My 3 Identity Boyfriend

By sherlockholmes16

19.1K 488 143

What if ang inaakala mong tatlong lalaki sa buhay mo ay nasa iisang katauhan lang pala? More

My 3 Identity Boyfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Author's Note

Chapter 7

511 15 3
By sherlockholmes16

Phil's P.O.V

"Bye, Phil! Uwahhh!"

Yumakap si Denise sa 'kin.

"Phil, hindi ka na ba talaga babalik? Paano na yung mga pinagsamahan natin. Paano na yung promise mo sa 'kin na magpapakasal tayo...paano...paano na lang ang lahat nang yun..."

"I'm sorry Denise...kahit gusto kong makapiling ka for a long time...hindi talaga pwede..."

Nagsimula na siyang umiyak, "Phil naman eh...okay...okay....'di na ako iiyak...basta mag-ingat ka dun okay? Huwag mong kakalimutan na contact-in ako. I will miss you...I love you Phil..."

"And I love you too, Denise. Sana makatagpo ka ng lalaking hindi ka iiwan hindi tulad ko. Bye..."

"Really...my tears won't stop...but Phil...eto. Kunin mo...para matawagan mo ako. Nasira phone mo 'di ba?"

"Huh? A-aba! 'Di ko matatanggap 'yan Denise!"

"No. Accept it,"

"E-eh...okay. Sabi mo eh,"

Kinuha ko yung iPhone na binibigay niya sa 'kin.

And for the last time, niyakap niya na naman ako, "Phil...huhu...ingat ka dun....wahhhhhhh!"

I kissed her tapos nagpaalam na ako.

"Bye Phil! Ingat ka sa USA! Makatagpo ka rin sana ng babaeng para sa 'yo!" sigaw niya.

Nginitian ko siya at nag-wave back.

Dala-dala ang mga bagahe, pumunta na ako sa sakayan ng eroplano. Tumalikod ulit ako para makita si Denise. Hayun siya at nakangiting tinitingnan ako. Nag-flying kiss pa na sinuklian ko rin ng flying kiss. Muli akong nag-bye sa kanya at ganun din siya.

Pumasok na ako sa loob ng eroplano and woah. Andami palang chicks na flight attendants dito. Hoho. Well...punta na nga ako sa upuan.

"Oi iho!"

Napatingin ako sa likod ko, "Uy, lola. Kanina pa kita hinahanap,"

"Hay nako. Kanina pa ako nakasakay rito. Paikot-ikot nga rin ako kanina kahahanap sa 'yo. Malapit na makaalis yung eroplano."

Napakamot ako ng ulo, "Ay, ganun po ba? O sige ho. Saan po ba kayo nakaupo? Ilalagay ko na po itong mga bagahe ninyo,"

Tinuro niya kung saan yung uupuan niya tapos nilagay ko dun ang mga bagahe niya. Binigyan niya ako ng isang libo.

Bumaba na rin ako ng eroplano since aalis na nga ang eroplanong yun.

Bago ako bumalik ng airport, ch-in-eck ko muna kung andun pa si Denise. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala na siya sa kinatatayuan niya kanina.

Nalito ba kayo? Akala niyo aalis talaga ako, 'no? Haha, nope. Bakit naman ako aalis? Hahaha.

Sa totoo lang, ganito 'yan. Yung babae kaninang tinatawag kong Denise, gf ko yun. Pero pineperahan ko lang yun. Mayaman eh. Ang tagal ko niligawan 'yan and take note, lagi ko 'yang pinupuntahan sa school nila para manligaw. Pakipot pa kasi, bibigay din naman. 'Di siya gaanong kagandahan, tama lang. Pero napakayaman kaya ayun, jackpot. Galing ko bang pumili? Heh.

Bale, nagtagal lang naman kami ng 3 months. Gaya nga ng sabi ko, naasa lang ako sa pera niya. Sa tuwing magde-date kami o may pupuntahan, siya lagi ang nagbabayad. Kaya busog ako palagi sa girlfriend ko. Mabuti nga at hindi nagrereklamo. Ang alam kasi nun butas bulsa ko palagi.

