Heart Won't Forget (Landegre...

By Ellexir

67.6K 720 47

Mnemosyne Escobar never wanted complications. She just wants a simple and peaceful life. Having a loving fami... More

Heart Won't Forget
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6

Kabanata 4

2.2K 76 2
By Ellexir

"Dalhin mo na lang itong payong ko pag-uwi mo. Paghinto ng jeep sa amin, tatakbo na lang ako," sabi ko kay Snyle nang nakasakay na kami sa loob.

Sa pinakadulo dapat ako uupo pero hindi ako hinayaan ni Snyle. He also took my umbrella who's soaking wet right now. Tumutulo pa ang tubig nito sa loob ng jeep. The driver didn't mind it though.

"No."

"Anong no?!"

"I'll take you home. I won't let you soak in the rain. You might catch a cold," sabi niya habang naglalabas ng isang bimpo sa kanyang bag. Inabot niya sa akin ito. "Here."

"Hindi ako basa. Ipunas muna iyan sa sarili mo."

Basa kasi ang kulot niyang buhok ngayon. Ganoon din ang mga braso niya. Lalo na ang kanyang sapatos. May balak pa ata maligo ng ulan kanina ang lalaking ito.

"Nabasa ata kita kanina nang napadikit ako sa iyo," sabi niya.

"I'm fine. Magpunas ka na," sabi ko.

Tumingin na ako sa unahan. Doon ko napansin ang dalawang babae na may hawak na tissue. Parang nagtutulakan pa ito at patingin-tingin kay Snyle. In my observation, they want to give the tissue paper to Snyle. Maybe out of kindness. But it's definitely because he's handsome.

Sinulyapan ko si Snyle na busy magpunas ng buhok ngayon. Hindi naman gaano basa iyong uniform niya. May patak-patak lang ito ng ulan. Hawak-hawak niya pa rin iyong payong ko na nasa labasan ng jeep.

"Kuya, ito tissue oh. Pamunas mo ng sapatos mo," lakas loob ng sinabi nang isang babae habang inaabot iyong tissue.

Napaangat ng tingin si Snyle sa kanila at tinanggap iyong tissue habang nakangiti at kumindat pa. "Thank you."

The girls giggled. I rolled my eyes. Malandi.

Napausod ako ng paa nang dumaan sa harapan ko si Snyle. Kuryoso ko itong tinignan. Umupo siya banda sa likod nang driver at nag-abot ng bayad.

Nilingon ako nito. "Where do you live?"

Inirapan ko ulit siya bago sabihin iyong lugar na bababaan ko. I caught the two girls staring at me. I looked away and just stared at the window. Malakas pa rin ang ulan. Hindi naman malakas ang hangin kaya hindi umaanggi rito. Pero mukhang matatagalan pa ang paghinto nito. Mabuti na lang at hindi kumikidlat.

Pagtapos magbayad ay bumalik na ulit si Snyle sa pwesto niya. Tuyo na siya tanging buhok na lang niya ang basa. I wonder what he looks like if his hair were straight.

My phone vibrated. Nabaling ang atensyon ko roon kaya kinuha ko ito mula sa bag ko. Nakita ko ang isang text ni Mama na kanina pa sinend at ngayon lang pumasok. Nagloloko ata ang signal.

Mama:

Baka mamaya pa kami makauwi ni Memo. Dito kami Robinson. May ulam diyan. Init mo na lang.

Nakaramdam ako ng kaunting kaba nang mabasa ang text niya. They aren't there in our house. And it's raining. Sana lang talaga, umulan lang. Kahit malakas na ulan pa iyan. Basta ulan lang.

Nag-reply na lang ako na mag-ingat sila. Naging pamilyar na sa akin ang daan kaya naghanda na ako sa pagpara. Nabaling ulit ang atensyon ko kay Snyle na nakatitig sa akin.

"I'll take you home, Mnemosyne. Ihahatid lang kita sa inyo tapos uuwi na ako," sabi niya.

