The Keepers [TKS#1]

By iamrurumonster

5.8M 199K 17.1K

"Trust the power within you..." An unexpected abduction A gathering of demon slayers, archangels, shapeshifte... More

Author's Note
Prologue
1. Gate of Test
2. The Purging
3. Unsafe Route
5. The Lucky Three
The Keepers Cast
6. The Elimination
7. The House Selection
8. Undefined Keeper
9. Ardens Aftermath
10. Super Physics
11. The Clues
12. Wing Bearer
13. Between Light and Dark
14. The Power of Five
15. Lara's Feat
16. The Birth of Hwy
17. Raising Ruru
18. A Gentleman's Cop-Out
19. Tale of Arang
20. Three on Three
21. Chasing Arang
22. Tenebris- The Wicked
23. The Great Escape
24. Amber and the Festive
25. The Grand Parade
26. Musa de Cairos
27. Endgame
28. Keepers Olympics
29. The A-Team
30. Manipulated
31. Queen Amry Versus Lara
32. Keeper of Six
33. The Summons of Laurent Hale
34. A Hale in the Past
35. Tattooed
The Video Teaser
36. The Race to Gemini
37. The Tenth
38. H2H
39. Conquered
40. The Second Strike
41. Rage at the Academy
42. The Sacrificial Lamb
43. Fake
44. The Traitor
45. Escaping the Evil Queen
46. Spells Magic and Hatred
47. Dark as Ebony
48. Clash of Black and White
49. Preempt
50. Untamed Darkness
51. The King's Order
52. Ruru
53. A Keeper's Throe
54. Us Against the Darkness
55. The Perfect Duo
More Stories Coming!
56. A-Team Reunited
57. Unbroken Circle
58. The Pentagram
59. The Rescue
60. Good Versus Evil
61. Concede
62. Inevitable
63. The End of All Beginnings
64. Hearthopia
Epilogue
The Keepers Published Book
10 Things U Should Know About The Keepers
Book II -The Seekers
The Keepers Under Psicom Publishing

4. Unforeseen Raid

89K 3.3K 264
By iamrurumonster

Five giant, grayish and scary stones mantled by green moss with eyes blazing in yellow surrounded us. Halos manginig ang buo kong katawan nang makita ko ang mga nakapalibot na ogres sa amin.

"Kuya." Napakapit si Miranda sa binti ng kapatid. Nanginginig ito sa takot at tila ayaw nang kumawala sa pagkakakapit sa lalaki.

"It's okay Miranda. You're safe with me." His voice was comfortingly calm. Hindi ko alam kung papaano niya nagagawang kontrolin ang boses sa kabila ng lahat ng kaguluhan. Marahil ay handa na siya sa mga ganitong eksena.

"I'll help you defeat the monsters," mahina ngunit dinig na sabi ng batang babae. Nakatingala ito sa nakatalikod paring kapatid.

Nilingon ng lalaki ang nakababatang kapatid. Napansin ko ang paggalaw ng mata nito patungo saakin. Mabilis niya akong inirapan saka ngumiwi ng bahagya ang kanang bahagi ng labi nito. "Ako na ang bahala dito Miranda. Huwag matigas ang ulo."

"Baka-" hindi ko na naituloy ang sasabihin. Sinalubong ng lalaki ang tuliro kong tingin saka bumawi at tumalikod.

"Hoy Miss, kargahin mo si Miranda at ako na ang bahalang humarap sa mga kalaban." Ani Laurent na hindi ako nilingon habang hinahabilin ang kapatid. Sa tingin ko'y ayaw nitong makita ko ang ekspresyon niya. Marahil ay bakas sa mga mukha nito ang takot.

"Sige." Nataranta ako at mabilis na nalapitan si Miranda. Hindi naman nagpumilit pa ang huli kaya mabilis ako nitong nayakap para magpakarga. "Kumapit ka lang Miranda. Your brother's going to be fine."

Nakatitig ang maluha-luhang mga mata ng bata habang kinakarga ko siya. Mabilis kong tinungo ang isang malaking puno ng acasia para pagtaguan. Halos kakababa ko pa lang kay Miranda sa likod ng punong 'yon ay kaagad nang nagpalabas ng malakas na apoy si Laurent sa kanyang katawan.

"D-dark keeper." Nasambit ko habang halos di kumurap habang pinagmamasdan ang aurang lumalabas sa lalaki.

"Double keeper si kuya. He wields both fire and dark. Pero mas dominante ang dark element sa katawan niya." Miranda explained habang nakayakap parin ito saakin.

Nakatanaw lang kami sa damohang 'yon habang pinagmamasdan ang pagpapalabas ng malakas na enerhiya ni Laurent.

I have seen how Cael wields fire on his hands. Akala ko'y napakalakas na niya pero parang nagkamali ako. Ang kapangyarihang taglay ni Laurent. Mas malakas pa sa inakala ko.

"Kuya!" Napasigaw si Miranda nang mapapansing sabay-sabay siyang hahampasin ng mga higanteng bato gamit ang malalaki nilang mga kamay.

I was not expecting the scenes that came after.

Laurent jumped about twenty feet high. Hindi 'yon kayang gawin ng pangkaraniwang nilalang. Habang nasa ere ito ay mabilis niyang binuo ang isang dark energy ball sa magkabila niyang kamay. Sasalubungin na sana siya ng hampas ng limang higante nang mabilis niyang tapunan ang mga ito ng dark energy ball.

Tinamaan ang dalawang giant ogre. Nagka-lasuglasog ang mga katawan nito kasabay ng isang malakas na pagsabog. Halos balutin ng alikabok ang buong paligid pagkatapos.

Sa gitna ng maalikabok na paligid ay nakikita ko parin ang patuloy na pagbuo no Laurent ng magkakasunod na fire and dark balls. Napuruhan uli nito ang isa pang giant stone ogre nang tangkain siyang tirisin nito pero mabilis niyang sinalubong ang mga kamay nito ng isang malakas na fire ball.

Napansin kong halos hingalin na ang lalaki nang tumagal ang pakikipagbakbakan niya sa mga halimaw.

"Ilag!" napasigaw ako nang makita kong hahampasin na siya ng higanteng kamay ng kalaban.

Nilingon ako nito kaya nawala soya sa konsentrasyon. Tinamaan siya. Mistulang isa itong maliit na insekto sa malaking kamay ng kalaban.

"Kuya! Kuya!" Naluluhang sigaw ni Miranda.

Nagririgodon ang puso ko habang pinapanood ang eksena. Nabibingi ako sa kabog ng aking dibdib.

Sasaklolohan na sana namin ang tumilapong si Laurent nang mapansin kong mabilis itong nakabangon at agad na binawian ang dalawa pang natitirang halaman gamit ang kanyang malakas na dark energy ball. Mistulang isang malaking itim na kometa iyon na itinapon sa dalawang halimaw na bato dahilan para madurog ang mga katawan nito. Hindi pa nakontento si Laurent ay sinundan pa niya ng magkakambal na energy ball ang mga naiwang piraso ng katawan ng kalaban.

He did it. Nakaramdam ako ng ginhawa sa aking puso. Sa wakas ay nagawa niya. Pero tila napuruhan siya sa pakikipaglaban.

"Kuya ko!" Mabilis na tinakbo ni Miranda ang nakatatandang kapatid. Bago pa man nito maabutan si Laurent ay natumba na ang lalaki sa damuhan.

Mabilis kong sinundan si Miranda. Nag-alala din ako sa kalagayan ng lalaki kahit na masungit pa ito. Nang abutan ko ang kinaroroonan nito ay nakita kong nakalapat na ang umiilaw na kamay ni Miranda sa noo ng nakahilatang si Laurent. Duguan ang lalaki at mukhang napuruhan sa malakas na hampas ng halimaw.

Miranda is a wind keeper. A healer. Namangha ako sa nakita. Ginagamot ng bata ang walang malay nitong kapatid gamit ang mga maliliit nitong kamay.

"Ate Lara, hindi parin siya gunagaling." nag-aalalang pahayag ni Miranda. Hindi parin ito tumitigil sa paggagamot sa kapatid.

"How long does it usually take para gumaling siya?" mahina kong tanong sa bata sabay luhod sa gilid ng walang malay na lalaki.

"About five minutes dapat may malay na siya." tipid na sagot ng baga na hindi parin nawawala sa boses ang labis na pag-aalala.

Pinagmasdan ko ang walang malay na si Laurent. Naghilom na ang mga sugat sa balat nito at tumigil na rin sa pag-agos ang dugo mula sa pumutok nitong labi. Wala na itong sugat sa katawan pero hindi parin siya nagkakamalay.

"Kuya Laurent." Miranda started to cry. Bakas na sa mukha nito ang magkahalong desperasyon at pagod.

Bigla akong napahawak sa kamay ng lalaki. Nagbakasakali akong baka may kapangyarihan din ako gaya ni Miranda. Gumising ka! Gumising ka na! Sigaw ng utak ko habang pinipisil ng dalawa kong palad ang kanyang kamay.

Ilang saglit pa ay tumigil na si Miranda sa paggagamot sa kapatid. Nawala na ang mga ilaw sa kamay nito. Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng mga daliri ng lalaki na hawak-hawak ko.

Bago ko pa mabitawan ang kamay ni Laurent ay nakabukas na ang mga mata nito. Una niyang napansin ang mahigpit kong paghawak sa kanay niya. Kaagad niya iyong binawi at mabilis na bumangon na tila nailang sa sitwasyon.

"Kuya you're back!" Miranda hugged her brother habang pinupunas ang mga tumulong.

Laurent hugged her back sabay irap saakin. "I healed fast. Hindi ko alam kung anong pangkukulam ang ginawa niya pero I'm fine for now."

Kaagad naman akong napatayo. Nailang din ako sa matalim na titig ng lalaki. Napayuko ako at napatalikod sa magkapatid.

Laking gulat ko nang bumungad saakin ang paggalaw ng mga hiwa-hiwalay na batong mula sa mga giant stone ogres. Tila may sariling buhay ang mga ito na gumagalaw sa lupa. "B-buhay pa sila!"

"Hah?!" Laurent exclaimed. Sa tono nito'y parang hindi makapaniwala sa nakita.

Mabilis ang naging paggalaw ng mga bato hanggang sa nabuo muli ang mga ito sa orihinal na itsuta. Hindi lang lima ang nabuhay na stone ogres kundi dumoble pa ang bilang.

"We're surrounded." Nanginginig kong sabi."

"Nabuhay sila kuya." Miranda's voice started trembling.

"Shit." Laurent cursed and then hissed. Napahawak ito sa kamay ni Miranda. "We have to run!"

Tama ang hula ko. Tatakbo nga kami dahil sa dami ng kalaban. Pero paano kung napapalibutan na kami?

Parang nabasa naman ni Laurent ang tanong sa isip ko. Agad niya aking sinabihan kung ano ang gagawin. "Papasabugin ko ang lupa. Miranda will create smog all over the place para lituhin sila. Oras na mapasabog ko ang kaliwang bahagi na 'yon at mausok na ang buong paligid, kailangan mo nang tumakbo. I will carry Miranda."

'Yon ang naging utos nito. Bago pa ako makapagsalita ay bigla ko na lang naramdaman ang biglang paglamig ng paligid. Mabilis kaming napalibutan ng makapal na usok na may dalang lamig.

"Ready." Laurent said with a warning.

Kasunod no'n ay ang isang malakas na pagsabog sa dakong kaliwa gaya ng sinabi ng lalaki. Bumagsak ang giant ogre sa kaliwa. Hudyat para tumakbo na at tumakas.

"Lara, run!" Sigaw ng lalaki na hindi ko mahagilap kung nasaan dahil sa makapal na usok.

Tumakbo ako sa dakong kaliwa. Mabilis. Walang pag-aalinlangan.

Nakailang hakbang ako at akala ko'y nakalayo na ako sa mga halomaw pero nagkamali ako. Bumangga ako sa matigas na binti ng stone ogre. Natigilan ako. Kasunod no'n ay gumalaw pahakbang ang binti ng halimaw dahilan para tumilapon ako. Ilang beses pa akong nahampas ng isang higante. Halos magdilim ang paningin ko. Mawawalan na yata ako ng malay.

###

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 137 34
In a deadly quest to unmask the true murderer behind the mysterious death of our roommates, we accidentally stumbled upon a huge revelation that shoo...
2.2M 122K 71
GIFTED SERIES #2 Hide. Hide yourself. Hold your breath and don't make a sound. Look at your surroundings and watch your step. The hunters are here. G...
298K 21.1K 54
VOLUME 1 Eivel L. Leoda was known as a genius. However, it seems like solving riddles and questions in real life won't help her solve her personal pr...
678K 41.4K 51
A world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creatures exists. And a world without the greatest witch of...