My Contract Boyfriend [PUBLIS...

By longlostwriter

5.3M 69.1K 7.6K

A story of a boy and a girl who signed a contract without knowing the consequences. More

My Contract Boyfriend
1
2
xMCB 3x
xMCB 4x
xMCB 5x
xMCB 6x
xSpecial Updatex
xMCB 7x
xMCB 8x
xMCB 9x
xMCB 10x
xMCB 11x
xMCB 12x (Part Two)
xMCB 13x
xMCB 14x
xMCB 15x
xMCB 16x
xMCB 17x
xMCB 18x
xMCB 19x
xMCB 20x
xMCB 21x
xMCB 22x
xMCB 23x
xMCB 24x
xMCB 25x
xMCB 26x
xMCB 27x
xMCB 28x
xMCB 29x
xMCB 30x
xMCB 31x
xMCB 32x
xEPILOGUEx
MAY BOOK 2 BA ITO?
REAL BOOK NA ITO!

xMCB 12x (Part One)

117K 1.6K 86
By longlostwriter

xxxxxxxxxxxxxxxx

Chapter 12( Part One):

August 24

Thursday

Joanna Eliza's POV

Ang buhay ng tao, walang script. Hindi mo malalaman kung ano bang takbo ng buhay mo. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari, at kung anong pwedeng mangyari. Hindi ka pwedeng umatras kung ang papel na ibinigay sa'yo ay hindi mo kayang panindigan.

Tama nga siguro sila, dumarating ang mga bagay-bagay kung kelan hindi mo inaasahan.

At ito ang sitwasyon ko ngayon. Hindi ko man lang nahalata na siya pala ang taong hinahanap ko. Siya pala ang kapatid ko.

"Mauna na ako ha? Bye!" niyakap niya ako.

Siya nga. Siya nga ang kapatid ko. Kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

Sigurado ako, siya nga.

Lumabas na sila at kanya-kanyang nagsakayan sa kotse nila.

Macky.

Macky salamat naman at nakita na kita.

xx

"Sissy gumising ka na please!"

Minulat ko ang mga mata ko. Tatlong mukha ang nasa harap ko. Sina Mich, Yhanna at Nathan.

Macky.

Si Macky.

"Anong nangyari?"tanging sinabi ko.

Ang huli kong natatandaan, nasa gate ako at pinapanuod ang umaalis na mga sasakyan.

"Nawalan ka bigla ng malay. Ayos ka na ba?"inalalayan ako ni Nathan sa pag-upo.

"Jan nag-alala kami sa'yo. Ano bang nangyari?"sabi ni Mich.

"Sissy, okay ka na ba?"sabi ni Yhanna.

"Si Macky."

"Ah oo nga pala. Macky Jino Cruz ang totoong pangalan ni Jin."sabi ni Nathan. Sa sinabi niya na iyon tumulo na ang mga luha ko.

"S-Si Jin. Kapatid ko siya. Siya ang nawawala kong kapatid. Siya yun." All this time. Kaya pala ang gaan ng loob ko sa kanya. Kaya pala kahit may pagkaisip bata siya natitiis ko pa rin. Kaya pala tinuturing ko na siyang kapatid dahil kapatid ko pala talaga siya.

"Eliza, sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?"sabi ni Nathan.

"Oo sigurado ako. Macky Jino Montenegro ang pangalan ng nawawala kong kapatid. Isang taon ang agwat namin sa isa't isa. Ilan taon na ba si Jin?"

"If I'm not wrong, 16 pa lang siya. Nag-advance siya dahil matalino siya."sabi nito. Lalo akong umiyak.

"18 na ko. Siya nga ang kapatid ko. Kailangan ko na siyang makausap." tumayo na ako sa kama pero pinigilan ako ni Nathan.

"Huwag muna. Maghanap muna tayo ng proweba."

"Proweba? Nathan naman! Alam mo kung gaano ko hiniling na makita siya! Na makasama siya! 16 years! 16 years ko siyang hindi nakasama!" patuloy na sa pag-agos ang luha ko. Lumapit sina Yhanna sa akin at pinapatahan ako.