Napatingin ako sa labas dahil sa mas lumakas pa ang ulan. Kahit tumakbo pa ako patungo sa amin, mababasa pa rin talaga ako. My bag isn't waterproof. Kaya tiyak na mababasa ang gamit ko sa loob. I have no choice but to agree with Snyle.

"Can you hold this for me?" sabi ni Snyle habang pinapakita sa akin ang kanyang bag. "If that's okay with you? Don't worry, it's not heavy."

Tinaasan ko siya ng kilay pero kinuha ko na lang iyong bag niya. Magaan ito. Parang walang laman. Isang notebook at ballpen lang ata ang dala nito eh. Sabagay, lalaki siya.

Sabay kaming bumaba ng jeep. Sa lakas ng ulan, tiyak na mababasa pa rin kami dahil maliit lang ang payong ko. Malaking tao pa si Snyle. Pero nagulat ako nang ako lang ang payungan ni Snyle habang siya ay nababasa ng ulan.

"Hoy magpayong ka!" medyo malakas kong sinabi dahil sa lakas ng ulan.

"I'm fine. Don't mind me."

"Baliw ka ba? Paano kung magkasakit ka?! Gabi na!" sabi ko at inaabot siya para mahawakan at mapalapit sa akin, pero lumalayo siya habang naka-extend iyong payong sa akin.

He smirked. "I won't. I'm kinda strong."

Inirapan ko siya at hindi na nakipagtalo pa. Nagmadali na lang ako sa paglalakad para makauwi na at makasilong muna siya. This guy is crazy. Yes, we will definitely get wet, because my umbrella is small. Pero tanging ang pang-ibaba lang naman namin ang mababasa. Hindi ang buong katawan. Eh siya, naligo na talaga!

Malapit lang naman ang bahay namin kaya nakarating kami agad. I took the spare key out and opened the door. I looked at Snyle who extended his hand to me, he's still outside.

"Ano?" tanong ko.

"My bag. Thank you for holding it for me. I'll borrow your umbrella, though. I will give it back to you tomorrow--"

"Pumasok ka rito sa loob," putol ko at tinalikuran na siya.

"I can't. I'm wet."

"Pumasok ka na. Pupunasan ko na lang iyang sahig mamaya!"

Dumiretso na muna ako sa aking kwarto para makapagpalit ng damit at makuha ng damit na maisusuot si Snyle. Good thing, mahilig ako magsuot ng mga oversized shirt lalo na kapag nandito sa bahay. Kaya naman hindi ako nahirapan hanapan siya ng maisusuot. Ang problema na lang ay ang underwear niya at shorts.

Napatitig muna ako sa aking aparador bago pumasok sa isip ko na may boxer pala si Mama na bago. Ireregalo niya sana iyon kay Papa noon kaso naghiwalay nga sila. Malinis naman iyon kaya pwede na iyon sa kanya.

Mabilis na ako nagpalit ng damit at bumaba na dala ang susuotin ni Snyle. Naabutan ko siyang parang basang sisiw na nakatayo pa rin sa tapat ng pintuan. Basang-basa ang buhok at bagsak na bagsak. Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo dahil sa ayos ng kanyang buhok. I knew it. He looked handsome with straight hair too. I don't know what hairstyle suit him best, though. Because he looked good in both.

Sinimangutan ko siya. "Sabi ko pumasok ka na eh!"

Nilapitan ko siya at inabutan ng tuwalya. Alam ko nilalamig na siya dahil sa lakas ng hangin. Inabot ko iyong payong ko sa kanya para mapatuyo ito atsaka siya hinila patungo sa aming banyo.

"Oh. Suotin mo muna ito. Magpalit ka ng damit para hindi ka magkasakit," sabi ko habang tinutulak siya papasok sa loob ng aming CR.

Nilingon niya ako at ngumisi. "Bihisan mo ako?"

Malakas kong sinarado iyong pinto. Narinig ko na lang ang paghina niyang pagtawa. Napailing na lang ako at dumiretso sa kusina para tignan ang pagkain. Adobo ang ulam namin. Marami-rami ito kaya aayain ko na lang din kumain si Snyle rito. I'm not that rude against people I don't like. It's a skill I got from my course. Since I'm in a hospitality industry.

Nagsasaing na ako nang matigilan dahil sa mahinang kulog na narinig. Nakiramdam ako sa paligid at nakinig. Isang liwanag ang gumuhit pagtapos noon ay isang kidlat ang dumating. Nabitawan ko ang ginagawa at nagmadaling tumayo sa tapat ng pintuan ng CR. The door opened, revealing Snyle wearing the clothes I gave him.

He suddenly smirked upon seeing me. "If you want to see me naked, you can just knock, Mnemosyne."

Isang malakas na kidlat ang dumagundong. Napatalon ako at napatili. Halos manuot ito sa aking tainga at ulo. Nanginig ang buong katawan ko dahil sa gulat, kaba at takot. Napaupo ako at nagtakip ng tainga.

"Hey, what's wrong?" I heard Snyle's voice and I felt him touching my back.

Another lightning strike, and this time, mas malakas at parang sa malapit lang ito tumama. Napasigaw ulit ako at nanginig ang buong katawan. Hanggang sa naging sunod-sunod ang nangyaring pagkidlat. Namuo ang luha sa mga mata ko.

"I'm here, Mnemosyne."

Niyakap ako ni Snyle. Kumapit ako sa kanyang damit at sinubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib. The coldness I'm feeling was replaced by heat. Another lightning strike but Snyle covered my ears with his headset and a music was playing. Malakas ang tugtog at nakakabingi pero hinayaan ko na ito. Mas okay na ito kaysa marinig iyong kidlat.

Takot ako sa kidlat. Mayroon pangyayari noong bata ako na nakita ko ang pagtama nito sa isang puno na malapit sa akin. Sobrang lakas noon at nakakabingi. It gave me a trauma up until now. Kung nasa labas ako, mas lamang ang takot ko. At baka nga nahimatay na ako. Pero dahil nasa loob ako ng bahay, takot pa rin ako pero hindi na ganoon katakot na isipin na baka tamaan ako ng kidlat.

Naramdaman ko na humigpit ang yakap sa akin ni Snyle. It feels weird but I feel safe. Not because our house is protecting me, but because someone is.

Marahan akong umiling para mawala iyon sa isip ko. Sumilip ako mula sa CR dahil may bintana roon para makita kung kumikidlat pa ba, pero sakto ang pagliwanag nang kalangitan kaya naman naibalik ko ang pagkakasubsob sa dibdib ni Snyle at pumikit.

Ilang minuto ang lumipas na ganoon lang ang pwesto naming dalawa. Nakatulong iyong paglalagay niya ng headset sa akin dahil hindi ko na naririnig iyong kidlat. I stopped trembling too because of how tight he's hugging me right now.

Napaangat ako ng tingin nang unti-unting humiwalay sa akin si Snyle. Napahigpit pa ang kapit ko sa kanya dahil ayoko siyang lumayo. He removed the headset.

"As much as I want us to stay that way forever, the rain and the lightning stopped. And you need to eat, Mnemosyne," he said.

Huminto na nga ang ulan. Huminga ako ng malalim at tumayo na. Inalalayan niya naman ako. Napansin ko ang lukot niyang damit dahil sa higpit ng pagkakakapit ko rito.

"Thank you," I said sincerely. I don't know what will happen to me if he wasn't here.

Dahil si Mama lagi ang nakakasama ko kapag ganitong kumikidlat. Meron time noon na hindi ako nakakapasok kapag umuulan at malalakas ang kidlat. I know I should overcome this trauma since I'm already a young adult, but some trauma can't be forgotten that easily. Sometimes, it will stay with us until we die.

Snyle smiled a bit. "You're welcome. I'm always here if you need me."

Ngumuso ako. "Dito ka na kumain. Umupo ka muna roon at iinit ko lang iyong ulam."

Sinunod niya naman ang sinabi ko. Natulala muna ako ng ilang segundo bago isinalang iyong adobo sa aming kalan. Tinuloy ko na rin ang pagsasaing. Nahugasan ko na ito pero hindi ko pa nalalagyan ng tubig at naisasalang. Nang matapos sa ginagawa ay saktong pagdating nina Mama.

"Mosyn? Ayos ka lang ba anak?"

Agad akong lumabas ng kusina. Nakita ko silang dalawa na nakatitig kay Snyle. May pagkamangha sa mukha ni Memo, blanko naman ang ekspresyon ni Mama.

"Good afternoon, ma'am," bati ni Snyle kay Mama.

"Si Snyle, Mama. Schoolmate ko. Hinatid niya lang ako rito pauwi," sabi ko.

Ngumiti si Mama. "Kumain ka na ba, Snyle? Dito ka na kumain."

Lumapit naman sa akin si Memo habang ang mga mata ay na kay Snyle pa rin. "Ang gwapo naman niya! Boyfriend ba mo, 'te?" usisa ni Memo.

Inungusan ko si Memo. "Schoolmate nga, 'di ba? Hindi ko siya type. Atsaka pinsan niya si Griffin."

"Talaga? Grabe rin ang lahi nila! Ang ga-gwapo!"

"Mosyn, sabay na kayo ni Snyle kumain. May uwi rin kami ni Memo na Jollibee. Napanalunan niya sa isang event," sabi ni Mama habang naglakad patungo sa kusina.

I smiled. She won again, huh? Kapag nakapagtrabaho nga ako, bibigyan ko si Memo ng maraming pera para makasali siya sa mga malalaking pa-raffle. Baka sakaling may house and lot o sasakyan na pa-raffle at makasali siya. Tapos manalo.

"Hi, Kuya Snyle."

Snyle smirked a bit. "You're Mnemosyne younger sister?"

"Yes po! I'm Memo," pakilala ni Memo. "Nandito ka na po ba nang kumidlat ng malakas?"

Snyle looked at me. Sumandal naman ako sa washing machine na nakalagay sa tabi ng aming pintuan at hagdan patungo sa taas namin.

"Yes."

"Talaga? Buti naman. Takot kasi si Ate sa kidlat. Kaya nga sumugod kami ni Mama at nagmadali sa pag-uwi dahil ang lalakas ng kidlat. Kahit ako ay medyo kinabahan dahil ang tatalim!"

"Yeah. I'm just glad that I'm here with her when the lightning strike."

Dinaldal na siya ni Memo. Iniwan ko muna sila roon para tignan iyong iniinit kong adobo. Si Mama ay abala sa paglalagay ng mga de lata, shampoo at conditioner sa stocks namin.

"Hindi ko iyon manliligaw, Ma," sabi ko kay Mama. Baka kasi isipin niya na manliligaw ko si Snyle. Lalo na't hindi pa ako nagdala rito ng lalaki. This is the first time.

"May sinabi ba akong manliligaw mo? Ang gwapo kayang bata. Halatang hindi ka papatulan."

Sumimangot ako at ngumuso. Alam ko naman na totoo lang ang sinabi ni Mama. Kaya nga hindi ako magugustuhan ni Griffin eh.

"Pinahiram ko pala sa kanya iyong boxer ni Papa sa cabinet mo. Basang-basa kasi siya ng ulan. Baliw kasi eh. Ako lang pinagpayong," sabi ko.

"Kasama mo ba siya nang kumidlat?" tanong niya.

"Opo."

"Anong ginawa niya?"

I paused for a bit. Thinking if I should tell her everything or not. Sinilip ko iyong adobo at nakita na kumukulo na ito. Pinatay ko na iyong kalan at kinuha iyong kaldero para masalin iyong ulam sa mangkok.

"Nilagay niya sa akin iyong headset niya at nagpatugtog para hindi ko marinig iyong kildat," I said, deciding not to tell her about the hug.

