I Like Potatoes

By Xamarande

37.3K 2.7K 520

Grie Mcfee Amberson is an adorable guy who loves potatoes so much, at talaga namang gagawin niya ang lahat pa... More

I Like Potatoes
Chapter 01: I Like Potatoes
Chapter 02: I Like Rubber Ducks
Chapter 03: I Like Chickens
Chapter 04: I Like Sleeping
Chapter 05: I Like Stripping
Chapter 06: I Like Leaving
Chapter 07: I Like Horror
Chapter 08: I Like Speaking
Chapter 10: I Don't Like This
Chapter 11: I Like Feelings
Chapter 12: I Like Breaking
Chapter 13: I Like Past
Chapter 14: I Hate Animals
Chapter 15: I Like Jumping
Chapter 16: I Love Prison
Chapter 17: I Don't Like "It"
Chapter 18: Look Away
Chapter 19: His gaze
Chapter 20: Out and free
Chapter 21: Never
Chapter 22: Head
Chapter 23: A Replacement
Chapter 24: Mother Figure
Chapter 25: Leaving Heaven
Chapter 26: It's a Surprise
Chapter 27: Birthday
Chapter 28: A Better Man
Chapter 29: The Insufferable

Chapter 09: I Like Jail

1K 95 10
By Xamarande

I Like Jail

"Pinapaliguan mo ba ako o ano?"

Natigilan ako nang biglang magsalita si Grie. Bahagya niya akong nilingon. Nasa likuran niya kasi ako at kanina pa ako lutang.

"Halos hindi mo nilalapat 'yang kamay mo sa balat ko."

Sinamaan ko siya ng titig. "Tigilan mo ako, Amberson, jusko naman!"

Pero totoo naman kasi, halos ayoko na siyang hawakan lalo na't naaalala ko ang mga ginagawa ko sa kaniya noong akala ko ay may saltik talaga siya. Kung paliguan ko kasi siya noong mga nakalipas na araw, para siyang anak ko. Malay ko bang mangyayari 'to!

Inis na idinampi ako ang mga palad ko sa likuran niya at kinuskos ng sabon ang balat niya. Safeguard ang sabon niya, iyong kulay dilaw. Lemon yata. Kaya pala mabango ang balat ng gagong ito, Safeguard kasi ang gamit. Bukod din ang bubble bath niya.

"Kailan mo ako titigilan?" kaswal na tanong ko. Itinutok ko ang shower sa likuran niya para alisin ang bula sa kaniya. Pasimple kong inamoy ang likod niya.

Ah, mabango na. Okay na siguro 'yan. Likod lang niya ang sasabunin ko.

"Ano?" kunwari pang walang alam ang lintek.

"Usapang tao, Grie. Umayos ka, pwede ba?" iritableng sambit ko saka pasimpleng kinurot ang tagiliran niya. Bahagya siyang napa-igtad nang masaktan siya sa kurot ko.

"Ang sakit mong magmahal..." aniya.

Napairap ako.

Grabe, hanggang ngayon, ganiyan pa rin ang tabas ng dila niya. Malamang sa malamang, kung tanga-tanga pa rin ako, paniguradong nagpauto na naman ako sa kaniya.

"Sagutin mo nalang kasi ang tanong ko! Kailan mo ako titigilan?!"

He let out a deep breath, "Hanggang sa masira ko ang buhay ng boyfriend mo."

I gritted my teeth. Hindi na ako nagsalita pa. Kahit na magwala pa ako rito, wala rin akong magagawa. Napayuko na lamang ako at napatitig sa mga kamay ko na puno ng bula.

"Basta 'wag mong ipapakulong ang ate ko..."

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ang kapatid ko. Siya na lang ang nag-iisang tao na hindi ako iiwan. Siya nalang ang nag-iisang taong hindi ako tatalikuran kahit na ano pang mangyari.

"I won't do that. Just do what I want you to do," aniya saka sumandal paabante sa gawi ko.

Hanggang sa halos nakasandal na siya sa akin. Bahagya siyang tumingala at tumitig sa mukha ko. Basang-basa ang buhok niya at natatabingan na nito ang mukha niya.

Walang emosyon ang asul niyang mga mata kaya hindi ko mabasa ang nasa isipan niya ngayon—wala akong mabasa kahit ano.

Huh. He's really good at this.

Bahagya akong napaiwas ng tingin sa katawan niya. Dude, wala siyang kahit anong saplot. Ang sama rin ng pakiramdam ko dahil hindi ko gusto ang ginagawa ko.

Pakiramdam ko, niloloko ko si Ginger...

"Mahal na mahal mo talaga ang ate mo, ano?"

Napatigil ako sa pag-iisip at tumitig pabalik sa mga mata ng demonyong pinapaliguan ko.

"She's more evil than I am," mahinang sambit niya. "Pero ginagawa mo ang mga bagay na ayaw mo para lang sa kaniya."

Mapait akong napangiti. "Hindi siya katulad mo, Grie."

