Knight in Shining Abs

By JFstories

16.2M 412K 136K

"Iiyak ka pa sa akin, mamahalin mo pa ako ulit at lolokohin pa kita ulit kaya hindi pa ako pwedeng mamatay."... More

Prologue
CLOUD ROAK DEOGRACIA
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Final Chapter
EPILOGUE
BLACK OMEGA SOCIETY

Chapter 14

428K 11.8K 4K
By JFstories

Chapter 14


"WHAT the hell is wrong with you?!"


I ordered myself to stay cool as I eyed the man who gave me this fuc king awesome life.


Si Don Manuel Crassus Deogracia. The great philanderer.


"You didn't attend the meeting again!" He shouted.


"What's new?" I asked calmly. This is the best way to annoy him, by staying calm. "I never attended any meeting that you want me to attend to."


His face turned red. "This is for your future! It will benefit you in the end!"


This is enough. Iniunat ko ang aking paa sa center table at pinagsalikop ang aking mga palad. "I don't need anything from you." I said to him. Nakapagtatakang umiksi bigla ang pasensiya ko sa matandang ito. "Just leave me alone, will you?"


His eyes widened in disbelief. Dinuro ako ng daliri niyang may malaking bato na hula ko ay higit pa sa milyon ang halaga. "Ingrato! Mabuti sana kung hindi nananalaytay sa ugat mo ang dugo ko!"


I rolled my eyes and gave him a naughty grin. "Utang na loob ko ba sa'yo iyon?"


Tumayo ako mula sa sofa. Ang aga-aga pupunta siya rito sa place ko just to nag me? At ipangalandakan sa akin ang utang na loob kong nabuo ako sa mundong ito dahil sa kapabayaan niya? Pumamulsa ako at hinarap ang lalaking pinagkakautangan ko ng aking buhay.


"This is for you! Para sa inyong magkakapatid! Kayo ang magmamana ng lahat ng pinaghirapan ko! Ng mga ari-arian ko! Tonto del culo!"


"How many times do I need to repeat this to you? I. DONT. NEED. YOUR. MONEY!" I have my own money at hindi ko kailangan ni isang kusing na magmumula sa kanya, so why bother?


Umismid siya. "Anong klaseng pagpapalaki ang ginawa sa'yo ng ina mo?"


"Tang inang 'to, ah." I whispered under my breath.


Dagli siyang napahawak sa kanyang dibdib. Shock was written all over his face. "What did you just say?"


Kahit na may galit ako sa sarili kong ina ay hindi ko pa rin matatanggap na ito pang mismong taong ito ang iinsulto sa kanya. "Wag mong idamay si Mommy sa init ng ulo mo sa akin! At 'wag mo akong matawag-tawag na ingrato, dahil maliban sa semilya ay wala ka ng naiambag sa akin hanggang sa maabot ko ang edad na ito!"


"Te puta madre!"


Tinabig ko ang vase na nasa ibabaw ng center table. "Asikasuhin mo ang mga anak mo kay Isadora at 'wag mo akong papakialaman!"


"Dad! Cloud!" Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang panganay kong kapatid sa ama ni Michael Angelo Deogracia.


Sa kasamaang palad ay isa lang ang naging anak niyang lalaki sa tunay niyang asawa, isa sa mga dahilan kung bakit pinipilit niya ako ngayong tulungan siya sa pag-aasikaso sa marami niyang negosyo.


"Isa pa 'to, tsk!" Bulong ko at nai-stress na ikiniling ang aking ulo para masahiin ang batok ko.


"Pagsabihan mo iyang bastardong iyan!" Sigaw ni dad saka nagma-martsang iniwanan kami ni kuya M.A.


"'Tangina talaga." Pasalampak akong bumalik sa sofa.


"Cloud!"


"What?" I looked at him, annoyed.


"Hindi ka dapat ganoon makipagusap kay Daddy. Matanda na siya at mahina na." Malumanay ngunit may diing pangaral niya sa akin.


Sumimangot ako. "Kaya kailangan niya ako? Kailangan niya na ako ngayon dahil mahina at matanda na siya?"


