I Like Potatoes

By Xamarande

37.5K 2.7K 520

Grie Mcfee Amberson is an adorable guy who loves potatoes so much, at talaga namang gagawin niya ang lahat pa... More

I Like Potatoes
Chapter 01: I Like Potatoes
Chapter 02: I Like Rubber Ducks
Chapter 03: I Like Chickens
Chapter 05: I Like Stripping
Chapter 06: I Like Leaving
Chapter 07: I Like Horror
Chapter 08: I Like Speaking
Chapter 09: I Like Jail
Chapter 10: I Don't Like This
Chapter 11: I Like Feelings
Chapter 12: I Like Breaking
Chapter 13: I Like Past
Chapter 14: I Hate Animals
Chapter 15: I Like Jumping
Chapter 16: I Love Prison
Chapter 17: I Don't Like "It"
Chapter 18: Look Away
Chapter 19: His gaze
Chapter 20: Out and free
Chapter 21: Never
Chapter 22: Head
Chapter 23: A Replacement
Chapter 24: Mother Figure
Chapter 25: Leaving Heaven
Chapter 26: It's a Surprise
Chapter 27: Birthday
Chapter 28: A Better Man
Chapter 29: The Insufferable

Chapter 04: I Like Sleeping

1.6K 161 26
By Xamarande

I Like Sleeping

Bagsak ang katawan ko nang makauwi ako sa apartment na tinutuluyan ko.

Pagkapasok ko ay agad na bumungad sa akin ang nakabukas na telebisyon. Nakapatay ang ilaw at sa sofa naman ay may nakaupo na lalaki. Nakatanggal na ang tuxedo niya at nakapatong iyon sa armrest. Tanging pang-itaas niya ay ang puting polo.

Agad na nawala ang pagod ko.

Ganito kaguwapong boyfriend ba naman ang aabutan mo sa apartment mo, eh.

"Sinasayang mo na naman ang kuryente ko, Ginger," sita ko sa kaniya. Agad na nilingon niya ako.

Damn those sexy green eyes. Kung makatitig akala mo may balak na higupin ang kaluluwa ko!

"Where have you been, woman?" seryosong tanong niya gamit ang malalim niyang boses.

Sus. As if naman kung ma-intimidate ako sa kagaganiyan niya, eh, sanay na sanay na ako.

Hinubad ko ang sapatos ko saka ako lumapit sa kaniya. Yumuko ako para halikan siya sa panga. I heard him groaned.

"Bullshit. Huwag mo akong hahalikan diyan kung ayaw mong mabuntis," bulong niya sa tainga ko tapos ay kinurot niya ako sa pisngi.

Natawa na lang ako at iiling-iling na umupo sa tabi niya. Agad na inakbayan niya ako.

"So, bubuntisin ako ng lalaking mahilig manood ng..." Bahagya akong natawa. "Spongebob Squarepants?"

"Bakit ba kasi? Cute naman si Spongebob, ah?" depensa niya pa sa kaniyang sarili. Napahalakhak ako. Ay, ewan. Ang laki-laking tao ang hilig sa cartoons!

Sumandal na lang ako sa balikat niya. Pero agad niya akong hinawi.

Nagtatakha kong tinitigan ang seryoso niyang mukha. Well, isang linggo kaming hindi nagkita pero gano'n pa rin naman ang hitsura niya. Ang sexy pa rin ng panga niya at maganda pa rin naman ang abuhin niyang mga mata. Matangos pa rin ang ilong niya at sexy pa rin ang labi niya. Maganda pa rin ang pagkakahulma ng kaniyang mga kilay.

Wala namang nabago sa kaniya pero kung makahawi 'tong isang 'to 'kala mo hindi kami mag-jowa!

"Change your clothes and rest. I can't concentrate here," aniya sabay turo sa doon sa pagitan ng mga hita niya habang ang paningin niya ay nakatutok pa rin sa telebisyon.

"Ang manyakis mo!" sigaw ko saka hinampas siya.

Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay, "Alam ko, matagal na."

"And you're proud of it, Mr. McGregor!"

"What? Being a pervert is one of my best assets."

Natatawang tumayo na lang ako. Iniwan ko siya ro'n sa sala. Bahala siya ro'n. Nababaliw na naman ang isang 'yon at walang magawa. Kailangan niya talaga si Spongebob ngayon para matahimik siya sa kamanyakan niya.

"Hoy, bumalik ka rito!" dinig kong tawag niya sa 'kin.

Tingnan mo, ang labo talaga!

"Tse! Manonod ka nalang ng Spongebob diyan!"

Mas gugustuhin ko pang manood siya buong maghapon kaysa sa sapian na naman siya ng kahalayan!

****

"May pasok ka, panget?" tanong niya habang ngumunguya. Umiling ako at sumimsim ng kape.

"Wala akong pasok, panget. Lilinisin ko 'tong apartment ko. Ginawa mo nang bahay, eh. Nahiya naman kasi ako sa nagbabayad ng renta, kuryente at tubig. Ang laki kasi ng bill," sarkasmong lintaya ko habang nakataas ang kilay sa kaniya.

Nginisihan lang ako ng buwisit.

"By the way, inubos ko na rin 'yong stocks mong pagkain. Nahihiya kasi ako," sabi niya sabay ngiti ng matamis. 

Tss.

"Anyways, gusto sana kitang tulungan maglinis dito pero may meeting ako." Natigilan ako ng biglang dumilim ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Meeting with Ambersons."

Bigla kong naibuga ang kapeng hinihigop ko.

Agad naman siyang tumayo at nilapitan ako. "You okay?"

"M-Mga Amberson ang ka-meeting mo mamaya?"

Shit! Bakit sa mga Amberson pa?! Paniguradong si kuya Caleb ang haharap sa meeting mamaya!

Negosyante ang gagong iyon at siya ang nagma-manage ng mga business nila habang iyong mga magulang nila ay nasa States. Isa pa, kilala rin niya na boyfriend ko si Gin!

Inilapit niya ang kaniyang labi sa 'king pisngi saka marahang bumulong. "Yes. And I don't like them."

E-Eh.

"I mean, no... I hate them. Especially that Grie." He gently kisses my cheek. "I hate your goddamn ex-boyfriend."

Napalunok ako. Hindi na ako nagsalita dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko. Pero teka. Ayokong magsinungaling sa kaniya kaya sasabihin ko na ang nangyayari. Naranasan ko nang pagsinungalingan. At ayokong iparanas iyon sa iba. Napakasakit kasi.

"About mga Amberson nga pala..." bulong ko. Yumuko ako at nilaro ang mga daliri ko.

"Hmn? Anong meron sa kanila?" tanong niya saka kumuha ng upuan at ipinuwesto sa harapan ko. Doon siya umupo.

"Nagkita kami ni kuya Caleb. Remember? Si kuya AC? Antonio Caleb Amberson?" Sinulyapan ko siya. Nakatingin lang siya sa mukha ko kaya nagsimula na akong magkuwento. Lahat ikinuwento ko. LAHAT. Walang labis, walang kulang. Pati iyong kabaliwan ni Grie ay ikinuwento ko. Pati iyong rubber duck thing.

Pero nanatili lang siyang tahimik hanggang sa matapos ako sa pagkukuwento. Nakatitig lang siya sa akin kaya kinabahan ako.

At sa totoo lang, siya naman talaga ang pangunahing dahilan kaya hindi ko tinatanggap ang gusto ni kuya Caleb.

"Sorry ngayon ko lang sinabi... hindi kasi kita maistorbo nitong mga nakaraang araw kasi nando'n ka sa kompanya m—"

"I love you." Napatigil ako nang bigla siyang nagsalita. Nakangiti na siya ngayon.

