Miss Astig

By cursingfaeri

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... More

About the Book
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Twenty One

58K 909 127
By cursingfaeri

______________________________________________________

Umuwi akong gulong-gulo ang utak ng araw na iyon.

Bakit?

Unang-una. Sigurado ba kayong si Kuya Mason nga iyon? Sa pagkakaalam ko, civil lang kami nun at sobrang dalang lang namin mag-usap. If it doesn't concern about Charlie, we have nothing more to talk about. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko lately sa nangyayari. Ayokong naiilang ako sa kanya. I mean, kapatid ito ni bespren. Nakakainis naman kasi eh. Ba't ba siya parang sinasapian? Hindi naman siya dating ganun ah. Hindi siya yung tipong biglang nangingiti, napapatingin na parang...? Hays.

Even I don't understand what's happening already. I have to fix this. I mean, I have to come and talk to him to lighten things up di ba? Hindi pwedeng parang lagi na lang akong ganito. Tila kriminal na may iniiwasan at pinagtataguan.

Kaya pagnagkita kami, papansinin ko na siya. Tama! Iyon ang mainam kong gawin. Para mawala ang ilangan at tensyon. Yay! Galing ng naisip ko! Hehe.

"Louie.."

Napaangat ang tingin ko at nakita sina Kuya J at Aidan na nagtatakang nakatingin sakin. Hindi ko naitago ang pagngiti ko ng makita ko si Aidan kahit bahagya akong napahiya. Huling-huli na namang nakatingin sa kawalan.

Ano ba yan Kuya Mason!

Ah, I mean.. ang homework! Ah,no.. advance study pala! Tama! Kasalanan nitong libro! Tss.

"Kanina pa ba kayo diyan?" Nasa library kasi ako ngayon, nagbabasa.

Nagbabasa nga ba ako? Bakit di ko na maalala?

"Ano bang nangyayari sayo lately?" Tanong ni Kuya J.

"May sakit ka?" Sabi naman ni Aidan na sinalat pa ang noo ko. Umiling lang ako. Thoughtful mo pre ah. Plus points yan. Ayeee. Hahaha.

"Anong-"

"Wag mo na ngang ikaila. AT WAG NA WAG MO AKONG BIBIRAHAN NG MGA BIBLE VERSES NA YAN KUNG AYAW MONG KUTUSAN KITA DIYAN," babala ni Kuya J ng akmang magpapaliwanang ako na muntik ko ng ikatawa. Hindi pa rin maka-move on? Hahaha.

"Bible verses?" Nagtataka namang tanong ni Aidan na pinaglipat ang tingin sa aming magpinsan.

"Wala naman ah. Bakit ba kayo nandito?" Tanong ko na lang.

Palihim kong sinusulyapan si Aidan. Hello crush. I miss you, you know. Hahaha.

Bilib ako dito kasi ang galing niya magpatay-malisya sa mga pinsan ko tuwing nasa paligid sila. Alam kaya ng mga 'to na magkatext kami? Na minsan nagkikita kami? Na binigyan niya ako ng kwintas? Ano kaya iniisip nito ngayon?

"May pag-aaralan kaming reports," sagot naman ni Kuya J at naupo sa tabi ko habang tapat nito si Aidan na patingin-tingin din sakin. Na-conscious ako kaya pasimple kong pinunasan ng daliri ko ang tungki ng ilong ko. Minsan kasi namamawis eh. Wala lang. Baka bawas ganda points, nakatitig pa naman si crush haha!

"De mag-aral kayo diyan. Nag-aaral din naman ako. Hindi naman ako maingay magbasa," sagot ko at ibinalik ang pansin ko sa libro.

"Talaga lang ha? Sobrang talino mo naman para mag-aral ng ganyan," nang-aasar na tanong ng pinsan ko habang sinilip ang binabasa ko.

Ano problema neto?!

"Dati pa naman akong nag-aaral ah."

"Gusto ko tuloy makilala yang bumabagabag sa isip mo. Tsk, tsk. Ang malas lang niya," sabi nitong iiling-iling pa. Kahit si Aidan ay napapangiti na din. Ano kaya iniisip na kalokohan ng mga 'to?

"Ano ba Kuya?! May nagbabasa o!" Asik ko sabay turo ng libro.

"Sino ba kase?" nangingiti ng tanong ng pinsan ko. "Babae siguro no? Binata na siya uyyy. Hahahaha!"

"Siraulo! Wala no!"

"Sige nga kung hindi ka distracted basahin mo yang libro mo samin ngayon," hamon nito habang si Aidan ay nakamata lang at aliw na aliw na samin. Tss. Kala naman ng mga 'to.

"Ano na namang kalokohan yan Kuya?"

"Basahin mo na, kahit isang paragraph lang. Dali na." Inikot ko ang mga mata ko. Tss. Pagbigyan na nga para matapos na 'to.

Pero sandali.

Teka lang, bakit ganun?

Wala akong maintindihan sa nakasulat?

Ang alam ko nag-aadvance study ako ng History pero bakit parang hindi ko mabasa ng maayos? Nang tignan ko si Kuya J ay halos mapahagalpak na ito sakin.

"O alam mo na bakit?" Tanong nito.

Nangunot ang noo ko. What? Alam nitong hindi na ako makabasa ng libro?

"Nakow Louie! Baliktad ang libro mo kaya malamang wala kang maiintindihan dyan hahahaha!"

Kahit si Aidan ay tawa na din ng tawa habang nakatitig sa hawak kong libro. Tinignan ko ang front cover at napagtantong balikdad nga.

Okay that was funny. At sa harap pa talaga ng crush mo na nakikitawa na din?

"Tse! Sa kwarto na nga ako mag-aaral! Kabagin sana kayo!"

***

Ilang beses akong huminga ng malalim habang papasok ng gate ng school.

Kaya ko 'to!

Busy pa din sa pagbibigay ng bookmarks at flyers ang mga party lists para sa nalalapit na election. Napansin ko ang tarpaulin na kinabibilangan ni Kuya Mason. Ang picture nitong naka-coat na katabi ng tumatakbo namang President samantalang sa baba naman niyon ang iba pang kandidatura sa ilalim ng party list nila.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakamasid sa picture niya. Nakakaengganyo kasing ngumiti ito. Ngayon ko lang din nakita siyang naka-coat dahil kung hindi school uniform ay naka-plain shirt lang siya. Hindi naman to glamorosong tao ayon sa obserbasyon ko.

Hindi ko din halos ito nakitang namimigay ng bookmarks. Sina Charlie at Chan-Chan pa nga ang madalas na nag-e-effort. Bakit kaya tumakbo 'to kung parang tila wala namang gana mangampanya?

Sabagay. Sigurado akong sa ngiti pa lang nito ang dami na nitong mahahakot na boto. Syempre iboboto ko din siya kasi kapatid siya ni bespren eh.

Yun lang yun ha? Alam ko yang iniisip niyo. Ang sagot ko diyan... WALA at HINDI. Bleeh.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad ng maka-receive ako ng text mula kay Aidan. Hindi ko na naman mapigilan ang mapangiti.

Aidan_(^_^)_:

Sino yung iniisip mo? Yung nagturo sayo magbasa ng baliktad ang libro? :)

Hindi ko napigilan ang mapangiti sa sinabi niya. Gago 'to ah. Ang aga-aga mang-asar.

Me:

Ba't ka ba interesado? 

Aidan_(^_^)_:

Uhm. Wala lang. Sige, wag mo na lang sabihin. :)

Me:

Wala naman talaga akong balak sabihin. Bahaha 

Aidan_(^_^)_:

Daya. Kala ko ba close tayo? :)

Me:

Akala ko din eh. Hahahaha.

Sarap talagang asarin nito, hindi napipikon. Hehe.


Aidan_(^_^)_:

Salbahe ka talaga! Anyway..gusto mo bang kumain sa labas bukas? :)

.

.

.

Eh? Kinabahan ako syet! Totoo ba to? Nilapit ko pa lalo ang screen sa mukha ko kung tama nga ang pagkakabasa ko kaya kandaduling ako sa pagtingin.

Tama naman. Hihi.

Busy ako sa aking kilig moments ng may nag-abot ng bookmark sakin.

"Please vote me this coming election..."

Kinuha ko ang bookmark. Uy si ano 'to ah...

"Oh shooo- ay kabute!"

"O bakit?" Tanong ni Mason.

"Kuya naman eh! Ba't ka ba nanggugulat?!"

O ayan ha? Kinausap ko na siya.

"Huh? Hindi naman ah," ngunot-noong tanong nito.

Oo nga no? Nagulat lang talaga ako ng lapitan niya.

"Ah hindi ba. Okay. Sige po. Iboboto naman talaga kita," hindi ko napigilang sabihin dito na ikinangiti nito.

Napangiti din tuloy ako. Kung nakakahawa ang ngiti nito sa picture, mas lalo pala sa personal.

Tigilan mo na yan Kuyaaaa! Yung goosebumps ko!

"Ah ano po, sige po. God bless sa election. Alam ko namang mananalo ka," paalam ko dito bago tumalikod at mabilis ng naglakad. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Nakakailang kasi talaga siyang kasama eh. Malay ko ba anong vibes meron yun. Hahaha.

Nagvibrate ang cellphone ko. Vibrating lang kasi iyon kapag nasa school ako. Tumatawag si Aidan. Syeks. Onga pala hindi pa ako nakakareply sa kanya.

"Aidan."

"Ano? Pwede ka ba bukas? Saturday naman. Ako na lang susundo sayo after ng self-defense class mo."

"N-Naku wag!" Baka malaman pa sa bahay, pagagalitan ako nina Tita at siguradong makakarating ito kay Mama.

"Bakit naman? Hahatid naman kita sa bahay niyo. Ipagpapaalam kita. Kakain lang naman tayo at gagala ng konti," sabi nito.

"Kasi...Uhm. Ganito na lang. Magkita na lang tayo sa mall. Or doon mo na lang ako sunduin sa 7 eleven. Yung malapit sa school?"

"Bakit doon pa? Anong gagawin mo sa school?"

"Basta nga doon na lang. Ayaw mo ba?" Dami naman nitong tanong. Sana pumayag. Syempre ayoko nga may makaalam o makakita samin na magkasama no! Lalung-lalo na sa bahay. Eh bawal nga yun. Hays.

"Sige sa school na lang. Basta sure na yan ha?"

"Oo." 

"Okay sige na. Ingat ka diyan."

"Kaw din. Bye."

Did I just scheduled myself a date with Aidan? Hmmmmmp. Bahala na. Kinikilig ako na kinakabahan na ewan.

First date! First date! First daaate!

Continue Reading

You'll Also Like

219K 5.3K 29
Sino'ng may sabing Love has a gender ? At sino'ng may sabing Love can't wait? Meet Amber Ysabelle Valdez-babaeng-babae man ang kanyang pangalan pero...
174K 4.1K 53
Mean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa k...
146K 3.1K 50
Ano nga ba ang panganib na dulot nang pagiging GANGSTER sa pamilya ni ZOE AT ALVIN? Start: Feb 13 2014 End: April 27 2016 Thank you for still voting...
THE EXCAVATE | SEQUEL By M

Mystery / Thriller

66.2K 2.1K 35
[Sequel of Shimmara Academy] After the explosion, Nhean found herself alone in the outside world. As she mourned from the loss of her friends and her...