"Alam mong hindi totoo iyan."


"Out." Itinuro ko ang pintong nilabasan ng ama namin.


Sumasakit na ang ulo ko sa ilang gabing wala akong tulog. Nawawala na rin ako sa sarili ko at parang may kung anong humahatak sa akin para gawin ang lahat ng paraan para maging busy at makalimot ako sa di ko malamang dahilan. Sunod-sunod ang trabahong tinanggap ko nitong mga nakaraang araw. Sa sunod-sunod na trabaho ay pagod na pagod ang katawan ko.


"Cloud." Pero imbes na sundin ako ay naupo siya sa kaharap kong upuan.


"Just get out, please." Isinandal ko ang likuran ko sa sandalan ng sofa at saka pumikit.


"What's bothering you these past few days?"


"Huh?" Idinilat ko ang isa kong mata.


"You're not that temperamental. Hindi agad nauubos ni Dad ang gahibla mong pasensiya, what happened now?"


Bakit nga ba? Tanong ko rin iyan sa sarili ko.


"I'm just tired."


Tumango-tango siya at pagkuwa'y tumayo na rin. "We'll talk some other time. Palamigin mo muna iyang ulo mo at lutasin ang kung ano mang bumabagabag sa'yo. Ang tanging gusto lang naman ni Dad na mangyari ay ayusin mo ang buhay mo."


"Tsss."


He grinned at me na tila ba may kung ano siyang nababasa sa akin. "I guess it's about time for you to find someone to love, brother. Believe me, true love will change your life."


Someone to love? Nakaramdam ako ng pait sa sinabi niyang iyon. What the heck would I bother to find someone to love?


"Love is an angel disguised as lust." I said. "Kahit sinong matipuhan ko na gustong sumama sa akin sa kama ay papaligayahin ko. Why would I settle for one woman if I can have many as I want?"


"You're not a fuck ing machine, brother." Napatawa siya. "One of these days, you'll meet a girl that will going to turn you down." He added.


I rolled my eyes. "Hell, t'will never happen."


"I'm gonna wait for that day." Aniya bago ako tinalikuran.


Hell, no!


Bakit ba nila pilit pinapakialaman ang buhay ko!


Tumunog ang telepono sa aking tabi. Naiiling na kinuha ko iyon. Kung trabaho ang sadya nito ay hihindi muna ako, masyado na akong worn out these past few days and I think I'll be needing a rest bago umoo muli.


"Yes, hello?"


"Hello, pretty boy! It's me, Alde Rose Gaviola! Missed me? It's been a long time, huh! Anyway I'm back in the country."


Oh my long time fu ck-buddy. Isa sa mga paborito kong binabalik-balikan. We've known each other since college.


"What's up, hon?" Isa sa mga model ng Red Mag si Alde.


"Oh, I'm gonna ask you out later if you're not busy. You know, I miss you so damn much." 


Napangisi ako. Sakto, hindi na pala ako maghahanap.


Muli akong sumandal sa sandalan ng sofa at saka nakangising pumikit. "You know me, I am always free."


"That's good! Be my escort tonight, pretty boy! Alam kong miss na miss mo na rin ang alindog ko."


Kung ano mang bumabagabag sa akin ay mawawala rin. Kulang lang ako sa romansa.


It's time to have a good time again, I will get laid tonight. This is my life. And this is me. I don't need someone, because I can have many as I want.


And yes, I am a fuc king machine.




DANICA's


Panay hila ko sa may kaiksian kong color peach sequined dress. Pa-spaghetti iyon, litaw ang balikat at open ang likuran pero may dala akong balabal. Naka-stiletto naman ako sa aking paahan, kulay itim na heels. Nakalugay ang buhok ko na naka-curl nang kaunti sa laylayan.


Inayusan talaga ako nina Jen bago kami pumunta rito sa party. Gustong-gusto rin ni Ate Rosenda na pumunta ako, para naman daw makalabas ako dahil nakikita niya na nagmumukmok lang ako sa condo. Kahit hindi magsalita si Ate Rosenda, alam ko naman na may hinala na siya na may pinagdadaanan ako.