Bago pa ako makasagot ay agad na siyang nagsalita muli. "Akala ko ililihim mo sa 'kin ang bagay na 'yan."

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang mga daliri ko habang ako, eh, nakatunganga lang sa kaniya.

"Alam ko ang lahat ng nangyayari. Kaya akala ko ililihim mo sa 'kin," masuyong sambit niya saka tumayo para yakapin ako.

Napangiti ako at agad na gumanti ng yakap sa kaniya.

At isa pa.

Hindi ko gugustuhing maglihim sa kaniya. Dahil bago mo pa siya mapaglihiman, alam niya na agad kung ano ang ililihim mo.

Yes, cute ang name niya—Ginger Luis McGregor—pero hanggang doon lang iyon. He's dangerous especially when he's mad. Actually, hindi ko pa nararanasan iyong magalit siya. Pero hindi ko na gugustuhin pang maranasan, 'no. Nakakatakot kaya.

Saka naging katrabaho ko siya sa hospital noong baguhan pa lang ako. Isa siya sa mga doktor doon at minsan ko na siya nakitang mambugbog bago niya pa ako niligawan.

Wala, eh. Para siyang si Grie. Parehas silang mahilig mambugbog like Berna.

At oo, lapitin talaga ako ng mga guwapo.

Ate ko ba naman si ate Saica, eh.

****

"'Cause we've been on the run so long they can't find us. Who's gonna have to die to remind us. That it feels like we chose this blindly. Now I'm gonna fuck up a hotel lobby 'cause..." pakanta-kanta pa ako habang nagpupunas ng sahig sa kuwarto ko. Naglinis kasi ako kaagad nang makaalis si Ginger.

Minsan na lang din kasi ako makapaglinis dahil ang dami kong tina-trabaho. Isama pa iyong jowa kong makalat. Ginagawang tambakan itong tinitirahan ko.

Agad na tumayo ako nang matapos kong punasan ng basang basahan ang sahig.

Saktong paglabas ko ng silid ko ay gano'n na lang ang pagkagulat ko nang maabutan kong nakaupo sa sofa si...

"Jusko! Bakit nandito ka?!" gulat na sigaw ko. Putsa! Si Grie! Paanong...?!

BAKIT SIYA NANDITO?!

Nanatiling kalmado ang mukha niya. Sinalubong ako ng asul niyang mga mata. Nagtagpo ang paningin namin at hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa mga titig niya.

"Grie! Sinong nagdala sa'yo rito?!" pasigaw na tanong ko sa kaniya.

Ibinaba ko sa gilid ng timbang naglalaman ng tubig at basahan. Nagsisimula na rin kasi akong kabahan.

Pinasadahan ko ng tingin si Grie. Pambahay lang ang suot niya at mukhang wala siya sa sarili. Sows. Eh, lagi naman siyang wala sa sarili. Basta. Tanging T-shirt at pajama lang ang suot-suot niya. Pambahay lang talaga!

Agad ko siyang nilapitan. Habang lumalakad ako palapit sa kaniya ay napansin kong bumaba ang mga mata niya patungo sa bibig ko.

Hindi ko na iyon pinansin. Yumuko ako ng bahagya at hinawakan siya sa magkabilang braso. Inalog ko siya ng malakas pero nanatili lang ang paningin niya sa mga labi ko.

"Bakit ka nandito? Putsa. Hanggang dito ba naman hindi mo ako titigilan?"

Mabilis akong humiwalay sa kaniya. Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at gigil na tinawagan si Caleb. Ilang ring muna ang nagdaan bago niya sinagot ang tawag ko.

"Alam mo ba kung anong ginagawa mo, Antonio?!" bungad ko.

"Peste ka! Ano na naman ba ginawa ko?! Nasa meeting ako, hoy!" sigaw niya pabalik sa 'kin.

Bigla ko naalala na may meeting nga pala sila ng mga ka-business partners ni Ginger. I mean, hindi talaga business ang pinag-uusapan nila, at hindi ko rin alam kung ano iyon.

