Love Calculation

Von Pilyosopher

36.7K 1.4K 421

Ahuh! Ako na ang pasimuno sa magandang lovelife ng ate ko. Pero What happened to mine? Love is like a math pr... Mehr

BLURB
PROBLEM 1 : The Past, the Fake Fiance and the Hidden Admirer
PROBLEM 2 : When is my time to shine?
Problem 3 : The Damian Conspiracy?
Problem 4: How to start again?
Problem 5 : How to win the game?
Problem 6: How to end the nightmares?
Problem 7 : How to train a child?
Problem 9 : How to keep it hidden?
Problem 10: How to protect your beloved?
Problem 11 : How to lose your past?
Problem 12 : Break down the walls
Problem 13 : How to make a grand plan?
Problem 14 : When things start to get complicated.
Problem 15 : What happened?
Problem 16: Can I just melt right now?
Problem 17 : When your past comes back at you
Problem 18 : How to conceal the truth?
Problem 19 : When the truth is revealed
Problem 20: Will they reconcile?

Problem 8: How to sell more?

1.9K 74 29
Von Pilyosopher

Nagkakatitigan lang sina Voice habang nakaupo ang lahat sa pantry ng boutique. Pinatawag lang naman sila ni Arrhen para sa isang staff meeting raw. Nakatayo sa likod

ng bata si Mona na mukhang confident sa pagpapapulong ni Arrhen.

"Does this kid think we're playing a game?" kunot-noong tanong ni Gig nang pinanlisikan siya ng mata ni Arrhen pagkarinig sa komento niya.

"You! Shut up!" madiin na utos ni Arrhen habang turo-turo ang napaismid na si Gig. Nagkapalitan pa ng matatalim na titig ang dalawa nang maalala ni Voice ang dating si

Gig na hindi marunong ngumiti.

Hindi tuloy naiwasan ni Voice na maalala at maikompara ang pagkakatulad ng pamangkin niya kay Gig.

"Naku Mona huwag mo rin masyadong idikit si Arrhen kay Gig at bitterelo din yan baka mas lalong lumala yan." pagbibiro ni Voice.

Seryosong napatingin si Gig kay Voice na para bang may nais sabihin sa dalaga.

"Ahemm! Ahemm! Shall we proceed with the meeting Sir Arrhen?" singit ni Chill nang mapansin ang kakaibang tinginan ni Voice at Gig.

Kinindatan ni Arrhen si Mona at agad agad na naglabas ng mga sliding folder si Mona at ipinamahagi ito sa lahat. Taas kilay man at nagdadalawang isip silang lahat kung

anong nasa loob ng sliding folder ay binasa rin nila ang laman nito at sa gulat nila ay may sense ang mga nakatala doon.

"Unang-una ay makikita niyo yung ka-kompitensya ng boutique." simula ni Arrhen.

"Whoa! This kid is scaring me!" namamangha na pinandilatan ni Chill si Arrhen.

"Maliit na bagay." sagot ni Mona.

"Agent Mona,"

"Ye-yes Master?" gulat na napatingin si Mona kay Arrhen.

"Just keep quiet. It must be their first time to meet a genius like me." pagyayabang ni Arrhen.

"Aba may attitude problem ang pamangkin mo Boss." komento ulit ni Chill.

"Sinabi mo pa. Tinutor ko yan dati. Ako ang sumuko." imporma ni Voice.

"My Aunt doesn't know complex mathematical equations."

"I can vouch to that." itinaas ni Gig ang kamay sa pag-sangayon.

"Oo na! Ako na ang tanga! Masaya na kayo?" maktol ni Voice na napatingin kina Arrhen at Gig.

"Let's move on." hindi pinansin ni Arrhen ang pagdradrama ng tiyahin niya kundi ay inilipat ng bata ang pahina ng hawak niyang papeles.

"Ba-bakit may litrato ako dito?" tanong ni H na nagising nang makita ang litrato niya kasama sina Chill, Gig at iba pang kalalakihan.

"Good question. Sabi ni Agent Mona sa akin ay ginagamit kayo ng Tita ko para manghatak ng mga kustomer."

"Oh eh di magaling din ang Tita mo?" tanong ni Voice na naghihintay ng kahit konting papuri mula sa pamangkin ngunit hindi siya pinansin nito.

"We will have a promo." suhestiyon ni Arrhen.

Sunod na inilatag ni Mona sa mesa ang grand plan ni Arrhen at sa malalaking letra ay nakasulat ang mga salitang "Win a date Promo!"

"Tinanong ko si Tito Ice at ito ang suhestiyon niya. We will give raffle tickets to customers who avail of the promo at tsaka tayo magkakaroon ng raffle promo at the

end of the week." patango-tango si Arrhen na halatang natutuwa siya sa sarili.

"Aba eh hindi mo pala ito ideya eh." usisa ni Chill.

"Shut up! Saling-pusa ka lang." bulyaw ni Arrhen.

"Aba Boss, putulan na natin ng sungay ito at masyado ng mahaba ata." buwelta ni Chill na halatang hindi na natutuwa kay Arrhen.

"Tinatakot mo ba ako Manong?" asik ni Arrhen.

"Ma-manong?"

"May tsinismis sa akin si Agent Mona na may itinatago ka raw na sikreto sa Tita ko." ngumiti ng pagkatamis-tamis si Arrhen habang natigilan si Chill sa biglang

binanggit ng bata.

"Tatahimik na ako. Continue." Ganun kabilis napatahimik ni Arrhen si Chill.

"At bakit kasali naman ang taong ito?" nagtatakang ipinakita ni Gig ang isang pamilyar na litrato.

"Huh? Bakit nandiyan ang litrato ni Kuya Vane?" gulat na itinuro ni Voice ang litrato ni Vane.

"Ah eh kasi Madam Voice nagmakaawa na si Madam Monique na mahanapan ng kapartner si Master Vane kaya pinasiksik na lang siya." si Mona ang sumagot.

"Hindi ba't busy si Kuya Vane sa mga fashion shows sa Italy?" tanong ulit ni Voice.

"Pinapili daw po siya kung gusto niyang mabuhay o kung gusto niyang ma-itali ng patiwarik sa Italy. Desperada na po si Madam Monique." sagot ni Mona.

"Eh di mas lalong gugulo ang buhay ko?" nasabunutan na lang ni Voice ang sarili.

"So is it a go?" tanong ni Arrhen.

Nagkibit-balikat lang si H samantalang ang iba pa ay tila napilitan na napatango.

Nang makuntento si Arrhen sa sagot nila ay tsaka siya tumayo sa pagkakaupo at tinitigan si Mona. "Agent Mona prepare everything and don't forget my milk."

"Hahaha! May gatas pa sa labi." biro ni Chill. Mabilis na nairapan siya ulit ni Arrhen.

"Boss, sigurado ka ba talagang pamangkin mo ito? Hindi ko alam kung saan nagmana." bulong ni Chill kay Voice.

"Malamang kay Winter. Sabi na kasi kay Ate na huwag ipapaalaga sa bitterelang iyon eh. Idagdag mo pa si Kuya Echo na mas lalong hindi ngumingiti ngayon. Hayan tuloy.

Walking Ampalaya ang pamangkin ko." sagot ni Voice.

***

Gaya ng napagplanuhan ay sinimulan na nga nila ang plano at nagpaskil sila ng anunsiyo tungkol s raffle promo para sa isang date.

Napansin naman ni Voice si H na kahit walang imik ay nababahala ang dalaga kung okay lang ba talaga sa binata na makipag-date ito.

"H, okay ka lang ba sa ideyang ito? Pwe-pwede kong ipatanggal ang pangalan mo." linapitan ni Voice si H na nasa usual place nito.

Tumango lang si H. Hindi napansin ni Voice na nasa likuran niya si Gig.

"May ideya ako Arrhen." pagtawag pansin ni Gig sa bata na abala sa pag-inom ng gatas. Agad na nagpunas ng bibig si Arrhen bago ibinigay ang atensyon kay Gig. "Bakit

hindi natin isali ang Tita mo sa raffle promo."

"Baliw ka ba? Puro pambabae lang ang damit na binebenta dito. Walang lalakeng kustomer."

"Whoever sells the highest shall have a date with her." pagtatapos ni Gig. Kapansin-pansin na tila may pinag-iba sa mga mukha nila Chill at H nang marinig ang

suhestiyon ni Gig.

