I Like Potatoes

Autorstwa Xamarande

37.3K 2.7K 520

Grie Mcfee Amberson is an adorable guy who loves potatoes so much, at talaga namang gagawin niya ang lahat pa... Wiฤ™cej

I Like Potatoes
Chapter 01: I Like Potatoes
Chapter 02: I Like Rubber Ducks
Chapter 03: I Like Chickens
Chapter 04: I Like Sleeping
Chapter 05: I Like Stripping
Chapter 06: I Like Leaving
Chapter 07: I Like Horror
Chapter 08: I Like Speaking
Chapter 09: I Like Jail
Chapter 10: I Don't Like This
Chapter 11: I Like Feelings
Chapter 12: I Like Breaking
Chapter 13: I Like Past
Chapter 15: I Like Jumping
Chapter 16: I Love Prison
Chapter 17: I Don't Like "It"
Chapter 18: Look Away
Chapter 19: His gaze
Chapter 20: Out and free
Chapter 21: Never
Chapter 22: Head
Chapter 23: A Replacement
Chapter 24: Mother Figure
Chapter 25: Leaving Heaven
Chapter 26: It's a Surprise
Chapter 27: Birthday
Chapter 28: A Better Man
Chapter 29: The Insufferable

Chapter 14: I Hate Animals

633 66 13
Autorstwa Xamarande

I Hate Animals

"Wala akong tiwala sa mga ganiyang lalaki," sambit ni ate Saica, habang ang mga mata niya ay nakapirmi sa labas ng bintana. Doon niya pinapalabas ang usok ng sigarilyong hinihithit niya. "Saka totoo naman din, hindi pa siya matanda para sa edad mo."

Hinarap niya ako at tinitigan ng seryoso. "Pero hindi pupuwedeng maging kayo."

Ngiwi akong napakamot sa batok ko. "Ano ba, ate, hindi ko naman ibo-boypren iyon. Nagkataon lang na nagkikita kami."

Napairap siya sa kawalan. "Ang ganda mo kasi. Sana kasi hindi mo nalang namana ang alindog ko," aniya. "Hindi kita katulad, masasaktan at masasaktan ka pagdating panahon."

Hindi ko siya katulad? Huh? Anong ibig sabihin niya ro'n?

Initsa ni ate Saica ang sigarilyo niya sa labas ng bintana. Dumiretso siya saglit sa silid niya, at nang lumabas siya ay may bitbit na siyang kung ano.

"Hindi naman chinicheck ang mga gamit niyo kapag papasok sa gate, hindi ba?"

Tumango ako.

Napanguso ako nang makita ko bigla ang mapuputi at makikinis na legs ni ate Saica. Pagkaupo niya sa tabi ko ay umangat ang sandong suot niya at wala manlang akong nakitang bilbil.

Sila talaga ang bagay no'ng Grie na iyon, eh. Kapag niloko niya ang ate ko, pihadong hindi na siya sisikatan ng araw.

"Ito, oh. Dal'hin mo."

May ipinatong sa hita ko si ate. Nang kunin ko iyon ay napatanga ako bigla. "Hala, eh, folding knife ito, ah?!" gulat na naisambit ko.

Maliit siyang ngumiti. "Gamitin mo kapag kailangan. Lalo na't umuuwi ka ng mag-isa."

Binuklat ko ang patalim. At wow, mukhang matalas at mukhang bagong-bago. "Pwede ko ba itong gamitin kay kuya Grie kapag hinila niya na naman ako?"

Biro ko lang iyon, pero mukhang nagustuhan ni ate ang ideyang sinabi ko dahil napangisi siya at napailing.

Hmm, maybe pwede ko nga itong magamit. Panakot lang ba. Hehe.
_____________________

KASALUKUYAN

"Maraming salamat, Soren." Ngumiti ako sa kaniya kahit napipilitan lang. "Umuwi ka na para makapag-pahinga ka na."

Napabuntong-hininga siya at suwabeng napasuklay sa buhok niyang maikli. "I'll stay if you want to. Hindi ka pa okay."

Napayuko ako.

Hindi ako okay. At hindi ko alam kung kailan ako magiging maayos. Pero kaya ko naman. Kaya kong magpatuloy.

Umiling ako. "Ayos lang ako. Bukas nalang ulit."

Matagal na napirmi ang asul niyang mga mata sa akin. Ngunit hindi kalaunan ay tumango siya at ngumiti ng tipid. "Tomorrow then," aniya saka lumakad na patungo sa sasakyan niyang nakaparada sa tapat ng apartment na tinutuluyan ko.

Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako humarap sa nakasaradong pinto.

Inilabas ko ang susi ko, saka ko iyon isiniksik sa doorknob bago ko ito pinihit pabukas.

Agad na bumungad sa akin ang kadiliman. At ang natural na amoy ni Ginger. Naiwan na sa hangin ang amoy niya. At mas lalo lang sumasama ang nararamdaman ko. Mas lalong bumibigat ang dinaramdam ko.

Pumasok na ako ng tuluyan sa loob at hindi ko na inabalang buksan ang ilaw.

I'm home. But it doesn't feel like home at all. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na nawala rito. Pati si Ginger ay hindi ko na nakausap pa.

Habang nakatayo ako sa gitna ng dilim ay nagsisimula na naman akong mapaiyak. Napaupo ako sa sahig at napahagulhol. Halos hindi na ako makahinga dahil pinipigilan kong umiyak ng malakas. Ayokong madinig ang sarili kong hikbi. Ayokong...

Nag-angat ako ng tingin nang makadinig ako ng ingay sa labas. Agad na pinunasan ko ang mga luha ko. Tumayo ako at agad na nagtungo sa pinto para pindutin ang switch ng ilaw.

Bumaha ang liwanag sa paligid, kasabay ng pagbukas ng pinto at paglitaw ni Ginger sa paningin ko.

Nang magtagpo ang paningin namin ay malungkot niya akong nginitian. "Hey."

Gusto kong umiyak, pero pinigilan ko. Ini-angat ko ang kamay ko at bahagyang kumaway sa kaniya. "Hi..."

Napabuga siya ng hangin at napasuklay sa kaniyang buhok.

Saglit ay nagtakha ako.

Bakit mas mukha pa siyang problemado sa akin?

"Saki, let's talk."

Ikiniling ko ang ulo ko. "H-Ha?"

Malungkot niya akong tinitigan. Bigla niya nalang akong kinabig ng mahigpit na yakap. Sumubsob siya sa leeg ko at doon siya nagtagal nang walang sali-salita.

Nanatili akong nakayakap sa kaniya pabalik. Hindi na rin ako nagsalita pa at hinahayaan ko lang na sumuot sa ilong ko ang amoy niyang kilalang-kilala ko.

"Saki... Halika, mag-usap tayo," sambit niya maya maya. Humiwalay siya sa akin at hinawakan ako sa kamay. Hinila niya ako mahina patungo sa sofa.

Naupo kaming dalawa roon. Sumandal siya sa headrest at ipinatong ang braso niya sa kaniyang mukha.

"May problema ba?" Ako na mismo ang nagtanong sa kaniya, dahil sa totoo lang, mas mukha talaga siyang mas balisa kesa sa akin.

"Mahal na mahal kita, Saki... Alam mo 'yan," mahinang sambit niya, na siyang nagpabilis sa tibok ng puso ko. "Mahal na mahal kita, kahit mawala ka sa 'kin... Hindi kita kayang kalimutan."

"Ano ba kasing problema?!" Tinaasan ko na siya ng boses.

Gusto ko na sabihin sa kaniya ang mga nangyari sa akin, pero pati siya ay mukhang problemado.

"Saki..." Nadinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Saki, nakabuntis ako."

Natigilan ako at matagal na napatitig sa kaniya.

Iyon pa rin ang pwesto niya. Nakapatong pa rin ang kaniyang braso sa kaniyang mukha.

Pagak akong natawa. "A-Ano bang sinasabi mo d'yan..." Nagbabadya na naman ang mga luha sa mga mata ko.