"Bakit nandito si Grie sa apartment ko?! Sinong nagdala sa kaniya dito?!"

"Malay ko! Siya ang tanungin mo!"

Grrr...

"Paano 'to sasagot, eh, pipi nga?!"

Utang na loob naman! Alas-otso pa lang ng umaga, oh!

"Pilipitin mo ang itlog para sumagot!"

"Tanginang 'to!"

Bigla siyang humalakhak ng malakas. Tuwang-tuwa talaga siya kapag nagagalit ako at minumura siya. Seriously? Anong meron sa pamilya na 'to? Parang lahat ng kasapi ng pamilya nila ay may saltik!

"Seryoso ako. Sunduin mo na siya rito. Magkakagulo kapag dumating na si Ginger." Sinulyapan ko si Grie na biglang nangunot ang noo.

"Hindi ko maintindihan. Nandiyan ba talaga siya? Imposible?"

"Basta kunin mo na lang siya rito, Caleb!"

Inis na ibinaba ko ang tawag. Napapakamot na nilingon ko ang puwesto ni Grie. Malaki itong apartment ko pero pakiramdam ko biglang sumikip dahil sa presensiya niya.

"Kumain ka na ba?" tanong ko saka nilapitan siya. Hindi na naman siya kumibo. Nakapirmi lang sa akin ang mga mata niya kaya medyo naiilang ako.

Aksidenteng dumako ang paningin ko sa mga paa niya.

Natutop ko ang bibig ko nang makita kong may mga sugat siya ro'n. Medyo madumi rin ang paa niya at iyon nga, may mga sugat-sugat. Halatadong sariwa pa dahil may dugo pa ang ilan sa mga gasgas niya. Nakayapak lang din siya!

Nakangiwing tinitigan ko ang mukha niya. "N-Naglakad ka papunta rito?"

Napamura ako sa isipan ko. Alam niya ang apartment na 'to dahil dinala ko na siya dito noong bago kami maghiwalay. Matagal na panahon na iyon kaya hindi ko alam na natatandaan niya pa ang daan patungo rito.

Saka paano kung hindi na ako dito tumutuloy? Edi nawala na naman siya?

Napabuntong-hininga ako. "Gagamutin na 'tin 'yang paa mo."

****

Nanginginig ang mga kamay na pinagbuksan ko ng pinto si Ginger.

Nakangiti siya sa akin nang makita ko siya pero ako naman ay pinagpapawisan ng malapot dahil sa kaba.

Ginabi siya ngayon pero parang ang saya-saya niya pa. Akala ko pa naman hindi siya dito matutulog. Madali ko na lang sana mapapatulog si Grie dito para ihatid ko na lang bukas.

Jusko. Ako kasi sana ang maghahatid sa kaniya pauwi pero ayaw niya! Naghatakan kami buong maghapon pero walang nangyari!

"May problema ba, Saki?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Tumango ako ng marahan. "O-Oo. May problema."

Agad na dinala ko siya sa gawi ni Grie at halos malaglag ang panga niya nang makita niya ang isang Amberson na nanonood ng DVD niyang Spongebob sa TV.

"What the fuck?! Anong ginagawa niya rito?!"

Napakamot ako. "Hindi ko rin alam. Pinapasundo ko siya kay kuya Caleb pero hindi naman dumating ang lalaking 'yon."

"Bullshit!"

Nanggagalaiting tinitigan ni Ginger si Grie na kasalukuyang nanonood na sa aming dalawa. Hayun na naman ang titig niyang mapang-asar.

"Umalis ng bansa si AC kanina lang. Walang susundo sa kaniya!" inis na sabi muli ni Ginger.

Mabilis niyang nilapitan si Grie. Pero biglang tumayo ang baliw at agad na nanakbo palapit sa 'king direksiyon. Nagtago siya sa likod ko at agad na yumapos sa akin!