Tumango-tango si Arrhen na parang nag-iisip. "Agent Mona, will that motivate them to sell more?" tanong ng bata sa guwardiya nito.

"Sa tingin ko Master eh magpapaligsahan talaga ang mga yan."

"Talaga?" kunot-noong napatingin si Arrhen sa Tita niya. "My aunt is not that pretty though. Bakit siya pinagkakaguluhan nila?"

"Aba Master nasa lahi ata ng Nanay niyo ang habulin. Masuwerte ka Master at dumadaloy sa dugo mo rin yun."

"I approve!" mabilis na pagtanggap ni Arrhen nang madala siya sa sulsol ni Mona. Lingid sa kaalaman ng iba ay nakausap ito kanina ni Gig at nasabihan na ng plano nito.

***

Nang makatiyempo si Mona na pumuslit habang abala ang lahat sa pag-preprepare ng lahat na kakailanganin ay tinawagan nito ang partner in crime - si Bridgitte.

"Bridgitte!" tili ni Mona sa cellphone.

"Tumahimik ka nga Mona. Para kang baboy na kakatayin kung makasigaw. Ano ba at napatawag ka?" galit na tanong ni Bridgitte na kasalukuyang abala naman sa pagtutupi sa

bahay nila Serene.

"Maiihi na ako sa kilig."

Mabilis na itinabi ni Bridgitte ang tinutupi tsaka nag-ayos ng upo sa gilid ng kama.

"Ui! Anong meron?" kuryosong tanong ni Bridgitte.

"Aba si Voice, humahaba na rin ang hair."

"Ba-bakit? Nakiki-Serene na rin?" tanong ulit ni Bridgitte.

"Malaking nguso ng baboy!"

"Oink? Oink?" tanong ulit ni Bridgitte.

"Oink! Oink! as in Inahing Baboy!" tili ni Mona.

"Aba! Itsismis yan sa akin maya't maya pag nakauwi na kayo dito sa mansyon."

"Kilala mo si Gig di ba? Yung highschool sweetheart niya. Mukhan gusto siyang suyuin ngunit may karibal."

"Nagiging inahing baboy na nga si Voice." kinikilig na komento ni Bridgitte.

"Hayaan mo. Ibabalita ko sa iyo ang buong scoop mamaya."

"Dapat lang. Alam mo naman na boring ang buhay natin lately. Tsimis lang ang dessert natin."

"Sige sige. Agent Mona roger and out!"

tsaka pinatay ni Mona ang tawag.

***

Kinabukasan ay ipinaskil ni Voice ang isang board kung saan ilalagay ang bilang ng sales nila Gig, Chill at H.

"Matanong ko lang Boss," sulpot ni Chill sa likod ni Voice nang matapos ipaskil ng dalaga ang score board.

"Huh? Ano yun?"

Nginuso ni Chill si Gig na abala sa pag-aayos ng mga damit.

"Kelan pa naging tindero rin ng boutique yun?" tinaas ni Chill ang kilay.

"Oo nga noh? Siya pa nag-suggest huh. Tinamaan na nga talaga siya sa akin?"

"Galit ka sa kanya di ba?" kuryosong tanong ni Chill.

"Korekek! Check to the checklist! Tamaan na si Juan Tamad."

"Weh?"

"Umayos ka Chill kundi eh jujumbagin kita. Maliwanag?" pagtataray ni Voice.

"Roger Boss!" tsaka nagpunta sa isang sulok si Chill upang tumulong sa pag-aayos.

Napansin rin ni Voice na maski si H ay kumikilos rin at abala sa pag-aayos.

"Anong nakain ng mga tao ngayon?" bulong ni Voice sa sarili.

Habang patuloy sa pag-aayos ang lahat ay hindi nila napansin ang pagpasik ni Vane sa boutique.

Palingap-lingap si Vane sa paligid. Suot-suot nito ang itim na sunglasses na napatingin kay Arrhen.

Nagkatitigan pa ang dalawa bago itinuro ni Arrhen si Vane.

"Oh! The weird guy." komento ni Arrhen. Sumunod na sumalubong si Mona at sina Voice.

"Namaste!" bati ni Vane.

"Namaste?" sabay-sabay na tanong ng lahat.

"Akala ko ba galing siya sa Italy?" tanong ni Chill.

"Napag-alaran ko ang ibang lenguahe sa Italy." paliwanag ni Vane tsaka niya ibinaba ang suot na sunglass at yumuko sa harap ni Arrhen tsaka masinsinang pinagmasdan ang

bata.

"Mas gwapo ka sana kung ako ang naging ama mo." tsaka ginulo ni Vane ang buhok ni Arrhen. Naiinis na tinanggal ni Arrhen ang kamay ni Vane at inirapan pa siya.

"Kuya Vane hitting below the belt yun." singit ni Voice na tinakpan ang tenga ni Arrhen. "Gwapo rin naman si Arrhen huh."

"Ikaw naman. Nagbibiro lang ako tsaka sinabi ko eh mas gwagwapo pa siya kung ako ang ama niya kasi halata naman sa mukha di ba?"

Galit na tinanggal ni Arrhen naman ngayon ang kamay ni Voice tsaka mabilis na sinipa sa tuhod si Vane.

"Aray ko!"

"Buti nga sa iyo." tsaka nag-belat si Arrhen at padabog na napaupo sa parating inuupuan ni H.

"Mukhang nasobrahan niyo ang biro niyo Master Vane." malungkot na komento ni Mona. Napangiti lang si Vane.

"That kid really looks like Hale but the way he kicks is definitely like his mom. Ang lakas ng pamangkin mo." nakangiting pinagmamasdan ni Vane si Arrhen.

"Mukhang may naalala ka Master Vane?" tanong ni Mona.

"Yeah. Good Memories."

***

Pagbukas ng Queen of Esther ay hindi inakala ng lahat na ganun na lang karami ang nagpunta dahil sa promo nila.

"Kyaa! Magkakaroon tayo ng tiyansa na maka-date ang isa sa kanila!" bulungan ng ilan sa kustomer. Hindi magkamayaw ang karamihan sa pagsulyap sa mga binata.

"Kasama din si Vane, yung modelo." sagot ng kausap ng babae.

Pagkarinig ni Voice sa mga excited na babae eh maski siya ay na-excite dahil pumapatok ang ideya ni Arrhen. Napatingin rin si Voice sa mga lalake na abala sa pag-

entertain ng mga customer.

Si H, kahit hindi nagsasalita ay tahimik na nag-aabot ng mga damit sa mga kustomer na babae. Si Chill ay masiyahin naman at panay ang pagbibiro sa mga customer niya.

Habang si Gig ay seryosong-seryoso na makabenta. Napansin ni Voice na nginingitian rin ni Gig ang mga kustomer niya.

"Aba, ngumingiti ang mokong. Hindi man lang niya ako nginitian ng ganyan noon." bitter na komento ni Voice sa sarili.

"Come with me Voice?" yaya ni Vane kay Voice.

"Saan tayo pupunta?"

Kumindat si Vane tsaka mabilis na hinatak si Voice palabas.

"Kuya, saan tayo pupunta?" tanong ulit ni Voice ngunit nginitian lang siya ni Vane.

"I will help you with your love life." sambit ni Vane nang medyo makalayo na sila mula sa boutique.

"Heh? Nagbibiro ka ba? Ano ito prank? Nasaan ang camera? Ilabas na!"

"Hindi ako nagbibiro. Regalo ko na ito sa iyo. Huwag mo akong gayahin." seryosong sagot ni Vane. "Life without love can be very tiring."

"Bakit parang ang talino mo kung magsalita ngayon Kuya Vane."

"Tumahimik ka na nga lang at makinig sa sasabihin ko!" naiinis na bulyaw ni Vane.

"Kasi naman Kuya hindi bagay sa iyo. No! no!"

"Eh kung sasabihin ko sa iyo na kilala ko kung sino ang mananalo sa kanila." natigilan si Voice at nagtaka sa sinabi ni Vane.

"Aba manghuhula ka na ngayon Kuya? Tsaka rumeresbak ka ba sa akin dahil hindi ikaw ang sinuportahan ko noon?"

