Ang Diary Ng Pokpok

By Sentouki

621K 2.9K 269

Diary Ng Pokpok. Lahat ng nangyayari sa kaniya araw araw ay nakasulat sa Diary niya. Walang lihim. ^_^ Rated... More

Diary Ng Pokpok
ADNP #1
ADNP #2
ADNP #3
ADNP #4
ADNP #5
ADNP #6
ADNP #7
ADNP #8
ADNP #9
ADNP #10
ADNP #11
ADNP #12
ADNP #13
ADNP #14
ADNP #15
ADNP #16
ADNP #17
ADNP #18
ADNP #19
ADNP #20
ADNP #21
ADNP #22
ADNP #23
ADNP #25
ADNP #26
ADNP #27
ADNP #28

ADNP #24

9.4K 82 8
By Sentouki

October 5, 2015

Nagpunta muna ako sa club bago ako umalis. Gusto ko kasing magpaalam muna sa mga kaibigan ko.

"Hi!" bati ko sa kanila sa dressing room.

Napansin kong hindi sila masaya.

"Hello Angel." bati ni Rita tapos ngumiti lang si Rosana.

Napansin ko na nakatalikod lang si Mayla. Dahil sa mabait naman ako at hindi niya nagawang paghiwalayin kami ni James, pinapatawad ko na siya. Niyakap ko si Rosana at Rita. Tapos lumapit ako kay Mayla.

"Aalis na ako." namiss ko siya sa totoo lang dahil gabi gabi kaming magkasama. Alam kong masama ang loob niya dahil sa ginawa ko sa kaniya pero masisisi niya ba ako. Siya lang naman ang nakakaalam na may boyfriend akong Kano.

Lumingon lang siya ng konte at sabi niya... "Sige." unti unti niya akong tinignan. Gusto kong umiyak dahil kung magkakatotoo na kami ni James ang magkakatuluyan, isasama ko sa ni Mayla. Dahil hindi na siya iba sakin. Kaso, may lihim siyang galit sakin.

Tumitig siya sakin na parang may gustong sabihin pero tumalikod uli. Sapat na siguro ang pagpapaalam ko para maisip niyang hindi na ako galit sa kaniya. Lumabas ako at ngayon ko naramdaman ang pangungulila sa kanila. Huling pagkikita na namin. Lahat sila may kwento sa buhay at talagang pare-pareho kaming hirap at kailangang gumastos ng malaki kaya kumakapit kami sa patalim. Gusto ko silang tulungan pero ipagdadasal ko na lang sila.

Uuwi muna ako sa inuupahan ko dahil bukas ng umaga ang alis ko. May nakita akong apat na lalake.

Si Don, Jerry, Marlon at Eric. Sila na yun? Paano nila nalaman ang lugar ko? Nasa harap sila ng pinto. Nakita nila ako.

"Angel." tawag ni Don.

"Bakit? Paano niyo nalaman ang bahay ko?" litong lito ako. Ang alam nila may sarili kaming bahay. Okay lang. Aalis na naman ako pero gusto kong malaman kung bakit sila nandito. "Pasok kayo."

Pumasok sila. Umupo dahil room lang naman ang tinutuluyan ko. Walang upuan kaya lahat kami naka indian sit.

"Bakit kayo nagpunta? Paano niyo ako natunton? Sorry guys, nagsinungaling ako." sabi ko kahit hiyang hiya ako.

"Wala yun. Naiintindihan ka namin. Andito kami para himingi ng tawad." sabi ni Don at sinenyasan niya ang iba.

Hingi ng tawad?

"Bakit kayo hihingi ng tawad?"

"Kasi si Amanda eh. Siya ang nagsabi na sa club ka nga nagwowork."

Ano? Bakit nagawa ni Amanda yun?

"Ganun ba?" Kinabahan ako. Akala ko mabait si Amanda.

"Oo, I'm sorry Angel kasi, ako ang may kasalanan ng lahat." sabi ni Don.

Ano kaya yun?

"Don, hindi ko talaga alam ang sinasabi mo."

"Ganito kasi yan. Lagi kang pinagseselosan ni Amanda. Alam kasi niya na ikaw ang gusto ko. Sinabi niya ang lahat. Kaya mo kami nakita sa club ay dahil para patunayan kung totoo ang sinasabi ni Amanda at totoo nga pero maniwala ka, hindi ka namin hinusgahan."

"Sorry ah." wala talaga akong masabi pero ang kinagulat ko pa. Gusto pala ako ni Don kaso si Amanda ang naging girlfriend niya.

Okay lang. Hindi naman kasi ako nararapat sa kaniya kaya nakakapanghinayang lang.

"Pati sa boyfriend mo online siniraan ka ni Amanda."


Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 35.9K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
548K 7.4K 51
Please read the Book 1 first :) WARNING: Not suitable for young readers and sensible minds. It contains graphic sex scenes, adult languages, and situ...
681K 7.8K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...
443K 2.6K 148
Paanu kung ang tukso ang mismong lumapit sa iyo paAnu mO pa kaya malalayuan kung ang init na dala nito ang mismong bibihag sayo