Kabanata 10

9.4K 331 18
                                    

(ANM 4) Lagim Sa Baryo Tiktikan Kabanata 10

Nakatayo si Andrea sa labas ng gate ng eskwelahan. Hinihintay nya ang paglabas nila Abel at Elena. Madali ring nakarating sa kanya ang balita ukol sa batang wakwak ang tiyan,kung kaya at naroon sya at nag aabang. Nagkaroon kasi sya ng takot sa nalaman,kahit na di nya nakitang aktual ang bangkay ng bata ay alam nyang totoong may gumagalang aswang ngayon sa kanilang munting baryo.

Siguro sa ngawit ay kung kaya at naupo muna sa bangkong kahoy na nasa labas ng bakod ng eskwelahan. Ang mga bangko na para talaga sa mga magulang na nag hihintay. Isinandal nya ang katawan rito.

"Hoooh.." ang ubod ng lalim na buntong hininga nya.

Sa pagod at sinabayan pa ng init ng araw kung kaya at medyo naipikit nya ang kanyang mga mata.

Konting konti na lang at medyo makakatulog na sya ng..

"Miss...wag kang matulog dyan at baka mawala ang gamit mo.."

Ang malamig na boses na nagmula sa kanyang tagiliran.

Napabalikwas si Andrea dahil sa gulat.

"Agh!" ang punas nya sa kanyang mukha na may pawis pa.

Pagbaling ng kanyang mga tingin at ng makita kung kanino nagmula ang tinig ay bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Umayos lamang sya ng upo at di nagsalita.

"Anak mo ba ang mga hinihintay mo?" ang muling salita ng estranghero.

"Ah...hindi po...mga alaga ko po sila.." ang sagot naman ni Andrea.

At muli,ay mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ibinaba nya ang kanyang tingin sa paanan ng lalaki. Nakita nya ang malinis na mga kuko na nakasuot sa gomang tsinelas. Bigla syang nakaramdam ng kung ano kaya..

"Hindi ka tagarito." ang tanong nito.

"Bago lang ako dito...tagaroon ako sa bundok.." ang malumanay namang sagot ng lalake.

Hindi makatingin ng diretso si Andrea. Pinipilit hagilapin ng kanyang nakatagong mata ang aura na nararamdaman nya. Ngunit sa di maipaliwanag ay tila naghahalo ang lahat,sabayan pa ng bilis ng pagtibok ng kanyang puso.

Naupo ang lalaki sa tabi nya at..

"Ako nga pala si Carlito..pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong ng lalaki habang matapang na nakaharap kay Andrea.

Hindi naman nakibo si Andrea bagkos ay tumayo ito sa kanyang kinauupuan upang makadistansya sa estranghero at tumanaw na sa loob ng eskwelahan.

Maya maya lang ay nakita na ni Andrea ang dalawang alaga. Papalapit na ito at papalabas na ng gate. Lumakad na syang papalapit rito ngunit..

"Hindi naman ako nangangagat eh.." ang biglang sambit ng lalaki na napapangiti pa.

"Ha?" ang maigsing tugon ni Andrea. Pakunwa'y di nya naintindihan ang tinuran ng lalake.

Mula sa gate ay kumakaway na sina Elena at Abel.

"Ate Andrea!" ang sigaw ni Elena.

Ngumiti naman ang Andrea at agad na lumapit sa kanila. Ngunit sumunod naman ang estranghero at ng huminto si Andrea ay tumayo ito sa likod nya.

Napansin yun ni Elena.

Ipinaling ni Elena ang kanyang ulo upang silipin kung sino ang lalaking nasa likod ni Andrea.

"Sino ka?" ang mataray na tanong ni Elena.

At sumagot naman ito.

"Ako si Carlito..bago lang ako rito."

Napatingin sa kanya si Andrea bigla. At agad ng niyaya ang mga bata. Susunod pa sana ang estranghero ng may tumawag sa kanya.

"Carlito!"

Isang magandang babae na may matatalim na tingin ang tumawag rito.

Mabilis namang nakalayo na sina Andrea kung kaya at di nagpang abot ang kanilang mga mata.

Ngunit sa di kalayuang nilalakaran nila ay bigla na lamang huminto si Andrea na tila may naamoy na malansang hangin. At..

"Siya ang pumatay sa bata." ang bulong nito.

Di na nya nakuha pang lumingon at dali daling kinayag ang dalawa pauwi.

"Sino yang kausap mo?" ang matalas na salita ng babae.

Tiningnan lamang sya ng lalaki at...

"Wag mo silang pakikialaman Concha!"

Ang angil nito sa babae,kasabay ng pagtalikod at lakad papalayo nito.

Sinundan lamang sya ng matalim ring tingin ng babae.

Mga tingin na tila may ibig sabihin.

(June_Thirteen)

LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM IKA-APAT NA YUGTO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon