Kabanata 2

2.6K 74 2
                                    

Napahinto ako sa paglalakad noong maalala ang pagtaboy ko kay Snyle. Bigla akong nakaramdam ng guilt. Parang ang harsh kasi ng mga sinabi ko sa kanya. No. I was really barbarous towards him.

Sa kakaisip dahil sa nangyari ay hindi ko na namalayan na nilalandas na ng mga paa ko ang daan patungo sa classroom ni Snyle. Hihingi lang naman ako ng pasensya. Hindi ko rin kasi talaga maiwasan na hindi mainis doon sa pagbibiro niya sa akin. Ayoko lang din talaga ng pinaglalaruan at niloloko ako.

Because I will always remember my father when someone is cheating on someone. Or when someone is lying to them. It will piss me off, big time. My brain will automatically remembered what he did. How he cheated on my mother. How he broke my mother's heart into tiny little pieces. How he left us mercilessly.

Habang patungo sa kanyang classroom, pumasok sa isip ko iyong ayos namin kanina. Those who had seen us will really think we were flirting or even kissing. Not talking or something. That kind of thinking has something to do with Snyle's reputation in this university. Kaya kahit wala naman malisya, iisipin nila ng kung ano dahil si Snyle ito.

Pero iyong bango niya, parang nakadikit pa rin sa ilong ko iyong amoy niya. Tinagilid ko ang ulo ko at umiling-iling. Baka sakaling mawala iyong naiwan niyang amoy kapag ginawa ko ito.

I halted when I saw Snyle near his classroom, talking happily to a girl. Ngumuso ako at agad na rin tumalikod. Mukhang hindi niya naman dinamdam iyong mga sinabi ko. Kaya hahayaan ko na. Deserve niya na rin iyong mga nasabi ko dahil pinag-trip-an niya ako!

Naglakad na lang ulit ako pabalik sa aming classroom. Maaga pa naman. Pero ayoko na rin tumambay pa sa ibang lugar. Kaya roon na lang muna siguro ako sa aming classroom. Pero napahinto ako nang may tumawag sa akin.

"Mosyn!"

Nilingon ko iyon pero agad kong natanaw si Snyle na seryosong nakatingin sa akin. Wala na iyong kausap niya.

"Bakit?" tanong ko kay Luis, pinsan nina Mally.

"Pabigay kay Divine, salamat!" inabot nito sa akin ang isang paper bag at nagmamadaling umalis.

Sisilipin ko sana kung ano ang laman nito pero napansin ko ang papalapit na si Snyle sa pwesto ko. Agad akong tumalikod at halos patakbo na umalis doon.

Natanaw ko sina Mally na nakasandal sa corridor tapat ng aming classroom, mga nag-aabang sa akin. Hindi nila kasama sina Divine. Kaya mamaya ko na lang siguro ibibigay iyong paper bag.

"Why did you suddenly left?" salubong sa akin ni Mally habang nakataas ang isang kilay.

Alam na alam niya na hindi naman talaga CR ang dahilan ng pag-alis ko kanina. Milly was looking at me weirdly. Which I just ignored. She was always looking at me weirdly anyway. It's not new.

"Nahihiya ako kasi hawak ni Griffin iyong sulat ko!" medyo may kahinaan kong sinabi.

"Ano naman?" sabi ni Milly.

Lumingon-lingon ako para makita kung may malapit bang estudyante sa amin na makakarinig sa aking sasabihin. Wala naman. "Malay mo alam niyang ako ang nagsulat noon, hindi ba?"

Kahit na malabo dahil hindi niya naman ako kilala. Pero nakita kasi kami ni Helena! Alam ko nakita niya iyong paglagay ko ng sulat sa locker ni Griffin! Sure ako! Ano pa ba ang magiging dahilan para hawakan iyon ni Griffin, hindi ba?

"Wow, assuming," Mally laughed.

"Ano naman?" sabi ulit ni Milly.

"Eh kung isoli niya sa akin iyon? Ang daming estudyanteng makakakita ng pagka-basted ko! Nakakahiya!" giit ko.

Heart Won't Forget (Landegre Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum