Dayreen's POV
Unang kita ko pa lang kay Young Princess, I mean kay Bow ay happy go lucky. Pero nung hinagisan niya ako ng kunai at shuriken, nakakatakot pala siya. Mabuti na lang mabilis ang reflexes ko. Kaya ka niyang patayin sa isang iglap lang kung gugustuin niya pero kapag nakipaglaro siya sa'yo, mas lalo kang mahihirapan. After nang away namin na muntik na akong matamaan ng kunai, tinulungan niya pa ako at ngumiti siya sakin. I mean, seriously? Pagkatapos niya akong muntik patayin, ganun ang magiging reaction niya? May sayad sa utak si Bow. J personally chose me as the bodyguard of Young Princess, sa maniwala kayo at sa hindi, I am the top 1 agent in our Orbit Security Organization, pero natalo lang ako ni Bow. I am not insecure with her, I was amazed the way she moved. So I decided that I will train more to improve my skills, lalo na ngayon na gumagalaw na ang kalaban at unti-unti na nilang nakikila si Bow at hindi siya pwedeng kunin samin.
***
Gumising ako ng maaga at nag-ayos. Lumabas ako at hinintay si Bow sa sofa. Mayamaya bumaba na siya at nakita kong all black lahat ang suot niya. Nakablack skinny jeans, Black Chuck Taylor high cut shoes, printed Naruto shirt, black wristwatch at merong ponytail sa right wrist niya. Meron ring chain sa pocket niya, I think wallet niya 'yun.
Tinignan niya ko.
"Good Morning Reen!" masiglang bati niya sakin.
If I didn't know that she's our Young Princess, I would think that she's a free worry girl. Parang walang papatay sa kanya.
"Good Morning Bow" bati ko.
Lumapit siya sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Nice outfit"
I slightly smiled.
"Thank you" sabi ko
"But I guess, you love dresses. Kung saan ka comfortable na damit Reen yun ang suotin mo baka mamatayan ako ng bodyguard. Breakfast muna tayo before pumasok sa school" sabi niya at pumunta ng kusina.
How did she know?
"Napansin ko kasi sa laban natin kagabi, hindi ka sanay magrubber shoes" sigaw niya kaya napapunta naman ako sa dining table.
Tama nga si J, ibang klase si Young Princess.
***
Her POV
Nasa cafeteria ako kasama si Myth at Reen nang nagsitilian ang mga girls. I frowned.
"May artista ba?" inosenteng tanong ko kay Myth.
She just chuckled.
"Nope. It's our hearthrob campus Bow"
Tumaas ang kilay ko.
"Wattpad ang peg?" tanong ko
Nakita kong napanganga naman si Myth sakin.
"What?"
"You mean, nagbabasa ka ng wattpad Bow?" Myth
"Hmm. Yeah? Krimen ba ang pagbasa?"
"Hindi naman. Ahm. Nagsasalita ba 'tong si Reen?"
I tsked! Magaling talaga 'tong si Myth umacting, sa ibang tao para siyang lampang nerd at hindi makabasag pinggan pero kapag kausap ko na umiiba. Tss! Hindi ko pa natatanong kung anong mission niya sa school at hindi ko rin sinasabi sa kanya na ako ang may ari ng school, hindi naman siya nagtatanong.
I already introduced her to Reen pero nagkatinginan lang sila na para bang magkakilala na sila?
I looked at Reen at tinitignan ang mga tao kung saan nagtitilian.
"She knows how to talk if you talk to her Myth. All this time, kilala niyo naman ang isa't isa"
Napatingin naman sila sakin na dalawa.
"I am just kidding. Wag kayong maging defensive" sabi ko at lihim akong napangiti.
Tumango lang silang dalawa na para bang nag-uusap. Bahala sila.
"Sino na kasi 'yun Myth?" Tanong ko na cucurious.
Nasa dulo na kami ng cafeteria kaya ang lakas ng loob ni Myth na kausapin ako ng malaya dahil wala namang masyadong tao dito.
"The Galaxy" tipid na sagot ni Myth.
Tinignan ko ng mabuti ang mga lalaking nakaupo na ngayon at pinagnanakawan ng tingin ng mga babae na may kasamang kislap at kilig sa mga mata nila.
Napangiwi naman ako sa nakikita ko. Tatlo silang lalaki, hindi ko pa sila nakita dito sa school simula nagstart ang klase.
"Galaxy? Bakit Galaxy?"
I frowned.
"They are Mafia too Bow, heir din sila. Hindi ko pwedeng ipaliwanag sa'yo kung ano ang Galaxy pero malalaman at malalaman mo rin"
"Then, tell me who are they?"
"Sure. The one who has chinito eyes, that is Clone Water Webb. He's serious and creepy, their family business is the famous Webb Shipping Line Company. He's intelligent and he excels in sports but he hates dancing. The red hair boy, he's Zurich Fire Sy, he's calm. He's the talented in their group, he knows how to sing, dance and play instruments but if he will get mad, asahan mong sasabog ka. His family is the owner of the coolest Sniper Company. And the last one, ehem Reen"
Tumingin naman si Reen kay Myth.
"Oh?"
"Please do the honor to introduce the last guy" she smirked.
Reen glared Myth first before she answered.
"Fine! He's Plane Rhann Siazon, they are the owner of Siazon International Airport. He's so mahangin, unpredictable, and he loves to sing. Makulit at malambing and I think... he's a playboy"
"After you broke his heart" sabi ni Myth
Reen rolled her eyes.
"Shut up Myth. I know you have a crush on my ex"
Namula naman si Myth.
"Enough. Kung may issue kayong dalawa, pwede wag kayong mag-away sa harapan ko? Kung hindi ka pa nakakamove on Reen, magmove on ka. At tsaka ikaw Myth, may mission ka kaya wag ka munang umibig dyan. Tsk! So, sila lang na tatlo?"
"Nope. Yung leader nila, wala" Myth
Bigla ulit nagtilian ang mga girls nang may pumasok sa cafeteria at nagsalubong ang mga tingin namin. I rolled my eyes.
"Don't tell me, Heaven Kalvin Laude is the leader?" tanong ko at tumingin kay Reen
"He is" Reen
"So, he's a Mafia" sabi ko na lang at tumango-tango ang dalawa. Napatingin naman silang apat sa gawi naming tatlo.
Nakita kong nagulat si Rhann nang makita niya si Reen at naging madilim ang aura niya. Amused akong tumingin kay Reen at nakita ko siyang nakayuko.
"Don't look down Reen, just show him that you moved on"
Tinignan naman ako ni Reen and she smiled.
"Good" sabi ko
Bigla namang sumulpot sa unahan namin ang chicks ni Langit na may kasamang tatlong babae.
"Ang lakas talaga ng loob mo Bitch na tumingin sa boyfriend ko!"
I chuckled.
"Really? Hmm. Hindi ba pwedeng tumingin kung sino ang tinitilian nila sa cafeteria? Ang ingay kasi, hindi kami makakain ng maayos"
"Akin na yan!" sigaw niya sa katabing babae niya at kinuha ang isang mangkok.
"Wag na wag mong aagawin sakin si Heaven!" diin na diin niya sabi sakin.
I smirked.
"Kung hindi siya magpapaagaw" sabi ko at bigla niya akong binuhusan ng noodles sa mukha. Wala naman akong naging reaction. My bodyguard will save me.
I heard the crowd's gasped.
Tumayo naman si Reen at hinawakan ang kamay ni Missy at binalibag ito.
"Aray!" daing ni Missy kaya mas lalong nakuha namin ang atensyon ng mga tao at kasama na silang apat.
"Say sorry" cold na sabi ni Reen at bigla namang natakot ang mga kasama ni Missy.
"Bakit ako magsosorry sa haliparot na 'yan?!"
I saw Reen's jaw tightened, pati na rin si Myth. Mukhang hindi siya makakapagtimpi.
Mas hinigpitan pa lalo ni Reen ang paghawak niya kay Missy ng lumapit si Rhann.
"Get your dirty hand to Missy" cold din na sabi ni Rhann
Kung ganito ang usapan palagi, feeling ko magkakasnow eh. Tss! Insert sarcasm here -_-
"You didn't know what happend here" Reen
"I saw it with my two eyes. Sinaktan mo si Missy"
Biglang sumabat si Myth. Sabi ko na nga ba eh, hindi talaga makakapagtimpi 'to.
"Excuse me Mr.Siazon, you didn't see what happend. Nakita mo 'to?" Tinuro niya ko.
"Missy did that!" inis na sabi ni Myth and Missy glared at Myth.
Tinignan naman ako ni Rhann and I gave him a blank stare.
"Let go of my hand!" sigaw ni Missy
"Say sorry" sabi ulit ni Reen.
"No!" Missy
"Just let her hand go DV"
I saw Reen stiffed.
"Ass-hole! Kailangan mo talagang gamitin ang pangalan na 'yan sa kanya?"