Hindi na kumibo si Mama. Kinuha ko na lang iyong adobo at lumabas na ng kusina. Naabutan ko si Memo na nilalatag sa lamesa iyong mga pagkain sa Jollibee. Set pala ang napanalunan niya.

"May sundae diyan at fries?" tanong ko agad.

"Your favorite?" tanong ni Snyle sa akin.

"Opo, Kuya Snyle! Paborito iyan ni Ate. Kapag kakain kami sa Jollibee o McDo, ayan lagi ang una niyang ino-order. Nakakalima pa nga iyang sundae eh. Tapos tatlong jumbo fries!"

Snyle nodded his head. "I see."

Nilapag ko na iyong adobo sa lamesa. Lumabas na rin si Mama na may dalang mga plato at kanin. Tinulungan ko na lang siyang ilapag iyon sa lamesa. Since pangdalawahan lang ang pwede sa dining table namin, dito na kami sa sala kakain. Isang bagay na nakasanayan na. Madalang na rin naman kami kumain sa dining table. Minsan lang kapag mag-isa lang ako kakain o kaya ay may bisita si Mama.

"Dito ka na kumain Snyle ah. Huwag mo akong tanggihan," sabi ni Mama habang umuupo katapat ni Snyle.

"Yes, ma'am. I won't reject the offer of the beautiful mother of Mnemosyne," Snyle said. Napaismid ako naman ako roon.

"Ano, Mosyn? Parang tutol ka na maganda ako ah?" sabi ni Mama.

Tumawa si Memo. Nagpatuloy na lang ako sa pagsandok ng kanin at paglagay nito sa kanilang mga plato.

"You are beautiful too," sabi ni Snyle habang nakatingin sa akin.

"Malabo siguro mata mo, Snyle," sabat ni Mama.

"Maganda talaga ako, 'no!" sabi ko. Tinawanan lang ako nina Mama. Maliit naman akong napangiti.

Nagsimula na kaming kumain. Walang tigil kakatanong si Memo kay Snyle. Halos tanungin na nito ang buong buhay niya. Kaya nalaman ko tuloy na ulila na pala ito. Namatay ang mga magulang niya noong bata pa lang siya. Ang Mama ni Griffin na siyang kapatid ng Papa niya ang kumupkop sa kanya. Such a nice lady. No wonder Griffin is nice a man too.

Simula nang mag-highschool, nagtrabaho na siya at lumipat sa isang apartment nang nag-college. I even halted when I heard it from him. To work and be responsible at such a young age is just so sad. Ayaw niya raw kasi maging pabigat sa kanyang tita. Tama na raw iyong kinupkop siya nito nang bata siya. Kaya naman daw niya kaya bakit hindi siya magtatrabaho.

So, Snyle and Griffin are not living together now. Pero bakit kaya parang may galit sila sa isa't-isa kung hindi na pala sila magkasama pa sa iisang bahay?

Maybe nagtampo si Griffin sa pag-alis ni Snyle sa kanilang bahay? Since Griffin is an only child, and they are about the same age, it will feels like having a brother. Maybe Griffin feel betrayed and sad when Snyle left.

"Sa Jollibee ka nagwo-work? Anong oras ang shift mo, Kuya, para minsan kakain kami roon," sabi ni Memo.

Napagsasabay niya talaga ang trabaho at pag-aaral. Ako hindi ko iyan kakayanin. Tamad ako eh. Pero pinapangako ko naman na kapag graduate ko, gagalingan ko sa trabaho. I want to work in a cruise ship. That's my dream job ever since. Since I major culinary arts.

"4PM," Snyle said. I looked at the wall clock. It's almost 5PM.

"Hala, mag-a-alas singko na! Late ka na sa work mo!"

"It's fine. The manager won't fire me," he smirked.

"Hindi mo sinabi may trabaho ka pala ngayon, Kuya. Hindi ka na tuloy nakapasok dahil sinamahan mo rito si Ate," sabi ni Memo.

