How to Seduce a Hunk Again [B...

By xxxRavenJadexxx

995K 34.2K 5K

Matapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of th... More

Important
Syonpsis
Hey
Chapter 1: The Comeback
Chapter 2: Miss
Chapter 3: Can't Help Falling In Love with You
Chapter 4: Mang Juan
Chapter 5: The Date Part 1
Chapter 6: The Date Part 2
Author's Note
Chapater 7: Stay With Me
Chapter 8: Password
Chapter 9: Hoodie
Chapter 10: Blow
Chapter 11: Case
Chapter 12: Dati Rati
Chapter 13: Map
Chapter 14: Chat
Author's Note
Chapter 15: Starbucks Lovers Part 1
Chapter 16: Starbucks Lovers Part 2
Author's Note
Commercial Break
Chapter 17: Beautiful Stranger
Chapter 18: Awkward
Chapter 19: Intruder
Chapter 20: The Plan (Part 1)
Author's Note: Reminder
Chapter 21: The Plan (Part 2)
Chapter 22: The Invisible map
Chapter 23: Bullseye
Chapter 24: Manong
Chapter 25: Love the Way You Lie
Chapter 26: The K3YS
Chapter 27: Reversed Whisper Game
Chapter 28: The Visitors
ON HOLD
Not an Update
Chapter 29: Haus
Chapter 30: Yellow Dress
Chapter 31: The Punch
Chapter 32: Gone Boy
ANNOUNCEMENT
Attention
Chapter 35: Stalker
Chapter 36: Distraction
Chapter 37: Above & Under
ATTENTION
Chapter 38: Because of You
Chapter 39: Hideaway
Chapter 40: Threesome
Chapter 41: The Real Mission Part 1
Chapter 42: The Real Mission Part 2
Chapter 43: Adventure of a Lifetime
ANNOUNCEMENT
The End Part 1 (Chapter 44): The Inside Out
The End Part 2 (Chapter 45) Mission versus Mission
The End Part 3 (Chapter 43): Our Love is Made by Shadows
The End Part 4 (Chapter 44): Sorry
Final Announcement
The End Part 5 (Chapter 45: Book)
FINALE: Chapter 46: Love is a Universe
Cheers!

Chapter 34: Akala Ko

11.6K 482 89
By xxxRavenJadexxx


Na cut ang lovescene dahil sa reporters. Anyways, plot naman ang main ingredients ng story not the bed scene. Sana'y mag like kayo at magcomment.tnx.

Jace'a POV

Nawala na ako sa sariling katinuan habang nakikipagromansahan kay Mick dito sa Sofa. Nakapatong ako sa kanya habang nagsasalitan kami ng mapupusok na halik. Tantyado ko pa nung una ang ritmo ng aming halikan, nang bigla na lamang umiwas si Mick sa pagkakahalik ko na siyang nagpahinto sa pagtungo namin sa tuktok ng kaligayahan.

"Bakit??" nasorpresa ako dahil bigla bigla na lang niyang tinulak ako papalayo hawak ang aking dibdib. Yung mga mata niya'y bigla na lang nanlaki na akala mo'y nakakita ng multo.

Hindi siya sumagot, bigla na lang siyang umalis sa pagkakadagan ko sa kanya. Ako nama'y walang ka-ideideya kung bakit ganuon na lamang kawirdo ang inasal niya.

Tumayo ako at kinuha na ang hinubad na damit. Maging siya'y isinuot na rin ang mga damit na tipong nagmamadali.

"Sorry Jace, hindi dapat nangyari 'to"

Napakunot ang nuo ko sa tinuran niya. Bakit naman kailangang humingi ng sorry e pareho naman naming ginusto 'yun?

"Ang wirdo mo Mick. Ano bang sa tingin mong masama sa ginagawa natin?"

Tumingin siya sa 'kin pabalik, reactionless lang ang pagkakatingin niya na hindi mo kakakitaan ng bahid ng rason kung bakit siya umaarte ng ganun.

"Kailangan ko nang umalis," mabilis niyang sambit sabay diretso palabas ng pinto. Gaya nang kanina, hindi ko siya pinigilang lumayo pero sa puntong iyon, tuluyan na talaga siyang umalis na hindi ko man lang nalaman kung bakit siya umayaw.

Alam ko, buo na sa puso ko na may tinatago siyang lihim. At binigyan niyang linaw ang lahat ng 'yun dahil sa pag walkout niya.

Alex POV

Muntik na akong maloka sa kahahanap sa magaling kong tiyuhin. Ni hindi man lang nagpaalam sa magandang pamangkin niya? E paano na lang ako kung wala siya? Saan ako kukuha ng pantustos ko sa pag-aaral? Saan ako kukuha ng allowance? Saan ako kukuha ng makakain? Baka pulutin ako sa kangkungan nito? Oo, ang OA ko mag-isip pero yun talaga ang naglalaro sa isip ko habang nagsasagawa kami ni Papa Jace ng search and rescue operation sa posibleng makita na naming katawan ni Kuya. O atleast hindi ko naman inisip na baka patay na siya diba?

Ayun si Kuya, nagpakita naman kina-madaling araw. Akala mo'y ginahasa siya ng sampung Pokpok dahil gulo gulo ang buhok at naka boxers lang. Nakahinga naman ako ng sobrang luwag dahil buhay pa siya. It only means, hindi ko na siya iisipin, so iisipin ko na lang muli ay ang prince charming kong hindi man lang nag farewell sa 'kin. Pero Farewells are not forever kaya heto ako ngayon, sinalubong ang umaga na may ngiti sa labi dahil I have a mission today to stay positive, and a mission to hunt Papa Joaquin. Hmmmm, akala niya makakatakas siya sa ganda kong 'to? E alam ko lang naman ang address ng tinutuluyan niya ngayon kaya humanda siya sa 'kin.

"You can run, but you cannot hide," bulong ko sa sarili habang nagpopose ng evil laugh. On my way lang naman ako papunta sa tinutuluyan niya.

Tirik na tirik ang araw nang makapunta na ako sa pansamantalang tinutuluyan ni Papa Joaquin wearing this silky red dress. Nakita kong nakabukas ang maliit na gate kaya't hindi na ako nag 'Tao Po'.

I took a very deep breath before I enter the house. Sarado ang pintuan, tahimik ang lugar na tingin ko'y wala ng katau-tao. OMG... Did Joaquin leave? Hindi maaari ito. Hindi niya ako maaring iwan. Marami pa siyang kailangang ipaliwanag sa 'kin.

Nilakasan ko na lang ang aking loob at nagpakapositibo. "Bawal muna ang nega, nandyan si Papa Joaquin. He's there and he loves me," bulong ko sa sarili.

I held the doorknob and opened the door without knocking. And to my surprise, tumambad sa aking mapupungay na mata ang pinakamamahal kong si Joaquin. Si Joaquin nga ang nakikita ko.... siyang siya! It's raining man! Alleluia! Gwapo, malaki ang dibdib, six pack ang abs, at higit sa lahat..... MALAKI! Oo, malaki ang hinaharap niya at malago 'yung gilid nun. Hubo't hubad lang naman siyang bumandera sa pagkababae kong 'to.

"Oh SHIT" bigla siyang napamura sabay biglang takip ng puting twalya sa pang-ibaba niya. Kakagaling lang ata sa pagligo.

Ako nama'y kunwa kunwang tinakpan ang mata ng aking kamay ngunit butas naman ang gitna kaya nakikita ko pa rin siya.

"Oh My God Joaquin, anong ginagawa mo? AHHH!" kunwaring pagkarita ko na patili. Parang nakita ko na ang ganitong eksena sa mga romantic comedies. Si babae, nakita si lalaking walang saplot tapos nakita niya yung pinakatago-tagong putotoy ng crush niya. Basta pag nakita ni babae ang 'ibon mang may layang lumipad' ni lalaki, e nagkakatuluyan sila sa ending. Does it mean, kami ang magkakatuluyan ni Papa Joaquin?

