Miss Astig

Autorstwa cursingfaeri

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... Więcej

About the Book
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Twenty Two

55.3K 833 88
Autorstwa cursingfaeri

____________________________________________________

"Magkano po ang ice cream? Yung sa sugar cone po ha?"

"Fifteen po. Chocolate flavor kami ngayon," sagot ng cashier.

"Nice. Sige isa po, salamat."

Nasa Mini Stop ako ngayon malapit sa school. Dito ako nagpahatid kay Tatay Tonyo pagkatapos ng Aikido class ko. Actually, sa school talaga ako binaba ni Tatay kanina. Paalam ko kasi sa bahay, my meeting kami ngayong Sabado hanggang hapon. Sorry nagsinungaling ako ng konti. Hehehe.

Akala ko nga di ako papayagan eh. Pero sabi ni Tita wag lang daw gabihin. Basta sa bahay daw ako magdi-dinner. Ibig sabihin hanggang 6-7pm lang talaga ako. Di bale, 9:30am pa lang naman dahil 3 hours lang class ko kanina. Ten pa ang usapan namin ni Aidan kaya mga 30 minutes pang paghihintay. Nagtext pa nga si Charlie kaninang umaga at tinutukso ako sa date namin ni Aidan. Wala talagang magawa sa buhay. Mabuti na lang at busy sila ni Chan-Chan sa paggawa ng kung anu-anong pakulo sa pangangampanya kay Kuya Ano kaya hindi ako makulit ng matagal. Hahaha.

As usual, twenty pesos lang ang baon kong pera kaya nagtyaga akong maghanap ng murang bibilhin. Wala kasi sa 7 eleven eh. Nagtext na lang ako kay Aidan na itext niya ako pag malapit na siya sa school. Hindi ko feel ang mga tumatambay sa loob ng store. Kahit Sabado pala ang dami pa ring tao dito. Kaya naman napagpasyahan kong lumabas at doon ubusin ang ice cream. Tumambay ako sa bench na malapit sa gate ng school habang nagsa-soundtrip. Busy ako sa pagpipili ng magandang music sa playlist ng ipod ko ng my maramdaman akong tumabi sakin at nagsalita.

"Holdap to. Akina yang cellphone at ipod mo, dali!"

Nilingon ko siya. Bahagya lang akong kinabahan. Ewan ko ba bakit hindi ako mabilis masindak. Kasi naisip ko din baka joke lang to eh. Nasa public place kaya ako tos medyo may mga tao pa naman. Naramdaman kong may dinudutdot siya sa kilid ko. Hindi ko pa rin siya pinapansin at patuloy lang inoobserbahan habang kumakain ng ice cream. Hindi ko pa kasi binibigay hinihingi niya. Heller! Masaya siya ha? Eh akin yun!

According sa training, to fully execute a perfect technique, one must concentrate and focus on the situation. You should be fully aware on the gestures and movements of your opponent. 

"Oy, ano ba! Ang sakit na ng tagiliran ko, ano ba yan?!"

Itinaas nito ang hawak na kamay at nakita ko ang baril niya. Tinutok na niya sa sentido ko. "Ibibigay mo ba ang cellphone at ipod mo o pasasabugin ko na lang yang bungo mo?!" Naiinis na sabi nito. Alam kong madami na din ang nakakakita ng pangyayari pero tila walang pakialam ang mga tao sa paligid. Grabe! Mamamatay na ako sa harap nila wala man lang ni isa ang balak tumulong? Di bale.

Kung nainis siya, mas nainis ako. Wag na wag niya akong sisindakin porke't may hawak siyang baril!

"Di pasabugin mo," ginaya ko ang tono niyang magsalita. Hindi niya siguro inaasahan ang sasabihin ko kaya medyo nabahala siya. Pero dahil sa panic siguro, mas tinutok pa niya ang baril sa sentido ko. Sa sobrang inis ko ay tinabig ko ang kamay niya at ginamitan ng Aikido technique.

Aikido per se is initiating an attack against a person who applies a technique or attack. Ibig sabihin, ika-counterattack mo siya gamit ang weapon o technique na ginamit niya. Babaligtarin mo ang sitwasyon.