Gusto ko sana sabihin na hindi ko naman kasalanan iyon. Ang kulit niya kasi! Sabi ng huwag na akong ihatid. Hindi ko nga alam ano pumasok sa utak niya at naisipan niyang ihatid ako eh. We are not that close! We were stranger to each other until recently. Pero hindi ko na sinabi dahil kahit papaano, nagpapasalamat akong kasama ko siya noong kumidlat.

"Hindi ako nagsisisi," sabi ni Snyle habang nakatingin sa akin.

Memo giggled. "Ang cute ng accent mo, Kuya, kapag nagsasalita ka ng Tagalog! May lahi ba kayo?"

"My grandmother is an Italian. But I've never been in Italy. I've never met her too. I guess, I got this accent when I was a kid. Mahilig ako manood ng mga foreign movies," sabi ni Snyle.

Italian, huh? That's why they got a good genes. Kami ay may lahing Chinese sa side ni Papa. Half Chinese ang nanay ni Papa. Hindi na puro. Tira-tira na lang ang sa amin.

Bumuhos ulit ang ulan. I don't know but I don't feel nervous if a lightning strike again. Maybe because my mother and sister are here. I feel safe.

Dito na nagpalipas ng gabi si Snyle dahil walang hinto ang pag-ulan. Ayaw rin siya pauwiin ni Mama dahil daw delikado. Wala naman angal si Snyle. Parang ayaw pa nga rin umuwi. Masyado nag-e-enjoy sa kwento ni Memo na halos ikwento na ang buong buhay namin.

"Kapag hindi pa huminto ang ulan, dito ka na matulog, Snyle. Ipalaba mo na lang kay Mosyn iyong uniporme mo para bukas. Parehas ba kayo oras ng pasok?" sabi ni Mama.

Napatingin ako kay Mama. Alam ko naman na hindi gagawa ng masama si Snyle pero ang dali niya lang kasi magtiwala ngayon. Maingat din kasi siya lalo na't puro kami babae rito. This is the first time she fully trust someone she just met. Well, maybe because Snyle has that vibes that you know you can trust him with your life.

"Nauuna po ang klase ni Mnemosyne. Pero sasabayan ko po siya sa pagpasok," sabi ni Snyle.

Oh? Mas maaga pala ang klase ko? Pero bakit minsan maaga siya sa unibersidad? Probably to see his girlfriend or his flings.

Hindi na huminto ang ulan kaya rito na nga pinatulog si Snyle. Mas pinili niyang matulog sa sofa namin sa baba. Saying he will become our security guard for this night. Memo gave him a new blanket and a pillow. Mama already said her good night to us.

"Akin na uniporme mo. Lalabhan ko na. May dryer naman kami kaya matutuyo rin iyan agad," sabi ko kay Snyle habang nakalahad ang kamay ko sa harapan niya. Tinupi niya kasi ito kanina nang natuyo na.

"Thank you, Mnemosyne. But I'll do it myself," he said.

Tumaas ang isang kilay ko sa kanya. "Marunong ka ba maglaba?"

He looked at me, amusement in his eyes. "Of course. I live alone, remember? I need to know how to do some house chores."

"Oh, sige," sabi ko.

"I won't use your washing machine. Kakamayin ko na lang," sabi niya.

Dahil kuryoso ako, pinanood ko ang paglalabang ginawa niya. Sa lababo na lang siya nagkusot ng kanyang uniporme dahil dalawang piraso lang naman ito. Mukhang sanay na sanay na nga siya dahil magaling siya magkusot. Dinaig pa ako. Saglit lang ang paglalaba niya dahil hindi naman ito marumi. Matanggal lang iyong pawis niya roon at basa ng ulan. Kaya naman nilagay ko na rin ito sa dryer at inabot sa kanya nang matapos.

"Your mother is kind," sabi ni Snyle nang hina-hanger na niya ang kanyang uniporme.

I smiled. "The best mother."

"I like your mother," he said. "Not just because she's kind. But because she's an older you."

Continue Reading

You'll Also Like

114K 4K 16
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
170K 9.2K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
37.5K 2.5K 8
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING