LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM I...

By June_Thirteen

386K 5.4K 198

Hindi sila nag- iisa sa kanilang laban ngayon. Samahan nating muli sina Andrea at ang kanyang mga kasama na m... More

"Paunang Salita"
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15

Kabanata 13

8.7K 287 8
By June_Thirteen

(ANM 4) Lagim Sa Baryo Tiktikan Kabanata 13

Paglapit ng aleng mataba ay agad nitong tinapik si Sonia. Halos matanggal ang kaliwang balikat nito dahil sa lakas ng kanyang pagkakatapik.

"Hoy ikaw! Ke bago bago mo rine eh,kung umasta ka akala mo close ka namen!" ang bulyaw kay Sonia ng aleng mataba.

Di naman nakibo si Sonia. Dahil sa lakas ng bunganga ng ale ay nagsilapit ang mga usisero.

At muling tinapik ng aleng mataba si Sonia,ngunit ang sumunod ay sa ulo na. Pagtapik nito sa ulo ni Sonia ay tumabingi ang mukha nito,dahilan upang maisiwalat ang kanyang nakatago sa buhok na bulag na mata.

"Aayy!! Bulag ka pala??!! At ang pula pa ng mata mo!! Ano ka isda?!" ang kutya ng aleng mataba kasabay ng malakas na tawa ng mga nakikiusyoso.

"Anu kamong sinabi mo sa anak ko?! Pakiulet nga sa harapan ko ngayon! Ha! Bulag!" ang muling bulyaw ng maingay na bunganga ng aleng mataba.

Buong tapang namang nagsalita at sinabing muli ni Sonia ang nakita. At..

"Mamamatay mamayang gabi ang anak mo...kakainin sya ng aswang." ang sagot ni Sonia.

Nagulat ang ale sa tinuran nya.

"Aba'y walangya ka! Isa ka siguro sa mga aswang!! Ha??!" ang sigaw ng ale na itinapat pang malapitan ang mukha sa mukha ni Sonia.

Mas kumakapal na ang mga usisero.

Nagngingitngit ang ale sa galit. Susundan nya pa sana ng isa pang malakas na tapik ang pagtapos ng bunganga ng may umawat na sa kanya.

"Hoy anu ka ba Ingga?! Bata lang kung makapalahaw ka!!" ang sigaw ng isang matandang babae.

Si Aling Miding.

Nagtaas ng kilay ang aleng mataba kay Aling Miding. Nagbunganga rin naman ang mataray na matanda.

"Ganyan na nga ang bata kung maka aswang ka pa! Baka nga mamaya totoo ang sinasabi nyan tungkol sa anak mo! Di ka pa magpasalamat! Aree!!" ang mataray na sagot ni Aling Miding.

"Pag nangyari naman yun ay sya agad ang hahanapin ko at kakatayin ko rin sya!" ang angil ng aleng mataba na nakaduro pa kay Sonia.

Umismid ang aleng mataba at saka hinablot ang anak. Sinabayan na rin nila ng layas.

"Oy! Oy! Oy! Magsi alis nga kayo! Tapos na ang palabas!" ang taboy ni Aling Miding sa mga usisero.

Nakatingin lamang sa kanya si Sonia.

"Ikaw Ne? Isa ka ba sa mga bago?" ang malumanay na pagtatanong ni Aling Miding.

Tumango naman ang Sonia.

"Bakit ka kasi nakakalat? At saka bakit mo kasi sinabihan ang anak ni Ingga ng ganun? Nabungangaan ka tuloy.....Pumapatol pa naman talaga sa bata yun!" ang muling salita ni Aling Miding.

Di naman nakibong muli si Sonia.

"O sige na...umuwi ka na..aalis na ako at baka balikan at saktan ka pa nun.." ang mabait na turan ni Aling Miding.

Lumakad ng palayo si Sonia sa tabi ng posteng kahoy na tinatayuan nya. Aalis at uuwi ng sana ng makita nyang naglalabasan na ang mga bata sa eskwela. Dali syang tumakbo roon upang balikan si Elena.

Ng magkita ay nagkawayan pa sila at sumensyas si Elenang dun sa kabilang labasan sya magpunta. Madali namang nakuha ni Sonia ang senyas kung kaya at mabilis din syang tumakbo paparoon. Tila may tinatakasan sila. At ito ay walang iba kung'di...

Si Abel.

Alam ni Elena na di sila makakapaglaro ni Sonia kapag nakita sya ni Abel. Kung bakit ay siguradong pipigilan agad sya nitong sumama kay Sonia.

Nagtagpo ang dalawa sa kabilang labasan. At mula roon ay tumakbo silang palihis sa maraming naglalakad na tao,at dumiretso sa daan papunta sa may bundok.

Nakatingalang minamasdan naman ni Abel ang bawat lumalabas.

"Ang tagal naman ni Elena..asan na naman kaya yun?"

Ang di nya alam,ay natakasan na sya nito. At ngayo'y tinatakbo ni Elena ang daan,papunta sa mga aswang.

(June_Thirteen)

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 137 34
Book 2 of CC~Dark-Cee KENDRA MAXINE THARK CHRIS CHAVEZ
110K 2.9K 36
Hihiling ka ba sa singsing kahit buhay ang kapalit? Susuotin mo ba? Handa ka na ba? Read at your own risk. - Highest rank#11 (Horror) Date Started:...
397K 6.7K 25
WARNING! THIS STORY ISN'T COMPLETE ANYMORE AND ALREADY PUBLISHED UNDER VIVA-PSICOM. THE ENDING WAS DELETED... _______________________________________...
85.8K 2.7K 19
OUTSTANDING RANK #1 HORROR PHILIPPINES Pula ang simbolo ng kasiyahan... Pula ang isa sa mga pangunahing kulay ng kapaskuhan... Pula ang sumasagisag s...