When Mr. Gorgeous is Jealous

By winry_elrick

5.9M 101K 4.8K

When Miss Genius Gone Mad Book 2 Copyright 2015 All Rights Reserved More

All Rights Reserved
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 (Final Chapter)
Author's Note

Chapter 26

64.7K 1.6K 39
By winry_elrick

Phillip

Nabulahaw ang masarap kong tulog ng magkakasunod na tunog ng doorbell.  Pero sa halip na bumangon ay lalo ko pang ipinulupot ang sarili ko sa katawan ng aking katabi.  Kung sinoman ang istorbong 'yon, bahala siya sa buhay niya!  Mapapagod lang siya ng kaka-doorbell, hindi ko siya pagbubuksan.

"Babe, someone's at your door."  Sabi ni Ellaine at pagkatapos ay bumangon na.  "Oh my gosh, 11 am na pala.  I have to go."

Inaantok pa ako kaya hindi na ako nakapagpaalam ng maayos kay Ellaine na pinagod ako ng husto kagabi.

Ilang saglit pa ay halos mapatalon ako sa gulat nang bigla akong paghahampasin ng bag ni...

"Ma!"  Bulalas ko sabay bangon.  Ibig sabihin ay si Mama pala ang kanina pa nagdo-doorbell?  Sorry naman mader!  "Kayo pala, good morning."

"Good morning?  It's not even morning anymore Philip.  Puwede ba, tumayo ka diyan at mag-uusap tayo."  Pagkatapos magsalita ay lumabas na si Mama ng kuwarto ko.  Napakamot naman ako ng ulo.  I'm sure, hindi naman siya nandito para kausapin ako kundi para sermunan.  Lagi naman eh, ano na naman kaya ang kasalanan ko?

Nag-suot lang ako ng tshirt at short at pagkatapos ay lumabas na sa may living room kung saan hinihintay ako ni Mama na nakaupo sa sofa.

"Do you want some coffee?" Tanong ko kahit hindi na bagay ang uminom ng kape ngayon dahil tanghali na.

"No, i don't want coffee.  All I want is for you to go back to Harvard and get a diploma.  Hindi ka man lang ba marunong mahiya, ha Philip?  Si Dustin may Harvard diploma na.  He has a high position in the company.  Eh ikaw?  Anong may'ron ka?  Isang mababang position sa hotel na donasyon lang sa'yo ni Derek.  Will you please grow up.  Just grow up!"  At ikinumpara na naman ni Mama ang anak niya kay Dustin. 

Minsan, napapaisip na lang ako kung ako ba talaga ang anak ni Mama o si Dustin?  Pababalikin ako sa Harvard?  Ayoko nga!

"Ayoko Ma, tama na ang dalawang taon na binuno ko doon.  Isa pa, alam niyo naman kung ano talaga ang bagay na gusto kong gawin 'di ba?"  Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad na lumapat ang palad ni Mama sa pisngi ko.  Masaket ah!

"Ang alin?  'Yang l*cheng photography na 'yan?  Tinalikuran mo ang pag-aaral ng business sa Harvard para mag-aral ng photography dito?  Ano bang silbi ng photography ha?  That won't give you stable life and money.  Puwede ba Philip, sundin mo na lang ako.  Nakahanda na ang lahat and you'll be leaving next week."  Pagkatapos magsalita ay lumabas na si Mama. 

Frustrated akong naupo ako sa sofa saka dinampot mula sa center table ang isang pamphlet na tungkol sa isang photo contest na gusto kong salihan. 

Noon pa man ay pangarap ko nang maging isang professional photographer kaya iniwan ko ang Harvard para mag-take ng photography. 

At dahil sa gustong mangyari ni Mama ay mukhang wala na akong ibang choice kundi ang tuluyan nang talikuran ang pangarap ko.  Baka mapikon pa siya at putulan ako ng allowance. 

May trabaho naman ako sa Grande Hotel kaso, ang sweldo ko doon ay kulang pa sa lahat ng bisyo ko which is girls, girls and girls.