Minahal niya ako, at hanggang ngayon, minamahal niya pa rin ako.

Tumayo ako at iniwas muli ang paningin ko sa kaniya. "Tumayo ka na, baka naman pati pagpupunas, hindi mo pa rin alam?"

"Oh, come on." Iritableng umupo sa bathub si Grie, agad ko siyang nilingon. Buti nalang talaga at maraming nakalutang na bula sa tubig. Ang careless niya kasing kumilos! Baka mamaya ay kung ano na naman ang makita ko!

"Likod ko lang ang pinaliguan mo, Saki."

Inis na binato ko siya ng Safeguard. "Damn you!"

****

"Ayos ka lang po, ma'am Saki?"

Agad akong natauhan nang madinig ko ang boses ni Santiago, ang lalaking nag-o-OJT dito sa hospital kung saan ako naka-assign ngayon.

"A-Ah? Oo, ayos lang ako," Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "May kailangan ka ba?" Umupo ako ng maayos para magmukha akong propesyonal kahit papaano.

Alam ko namang mukha akong sabog ngayong araw. Buwisit na problema 'yan. Ang akala ko, kaya kong ihandle ang lahat ng uri ng problema dahil iyon ang trabaho ko, but no, tao pa rin ako. I can't control everything.

"Ah, wala naman po. Napadaan lang po ako." Ngumiti siya kaya naglitawan ang malalalim niyang dimples. Ngumiti ako pabalik at iwinuwestra ang kamay ko sa gawi ng upuan sa harap ng table ko,

"Upo ka, Ares."

Umupo siya ro'n at nakangiting inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong opisina ko,

"Kapatid niyo po si miss Saica, right?" tanong niya saka dahan-dahang inilipat ang paningin niya sa mukha ko.

Baguhan lang 'to, ah? Sino naman ang naglakas-loob na magkwento sa kaniya tungkol sa akin at sa kapatid kong pinaghahanap ng mga pulis ngayon?

Kunwari ay hindi ako nagulat sa kaniyang tanong. Ngumiti lang muli ako. "Oo, kapatid niya ako."

Bumaba ang paningin niya sa sahig.

"Maganda siya," aniya. Magagalit ako sa kaniya kung hindi lang sana kakaiba ang tono ng pananalita niya, para siyang nangungulila.

Bahagya akong umurong at humalumbaba sa table ko. Ang mga mata ko ay nakapokus lamang sa lalaking kaharap ko. Mukha siyang masikreto pero ang mga mata niya ang sumasagot sa lahat ng katanungan ko ngayon.

Well, expect the unexpected. Talagang may makakasalamuha kang tao na naging parte ng pagkatao ng mahal mo sa buhay.

"Kilala mo ba ang kapatid ko bago siya makulong?"

Natigilan siya at biglang napatingala sa mukha ko, "Ha? Hindi po." Napakamot siya sa ulo niya. "Nanghihinayang lang ako kasi parang marami siyang bagay na hindi naranasan na nararanasan ng mga normal na tao."

Bahagya akong natawa, "Papasa ka sa ate ko. Mahilig 'yun sa guwapo."

He's good-looking, by the way. Hilig ni ate sa mga lalaki ay ang mata nila. This Ares guy, he has those mysterious yet captivating eyes. Simple lang ang porma niya pero hindi nakakasawa ang mukha niya. Hindi rin siya maskulado tulad nila Grie pero malakas ang appeal niya. Ah, he's not that bad. Talagang papasa siya kay ate.

Tch. Mahilig pa naman sa lalaki iyon.

Natawa siya at napakibit-balikat. "Ayoko ngang maging girlfriend si miss Saica. Ayoko pang mamatay."

Tumayo siya at malawak ngiting nagsalita. "Aalis na po ako, ma'am. Hinihintay na po kasi ako ng asawa ko."

"Okay." Kumaway ako sa kaniya bago siya tuluyang lumabas.

Agad kong kinuha ang phone ko at idinaial ang numero ni ate. Pero hindi siya sumasagot. This is new. Kadalasan kasi, agad niyang sinasagot ang mga tawag ko. Ngayon kasi, nakailang dial ako pero wala talaga. Baka siguro tulog, o 'di kaya naman naliligo.

Inilapag ko ang cellphone ko sa lamesa. Pabagsak akong sumandal sa inuupan kong swivel chair.

Maraming tumatakbo sa utak ko ngayon. Buti nalang talaga at nakatakas ako sa mansion ni Grie at nakapasok ako ngayon kahit papaano. Mababaliw na ako sa galit kaya kailangan ko ng pahinga. Kapag nakikita ko kasi ang pagmumukha niya, nagngingitngit ako sa galit. Buwisit.

I hate him. Hindi ko inaasahang maloloko niya ako ng ganito. Hindi ko alam na mas magaling pa rin siya sa akin ngayon.

Hanggang ngayon, kaya niya pa rin akong paikutin!

Napapikit ako ng mariin.