Okay. Bumalik tayo sa ginagawa ko ngayon. Bale ganito 'yon. Dahil feel ko nang makipag-break sa kanya, sinabi ko sa kanya na pinapapunta ako ng mga magulang ko sa states (kahit hindi naman talaga) at sinabi kong hindi na ako makakabalik ng Pilipinas (which is kasinungalingan lang). Hinatid niya ako rito sa airport (siya pa nga ang nagbayad ng ticket ko). Pero bago siya dumating sa airport at ihatid ako (nauna kasi ako), wala talaga akong bagahe kanina. Naghanap pa talaga ko ng senior citizen na maraming dalang bagahe. Ayun, pinauna ko muna yung senior tapos sinabi ko na dadalhin ko na lang sa eroplano yung bagahe niya, may pupuntahan lang ako (buti na nga lang at malaki tiwala ng matanda sa stranger na gaya ko kaya pumayag agad) at ayun ang ginawa kong bagahe kunwari. Tapos sa yakapan scene namin kanina, hinawakan ko pwet niya at dahil malandi siya, hinayaan niya. Ayun, nakuha ko wallet niya. (・∀・)

Mabuti na lang talaga nakipag-break na ako kay Denise. Mwahaha! May iPhone na ako galing sa kanya, dala ko pa wallet niya at alam mo yun, may isang libo pa ako mula sa matanda kanina! Mwahaha. (・∀・)

Oh well, may isa pa pala akong di nakukuha...

Pumunta ako sa bilihan ng ticket at binawi ko ticket ko. Sinabi kong sa susunod na lang ako magfa-flight. 'Di ko binawi yung pera ko kasi malay mo, makapunta pa ako ng states 'di ba? Who knows (・∀・) Pero nakahanap ako ng lalaking naghahanap ng kung ano. Tinanong ko siya kung anong hinahanap niya, sabi niya nawawala raw ticket niya. Mabait ako kaya binenta ko na lang ticket ko sa kanya at dahil bobo siya, naibenta ko sa kanya yung ticket na may tubong 50 percent lang naman. (・∀・)

Parang nanalo ako sa lotto nang mga panahong yun at dahil naiihi ako, siyempre umihi ako.

Matapos umihi, lumabas na ako ng cubicle na kinalalagyan ko at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Akalain mo yun, sabi ng repleksiyon ko, ang gwapo ko raw habang nakakindat at nakaturo pa sa akin. Astig. (・∀・)

Pero iba ang bumungad sa akin paglabas ko ng c.r. May isang lalaking mukhang mayaman, gumagawa ata ng eskandalo sa babaeng kasama niya...

"Bastos ka ah!" sigaw ng lalaki habang hawak yung babae sa braso nito.

Tiningnan siya ng babae nang maigi, "Uhm, nag-sorry na po ako 'di ba? Ano pa po bang gusto niyo?"

"Wala kang modo!"

"Modo po? I'm sorry but hindi niyo ba narinig yung sinabi ko, Mister? Bakit niyo pa po ba pinagpupumilit na ulitin ko? Ha?!"

Itinaas ng lalaki yung kamay niya at mukhang sasampalin ata yung babae.

Dali-dali akong humarang sa gitna nila at pinigilan siya sa gagawin niya, "Sir, hindi niyo naman po kailangang manakit ng babae, 'di ba po? Nadadaan naman po sa madaling usapan ang lahat,"

Sumagot naman siya, "Hoy iho, huwag mong subukang sumali rito!"

Napangiti ako nang nakita ko ang hinahanap ko.

Inakbayan ko yung lalaki, "Hindi naman po sa nakikisali ako, pero tingnan niyo naman po. Ang daming taong tumitingin. Kapag nakita nila na nananakit ang isang mayamang lalaking katulad niyo sa isang mukhang inosenteng babae, ano na lang ang magiging impresyon ng mga tao sa inyo?"

