The Bride Hiring Heir (Bride...

By mzpublic

6.7M 66.7K 6.4K

In Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir... More

Prologue
Contract 1- the Reason
Contract 2- the Meeting
Contract 3- Maputlang Masungit
Contract 4- the Contract
Contract 5- the Arc Ninjas
Contract 6- Heaven meet Ninjas..parteee ^_^
Contract 7- Parents..trap??
Contract 8- Hot and Heavy ^_^v
Contract 9- The Heaven!!!
Special Note: From Aish ^_^
Contract 10- Vera Wang
Contract 11- Meet my Parents..
Wedding POV Poll
Contract 12- Cold Feet and....Bolster?
Contract 13- Wedding!!! Parteeee!! *\^_^/*
Contract 14- Honeymoon..tooo KIDNAPPING!! O.O
Contract 15: Saranghae Jeju
Contract 16- Themes, Bear and Greek God!
Contract 17- Being his "look-im-not-gay" wife..begin!!
Contract 18- Back to Basic
Contract 19- Tom Cruise meet Angelina Jolie..
Contract 20- Welcome to High Society! Mrs Griffiths.
Contract 21- Surprise Lunch..Epic Fail?!!
Contract 22- Group date-saster?
Contract 23- Heaven's ride and a CAT!
Conract 24- Sweet and Sour sides of mine :)
Contract 25- Let the showdown begin..
Contract 26- Fair, School and all!
Birthday Celebration
Contract 27- Just Us ❤
Contract 28- Shekshi ako..:D
Contract 29- University Fair..affair?
Contract 30- Silent Treatment.
Contract 31- Ang "One Thing" ni Pusa..
Contract 32- Best Thing that ever been Mine..
Contract 33- Girls Time out!
Contract 34- at the Function
Contract 35- The Red Match over Black.
Contract 36- The Meddlesome Pusa..>:/
Contract 37- Talk and Luggage.
Contract 38- Skype-i-miss you.
Contract 39- In the Club..
Contract 40- Te Amo Brazil!
Contract 41- Back into your arms nga ba?
Contract 42- Liar, Liar Savannah's on Fire...
Contract 43- the beginning of the End.
Contract 44- Mysterious Flowers.,
Contract 45- the art of pain..
Contract 46- Love is Painful, love is sweet.
Contract 47- Confrontation with Kanikka.
Contract 48- Friendship is Priceless.
Contract 49- Fun under the moonlight.
Contract 50- Battle of the Bikinis..
Contract 51- the Real story..
Contract 52- the Plan..
Contract 53- Double D, nah C+, A!
Contract 54- Busina at iba pa.
Contract 55- Love talks and Lunch.
Contract 56- Odd Circumstances.
Contract 57- Movie Marathon and more..
Contract 58- Kiss and Tell.
Contract 59- Frozen and Happy.
Contract 60- Slowpoke and Maputlang Masungit :)
Contract 61- Love is in the air..plane :)
Contract 62- Meteor Shower kisses.
Contract 63- Bleeding Love..
Contract 64- Baby Talk..
Contract 65- She's back with apology?
Contract 66- Christmas Special..
Contract 67- Heaven's day..
Contract 68- It's for real...
Contract 69- Storm on the calm night..
Epilogue
Announcement/ Pasasalamat

Contract 70- A decision has been made.. (Finale)

95.6K 1.2K 460
By mzpublic

A/N: CHECK MY PrOFILE FOR THE EPILOGUE kung hindi niyo mabuksan ang link na nasa AUTHORS NOTE note.

____________________________________

Hired Day- 69 A decision has been made... (Finale)

Nagising ako na nasa ospital na ako. Alam ko dahil sa puting kisami at sa naka lagay na oxygen sa bibig ko.

"Nay si Sav gising na! Doc gising na po si Savannah! Please come faster!" kahit medyo malabo pa ang paningin ko. Alam kong si Pena yan, at alam ko din na umiiyak siya.

"Savannah anak! Salamat naman at nagising ka na nak. Halos mamatay na kami ng tatay mo sa paghihintay na magising ka." sabi ni nanay habang umiiyak.

Gusto mo siyang aluin pero hindi ko pa magawa dahil ang bigat ng mga kamay ko. Daliri ko lang ang kaya ko pang igalaw.

Ilang araw na pala akong tulog bakit ganito nalang maka iyak si nanay at sina Pena.

"Hi Sav. Can you talk?" tanong ng doctor sakin. Tumango ako ng bahagya kaya kinuha na niya ang oxygen ko.

"How do you feel now?"

"Mabigat po ang katawan ko at medyo malabo ang paningin ko."

"Let me see your eyes first...wala namang masama sa mata mo. Dahil sa tagal ng pagkakatulog mo kaya nanlalabo pa ang paningin. It will adjust into normal vision soon."

"Ilang oras po pala ako naka tulog doc?

"You've been sleeping for three days. Mabuti nalang you were not in a coma."

Tatlong araw? Ganun na ako katagal tulog? Ganun ba kalakas ang impact ng pagkabangga ko?

"Bakit naman ang tagal kong nakatulog doc"

"Dahil sa lakas ng impact ng accident sayo. You have broken ribs and shoulder. Malakas ang pagkabagok ng ulo mo sa kalsada. It was really a miracle na wala masyadong pinsala sa ulo mo. Minor scars lang."

"How about.."

Gusto ko sanang kapain ang tiyan ko. Pero alam ko, wala na akong makakapa.

"We are really sorry, but you lost your baby. Nang mabangga ka nagbleed ka na ng makarating dito. And the baby was gone."

Sa dinami ng sinabi ng doctor wala akong naintindihan dahil isa isa nang nagsilabasan ang mga luha ko. Kahit alam kong wala na siya sa tiyan ko, masakit parin marinig talaga galing sa doctor.

Patawarin mo ako anak kung hindi man kita naalagaan. Patawarin mo ako na hindi kita naprotektahan. Patawad baby ko. Gustong gusto man kitang makita at mahawakan,hindi ko na magagawa. Patawarin mo si mommy mo baby dahil hindi ka niya naisip nung tumakbo siya. Na nang dahil sa walang kwenta mong daddy nawala ka. Patawarin mo ako. Sana maging masaya ka diyan at bantayan mo si mommy dito.

Paalam anak ko. Hindi man tayo nagkita, kahit saglit lang tayo nagkasama. Sana naramdaman mo kong gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita baby ko.

Kung gaano man ako nasasaktan sa pagkawala ng baby ko. Alam ko ganun din ang lahat ng nandito sa kwartong 'to. Ayaw man nilang iparinig sakin, pero rinig na rinig ko parin ang iyak nila.

"Doc, kelan po ako pwedeng makalabas dito?"

"Maybe a week or two. Kailangan muna nating pagalingin ang ribs mo at we need to check on your head parin para masigurado natin na wala talagang problema. Lalo na ngayon na gising ka na."

"Ganun po ba. Sige po doc salamat."

"Babalikan kita dito mamaya for check up. Pero kung makaramdam ka ng sakit, lalo sa ulo mo. Ipatawag mo agad ako."

"Sige po. Salamat po ulit."

Pagkaalis ng doctor. Lumapit sina nanay at tatay sakin. Naka balik na ang vision ng mata ko ngayon.

"Nak. Kamusta? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Ito oh pinag luto kita ng paborito mong nilagang manok. Gusto mo subuan kita?"

"Hindi po ako gutom nay, pero nauuhaw po ako."

"Oh ito may gatas dito. Tutulungan kitang uminom. Dahan dahan lang.."

"Salamat po nay, wag na po kayo masyadong umiyak. Nasasaktan po ako. Ayokong ganyan kayo nay"

"Oo nga naman Minda, tumahan ka na diyan. Nagising na nga anak natin iyak ka pa ng iyak."