"We don't know if Jin can handle such information like this. Gugustuhin mo bang masaktan siya sa mga nangyayari?"

Si Jin masasaktan? Ang bunso kong kapatid.

Napaupo na lang ulit ako sa kama ko.

Naninikip na ang dibdib ko. Anong gagawin ko?

Ang gusto ko lang naman ay ang makasama siya. Ang makilala niya ako bilang ate niya. Totoong ate niya.

"Jin is the only child of Mr. and Mrs. Cruz. Mahal na mahal ni Jin ang mga magulang niya kaya baka hindi niya kayanin kapag nalaman niya na hindi pala siya tunay na anak ng mga ito."pagpapaliwanag nito. Pero paano naman kami? Mahal din naman namin siya ah? Gusto din namin siyang makasama.

"Ano ang plano mo, Nate?"sabi ni Mich.

xx

"May inaasikaso lang si Sir at Madam. Kung maaari daw po, pakihintay na lang muna sila ng mga ilang sandali." naglapag sila sa table ng apat na tasa at tea.

Tama ba 'tong plano ni Nathan? Kailangan ko ba talagang kausapin ang mga magulang na kumupkop sa kapatid ko?

Maya-maya may naririnig na kaming yabag ng mga paa mula sa hagdan.

"Oh Nathan, hijo gusto mo daw kaming makausap? May nangyari bang masama?"sabi ng lalaki na nasa edad 40 na siguro.

Tumayo kami mula sa pagkakaupo.

"Ah Tito Carlos, Tita Gina.. Hindi po ako ang gustong kumausap sa inyo." tumingin si Nathan sa akin. Senyas ito na ako na ang magsasalita.

Nagbow muna ako bago magsalita.

"Ako po si Joanna Eliza Montenegro."

"Maupo na muna tayo."sabi ni Mrs. Gina.

Umupo na kami at sinalinan ng tsaa ang bawat tasa na nasa table.

"Anong maitutulong namin sa iyo?" sabi ni Mr. Carlos.

Uminom muna ako ng tsaa at nag-ipon ng maraming lakas ng loob.

"May nawawala po kasi akong bunsong kapatid."pagsisimula ko.

"Eh diba ikaw ang bunsong anak ng mga Montenegro?"sabi ni Mrs. Gina.

"Hindi po namin ipinagsabi para mahanap namin agad siya."pagpapaliwanag ko. Ayaw kasi naming mging tampulan ng chismis ang pagkawala ng kapatid ko.

"Nakita niyo na ba?" tanong ni Mrs. Gina.

"Opo."matipid kong sagot.

"Sino? Kasama niyo ba?"hinahanap ni Mr. Carlos kung may kasama ba kami.

"Si Macky po. Macky Jino."

Halata sa mga mukha nila ang gulat. Si Mrs. Gina tumulo na ang mga luha.

Binuksan ko yung pouch ko at inilabas ang medyas na lagi kong dala-dala. Kapag kasi dala ko ito, naiisip ko na kasama ko siya.

Tumayo si Mrs. Gina at may kinuha sa cabinet sa may sala nila.

Isang maliit na medyas. Katulad nang lagi kong dala-dala. Isa lang ang ibig sabihin nito.

Siya nga ang nawawala kong kapatid. Siya nga ang matagal na naming hinahanap. Siya nga at wala ng iba.

Tumutulo na ang mga luha ko.

Si Jin nga ang kapatid ko. Siya nga.

Ang taong kamakailan ko lang nakilala.

"Parang awa niyo na po. Sana po matulungan niyo po kaming maipaliwanag ito sa kanya."hinawakan ko ang kamay ni Mrs. Gina. Gusto ko ng makasama ang kapatid ko.

"Matagal na naming hinahanap ang tunay niyang mga magulang dahil gusto rin naman naming makilala niya ang mga ito, pero sa tuwing may nakukuha kaming ebidensiya o tao na nakakaalam, naglalaho na lang ito bigla."

Iyon din ang mga nangyari sa paghahanap namin. Kapag may ebidensya nawawala. Pati nga mga nurse na incharge nung panahon na nawala ang kapatid ko nawawala na lang daw bigla sabi ng mga tinatanungan ni Kuya.

"Pareho din po tayo ng sitwasyon."

"Kung ganoon, sino ang may pakana ng lahat ng ito?"pagtatanong ni Mr. Carlos.

"Sa tingin ko po, ang mas mahalaga ngayon ay ang pasabi natin kay Jin ng mga bagay tulad nito."sambit ni Nathan.

Tama siya. Ang mahalaga ngayon, nakita na siya. Siya ang dapat naming intindihin ngayon.

Sina mommy, dapat malaman na nila ito.

xx

"Nasaan siya? Pwede ko ba siyang makita? Nasaan ang anak ko? Macky? Macky nandito na kami! Macky?" si mommy na umiiyak na pumasok sa bahay ng pamilyang Cruz.

Humahagulgol siya na hindi mapakali. Pinagmamasdan niyang mabuti ang bahay at nagbabaka-sakaling nandoon si Macky.

"Mom it's not the right time to act like this."dumating na rin pala si Kuya galing ibang bansa.

"Wala siya dito. Nandun siya sa maggagawa ng suit niya na gagamitin para sa event nila bukas."sabi ni Mr. Carlos. Kaya pala pinatawag siya kanina nang nagngangalang John.

"P-Pwede ka bang magkwento tungkol sa buhay ni macky?"may halong lungkot ang hiling ni mommy ng makaupo kami sa sofa nila. Medyo nawawala na ang paghehesterikal ni mommy at kumakalma na din.

Kinuha ni Mr. Carlos ang isang photo album. Album ni Macky mula nung bata pa siya.

"Masayahin na bata si Jin. Kapag nakita ka niyang malungkot, gagawa siya ng paraan mapasaya ka lang. Hindi siya nagtatanim ng sama ng loob. Gusto niya, kapag may problema, pag-uusapan agad. Lahat ng kasambahay namin dito, kasundo niya." Napapangiti ito habang ikinukwento sa amin. Pero sa bawat pagngiti niya may luhang pumapatak mula sa mata nila. "B-bawat magulang hihilingin na maging anak siya."

Minahal niya talaga ang kapatid ko. Alam ko 'yun at ramdam ko dahil sa kung paano niya ikwento at ipakitang mahal na mahal nila ito.

Masasabi kong maganda talaga ang pakikitungo nila sa kanya. Naging mabuting tao ang kapatid ko.

"Meron sana akong hihilingin sa inyo."sabi ni Mrs. Gina.

"Lahat gagawin namin lalo na't pinalaki niyo siyang mabuting tao."sagot ni Daddy.

"Wag niyo siyang ilayo sa amin. Mahal na mahal ko si Jin. Halos lahat ibinigay ko sa kanya. Hindi ko siya tinuring na iba. Ayokong mawala siya sa akin. Kahit konting oras lang, ayos na sa akin basta makita ko lang siya araw-araw."hiling ni Mrs. Gina. Hinawakan nito ang kamay ni mommy at nagmakaawa.

"Gina.. Di ba't pinaghandaan na natin ito dati pa? Alam nating mawawala rin siya sa atin. Hindi siya sa atin. Hindi natin siya tunay na anak." hinihimas ni Mr. Carlos ang likod ng kanyang asawa.

Patuloy lang itong lumuluha katulad ni mommy. Pareho silang ina kaya hindi ko sila masisi kung nasasaktan sila ng sobra.

Si Mommy na biological mother ni Macky at si Mrs. Gina na kinilalang ina ni Jin. Magkaiba man sila kung tutuusin pero pareho lang ang gusto nila. Ang makasama si Macky. Ang hindi siya mapahamak at maging masaya ito.

*PLAAAAK*

Napatingin kami sa lugar kung saan may nahulog na kung ano.

"Jin."

xxxxxxxxxxxxxxxxx

Saranghaeyo ❤

Ms. Kim ツ

Continue Reading

You'll Also Like

5.3M 273K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
601K 38K 55
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
4.8K 72 17
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...