The Bride Hiring Heir (Bride...

By mzpublic

6.7M 66.7K 6.4K

In Tagalog po ito: A girl in college was forced to sign a contract (contract wife) with the rich hotel heir... More

Prologue
Contract 1- the Reason
Contract 2- the Meeting
Contract 3- Maputlang Masungit
Contract 4- the Contract
Contract 5- the Arc Ninjas
Contract 6- Heaven meet Ninjas..parteee ^_^
Contract 7- Parents..trap??
Contract 8- Hot and Heavy ^_^v
Contract 9- The Heaven!!!
Special Note: From Aish ^_^
Contract 10- Vera Wang
Contract 11- Meet my Parents..
Wedding POV Poll
Contract 12- Cold Feet and....Bolster?
Contract 13- Wedding!!! Parteeee!! *\^_^/*
Contract 14- Honeymoon..tooo KIDNAPPING!! O.O
Contract 15: Saranghae Jeju
Contract 16- Themes, Bear and Greek God!
Contract 17- Being his "look-im-not-gay" wife..begin!!
Contract 18- Back to Basic
Contract 19- Tom Cruise meet Angelina Jolie..
Contract 20- Welcome to High Society! Mrs Griffiths.
Contract 21- Surprise Lunch..Epic Fail?!!
Contract 22- Group date-saster?
Contract 23- Heaven's ride and a CAT!
Conract 24- Sweet and Sour sides of mine :)
Contract 25- Let the showdown begin..
Contract 26- Fair, School and all!
Birthday Celebration
Contract 27- Just Us ❤
Contract 28- Shekshi ako..:D
Contract 29- University Fair..affair?
Contract 30- Silent Treatment.
Contract 31- Ang "One Thing" ni Pusa..
Contract 32- Best Thing that ever been Mine..
Contract 33- Girls Time out!
Contract 34- at the Function
Contract 35- The Red Match over Black.
Contract 36- The Meddlesome Pusa..>:/
Contract 37- Talk and Luggage.
Contract 38- Skype-i-miss you.
Contract 39- In the Club..
Contract 40- Te Amo Brazil!
Contract 41- Back into your arms nga ba?
Contract 42- Liar, Liar Savannah's on Fire...
Contract 43- the beginning of the End.
Contract 44- Mysterious Flowers.,
Contract 45- the art of pain..
Contract 46- Love is Painful, love is sweet.
Contract 47- Confrontation with Kanikka.
Contract 48- Friendship is Priceless.
Contract 49- Fun under the moonlight.
Contract 50- Battle of the Bikinis..
Contract 51- the Real story..
Contract 52- the Plan..
Contract 53- Double D, nah C+, A!
Contract 54- Busina at iba pa.
Contract 55- Love talks and Lunch.
Contract 56- Odd Circumstances.
Contract 57- Movie Marathon and more..
Contract 58- Kiss and Tell.
Contract 59- Frozen and Happy.
Contract 60- Slowpoke and Maputlang Masungit :)
Contract 61- Love is in the air..plane :)
Contract 62- Meteor Shower kisses.
Contract 63- Bleeding Love..
Contract 64- Baby Talk..
Contract 65- She's back with apology?
Contract 67- Heaven's day..
Contract 68- It's for real...
Contract 69- Storm on the calm night..
Contract 70- A decision has been made.. (Finale)
Epilogue
Announcement/ Pasasalamat

Contract 66- Christmas Special..

63.6K 637 36
By mzpublic

Note:

HINDI PA PO ITO ANG ENDING. May kasunod pa pong chapters. :)

----------------------------------------------------------------------------------------

Hired Day 65- Christmas Special..

Totoo ba talaga yung nangyari kagabi? Hindi ba ako nananaginip lang? Si Kanikka ba talaga yung yumakap at humalik sakin kagabi?

Pero panu nangyari yun? Paanong ang isang Kanikka nagsorry sakin?

Hai ewan. Bahala na nga basta ang importante nag sorry siya. At sana magkabati na talaga kami.

"Oi Sav, ano yan iniisip mo at parang seryosong seryoso ka diyan?" tanong sakin ni Monique.

"Wala. Kasi si Kanikka pumunta ng bahay kagabi at nag sorry sakin."

"Ano?! Bakit?" sabay sabay nilang reaksyon.

Tanungin pa ba daw ako? Eh ako nga nagtatanong sa sarili ko eh. Baka end of the world na.

Nasa university nga pala kami ngayon dahil may pasok.

"Hindi ko alam. Basta nag sorry nalang siya kagabi tsaka niyakap pa ako."