Mabuti na lang at pinag-isipan niya nang matagal yung sinabi ko. Natiyempuhan kong kunin nang mabilis ang wallet niya sa may bulsa sa dibdib niya.

"Hm...siguro tama ka nga,"

Binitawan ko siya agad at ganun din ang pagbitaw niya dun sa babae. Kinuha na niya ang brief case niya at naglakad paalis.

Yis.

"Salamat pala,"

Napadako ang tingin ko sa babaeng niligtas ko kanina.

Hm. Sa totoo lang, hindi naman siya kapangitan.

"Haha. Wala 'yon miss. Basta ba, ikaw," reply ko sabay kindat sa kanya.

"Sige,"

Aalis na sana siya nang mukhang may bigla ata siyang naalala, "Alam mo ba kung nasaan---"

Pero naputol ang dapat na sasabihin niya dahil may biglang pumito.

At syete, sinasabi ko na nga ba. Pulis 'to! Tungunu. Nahuli yata ako amp! (・∀・)

Wala na tuloy akong ibang nasabi kundi, "TAKBO!"

"Sandali! Anong nangyayari?"

"Huy! Ano bang nangyayari?! HOY!"

Ang kulit naman nito. Kita niya na ngang hinahabol kami ng pulis. Hindi pa ba nasagot nun yung tanong niya?

"Uy! Anong nangyayari?! Bakit mukhang tayo ata yung hinahabol ng pulis?!"

Naramdaman kong may humawak sa jacket ko. Shit. Nahuli ata ako. Napahinto ako.

Pero mas syete lang, itong babae lang naman pala yun.

Naiirita na ako ah. Hinila ko siya sa braso niya at tumakbo ulit, "Basta! Tumakbo na lang muna tayo ngayon!"

"Eh?"

Hindi ko na siya sinagot pa.

Sofie's P.O.V

"*huff* *huff* Gra... *huff*..be... napa...god... *huff* ako..."

"Hah...sinabi ko bang...hah...sundan mo ako?"

"Eh...excuse me, ikaw *huff* nagdala...sa 'kin *huff* dito..."

"Kung...hah...huminga...hah...muna...kaya tayo,"

"Yeah...good idea..."

Siya nga pala, andito kami sa car park ngayon sa labas ng airport. Grabe yung tinakbo namin ng lalaking ito. Sobrang nakakapagod. Mabuti na lang talaga alam niya kung saang lugar kami hindi makikita ng mga pulis na yun.

Matapos ang ilang oras ng pagpapahinga, nagpameywang ako sa kanya, "Ngayon, pwede mo na bang sabihin kung bakit tayo hinahabol ng mga pulis?"

Tumingin siya saglit tapos nag-smirk, "Sus. 'Kala mo naman ikaw yung hinahanap ng mga yun. Wag ka ngang mag-assume."

Wow.

To be heard it from this guy.

"Excuse me?"

"Dadaan ka?"

Wow. Nagsisimula na akong mainis ah.

"Do I meant it in that way?"

"Hayst. Just joking. KJ mo naman. Fine! I'll say it. Hinahabol tayo ng mga pulis na yun kanina kasi alam mo yun, fan boys ko sila,"

What?

"Fan...boys?"

"Yep. If alam mo lang kung gaano sila nababakla sa akin. Take note, hindi lang babae yung patay na patay sa akin, may lalaki rin. Astig 'no?"

"Huh? So what are you trying to say here?"

"I'm handsome. That's all I want to say (・∀・)"

What. The. Effin. Is. Happening. To. This. Guy.

And what is that face? ----> (・∀・)

"-_-# Hm. I'll go now. I don't need bastards like you. Retard..."

"Hey..."

Aalis na sana ako kung hindi niya lang ako hinila sa braso ko.

"Okay. What is your problem, now?"

"You...my problem is you..."

Ano na naman bang problema nito...?