"Oo! You chose the wrong guy to support tapos wala rin naman napala ang one face na yun." bulyaw ni Vane ngunit nakangiti naman ito kaya alam ni Voice na nagbibiro

lang ito sa nasabi.

"Sorry na, dati kasi eh mahilig ako sa mga pa-mysterious type."

"Eh ngayon?" usyoso ni Vane.

"Mahilig na akong pumatay ng mysterious type." sabay tawa ni Voice. "Mabalik ako Kuya, paano mo malalaman kung sino ang mananalo?"

"Because I plan to buy a lot. I mean a lot! Kung kanino ako bibili? Ikaw na ang bahala doon. Mamili ka sa tatlo and that guy will win." kumindat si Vane.

"Pandaraya yan Kuya tsaka hindi mo ba nakita na binibigay nila yung best nila para madaya lang sila." sumeryoso si Voice lalo na nang maalala niya ang effort ng tatlo

sa loob.

"Bakit ayaw mo bang makasama ang taong gusto mo talagang makasama?" kuryosong tanong ni Vane.

"Huh?" namula si Voice at hindi makatingin sa mata ni Vane.

Lumapit si Vane kay Voice tsaka hinawakan siya sa ulo.

"Don't worry hindi ako mandaraya. A substitute buyer will come and buy. Kung kanino siya lalapit eh siya ang masuwerteng mananalo. Ngunit kung sino man ito ay sikreto

na ito." ngumiti ulit si Vane bago tinalikuran si Voice.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Voice.

"Saan pa. Pupuntahan ko yung substitute buyer ko. Bye!"

***

Nang mga sumunod na araw ay hindi mapakali si Voice sa pagmamatyag kung sino nga ba ang mysterios substitute buyer ni Vane. Wala naman siyang nakita na bumili ng

marami hanggang sa may isang babae na pumasok.

Nakasuot ito ng apron at nakasimangot. May suot-suot pang pink na rubber gloves at may suot na mahabang panyo sa ulo.

Nangingilag ang ilang mamimili dahil amoy isda ang babae.

"Ano ba yan? Hindi ito palengke ui!" naiiritang suway ng isang kustomer.

"Bakit? Eh kung bibili ako may problema ka?" mataray na sagot ng babae. Palingap-lingap pa siya sa paligid nang magtama ang tingin nila ni Voice.

Linapitan naman ni Chill ang babae. Nakangiting hinawakan ni Chill ang babae at aalalayan sana na lumabas ng boutique nang inapakan ng babae ang paa ni Chill.

"Bastos ka!"

"Eh. Sorry na miss kaso nagrereklamo kasi ang mga kustomer." sagot ni Chill. Sunod na lumapit naman si H at hintak ang babae papunta sa puwesto niya.

"Bibili ka di ba?" seryosong tanong ni H.

"Huh?" gulat na tanong ng babae.

"Eto bagay sa iyo." singit naman ni Gig na sumulpot bigla hawak hawak ang isang damit.

"Eh?"

"Hindi ka ba bibili?" tanong ulit ni H.

"Pe-pero dalawa kayong nagbebenta sa akin. Hi-hindi pwede yun." napatayo si Voice sa upuan nang marinig ang sinabi ng babae.

"Hindi kaya siya ang sugo ni Kuya Vane?" tanong ni Voice sa sarili.

"Then buy from the bought of us." suhestiyon ni Gig.

Napakagat pa sa labi ang babae nang tumingala siya at may sinuntok sa ere. "Eh sabi lang naman niya na bumili ako sa taong mag-aalok sa akin. Problema na niya kung sa

dalawa ako bumili. Dalawa nag alok sa akin eh. Hindi ba?" tanong ng babae sa dalawang binata.

"I don't care just buy from me." sagot ni H.

"Sige. Sige! Bibilhin ko lahat ito. Paghatian niyo na lang kung kanino ako bibili."

"What?!" Napuno ng nakakabinging katahimikan, mga matang naluluwa at mga bibig na nakabukas ang buong boutique. Lahat ay laking gulat sa nangyari.

Si Chill ay natawa na lang sa sarili sa nasaksihan.

"Boss mukhang talo na ako." ani ni Chill.