Pinagdadaanan katulad ng pagka-stress sa pag-aaral at dumagdag pa ang kaguluhan ng puso. Matinding combination iyon. Mabuti na lang at naigapang ko pa rin ang grades ko sa exam. Kahit anong mangyari sa lovelife ko, hinding-hindi ko iyon hahayaang maapektuhan.


"Guwapo iyong pinsan ko," ani Jen. Isa pa sa dahilan kaya pinipilit nila akong sumama ay dahil may ipapakilala nga raw si Jen sa akin.


Problemado rin kasi ang mga kaibigan ko dahil alam nilang ininda ko ang paghihiwalay namin ni Cloud. Galit na galit sila sa binata ng malaman nila ang mga nangyari.


"Hindi ko naman kailangang makipagkilala kahit kanino," nakangusong saad ko. "Happy naman na ako sa inyong dalawa."


"Pwes, hindi kami happy na palagi kang tulala. Saka makikipagkaibigan ka lang naman sa pinsan ko," ani Jen. "Isa pa, gusto naming makalimutan mo na ang bad na Cloud na iyon, ano!"


Umakyat kami sa yate kung saan ginaganap ang party. Birthday iyon ng isang pianist na galing sa US, malayong kamag-anak iyon ni Jen.


Maraming tao sa malaking yate, bumabaha ng inumin at mga pagkain. Lahat ng bisita ay mayayaman. Marami kaming nakasalubong na guwapo sa daan pero wala isa man sa mga iyon ang nakapukaw ng atensyon ko. Ni hindi ko ma-appreciate na guwapo sila kung di pa sabihin sa akin ni Grace.


Kumuha si Grace ng finger food sa dumaang unipormadong waiter habang umiindak siya sa tugtog. Maingay ang paligid ngunit tumahimik iyon ng tawagin iyong celebrant.


Napahawak naman ako nang mahigpit sa aking sling bag nang mapatingin ako sa parehang nakaupo sa dulo ng yate.


Mas unang umagaw ng pansin ko ang babaeng halos kumalong na sa lalaki. Iyong babae pa, kaparehas ng suot kong dress! Nanigas ako nang umayos ng upo iyong babae sanhi para mas makita ko nang maayos ang mukha ng kasama nito.


Ang pinakahuling taong nais kong makita!


Siya si Cloud Deogracia! Siya iyong kasama nung babaeng kapareho ko ng suot! Hindi ako maaaring magkamali na si Cloud iyon.


He's in a perfect-cut designer suit. White polo shirt, white pants, and white shoes. Iyong signature attire niya.


Marami siyang puting damit at lahat iyon ay bagay na bagay sa kanya. Napakalinis niyang tingnan na parang isang anghel. Nagliliwanag siya sa dilim at kahit mula sa malayo ay siya na agad ang iyong mapapansin.


Tumayo siya mula sa malapad na sofa kasunod ang babaeng kasama. Nakangiti sila na para bang nakakatuwa ang kung ano mang pinag-uusapan nila.


Ang mapanga niyang mukha na may perpektong mga mata, matangos na ilong at mapulang labi ay nakakahibang. Handsome was too tame to describe him. Higit pa siya ron. Higit na higit pa ron.


Paano niya nagagawang tumawa at magsaya matapos ang paghihiwalay namin? Ganoon ba talaga kadali iyon sa kanya? Talaga bang hindi ako kawalan para sa kanya?


Bumaba ang ulo ni Cloud patungo at saka masuyong hinalikan ang nakalitaw na balikat ng babaeng ka-date. Pabiro naman siyang hinampas ng babae at muli ay nagtatawanan na naman sila.


Nabura ang ngiti niya nang mapatingin siya sa gawi ko.


Napapitlag naman ako ng may pumisil sa aking kamay.


"Tara na, uy!"


"Ha?"


"Naririto rin pala si ulap." Nakairap na sabi ni Grace. "Tara na nga!"


"Doon tayo sa reserved table sa dulo. Pinahanda ko talaga iyon para sa atin."


Nahawi ang mga tao nang umupo iyong celebrant at tumugtog ng piano para sa mga bisitang naroroon. Sa tabi nito ay may nakatayong lalaki at nakahandang kumanta.


Pinagpawisan ako nang malapotsa kaalamang nasa iisang lugar kami ni Cloud. Bakit ba napakaliit ng mundo para sa aming dalawa?


"He's old, Danica," nakasimangot na ani Grace. "You're only 19 and he's what? Uhm, I think Cloud is 28? 29?"


"Stop mentioning him," sita ni Jen kay Grace. "Our dear friend here is not happy hearing her ex's name."


"Hmp." Umirap si Grace. "Gusto ko lang ipaalala sa kanya ang mga karumal-dumal na dahilan para kalimutan niya na ng tuluyan ang ulap na iyon. Una, mas matanda iyon, mayabang, babaero, sinungaling, walang modo at antipatikong kulugo!"


Lumabi ako. "Over." Kahit galit ako kay Cloud, still sa totoo lang dapat.


Ang guwapong kulugo naman ni Cloud!


"Ipagtatanggol mo pa? Akala mo di ko alam na narito iyong hinayupak na iyon?" Saad ni Grace. "Nauna ko pa siyang nakita bago mo siya mapansin. Naku, sino ba ang di makakapansin sa kanila nong ka-date niya? Kulang na lang magsex sila don sa sofa, eh! Kadiri!"


"My cousin is here," excited na sabat ni Jen sa amin ni Grace.


Napatigil ako sa pagnguya ng mga finger food sa mesa. Umangat ang mukha ko sa lalaking lumapit sa amin.


"Cousin ko, si Ryan." Hinila ito ni Jen paupo sa tabi ko.


"Hello, ladies!" Ngumiti ang lalaki at lumabas ang magkabilang dimple nito. "I'm Ryan Mendoza."


Guwapo iyong lalaki. Mukhang mabait. Pero dala na ako sa mga mukhang mababait pero nasa loob pala ang kulo. Mga tipong mukhang anghel lang sa panlabas na kaanyuan.


"Grace is already taken," pabirong sabi ni Jen sabay kindat sa akin. Pinamulahan naman ako ng mukha.


Tumitig sa akin ang itim na itim na mga mata ng lalaki. "Oh, hi!"


"'Couz, how old are you na ba ngayon?"


"Hmn, 21."


Pumalakpak si Grace. "Oh! Anyway, Danica is 19."


Napatungo na lamang ako sa hiya at saka inabala ang sarili ko sa pagkain. Tumayo saglit si Ryan para hanapin ang waiter. Ilang saglit lang ay bumabaha na ng pagkain sa mesa namin. Habang kumakain ay nagku-kuwentuhan sina Ryan at Jen.


Panay ang pagtatanong ni Jen sa lalaki ng mga magagandang bagay na na-achieve nito sa buhay. Kagaya ng pagtatapos nito ng pag-aaral na may karangalan. Pagiging responsable nitong anak sa mga magulang at kung anu-ano pa. Si Grace naman ay panay segway tungkol naman sa mga katangian ko. Kesyo magaling daw akong magluto kahit hindi naman.


"Ano bang ginagawa niyo?" sita ko kay Jen ng sandaling tumayo si Ryan dahil may dumating itong kakilala. "Bakit binibenta niyo ako roon sa tao? Nagmamadali kayo? Bakit may lakad kayo?"


"Why not? Getting to  know pa lang naman, ah? May masama ba? Hija, enjoy life. Wag mong buruhin ang sarili mo sa pagmumukmok dahil lang abnoy iyong ex mo."


Itinirik ko ang mga mata ko. "Girls! May three-month-breakup rule, noh! Wala pang isang lingo -"


"Eh, bakit si Deogracia? Mukha ngang isang oras palang ay pinalitan ka na niya!"


Napailing na lamang ako habang nakikinig sa awiting sumasaliw sa mabining tunog ng piano. Para akong nahahati sa maraming piraso habang tahimik lang ako sa aking kinauupuan.