"Kasi naman nak, ang sakit sakit na nakikita kitang ganyan. Puno ng benda ang katawan. Pati pa apo ko nawala sayo. Sino bang nanay ang hindi masasaktan, ang hindi iiyak. Alam ko rin kung gaano umiiyak ang puso mo ngayon. Kaya mas lalo akong nasasaktan"

"Nay, kung ganyan po na umiiyak kayo. Mas lalo po akong naiiyak."

"Siya sige na, hindi na ako iiyak. Ito gatas gusto mo pa ba?"

Umiling iling lang ako. Tapos tiningnan ko ang paligid ko. Andito silang lahat, pati sina Alfie, mommy at daddy. Dalawa lang ang wala.

Heaven at Kanikka.

Mabuti nalang dahil hindi ko alam anong magagawa ko pag nakita ko silang dalawa dito. Naiisip ko pa lang ang ginawa nila sakin, nanginginig na ako sa galit. Sa suklam.

Kinasusuklaman ko sila ng boung buhay ko.

"Hi Sav...we miss you." my ninjas.

"I miss you too ninjas. Please stop crying, andito pa naman ako eh. Si baby natin lang naman ang nawala. Kaya please, stop crying"

"O..Ok Sav. We will try. Its just that, its too hard to look at you like that. Kung sana lang pwede naming kunin kahit kunting sakit na nararamdam mo ngayon, physically and emotionally. Ginawa na namin. We feel so weak and useless while looking at you like that."

"Pens, alam ko. Gagawin niyo ang lahat para sakin. Pero please,don't look at me like that. Ayokong naawa kayo sakin. Ayokong nasasaktan kayo. Im glad na sakin nangyari ang lahat ng ito at hindi sa inyo. Dahil baka namatay na ako. Pero kayo matatag. Kaya please remain strong for me. I need you after all this mess."

"We will always be here for you Sav. Always. We love you our little Sav"

"Thank you Monique. Stop crying na, you look panda na oh."

Mabuti naman at sa ganitong pagkakataon may taga suporta ang ninjas. Mabuti nalang nangyari ang lahat ng ito andiyan na ang circle to support them.

"Salamat din sa inyo circles for being here with me and with the.ninjas. Masaya ako kahit papano kasi hindi niyo sila iniwan sa oras na ganito."

"We wont do it Sav. Magkakaibigan tayo. Kaya kahit anong mangyari, hinding hindi kayo namin iiwan. One of us may cause you this, but we are here to help you repair what damage he has done."

"Thank you Zag. Alfie, Park..thank you talaga sa inyo."

"Wag na po kayo magpasalamat ms Sav. Basta magpagaling lang po kayo, ok na samin."

"Thank you Alfie."

"Sav darling..im sosorry sa nangyari. Patawarin mo kami ni daddy mo. It's our fault. Kami na ang hihingi ng tawad sa ginawa niya sayo."

"Mom, stop crying na po. Baka makasama pa sayo. And please dont say sorry. Wala naman kayong kasalanan sa nangyari. Hindi naman kayo ang dahilan ng lahat ng ito. Kaya mommy, please stop blaming yourself."

"Dad, thank you for being here."

"You are our daughter Savannah. Therefore it's my duty to be here. It's enough that our family cause you this state. I can't bear not to be here. I can't let you suffer alone sweetheart. We are still family. Afterall."

"Thank you again dad. Kahit ano pang mangyayari kayo parin ni mommy ang pamilya ko dito sa metro. But dad please bring mommy home. She needs to rest."

"No darling. Ayokong iwan ka. I will stay here. Kumare needs me to take care of you. I wont leave."

"Pero mom.."

"No darling. I will stay here."

****

"Anak saka kana muna pumunta dito. Sige na anak. Baka makasama pa sa kanya pag nakita ka."

Naririnig ko yan na sinasabi ni tatay sa napakahinang boses.

"Yah son. She's still emotional. Very emotional. She can't take you now. Please son." daddy.

Si daddy din. Parang may kinakausap sila. Hindi ko lang alam kong sino. At kahit nakapikit ako, nararamdaman ko ang tension sa paligid.

"Pero tay, dad. Gusto ko lang po siya makausap.."

Biglang nagpintig ang tenga ko pagkarinig ko sa boses na yan. Bigla akong nanlamig at nanginig sa galit. Si baby ko. Nawala ng dahil sa kanila!

"ANONG GINAGAWA MO DITO?! NANG DAHIL SAYO NAWALA ANG ANAK KO!!! NANG DAHIL SA INYO NAMATAY ANG ANAK KO!! ANONG GINAGAWA MO DITO!! LUMAYAS KA DITO!! GAGO KA!! LUMAYAS KA DITO!! KINASUSUKLAMAN KITA!! UMALIS KA DITO!! GAGO KA!!! UMALIS KA DITO!!"

Pinagbabato ko siya ng lahat ng madadampot ko. Walang hiya siya! Pagkatapos nila akong lokohin may mukha pa siyang ipapakita dito! Ang kapal ng pagmumukha niya!

"Langga--

"WAG NA WAG MO AKONG MATAWAG NG GANYAN!! WALA KANG KARAPATANG TAWAGIN AKO NIYAN!! SABI KO LUMAYAS KA DITO..LAYAS!! LAYAS!! KINASUSUKLAMAN KITA!! LUMAYAS KA DITO!! LAYAS! UMALIS KA!! LUMABAS KA NA!!!"

Mga walang hiya sila! Ginago na nga nila ako. Tapos magpapakita pa siya dito! Para ano! Para ipamukha sakin na nagwagi sila. Na kahit isa walang natira sakin. Pati anak ko dinamay nila!! Mga walang hiya!

"Heaven anak. Sige na umalis ka na muna dito. Sige na anak. Baka ano pang mangyari sa anak namin. Sa asawa mo.."

"WALA YANG ASAWA DITO NAY! PINATAY NIYA ANG ASAWA NIYA KASAMA NG ANAK NILA! KAYA WALA KA NANG KARAPATANG MAGPAKITA PA DITO! GAGO KA!! UMALIS KA NA DITO!! UMALIS KA NA!! PINAGSISISIHAN KONG MINAHAL KITA GAGO KA!! ISINUSUMPA KONG NAKILALA PA KITA!! UMALIS KA SABI DITO!! UMALIS KA!!! UMALIS KA!! LUMAYAS KA DIT--!"

Dahil sa pag hihysterical halos hindi na ako makahinga.

Booggsshhh

"Gago ka pala pare eh! Kanina ka pa pinapaalis ayaw mo! Gusto mo ba na pati si Savannah MAMATAY!! Namatay nanga anak niyo ng dahil SAYO! Hwag naman pati si Savannah! Please lang pare matauhan ka. Umalis ka na kung ayaw mong mabugbug pa kita."

Galit na galit na banta ni Pusa. Siya ang sumuntok sa gago kong walang hiyang asawa. Sana hindi na siya bumalik dito. Sana hindi ko na siya makita pa.Sila ng walang hiyang babaeng yun.

Dapat sana talaga hindi ako naniwala sa balat kayo niya. Sana nakinig nalang ako sa sinabi ng ninjas at ni Pusa dati pa, na isang malaking peke ang babaeng yun. Na kahit kailan, ang linta ay linta parin.

Sana hindi nasira ang pamilya ko. Sana may buhay pang tumitibok sa sinapupunan ko ngayon. Sana wala itong poot sa dibdib ko ngayon.

Ang tanga tanga kasi Savannah. Nang dahil sa kagustuhan mong mapasaya ang gago mong asawa, nagpalasok ka ng ahas sa bahay niyo. Kaya ikaw ngayon ang nagdurusa.

