FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELI...

By craziestamongtherest

172K 5.9K 571

Hi everyone! This is an Aldub fanfiction :) More

Prologue
FRRF 1
FRRF 2
FRRF 3
FRRF 4
FRRF 5
FRRF 7
FRRF 8
FRRF 9
FRRF10
FRRF11
FRRF12
FRRF13
FRRF14
FRRF15
FRRF 16
FRRF 17
FRRF 18
FRRF 19
FRRF 20
FRRF 21
FRRF 22
FRRF 23
FRRF 24
FRRF 25
FRRF 26
FRRF 27
FRRF 28
FRRR 29
FRRF 30
FRRF 31
FRRF 32
FRRF 33
FRRF 34
FRRF 35
FRRF 36
FRRF 37
FRRF 38
FRRF 39
FRRF 40
FRRF 41
FRRF 42
FRRF 43
FRRF 44
FRRF 45
FRRF 46
FRRF 47
FRRF 48
AN
FRRF 49
FRRF 50
FRRF 51
FRRF 52
FRRF 53
FRRF 54
FRRF EPILOGUE
FREE LOAD

FRRF 6

3.6K 137 15
By craziestamongtherest


It's been a long day without you Alden...

Huhu. It's been a week since the seminar started.

Okay naman yung naging ligawan naming dalawa. Kulitan, asaran, lambingan at kung anu-ano pa. Kaya lang ngayon buong araw siyang wala. Gabi na pero may overtime daw siya sa work kaya madaling-araw na daw ang uwi niya. Miss ko pa naman na siya. :(

Kaya eto ako ngayon nanunuod ng movie na hindi ko naman maintindihan dahil si Alden lang ang nasa isip ko. Mehehe.

Sa loob ng isang linggo, napatunayan kong mahal ko pa rin pala talaga siya.

Siguro nga peke yung relasyon na meron kami ngayon, pero itong nararamdaman ko? Totoong-totoo.

Bahala na mamaya, bukas, sa susunod na araw, linggo, at buwan. Masaktan na kung masasaktan basta at least sa huli, wala akong pagsisisihan diba? I mean at least I gave it a try.

Tutal sabi din naman niya na wala siyang girlfriend e.

Flashback

"Why are you doing this?" I asked him ng kumakain kaming dalawa sa labas.

"Eating?" Curious na tanong niya.

"Takte. I mean why are you helping me?"

"I'm not helping you. I'm helping my company. Siyempre if you will be a great writer, we will be the one to publish your story. So ibig sabihin tataas ang sales ko." Kumindat pa siya sakin.

Ohh. So, it's about the company lang pala talaga. "Do you always do this? I mean kahit sa ibang tao?"

"Nope. First time."

"Eh bakit ako?"

"Cause I saw a potential in you?"

"Okay. Pero okay lang ba to? I mean wala bang magagalit? Like ano.. uhm-"

"Girlfriend? Wala. Marami akong flings pero girlfriend? Wala. Nadala na ko simula nung-" Napahinto siya sa pagsasalita at napatitig sakin. "Uh. Nevermind. Let's just eat." Tumango lang ako at kumain na.

End of flashback

Naalala ko na naman. May nanakit kaya sa kanya sa mga naging girlfriends niya, kaya ayaw puro flings na lang?

Imposible naman kaseng ako ang tinutukoy niya diba? Sa pagkakatanda ko, siya ang nanloko e.

"Waaaaaaaaah!"

"Hinalikan ka lang sa pisngi, ganyan na agad reaction mo? Gwapo ko talaga no? Hahaha." Shems. Andito na pala si Alden! At kiniss niya ko sa cheeks kaya ako napatili.

"Nanggugulat ka kase!" Hinampas ko pa siya sa braso.

"Ang sabihin mo, malalim lang ang iniisip mo. Ako na naman laman niyan ano?" Tinuro niya pa yung ulo ko. "Ni hindi mo man lang naramdaman na nakapasok na ko e. Paano kung magnanakaw na pala?"

"Sus. Mahigpit naman ang security dito diba? So walang magnanakaw." Ako naman kumindat sa kanya.

"Oo na. Kumain ka na ba? Nagtake-out ako sa Mcdo. May bago sila e. Chicken a la king. Mukhang masarap. Ito na lang dinner natin?"

"Sige. May fries at sundae ba yan?" Alam kong kumikislap na yung mga mata ko ngayon.

"Yun pa ba ang makakalimutan ko? Siyempre naman meron no. Takot ko lang na hindi mo na naman ako kausapin ng tatlong araw diyan."

Omg. Naalala niya pa yun? That was 3 years ago!

Flashback

"Alden. Bili mo ko ng fries, at sundae sa mcdo. Pleaaaase?"

"Ang taba mo na kaya Maine."

"So pag ako mataba na, di mo na ko love?" Mataray na tanong ko.

"Siyempre love pa din pero.."

"Fine! I won't eat!" Sabi ko bago siya iwan sa cafeteria.

End of flashback

"Oh ano naalala mo na? Grabe ka magtampo nun Maine. 3 days. 3 days mo kong di kinausap dahil sa fries at sundae lang?"

"Hoy! Wag mo ngang nilalalang yun. Favorite ko kaya yun!"