"What the?" gusot-gusot ang mukha ni Ginger.

Fuck! Ano bang trip ng lalaking ito at —

"G-Grie!" Agad na tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa bandang leeg ko. Natanggal ko nga, pero lumipat naman ang mga braso niya sa baiwang ko!

"P-Pota ahehehe." Patay na. Nag-igting ang panga ni Ginger. Handa na siyang pumatay!

Pilit na tinatanggal ko ang mga braso ni Grie. Pero walang epekto! Parang bakal iyon sa sobrang tigas ng pagkakayakap sa akin!

Nag-aalangang tiningnan ko si Ginger. Pulang-pula na ang mukha niya sa galit. Marahan siyang lumakad palapit sa gawi namin ni Grie. Malakas ang tibok ng puso ko dahil sa matinding kaba.

"G-Ginger. Anong gagawin mo?"

Umangat ng gilid ng labi niya. "Ano pa ba? Edi manggugulpi."

H-Ha?

Akmang hihilahin niya na sana si Grie nang bigla itong magsisisigaw habang nakayakap sa akin.

"WAAAAHHHHHHHHHHHH!"

Potek!

Kapwa kami napatakip ni Ginger sa mga tainga namin.

Iyong sigaw ni Grie ay parang nananadya!

Sa totoo lang ay hindi ko pinangarap ang ganitong buhay.

Gusto ko lang naman na mamuhay ng normal.

Simple lang ang gusto ko, ang makasama ang lalaking makakasama ko sa pang-habang-buhay.

Isang lalaki lang ang gusto kong makasama at makatabi sa kama sa pagtulog—hindi dalawa!

Tulala akong nakatitig sa kisame habang napapagitnaan ako ng dalawang malalaking tao. Muntikan na silang magpatayan kanina. Paunahan kasi sila kung sino ang unang tatabi sa 'kin.

Patay ka sa 'kin, Antonio. Peste ka talaga sa buhay ko. Tsi-tsinelasin kitang ipis ka kapag nakita kita!

Tulog na ang dalawa sa magkabilang gilid ko. Habang ako naman, eh, hindi komportable. Ang sikip-sikip kaya. Isama mo pa na ang babango ng mga katabi ko.

Nagulat ako nang biglang umangat ng kaunti si Grie mula sa kaniyang puwesto.

Gising pa siya!

Ang puwesto kasi namin sa kama ko ay: ako, sa gitna, si Grie, sa pinaka-gilid, katabi niya sa kabilang side ay ang pader, si Ginger naman ay nasa pinaka-unahan ng kama.

"Matulog ka na. Ihahatid ka na lang namin bukas."

Hindi kasi namin siya naihatid kanina pauwi sa kanila kasi gabing-gabi na at saktong wala nang gasolina ang sasakyan ni Ginger.

Ngumiti siya sa akin bilang tugon. Bahagya siyang umupo at ubod ng lakas na tinulak pababa si Ginger! Dinig ko ang malakas na pagbagsak ng kawawang lalaki sa sahig.

Mabilis ang pagbangon ni Ginger. Kahit na inaantok ay alam niya nang si Grie ang may gawa no'n.

"Papatayin kitang baliw ka!" nanggagalaiting hiyaw niya saka sinugod si Grie.

Tumayo ako at lumabas ng silid.

Bahala sila diyan. Basta dito ako matutulog sa sofa.

Tatawag na lang ako ng ambulansiya kapag may namatay na sa kanilang dalawa.

Napabuga na lamang ako ng hangin.

****

Continue Reading

You'll Also Like

1M 31.7K 129
DIM Series #1: Iñigo Valenzona (This is an epistolary) Rozel Roxas had tons of crushes when she was still in Grade 11 and she has always been vocal w...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
13.4M 206K 85
Nananahimik siyang nagtatrabaho sa Canada as an architect when he received a letter from the Philippines, a copy of his Lola's Last Will and Testamen...
11.4M 484K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!