"O anong meron sa 'kin?"

"Heh. Baka nakakalimutan mo ginawa ko kanina."

Ginawa niya kanina? Hmmm...

"Ano bang ginawa mo kanina? O.o"

Napahapo siya ng ulo niya, "Bilis mo naman makalimot. Oh well..."

Lumayo siya nang kaunti at kunwari hinihiwa braso niya. Tapos may ina-act siya na parang sumisigaw siya tapos may sinisigawan. Tapos nag-act naman siya na parang nag-aawat?

Wait. Charades ba 'to???

"Ano? Gets mo na ba?"

"Walangya ka. Nag-charades ka pa talaga. Pauso eh (─‿─)"

"Eh kasi tagal mo maka-gets,"

"Haaay. Okay. So anong meron kung natulungan mo ako kanina? Nagpasalamat na naman ako 'di ba?"

"Tanga ka ba? Sa tingin mo ba, sapat yung salamat mo? Buhay mo kapalit dun ah."

"Wow. Sino yung tangang nag-charades kanina?"

"Weh? Iniiba mo na naman yung usapan? So ano nga, kailangan may kapalit. 'Di lang pwede salamat..."

"Aba! Ang arte mo ah! Nagpasalamat na ako kanina. 'Di pa ba sapat 'yon?"

"'Di sapat yun. Gusto mo bigay na lang kita dun sa lalaki kanina?"

"Eh kung sapakin kita?"

"Ewan ko sa 'yo. Hindi ka ba marunong tumanaw ng utang na loob? Salamat lang alam mo?"

"Ah. 'Di naman kasi ako perpekto gaya ng nasa isip mo 'di ba?" Nginitian ko siya.

"Nako naman. Ewan ko sa 'yo! Makaaalis na nga!"

Hm...

This time siya naman ang hinila ko, "Teka sandali. Saan ka pupunta?"

"Tanga ka ba? Kakasabi ko lang ah,"

"Wag mo nga akong tawaging tanga. Tulungan mo na lang ako..."

"Huh?"

"Naliligaw ako..."

"Huh......ah......ANO?! NAWAWALA KA-PFT! SERYOSO?!"

"Eh baka ikaw yung mas tanga diyan. Mukha ba akong nagbibiro? Hah?"

"Haha. Sori na. O sige...sige...tutulungan kita..."

Nagulat ako sa sinabi niya, "Talaga?"

"Kondisyon muna. Bale kapalit ito nung sa kanina tsaka ngayon..."

"Aba! 'Di ba sinabi kong salamat na lang?"

"Ah ganun? Ayaw mong tulungan kita?"

"......Erm...Ano ba kasi yun?"

"This is just simple...sasagutin mo lang naman yung simple question ko..."

Simple...Question...?

Parang malakas ang kutob ko dito na may kalokohan 'tong gagawin...

"Simple? Sure ka?"

"Yep. Wala ka bang tiwala sa 'kin?"

"...O...Okay...Fine...ano ba yun..."

Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at bumulong...

"Ano'ng kulay ng panty mo ngayon? Tsaka may designs ba? Paki-specify,"

PAAAAAAAAAAAKKKKKKKK!

"ARUY KO POOOOOO! ARUYYYY! SI JUNIOR KOOOO! AGHHH ANG SHAKEEEET! OUUUUUCH!"

Napaupo siya at napahawak sa junjun niya matapos ko gawin yun.

"BASTOS! DAPAT LANG SA 'YO 'YAN! MAGDUSA KANG MANYAK KA!!!"

"ARUYYYY..."

"WALA NA AKONG PAKIALAM KUNG MALIGAW AKO! MAGTATANONG NA LANG AKO SA IBA KAYSA SA ISANG RAPIST NA GAYA MO!"

Tinalikuran ko na siya.

"ARUY...WALANGYA KANG BABAE KA! PAG NAKITA KITA! REREYPIN TALAGA KITAAAA! AAAAH!"