"Ako dapat ang magtanong. Anong ginagawa mo rito? Trespassing ka ha?" may galit sa tono niya.

Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ako sa braso. "Ouch, grabe makahawak?" daing ko.

"Ba't pumunta ka pa rito?" bigla na rin niyang binitawan ang braso ko. "Aalis na rin ako"

Napasimangot akong bigla.
"Aalis ka? Aalis ka ng hindi nagpapaalam sa 'kin? Ganyan naman kayong mga lalaki. Aalis kayo ng walang paalam tapos hindi na kayo babalik. Yun pala, may iba ng mahal..." sabi ko with hugot.

"Ha?" kumunot ang noo niya. " Anong pinagsasabi mo Alex?"

Napabuntong hininga ako para hindi niya mahalata na half meant ang sinasabi ko. "What I mean is..... aalis ka na hindi mo ako sinasabihan? Dahil ba hindi mo kayang humarap sa mukha ko dahil sa mga kasinungalingan mo?" sabi ko nang paseryoso. "Ang galing mo Joaquin, napaniwala mo ko. Napaniwala mo ako na MAHAL mo ako!"

Ano yun? Hindi naman yun ang dapat na sasabihin ko pero kusa iyong lumabas sa bibig ko. Ang sasabihin ko sana'y ang kasinungalingan niya sa pagpapanggap na ampon siya ni Aling Corazon, at sa mga istoryang sinabi niya sa 'kin na pinaniwalaan ko naman.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo ALEX? THERE WAS NEVER AN US!" malutong niyang sambit na tila pinagkuhanan niya ng linya sa isang popular na pelikula. "Wag kang ASSUMING!"

Ouch, sakit nun! Ako assuming? Oo, pero masama bang mag-assume?

"Alex... tama ang iniisip mo. Nagsinungaling ako sayo, sa lahat, kung ayan talaga ang pinunta mo rito. Ayoko ng magpaliwanag.... makakaalis ka na..."

Para akong napipi sa kumpisal niya. Wala naman kaseng bale sa 'kin kung nagsinungaling siya o hindi. Kaya lang naman ako nagpunta rito kase.... I THINK I'M FALLING IN LOVE WITH HIM. Gusto kong magtapat, wala akong pakialam kung babae pa ako o ano.

I gain my composure. Nagcross arm ako para mafeel niyang confident ako. " I don't care Joaquin. All I care, is I care."

Tila nagbuhol buhol ang pananalita ko na maging ako'y di ko maintindihan ang sinasabi. Lalong napakunot ang noo niya.

"Ano? Alex... alam ko na ang iniisip mo....." tuso niyang pagngisi.

Nagsalubong muli ang kilay ko dahil di ko nagets ang sinabi niya. "W-what do you mean?

"Huh? Hindi ako manhid Alex... simula pa lang alam kong patay na patay ka na sa 'kin. Obvious naman e diba? Kaya inasahan ko na rin na darating ka para hanapin ako..."

"So, anong gusto mong palabasin?" tanong ko.

"Ibang klase ka rin pala.... Gagawin mo lahat para sa lalaking matipuhan mo... Kahit alam mong binilog niya ang ulo mo simula't sapul."

Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig sa mga binitiwang salita ng Joaquin ito. May katotohanan ang sinasabi niya pero iba ang atake nito sa 'kin para akong nabastos. Nakakagalit pero hindi ko siya magawang pagtaasan ng boses sa kaprangkahan niya.

"Ganyan ba kababa ang tingin mo sa 'kin Joaquin?" sabi ko na medyo teary eyed na.

"Wala akong sinabi," pagkibit balikat niya. "Gusto ko lang marealize mo na, may mga bagay na hindi pwede, kahit mahal mo na yung tao. Sorry Alex, hindi tayo pwede."

Bigla na lang tumulo yung luha sa mga mata ko. Ang sakit, ang sakit sakit. Di ko maexplain kung bakit nag-iinarte ako ng ganito. At ako pa talaga ang rejected? E ako naman tong tonta e. Pa obvious masyado kaya hayan, napaglaruan ng isang lalaking Pa-Fall.

