LAGIM SA BARYO TIKTIKAN(ANM I...

By June_Thirteen

386K 5.4K 198

Hindi sila nag- iisa sa kanilang laban ngayon. Samahan nating muli sina Andrea at ang kanyang mga kasama na m... More

"Paunang Salita"
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15

Kabanata 9

9.9K 423 33
By June_Thirteen

(ANM 4) Lagim Sa Baryo Tiktikan Kabanata 9

Naglalakad sina Elena at Abel papasok sa kanilang eskwelahan ng makakita ng isang umpukan. Nagsisiksikan ang mga taong nakiki usyoso sa isang interesanteng bagay.

"Anu kayang meron dun Abel?"  ang tanong ni Elena.

"Ayan ka na naman eh! Umiiral na naman ang pagkatsismosa mo!"  ang masungit na sagot ni Abel.

Iniabot ni Elena kay Abel ang kanyang baunan at bag. Agad naman itong binuhat ni Abel.

"Sisilipin ko lang!"  ang sabi ni Elena habang lumalakad patungo sa umpukan.

Kamot ulo na lang ang nagawa ni Abel.

Pilit sumiksik si Elena sa umpukan. Kahit na marumihan ang uniporme ay walang pakialam.

Nagulat pa sya ng may kumalabit sa kanya.

"Ay!"  ang gulat nito.

Si Aling Miding pala. At sinesenyasan syang wag makisiksik doon.

"Elena....wag ka dyan...di pang bata yan!"  ang mariing sabi ni Aling Miding kasabay ng paghatak sa braso ni Elena.

Marunong namang sumunod si Elena kahit sa ibang tao. Lalo na at si Aling Miding pa ang nagbawal dito.

Hatak hatak ni Aling Miding si Elena. Pilit inilayo sa nagsisiksikang mga tao.

"Alam mo ba kung ano ang nandun?"  ang bulong ni Aling Miding.

"Anu po ba yon Aling Miding?"  ang usisa naman ni Elena.

Nakatingin lamang si Abel sa kanila habang lumalakad papalapit.

"Anu po ba yun Aling Miding?"  ang tanong rin ng Abel.

Inakay ng papalayo ni Aling Miding ang dalawang bata. At ng medyo malayo na sa mga tao ay..

"Taga bundok ang batang yon...may laslas ang kanyang tyan at nakalabas ang bituka...kawawa nga eh..."  ang bulong ni Aling Miding.

Nanlaki ang mga mata ng dalawang bata.

"Ho??"  ang gulat na sambit ni Abel.

"May aswang daw dito sa baryo...yan ang usapan ngayon.."  muling bulong ni Aling Miding.

"Huh?! Tama nga si Ate Andrea....totoo nga ang sinabi nya.."  ang gulat na bulong din ni Elena.

"Alam na ba ng Ate Andrea nyo?"  ang tanong ni Aling Miding.

"Meron po kasi kaming nakitang baboy na patay sa may gubat kahapon...wakwak din ang tiyan nun Aling Miding...at sabi ni Ate Andrea....aswang daw ang may gawa nun.."  ang nanlalaki pang mata na salita ni Elena.

"Naku! Dun sa gubat malapit sa inyo? Kailangan palang mag ingat ang lahat ngayon..nakakatakot naman bakit biglang nagkaganito dito sa baryo natin.."  ang takot na sambit ni Aling Miding.

Nagkakamot na ng ulo si Abel. Tila naiinip na sa tsismisan ng dalawa.

"Elena....papasok pa ba tayo?"  ang sabat nito.

Napaismid si Elena. Kinuha na nito ang bag at baunan kay Abel at..

"Tara na!"  ang yaya nito.

Nagpaalam na rin sila kay Aling Miding na halata ang takot pa rin sa mga mata.

Habang naglalakad ay bumubusa pa din si Elena.

"Sayang di ko nakita yung patay na bata! Wakwak din daw ang tiyan Abel!" 

"Ikaw talaga Lena! Pumasok na muna tayo..baka maya ay nandyan pa naman yan saka natin tingnan!"  ang masungit na sagot ni Abel.

Umismid lang muli si Elena. Sadyang minsan ay napakatigas ng ulo nya.

Konting lakad pa at naroon na sila sa eskwelahan.

Paglampas nila sa paunang gate ng eskwelahan ay may nakitang bata si Elena na tumatanaw sa mga batang nagtatakbuhan sa loob ng eskwelahan.

Saglit na naman syang napatigil. Di alam ng sinusundang si Abel na wala na naman ang kanyang kasama at sige lang sya sa paglakad.