God, I need to control myself. Nasa trabaho ako ngayon. Kailangan kong maging propesyonal.

Damn, magaling akong magkontrol ng sarili ko pero bakit hindi ko magawa?

Napabuga ako ng hangin bago ako dumilat. Kinuha ko nalang ang remote na nasa sulok ng table ko at binuksan ang flat-screen TV na nakapuwesto sa pader.

Nasaktong sa balita ang pinalabas ngayon.

"...matagal nang tinutugis ang naturang kriminal, at sa loob ng napakahabang taon, tuluyan na siyang nahuli ng kapulisan... "

Napatayo ako nang makita ko ang pangalan at ang mukha ni ate sa screen. Nakangiti siya sa litrato niyang iyon at mukha siyang anghel dahil sa sobrang amo ng mukha niya, pero halata sa mga mata niya na may tinatago siyang madilim na sikreto.

"...kilala siya dahil isa sa mga napatay niya ay ang anak ng sikat na artista na si Joshua Villaluz..."

Maria Saica Dela Cruz... ang kapatid ko...

Nanginginig ako habang nakatingin lamang ako sa balita. Hindi napo-proseso ng utak ko ang napapanood ko ngayon.

Hindi...

Bakit... Bakit siya...

Nangilid ang mga luha ko. Napahawak ako sa gilid ng table ko habang nagngingitngit ako sa galit.

It's Grie.

Agad kong kinuha ang bag ko at agad na nanakbo ako palabas ng building at para tumawag ng taxi.

Nang makarating ako sa mansion ni Grie ay agad-agad akong nagtungo sa loob, hindi ko pinansin si Soren na tinatawag ako. Agad akong dumiretso sa kuwarto ni Grie.

Naabutan ko pa siyang nagla-laptop pero agad niya rin itong itinabi nang makita niya ako.

"I thought—" Napatigil siya sa pagsasalita nang makita niya ang hitsura ko.

I know, mukha akong wala sa sarili. Magulo ang buhok ko at nagkalat ang mascara sa mukha ko dahil kanina pa ako umiiyak sa taxi.

"You looked like a mess..." mahinang sambit niya saka tumayo mula sa pagkakaupo niya sa kama.

I gritted my teeth. Pinigil ko ang paglabas ng mga nagbabadya kong luha. I swear to God, hinding-hindi ko siya mapapatawad!

"Ikaw ba ang nagpakulong sa ate ko?" My voice cracked. Nanatili lang akong nakatayo sa tapat ng nakasara niyang pinto.

Naging blangko ang kaniyang mukha.

"No. Hindi ako ang nagpakulong sa ate mo," kaswal na sagot niya.

I want to rip his fucking face off.

"Then who?!" sigaw ko sa kaniya.

Wala na akong pakialam kahit na mukha na akong sira-ulo dahil sa hitsura ko ngayon. Pero hindi ko na talaga kaya! Nanginginig ang katawan ko dahil sa pinaghalo-halong kaba, takot at galit.

"Hindi ako—"

"Fuck you! Sinusunod ko naman lahat ng sinasabi mo, 'di ba?! What the hell is wrong with you, Grie?! Are you out of your fucking mind?!"

Nagtangis ang kaniyang panga. Nilapitan niya ako at marahas na hinablot ako sa magkabila kong braso. Napa-igik ako dahil sa sakit. Ramdam ko kung gaano kahigpit ang paghawak niya sa akin.

"Wala akong ginagawa sa kapatid mo, Saki. Hindi ako ang nagsumbong sa pulis," Mahina lang ang boses niya at tila ba galit pa siya.

"Hindi lang naman kasi siya ikukulong, eh..." Napahagulhol ako. "Papatayin siya ng gobyerno, Grie..."

Hindi ko na alam kung ano ang una kong iisipin. Hindi ko na alam kung nagsisinungaling ba siya o hindi dahil wala akong gana na basahin pa siya.

Wala akong mapapala sa kaniya.

Napahikbi nalang ako at napaiwas ng tingin sa mukha niyang kahit sa panaginip ko ay pinipeste ako.

Ang tanging nararamdaman ko nalang ay ang mahigpit niyang paghawak sa mga braso ko. Masyado siyang malakas para hawakan ako ng ganito kahigpit. Nakakalimutan niya na yatang hindi ko siya kaya...

"Y-You're hurting me..." bulong ko, "B-Bitiwan mo na ako. Masakit na..."

Agad niya akong binitiwan.

Nilagpasan niya ako at lumabas siya ng kuwarto. Nadinig ko pa ang paglock ng pinto ngunit nanatili lang akong nakatayo. Wala na akong lakas para magsisisigaw na palabasin niya ako rito.

"You're hurting me," muling bulong ko saka marahang umupo sa sahig.

Napahawak ako sa mga braso kong unti-unting mas humahapdi.

****

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 51.8K 59
C O M P L E T E D Trigger Warning: anxiety attack, depressive episodes, rape content, physical abuse, psychotic episodes, eating disorder, child abus...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
1.1M 51.8K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.