One-sided love broke the see-saw down

I got to get rough when I hit the ground

And you went your way and I went wild

And girl, you'd understand if your heart was mine

If we had an exchange of hearts

Then you'd know why I fell apart

You'd feel the pain when the mem'ries start

If we had an exchange of hearts..


"Danica! Care for a dance?"


Napatingala ako nang may kamay na humarang sa paningin ko.


"Ah..." Nakabalik na pala si Ryan at ngayo'y nakalahat ang palad sa akin.


Siniko ako at binulungan ni Jen. "Do you want to have your pride back? Well, this is your chance, girl! So go and get it!"


Wala na akong nagawa nang ipagtulakan na ako ng mga kaibigan ko. Saka kaysa kulitin pa nila ako, pagbibigyan ko na lang ng isa.


Nakangiting inalalayan ako ni Ryan hanggang sa gitna ng mga nagsasayawan.


Ipinatong niya ang mga braso ko sa balikat niya habang ang maiinit niyang mga palad ay nakahawak sa aking bewang sa magaang paraan.


When time turns the tables and soon I'll be able

To find a new romance

And then you'll remember my love warm and tender

Too late for a second chance..


"When people walked away from you, just let them. Hindi sila aalis sa kahit anong dahilan kung ayaw ka talaga nilang iwan."


Umangat ang mukha ko nang magsalita si Ryan.


"Ano bang sinasabi mo?"


"There's still sadness in your eyes..."


"Ha?" Umawang ang mga labi ko nang gahibla na lang pala ang pagitan naming dalawa.


"It seemed that you're still not able to move on, are you? You're very pretty, Danica, you don't deserve him."


"Teka nga?" Doon ako nahimasmasan. Bahagya akong lumayo sa kanya.


"Sorry."


"You know about my past relationship?" galit na tanong ko.


"Yes. Jen told me," amin niya na mababang boses saka hinawakan ang isang kamay ko. "Actually, we've been texting each other since Tuesday. Aksidenteng napunta iyong topic sa'yo, nabanggit niya ngang problemado ang kaibigan niya because of her lovelife."


"Nakakahiya." Napailing na lang ako habang sa isipan ko ay sinasakal ko na si Jennel.


"You have nothing to be ashamed of." Muli niya akong hinapit palapit sa kanya.


Nakadalawang tugtog rin na nagsayaw kami ni Ryan nang mag-iba ang pakiramdam ko. Iyong parang may mainit na mga matang nakatitig sa akin. Pasimple kong inilibot ang paningin ko sa paligid at napahinto iyon sa gawing kanan namin.


Cloud and the woman in the same dress as mine are on our side. Nagsasayaw rin sila!


Kanina pa ba sila sa tabi namin?


Panay ang kuwento nong babaeng kasayaw ni Cloud pero tila wala rito ang atensyon ng lalaki, nakabaling sa iba ang paningin. Napasinghap ako nang makitang sa akin nakapako ang mga mata ni Cloud.


Kanina pa ba siya nakatingin?


Galit ba talaga ang nakikita ko sa mga mata niya?


"Are you okay? Your hands are cold," bulong ni Ryan sa punong tainga ko.


"Magba-banyo lang ako, Ryan," paalam ko sa kanya.


"Okay, I'll wait for you at our table."


"Thanks."


Pagpasok ko sa banyo ay nagkulong muna ako sa cubicle ng ilang minuto. Para akong sinisilihan. Bakit ba ang laki ng epekto sa akin ng titig na iyon?


Wala na kami.


Wala na... pero bakit ganoon siya makatingin sa akin?


Bakit kung tingnan niya ako ay parang niloloko ko siya?


Inayos ko ang aking sarili at saka ako lumabas ng banyo. Maraming tao sa labas at para akong mahihilo sa pagka-crowded ng paligid.


Paliko na ako pabalik sa table namin nang maramdaman kong may bumubunggo sa tagiliran ko, sa pagkahilo ko ay marahan kong itinulak ang malambot na bagay na tumatama sa akin.


"What the hell you just did?" Isang matinis na boses ang nagpabalik sa lango kong isip.


Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin ako sa tabi ko. Isang babaeng galit ang ekspresyon ang nakita ko. Nakahawak ito sa mesa at parang muntik nang masubsob doon.


Ito pala ang naitulak ko!


"Pasensiya na..." 


Mas lalo akong nahiya nang makilala ko ito, ang babaeng ito ang ka-date ni Cloud.


Nanlisik ang mga mata ng babae. "Pasensiya?! You..."


Napatungo ako nang makitang parating si Cloud.


"What's happening here?"


"That bitc h! Itinulak niya ako!" Akmang hahampasin ako ng pouch ng babae.


"Stop it, Alde." Pigil ni Cloud sa braso ng babae. "Hindi naman niya siguro sinasadya."


"Anong hindi? Di mo ba nakita? She pushed me!"


"Ganyan talaga ang mga kabataan ngayon, magagaslaw. Hindi naman niya siguro gustong itulak ka talaga, besides I see no reasons for her to do that. Right, miss?" Tumingin sa akin si Cloud.


"I'm sorry talaga..."


Pero mukhang ayaw pa ring paawat nung Alde. "Maybe she's insecure! We have the same cocktail dress, baby!"


"You're sexier." Ani rito ni Cloud at saka ito hinapit sa bewang.


Ngumuso at nagpa-cute naman si Alde rito. "I know, right? Hmp!"


"'Wag ka ng magalit." Hinila na ito papalayo ng lalaki.


Nag-iinit ang pisngi ko habang habol ng tingin ang dalawa.


"Malditang iyon, ah!" Nasa likuran ko na pala sina Grace at Jen.


"Pasalamat siya nahuli kami, kundi itutulak talaga namin siya palabas ng yateng ito, impaktita siya!"


"Are you okay?" agad na tanong ni Grace sa akin. "Sinaktan ka ba niya?"


Umiling ako. "Nabunggo ko kasi siya, akala niya sinandya ko."


"Impakta naman talaga iyang Alde Rose na iyan."


"You know her?" Napatingin ako kay Jen.


"Mutual friend lang."


"Pahintay na lang sa table natin. Magbabanyo lang ulit ako." Lilinisan ko lang iyon laylayan ng damit ko na nabasa rin kanina.


Ihinatid ako nina Grace sa banyo at sinabing maghihintay sila sa table namin. Magpapaalam na rin muna sila kay Ryan.


Sa loob ng banyo ay naghilamos din ako. Napailing na lang ako nang muli kong maalala ang nangyari kanina.


"Ay!" Nauntog ako sa matigas na bagay na biglang humarang sa daraanan ko.


"Danica." Isang pamilyar at baritonong boses ang nagmula sa kinauntugan ko.


Isa pala iyong dibdib ng lalaki.


Nanlaki ang aking mga mata nang tingalain ko ito. "Cloud... a-anong..."


"So you're dating Ryan Mendoza, huh?" Anito na walang emosyon ang guwapong mukha.


Napatitig ako sa kanya. Bakit feeling ko ay namayat si Cloud? Gayunpaman ay guwapo pa rin ito, ngunit tila may nag-iba sa kanya? Parang aburido at hindi mabiro ang aura niya ngayon.


Natigilan ako sa kanyang tanong. "Ryan?"


Oo nga pala, kasabay namin siya kanina sa dancefloor! Iniisip marahil ni Cloud na ka-date ko ang pinsan ni Jen.


Muli akong napatingin sa mukha niya. Nagkaroon ng saglit na emosyon ang mga mata niya, at kung di ako nagkakamali ay lungkot ang aking nakita ron.


Nagseselos ba siya?


"Bagay kayo." Aniya na ikinalungkot ko.


Mahina akong nagsalita. "Thank you."


JAMILLEFUMAH


Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
30.8M 532K 57
All that Cynthia ever wanted was to find a rich man to be her husband, but she started falling for Leo who was a handsome, naughty, and sweet colleag...
2.8M 23K 6
Life without Mandy Aguilar..
1.6M 52.9K 43
Nadia de Marco knew what she wanted in life and that is to be the most powerful woman in the country. Growing up in the Philippines, she knew that it...