon. Naramdaman ko ang paglapit ni Taguro pero agad siyang natigilan nang tutukan ako ni Cargosin ng patalim sa mismong ilalim ng panga. Gamit ang maliit na espada ay pinaangat niyang muli ang aking ulo. Sa takot akong lumalim ang pagkakadiin niyon ay itinaas ko na lang uli ang paningin ko.

"Christian!" tawag ni Cargosin saka tumango dito bilang pagsenyas.

Sabay-sabay kaming napalingon kay Christian na noon ay nasa likuran nina Maxwell at Heurt. Tinadyakan ni Christian ang mga ito at pinagsisipa sa mukha hanggang sa makontento. Nang akalain kong doon na iyon natatapos ay nagkamali ako dahil marahas na pinulot ni Christian ang pinakamalapit na baseball bat. Saka walang awang pinaghahampas iyon sa likod nina Maxwell at Heurt.

Napasigaw ako sa hindi katanggap-tanggap na napapanood ko. Parehong duguan ang mukha ng dalawa. Mabilis na namula, nangitim at namaga ang iba't ibang parte ng katawan nila.

Agad na nangilid ang mga luha ko. Noon ko nasulyapan si Randall na nasa isang gilid, bitbit ang anak at hawak ang kapatid. Kapareho kong tahimik na lumuluha at walang magawa.

Ang sumunod na tinanguan ni Cargosin ay si Taylor na ang ginawa naman ay tanggalin ang piring ni Maxrill. Marahan nitong kinalagan ang mga kamay ng binatilyo at pinaharap sa kaniya. Tinitigan ni Maxrill nang may pagtataka si Taylor at ganoon na lang din ang gulat niya nang tuhudin siya nito sa tiyan. Nang mapayuko si Maxrill sa sakit ay hinawakan ito ni Taylor sa magkabilang pisngi at muling tinuhod sa mukha!

At hindi pa sila ro'n nakontento. Napanood ko nang maglakad si Eerah sa harapan ko at lumapit kay Mokz. Gamit ang mataas at manipis na takong ay tinapakan niya ang kamay ni Mokz dahilan para magising bigla ito. Nakita ko ang mabilis na pagdaloy ng dugo sa kamay ni Mokz, nakabibingi ang malakas na sigaw niya.

"Bwahahaha!" napuno ang lugar na iyon ng matinis na pagtawa ni Eerah. Hindi ko na magawang lingunin pa siya dahil sa kahabag-habag na ginawa ng mga kasamahan niya. "Napakasarap pala sa pakiramdam nito? Iyong nagagawa namin ang lahat ng aming gusto habang ikaw ay nanonood lang at unti-unting pinapatay dahil sa mga nakikita mo?" sarkastikong aniya kay Taguro na noon ay tahimik na ring lumuluha.

"Oh? Bakit bigla ka yatang nanghina?" si Cargosin kay Taguro. "Nasa'n na ang tapang mo, Maxpein Moon?"

"Huwag kang kikilos!" banta ni Taylor habang nakatutok ang baril kay Maxrill nang akmang hahakbang si Taguro. Saka sila sabay-sabay na humalakhak na parang mga demonyo.

"Marunong ka naman palang sumunod, bakit hindi mo sinimulan noon, Maxpein Moon?" nangibabaw ang pamilyar na tinig mula sa 'taas, kung saan kami nanggaling ni Mokz. Nasisiguro kong si Chairman Rewis iyon. Hindi ko siya magawang lingunin dahil sa mahigpit na pagkakakapit sa 'kin ng dalawang lalaki sa tabi ko. "Handa ka na bang ibigay ang buhay na hinihingi ko? Ako kasi ay matagal nang handa para maningil. Sabihin mo sa akin, kaninong buhay ba sa mga ito ang kukunin ko?" mahabang sabi niya nang tuluyang makalapit kay Taguro. Nakangisi at nagmamalaki. "Ano ngayon ang gagawin mo?"

"Kikilabutan ka kapag narinig mo," seryosong tugon ni Taguro.

"Iyan ang gusto ko, Maxpein Moon," nakangising anang Chairman. "Iyong nauubusan ka na ng pasensya pero wala kang magawa."

"Nagkakamali ka," deretsong tugon ni Taguro, hindi man lang kumukurap ang mga mata. "Dahil kapag nauubos ang pasensya ko ay mas marami akong nagagawa. At karamihan sa mga iyon ay masasama."

Nagulat ang lahat nang umatras si Taguro at patalon na sinipa si Chairman Rewis sa mukha dahilan para mapaatras ito at tuluyang tumumba patalikod! Sumugod agad si Taguro at hinila ito sa kuwelyo. Marahas niyang pinatayo ang senyor at kasabay na itinakbo papalapit sa pinakamalapit na poste at sunod-sunod na inihampas ang mukha nito ro'n! Bago muling matumba si Chairman Rewis ay sinipa na ito ni Taguro sa batok at saka muling tumalon upang tuhurin naman ito sa mukha gamit ang kabilang hita.

Taguro!

Gigil na gigil si Taguro at walang anumang dahilan ang makapipigil sa kaniya. Sapagkat mabilis niya muling itinayo ang senyor at iniumpog ito sa poste. Mababasa ang galit sa mga mata niya habang sinasakal si Chairman Rewis na halos magkumahog para lang makahinga. Nang magawang pigilan ang sarili ay muli niyang iniumpog ang Chairman sa poste dahilan para mahawakan nito ang sariling ulo, nasaktan marahil nang husto. At saka niya ito itinulak para mabuwal sa sahig at muling pinagsisipa ito sa mukha.

Natigil lang siya dahil sa sunod-sunod na pag-alingawngaw ng baril ni Cargosin. "Mierda!" Itinutok niya ang baril kay Taguro at walang ano-ano ay ipinutok iyon.

"'Wag!" huli na nang makasigaw ako.

Parang nag-slow motion ang lahat sa paningin ko at nakita ko kung paanong tumalon patalikod si Taguro upang 'wag tamaan. Nanlalaki ang mga mata kong hinintay ang pagpapakita niya, gusto kong masigurong wala siyang tama.

Pero hindi ko na iyon nakita nang bigla akong hilahin ni Cargosin at tutukan ng baril sa sentido. "Lumabas ka diyan, Maxpein! Kung hindi ay papatayin ko itong nobyo mo!"

Namumula na sa galit si Taguro nang lumabas mula sa likuran ng itim na sasakyan. Masamang-masama ang tingin at galit na galit.

"Hindi ko maintindihan kung ano ang ipinaglalaban niyo," mariing sabi ni Taguro, galit na galit. "Bakit kailangang umabot sa ganito?" kaunti na lang ay bubuhos na ang mga luha niyang naipon sa mga mata.

"Mierda! Mierda! Mierda! Bobo! Inutil! Estupida! Bastarda!" sunod-sunod na sigaw ni Cargosin habang paulit-ulit na dinuduro si Taguro gamit ang baril na hawak niya. Nararamdaman ko sa higpit nang pagkakahawak niya sa 'kin ang kaniyang galit. Halos bumaon sa batok hanggang tainga ko ang kaniyang mga kuko.

"Iputok mo!"

"'Wag mo 'kong subukan!"

"Iputok mo!" muling hamon ni Taguro.

"Mierda!" animong nababaliw nang sigaw ni Cargosin. Hawak ang ulo at nagpapapadyak sa kinatatayuan niya. Saka muli iyong itinutok kay Taguro ngunit wala ring nagawa.

"Iputok mo nang magkaalaman tayo! Wala ka namang kwentang kalaban, 'di ba?" singhal ni Taguro.

Lalong nahamon si Cargosin. Binitiwan niya ako at biglang sinugod si Taguro. "Anong sinabi mo?"

"Puro ka dada! Dehado na 'ko't lahat, ano pang ginagawa mo? Bakit hindi mo kami pagpapatayin lahat para makontento ka na't makabawi diyan sa ipinagmamalaki mong pagkamatay ng nanay mo!" galit na talagang sigaw ni Taguro. Hindi na niya iniisip ang sinasabi!

Kung ano-anong sinabi ni Cargosin sa sariling lenggwahe at biglang sumugod kay Taguro. Pero gaya ng kaniyang ama ay wala siyang nagawa nang dakmain siya ni Taguro sa batok at pinaikot-ikot hanggang sa maliyo. Nang ihinto siya ni Taguro ipinanghampas nito ang baril na hawak niya rin mismo.

"Sige, Maxpein! Sige!" naghahamong sigaw ni Eerah na basta na lang din akong hinila.

Pinaghawak ko ang kamao ko at buong pwersa siyang siniko. Nang magharap kami ay tinadyakan ko sa pagitan ng dibdib at tiyan si Eerah.

"Gago ka, ah!" Biglang sumugod si Christian. Sinangga ko ang kamao niya at nakakuha ng tyempo para suntukin siya sa tiyan.

Nasulyapan ko pa si Taylor na noon ay kalmadong naglalakad papalapit sa nakalapag na bat. Agad din akong naghanap ng bagay na pupwedeng gamitin pero bago ko man iyon magawa ay tinamaan na ako ni Christian sa paa. Napasigaw ako sa sakit niyon, naiisip ko tuloy kung ano pa ang naramdaman nina Heurt at Maxwell.

"Maxpein...Maxpein...Maxpein..." Natigil ang lahat nang magsalita si Taylor. Hawak niya ang isang bat at ipinantatapik iyon sa kabilang palad niya. "Isang maling kilos mo pa, pasasabugin ko ang ulo ng iyong ina." Umakto siyang tumitira ng baseball at inaasinta iyong ulo mismo ni Heurt na noon ay parang lumuluha na ng dugo.

Tumigil si Taguro sa sitwasyong hawak niya sa leeg si Cargosin. Pabato niya itong binitiwan at tinanaw si Taylor. Gusto kong sumigaw nang mula sa likuran ay hahampasin ni Cargosin si Taguro ngunit pare-pareho kaming nagulat nang yumuko ito at bumaba upang patirin ang lalaki!

Fuck! Naghahalo ang pakiramdam ko at parang mababaliw na ako sa dami niyon.

Humalakhak si Taylor. "Mamili ka na kung sino ang gusto mong patakasin. Saka natin sisimulan ang laban," utos niya.

Ha? Anong ibig niyang sabihin? Natutuliro akong napalingon sa kung saan-saan hanggang sa mapatitig ako kay Taguro. Halatang hindi niya rin alam kung ano ang gagawin at maging ang sasabihin. Sa dami ng kalaban, sa dami ng kailangang iligtas, ay nag-iisa siya.

"Patakasin mong lahat," ani Taguro na ang paningin ay nasa semento.

Inosenteng napamaang si Taylor. "Napakaabusado mo naman?" Saka siya tumawa. "Mamimili ka lang sa tatlo; Enrile, Echavez o Moon?" Muli siyang tumawa nang tumawa.

Gaya ni Taguro ay nagugulat akong napalingon kay Taylor. Hindi ako makapaniwala sa ganoong uri ng pagpipiliang ibinigay niya. Pero mukhang seryoso siya sa sinabi, at walang balak bawiin ang mga iyon.

"Ano, Maxpein Moon?" muling tanong ni Taylor nang hindi makasagot si Taguro.

"Patakasin mo lahat, magpapaiwan ako."

Taguro...

Humalakhak ang lahat at ang kay Taylor ang pinakamalakas. "Handa kang ibuwis ang buhay mo?"

"Para sa mga taong mahal ko, oo," seryosong sagot ni Taguro.

Isinandal ni Taylor ang hawak na bat sa hita niya at saka sarkastikong pumalakpak. "Bigyan ako ng kopya ng larawan nito, pagagawan ko ng rebulto," aniya sa mga kasamahan habang nakaturo kay Taguro. Sabay-sabay uli silang natawa.

Dinampot muli ni Taylor ang bat saka nagsimulang maglakad papalapit kay Taguro. Umikot siya nang paulit-ulit dito nang hindi inaalis ang paningin. Si Taguro naman ay nanatiling nakatingin sa semento. Sa isip ko ay humihiling akong sana ay nakapag-isip o nag-iisip na siya ng gagawin.

Noon ko lang naramdaman ang takot hindi lang para sa sarili ko kundi para sa maraming tao. At noon ko lang naramdamang hindi bale nang mamatay ako, makaligtas lang ang lahat ng narito.

Kaya naman nang makita kong wala sa akin ang atensyon ni Christian, ay umikot at tsambahang hinugot ang baril ng isa sa mga tauhan. Walang takot ko iyong ipinutok ngunit walang tinamaan! Napaatras silang lahat nang basta ko na lang itutok ang baril.

"Patakasin niyo kami!" sigaw ko. "Kung hindi ay ipuputok ko 'to!" banta ko pero walang kumilos sa kanila. "Patakasin niyo sabi kami! Babarilin ko kayo!"

"Subukan mo." Nahinto ako sa tinig na iyon at sa biglang pagyapos sa likuran ko. "Akin na ang baril," tinig ni Eerah. Kusa ko iyong naibigay nang maramdaman ko ang malamig na patalim niya sa tagiliran ko.

"Ah!" napasigaw ako nang matapos ibigay ang baril ay sinaksak niya ako sa hita!

Napaluhod ako sa sahig at bago ko pa man magawang bumagsak nang tuluyan ay 'ayun na ang papasugod na mga tauhan. Gaya nina Heurt at Maxwell ay walang habas nila akong pinagsisipa at pinaghahampas.

"Stop!" Natinag ang lahat sa biglaang pagsigaw ni Maxrill. Nakita rin ng lahat nang mabilis niyang ibato ang isang patalim at tamaan si Christian sa mismong braso na agad namang ikinagalit nito.

Biglang sumugod si Christian kay Maxrill ngunit bago niya pa madakma ito ay nakatayo na si Mokz upang harangan ito. Nagawang ilagan ni Mokz ang patalim ni Christian ngunit hindi ang mga suntok niya. Tumimbawang si Mokz ngunit agad ding tumayo, muntik muling matumba pero pinilit bumangon para maproteksyonan ang apo.

Hindi nagpatinag si Christian. Nakangisi niyang inatake si Mokz at pinahirapan itong gumanti. Napaatras nang napaatras si Mokz sa pagsangga dahil sa panghihina. Tadyak, suntok at dagok ang inabot niya kay Christian. Ngunit nang magawa niyang salagin ang parehong kamay ni Christian ay saka kumuha ng lakas si Mokz para puwersahan itong hawakan sa braso at hilahin. Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Christian nang baliin ni Mokz ang kaliwa niyang braso at tadyakan siya sa tuhod. Bago matumba nang tuluyan si Christian ay hinawakan siya ni Mokz sa baywang. Nang makuha niya ang bigat nito ay saka niya binuhat at ibinalibag.

Dagling tumakbo si Eerah at walang takot na sinaksak sa likuran si Mokz! Nasulyapan ko ang dagli ring pagtakbo ni Taguro na patalong yinapos si Eerah. Nang mapahiga si Eerah ay agad itong gumulong para maiwasan ang kamao ni Taguro. Ngunit hindi niya na nagawang bumangon pa dahil siya mismo ang binuhat ni Taguro at padapang inihampas sa semento. Malakas ang naging pagsigaw ni Eerah lalo na nang itaas ni Taguro ang buong hita at sipain siya. Umaapoy sa galit ang mga mata ni Taguro, walang kasimbilis ang kilos ng mga paa at kamay niya. Dahil hindi pa man nakakabawi si Eerah ay hinila na ni Taguro ang buhok nito mula sa likuran saka nakadapa, at sadyang ikinakaladkad ang mukha sa malamig na semento. Duguan na ang mukha ni Eerah, putok ang labi at kilay, maging ang ilong, nang itihaya ni Taguro. Gano'n na lang ang gulat niya nang makita ang galit sa mga mata ng aking nobya. At halos magpumiglas siya nang muli siyang sabunutan ni Taguro patayo at sunod-sunod na pinagsasapak!

"Taguro!" Sigaw ko nang masulyapan kong tutukan siya ng baril ni Cargosin.

Pero gano'n na lang ang pagkamangha ko nang mabilis na maitulak ni Taguro si Eerah, dahilan para mapasalubsob ito sa harapan ng nakahintong sasakyan, at hilahin ang isa sa mga tauhan upang ibato kay Taylor! Ang tauhan ang tinamaan ng bala na agad nakapagpatumba rito. Ang lahat ay nagulat hindi lang dahil sa nangyari kundi sa bilis nang pagkilos ni Taguro sa sandaling iyon. Mas hindi pa inaasahan ni Taylor ang biglaang pagsugod ni Taguro sa kaniya, walang alinlangan kung muling ikasa ng kaharap ang baril at paputukan siya!

"Kapag nasugatan pa ang isa sa pamilya ko, makikita mo, Taylor!" dinig kong banta ni Taguro.

"Basta ya!" nakangising anunsyo ni Taylor nang hindi inaalis ang paningin sa kaharap. Ngunit mababasa ang matinding pagkalito, gulat at galit sa mga mata niya. "Mamili ka na sa tatlo, nauubos ang oras ko," nanginginig ang mga pangang aniya. Mariin na mariin na lalong nanggigipit sa desisyon.

"Patakasin mo lahat, matitira ako. Nasa 'yo ang salita ko."

Umiling si Taylor. "Pumili ka sa tatlo," mas mariing giit niya. "Echavez, Moon o Enrile, Maxpein!"

Nagtiim ang bagang ni Taguro. "Hindi kayo patas."

Humaklak silang pare-pareho. "Gawin nating patas kung gano'n," ani Taylor. "Kaming lahat, laban sa iyo. Makakatakas lang ang lahat ng taong mahal mo kapag ikaw ang nanalo."

Nagliwanag ang mukha ni Taguro. "Sige. Payag ako."

Kuminang ang mga mata ni Taylor saka ngumisi. "Matapang ka, ah?" aniya saka sumenyas.

Napalingon ako sa tatlong tauhan na kumilos sa likuran ko. Nangunot ang noo ko nang isa-isa silang maglagay ng smoke mask sa mukha, inabutan nila ang lahat ng tauhan at mga Rewis. At ganoon nalang ang panlalalaki ng mga mata ko nang buksan nila ang hindi ko mabilang na naglalakihang tangke sa gawing madilim. Hindi pa doon nagtapos iyon dahil nagbato sila ng bote kung saan-saan at mayamaya lang ay napalibutan ng usok ang lugar.

Nagsipag-ubuhan kami, lalo na sina Rhumzell at Randall na pare-parehong nakahiga sa semento. Napalingon ako kay Taguro na noon ay animong hindi man lang tablan ng usok. Nananatili siyang titig na titig kay Taylor at galit na galit.

"Limitado ang oras mo, Maxpein," sabi ni Taylor. "Huwag kang lalaban sa 'min."

Taguro...

Sumenyas muli si Taylor sa ilang mga tauhan niya. Bagaman may mga tabing ang mukha ay nasisiguro kong nakangisi ang mga ito habang papalapit kay Taguro. Hawak ang baseball bat ng ilan, habang ang iba pa ay may kanya-kanyang matitigas na bagay na hawak, gagamiting panghampas sa kaniya. Nanatiling nakatayo si Taguro nang na kay Taylor ang tingin, wala nang emosyong mababasa sa mga mata niya.

"Walang tatayo sinuman sa inyo." Isa-isang dinuro ni Taylor kaming mga kasamahan ni Taguro. "Isang maling kilos ninyo, pagdudusahan nitong pinakamamahal ninyong bayani. Sige! Simulan na 'yan!"

Nagkumahog tumayo si Cargosin at itinaas ang kamay dahilan para ihagis ng tauhan ang hawak na bat sa kaniya. Nang masambot iyon ay bumuwelo lang siya at agad na inihampas iyon sa tuhod ni Taguro! Agad na nanlambot ang kaliwang bahagi ng katawan ni Taguro, muntik siyang mapaupo ngunit sinikap na muling tumayo.

Iyon pa lang ang nangyayari ay nanghihina na ako, lahat kami ay pawang mga nakatingala lang at nanonood sa kung ano ang magaganap.

Humilera ang mga tauhan sa likuran ni Taguro. Sina Taylor, Christian, Cargosin at Chairman Rewis naman ay mga nakangising humarap sa kaniya. Para silang mga asong ulul na sabik na sabik matikman ang karne sa kanilang harapan. Nagpaikot-ikot sila kay Taguro na noon ay panay na ang iling at pag-ilag sa kumakapal nang usok. Gaya namin ay mukhang nagpipigil siya ng hininga at bubuga na lang kapag nauubo na.

Nang takpan ni Taguro ang ilong ay biglang sumugod si Christian sa kaniya, na bagaman may tabing sa mukha ay makikilala dahil sa damit na suot. Gamit ang likod may takip na tanto ay walang awa niyang pinuntirya ang mga binti ni Taguro. Paulit-ulit na pinaghahampas hanggang sa mapaluhod ito. Ilang saglit pa ay nagsipaglapitan na ang mga tauhan at walang habas na pinagpapalo si Taguro gamit ang mga bat nila.

"Taguro!" Nagwawala kong sigaw! Kumawala ako sa lalaking humahawak sa 'kin at nang akma niya akong hahabulin ay basta ko na lang siya tinadyakan. Ngunit nagawa niya pa rin akong maabutan at hilahin para pagsusuntukin. Nakipagpambuno ako sa kaniya hanggang sa hindi ko na mapigilan ang galit. Basta ko siya pinagsusuntok at pinagtatadyakan hanggang siya ang mapahiga. Hindi ko na malaman kung ano ang aking ginagawa, nagpatuloy lang ako hanggang sa makita ko na lang ang mukha niyang naliligo sa sariling dugo.

Ngunit nang akma akong tatayo ay 'ayun na ang bibig ng baril sa aking sentido. Napakalamig at pinabibilis ang tibok ng puso ko. "Huwag ka nang umastang malakas sapagkat ang nobya mo lang ang maghihirap," tinig ni Taylor. "Hahaha! Mahina ka na nga, pati ba naman ang puso mo ay mahina?" sarkastikong aniya. "'Buti at hindi ka hinihimatay sa gulat sa t'wing pinapuputok ko itong baril? Ano kaya kung patayin ko sa harap mo itong Taguro mo? Tingnan ko kung hindi ka atakihin! Hahaha!"

"Wala kang kasinsama!" singhal ko sa kaniya.

"Hinay-hinay lang sa pagsigaw, Deib Lohr Enrile, hindi ka pa naooperahan. Makasasama sa iyo iyan," kunwaring nag-aalalang aniya. Hindi ko nagawang sumagot at gulat na gulat akong napatitig sa kaniya. Ang ngisi sa kaniyang labi ay biglang nawala, nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang baliktarin ang baril at akmang hahampasin ako.

"'Wag mong gagalawin 'yan, Taylor!" sigaw ni Taguro dahilan para matigilan siya.

Tumawa nang malakas si Taylor. Tuloy-tuloy na pagtawa na para bang isang malaking biro ang sinabi ni Taguro. "Nakakatuwa kayong dalawa, mahal na mahal ninyo ang isa't isa. Ano ang magagawa mo kung ganito ang gusto kong gawin, Maxpein Moon?"

Bigla akong hinila ni Taylor at dinagukan sa likod. Itinulak sa dibdib nang malakas at sinalubong ng suntok. Napamura nang malakas si Taguro dahilan para lalong tumawa si Taylor.

Sumigaw nang malakas si Taguro at sa isang iglap ay pinagsisipa niya ang lahat ng kaharap. Walang hinto at hindi tinitigilan hangga't hindi natutumba ang bawat isa. Nakita ko kung paanong nanggigil sa gulat at galit si Taylor na agad akong dinampot at ipinuwesto sa harapan niya. Naglakad kami papalapit sa puwesto ni Taguro at saka niya ako tinutukan ng baril sa ulo.

"Basta ya, tonta! Sige!" sigaw ni Taylor, ginagamit akong pambanta.

Pero huli na dahil wala nang nakatayo sa mga kaharap ni Taguro. Nangingilid ang mga luha ko pero nakikita ko ang panghihina ni Taguro. Pinipilit na labanan ang nakakaliyong usok at masakit na katawan para makita ang aking kalayagan.

Nababaliw na tumawa si Taylor. "Bakit ang mga kapatid at magulang mo ay hinahayaan mong saktan ko ngunit itong gunggong, mahina at walang kuwento mong nobyo ay ni ayaw mong padapuan ng kamao ko? Hindi ba't obligasyon mong proteksyunan ang buong pamilya ninyo--higit na ang Chairman na siyang tumatayong pinakamataas na tao sa inyong organisasyon?"

Natigilan si Taguro at kunot-noong napatitig kay Taylor. Nakita ko siyang napailing at lalong napatitig sa kaharap. Nangingilid ang mga luha niya at hindi ko na matukoy ngayon kung dahil ba iyon sa galit o sa usok na masakit sa mata at kasing-kapal na ng ulap.

"Hindi mo man lang ba kukumustahin ang iyong pinakamamahal na lolo?" tumatawag sabi ni Taylor. Mas masakit sa tainga ang pagtawa niya dahil sa mask na suot. Mas nakakainsulto at nakakainis sa pandinig.

Lalong natigilan si Taguro, ang mga luha sa kaniyang mga mata ay nag-unahan na sa pagtulo. Ngunit ang blanko niyang emosyon ay nangingibabaw sa buo niyang mukha. Ang hindi maipaliwanag na galit, na sa kaniyang mga mata ko lang nakita, ay sobra at hindi na masukat pa.

"Hindi ka pa namimili, Maxpein," muling sabi ni Taylor.

"Nasa'n ang lolo ko?"

"Mamili ka na ngayon. Kapag tuluyang nakatayo ang mga kasamahan ko ay tutuluyan ko na kayo."

"Nasa'n ang lolo ko!" sigaw ni Taguro na handa na namang sumugod para manakit.

At sa sandaling iyon ay mukhang naiintindihan ko na ang ibig sabihin ni Tita Dayzelle kanina. Ang mga kamay ni Taguro ay nanginginig na sa galit. Namumula ang buo niyang mukha na animong magpapalit-anyo na anumang sandali.

"Taylor," tawag ni Chairman Rewis. May sinabi ito sa salita nila at wala akong naintindihan kahit isa. Nagsipagtahimikan ang lahat at mukhang nakuha ko lang ang pinag-uusapan nila nang mangibabaw sa pandinig ko ang sirena ng mga parak.

"May paparating na mga anghel, mukhang kailangan mong magpasalamat sa akin, Maxpein," sarkastikong baling ni Taylor kay Taguro.

Ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang bigla niya akong itulak at tutukan ng baril. Naitabing ko ang mga kamay ko sa ulo at napabaluktot ako na para bang hindi ako tatamaan sa gano'ng posisyon. Nang wala akong maramdaman ay muli ko siyang tiningala at nakita ko silang nag-aagawan ni Taguro sa baril. Mabilis at sabay-sabay na nagsipagsuguran ang ilan pa sa mga kasamahan ni Taylor at agad na pinaghahampas si Taguro sa likod, tiyan, binti, hita, braso, ulo at sa kung saan-saang parte pa ng katawan niya.

Sinubukan kong bumangon ngunit 'ayun na si Eerah. Bago ko pa man siya mapigilan ay hinampas niya na ang hawak na bat sa dibdib ko. Napasigaw ako sa sakit at nagpaikot-ikot sa sahig.

Parang dinudurog ang puso nang sandaling iyon. Masakit para sa 'king makita ang sitwasyong naming lahat. Mas masakit para sa 'kin dahil wala akong kakayahan at wala akong magawa kundi ang lumuha at manood na lang.

Sinikap tumayo ni Heurt upang tumulong ngunit agad siyang pinaputukan sa kamay ni Taylor! "Parang ayaw kong paniwalaan ang sinasabi ng mga kasamahan ko na malupit ka raw?" tukoy niya kay Heurt na noon ay walang emosyong nakatitig sa kaniya. Ngunit hindi rin magawang kumilos dahil sa sakit at panghihina. Hindi ko nabilang kung ilang beses silang pinagpapalo ni Maxwell gamit ang baseball bat. Pero hindi na ako magugulat kung mababalitaan kong may bali ang mga buto nila.

"Pagsama-samahin iyan!" utos ni Cargosin mayamaya.

Hindi maipinta ang kaniyang mukha dahil sa sakit na iniinda. Hindi niya rin magawang maglakad nang ayos, hindi lang iika-ika kundo panay ang pagtumba niya at pagpipilit na tumayo. Sunod-sunod din ang pagmumura niya saka susulyapan si Taguro na noon ay patuloy pa ring binubugbog ng mga kasamahan niya.