"Oh ayan magtatampo ka na naman. Sige okay lang. Mas kaya ko ng magpapuno ng isang drum na fries at 100 pieces na sundae ngayon." Yes guys. Tama po ang nabasa niyo. Sobrang dami niyang pinrepare nun para lang magkabati kaming dalawa. In the end, pinamigay namin yun sa mga street children.

"At least may pinuntahang maganda yung pagtatampo ko sayo."

"Yes. I miss the old times.." Sabi niya tsaka napatitig sa mga mata ko. "Miss ko na yung dati. Wala tayong ibang pinoproblema kundi yung quizzes at assignments natin. Kung paano natin aayusin yung mga tampuhan. At higit sa lahat.. kung paano natin sasagutin yung tanong na "Saan tayo kakain?" HAHAHAHAHAHAHA."

Natawa na rin ako sa kanya. Sa araw-araw naman kase na ginawa ni Lord, yan kase palagi yung tanong na di namin masagot e. Kayo din ba?

"Namiss mo din ba yun Maine?" Sumeryoso na siya kaya napatigil na din ako.

'Miss na miss. Kung sana hindi ka na lang nagloko, baka sana tayo pa rin hanggang ngayon.' Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko kaya. "Di ko namimiss yun. Lika na nga. Kain na tayo."

***

"Grabe! Ang sarap nitong chicken a la king!! Busog na busog na ko. Magkano to? Bibili ulit ako bukas!"

"59 lang ata yan."

"What! 59 lang? Ito breakfast natin bukas. Please?"

"No. It's not healthy babe. Bawal ang puro fastfood." Di ako kumibo. Ngayon at bukas lang e. Di pa mapagbigyan. :( "Nagtatampo na naman po siya. Oo na po. Kakain na tayo bukas. Basta bukas lang ulit ha?"

"Yeheeeey! Thank you Alden!!!" Sa sobrang pagkatuwa ko ay nayakap ko siya.

"Araw-araw na lang kaya kitang pakainin nito para araw-araw mo kong yayakapin?" Kumindat pa siya sakin.

"Echusero! Basta bukas ha? Ha? Ha?"

"Oo na po. Kulit lang? Tapusin mo na pagkain mo."

"Okay!" Masayang sabi ko sabay subo ng fries. Sinubuan ko na nga din siya e. Sweet ko ba? "Ay oo nga pala, aalis ako bukas ha?" Paalam ko.

Napahinto siya sa pagsubo. "Why? Where are you going? Hindi ka na ba babalik? Tatapusin mo na ba yung seminar?"

"Chill! Maghahanap lang ako ng trabaho bukas."

"Hindi naman kita pinagtatrabaho ha. Kaya pa naman kita buhayin."

"Ako siguro kaya mo pang buhayin, pero yung bata sa sinapupunan ko? Hindi!"

Napanganga na siya sa sinabi ko.

"Huy!" Untag ko sa kanya.

"W-what did you say? Bata? Magkakaanak ka na? I mean tayo?"

"Sira ka ba? Nagbibiro lang ako no. Mukha ba kong buntis? At higit sa lahat, kung buntis man ako, asa namang ikaw ang tatay no. Wala namang nangyayare satin a."

"Bakit gusto mo ba, meron?" Tinataas-baba pa niya yung kilay niya habang dahan-dahang lumalapit sakin.

"Leche! Nagbibiro lang ako! Wag kang lalapit!" Tili ko. Baka mamaya rapist na pala tong si Alden hindi ko alam.

'Ang gwapo namang rapist niyan pag nagkataon' Singit ng utak ko.

"Diba gusto mo meron?" Jusko. Bakit ang sexy ng voice niya?

"Tigilan mo na nga yang kalokohan mo Alden. Di na ko natutuwa." Nakakainis na kase yung kalokohan niya. Baka mamaya, madala pa ko. Ha? Ano Maine? San nanggaling yun?

"Galit agad? Eto na po, titigil na." Para siyang bata na sumunod sa utos ko at umupo na sa upuan niya. "But seriously, bakit ka maghahanap ng trabaho?"

"Kase gusto ko namang makahati sa mga bayarin mo-"

"Pinagbabayad ba kita?"

"Hindi. Pero-"

"Yun naman pala e. Then don't look for a job."

"Alden naman e. Sabay naman tayong aalis ah. Tsaka halos sabay din tayong uuwi."

"I said no." Madiing sabi niya.

"Bakit ba ayaw mo?!"

"Kase I want you to be here. Gusto ko pagkagising ko, ikaw ang nakikita ko. Pagkauwi ko, ikaw ang aabutan ko." Shemz. Is he falling in love with me again? "Ganun naman dapat diba? Nililigawan kita e."

Woah. So part pa rin pala. Hah! Stop dreaming Maine!

"Eh nabobored na kaya ako dito!"

"Work at my company then." He said.

Nagliwanag naman ang mga mata ko. "As a writer?"

"Nah-uh-oh. Di ka pa pasado."

Psh. Bagsak-balikat ko dun ah. "Be my sexytary instead." The he winked.

Papayag ba ko? O hindi?

Continue Reading

You'll Also Like

752K 3.2K 85
This is not a story but you can find a best stories ever Taglish
218K 4.5K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
74.6K 3K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
926K 14.3K 44
Sumali ako sa kakaiba niyang laro. Larong ngayon ko lang gagawin. Matatapos ko kaya ang larong to? Mananalo o matatalo ba ako?