Kabanata 11

9.3K 314 7
                                    

(ANM 4) Lagim Sa Baryo Tiktikan Kabanata 11

Kaunting lakad na lang at tanaw na nila ang kanilang bahay. Masayang pinipitas ni Elena ang mga humaharang na damo,habang si Abel naman ay magkandakuba na sa pagbitbit ng mga gamit nila. Sukbit sukbit ang kanilang bag at sa magkabilang kamay naman ay ang mga baunan. Sya kasi ang tagabitbit madalas ng mga gamit ni Elena. Panay pa rin ang pilas ni Elena sa mga damo ng mapansin nyang tila lumulutang si Andrea sa kalawakan dahil sa bagal ng paglalakad nito. Tumingala si Elena sa mga puting puting mga ulap at nagpasilaw sa sikat ng araw. Ala una pasado na kasi ng tanghali iyon.

Inisip nyang baka iritable lamang si Andrea dahil sa matinding init.

"Ate Andrea..."

"Dapat kasi di nyo na po kami sinundo...masama po ba ang pakiramdam nyo?"  ang tanong ni Elena.

"Huh? Hindi naman...di ko lang kasi maintindihan Lena,ang dami ko kasing nakikitang puting usok na naglipana sa pamilihan...at alam mo naman kung ano ang ibig sabihin kapag ganun di ba?"  ang mahinang salita ni Andrea.

"Ibig sabihen Ate Andrea...maraming mamamatay sa pamilihan?"  ang tanong naman ni Abel.

"Parang ganun na nga Abel..."  ang tugon ni Andrea.

Hinawi ni Abel ang kanilang tarangkahang  gawa sa mga natuyong kawayan. Pagbungad pa lamang ni Andrea ay naramdaman nya na naman ang aura na kanina lamang ay nagpapabilis ng tibok ng puso nya. Lumingon ito kung saan itinuturo ng pakiramdam nya.

At yun ay doon banda sa kakahuyang di kalayuan. Ibinaling nya ang paningin.

"Bakit.....parang may..may nagmamanman sa akin?"  ang bulong ng kanyang isip habang sa kakahuyan nakapihit.

Nauna ng nakapasok ang dalawa sa loob ng bahay. Samantalang si Andrea ay nakabilad pa rin ang isip sa gitna ng init ng araw.

Hindi lingid sa kanya na sa kakahuyan ay talagang may nagmamasid. At ang mabilis na tibok ng puso nya ang nagsasabing,iyon ang lalaking nakausap nya kanina.

Si Carlito.

*********

Pagtapos mananghali,tulad ng dating madalas ginagawa ng dalawang sina Elena at Abel ay nagtungo ang mga ito sa likod bahay. Madalas silang magpahinga roon at dahil sa payapa at napakasarap ng hampas ng hangin roon ay madalas nila ito ginagawang lugar aralan. Doon sila gumagawa ng mga takdang aralin at pati ang pagbabasa na rin.

Napatanaw na naman si Elena sa paborito nilang lugar pasyalan.

Ang kakahuyan.

"Sayang Abel....di na tayo pwede pumunta sa gubat.."  ang malungkot na turan ni Elena.

"Hayaan mo na Lena,saka na lang siguro...madalas din kasi akong may naamoy na sa twing magdaraan dyan banda.."  ang tugon naman ni Abel.

"Anung naaamoy mo?"  ang usisa ni Elena.

Tumayo ang Abel at tumanaw rin doon. Si Abel ay may isa ring kakaibang kakayahan,malakas ang kanyang pang amoy na tulad ng sa mga hayop. Nakasanayan nya lamang iyon hanggang sa kanyang pinaghusayan at di naman talagang sinasadya kung kaya ay minsang hindi gumagana talaga. Ngunit ang madalas na matinding naaamoy nya ay ang panganib,kung kaya at madali rin syang nakakaiwas rito minsan,ngunit minsan rin ay nariyan na,bago nya pa malaman.

"Naaamoy ko na may nakakatakot na nilalang dun..."  ang banggit nito.

"Ha?! Kailan pa? Bakit di mo sinasabi sa'ken?!"  ang sigaw ni Elena.

"Hindi ko naman talaga alam Lena...nito lang ito paggising ko kaninang umaga....at alam mo naman kung anu ang ibig ko sabihin pag ganun.."  ang tugon ni Abel.

"Oo! Ibig sabihen....may panganib na!"

"Hmp! Ewan ko ba dyan sa pang amoy mo Abel! Madalas nandyan na ang panganib kapag gumagana!"  ang ismid ni Elena.

At muling tumanaw sa kakahuyan.

"Pero.....mamimiss ko sya.."  ang bulong nya.

At humawak na lang muna sila ng libro upang magbasa.

Di nila alam na nakikinig lang si Andrea mula sa maliit na bintanang nasa tapat nila.

(June_Thirteen)

LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM IKA-APAT NA YUGTO)Where stories live. Discover now