Tinignan naman ni Rhann si Myth na galit na galit.
"You called me an asshole Nerd?" Rhann
"Are you deaf?" Myth
Nilapitan ni Rhann si Myth face to face. I can say na magaling magtago ng kaba si Myth.
"You will regret this day Nerd! You will!" Rhann gritted his teeth at umalis papunta sa table nila.
"Magsisisi ka Nerd dahil binangga mo ang isang Plane Rhann Siazon"
Akala ko hindi lalaban si Nerd, but I saw her smirked on Missy at ayun nga gulat na gulat si Missy.
"Magsisisi rin siya sa ginawa niya sa kapatid ko" Myth
I frowned.
"Bow and Myth, let's go" sabi ni Reen habang 'di pa niya binibitiwan si Missy. Tumayo ako at pumunta kami sa side ni Reen at pasimpleng binitiwan ni Reen si Missy at inapakan niya ang isang paa ni Missy.
"Aray!" sigaw ni Missy.
"O? Hindi rin ako magsosorry ah? Patas na tayo" cold na sabi ni Reen. at umalis na kami. Pumunta kami ng banyo.
"I'm sorry Bow"
"Don't be sorry Reen, kahit hindi ko man alam kung anong nangyari between you and Rhann, alam kong nagmomove on ka pa. Magagalit talaga ako sa'yo kapag natamaan ako ng baril. Noodles lang naman 'to"
"Hindi na mauulit" sabi ni Reen at tinawagan si Butler J para ipadala ang gamit ko.
"What are you doing?" tanong ko kay Myth
"I'm just making sure na walang tao sa C.R, mahirap na"
"May nahanap ka?" Reen
"Wala" Myth
"Tell me Myth, sinong tinutukoy mo na kapatid mo?" Ako
She sighed and she looked at Reen.
"Oh? Magkapatid kayong dalawa?" tanong ko at tumingin sila sakin na para bang,
'How did you know - look'
I shrugged.
"I'm just guessing. Ex ni Reen si Rhann, tapos crush mo si Rhann"
"Okay. Me and Reen are half-sisters. Kapatid ko siya sa ina" Myth
Hindi ako nagreact.
"To make the story short, ako ang panganay, namatay si Dad because of the ambush when I was 2 years old, then tinulungan kami ni Tito, who is the father of Reen, then, 'di nagtagal nagpakasal din si Mama at si Tito, ayun nabuntis si Mama at si Reen ang bunga" paliwanag ni Myth
"So, I guess I know your mission. But I really don't know what happened to the three of you" sabi ko
Magsasalita sana si Reen.
"It's your privacy Reen and Myth. Total hindi niyo rin naman ako kilala masyado, kaya okay lang. Let's go?" sabi ko at umalis papuntang parking lot, dun ako magbibihis sa Van, baka may cctv sa C.R eh.
***
Rhann's POV
"Let's eat" Fire
"Libre mo?" tanong ko kay Fire at binato ako ng unan at tumawa lang ako.
Nandito kami ngayon sa Galaxy room. Sadyang pinagawa 'to ni Kalvin para dito kami magplano ng mga mission namin.
"Saan si Kalvin?" Clone
"Dunno" Fire
"Tara na nga! Nagugutom na ko eh"
Tumayo ako at lumabas ng Galaxy Room, alam ko naman na susunod ang dalawang 'yun. Tinext ko na rin si Kalvin na nasa cafeteria lang kami.
Dumaan ako sa hallway ng IT Department at nagsitilian naman ang mga girls.
I showed my killer smile at mas lalong lumakas ang tilian. Sabi na eh, gwapo ako. Bigla namang umakbay sakin si Fire.
"Wag kang assuming Bro, nakita nila kami eh" Fire
"Ulol! Mas gwapo ako sa'yo!" sabi ko at tumawa lang kaming dalawa. Tumingin naman ako kay Clone. Pamysterious effect pa ang gago, pero kapag kami ang kasama lumalabas ang pagkagago.
May usapan kaming apat na hindi naming pwedeng ipakita ang tunay naming ugali, minsan kasi kapag pinakita mo ang soft side mo, someone can take you for granted at mas mahirap din na makipagfriends dahil mapapahamak lang sila. Mas okay na kinakatakutan kami sa school na 'to kesa naman may namamatay na mabuting tao.
Nang dumating kami sa Cafeteria at nagsitilian na naman sila. Malapit na talaga akong maniwala na mga human megaphone ang mga girls, kung makatili eh parang wala kaming ear drums. Hahaha!