"Hai naku Sav, maniwala ka samin. Balat kayo lang yang sorry na yan. As in malaking PEKE!" sabi ni Jenny.

"Kaya ikaw Sav hwag ka masyadong padadala diyan sa lintang yan pag nakipag kaibigan sayo." sabi pa ni Pena.

Oo nga no. Panu kaya kung ang susunod na mangyayari eh makipag kaibigan si Kanikka sakin? Magiging masaya ba ako,kasi diba ito na yung matagal ko ng gusto na maging magkaibigan din kaming dalawa.

Hai ewan ulit. Nakakagulo sa isip naman talaga si Kanikka. Dati nung inaaway niya ako at ngayon na nag sorry siya sakin.

"Opo ninjas. Hindi po" sabi ko tapos nagtuloy na kami sa lecture room.

Naabutan namin sa labas si Pusa. Ano kayang ginagawa ng pusang 'to sa labas ng room eh yung iba nasa loob na naman.

"Oh Adam anong ginawa mo dito s labas?" tanong ni Pena sa kanya.

"Wala nagpapahangin lang. Masyadong malamig sa loob."

Baliw talaga, malamig nanga nagpapahangin pa. Nagpapahalatang pusa talaga. Hehehe

"Sira ka talaga Adam. Hehehe. Halika na sabay na tayo sa loob." yaya ni Monique sa kanya.

"Mamaya na, wala pa naman si Prof. Kausapin ko lang muna si ms Jolie."

"Huh? Kakausapin mo ako? Bakit?"

"Basta, halika muna dito."

Akalain mo bang kaladkarin ako ni Pusa sa likod ng lectures room. May parang sekretong corridor kasi yung likod ng lecture room. Para sa mga gustong mag short cut.

Pero ano kaya kailangan nitong Pusang 'to bakit kakausapin niya ako.

"The model is back. You know she's cunning, kaya kung magiging mabait siya sayo. Mag ingat ka. Wag mong sayangin ang pinaghirapan natin para magkaayos kayong mag asawa."

So alam pala niyang bumalik narin si Kanikka.

"Panu mo nalamang nakabalik na siya?"

"Siya yung sinundo ni ate nung isang araw. Magkaibigan sila and she's visiting ate Aeden everyday."

"I see. Oo nga pala nagkaibigan nga pala sila ni ate Aeden."

"So anong plano mo ngayon? I guess the ninjas remind you too."

Ano nga bang gagawin ko? Hindi ko alam. Bahala na, basta maging maingat nalang ako.

Pagkatapos namin mag usap ni Pusa, bumalik na kami sa room. Naabutan naming ang ingay ingay ng mga kaklase namin. Nagpaplano kung anong christmas gift ang ibibigay sa mga crushes at boyfriend nila.

Ako kaya, anong ibibigay kay Heaven? Tanning machine, pwede kaya? Hehehe. Baka ako ma-i-tan sa bibilhin ko. :)

"Oh ikaw Sav, anong plano mong gift kay Heaven?" tanong ni Pena.

"Hindi ko pa nga alam eh. Baka tanungin ko na lang siya or si Alfie."

"Oi loka. Bakit mo tatanungin? Eh ano pang silbi ng pagiging regalo kung alam din naman niya. Loka ka talaga Sav."

Kung maka loka naman itong si Monique parang wala ng bukas. Maloloka din ako. Hahaha

"Pero kung hindi ako magtatanong, panu ko malalaman huh?"

"Eh di maghanap ka, or bigyan mo siya ng bagay na wala masyado sa kanya." sabi ni Jenny.

"Pero parang nasa kay Heaven na naman lahat eh."

"Meron pang wala siya. Basta malalaman mo din yan kung ano."

Kung damit ang ibibigay ko, di na. Ang dami dami na kayang damit ni Heaven, tska dapat, wala daw siya. Ano bang wala siya? Isip Sav. Isip.

Hmmm. Ah alam ko na, pupunta nalang ako sa bahay namin mamaya para tingnan yung mga gamit ni Heaven. Yun nga. Yun na ang gagawin ko.

Pero teka nga, asan na ba si Prof? Bakiy ang tagal naman yata niya ngayon.

"Guys, guys may announcement po ako. Please listen." yung class monitor namin yan.

"Nag message si Prof na hindi daw siya makakarating today dahil may meeting sila. Pero may replacement tayo next week."

Replacement na naman?! Ilang replacement na ba kami for next week. Naman! Kung kelan kailangan ko ang weekend para mamili, may klase naman. Hai.

Nakakaloka pa naman ang replacement kasi umaabot ng apat na oras. Tapos pag yung mga genius sa klase nag tanong mas lalong tumatagal ang klase. Naman mga Prof! :(

Oi hindi naman sa nagrereklamo ako, kahit na nagrereklamo talaga ako. Pero kasi diba? Hai ewan. Nganga nalang ako.

"Oh wala na naman tayong pasok. Anong gagawin na naman natin?" tanong ni Jenny.

"Mag punta nalang tayo ng lab, ayusin natin yung project natin. Kesa naman umuwi tayo ng dorm at matulog na naman." sabi ni Pena.

"Mabuti pa nga. Ayoko din matulog na noh. Nakakatamad." sagot ni Monique.

Hindi lang kamo nakakatamad, nakakapagod pa. Ganyan ako, pagnasobrahan sa tulog, boung araw pakiramdam ko pagod na pagod ako.

May isang beses nga diyan na muntik na akong ipa ospital ni Heaven kasi akala niya may sakit ako. Kayo ba naman,iniwan niya akong tulog, dinatnan niya rin akong tulog. Walang ligo,walang kain. Napaglitan pa ako kasi bakit ko daw di sinabing may lagnat ako. Sabi ko naman sa kanya, wala akong lagnat. Tamad na tamad lang. Kung hindi pa ako naligo at kumain ng pagkarami rami hindi niya ako tatantanan.

Bakit nga kaya ganun no? Pag nasobrahan ka ng tulog, gusto mo lagi nalang natutulog. Pag kulang naman sa tulog, ang hirap makatulog. Weird lang. :)

****

"Bye ninjas, kita nalang tayo bukas.."

Sa wakas natapos din ang isang araw at salamat dahil pumasok na si Prof kanina. Kasi kung hindi,iiyak na talaga kami. No more replacement na. Hindi na kaya ng samurai naming mga ninjas. Hehehe.

Akala ko ikay langit..

Yun pala'y sakit ng ulo..

Naniwala naman sayo..

Ba't akoy iniwan mo..

Sino bang nagpapatugtug ng Pusong Bato sa mga oras na 'to. Bakit parang nanggagaling sa bulsa ko?

Oh! Phone ko pala yun. Hehehe. Wag niyo ng questionin ang ring tone ko. Hahah

"Hello" ako.

[Hello. Savannah?"] tao sa kabilang linya. Babae ang boses niya pero di ko kilala. Pati number niya di naka save sa phonebook ko.

"Ako nga 'to..sino sila?"

["It's Kanikka."] muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa sinabi niya. Sino daw?

"Ka..Kanikka? Rose Miranda?"

["Hahaha. Yes silly, it' me. Tapos na ba klase niyo?"]

Tumawa pa siya? Si Kanikka tumawa sakin at ang bait ng boses niya. Totoo na ba ito?"

"Ah. Oo tapos na. Bakit?"

["Gusto ko sanang magpasama mag shopping sayo. Yun ay kung ok lang naman. And I got your number from King i mean Heaven"]

"Ah. Sige, ok lang din sakin. Pero magpapaalam muna ako kay Heaven."

["Yah sure. Pinagpaalam na kita actually. Pero magpaalam ka ulit. Baka mapagalitan ako nun pag hindi mo sinabi sa kanya. Hehehe. Il pick you up diyan nalang sa school niyo. Ok?"]

"Ok."

Alam ko hindi dapat ako maging masaya ngayon dahil baka nga hindi totoo ang pakikipag kaibigan sakin ni Kanikka. Pero sa loob loob ko, nararamdaman kong totoo ang pinapakita niya. Sana lang hindi ako magkamali.

Tumawag ako kay Heaven para sabihing tumawag si Kanikka sakin at magpaalam narin. Pumayag naman siya at masaya nga siya dahil nagkakaayos na daw kami ng bestfriend niya.

Ito din ang dahilan kung bakit masaya ako sa nangyayari samin ni Kanikka ngayon. Dahil alam kong mas higit na masaya si Heaven.

Ilang minuto lang pagkatapos namin mag-usap ni Heaven dumating na si Kanikka. Niyakap niya ako tapos umalis ba kami sa campus.

"Saan pala tayo pupunta Kanikka?"

"Nagpareserve ako sa isang italian resto. Kain muna tayo tapos let's go shopping. Ok ba?"

"Sure. Ok lang sakin"

"Thank you Savvy. Eniwi you can call me Nikka nalang. Yan naman ang tawag sakin ng lahat."

"Sige. Nikka."

"That's better. Im glad we are friends now." sabi niya habang nag dadrive.