Kumilos ang mga tauhan at unang nilapitan sina Randall at mga bata. Dagli akong napatayo nang makita kong pare-pareho nang walang malay ang mga ito at basta na lang nakahiga sa malamig na semento.

"Randall!" tawag ko.

"Diyan ka lang!" tinutukan ako ng tanto ni Eerah sa leeg.

Mabilis na tumulo ang mga luha ko sa sitwasyon ng dalawang bata. Lalo na nang makita ko ang pangingitim ng mga labi ni RD! Samantalang ang mga taong ito ay basta na lang pinulot ang dalawang bata at inilapit sa 'min. Nang akmang ibabato ng isa sa kanila si RD ay biglang napatayo si Maxwell at kinuha ito sa kaniya. Pero napatimbawang nang bigla siyang sipain ng tauhan sa likuran. Nakita ko kung paano siyang napapikit dahil sa sakit, nahihirapan habang pinoproteksyunan ang hawak na si RD. Tiniis niya iyon at mas inintindi ang bata.

Gustuhin ko man ay hindi ko nagawang lumapit dahil sa patalim sa lalamunan ko. Nilingon ko si Maxwell. Gamit ang isang kamay ay hinubad niya ang coat sa kaliwa, inilipat ng pagkarga si RD at tuluyang hinubad ang suot niya. Doon ay ligtas niyang inihiga si RD at pinakinggan sa bibig at tainga. Mayamaya lang ay ibinuka niya ang bibig ni RD at binugahan. Pinindot-pindot sa dibdib at muling pinakinggan. Paulit-ulit niya iyong ginawa at hindi ko halos makita dahil sa nanlalabo kong mga mata. Gumagalaw na ang paligid ko sa sobrang pagkahilo pero nilalabanan ko iyon para makita ang sitwasyon ng pamangkin ko.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang sa wakas ay umiyak muli si RD. Agad niyang isinunod sina Rhumzell at Randall na bagaman mas natagalan ay muling bumalik ang malay.

"Let us go!" sigaw ni Maxwell kay Cargosin.

"No. You will die here," mariin nitong tugon.

Noon ko lang muling nasulyapan si Taguro na kasalukuyan nang nakahiga sa semento. Hindi na makadilat at hindi na rin makakilos.

"Taguro!" bulalas ko pero mas dumiin pa ang patalim sa lalamunan ko. "Taguro!" luhaan nang sigaw ko.

"Sinabi nang diyan ka lang!" nanggagalaiting sigaw ni Eerah. Nakita ko ang ilan sa mga tauhan na nagbato muli ng bote na mayamaya lang ay dumagdag sa usok. "Let's go!" anunsyo ni Eerah saka dahan-dahang lumayo sa 'kin.

Nasulyapan ko si Taylor na idinidikit ang kung ano-anong itim na device sa bawat poste. At napagtanto ko lang na bomba ang mga iyon nang magliwanag ang numero sa maliit na screen.

"Andwae..." mahinang usal ko. "May bomba sila," baling ko sa katabi kong si Heurt.

Paatras na naglakad ang mga Rewis papalayo sa amin. Ang mga baril at patalim ay nakatutok pa rin sa gawi naming lahat. Umatras nang umatras hanggang sa marating nila ang kani-kanilang sasakyan. Nang magsipagbuhayan ang mga makina niyon ay dagling kumilos si Heurt at gumagapang na lumapit sa kaniyang anak. Sinikap kong tumayo para makalapit kay Taguro.

Bugbog na bugbog na ang mukha niya na halos hindi ko na makilala pa. "Taguro!" niyakap ko ang mukha niya, naramdaman ko ang pagkilos niya.

"Masakit, king ina naman!" singhal niya. Sa pagkamangha ko ay natulala ako sa kaniya.

"Taguro, may itinanim na bomba si Taylor. Sasabog tayo dito," hirap kong sabi.

Napalingon siya sa mga posteng kinaroroonan ng mga bomba saka pinilit ang sariling makatayo gamit ang mga kamay niya. Umubo siya nang umubo matapos bumagsak una ang dibdib. Pinilit kong tumayo, hindi ko man lang maramdaman ang masasakit sa iba't ibang parte ng katawan ko, saka ko siya tinulungang bumangon.

"Kailangan nating makaalis dito," sabi ni Taguro na isa-isang tiningnan ang mga kasamahan. "Gwaenchanna?" tanong niya sa mga kapatid na noon ay nagsipagtanguhan lang.

"Maxrill!" tawag ni Maxwell. "Maxrill! Ya! Ya!" Tuluyan nang nawalan ng malay si Maxrill. "We have get out here now!"

Marahang inihiga ni Maxwell si Maxrill saka inuna ang dalawang bata. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakabababa sa pataas na parte ng parking lot ay napayuko na siya nang umulan ng bala.