Nang makaligo at makakain ay lumarga na ako.  Day-off ko naman ngayon kaya may oras akong gumala.  Tumambay muna ako sa isang coffee shop, para magkape at tumingin-tingin sa mga chicka babes na magaganda hanggang sa maka-spot ako ng dalawa dito sa gilid.

"Di ba step brother 'yon ni Dustin?"  Tanong no'ng girl na maputi at naka-sleeveless.  Nagkunwari na lang ako na hindi ko sila naririnig.

"Ah yeah, ang mom niya ay wife ng Daddy ni Dustin."  Sagot naman no'ng naka-yellow crop top at may pagka chinita.

"Ang guwapo niya 'no?"  'Yong maputi.

"Oo, kaso babaero raw 'yan kaya mag-ingat ka diyan.  Kung titingnan, he seems like nice catch pero hindi naman talaga eh.  His only asset is his looks.  He's not rich dahil freeloader lang siya at ang nanay niya ni Mr. Villaverde.  Wala siyang pinag-aralan dahil balita ko ay drop-out siya ng Harvard.  At ito pa, sa dami na ng babaeng naka-s*x niya, balita ko ay may STD na siya.  Naku, huwag na huwag ka talagang magkakamali na magpabihag sa lalaking 'yan dahil masisira lang ang buhay mo."  Pahayag ni chinita girl na lahat ay narinig ko. 

"Yuck, kadiri naman."

"Sinabi mo pa friend, walang-wala siyang sinabi kung ikukumpara sa step brother niyang si Dustin."

Ang akala ko ay gaganda na ang araw ko na sinira ni Mama pero lalo lang palang nasira dahil sa dalawang iyon na ang sakit magsalita.

Sabihan ba naman akong freeloader, walang pinag-aralan at may STD?  Hindi man lang ba nila naisip na nakakasakit na sila ng damdamin? 

Hindi lang 'yon, sinabi pa nila na walang-wala raw ako kung ikukumpara sa step brother kong si Dustin.  Bakit ba palagi na lang bida ang mokong na 'yon!  Nakakainis na!

Tatayo na sana ako para umalis pero hindi ko nagawa dahil may bigla na lang lumapit sa likod ko saka pinasakan ng earphone ang dalawa kong tainga.

You shout it out,
But I can't hear a word you say
I'm talking loud not saying much
I'm criticized but all your bullets ricochet
You shoot me down, but I get up

I'm bulletproof, nothing to lose
Fire away, fire away
Ricochet, you take your aim
Fire away, fire away
You shoot me down but I won't fall
I am titanium
You shoot me down but I won't fall
I am titanium

Ang naririnig ko ngayon ay ang kantang Titanium  ni David Guetta at Sia.  Pumikit na lang ako habang ninanamnam ang bawat lyrics ng kanta na siyang biglang nagbigay ng lakas sa akin.  Para bang sinasabi nito na hindi dapat ako panghinaan ng loob dahil walang masasakit na salita ang pwuedeng magpabagsak sa akin.  

You shoot me down but I won't fall
I am titanium
 
Dahil sa kantang iyon ay nawala ang inis ko at gumaang bigla ang aking pakiramdam.  Kung sinoman ang anghel na ito na siyang nagparinig sa akin nitong kanta ay pasasalamatan ko talaga at kung puwede lang ay yayakapin at hahalikan ko pa.

"Ano Philip, narinig ko ba 'yong kanta?  Did listening to it made you feel better?"  Nakangiti niyang tanong matapos umupo sa tapat ko.

Ako naman ay hindi agad nakapag-salita.  Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit siya pa?

Continue Reading

You'll Also Like

11.7K 186 38
Every summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)
21.4M 412K 68
[The Walkers Trilogy #1] Simple at tahimik ang pamumuhay ni Kisha Louise Madrigal hanggang sa makilala niya ang ubod ng manyak na bampira na nangngan...
2.7M 59.9K 37
May boyfriend ka na nga, mataba at maldita ka pa rin?! SEQUEL TO THE XL BEAUTY. NOW PUBLISHED UNDER SUMMIT POP FICTION.
18.5K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...