Tinitigang mabuti ni Elena ang bata dahil pamilyar ito sa kanya. At ng tumingin ito ay di nga sya nagkamali. Ang batang bulag na naka usap nya sa ilog ang syang batang nakatayo at nakatanaw sa kanilang paaralan.

Hindi nagdalawang isip ang matigas ang ulong si Elena at nilapitan yon.

Nakatalikod ang bulag na bata ng malapitan nya na. At..

"Alam mo ba na ganyan din ako dati?"  ang salita ni Elena na nakatayo sa likuran ng bulag na bata.

Humarap iyon sa kanya. At nakita nya ng malapitan ang bulag na mata nito. Kulay pula ang bulag na kaliwang mata ng bata,at kahit pa natatakpan ng buhok nito ang bulag na mata ay silip na silip ni Elena. Di agad nakapagsalita si Elena ng matitigan yon.

Ngumiti sa kanya ang bata. Ang akala nyang masungit at nakakatakot na batang bulag ay di nya inasahang marunong palang ngumiti.

Ngunit di naman ginantihan ng mataray na si Elena ang mga ngiting ibinigay sa kanya ng bata.

"Masaya siguro mag aral dyan! Ang daming duyan!"  ang nakangiti pa ring sambit ng bata.

Di na rin napigilan ni Elena ang pagngiti at..

"Oo masaya! Di ka ba pumapasok?"  ang tanong niya.

Umiling ang bata.

"Dati ganyan din ako sayo...nakatingin lang madalas sa eskwelahan na ito!"  ang muling sabi ni Elena.

Muling ngumiti sa kanya ang bata at..

"Nag aaral ako dati...katunayan nasa grade four na ako.."  ang sabi ng bata.

"Talaga? Ang galing mo naman...ilang taon ka na ba?"  may paghangang sabi ni Elena.

"Siyam! Nabulag lang kasi ang kaliwang mata ko kaya huminto ako..at isa pa,kalilipat lang namin dito.."  ang nakangiting sagot nito.

"Isa ba kayo sa mga bagong nakatira sa bundok?" 

"Oo! Dun kami nakalipat.."  ang mabilis na sagot ng bata.

Nasa kasarapan ang ngitian ng dalawa ng may tumawag sa bata.

"Sonia!"

Ang sigaw ng isang dalagita.

Sabay pang tumingin ang dalawa. At..

"Sonia ang pangalan mo?"

"Oo! Ikaw?" 

"Ako si Elena!"

"Ang galing! Magkatunog ang pangalan natin! Hi Hi!"

Ang hagikgik ng bata at nagkakilala na nga ang dalawa.

Paglapit ng dalagita ay pinagalitan pa nito ang bata.

"Lagot ka kay Tatay! Kanina ka pa hinahanap!"  ang sigaw ng dalagita sabay hatak sa damit ng bata.

Napaigkas ang katawan ng bata ng hatakin sya. Tumingin pa ang dalagita kay Elena. Ngiti ang pagbati na isinalubong ni Elena ngunit matalim na mga tingin ang ibinalik nito.

"Ah.....sige Elena....uwi na kami ha?"  ang nakangiting paalam ng bata.

Agad na tumalikod ang dalawa. Nakatanaw pa rin sa kanila si Elena. At ng medyo nakakalayo na ay muli siyang binalingan ng matalim na tingin ng dalagita.

Walang ginawa si Elena kung'di ang tumingin lang din ng biglang...

"Elenaaaa!!! Ikaw talaga!!! Late na tayoooo!!!!"  ang kunsumidong sigaw ni Abel.

Itutuloy..

©©©©©©©©©©©

Sana po nagustuhan nyo ang mga unang chapters..Update din po agad...Sana po ay gustuhin nyong abangan..Maraming Salamat Po Sa Mga Nagbasa. God Bless Po! I love you guys!

June_Thirteen

Continue Reading

You'll Also Like

436K 6.3K 47
season 2.. not book 2 :) In season 1 of WMGMHMG, we found out how Jana and Kevin over passed their trials and their journey to a happy ending. But ho...
7.2K 137 34
Book 2 of CC~Dark-Cee KENDRA MAXINE THARK CHRIS CHAVEZ
150K 3.5K 26
Hindi inaasahan ng limang magkakaibigan na mapapadpad sila sa baryo Santa Josefa, bagama't hindi nila inaakala na sa kalagitnaan ng kanilang paglalak...
127K 1K 2
Simula pagka-bata ay alam nya na kung paano gamitin ang kanyang kakayahan,at dahil sa patnubay ng kanyang lola kung kaya't mas marami pa syang nalama...