Kaya nagulat na lang ang holdaper na sa sariling sentido na nito nakatutok ang baril na kanina ay nasa sentido ko habang hawak ko pa rin ang ice cream. Nang tignan ko ang paligid ay may apat na lalaki akong nakitang pare-pareho ang suot, nakashades, na naka-freeze at pumapaikot na samin. Mukhang mga bodyguards ito. Doon ako kinabahan. Kasi baka mga kasama na ng mamang 'to eh.

"Kilala mo ba ang mga 'yan? Sagot dali!" tanong ko dito habang dinudutdot ang baril sa sentido niya. Hindi naman talaga ako marunong humawak nun. Gusto ko lang idutdot sa ulo niya ng maramdaman niya kung gaano kasakit ang ginawa niya kanina sakin. Hahaha. Ambigat pala nito. Kala ko parang pellet gun lang din.

"H-Hindi po. H-Hindi ko sila kilala.." natatakot na sabi nito.

"Sigurado ka?" Mabuti na ang sigurado. Pero sabagay, mukhang tauhan ng respetadong tao ang apat samantalang tila aliping sagigilid naman ang kaharap ko. Hehehe.

"H-Hindi talaga!" Mariing sagot niya.

Nagulantang ako ng maramdaman ang ice cream na nalaglag sa paanan ko. Natunaw na pala hindi ko man lang nangalahati. Napalatak ako.

"Pambihira! Kita mo oh! Nagholdap-holdap ka pa kasi! Nalaglag tuloy ang ice cream ko! Bayaran mo yan wala na akong pera!" sabi ko ditong nagpapadyak pa. Nakakainis kasi eh, ni hindi ko man lang na-enjoy ang ice cream ko.

"W-Wala po akong pera," sagot naman ng holdaper.

"Tag-fifteen yan. Bayaran mo yan kung ayaw mong pasabugin ko 'tong bungo mo, dali!" Banta ko dito. Gagong 'to. Pagkatapos sayangin ang ice cream ko. Hindi pwede!

Dumukot naman ito sa bulsa ng bente pesos at kinuha ko agad. "O siya, umalis ka na sa harap ko, bilis!"

"Pero paano po sila?" Turo nito sa apat na kalalakihan.

"Malay ko sayo. Hindi ko din kilala ang mga yan tsaka problema mo na yun. Alis na, bibili ako ng ice cream."

Nang tumakbo ito ay nilapag ko na ang baril sa bench. Tumaas-baa ang dibdib ko sa habol ng paghinga. Parang delayed din ang response ng kaba ko. Nakita kong hinabol ng tatlong lalaki ang holdaper samantalang lumapit naman sakin ang isa. Mabilis nitong kinuha ang baril at hinawakan ako sa braso. "Ma'am, don't panic. Tauhan ako ng Daddy niyo, si Mr. Kwok."

Na-freeze yata ang buo kong katawan sa sinabi niya. Napatingin na lang ako sa kanya sa kawalan ng sasabihin. May inabot ito sa aking cellphone.

"Louie Antoinette. I'm your father."

Pinakinggan ko lang ang sinasabi sa kabilang linya pero wala akong maintindihan. Hindi ko alam bakit parang ang dami daming pumapasok sa utak ko. Ang dami ng gusto kong sabihin pero wala akong masabi ngayon. Ang boses niya, tila mababa. Nagpapakumbaba. Pero ayaw magcocooperate ng utak ko. Ayoko intindihin muna ang sinasabi niya. Ayoko muna makinig. At mas lalong ayoko mag-isip tungkol sa kanya ngayon.

Bigla kong naalala na magkikita pa pala kami ni Aidan.

Hala! Si Aidan, anong oras na ba?!

♫♪ Can you blow my whistle baby, whistle baby

Let me know

Girl I'm gonna show you how to do it

And we start real slow

You just put your lips together

And you come real close

Can you blow my whistle baby, whistle baby

Here we go... ♫♪

"Hold on a second.." sabi ko sa kabilang linya at sinagot ang tawag ni Aidan. Hindi ko naman naiintindihan sinasabi niya ba't pa ako makikinig di ba?

"Louie, saan ka? Kanina pa kita hinahanap. Hindi mo sinasagot mga text at tawag ko. Kanina pa ako paikot-ikot sa school. May na-holdap daw kanina dito, nahuli ng mga pulis. Okay ka lang ba?" Nag-aalalang sabi nito.