Dumating kami sa sinasabi niyang Italian Resto at grabe ang ganda ganda ng lugar. Nahiya tuloy ako sa sout kong damit. Pero sabi naman ni Kanikka, ok lang naman daw ang sout ko. Isa pa wala naman daw pakialam ang mga tao dito sa sout ng kumakain. Napansin ko nga rin na parang wala lang sa kanila. Yung iba nga naka jeans at shirt lang.

****

Ang first time na pagkain at labas namin ni Kanikka ay nasundan pa ng ilang beses. Minsan nakakasama namin ang ninjas, minsan si ate Aeden. At minsan si Heaven.

Sa mga panahon na yun masasabi kung magkaibigan na talaga kaming dalawa. Pati nga ang arc ninjas at si Pusa naniwala narin na totoo talaga nag friendship ni Kanikka samin.

Ngayon andito kaming lahat sa bahay namin dahil pasko na! Andito rin sina nanay, tatay, daddy, mommy ang ninjas at sina Alfie and circle. Basta lahat lahat kami andito sa bahay.

"Nikka! Ano bang niluluto mo at parang amoy sunog na diyan sa kusina?" tawag ko kay Kanikka.

Nagpresenta kasi siya na magluluto. May recipe daw siya for christmas at dito niya gustong gawin sa bahay. Ewan ko ba diyan sa kanya bakit dito pa niya naisipan mag luto.

"It's ok Savvy. Hwag kang mag alala hindi ko susunugin ang kusina niyo."

"Dapat lang talaga! Dahil pag nasunog yan, ikaw magpapagawa."

"No problem Savvy. Kayang kaya kong ipagawa 'to"

"Yabang lang natin no ms Miranda."

"Hahaha. Yes ms Savvy!"

Sa lahat ng tao si Kanikka lang ang bukod tanging tumatawag sakin ng "Savvy" kasi sabi niya. Mas maganda daw pakinggan at bagay daw sa pagiging model niya. Hindi ko lang alam kung anong konek. Hehehe

"Sav, anong nabili mo kay Heaven na regalo?" tanong sakin ni Pena.

Kasalukuyan kaming nag aayos ng mesa. Kasama namin kanina sina Jenny at Monique pero ayun na sila at nakikipag ligawan sa mga lalaki nila. Inimbitahan din kasi namin si doc Inuki. Yan ang regalo naming tatlo kay Monique. Kasi alam namin na hinding hindi sila magkakausap kung si Monique lang ang gagawa ng paraan.

Ayun parang maloloka na siya nung sinabi naming parating nga si doc ngayong gabi. Halos limang beses nagpalit ng damit para kay doc. Hahaha.

"Sekreto. Hehehe. Nasa kwarto namin ang gift ko sa kanya. Pero malalaman niyo rin mamaya."

"Hmmm. Mabuti naman at nakahanap ka rin. Akala namin darating nalang ang pasko wala ka pang nabibili."

Nahirapan kasi talaga ako maghanap ng ireregalo sa asawa ko. Halos araw araw akong nagpapasama sa ninjas para mag hanap. Pati pa si Kanikka sumama na sakin pero wala parin akong mahanap. Mabuti nalang, dalawang araw bago mag pasko may nakita akong perfect gift sa kanya. Medyo may kamahalan pero alam kong magugustuhan niya.

"Eh ikaw ba anong regalo mo kay Zag?"

"Vintage wine glass at wine. Pinabili ko pa kay Mommy sa France. Nakita ko kasi siya sa internet tapos nasa France. Eh hindi naman ako pwedeng bumiyahe,kaya si mommy nalang pinabili ko."

"Naman talaga Pens huh. Akala namin talaga wala kang pakialam kay Zag."

"Kayo lang nagiisip niyan."

Kami pa talaga sinisi eh sino ba ang bangayan ng bangayan. Sila naman. Hehehe.

"Oh anong pinag uusapan niyong dalawa dito?" tanong ni Monique.

"Bat andito ka Monny? Akala namin hindi mo na hihiwalayan si doc." sabi ni Pena.

"Ah. Hehehe. Ang bango eh nakaka addict ang amoy kaya ang hirap hiwalayan."

"Loka loka. Baka tinatakot mo na si doc sa pinaggagagawa mo. Tsk. Pero ano naman napag usapan niyo?" tanong ko.

"Wala naman. About sa work niya lang and sa studies ko."

"We see. Nag usap ba kayo about sa type niyang girl?" tanong ulit ni Pena.