"HINDI MO NA MAGAGAWA YUN KASI WASAK NA SI JUNJUN MOOOO! GRRR! PASALAMAT KA 'YAN NGA LANG INABOT MO EH!"

"WALANGYA KA TALAGANG BABAE KA....PATAY KA TALAGA SA 'KIN 'PAG NAKITA ULIT KITA...HAHANAPIN KITA...AWWW...."

Lumayo na ako sa kanya...

Tingnan niya kung mahahanap niya ako .

Wala talagang modo yung isang yun. Sabi na eh. Nafe-feel kong may kalokohan siyang gagawin.

At naalala ko, nawawala pa rin talaga ako...

Ah basta! Bahala na si Batman!

Kate's P.O.V

"Besh! Beeeeeeesh?! Where art thouuu? Beeeeesh?!"

Asan ba yung babaeng yun?

"Kate, mas maigi kung maghiwalay muna tayo sa paghahanap," narinig kong sabi ni Ate Sab.

Eh? Ako? Iiwan ni Ate Sab??? Huhu ∪ˍ∪ Besh naman kasi eh. Asan ka na ba kasi?

"But...Ate Sab..."

Hinawakan ako ni Ate Sab sa magkabilang balikat ko, "It's okay. Gusto mo ba siyang mahanap o hindi?"

"Gusto po..."

"O. Ayun naman pala eh. Then let's separate,"

"O...kay...ˇ▂ˇ"

"Wag ka ngang malungkot diyan. Magkikita pa naman tayo,"

"Yeah...right...(╥_╥)"

"Call me if nahanap mo na siya. Pupuntahan ko kayo. Tapos 'pag nahanap ko naman siya, pupuntahan ka na lang din namin. Do you understand?"

"Yes..."

"Good. Let's go,"

At ayun nga. Naghiwalay kami ng landas huhu. Walang kwenta kasi si Besh eh. Napaka-tampororot! Saan na naman kaya yun nagpunta??? Baka nasa c.r siya, naiyak kasama ang isang nilalang sa c.r na naiyak rin o kaya naman nakipagkita kung kanino at inililihim niya sa 'min ni Ate Sab na may boypren siya o kaya naman baka nakipagtanan na sa mapapangasawa niya o kaya nag-suicide tapos...tapos...waaah! Baka nagsisimula na siyang mangmulto ngayon...

Grabe naman iniisip ko. Nag-suicide talaga? Peace Besh v(⌒o⌒)v

Habang iniisip ko kung saang lupalop pwedeng pumunta si Besh ay nakabunggo ako ng kung ano.

Ang lakas n'ong bungguan namin. Yung tipong pareho kaming natumbang dalawa.

"Aray..."

"Miss, sorry. Ayos ka lang ba?"

Napadako ang tingin ko sa lalaking nagsasalita. Mukhang ito yata yung nabunggo ko.

Teka. Itong lalaking 'to. Mukhang pamilyar siya sa 'kin.

Well, naka -shades lang naman siya and yung suot niya, hoodie and jeans.

Wait.

Medyo namumukhaan ko na siya. Sa lapit niyang 'yan?

Oh yes. I know him nga.

Kung hindi ako nagkakamali.

Tama!

Siya yung idol na model ni Besh!

Si Sean Zeret! Yung medyo hawig kay Kleifford! Siya nga yun!

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
5.6K 159 23
Gorilya sa Maynila? Ang akala ng mga alagad ng batas ay simpleng kaso lamang ng drug smuggling ang kanilang nadiskubre sa Ninoy Aquino International...
161K 3.6K 77
Dati naniniwala ako sa Happy endings. Pero pinatunayan niya saking hindi ito totoo. Ngayon heto ako miserable ang buhay nang wala siya. pero, naniniw...
Roleplay By ella

Teen Fiction

157K 10.4K 72
RPW lovestory; What if you found out that your crush and the operator of your RPW boyfriend were the same person? - An epistolary by ellaesthetic_ St...