"Okay lang ako. Saan ka ba? Ako na lang ang pupunta dyan."

"Dito sa cafeteria banda naglalakad, malapit ko ng daanan ang tinatambayan niyo nina Charlie."

"Sige diyan ka lang. Uhm, pwede mo ba ako bilhan ng tubig? Nauuhaw ako eh. Ang kasya lang ang twenty ha? Wala na akong pera hehe."

"Oo naman. Sige hintayin kita dito."

"Sige."

Nang harapin ko ang lalaki ay hawak pa rin nito ang cellphone at hinihintay ako.

"Uhm, sir. Sorry po ha? I really have to go. Kasi may pupuntahan pa ako eh. Baka po nagkakamali lang kayo, pakisabi na lang sa Mr. Kwok na hindi ko na-gets pinagsasabi niya. Sige po." Nang tumalikod ako ay sumunod ito sakin at nagsalita.

"Ma'am, mahigpit pong bilin ni sir na bantayan kayo hanggang sa makauwi eh."

Nakakainis naman 'to. Simpleng instructions hindi magawa. Sarap pektusan.

"Wala akong pakialam sa bilin ng sinong poncio pilatong biglang nagpakilala na ama ko. May date ako. Kaya pwede ba?" Nandidilat ang mga matang sabi ko dito. "Pag nakita kitang sumusunod sa likod ko, I swear, mawawalan ka ng trabaho," pagba-bluff ko dito. Hindi na naman ito sumunod kaya tumakbo na ako papunta sa tagpuan namin ni Aidan.

Gulong-gulo ang utak ko pero kailangan ko ng distraction. Mamaya ko na sa bahay iisipin ang lahat ng nangyari. Gusto ko muna makita si Aidan. Gusto ko malibang. Ayokong isipin ang nangyari. Ayoko isipin na si Papa nga yun. Bakit ngayon pa? Hindi pa ako handang harapin siya. Wala pa akong napatunayan. Tingin ko mas nabahala pa ako sa pagkausap ko sa Mr. Kwok na yun kaysa ang insidenteng holdapan. Hays bwisit.

"Aidan!"

Sinalubong ko siya ng yakap.

I just feel that I needed someone to hug as of the moment. Na-relieve naman ako sa ginawa. Grabe, sobrang na-drain yata hindi lang ang buong katawan ko kundi pati ang utak ko.

Saglit naman itong nanigas pero gumanti din. "Bakit Louie? Ba't parang nanginginig ka at pawis na pawis? Inumin mo muna to," abot nito ng tubig na ininom ko naman ng kumalas ako sa kanya.

Pinilit kong ipakitang masaya ako sa harap niya. "Wala. Napagod lang ako kakatakbo. Tsaka baka nagugutom lang siguro ako," sabi ko dito.

"Shucks! Oo nga pala. Tara kain muna tayo. It's almost lunch na pala. Grabe, di ko napansin sa sobrang panic ko kanina ng marinig kong may hinoldap dito sa vicinity ng school banda. Umikot-ikot agad ako. Ikaw agad ang naisip ko eh. Wala ka naman kasi sa 7 eleven."

Tumango lang ako at ngumiti habang magkaagapay kaming naglakad patungo sa kotse niya. Wala akong balak sabihin dito ang nangyari kanina. Secret lang yon. Patay ako sa bahay pag umabot kay Mama ang nangyari. Baka magka-bodyguards din ako. Ayoko pa naman ang may mga asungot.

Nakaka-BV.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

374K 8.2K 56
What if one day may magsabi sa'yong hindi mo tatay ang tatay mo at ang tunay mong tatay is a freaking billionaire. Anong irereact mo? Matutuwa ka ba...
365K 24.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
63K 2.6K 51
*Dianne's POV* Kahit kelan hindi sumagi sa isip ko na magiging target ako ng isang gwapong nilalang tapos magiging asawa ko siya at mag-kakaroon kami...
471K 7.7K 63
-- "Totoo ba ang vampires?" "Sinong una niyong kakagatin if naging vampire kayo?" "SYEMPRE YUNG CRUSH KO! para eternity kaming magsasama!" ~Julien Ch...