"The gates are locked!" nababaliw nang sigaw ni Randall na noon ay patumba-tumba kung maglakad.

Halos hindi na kami magkakitaan sa sobrang kapal ng usok. "May apat na minuto na lang tayo, Taguro. Kailangan nating kumilos." Binuhat ko siya at kahit mahirap pa ay nagawa ko siyang itakbo papalapit kay Randall kung saan kakaunti ang usok.

Kaming dalawa ni Maxwell ang umakay at nagbuhat sa lahat papunta sa gawi kung saan hindi pa ganoon kakapal ang usok. Pero hindi pa man namin tuluyang nabubuhat si Mokz ay isa-isa na kaming bumagsak. Nagsisikip na ang paghinga ko. Hindi ko na rin maramdaman ang pagkilos ni Taguro. Kanina ay umuubo pa sina Mokz at Maxwell ngunit ngayon ay pareho na silang tahimik. Maging ang pag-iyak ni RD ay nawala na naman. Ang tanging nangingibabaw sa pandinig ko ay ang sumisingaw na mga tangke at paulit-ulit na beep mula sa mga bomba.

Ilang saglit pa nang maramdaman ko ang unti-unting pagkawala ng malay ko.

Ngunit napakislot ako at animong naghihingalo nang mapamulat ako sa gulat dahil sa umulang bala. Pero nasisiguro kong hindi dito sa loob ng parking lot nagmula iyon. Ay ilang sandali lang ay narinig ko ang papahina nang papahinang pagtakbo papalapit sa gawi namin.

"Maxpein!" tinig ni Lovemir. "Wake up! Wake up!" paulit-ulit niyang sabi hanggang sa makaramdam ako ng sampal sa mukha ko. "Gumising ka!" sabi niya.

Nang magmulat ako ay hindi ko halos siya makita. Naramdaman ko nang buhatin niya ako at itakbo. Tumutulo ang laway ko habang pasan niya ako at nang maramdaman ko ang malamig na hangin sa balat ko ay dagling gumaan ang dibdib ko. Sunod-sunod ang pag-ubo ko pero matindi pa rin ang pagkahilo.

"Deib Lohr? Wake up," nangibabaw na naman ang tinig ni Lovemir.

Sinikap kong bumalik sa huwisyo, at namangha nang makitang halos lahat kami ay nasa labas na. Bagaman wala pa ring malay ang iba ay nasa kalsada na kaming pare-pareho.

"Nasa'n si Taguro?" nahihirapan kong tanong.

Hindi siya sumagot at sa halip ay lumingon sa pinanggalingan namin. At 'ayun si Taguro, halos mapaluhod sa paglalakad habang akay-akay si Mokz.

"Maxpein!" sa hindi inaasahan ay muling nangibabaw ang tinig ni Taylor.

Sabay-sabay kaming nag-angat ng tingin upang hanapin ito. At nagulat nang makita itong nakaangkas sa humaharurot na motor. Nakangisi siya kay Taguro na noon ay nakaluhod at yukong-yuko habang bahagyang pasan si Mokz.

"Magpaalam ka na sa pinakamamahal mong lolo," ani Taylor at saka pinahinto ang motor. Nakita ng lahat nang hilahin niya ang pin ng hawak na dinamita.

"No..." bulalas ni Maxwell. "No! No! No!" Patakbo siyang lumapit kay Taylor ngunit tumimbawang muli sa isang sipa lang nito.

Nakangising pinagulong ni Taylor ang dinamita sa itim na sasakyan na noon ay hindi man lang namin namalayan! Bumukas ang ilaw sa loob ng sasakyan at tumambad si Chairman Moon na noon ay deretsong nakatingin at nakangiti kay Tagruo.

"Hwejang-nim!" sigaw ni Taguro at saka binitawan si Mokz.

Bumagal ang lahat sa paningin ko nang makita ko ang pagtakbo ni Taguro papalapit sa sasakyang nasa kabilang linya. Sinabayan siya ni Lovemir, umaaasang may maitutulong. Ngunit sabay silang tumilapon nang bigla iyong sumabog.

"Nosotros estamos decepcionado de ti, Lovemir!" singhal ni Taylor at saka walang alinlangang binaril sa dibdib.

Hindi ko na nagawang isipin ang iba pa. Natulala ako sa umaapoy nang sasakyan kung saan nakasakay si Chairman Moon kanina lang. Mabilis na nagkagulo ang mga tao at napanood ko pa nang humarurot papalayo sina Taylor. Pero alinman sa mga iyon ay hindi ko na nagawang pagtuunan ng pansin. Mas matinding sakit ang naramdaman ko sa puso dahilan para mapaiyak ako nang walang emosyon.

~ To be Continued. . . ~

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 132K 47
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
28.7K 577 98
saudade (n) a nostalgic longing to be near again to something or someone that is distant, or that has been loved and then lost; "the love that remain...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...