"You'll walk here and get in or I'll carry you to get inside this car?!" Galit na sigaw nito
"RHIAN GET INSIDE THIS FUCKING CAR NOW!" Pinalo nito ang bubong ng kotse
Nakatingin lang sakanya ang kausap. Lumakad ito palapit kay Rhian at akmang bubuhatin nga pasakay ng kotse.
"I can manage." Sabi ni Rhian at mahinang tinulak si Glaiza
"What's with you Rhian?! Ano ba?! Bat nagkakaganyan ka?! Kanina lang okay tayo ah!" Sunod sunod na tanong ni Glaiza tumaas rin ang boses nito mabuti na lang at walang mga tao sa lugar
"What's with me? What the hell Glaiza?! Bakit ba ang manhid mo?!" Lumuluhang sagot ni Rhian
"Anong manhid? Ano bang sinasabi mo Rhian? Hindi kita maintindihan!" Sabi ni Glaiza at nilapitan si Rhian para sana punasan ang luha nito pero lumayo lang ito sakanya
"Glai.. I think I'm falling inlove with you."
"You're kidding right? If nabo-bother ka about what happened kanina sa elevator okay I'm sorry. Sorry." Sabi ni Glaiza habang nakataas ang mga kamay "I'll take you home please?" Inilahad nito ang kamay kay Rhian
"I'm fine."
Sakto naman at dumating ang isang taxi at tumigil ito sa tapat ni Rhian
"Drive home safe Glaiza." Sabi ni Rhian at sumakay na ng taxi
~
"Hi Chynns. Pwedeng mag overnight?" Bungad nya sa kaibigan nang mabuksan nito ang pinto ng condo unit
"Oh? Tsong bakit ganyan mata mo?" Tanong nito at hindi pa rin pinapapasok si Glaiza
"Pwedeng papasukin mo muna ko?" Sabi ni Glaiza at mahinang tinulak ang kaibigan tsaka humiga sa couch
"Ano ba talagang meron?" Tanong pa rin ni Chynna at isinarado na ang pinto ng unit nya
"Ewan ko ba. Hindi na naman siguro kami nagkaintindihan"
"Wait hulaan ko. Si Rhian no?"
"Sino pa ba." Sagot ni Glaiza at umupo ng ayos
"Beer?" Tanong ni Chynna
Tumango na lang si Glaiza. Pagbalik ni Chynna dala nito ang isang tray na may anim na beer
"Story?" Tanong Chynna at binigyan ng beer ang kaibigan
"May meeting kanina about sa Sundown Beats and okay na okay naman kami before that magkasabay pa nga kaming pumunta sa venue sinundo ko sya. Pero after nung meeting nagtext sya sakin hindi raw sya sasabay magca-cab na lang daw sya. She even lied to me! Nakasakay na daw sya sa cab but then I saw her waiting infront of the building!"
"E ano ba kasing ginawa mo during the meeting?"
"Si Patty you know Patty right? She's beside me so ayun nung tumabi sya sakin biglang uminit ulo ni Rhian hindi ko nga sya makausap during the meeting so si Patty lang yung kausap ko."
"Ayun. Nagselos yun Tsong manhid ka kasi e." Natatawang sabi ni Chynna at uminom ng beer
"Manhid? Nagselos? Baliw ka ba?" Naaasar na sabi ni Glaiza
"Tsong naman. Alam ko namang may something sainyong dalawa e. Remember last time? Yung nakwento mo sakin about dun sa ipis sa unit nya? Nandun ka sa tapat ng condo building nya. Ano nga bang ginagawa mo dun? Nag aabang ng himala? At! Sa pagkakaalam ko takot ka rin sa ipis ah? Bakit nung time na yun nakapatay ka ng ipis ha?" Natatawang sabi ni Chynna at tinapikng bote nya ang hawak na beer ni Glaiza "Cheers!?" Pangaasar ni Chynna
"I was about to visit her that night." Depensa ni Glaiza
"Oh come on Glaiza you can't lie to me I am your bestfriend I know you."
"Do you think I'm falling inlove with her?" Tanong ni Glaiza
"Hindi naman ako ang makakasagot nyan Tsong."
"Hindi pwede tong nararamdaman ko." Napayuko si Glaiza "We kissed."
Muntik nang maibuga ni Chynna ang beer na ininom nya. "YOU TWO KISSED?!"
Glaiza nodded "She kissed me. And I kissed her back. But I think that was just nothing."
"Nothing?! Nagkiss kayong dalawa tapos nothing lang?"
"Arrrgggghhh!! Hindi ko na alam. Gulong gulo na ko! You know what? She told me a while ago she's falling inlove with me!"
"Alam mo naman siguro ang consequences kapag inamin mo sa sarili mo yan right? Tama na yang inom mo matulog ka na." Kukunin sana ni Chynna ang beer na hawak nito pero pinalo ni Glaiza ang kamay nya
"Just for tonight let me drink."
~
Nakaupo lang si Rhian sa isang bench. Nasa isa syang park at magisang nakatitig sa fountain. Mga lamp post lang ang nagpapaliwanag sa lugar.
Am I jealous over them? Bakit ba ko magseselos e hindi naman kami. God!! Rhian ano ba. Hindi mo nga pwedeng aminin diba? You know the consequences kapag inamin mo! Pero umamin ka kanina gaga ka talaga Rhian.
She was about to call her driver nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Shit." She uttered at naghanap ng masisilungan
Pumunta sya sa ilalim ng isang malaking puno pero kahit anong gawin nya ay nauulanan pa rin sya. Kinuha nya ang cellphone nya at dinial ang number ng driver pero hindi ito sumasagot.
"Come on!" She's now frustrated
She dialed Chynna's number after seconds of ringing sinagot ito ng kaibigan
"Hi Chynna. I'm near your condo building can you pick me up? Im sorry I know it's late but I have no car. Nandito ako sa park."
"Ha? Bakit magisa ka dyan?! Wait. Wait. Nandito si Glaiza sa unit e."
Napatigil si Rhian. "She's there?"
"Oo ayaw nga magpaawat pag inom kanina pa. Wait pupuntahan kita dyan"
"Uh. No! No! Thank you na lang. I'll just call Bianca her condo is also near here sa place. Thank you Chynns" She lied
"Are you sure?"
"Yup."
Rhian ended the call. Gusto nyang puntahan si Glaiza pero pinipigilan sya ng isip nya baka kung ano pa ang isipin ni Chynna.
Pero bakit nag-iinom sya? She doesn't drink alcohol right?
Lumalakas na lalo ang ulan pero hindi pa rin nakakaalis ng park si Rhian. Nilalamig na nga sya dahil sa sobrang nipis ng suot nya. She's still wearing her see through shirt.
Tinawagan nya muli ang driver nya at sa wakas ay sumagot na ito. Nagpasundo sya sa park. Nang dumating ang sundo nya dali dali syang pumasok ng kotse at kinuha ang towel na ipinadala nya sa driver. Nanlamig lalo sya dahil sa aircon ng sasakyan. Masakit na ang ulo nya at sinisipon na sya.
"HACHOO!" Namula ang buong mukha ni Rhian
"Ma'am? Okay lang po kayo? Gusto nyo po dumiretso na ko sa hospital?" Tanong ng driver nyang si Arnel at tinignan si Rhian sa front mirror
Natawa naman si Rhian at umiling "Hindi na Kuya Arnel okay lang. Just bring me to my condo building wag na lang sa bahay."
~
Napaupo si Glaiza dahil sakit ng ulo na nararamdaman nya. Halos alas tres na ng umaga nang tumigil sya sa pag-inom.
"Shit." Bulong nya at hinilot ang ulo
"Oh ano Tsong? Bangag ka no? Ikaw naman kasi sabi ko tumigil ka na pag inom diba?" Sabi ni Chynna at binigyan ng kape ang kaibigan "Tumawag sakin si Rhian last night. Nagpapasundo nasa park daw sya wala daw syang sasakyan so susunduin ko na sana kasi malakas yung ulan pero nung sinabi kong NAGLALASING ka sabi nya wag na lang daw."
Napa-angat ng tingin si Glaiza sa nakatayong kaibigan "Umuulan? Tapos nasa park lang sya?"
"Oo nga bingi lang? Wait may cotton buds dun sa medicine cabinet ko e gusto mo itry?"
"Ibato ko kaya tong kape ko sayo?" Banta ni Glaiza
"To naman di mabiro! Joke lang e. Dapat ata hindi mainit na kape binigay ko sayo. Dapat ata shake." Tumatawang sabi ni Chynna
"Siraulo. Teka anong oras yun? Bakit di mo sinabi sakin?"
"Wow Tsong! As if naman masasabi ko pa sayo e bangag na bangag ka na dyan sa couch! Kinakausap mo na nga sarili mo! Sabi mo oh 'Alam mo Glaiza *hik* hendi ku halam hung krash mhooo nga sheeee *hik* Rhe *hik* Rhian'" Napatawa si Chynna sa paggaya sa kaibigan "Grabe Tsong hindi ko alam kung lasing ka ba kagabi o may lahing alien ka."
"Siraulo ka talaga." Binatukan nya si Chynna tsaka inabot ang cellphone sa lamesa at tinext ang number ni Rhian
To: Rhian
Hey. Nasabi sakin ni Chynna you were at the park last night. Are you okay?
"Ayun. Concerned Galfrend." Pang aasar ni Chynna at nagtatakbo sa kwarto nito
Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin nagrereply si Rhian.
Galit ka pa rin ba? Namimiss na kita. Bulong ni Glaiza
~
You know the DRILL. THANK YOU :)