****

Dumaan ang ilang araw at pakiramdam ko maayos na ang katawan ko. Pero hindi ang puso ko. Halos sa tuwing mahahawakan ko ang tiyan ko, umiiyak ako. Minsan patago, minsan hantaran. Pilit ko mang isipin na masaya na siya ngayon sa piling ng may kapal, nasasaktan parin ako.

Nasasaktan ako kapag naaalala ko kung paano niya ako pinapakain ng kakaibang pagkain at ginigising ng duwal sa umaga. Kung paano niya kami pinag lapit ng husto ng daddy.niya. Ang daddy niya na siyang dahilan bakit nawala siya.

Hindi ko lang lubos maisip bakit nagawa ni Heaven yun sakin. Bakit hinintay pa niyang mabuntis ako, mahalin siya ng higit pa sa buhay ko bago ako saktan ng ganito. Bakit kinailangan pa niyang magpakitang tao sakin para lang saktan ako sa huli.

"Bakit?"

"I am badly broken too. Wala nanga akong anak na hindi ko pa alam, pati pa asawa. Nawalan ako."

"Dahil narin sayo."

Nasa garden ako ng hospital ng bigla siyang sumagot sakin.

"Oo dahil sakin. Pero ano bang nagawa ko?"

"Pati ba naman ngayon magsisinunging ka?"

"Hindi ako nagsinungaling at lalong nagsisinungaling. I never lied to you."

"Ginawa mo na. At ito ang resulta."

"What..Kung ano man ang nakita mo sa gabing yun. It was not what you think."

"Hindi ako bulag Heaven. Kitang kita ng dalawang mata ko. NagHAHALIKAN kayo."

"Annika, hindi kami naghalikan."

"Hindi nga. Nagharutan lang. Pleass leave now?"

"Can you just please listen to me?"

"No. Wala nang puwang yang sasabihin mo sa puso at isip ko. Kaya kung pwede lang. Iwan mo na ako."

"Can we talk again?"

"Hindi na siguro. Wala na naman tayong pag uusapan."

"Pero marami pa akong sasabihin sayo."

"Wala na akong pakialam sa sasabihin mo."

"Sana magbago pa ang isip mo. I love you Annika. So much."

"Salamat. Pero pinagsisisihan kong minahal kita."

Sa puso ko. Alam ko hindi totoo yan. Dahil kahit pa winasak na niya ang pagkatao ko. Sa kanya parin tumitibok ang puso ko.

Manhid ang puso ko eh. Ano pang magagawa ko.

"Can I see you?"

"sige.."

Pumunta siya sa harapan ko. Kanina kasi magkatalikuran kami.

"You still look beautiful. I love you my langga." tapos tumalikod na siya.

Hindi na ako sumagot dahil baka gumaralgal pa ang boses ko. Ang laki ng pinagbago ng katawan niya. Wala pa ngang isang linggo, nangayat na siya. Mahaba at magulo ang buhok. Ang dating makinis na mukha naging balbasin na. Ang magaganda niyang mata, maitim na dahil sa kakulangan sa tulog at eyebags.

Bakit ganyan ang hitsura niya? Diba dapat masaya na siya ngayon? Bahala siya sa buhay niya. Siya ang gumulo sa maayos naming buhay.

****

Saktong isang linggo ng payagan ako ng doctor na makalabas. Nag aayos na kami ng mga gamit ng may bumisita sakin.

"Anong ginagawa mo ditong babae ka? Ang kapal mo naman talaga para ipakita pa yang pagmumukha mo dito ano! Umalis ka na nga dito, baka masampal pa kita diyan eh."

"Ok lang yan Monique. Papasokin mo."

"Pero Sav.."

"Ok lang ako Monny."

"Ok. Pasok."

"Hi Sav.."

Paak

"Para yan sa pang mamaliit mo sakin dati."

Paak

"Para sa pagsampal mo sakin ng walang dahilan."