"Grabe ka Joaquin. Akala ko...."

"Mali ka ng akala Alex. I'm sorry kung napaglaruan ko ang feelings mo."

Once again, ang sakit sakit. Para akong sinaksak ng patalim sa puso.

"Ok. Thank you for making me realize that love is only a feeling," di na magkamayaw sa pagtulo ng luha ko sa sobrang sakit. Pansin kong feeling sorry naman 'tong si Joaquin.

"I'm sorry Alex. Hindi ko intensyong..."

"No Joaquin.... I'm okay..."

"I'm sorry talaga," pag-ulit niya. Lumapit muli siya upang amuhin ako.

"I'm okay, naiintindihan ko..... Makakaalis ka na Joaquin.."

Ramdam ko yung lungkot sa mga mata ni Joaquin. E sino ba namang hindi maaawa sa 'kin e kung makaiyak pa naman ako parang namatay lahat ng kuko ko sa paa.

Habang nag-eemo ako'y bigla akong kinalabit ni Joaquin sa balikat.

"Bakit?"- ako.

"Bahay ko pala 'to. Ikaw ang umalis...."

Tingnan mo nga naman o? Dahil sa pag-eemote ko'y nakalimutan kong ako pala ang bwisita sa pamamahay na 'to.

"Sorry naman.... O sige... BYE!"

Lumabas na ako ng pinto papalabas. Lalo akong napaiyak sa sakit, para akong batang inagawan ng lollipop na strawberry flavor. Peyborit ko kase yun nung bata ako.

Malapit na ako papalabas ng gate nang biglang tawagin ako ni Joaquin.

"Alex!"

Nawala ng panandalian ang sama ng loob ko nang tawagin ni Joaquin ang unisex kong pangalan. Humarap ako sa kanya na tila ba nag-aanticipate ng isang big surprise.

"Bakit?"

"Alex..... pakisara naman nung gate pag lumabas ka..."

Ay pisti talaga?! Nag-eemo na ako dito at ako pa talaga ang utusang magsara mg gate?

Sinunod ko naman ang utos niya at isinara ko naman ang gate.

"Alex?"


Napalingong muli ako sa lalaking nakatapis ng puting twalyang tumawag sa napakaganda kong pangalan. Kahit pangalawang beses na niyang tinawag ang pangalan ko'y nag-eexpect ako ng something positive na mangyayari in favor of me. 'Yung tipong he'll say sorry to me, na hindi niya intention na ma-hurt ang feelings ko, na mahal talaga niya ako.

"Bakit?"

"Alex... pa favor naman. Kung makasalubong mo yung matandang maitim na lalaki na may puting buhok sa daan pakisabi naman wala ako. Ok thanks, bye..."

Ay deputang Joaquin? Ano ako, Yaya niya? Yaya Dub lang ang peg? Kaimbyerna

Sawi ako ngayon sa pag-ibig. It's official, I'm heartbroken. Mas masakit pa to sa break up namin ni Gerome.

Eksakto, nakasalubong ko yung matandang tinutukoy sa 'kin ni Joaquin sa daan.

"Lolo, pupunta ho ba kayo sa bahay ni Joaquin?" tanong ko sa matanda.

"Aba'y OO. Maniningil ako ng utang!"

"Perfect ang timing niyo ho. Nandun pa siya sa bahay. Bilisan niyo na lang dahil aalis na siya ng tuluyan...."

"Ala e... Sige salamat iha"

Boom Panes!













Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.5K 60
Kung magkaboyfriend ka nang isang badboy, Ano ang gagawin mo? Ito ang storya ni Nico kung papaano niya mapapatino ang isang barumbado at basag ulo na...
111K 4.9K 72
This is a story about life and college struggles, friendship, family, romantic relationship, failed expectations, broken promises, one-sided love, wr...
562K 16K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...
7.5K 478 34
Highest ranking: #3 in boyxboy [BoyxBoy/BL] Bryll Pacheco is one of those well-known playboy. Ilang gulo ang nasalihan niya dahil sa mga babaeng naka...