TAMING A CASANOVA (Published...

By fedejik

18.5M 331K 16.4K

Dalton Ace Samaniego, nag-iisang anak at total Casanova. Kahit na minsan ay 'di siya nagseryoso sa buhay at... More

Author's Note
Teaser
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3.1.2
Chapter 3.2.2
Chapter 4
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6
Chapter 7.1.3
Chapter 7.2.3
Chapter 7.3.3
Chapter 8.1.3
Chapter 8.2.3
Chapter 8.3.3
Chapter 9.1.2
Chapter 9.2.2
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12.1.2
Chapter 12.2.2
Chapter 13.1.3
Chapter 13.2.3
Chapter 13.3.3
Chapter 14.1.2
Chapter 14.2.2
Chapter 15.1.3
Chapter 15.2.3
Chapter 15.3.3
Chapter 16.1.2
Chapter 16.2.2
Chapter 17.1.3
Chapter 17.2.3
Chapter 17.3.3
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Chapter 21.1.3
Chapter 21.2.3
Chapter 21.3.3
Chapter 22.1.3
Author's Note
Chapter 22.2.3
Chapter 22.3.3
Chapter 23.1.4
Chapter 23.2.4
Chapter 23.3.4
Chapter 23.4.4
Chapter 24.1.3
Chapter 24.2.3
Chapter 24.3.3
Chapter 25
Chapter 26.1.3
Chapter 26.2.3
Chapter 26.3.3
Chapter 27.1.2
Chapter 27.2.2
Chapter 28
Chapter 29.1.2
Chapter 29.2.2
Chapter 30
Chapter 31.1.3
Chapter 31.2.3
Chapter 31.3.3
Chapter 32.1.2
Chapter 32.2.2
Chapter 33.1.2
Chapter 34.1.2
Chapter 34.2.2
Chapter 35
Chapter 36.1.2
Chapter 36.2.2
Chapter 37.1.2
Chapter 37.2.2
Chapter 38.1.3
Chapter 38.2.3
Chapter 38.3.3
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Special Announcement
Published under Pop Fiction

Chapter 33.2.2

144K 3.1K 100
By fedejik

CHAPTER 33.2.2

JANELLA RAYNE's POV (Continuation)

Malalim lang siyang napabuntong-hininga nang tuluyang makalayo ang kanyang lola sa aming dalawa at parang may nagdaang anghel sa pagitan namin. Hinaplos niya ang aking buhok bago iniangat ang aking baba para titigan nang diretso sa mukha.

"I'm sorry about that, pumpkin." Awang-awa pa niyang hinaplos ang aking pisngi at pinunasan ang aking luha.

"Dude, I've been fcking calling you!" Bigla pang singit ni Vaughn na iiling-iling pa sa aming dalawa.

"Sasagutin ko na talaga ang tawag mo pero nag-empty bat na ako. Hindi rin nakapag-charge si Janella bago kami umalis." Maagap na sagot din naman ni Dalton at nanatiling nakaakbay pa rin sa akin.

"They're way beyond mad!" Iiling-iling pang sabi lang ni Vaughn. "Hindi ko alam na nakausap pala nila 'yung little devil witch at sinabing padating kayo ngayon."

"That little witch!" Inis pang sabi lang niya at hindi ko alam kung sino bang 'little devil' ang tinutukoy nila.

"Hey! Hey! 'Wag n'yo nga akong sisihin!" Nagmamadaling bumaba sa hagdan ang tila anghel sa ganda na babae. Parang nasa edad 19 or 20 na siya. Maputi, makinis at maganda. Mukha siyang manika sa ganda pero bakas sa mukha niya ang kabataan. Nakasuot siya ng napaka-ikling short at hanging blouse. Litaw ang kanyang makinis na tiyan at pusod.

Wala pa sa loob kong napatitig kay Dalton na himalang parang walang nakita at may parte sa aking natuwa dahil d'un. Hindi ko talaga kayang may maa-appreciate siyang ibang babae bukod sa akin. Masyadong nakakapraning ang kanyang kalokohan sa babae.

"Will you go back to your room!" Inis pang sabi ni Vaughn at simangot na simangot ang mukha.

"And will you please stop calling me little devil witch, kuya poker face!" Nakairap pang sabi niya sabay baling sa amin ni Dalton. "I am so sorry about that kuya Dalton and kuya Dalton's girlfriend?"

"Janella." Sagot ko na rin at bahagya akong humiwalay kay Dalton na nakasimangot rin.

"Ate Janella." Nakangiting sabi pa niya sabay lahad ng kamay. Inabot ko rin naman iyon at pilit akong ngumiti. "I'm Sam. I am really sorry about what happened. Hindi ko talaga alam, promise." Itinaas pa niya ang kanyang kanang kamay at napaikot lang ng mga mata si Vaughn.

Tumango ako at hindi ko naman din malaman kung ano ba talaga ang ginawa niya.

"Ito naman kasing si Vaughn hindi ako sinabihan." Baling pa ulit niya kay Vaughn na igting pa rin ang panga sa pagkakatitig sa kanya.

"Go back to your room, little devil witch!"

"I'm not a devil and definitely not a witch! Ang sungit, sungit!" Dumila pa siya at nagmartsang lumayo sa amin papuntang kusina.

Sinundan siya nang tingin ni Vaughn pero bakas pa rin ang pagka-irita sa kanyang mukha.

"Janella..." Lumapit sa amin si nanang gamit ang kanyang malungkot na mga mata. Bumitaw ako kay Dalton at agad ko siyang niyakap. Gusto kong makunsensya dahil sa lahat nang nangyayari ay apektado rin siya sa amin ni Dalton.

"I'm sorry, nanang."

Hinagod ni nanang ang aking likod at mas lalo akong napaiyak.

"Masaya ka ba?" Humiwalay sa akin si nanang at mapait na ngumiti.

Mariin ko lang kinagat ang aking labi at nahihiya akong tumango.

"At iyon naman talaga ang dapat diba?" Pinisil niya ang aking pisngi at agad na nagluha ang kanyang mga mata. "Nandito lang ako, anak."

"I'll never leave Janella, yaya." Singit pa ni Dalton at agad ulit akong inakbayan. "I'll fight for her."

"Sana nga," Mapait pa siyang ngumiti at pinisil ang aking kamay. "Magpahinga na kayong dalawa. Alam kong pagod kayo sa byahe."

"Opo, nanang. Okay lang po ba kayo?" hindi ko rin mapigilan ang sobrang mag-alala sa kanya dahil parang mas namayat siya ngayon kumpara dati.

"Okay lang ako, anak. 'Wag mo akong alalahanin. Mas nag-aalala ako para sa inyo." Pinaghalinhinan niya kami nang tingin gamit ang malungkot niyang mga mata.

"We'll be fine, yaya. I promise." Sumulyap ako kay Dalton at bahagya pa niyang pinisil ang aking balikat. Alam kong natatakot din siya para sa amin at ang magagawa ko lang ay magtiwala sa pagmamahal namin sa isa't-isa.

"Sige na, magpahinga na kayo." Tila nanlalata pang sabi lang ni nanang.

"Kayo rin po, nanang..." Hinalikan ko siya sa pisngi at isang mapait na ngiti lang ang pinawalan niya.

"Diyan muna kayo."

Tumango ako at tipid namang ngumiti sina Dalton at Vaughn.

Nang tuluyan nang makaalis si nanang ay banayad akong hinila ni Dalton palapit sa sofa at nanlalata rin kaming naupo nang magkatabi. Umupo rin si Vaughn sa katapat naming sofa at para bang pagod na pagod din.

"What is your plan, dude?"

"I don't know." Iiling-iling pang sagot ni Dalton at mahigpit lang na hinawakan ang kamay ko. "For sure, kapag umuwi ako sa mansion ay puro sermon na naman ang aabutin ko." Napabuga pa siya nang hangin at kahit pa wala siyang sabihin ay alam kong mabigat 'yun para sa kanya.

"And your grandma is already prying? You've got problems, dude." Makahulugan pa siyang napasulyap sa akin at 'di ko alam kung dapat ba akong mag-alala sa kanyang sinabi. Ito lang din kasi ang unang pagkakataon kong nakilala ang kanyang lola sa mahabang panahon. Sa kuwento kasi ni nanang ay matagal daw iyong namalagi sa America.

"Don't remind me." Nagulo pa niya ang kanyang buhok at isinandig ang kanyang siko sa magkabilang hita niya habang hawak pa rin ang kamay ko. "I just want to have a good sleep right now."

"Pinagayak ko na ang guestroom. Are you two sharing one room?"

"Yes." Maagap pang sagot ni Dalton pero agad ko naman din siyang sinapak sa braso.

"Hindi puwede! Andiyan si nanang ano ba?" Ngumuso lang ako at bahagya lang siyang napangisi.

"We've been alone in Baguio for a few days. Sa tingin mo maniniwala ang nanang-"

"Ace!" Dinilatan ko siya at mas lalong lumakas ang kanyang pagtawa! Hindi man lang marunong mahiya!

"Alright... jeez..." Napaikot lang ang kanyang mga mata at napaismid lang din si Vaughn.

"I want to puke every time I witnessed how pvssy whipped you are right now, dude." Pang-aasar pa ni Vaughn at umismid lang din naman si Dalton sa sinabi niya.

"As if I would care now eh?" Pasuplado pang sagot lang niya at napailing lang naman si Vaughn. "Puntahan mo na ang little witch mo dun at baka sinusunog na ang kusina mo!"

"Yeah. That devil witch is getting on my nerves." Tila irritable pang sagot niya. I wonder kung kaanu-ano ba niya si Sam.

"Don't make her kiss you again! Or you'll be the pvssy whipped next time." Nakakaloko pang ngiti ni Dalton sabay kindat sa akin.

