When Mr. Gorgeous is Jealous

winry_elrick

5.9M 101K 4.8K

When Miss Genius Gone Mad Book 2 Copyright 2015 All Rights Reserved Еще

All Rights Reserved
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 (Final Chapter)
Author's Note

Chapter 27

60.1K 1.5K 74
winry_elrick

Philip

Ilang segundo rin akong natulala at hindi nakaimik. Ang dami namang tao na puwedeng maging anghel na tutulong sa'kin, bakit siya pa?

"Huy, Philip!  Ano bang nagyari sa'yo at bigla ka na lang natulala diyan?"

"Wala naman, nagulat lang ako sa'yo." Tugon ko kahit hindi lang talaga gulat ang naramdaman ko sa pagdating niya kundi pati na rin goosebumps. "Bakit ka pala nandito? May kasama ka ba?"

"Wala, mag-isa lang ako. Nandoon lang ako sa may sulok at katatapos mo lang i-meet 'yong Mommy ng batang ipa-private tutor ko. 'Tapos, narinig ko 'yong dalawang echusera na 'yon. Pasalamat sila at hindi ko dala ang arnis ko, kung hindi baka..."

"Baka nahampas mo sila?" Dugtong ko sa sinasabi ni Jen at pagkatapos ay pareho kaming natawa. "Thank you ah, that song really made me feel better."

"Buti naman, pakinggan mo lang ang kantang 'yon kapag nakakarinig ka ng mga pangba-bash mula sa mga taong walang magawa sa buhay nila kundi ang magsalita ng masasakit laban sa kanilang kapuwa. Akala naman nila, ikagaganda niya 'yon. Hindi naman, nagmumukha lang silang cheap." Halatang nagpaparinig si Jen sa dalawa kong bashers na ilang saglit lang ay umalis na.

Maya-maya ay napansin ni Jen ang dinala kong pamphlet na nasa table. Dinampot niya iyon saka tiningnan. "Photo contest? Bakit may'ron ka nito? Mahilig ka ba sa photography?"

"Yeah." Tipid kong sagot.

"So, sasali ka dito sa contest?"

"Gusto ko sana kaya lang ayaw ni Mama. Ang gusto niya kasi ay bumalik ako sa Harvard para ituloy ko pag-aaral ng business." Tugon ko na puno ng panghihinayang.

"Wait, no'ng nakaraan ay nasabi mo na may ibang bagay kang gustong gawin. Ang tinutukoy mo ba no'n ay itong Photography?" Usisa pa ni Jen.

"Tama, ang pangarap ko kasi talaga ay ang maging isang professional photographer." Sambit ko at nabuntong hininga. "Unfortunately, my Mom dosen't like it."

"Kaya isusuko mo na lang ang pangarap mo, gano'n?" Aniya sa dismayadong tono.

"Anong gagawin ko? Suwayin ko si Mama at pagkatapos ay magrebelde?" Tumaas ng bahagya ang kilay ko habang sinasabi 'yon.

"Wala akong sinabing suwayin mo ang Mama o ang magrebelde ka. Ang akin lang, subukan mo siyang kausapin para maipaunawa mo sa kanya na ito talaga ang pangarap mo at ito ang bagay na makapagpapasaya sa'yo. Kahit anong mangyari ay magulang pa rin siya at walang magulang na kayang tiisin ang kanilang anak." Paliwanag pa ni Jen.

"Tama ka diyan, may mga magulang nga na hindi matitiis ang anak nila pero hindi gano'n ang Mama ko. Mas mahalaga kasi sa kaniya ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa nararamdaman ko. Ang gusto niya ay magkaroon ng degree holder na anak na maari niyang ipagmalaki sa mga kakilala niya." Nakakalungkot pero totoo ang lahat ng sinabi ko about my Mom.

"Eh 'di bigyan mo siya ng dahilan para ipagmalaki ka niya." Giit pa ni Jen sabay tingin doon sa phamplet. "Join this contest at kapag nanalo ka, eh di magiging proud na siya sa'yo."

Hinawakan ko naman ang phamplet at pinagmasdan iyon, habang si Jen naman ay nagpatuloy sa kaniyang sinasabi.