Paak

"Para sa sakit na dinulot mo sakin"

Paak

"Para sa panggugulo mo sa buhay namin ni Heaven"

Paak

"Para sa pagkakaibigan natin."

Paak

"Para sa namatay kong anak"

Paak

"Para sa pagmamahal ko sayo bilang kaibigan. Umalis ka na. Wala ka ng dapat pang sabihin sakin. Ayoko ng marinig kahit ano pang sasabihin mo dahil hindi na niyan maibabalik pa ang buhay ng anak ko at ng pamilya kong sinira mo. Good bye Kanikka."

Hindi ko na siya hinintay na lumabas. Nagpasiuna na akong lumabas. 

Nasa may pintuan na ako ng magsalita siya.

"Im sorry."

Yan lang sinabi niya. Sana kaya ng sorry nila burahin ang lahat ng sakit na nandito sa puso ko. Sana kaya ng sorry nila ibalik sa dati ang buhay namin. Sana kaya ng sorry nila pasayahin ulit ako.

Pero hindi eh.Kahit ilang milyong sorry pa ang sabihin nila. Hinding hindi na maibabalik ang nakaraan.

****

Dalawang buwan na ang nakakaraan simula ng lumabas ako ng ospital at umuwi dito sa Davao. Dito ako tumuloy dahil nandito ang pamilya ko. Ang tunay na pamilya. Na kahit anong mangyari hindi ako iiwan. Ang nanay at tatay ko.

At nakapag decision narin ako.

"Anak, sigurado ka ba talaga dito?"

"Opo tay, sigurado na po."

"Hindi mo na ba talaga mahal si Heaven?"

"Hindi naman pagmamahal lang tay ang basihan ng isang matatag na pamilya. Dapat may tinawa at respeto din sa isat isa. Nasira na po kasi talaga ang tinawa ko kay Heaven. Kaya dapat lang na gawin ko 'to para rin sa aming dalawa."

"Pero alam mo ba nak na ang tunay na nagmamahalan sinusubok yan ng tadhana kung hanggang saan ang kaya ng pag-ibig mo"

"Siguro nga tay. Pero minsan din tayo tayo lang din ang gumagawa ng tadhana natin. Kaya kahit hindi ukol, pinipilit parin natin. Kaya hindi nagiging maayos ang resulta. Hindi nagiging matatag."

"Sigurado ka ba talaga na ito ang tamang paraan para sa inyong dalawa?"

"Sigurado na po ako tay. Gusto ko pong ipa-ANNUL ang kasal namin ni Heaven. Null and Void"

--------------------------------------------------------------

A/N

This is it. Ito na po ang engding :) Hindi ko alam kong nasatisfied kayo oh hindi. Pasensya na kung lame ito at boring. Yan kasi talaga ang nasa isip ko na ending.

Sa lahat ng sumubaybay sa kanilang dalawa. Im sorry kong ganyan ang ending nila. May sense naman diba?"

Happy pagbabasa po mga langga. <3

Announcement:

Private po ang Epilogue kaya kailangan niyo muna akong i follow bago niyo mabasa.

Heres the link:

http://www.wattpad.com/17157914-the-bride-hiring-heir-completed-epilogue

xoxo

mz A (Aish)

Continue Reading

You'll Also Like

895K 18.6K 36
The Bad Meets Good kind of Story. Everything in Coleen's life is perfect, she's the perfect student, perfect daughter, and perfect friend until the b...
7.4K 84 5
this is a short story of a two ex lovers who happen to stay in the same roof. ano kayang mangyayari sa tatlong araw na pananatili nila sa iisang bubo...
23.2K 377 73
Akira Ross Marie Zamora Montefalco, one of the seven children of Alba and Adam Montefalco. A ruthless, fierce and a cold lady that can devour someone...
340 127 14
Kwentong nagpapakita ng paglaban sa buhay kahit sa maling pamamaraan at pag-ibig na mahirap ipaglaban.