Umupo kami at hinintay si Kalvin.
"Someone's looking us" sabi ni Clone
"Marami naman talagang nakatingin satin Clone, sa gwapo nating 'to? Pero syempre, mas gwapo ako. Haha"
"Plane" Clone
I became serious, when he says my first name.
"Sino ba?" Fire
"I don't know. Pero ang alam ko isa sa mga babaeng nakatitig satin" Clone
Ililibot ko na sana ang tingin ko ng dumating si Kalvin. He looked at us and we nodded.
Umupo siya pero hindi siya nakatingin samin. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang isang babaeng ayaw kong makita hanggang sa mamatay ako. I admit, I was shocked. I thought she's in Brazil, engage sa pangit niyang ipinalit sakin.
Biglang pumunta si Missy sa table niya. Tumahimik ang buong cafeteria at mas lalong naririnig namin ang pinag-aawayan nila.
"Grabe Kalvin, ang possessive ni Missy mo" sabi ni Fire at tumingin ako kay Kalvin, nakapoker face lang siya.
I don't know if Missy and him are in a relationship.
"Wait. Is that Reen?" Clone
The people gasped and I looked at her, she was holding the wrist of Missy and she turned it around. At kailan pa siyang natutong manakit ng tao? Ah. Oo nga pala, isa na ako dun. Leche! Sa gwapo kong 'to lolokohin lang ako? Siya ang nawalan, hindi ako.
I stood up and went to Missy.
"Get your dirty hand on Missy"I said coldly.
"You didn't know what happend here" she said na para bang hindi man lang naapektohan sa presence ko.
"I saw it with my two eyes. Sinaktan mo si Missy" sabi ko ulit
"Excuse me Mr.Siazon, you didn't see what happend. Nakita mo 'to?" Tinuro ni Myth ang isang babae na nakaallblack.
"Missy did that!" Myth
I looked at the all black girl and she gave me a blank stare. Nakita kong may mga noodles ang damit niya.
Sht! She's creepy! She's creepier than Clone. Who's she? Nak nang! Si Plane Rhann Siazon, natatakot sa babae?! Shit! No!
"Let go of my hand!" Missy shouted.
I avoided my gazed.
"Say sorry" sabi ulit ni Reen.
"No!" Missy
"Just let her hand go DV" sabi ko, I know when I say her nickname, she will let go the hand of Missy.
I saw that DV was shocked.
"Ass-hole! Kailangan mo talagang gamitin ang pangalan na 'yan sa kanya?"
Myth shouted at me madly.
"You called me an asshole Nerd?" I coldly asked
"Are you deaf?" Myth
Wala pang babaeng nagsabi sakin na ass-hole. I went to her, face to face.
"You will regret this day Nerd! You will!" I said while gritting my teeth.
Swear to the rock, I will punish you Myth Green for calling me an ass-hole and I went back to the table.
"Bakit ka nangialam?" Kalvin
"I thought you're already moved on Rhann" Fire
"Shut up! I already moved on, but I am going to punish that Nerd!" inis kong sabi
"Whoah! Magkapatid ang paghihigantihan mo? Across the line na 'yan" Fire
"Myth called me an ass-hole!"
Fire smirked.
"So, you're affected huh?" Fire
Hindi ko na lang pinansin si Fire.
"Who's the all black lady Kalvin?"
"She's the unknown girl. Why?" Kalvin
"She's something Kalvin, even her stare, she's creepy Bro"
"Natatakot ka?" Clone
"Of course not! But I'm warning you Clone, she's creepier than you"
Bigla naman sumeryoso ang mukha naming apat.
"Bakit kasama ni Reen at Myth ang babae na 'yun?" tanong ni Fire.
"At bakit nandito si Myth at Reen sa school natin?" dagdag niyang tanong.
"Let's investigate" napatingin naman kami kay Clone and he's smirking.
***
Unedited ;)
A/N: Sorry :( Late na naman. Sa net cafe lang ako nakapag-update ngayon, naiwan ko ang pera ko sa apartment at 10 pesos lang ang natira sa wallet ko, maglalakad ako pauwi. Alam kong matagal na kayong naghihintay, hindi kasi ako makapag-update dahil palipat-lipat kami ng branch, meron sa Iloilo, sa Aklan at Roxas, kaya ayan, ngayon lang ako nakapag-update tapos naiwan ko pa pera ko. Sorry! Babawi ako sa next update ko. Pasensya talaga.
Lovelots,
cheeve101