"That is never going to happen! She's still a kid for me! Tsk!" Inis naman ding sagot niya. "Matulog ka na nga! Sisirain mo pa ang gabi ko!"

"Jeez dude! Alangan namang ako lang ang bad trip dito!" Mas hinigpitan ni Dalton ang pagkaka-akbay sa akin at humakbang na kami palayo kay Vaughn. "By the way, thanks for accommodating my family here. But please do me a favor. Next time they visit, don't let them come in whenever we're here."

"Oh, I'd love to see you desperate, dude. I might invite them for dinner tomorrow." Nang-aalaska pang sagot lang ni Vaughn at kumindat sa akin. Tipid lang akong ngumiti sa kanya at alam kong hindi niya gagawin 'yun.

"Yeah! Fck you!" Nakaismid pang sagot lang ni Dalton at tuluyan na akong kinayag patungong second floor.

Nang makarating kami sa tapat ng kwarto namin ni nanang ay mabilis pa niya akong hinalikan at para bang ayaw niya akong pakawalan.

"Maybe you can sleep beside me?" Sumamo pa niya.

"Ace..." Napabuntong-hininga lang ako at kahit pa gustuhin ko mang tabihan siya ay hindi ako sigurado kung gusto ba ni nanang ang idea na 'yun.

"We will not have sex but yeah, maybe I will just kiss you... You know-"

"Ace!" Saway ko pa sa kanya lalo pa nga't baka marinig kami ni nanang. Ayaw ding paawat ng isang 'to!

"Fine!" Malungkot pang pagsang-ayon niya dahil alam naman niyang hindi siya mananalo sa akin. "But maybe we can make-out for a while?"

"Ace!" Sinapak ko na siya sa braso at pigil na napatawa lang siya. Birong may halong katotohanan! Ibang klase talaga itong lalaking ito! Lahat na nang kamanyakan sinalo na niya.

"KJ naman o." Natatawa pang sabi lang niya at muli ay mabilis niya akong hinalikan. "Damn, pumpkin... How I wish we could stay in Baguio for a longer time. Just to be alone with you." Hinaplos niya ang aking pisngi at wala akong ibang nagawa kundi ang malunod sa kanyang titig.

"Magpahinga na tayo, Ace."

"Yeah, I know..." Mapakla pa siyang napangiti at mataman akong tinitigan sa mukha. "But please don't give up on me, okay? I'll take care of everything. I don't care whether they will like you or not. As long as I have you, the other people won't matter."

"They are not other people, Ace. Family mo 'yun."

"I know." Napatikhim pa siya. "But you're important to me. I will never leave you, pumpkin. Please don't leave me again."

"If you'll be a good boy."

"I will be a good boy." Seryoso pang sagot lang niya at muli ay ginawaran ako nang halik sa labi. "Damn, I can kiss you all day and I'm contented."

"Puro bola ka talaga, Ace." Kinagat ko lang ang aking labi dahil kahit pa yata bola ang sinasabi niya ay para pa ring sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas nang kalabog.

"Hindi kita binobola." Ngumuso lang siya at umarteng parang nagtatampo. "Sige na, matulog ka na." Matabang pang pagtataboy niya at binitiwan na ako.

"Sus! Umaarte pa 'to." Hinawakan ko siya sa braso pero pasimple naman niyang tinabig. Ang galing ding artista ng lokong ito e!

"Good night na." Sabi pa niya at tangkang tatalikod pero hinila ko siya nang malakas at tumingkayad ako para halikan ulit siya sa labi.

"'Wag ka na magtampo. Joke lang... Hmm?" Niyakap ko siya sa baywang at unti-unting lumuwag ang kanyang pagkakangiti. Sabi ko na nga ba, umaarte lang!

"One French kiss and I'll be done for tonight." Nakakaloko pang ngiti niya at pakiramdam ko'y namula nang husto ang mukha ko sa request niya. Sobrang prangka talaga ang lokong 'to.

"Fine." Umirap lang ako at itinaas ko ang mukha ko sabay nguso. "Kiss me."

"Lambingan mo naman." Request pa niya at hindi ko napigilang paikutin ang mga mata ko.

"You just rolled your eyes on me. You'll have to make love to me right now."

"Ace!"

"You'll pay me some other day for that." Umismid pa siya at ginagap na nga ng mga palad niya ang mukha ko. "I love you, pumpkin."

"I love you, Ace." At nakangiting hinintay ko na lang ang dampi ng kanyang labi sa labi ko. At ano pa nga bang i-expect ko sa kanya? Hinalikan nga niya ako tulad nang gusto niya! Manyak talaga!



Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 3.6K 5
Miguel Sebastian Arevalo will never fall in love. That's for sure. Sigurado siya na hindi iikot ang kanyang buhay sa pag-ibig. For him, love is all a...
Mine Again By JTSOTIC

General Fiction

3.8M 2.5K 2
Kathryn Delos Santos has amnesia. She forgot all the important things that she got even his fiance that she used to love. Because of an accident, eve...
72.4K 2.2K 23
CROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All...
53.9M 758K 91
Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin ni...