Dahil sa biglaang pangyayari ay itinigil na rin ng araw na iyon ang promo. Ang natitira na lang ay ang raffle draw at kung sino ang nanalo ng date kasama si Voice.

Tinipon ulit ni Arrhen silang lahat sa pantry para sa isa na naman daw na staff meeting.

"Wait bakit hindi na lang tanggalin sa raffle promo ang nanalo sa pustahan namin?" suhestiyon ni Gig.

"Ok." mabilis na sagot ni Arrhen na masayang nakatingin sa cellphone.

"Anong tinititigan nung bulilit?" tanong ni Chill kay Mona.

Bumulong si Mona kay Chill. "Babalik na raw ang Mama niya kaya masaya yan."

"Ahhh..." patango-tango si Chill.

"So sinong nanalo sa amin?" tanong ni H.

Seryosong tumango si Arrhen at itinuro si Gig at H. "Kayong dalawa."

"What?"

"Sa totoo lang nawala yung listahan ng sales kaya hindi ko alam kung sino nanguna sa inyo."

"Are you kidding me?" tanong ni Gig.

"Agent Mona stole it. Burned it because she said it will make things more fun kaya sabi ko okay. May reklamo?" galit na sagot ni Arrhen.

Napatayo bigla si Gig.

"I can't accept this."

"Ako okay lang." singit ni H. Nagkatitigan naman ngayon sina H at Gig.

"Triple date it is." pagtatapos ni Arrhen sa diskusyon. "Agent Mona. Show saling-pusa his date."

Binigyan naman ng litrato si Chill at kulang na lang ay maawa ang lahat nang makita kung sino ang nanalo sa raffle draw.

"Dapat ata sa eat all you can kayo pumunta. Magugustuhan niya yan." pagbibiro ni Voice. "Maganda naman siya."

"Mas malaki pa siya kay Mona." reklamo ni Chill.

***

Pagkasara nila ng boutique ay isang bisita ang naghahantay sa kanila. Unang natigilan sa bungad ng boutique si H.

"Don Hector?" tanong ng gulat na si H sa Lolo niya.

"Hello Hija!" nakangiting nakatayo sa harapan ni Voice ang matanda.

"Don Hector?"

"Malapit na ang holiday sa lunes at sabado na sa susunod na araw kaya naman iniimbitahan kita sa aming hacienda." bungad ni Don Hector.

"Po?"

"Di ba kailangan mong bumisita sa amin? Whether you like it or not. Don Hector gets it." ngumiti ng may pagkapilyo ang matanda.

"Pupunta rin ba kami?" tanong ni Chill.

"Hindi pwede. Ang babae lang ang pupunta kasama ang apo ko." diin ni Don Hector.

"Hindi rin pwede ang balak mo dahil may date pa kami." singit ni Gig.

"Sabihin mo tayong tatlo." buwelta ni H.

"Wala akong pakialam sa date niyo." nanlilisik na tinitigan ni Don Hector si Gig.

"I think he has a right." singit ni Arrhen na nakipagtitigan ngayon sa matanda.

"At sino naman ang munting don na ito?" tanong ng matanda.

"I have a price to fulfill to them. How about you exchange your date for a chance to join my aunt?" tanong ni Arrhen kay Gig.

"Hindi pwede!" bulyaw ni Don Hector.

"I accept." singit ni Gig.

"Finish then. Agent Mona have this old man sign a contract. If he does not sign then by all means I shall have him despair when I am older." babala ni Arrhen.

"Tinatakot mo ba ako munting don?" tanong ni Don Hector.

"I am the grandson of the former President of this country. The son of the heir of Newson Group of companies. Ano sa tingin mo ang mangyayari sa iyo kung malaki na ako?" hindi umurong si Arrhen habang natawa naman si Don Hector.

"Magaling kang bata ngunit takutin mo na ako kung hawak mo na talaga ang ipinagyayabang mong kapangyarihan. Oh well, hindi ko na kailangang pumirma dahil papayagan ko

ng sumama ang lalakeng iyan." Napatingin si Don Hector kay Gig. "I have my eyes on you. Saturday. Ipapasundo ko kayong tatlo." tsaka sumakay na ang Don sa nag-aabang na kotse.


Weiterlesen

Das wird dir gefallen

11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
1.1M 51.7K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.
15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...