"Subukan mo, wala namang mawawala eh. Alam mo, masuwerte ka pa nga, dahil ang Mama mo lang pala ang humahadlang sa'yo para matupad mo ang mga pangarap mo. Samantalang 'yong sa'kin..." Tumigil saglit si Jen sa pagsasalita. Parang sinasabi niyang may tao rin na humahadlang na matupad niya ang kaniyang pangarap. Sino naman kaya?

"Ah basta, sumali ka na lang diyan sa photo contest na 'yan. Tingnan mo, fifty thousand ang first price at may chance pang ma-feature sa mga sikat na magazine ang picture na maipapanalo mo. Mag-submit ka na ng entry bago ka pa abutan ng deadline." Pagkatapos magsalita ay tumayo na si Jen. "Sige na, mauna na 'ko. Bye."

"Wait!" Sabi ko at tumayo na rin. "Hatid na kita pauwi.

"Huwag na, nakakahiya naman." Pagtanggi niya.

"Ito naman, huwag ka nang mahiya."

"Oh siya, sige na nga." Pagpayag niya sa wakas na labis kong ikinatuwa.

---

"Ang laki ng bahay niyo ah." Sabi ko habang tinatanaw mula sa bintana ng kotse ang bahay nina Jen.

"Hindi namin bahay 'yan." Tugon niya sabay kalas ng seatbelt. "Bahay 'yan nina Dustin na boyfriend ni Ash."

"Teka? Diyan kayo pareho nakatira?" Gulat kong tanong.

"Oo, katulong diyan ang Mama ko at driver naman si Papa."

"Ah..." Napatango-tango na lang ako kahit na medyo nagulat sa aking nalaman.

"Sige na Philip, salamat sa paghatid ah. 'Yong sinabi ko sa'yo, sumali ka sa contest na 'yon." Bilin pa ni Jen bago bumaba ng sasakyan. Nakangiti siyang kumaway sa'kin at mula sa side mirror ay nakita kong hinintay niya muna akong makalayo bago pumasok sa loob ng gate.

Hanggang sa gumabi ay ang nakangiting mukha ni Jen ang naka-display sa utak ko dahilan upang mahirapan akong makatulog. Pambihira, ano bang nangyayari sa'kin?

At dahil hindi ako dalawin ng antok ay naisipan kong buksan na lang ang aking Facebook. Ang una kong ginawa ay hanapin profile ni Jen na agad ko rin namang natagpuan. Kaya lang ay nabad-trip ako nang makita ang cover photo niya na picture lang naman nilang dalawa ng ugok kong step brother.

Anyway, I send her a friend request which she confirmed after five minutes. Online pala siya, mai-chat nga.

Me: hi! gising pa?

Jen: hindi tulog na.

Me: Ah okay sorry sa istorbo

Jen: Hehe. Napag-isipan mo na ba 'yong pagsali sa contest? Mag-submit ka na agad ng entry ah.

Me: Actually, may mga pictures na ako rito, kaya lang, hindi ko alam kung ano ba ang maganda. Wanna help me out?

Jen: Sure, let me see.

Me: Madami kasi 'yon eh. Ano kaya kung pumunta ka na lang dito sa unit ko para maipakita ko sa'yo lahat. Are you free tom?"

Jen: Yeah, sige punta na lang ako diyan bukas. Good night 😊

Me: Good night 😉

Nang dahil sa pagcha-chat naming ito ni Jen ay lalo akong nahirapang makatulog. Isipin ko pa lang na pupunta siya rito sa aking condo unit bukas ay sobrang excited na 'ko.

Продолжить чтение

Вам также понравится

White Wall anemoia

Художественная проза

1.5K 421 44
Sa event hall ng kanilang Junior's Ball, may mga antigong kanta na pinatutugtog, sa dagat na kulay ng cocktail dress at fuschia niyang labi ay nakati...
King and Queen Jessa Audrey

Подростковая литература

1.5M 41.6K 52
We could've had the perfect love story-the kind of love that would last for years-not days, weeks or months. The kind of love that grows over time. S...
Always Have Been, Always Will Be letterL

Подростковая литература

18.3K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
2.7M 59.9K 37
May boyfriend ka na nga, mataba at maldita ka pa rin?! SEQUEL TO THE XL BEAUTY. NOW PUBLISHED UNDER SUMMIT POP FICTION.