"Nakabuntis ako," ulit niya sa sinabi niya. "I'm sorry. I'm so fucking sorry." Inalis niya ang kaniyang braso na nakapatong sa kaniyang mukha, at nang magtagpo ang aming paningin ay tuluyan na akong napaiyak.

"Hindi ako magda-dahilan ng kahit ano sa 'yo. Kahit ano pa ang dahilan ko, walang mangyayari, Saki. Walang magbabago..."

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Ikinulong ko ang aking mukha sa mga tuhod ko. Hindi na ako nagsalita. Hindi na ako kumibo, nanatili lang akong humihikbi.

Hindi ko na rin alam kung anong iisipin ko.

"Pero mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita, 'yan lang ang tandaan mo."

Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang init ng katawan niya sa akin. Mas lalo akong napaiyak nang maramdaman ko ang yakap niya. Napakahigpit niyon, at ramdam na ramdam ko ang kalungkutan ng paligid.

"Hindi kita kakalimutan," bulong niya sa akin. "I'm sorry, Saki. Nahihirapan din ako, pero ayokong magsinungaling sa 'yo."

Umalis ako sa pagkakasubsob ko sa 'king tuhod. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at malungkot na nginitian siya. "Alam ko... Good boy ka, remember?"

Pero bakit ikaw rin? Bakit... Bakit mo...

Nagpakawala ako ng buntong-hininga.

Walang mangyayari kung bubulyawan ko pa siya. Walang mangyayari kung sasaktan ko pa siya, at mas lalong walang mangyayari kung magagalit pa ako. Walang magbabago. Walang... Wala nang mababago.

"So... Siguro, ito na ang huling kabanata ng kwento na 'tin, ano?" mapait na tanong ko. "Ayos lang... M-masaya ako na naging parte ka ng buhay ko..."

Muli ko siyang tinitigan sa mata---iyong mga mata niya...

"Alagaan mo ang mag-ina mo."

Nakagat niya ang ibabang labi niya. At ang mga mata niya, nagbabadya ng mga luha. Pero pinipigilan niya iyon, alam ko. "H-Hindi ko siya mahal..."

"Pero magkaka-anak ka na, hindi ba?" Ini-angat ko ang palad ko at ipinatong sa kaniyang pisngi. Hinawakan niya ang palad ko at hinalik-halikan iyon.

"Ginger... Kahit ano pa ang dahilan mo, hindi ako magagalit sa 'yo..." bulong ko. "Ikaw ang pinakamabuting lalaki na nakilala ko. You gave me everything, baby."

"Huwag mo akong bibitawan, Saki," halos bulong nalang na sambit niya.

Mapait akong natawa ng mahina. "Ano ka ba, ayos lang ako... You can go home now... May naghihintay sa 'yo."

"But..." Humigpit ang kapit niya sa palad ko. "You are my home."

"Not anymore," may pinalidad na sambit ko. Inagaw ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Ayos lang ako, sige na, umalis ka na."

Tumayo ako at iniwan siya sa kaniyang puwesto. Nadinig ko pa ang sunud-sunod na pagtawag niya sa pangalan ko, pero hindi ko na siya nilingon pa. Pumasok ako sa silid ko at agad na isinar ang pinto.

Dumiretso ako sa kama ko at doon ako pumwesto.

"Parehas lang kayo," mapait na sambit ko saka ibinato sa pader ang vase na nakapatong sa side table ko.  Agad na gumawa ito ng nakakarinding ingay nang mabasag ito at bumagsak sa sahig.

"Wala kayong pinagkaiba." Kinuha ko ang alarm clock at ibinato rin ito sa pader.

"Parehas lang kayo..." bulong ko sa hangin. "Parehas lang kayong mga hayop."

Sarkasmo akong natawa.

Ano pa bang inaasahan mo, Saki?

___________________________

Czytaj Dalej

To Teลผ Polubisz

765K 41.1K 103
an epistolary
15.6M 364K 71
JAGUARS' SERIES 1: Shieldler John Wright Highest Rank: #1 in School #2 in Humor Si Hannah makulit, laging naka-smile, may pagka-engot sa mga simpleng...
57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.
15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...