"Medyo. Parang hindi kasi komportable pag usapan yun. Siguro dahil doctor parin natin siya at students parin tayo."

"Pero may pag asa ka naman siguro?" ako.

"Ewan ko. Pero ok na sakin kahit hindi maging kami. Basta friends na kami ngayon at kilala na niya ako."

Pero iba ang paniniwala namin ng ninjas about kay doc. Pakiramdam namin may tama din siya kay Monique pero hindi lang niya mapakita kasi sa sinabi nanga ni Monique. Students parin talaga kami sa school na pinagtatrabahuan niya.

"Im done!" biglang sigaw ni Kanikka sa kusina.

"Kung tapos ka na. Ipakita mo na yang niluluto mo dito, bilis!"

"Mamaya na Monique. This is very special kaya mamaya ko na ilalabas diyan."

"Ano bang klaseng luto yan at di talaga pwedeng ipakita ngayon" reklamo ni Jenny. Nakisali narin siya samin.

"Basta. It's very special kaya mamaya nalang. Hehehe"

Loka din talaga si Kanikka. Pero hindi nga talaga namib alam anong niluluto niya. Naglock ba naman sa loob ng kusina para wala daw makakita sa kanya. Weird din. Lahat ng mga kaibigan ko weird. Hehehe

****

"Annika langga, can you please bring us some more plate here."

tawag sakin ng asawa ko.

Nasa labas silang mga lalaki pati sina daddy at tatay. Nagiihaw na naman. Sabi ko nga wag na. Eh gusto naman nila. Masarap daw kasi ang inihaw while having beer. Kaya pinabayaan ko na. Nagkakasiyahan din naman sila. Sayang nga at wala si Pusa. Nasa relatives kasi sila ni ate magpapasko.

"Ok andiyan na. Marami pa ba yang lulutuin niyo? Malapit na mag 12 langga."

"Kunti nalang. Tamang tama pagkatapos nito. Pasko na!"

Sira din asawa ko minsan. Ibang iba sa Heaven na una kong nakilala. :)

"Guys five minutes to twelve nalang. Bilisan niyo na diyan!" tawag ni Pena kena Heaven.

"Oo. Andiyan na."

5, 4, 3, 2, 1!!!!

Merry Christmas everyone!!! Sabay sabay naming sigawan lahat.

Merry Christmas langga. I love you.

Bulong ko sa asawa ko.

Merry Christmas too my langga. I love you more.

Tapos nagyakapan kami and he kissed me so sweetly.

"Tama na yang halikan niyo oi! Merry Christmas Savvy. A gift for you." sabi ni Kanikka tapos may binigay siya sakin.

Limang colourful cupcakes na may nakasulat na "sorry" tapos may charm bracelet na "friends forever" ang charms at nandun din ang initials naming lahat magkakaibigan.

"Wow! Thank you Nikka! Matagal na kitang napatawad. Merry Christmas." naiiyak na sabi ko. Si Kanikka rin namumula na ang mata.

"Thank you too Savvy. I love you guys. Both of you. And again sorry sa ginawa ko last time"

Nakaakbay si Heaven sakin ngayon at nasa harap namin si Kanikka. Kaya sinabi niyang "both".

"We love you too Nikka. And welcome to our friendship." sabi ni Heaven tapos nagyakapan kaming tatlo.

Isa isa namang sumali yakapan sina mommy kaya nag group hug na kami.

Hai. Ang saya saya ng pasko na ito. Maraming salamat po God at biniyayaan mo ako ng mapagmahal na asawa, magulang at mga kaibigan.

You are really the best. Happy Birthday Bro. I love you so much.

----------------------------------------------------------------------------------------

A/N

Kamusta naman ang Christmas sa May? Hehehe.

Merry Christmas sa lahat :) Hindi pa po ito ENDING. Kaya wag po kayong malungkot. Nagsasaya lang sila sa Pasko.:)

Happy pagbabasa mga langga

xoxo

mz A (Aish)

Continue Reading

You'll Also Like

723K 25.3K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
48.2K 1K 12
They were the best of friends then, to the point that they were almost lovers. Pero iniwan siya ni Ryme. Ngayon ay nagbabalik ito. Patutunayan ni Jhe...
1.4M 21.8K 59
Prologue Sinong babae ba ang hindi gugustuhing i-kasal?? Bukod sakin ha!! Syempre wala.. Breakfast in bed, sweet husband, preparing your hubby's thin...
1.9M 36.3K 45
First Sequel of HSAC. This is the story of Nichole, the only princess of the Cullen Family. ^^ An almost perfect girl who met a cold and heartless h...